1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 18
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 18

By kingovhell ·

Naiwan si Kaloy na naiinis.. Tama si Aira.. Ano ba kasing pumapasok sa isip nya para balewalain ang 5 taon na tiniis nya para lang makasama ang dalaga. Ok naman sila ah.. Wala naman silang problema.. At kahit kelan hindi naman naging unfair si Aira sa kanya. Ginala ng binata ang mata at nakita si Mutya na nakatingin sa kanya.. At isang matinding palaisipan ang ngiti na binitawan nito sa kanya. Tinutukso naman ni Reggie si Tanya ng magkwento ito ng nangyari.

"Pero alam mo ..kung sakali.. Kay Clay na ko.. Di ko na nagugustuhan inaasal ni Kaloy ngayon.. Pakiramdam nya ata lahat kayo e pwede nyang syotain.." sabi ni Reggie. Seryoso ito na agad nag pabago ng kasiyahan ni Tanya. Tahimik lang ang dalaga.

"Akala ko ba gusto mo sya?" sabi nito sa bakla.. Napasinghap si Reggie at tiningnan ang dalaga.

"Oo nga,, Kaso Sis.. hindi na kayo mga teenager.. May mga anak na kayo at asawa

.. Masyado at natin na tolerate si Kaloy na ok lang lahat ng mga pinag gagagawa nya kaya ayun.. Pag gusto nya sa isa .. sige.. pag iba na gusto nya sige pa din..tapos ano? mabuti kung hindi kayo magkakaibigan"Sabi ni Reggie. Napaisip naman si Tanya.. Ayaw nyang pumayag na tama ang mga sinabi ni Reggie dahil gusto nyang maging patas kay Kaloy.. Alam nyang naguguluhan lang ang binata.

"Alam mo naisip ko tuloy pano kung di na lang natin tinuloy yung fake death"Sabi ng bakla.

"Kasi di ba? lalo lang lumala. nakasunod pa din si Ella sa kanya at heto ka.. dumagdag pa..isa ka ring malandi" biro pa nito..

"Hindi naman siguro..naguguluhan lang siguro sya kasi buong buhay nya e pinaikot nya sa iisang babae.. di nya binuksan ang puso nya na mag mahal ng iba..o pumansin ng iba basta.. ayun..kung ano ang gusto nya yun na.."Seryosong sagot ni Tanya..

"Saka partly to blame din tayo kasi tinolerate natin sya na itulak na si Aira lang ang babae para sa kanya" seryoso pa din ang dalaga,

"E nandito naman ako..bat di natin naisip yun" biro nito at tumawa pa. Agad syang pinalo ng bakla sa balikat.

"Seryoso tayo tapos magbibiro ka..basta Sis.. wag ka ng gagawa ng maling desisyon.. matanda na kayo..wala ng oras para malito" sabi ni Reggie. Agad kinapa ni Reggie ang cellphone at nagbasa ng teks.. Napangiti pa yun at di ito nakalampas sa dalaga.

"Masaya ka ata ,kanina ka pa nagteteks"Tanong ni Tanya.

"May reason ako para ngumiti noh" sabi ni Reggie at pinakita sa dalaga kung sino ang nag teks. Agad napasimangot si Tanya sa nabasa.

"Subukan mong iteks yan" sabi ng dalaga at tiningnan ng masama si Reggie.

"Pigilan mo ako" sabi ng bakla at pinindot na agad ang send button. Sabay sabay na kumain ang lahat sa labas ng bahay.. Si Aira ay busy sa pag papakain sa anak nila ni Kaloy. Ang Mama at Papa ni Tanya ang nag aalaga kay Ayesha. Gustuhin mang lapitan ni Kaloy si Ayesha e hindi pwede.. Naiilang sya lalo't andun ang lolo at lola nito. Matapos pakainin si Carl ay bumalik si Aira sa mesa para ituloy ang pagkain .. Asar pa din sya kay Kaloy.. Ni hindi nya ito matingnan ng diretso,,

"LQ ata" basag ni Kris sa dalawa..

"Ewan ko dyan ke Aira.. pag dating ko bigla na lang galit" sabi ni Kaloy . Di na din nya kasi mapigil na di mainis lalo't napag bibinatangan sya ni Aira sa paratang na totoo naman. Truth Hurts ika nga. Di sumagot ang dalaga .. Kumain lang ito. Kinabhan naman si Tanya ng malaman na nag aaway pala ito.. Na guilty tuloy sya. Napangiti naman si Reggie at nakaisip ng kademonyohan.

"Ay si Clay.. tumatawag …bakit kaya..bakit sakin tumawag" ika kunwari nito na pinatugtog ang ringtone sabay dinial ang number ni Clay..

"Ewan ko sayo…dami mong alam" irap sa kanya ni Tanya..

"Hello.."Bati ni Reggie sa binata sa cellphone nya Napatigil sa pagkain si Kaloy ..Kinabhan sya.. Tiningnan nya ang reaksyon ni Tanya. Bumilis ang tibok ng puso nya at nainis sa inasal ng bakla.

"Hello Reg, bakit napatawag ka .."Tanong ni Clay..

"Ah wala naman ..namimiss ka lang ng Asawa mo" sabi ni Reggie at diniinan ang salitang Asawa habang tinatapik si Tanya. Namutla naman si Tanya sa kinilos ng bakla.

"Ganun ba..sabihin mo miss ko na din sya.. tatry ko umuwi every weekend.."Sabi ng binata.

"Gusto ka daw nya kausapin" sabi ni Reggie at agad binigay sa dalaga ang cellphone.. Ayaw sanang tanggapin ni Tanya dahil alam nyang nakatingin sa kanya si Kaloy pero wala na syang nagawa at narinig na nyang tinatawag sya ni Clay.. Nainis si Kaloy.. At muling nag laro ang isip nya kung bakit kelangan nyang mainis ? asawa ito ng dalaga at wala syang karapatang mainis. In fact katabi nya ang future fiance nya. Di naman sinagot ni Tanya ang tawag .. Tiningnan lang nya si Kaloy at nakita ng mata nitong nanlilisik..Iyon ang pumipigil sa kanya para ibuka ang labi.

"Dali na …naghihintay Asawa mo" pagpaparinig ni Reggie. Di na napigilan ni Kaloy ang emosyon at nainis na sya ng tuluyan

"Pwede bang mamaya na yan pagkatapos kumain." sabi ng binata. Nagulat si Reggie .. Maging si Aira ay lalong napikon… Lalo nyang naramdaman na may namamagitan sa dalawa. Tinuloy ni Kaloy ang pagkain.

"Igalang natin ang pagkain" sabi pa nya.. Inirapan sya ng bakla..

"Ayy…grabe naman..kelan pa pinagbawal ni Kaloy ang pag gamit nating ng cellphone pag nakain" sabi ng bakla. Napaisip si Aira sa narining ..Oo nga naman,. Kelan pa nag reklamo ang binata kapag mayroong nagamit ng cellphone sa hapag kainan.. Ngayon lang …Ngayon lang at kataka taka ang manaka nakang pagtitig nito kay Tanya.

"Pwedeng kahit saglit lang ..Kasi asawa naman nya ito" muling tinigasan ni Reggie ang salitang asawa. lalong nainis si Kaloy.

"Oh e ano? asawa nga nya ikaw naman ang tumawag" nagtaas ng boses si Kaloy.

"Tol" agad syang inawat ni Dan. Napahiya naman si Reggie sa narinig..Di nya ito inexpect.

"Ok e di patayin" sabi nito at agad binawi ang cellphone kay Tanya..

"Grabe namang reaksyon mo yan.. nag taas ka na ng boses yun lang" sabi pa ng bakla..

"Bat mo ba sila pinapakelaman , ano bang problema mo.. kung gusto nilang mag usap hayaan mo sila.." nakialam na din si Aira. Kinabhan si Tanya .. Hindi sya sanay na napagtutulungan si Kaloy.

"Guys.kelangan talaga nating pag usapan to?" singit ni Dan.

"Kumain na lang tayo please" ika naman ni Kris. Napailing naman si Mutya. Tiningnan lang ni Kaloy si Aira at medyo nainis sa inasal nito. Ngayon lang sya napagtulungan ng ganito sa barkada at nakakainis kasi wala syang magawa,,

"Ah …hindi ko naman sinagot di ba.. hayaan nyo na yun, " sabi ni Tanya.

"Ikaw naman kasi..kung tatawag si Clay.. sa cellphone ko tatawag yun.. hindi sayo" pinandilatan pa nya ang bakla. Tumawa lang ang bakla.

"Ok ,..sori. my bad.. Kaloy Sorry" sabi nito. Di sumagot ang binata, Nakatingin pa din si Aira ng masama kay Kaloy. Punong puno ng inis at selos ang isip ng dalaga. at di sya mapanatag. Gusto na nyang umuwi para kausapin si Kaloy ng sila lang dalawa

"Dapat kasi sinagot mo na din" biglang sabi ni Aira kay Tanya at tinitigan ito ng masama. Nagulat ang lahat sa narinig .. Iba ang tono ng pag sasalita ni Aira.

"Pano kasi .. tiningnan lang ni Kaloy

,natameme na.. hindi ko alam kung natakot ka o naisip mo lang na baka mag selos si Kaloy kapag nakita nya ng harapan na magkausap kayo ni Clay" ika pa nito. Nagulat si Kaloy sa narinig ..Lalo't kaharap nila ang lahat..

"Aira"Ika nito na hinawakan pa ang braso ng nobya para pigilang magsalita..

"What?" tanong nito sa binata at binawi ang kamay dito. Nainis na din si Tanya… Hindi pwedeng umasta ng ganito lagi si Aira sa harap nila at ng barkada lalo't nasa bahay nya ito.

"Bat ko naman iisipin na mag seselos si Kaloy? anong pinag sasasabi mo? " sabi ni Tanya at tinapangan ang boses.

"Sis" inawat ni Bakla ang dalaga. Napangiti si Aira ng marinig na palaban na si Tanya.

"Really? ako pa talaga ang tinanong mo kung ano pinagsasasabi ko? Tanya.. will you explain kung bakit mapula ang mata mo kanina pag uwi nyo ni Kaloy" mahinahon na sabi ni Aira. Kinabahan si Kaloy sa narinig. Natakot sya sa pag sasalubong ng dalawa. Di nakasagot si Tanya. Ngumiti ulit si Aira

"See.. alam ko umiyak ka ..ang hindi ko lang alam kung bakit …is it because. hindi na pwede" sabi nito.. Napasinghap si Tanya..

"Di ko alam mga sinasabi mo …kasal na ako Aira" sagot ni Tanya..

"Then live with it.." agad sagot ni Aira.

"Kasal ka na .so please..mahinahon akong nakikiusap sayo.. Stay away from him. .Kasi di mo alam ang mga sinakripisyo ko para lang sa kanya" nag umpisang magaragal ang boses ni Aira. Napangiti din si Tanya.

"Now we're talking about sacrifices. .. sige .. you win na..kasi sa 5 taon or more na kasama nyo ako wala akong sinakripisyo di ba?" sagot ni Tanya.

"Sis" pinigilan na ni Reggie si Tanya.

"Guys.. pwede ba . nakain tayo" ika ni Dan.

"Stop it Aira, Tanya" sabi ni Mutya.

"Eto na naman kami" tanging nasabi ni Kris at kumain na lang. Si Kaloy ay tulala lang sa nasaksihan..

"Im not talking about sacrifices .. Im talking about you staying away from my future husband" ika ni Aira at agad umalis sa harap nila.. Dun lang bumalik sa katinuan si Kaloy at agad sinundan si Aira.. Napaiyak naman si Tanya pag alis ng dalawa.

"Ano bang problema" tanong ni Tanya sa kanila pagkatapos.

"Yang kaibigan mo .. Inlove kay Kaloy" sagot ni Kris kay Mutya at kumain lang .. Napailing si Dan.. Hindi maganda ito lalo na kay Clay. Tiningnan lang nya si Tanya …Sobrang apektado ito Tumingin sya kay Reggie at nakita ang galit sa mata nito..Napailing si Dan.. Ayaw nya ng nang yayari. Kinapa nya ang cellphone nya . May isang mensahe.. Agad pinuntahan ni Kaloy si Aira at sinundan nya ito. Sa likod ng garden nila Tanya pumunta ang dalaga. Napagod ito at umiyak..

"Aira" tawag ni Kaloy sa kanya. Bumalik ang lahat.. dito mismo sa garden na ito..

"Wag ka ng magpaliwanag .tatanggapin ko ang totoo kung nahuhulog ka sa kanya.. Kasalanan ko din naman kasi kinulong kita sa sarili ko" sabi ng dalaga. Humagulhol ito.

"Mahal na mahal kita Kaloy pero kung makakahadlang lang ako sa kaligayahan mo.. Mas ok na siguro na bitawan na lang kita" sabi pa ni Aira. Nanghina ang binata sa narinig.. Kaya ba nya? Kaya ba nyang mawala ang dalaga ulit.Niyakap nya si Aira.. Pilit pinaklma ang dalaga.. Lalo namang naiyak ang dalaga.

"Kung nalilito ka…kung hindi ka na masaya sakin at hindi mo alam kung sinong pipiliin mo? siguro mag fake death ka na lang ulit..

"Sabi ng dalaga at saka bumitaw sa binata.

"Pero Kaloy…hindi na ako mag hihintay sa pag balik mo..tama na…. nasasayang lang lahat"Sabi ng dalaga at tumakbo na palayo sa binata.. Naiwan si Kaloy.. tulala at nagiisip..