1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 17
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 17

By kingovhell ·

Sinabayan ni Tanya ng lakad ang binata.. Tumingin ito sa kanya .. Kinabahan lalo si Kaloy. Nginitian sya ni Tanya..

"Galit ka ba sakin?" tanong ng dalaga sa kanya. Tiningnan lang din ni Kaloy ang dalaga..

"Bakit naman?" tanong nito.

"After nung kasal ko di na tayo ganong nag usap.. di ko alam pero parang ang weird ng sitwasyon nating palagi." sabi ni Tanya. Napasinghap si Kaloy.

"Sorry sa nangyari sa bahay" sabi ng dalaga.. Napahinto sa paglalakad si Kaloy.

"Bakit ka nag sosorry?" sabi ng binata..

"Basta. di lang kasi ako sanay ng ganito… Pakiramdam ko di ako yung dating Tanya" sabi ng dalaga.. Nginitian sya ni Kaloy..

"Kulang ka na kasi sa tawa..saka sa kulit.. di ka naman dating ganyan.." ika ni Kaloy. Namula ang dalaga.. Natahimik sila.

"Saka ako dapat mag sorry e" ika ni Kaloy.

"Ang laki ng utang na loob ko sayo" dagdag pa nya.. Maya maya'y naupo ang binata sa tabing kalsada.. Nagtaka naman si Tanya kung bakit ito umupo..

"Kailangan nating mag usap Tanya.. andami kong naiisip lagi sa 2 days pa lang tayong nagkakaron ng awkward na ganito after ng wedding mo" sabi ng binata.. Umupo naman si Tanya sa tabi nya..

"Ano pag uusapan natin?" tanong ng dalaga at inihanda na ang sarili sa mga katanungan ng binata. Huminga muna ng malalim si Kaloy. Alam nyang malaki ang magiging impact ng pag uusap nilang ito.. Hindi rin kasi dapat na magkaroon sila ng pag iiwasan kaya kailangang matigil na ito.

"Pupunta akong Amerika" panimula ni Kaloy. Nagulat si Tanya sa narinig .. Bumilis agad ang tibok ng puso nya… Simula pa lang

"Oh ..kelan?? " yun lang ang tanging lumabas sa bibig ng dalaga. Napangiti ang binata sa reaksyon ni Tanya.. Hinawi nya ng buhok na tumatakip sa mata bago nag salita.

"Next month.. naalala mo nung nagwala ako sa bahay nila Aira?" ika ni Kaloy.. Napangiti naman si Tanya ng maalala iyon.. Sumilay ang sigla ng dalaga.

"Ah oo naman…. di ko makakalimutan yun.. grabe.para kang timang nun" sabi ng dalaga,, Kapwa sila napatawa ng mahina sa naalala.

"Iyon ba ipupunta mo dun?" tanong ni Tanya, tiningnan nya ang binata dahil gusto nyang makita ang ekspresyon ng mukha nito kapag sumagot. .Sa limang taon na nakasama nya ang binata ay alam na nya kapag nag sisinungaling ito o hinde.. Napangiti si Kaloy ng mahawi ng mata nya na nakatingin sa kanya si Tanya.. Alam nya na ito,

"Ayan na naman yung tingin mo.. mag uusap tayo ng seryoso kaya wala akong rason para mag sinungaling" sabi nya sa dalaga.. Tiningnan lang sya ni Tanya..

"Sumagot ka muna" sabi nito.. Humingan muna ng malalim ang binata saka ibinaling sa malayo ang tingin..

"Oo.siguro.." sagot nya..

"Nangako ako di ba?" ibinaling ni Kaloy ang tingin kay Tanya at naghintay ng sagot. Iniwas naman ng dalaga ang mata sa binata ng makitang tiningnan sya nito at inilipat sa kanya ng binata ang pressure ng tanong.

"O-oo" sagot ni Tanya pero ang mata'y nakatutok sa iba. Natahimik ulit sila. Dumadaan ang ilang sasakyan sa harap nila pero di nila alintana. Tumatakbo ang oras nila pero wala silang pakialam..

"Mahal na mahal mo talaga sya noh?" tanong ni Tanya sa binata.. Tiningnan nya ito sa mata at hinintay na sumagot. Muling nag iwas ng tingin si Kaloy. Pumulot ng bato at inihagis ito sa malayo.

"Ano ba ang depinisyon ng pag mamahal sayo?" tanong ng binata sa kanya. Napaisip si Tanya.. Tiningnan sya ng binata.. Nagtama ang mata nila..

"Kapag ano… kapag di ako pinapatulog.. iniiyakan ko.. at naramdaman ko yung urge na ipaglaban sya kahit alam kong mali..ayun

..yun siguro ang pagmamahal"Sagot ng dalaga.. Saglit lang ng maisip nyang parang mali ang nasabi nya kaya nilingon nya agad si Kaloy para bawiin ang sinabi.

"Pero yun ay opinyon ko lang ha…Naka depende yun sayo..kung ano ang pag mamahal para sayo" ika nya.. Hindi nakasagot ang binata.

"Ano ba ang pagmamahal sayo" tanong ng dalaga sa kanya..

"Sakin?" ika ng binata.. Tiningnan nya ang kamay ni Tanya at kinuha ang panali ng buhok na nasa braso nito para itali sa buhok nya.. Nagtali ng buhok ang binata bago sumagot. Kinakabhan naman si Tanya sa sasabihin nito..

"Tinalikuran ko ang past ko, inaway ko ang parents nya, nag aral ako.. nag payaman ako.. at nag fake death para lang makasama sya, pag mamahal siguro yun di ba?"Tanong ni Kaloy kay Tanya. Nataranta si Tanya dahil di nya alam ang isasagot nya.. Pero hindi nya ito pinakita sa binata,,

"Ah oo.. sabi ko nga depende sa tin" sagot nya..

"Or pwede kayang obsessed lang ako na makasama sya" tumingin si Kaloy sa mata ni Tanya. Tinitigan din sya ng dalaga ..Sa pagkakataong ito walang nag iwas ng tingin sa dalawa.. Pero sa huli, natalo at bumigay pa din si Tanya..

"An- anong pinag sasasabi mo… kaya ka nga nag mahal di ba kasi na obsessed ka sa kanya.. hinanap hanap mo sya.. di ka pumayag na hindi sya ang makasama mo" sabi ng dalaga.

"Iba ang obsession sa pag mamahal" seryosong sagot ng binata na nakatingin ulit sa malayo.. Nakakunot ang kilay.. Napakunot din ang kilay ni Tanya sa narinig..

"Umayos ka nga .. di kita maintindihan e.. anong ibig mong sabihin" kinabhan si Tanya sa tanong nya dahil seryoso.. ayaw nyang malaman ang mga kasagutan lalo't alam nya ang katotohanan na may dahilan kung bakit mabilis ang tibok ng puso nya ngayon..

"May babae ka na naman siguro noh" biro nito at tumawa ng pilit..Ayaw nya ng sobrang awkward na sitwasyon kaya sinubukan nyang magbiro para maiba ang aura ng paligid nila ngayon.. Pero napamura na lang sya ng titigan sya ni Kaloy.. At aminado sya na malandi na sya kung malandi pero weakness talaga nya ang mga mata ng binata.

"Nagkaganito lang naman ako pagkatapos nung nang yari satin nung kasal mo" sabi ng binata. Natahimik si Tanya.. Nag isip sya ng sasabihin.. Gusto nyang ibahin ang topic pero wala syang masabi..

"Buong buhay ko, binuhos ko lahat sa pag iisip at pagtakda ng sarili ko para kay Aira.. na sya ang buhay ko …sya ang lahat sakin, na ako si John Lloyd at sya si Bea, marami na akong nasaktan,marami na akong nadamay.. pero ang tanong ..mahal ko ba talaga sya??" sabi ni Kaloy.. Napahinga ng malalim si Tanya sa narinig.

"Baliw na baliw ka sa kanya Kaloy tapos tatanungin mo ngayon kung mahal mo talaga sya..anong problema mo..may gumugulo ba sayo" tanong ni Tanya… Sa mga oras na yun ay minura ni Tanya ng paulit ulit ang sarili nya sa pinaka tangang tanong na naitanong nya sa binata.. Hindi bumabagal ang pag tibok ng puso nya at paulit ulit nyang hinihiling na sana wag itong pansinin ng binata..

"Meron" sagot ni Kaloy at tinitigan lang si Tanya.. Pinilit nyang kumbinsihin ang dalagang kaharap sa tingin nya na si Tanya ang tinutukoy nya.. Nanghina si Tanya… Napasinghap sya.. Nalungkot ang ekspresyon ng mukha.. Binaling nya sa iba ang tingin dahil di nya matagalan ang titig ng binata. pero ganun na lang ang gulat nya ng di inaalis ni Kaloy ang tingin nya sa kanya. Tiningnan din sya ng dalaga.

"Kaloy… alam mong pag tiningnan din kita ng matagal e ipapahamak lang tayo ng mga mata natin"Sabi sa kanya ng dalaga, Ngumiti ang binata sa narining..

"Buong buhay ko inisip ko na ang pagmamahal ay tungkol lang sa mga taong minamahal at pinapahalagahan mo.. Ngayon naisip ko… pano yung mga nagpapahalaga sakin"Sabi nito..

"Di mo naman sila kelangang isipin ..masaya sila na napapasaya ka nila.."Sabi ni Tanya na pilit pinipigilan ang binata na itulak ang nararamdaman..

"Tanya… yung 30 seconds sa Mall na kayakap kita.. iyon ang pinaka masayang 30 seconds sa buhay ko.. ginugol ko lahat ng oras ko sa paniniwala na si Aira ang nararapat sakin .Si Aira ang tadhana ko..pero seryoso..Hindi ko na alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon… ito na ba yung love? yung Love na hindi makasarili ..yung love na karapat dapat" sabi ni Kaloy.. Pumatak ang luha sa mata ng dalaga..

"Kaloy ..hindi ito tama.. Alam mong kahit saang angulo mo tingnan mali ito.. Si Aira ang pangarap mo..Si Aira ang tadhana mo..Si Aira ang mahal mo…" hikbi ng dalaga.. Nalungkot si Kaloy sa mga narinig pero mas kinalungkot nya ang pag iyak ng dalaga.. Hindi nya madalas makitang naiyak si Tanya at doble ang sakit na malaman nyang umiiyak ito ngayon sa dahilang di nya alam at di nya sigurado kung ano at bakit.

"May anak na kayo…may pangako ka sa magulang nya ..masaya naman kayo di ba? Wag mo ng paguluhin ulit sitwasyon..Gusto mo ba ulit mawala sya" sabi pa ng dalaga… Naisip ni Kaloy ang mga sinabi. At totoong masakit marinig ang katotohanan. Bakit kasi kailangang mauwi sa ganito ang lahat. At bakit palaging nasa huli ang pag sisisi..

"Pero Tanya.. sinabi mo sakin na mahal mo ako di ba?"Sabi ng binata at pinunas agad ang luhang pumatak. Para silang mga tanga na nag iiyakan sa tabi ng kalsada pero wala silang pakialam. Lalo namang napahikbi si Tanya sa narinig..

"Kaloy..kasal na ako.. "Tanging nasabi nya.. Napapikit si Kaloy ..Ngayon nya naramdaman ang sakit,, Akala nya madali lang lahat.. Akala nya may dahilan pa para magbago ang isip nya sa pag punta nya ng amerika. Pero parang wala na..

"Si Ayesha" ika ng binata.. Nanlaki ang mata ni Tanya sa narinig. Hindi sya nakasagot ..

"Tanya.Si Ayesha" ulit ng binata .. medjo nilakasan nya ang boses nya… Hindi pa din sumagot ang dalaga.. Pinunas nito ang luha..

"Bumalik na tayo sa bahay" sabi ni Tanya at akmang tatayo ng pigilan sya ni Kaloy.

"Tanya please.." tumingin ang dalaga sa binata ang nakita nito ang mata ng binata na punong puno ng pag mamakaawa at hirap..

"Anak ko ba si Ayesha" malinaw na tanong ng binata. Hindi nito inalis ang tinging sa dalaga. Sunod sunod na pumatak ang luha ni Tanya..

"Kaloy" tanging nasabi nya at agad na lang yumakap sa binata. Wala ng nagawa si Kaloy.. Alam na nya ang sagot ..Kahit hindi sabihin ni Tanya.. Alam na nya ang kasagutan..

"Bakit mo tinago sakin" tanong nya habang niyayakap ng mahigpit ang dalaga..

"Bakit di mo sinabi…. "Paulit ulit na tanong ng binata..

"Ayaw kong madamay sya sa gulo..saka ok ka naman na diba? Kung alam mo lang na buong buhay ko ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay.. Na kaya ako naging ganito dahil di mo ako pinapansin

..napapansin mo lang ako kapag kelangan mo ako..pero ok lang .. hindi kita sinusumbatan ,.Masaya ako sa bawat sandali na kasama kita kasi yung mga oras na kasama kita e nasasabi ko sa sarili ko na kahit panandalian lang at least nakukuha kita.. Nayayakap. Nahahalikan .. nararamdaman kita.."Nagulat ang binata sa sinabi ni Tanya.. Gustong bumitaw ni Kaloy para tingnan ito ngunit hindi sya pinakawalan ni Tanya.

"Nanahimik ako simula highschool..Nung nag break kayo ni Mutya sabi ko sa sarili ko..ako naman..pero hindi ..Si Aira pa pala kasi may magandang background ang kwento nyong dalawa..kesa nga naman sakin na ang alam lang nuon ay landiin ka…nakipag relasyon ako sa iba para makalimutan ka pero hindi e.. at eto.. finally sumuko na din ako.. kasi hindi ko na talaga alam kung hanggang kelan ako magiging anino mo na susundan ka lang at papanuorin na maging masaya at masaktan sa iba.. Nagpakasal na ako para matapos na ang kahibangan kong to pero ikaw ..ang lupit mo ..iniwanan mo ako ng dahilan para isipin na ikaw lang talaga ang kaya kong mahalin at wala ng iba..sorry Kaloy..wala akong balak guluhin kayo ni Aira. .pero hindi ko na kasi talaga mapigilan" sabi pa ng dalaga. Natulala si Kaloy sa mga nalaman. Niyakap nya na lang si Tanya.. Napatawa si Kaloy… Bumitaw sya sa pagkakayakap nila.. Sa wakas pumayag din ang dalaga na magtagpo ang mata nila.. Punong puno ng luha ang mata ni Tanya.. pinunas ito ni Kaloy.

"Lagot ako kay Clay nito" biro nya at nagtawanan sila..

"Ang tagal kong hinanap at hinintay ang babaeng akala ko kukumpleto sakin, di ko namalayan na matagal na pala akong kumpleto..dahil matagal na palang nasa tabi ko ang babaeng kumukumpleto sakin" sabi nito sa dalaga, Napangiti si Tanya sa narinig..

"Gusto mo lang makaiskor kaya mo yan sinasabi.. may oras pa tayo.. quickie" sabi ni Tanya.

"Hindi na ata kita kayang manyakin .." ika ng binata.. Pinalo naman sya ni Tanya.

"At bakit? " tanong ng dalaga..

"Eh pano… nagkakainlovan na ata tayo" natatawang sagot ni Kaloy. Tumawa din ang dalaga..

"Dapat nga mas manyakin mo ako nun e..love plus lust equals" di tinuloy ng dalaga ang sasabihin .. kumindat lang ito sa binata.

"Babies" sumagot si Kaloy at tumawa.

"Mabubuntis ka ng mabilis pag palagi tayong nagmanyakan"Sabi pa nito.

"Eh di sa bibig" malanding sagot ni Tanya habang tuluyan ng pinunas ang luha.. Tiningnan lang sya ni Kaloy..

"Sa bibig?"Tanong ng binata. Napangiti si Tanya sa naisip.. Tumango lang sya at alam na nya ang kasunod nito. Agad siniil ng binata ng halik ang dalaga at sinalubong nya to ng buong puso.. Bumitaw naman agad si Kaloy..

"Masyadong marahas yung halik mo" natatawang sagot ni Kaloy dahil basang basa ang bibig nya sa laway ng dalaga.

"Namiss kasi kita"Sagot ni Tanya at tumawa lang. Ngumiti lang ang binata..

"Sus kunwari pa to" sabi ng dalaga at sya na ang humila sa binata para halikan ito.. Wala silang pakialam kung may nakakakita.. Basta.. pag mamay ari nila ang oras ngayon..

"Wala pa ba sila?"Tanong ng nag aalalang si Aira na di mapalagay sa kakapabalik balik sa gate.. Siniko naman ni Reggie si Mutya.

"Kaw kasi,pag nag world war 3 dito mamaya

..bahala ka" sabi nito.

"Sis….relax… ano ba kinakatakot mo" tanong ni Mutya kay Aira..

"Ah eh ..wala nag aalala lang ako..baka kasi may mangyari kay Kaloy.. e paalis na kami nun next month paamerika" sabi ni Aira. Nagulat ang lahat sa narinig..

"Aalis kayo?" tanong ni Kris.

"Oo babalik naman sya" sabi ni Aira.

"Ah" napahinga ng malalalim ang lahat. Nainis si Aira.. nag aalala sya.. Ayaw nyang magkasama ang dalawa ng solo

..Alam nya …Alam nyang may nangyayaring masama..May namamagitan sa dalawa.

"Ikaw ah ..dami mong binili uubusin ba natin yan lahat?" tanong ni Kaloy sa dalaga habang masaya na silang naglalakad pabalik..

"Oo …ewan ko lang pag hindi mga nabitak tyan nun sila" sagot ni Tanya at tumawa.. Nilapitan naman sya ni Kaloy at binulungan..

"Tataba ka nyan.. " bulong nito.

"Mataba na ko noh" sabi ni Tanya..

"Pag ganyan ang mataba wala ng seksi." ika ni Kaloy dahil seksi naman talaga ng dalaga.. Malaman….hindi mataba. Nag blush naman si Tanya sa narinig,

"Kuya ang landi landi mo ..may asawa na po ako e" biro ni Tanya at tumawa.

"Kuya ka dyan… ako ang asawa mo noh..kasi ako ang Papa ni Ayesha" sabi ni Kaloy..

"Eh ano mo si Aira" tanong ni Tanya sa binata. Napaisip naman si Kaloy .. Di sya nakasagot.. Napangiti si Tanya..

"Asawa mo din? sineswerte ka …"Biro ni Tanya sa binata. Nagulat pa sya ng bigla syang yakapin ng binata mula sa likod.

"Basta… malinaw na man na ikaw mahal ko diba?" ika ng binata. Nag blush muli ang dalaga..

"Ano ba ..huy ..malapit na tayo sa bahay.. umayos ka nga ,may makakita satin e" sabi ng dalaga at tinapik ang braso ni Kaloy.. Di naman umalis ang braso ng binata sa kanya..

"Ano ba.. mamaya ka na lumandi sakin pag may time tayo" ika ng dalaga,, Pero sadyang makulit ang binata,

"Sabihin mo muna na mahal mo ako" sabi nito at tumawa..

"Kaloy naman" binagalan ng dalaga ang paglalakad..

"Ano? sabihin mo muna" ulit ng binata.. Napasinghap si Tanya..

"Oo nga .. mahal nga kita.. grabe to.. iiyak ba ko ng parang ewan kanina kung hindi kita mahal" sabi ni Tanya.. Napangiti si Kaloy.

"I love you too" bulong nya. Napangiti din ang dalaga.. Bumitaw na ang binata sa pag yakap sa kanya at sinabayan na lang sya maglakad.. Parehas may ngiti sa mga labi ang dalawa ng dating nila sa bahay nila Tanya Agad sinalubong ni Reggie si Tanya para makiusyoso sa nangyari samantalang nanlilisik naman ang mata ni Aira sa binata

..Lalo't hindi nakalampas sa mga mata nya ang mapulang mata ni Tanya tanda na umiyak ito..

"Kumusta date?" irap nya kay Kaloy.

"Date?" tanong ng binata.

"May asawa na yung tao Kaloy..at kaibigan mo yung asawa nya..wag mo ng landiin" marahas na sabi ni Aira sa nobyo.. Pabulong pero rinig na rinig ito ni Kaloy.

"Anong pinag sasasabi mo " pagtanggi ng binata..

"Ewan ko sayo, di ka na bata .. may responsibilidad ka na bilang Ama… "Irap ng dalaga at iniwan ang binata para puntahan ang anak nila.. Napasimangot ang binata sa narinig.. Pero wala syang nagawa.. Kasi totoo naman lahat ng sinabi ni Aira.