1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 2
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 2

By kingovhell ·

"Mukhang wala tayong bisita ngayon ah" ika ni Reggie ng makitang lumabas ng kwarto si Tanya na nakabihis. Nagtaka pa ito..

"San ang punta? mukhang may lakad ah" tanong ng bakla.

"Parating sila Dad mamaya bihisan mo si Ayesha.. sasaglit lang ako sa nagpapa cater sa special day namin ni Hubby," malanding sabi ni Tanya.

"Yieeee.. excited sya" sabi ng bakla..

"Di ako sasama Mama?" tanong ng bata na nakalublob sa pinasadyang pool nito…

"No, baby..mabilis lang si Mama.. bibilhan na lang kita ng chocolates mo pag uwi ko" sabi ni Tanya sa bata.. Sumimangot naman sa narinig si Ayesha..

"You're always leaving mo" ika nito at ngumuso,

"Aba aba..artistahin ..manang mana sa tita nya" sabi ng bakla sa bata.. Natawa si Tanya sa narinig..

"Sinong Tita? si Aira? Mutya? si Jema ? Angel?? sino bakla?" ika ni Tanya at tumawa.. Umirap lang si Reggie.

"Umalis ka na … dami mong alam jan" sagot ng bakla.. May ngiti sa labi na umalis si Tanya..

"Oo… wag na wag nyong ipapakita sa babae na cool kayo..umasta lang kayo na gusto nyo syang alagaan ng sobra.. at iparamdam nyo na hinding hindi nyo sya kayang bastusin except pag kayo lang dalawa" ika ng Boss nila Kris ng mag usap sila isang hapon bago ang uwian..

"Eh Boss.. di ka ba talaga sasama sa min." tanong ni Kris sa Boss nila…

"Dadamay nyo pa ako dyan. Kayo na lang..basta wag kayong gagawa ng bagay na ipapahamak at ikapapahiya nyo sa kumpanya ha.. ayaw kong madungisan ang pangalan ng kumpanya namin" ika ng Boss nila..

"Oo naman Boss …pangako" sagot ni Aeron.. Tiningnan lang sya ng Boss nila..

"Hindi ako naniniwala sa mga pangako." ika nito.

"Lalo pag galing sa bibig mo Mr. Fernandez" dagdag pa nito at nagtawanan sila..

"Pakibantayan yang si Aeron, .. Sam.. Kris" ika ng Boss nila.

"Opo Sir… saka uuwi kaming maaga" sabi ni Sam.. Siniko naman sya agad ni Kris.

"Bat mo sinabing uuwi tayong maaga" ika nito sa kaibigan. Tiningnan lang sila ng Boss nila na tila nagtaka sa nangyayari.

"Ah.. di po kami mag papa umaga Sir" ika ni Kris.

"Sige na .umalis na kayo… Aeron… hinay hinay..baka makahanap ka ng katapat mo" sabi ng Boss nila.. Maya maya'y umalis na ang tatlo..

"Katapat?? ako ? Si Aeron? makakahanap ng katapat.. di ata noh…malabo..wala pang babaeng tumatanggi sakin" pagmamalaki ni Aeron sa dalawa habang nakasakay sila sa minamanehong sasakyan nito. Napailing lang ang dalawa.

"Tol.. magmaneho ka na lang oh..baka mag bago pa isip namin at iwan ka namin e" sabi ni Sam.

"Oh ..asan na daw sila" tanong ni Kris sa binata..

"Nandun na daw… nandun na din daw mga chiks natin" sagot ni Sam habang dinudutdot ang cellphone,

"Si Aira? " tanong ni Kris.

"Eto tineteks ko na" sabi ni Sam. Naexcite naman si Aeron sa narinig.

"Mga pare.. ano ,..maganda ba si Aira? seksi?? mabait?? ideal girlfriend ba?" sunod sunod na tanong ni Aeron. Napailing ulit si Kris.

"Tang ina naman tol.. isa pang tanong maiiwan ka"Sabi ni Kris. Natahimik si Aeron.. Pero maya maya'y ngumiti ito..

"Magugustuhan kaya nya ako" ika nito at ngumiti..

"Putang ina…. "Akmang susugurin ni Kris ang binatang nagmamaneho ng yapusin sya ni Sam..

"Oyyyy tol..relax.. chill.. nag dadrive yung tao" ika ni Sam habang pinipigilan ang kaibigan.

"Ikaw naman kasi Aeron …i zipper mo muna bibig mo please" sabi ni Sam..

"Ok…im just asking lang ..malay nyo..sya na pala yung babaeng magpapatino sakin" sabi ng binata. Napasinghap si Kris.

"Wag mo syang sasaktan..at wag mo syang babastusin tol" sabi ni Kris..Seryoso ang binata..

"Bakit naman" tanong ng nacurious na si Aeron.. Hindi sumagot si Kris.

"Basta tol.. wag mo gagawin yung mga ginagawa mo sa ibang babae" sabi ni Sam.. Ngumiti si Aeron..

"Malay nyo.. oras na pala para mag seryoso ako" ika nito..

-0-

"Kuya ..di kayo sasama ni Ate?" tanong ni Jonas sa magkasintahan..

"Nandun na daw sila" sabi pa nito..

"Haaay hindi na muna.."Sabi ng dalaga at nag aktong inaantok. Napangiti si Jonas.

"Kunwari pa mga to.. alam ko balak nyo" ika nya na nagpatawa din sa nobyo ni Ella.

"Umalis ka na nga ..istorbo ka e" ika ni Ella sa kapatid ng makita nya itong nakangisi..

"Sabihin ko di kayo nakasama kasi may ginagawa kayo" ika ni Jonas.

"Oo..sabihin mo tulog" singit ng Nobyo ni Ella.. Tumawa lang si Jonas..

"Tulog daw" ika nito at umalis na.. Sa isang kainan nagkita kita ang magkakaibigan.. Kulang ang isang mesa sa dami nila kaya dalawang mesa ang inokyupa nila.. Sa isang mesa ay sila Dan, Mutya, Brando, Aira at Carl, sa kabila ay ang tatlong lalaki at si Jonas at ang chix nila Kris at Sam..

"Tol" batian ng mga lalaki ng mag kita kita.. Tila mga bata na nagtalunan ng magkasama sama ulit..

"Sobrang busy sa work ah" sabi ni Sam

"Oo.. ito na lang madalas ko kaharap" ika ni Dan at inakbayan si Brando..

"Nawalan ka ng kanang kamay tol.. napikot na" kantyaw ni Kris at nagtawanan sila..

"Teka kelan daw ba kasal" tanong ni Jonas.

"Next week" sagot ni Mutya..

"Uyy Aira" ika ni Kris ng makita si Aira. Ngumiti lang ang dalaga.

"Kumusta" ika nito habang hawak si Carl..

"Si Carl na yan?" tanong ni Kris sa dalaga at agad nilapitan ang bata para tingnan.

"Grabe tol.. Kaloy na Kaloy" ika ni Kris.. Nagtawanan pa lahat ng mapansin na hawig na hawig nga ni Kaloy ang bata.

"Ma..who's Kaloy?" tanong ni Carl.

"Putang ina..englisero tol" ika ni Kris..

"Huy" siniko ni Jonas ang binata ng mapansing nag mura ito..

"May bata oh" ika nya..

" ah… anak.. he's your Dad… Kaloy.." sagot ni Aira..

"Where is he?" malungkot na tanong ng bata..

"You said that we'll meet him later" nag umpisa ng magmaktol ang bata.. Nataranta naman si Aira lalo't hindi sya sanay na alohin ang bata lalo pag ngayong kaharap ang mga kaibigan nya at tungkol kay Kaloy ang usapan..

"Anak.. later ok..later" sabi ng dalaga.. Nilapitan naman ni Kris si Aira.

"Di ba nya alam" bulong nito sa kaibigan.. Umiling lang ang dalaga..

"Shiit" bulong ni Kris .. Maging sya ay nataranta..

"Hirap" bulong nito..

"When is later? i want to meet him. i just want to meet him ..you promised me" ika ng bata.

"Carl…wag dito..Don't cry anak… please" bulong ni Aira sa bata. Pero hindi ito tumigil sa kakapilit sa Mama nya.

"Carl..may kendi ako dito ..gusto mo" panlilibang ni Kris..

"I hate candies" ika ng bata..

"Di sya nakain ng candies" sabi ni Aira sa kaibigan na tila napahiya.. Napakamot si Kris..

"Tang ina …sorry naman" sabi nito at napatawa sila..

"Carl.. wag mo awayin si Mama mo …"Ika ni Mutya sa bata.

"I hate you" sigaw ni Carl sa kanya .. Nagulat si Mutya sa ginawa ng bata. Napatawa ang dalaga..

"Grabe Sis.. ang kulit nga nya" ika nito.

"Oo Sis..di ito titigil.. shit naman" ika ni Aira na hindi na alam ang gagawin.. Sa isang dako'y titig na titig si Aeron sa kagandahan ni Aira. Bumilis ang tibok ng puso ng binata.. Napangiti sya.. Yung katulad nitong babaeng nasa harap nya na hirap na hirap sa pag awat sa anak nya ay ang tipo ng babae na minamahal at hindi pinag lalaruan. Agad tumayo si Aeron.. Lumapit kay Aira.. Nagulat naman si Kris at Sam sa ginawa ng kaibigan..

"Hi Carl" ika ni Aeron. Tumingin si Carl sa binata.. Maging si Aira ay napalingon at nagulat kung sino ito..

"Who are you?" ika ng bata s kanya. Lumuhod si Aeron para pantayan ang pagkakatayo ng bata..

"Im your Father Aeron.. Kaloy" ika ng binata. Lahat ay nagulat sa narinig sa binata..

"Tol.." ika ni Kris at hinawakan si Aeron para pigilan pero nabigla na lang sila ng yakapin ng bata si Aeron…

"Papa?" ika ng bata at mahigpit na niyakap ang inakalang Ama.. Napasimangot si Aira sa binata..

"What the fall?" senyas nya dito… Ngumiti lang si Aeron..

"Papa i miss you" ika ng bata. Lahat at napahinto sa reaksyon ng binata.. Sobrang tigang ito sa pag mamahal ng Ama. Wala ng nagawa si Aira.. Lumambot ang puso nya sa nakita..

"Ma.. let's go home.. i want to play with Papa" sumigla agad ang bata..

"Anak." ika ni Aira na hindi alam ang sasabihin..

"Anak… wait…"Ika ni Aira.

"Sis" siniko ni Aira si Mutya para bantayan si Carl at agad nyang hinila si Aeron palayo.. Agad silang sinundan ni Kris at Sam..

"What do you think you're doing" tanong ni Aira sa binata.

"Im saving you" sagot ni Aeron..

"Tol..please.. hindi makakabuti to ..seryoso

..wag mong papakelaman yung buhay ng mag ina" ika ni Kris sa binata.

"What the fall is wrong with you ? di nyo ba nakita yung yakap sakin nung bata?" tanong ni Aeron.. Napatigil sila.. Aminado sila na sobrang namiss ng bata ang Ama.

"Dapat nga pasalamatan nyo ako e..Im saving everything" pag mamalaki ng binata. Di sila sumagot..

"One action tol.. na maaaring makasakit sa mag ina… malalagot ka sakin" ika ni Kris.

"Chill tol.. bakit ko naman sasaktan ang mag ina ko.." sabi ni Aeron..

"Ang ganito kagandang babae hindi sinasaktan" sabi ng binata at masuyong tiningnan si Aira.. umiwas naman ng tingin ang dalaga..

"What if malaman nya ang totoo…hindi habang buhay maglolokohan tayo..at wala akong planong lokohin ang anak ko habang buhay.. " ika ni Aira

"Nagkataon lang na sobrang saya nya ngayon" niliitan ni Aira ang boses dahil alam nyang totoo ito.

"Then whats the problem with that.. e di maging mag asawa talaga tayo" ika ni Aeron at ngumisi.

"Fall you" sagot ni Aira sa kanya.. Napatawa si Kris sa reaksyon ni Aira..

"Wag ka ng umasa tol" sabi ni Kris sa binata..

"We'll have a deal..you'll ne his father ..but not my husband… pwede kang mag stay sa bahay para samahan kami..pero uuwi ka din pag nakatulog sya."Ika ng dalaga..

"Ok "Sagot ni Aeron..

"At ako ang nakakaalam kung kelan natin kelangang itigil to" sabi ni Aira.

"Ok..but what if traidorin ka ng puso mo" ngisi ni Aeron sa dalaga..

"That won't happen" sagot ni Aira..

"Yes it will" sagot ni Aeron at ngumiti. Agad itong umakbay sa dalaga..

"Show some little prove sa anak mo na Papa nya ako" ika ni Aeron at sabay silang bumalik na nakangiti kay Carl. Napailing si Kris at Sam ng magkatinginan..

"Papa, Mama" sigaw ng bata… Gulat naman ang ekspresyon ni Mutya sa dalaga.. Umiling lang si Aira.. labag sa sarili nya

..pero para sa anak nya ..gagawin nya lahat..