1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 20
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 20

By kingovhell ·

After the Goldrush

May seryosong oras para sa tunay na pag ibig.. May seryosong oras din para sa libog.. Nagising si Kaloy na nakalimutan lahat ng pangako nya sa sarili kagabi na kay Aira na lang iikot ang lahat lahat.. flashback.. Si Aira.. Si Aira ang pinaka masayang nangyari sa buhay ng binata, buhat ng malaman nya na mahal nya ito, buong buhay nya ay pinangako na nya sa sarili na balang araw, eto ang babaeng pakakasalan, aanakan, at makakasama nya habang buhay. Saksi ang barkada sa rollercoaster ride ng relationship ng dalawa. Si Aira ang matalinong nerd na kayang isakripisyo ang lahat lahat para kay Kaloy. Patunay na ang buong 10 taon na pagkakaibigan nila na pinanuod lang ni Aira ang binata na lumigaya at masaktan kay Mutya, pinagbigyan nya ang pag mamahalan ng dalawa at hindi inintindi ang sarili, naging duwag sa pagpapakita ng tunay na nararamdaman, pero di naglaon, tinanggap din nya ang katotohanan na mahal nya ang binata, hindi.. Mahal na mahal nya ang binata, Ang 10 taon ay tinapos ng 1 araw na relasyon nila, sinubok ng oras at distansya sa isa't isa, sinubok ang tiwala nila, ang pangako ,bumigay ang binata, natukso sa iba pineke ang sariling kamatayan pero sa huli, nagkatotoo pa din ang baduy na pangako nila sa isa't isa.

"Sila pa din hanggang huli" Pero lahat ay binago ng isang bagay.. nang ang sumpaan nila ay madagdagan ng isang malaking tandang pananong sa hulian.

"Sila pa din ba hanggang huli?" Wala si Kaloy sa sarili. Naiinis na naman sya ng gumising sya at maramdaman sa sarili na excited sya na makita si Tanya.. Para syang nag lalanding teenager. Ang kinaiinis pa nya e andami nyang nasabing pangako kagabi ng kaharap nya ang kahubaran ni Aira,ngayon? isa lang ang malinaw, gusto nyang hilain ang araw para mag gabi na.. Wala syang pakialam kung galit ang lahat sa kanya

..Gusto nyang ipag laban ang pag iibigan nila ni Tanya.

"Morning Mister" bati ng dalaga na naghanda ng almusal ni Kaloy. Napakunot ang noo ng binata, may hawak na itong tuwalya..

"Bakit ikaw nag luto…sana pinagawa mo na lang kila Yaya" sabi ni Kaloy sa dalaga. Lumapit lang si Aira at ngumiti sabay niyakap ang braso sa leeg ni Kaloy.

"Gusto kong pag silbihan ang Mister ko, ayaw mo ba? alam kong magpapaka stress ka na naman sa work ngayon e ,, para samin ni Carl"Sabi ng dalaga at hinalikan pa ang binata.. umiwas si Kaloy na pinagtaka ni Aira.

"Malalate na ako..kailangan makapasok ako agad.. God i hate mondays" sabi pa ng binata.

"Sana mag gabi na" nadulas si Kaloy at rinig na rinig ni Aira ito. Aminado ang dalaga na may dating sa kanya ang nasabi ng binata pero ayaw nyang masira ang lunes nito kaya ngumiti lang sya..

"Excited ka na ata agad na makapunta kila Tanya Mahal" sabi ni Aira.. Nagulat naman si Kaloy sa inasal ng dalaga. Bago ito .. Dapat ay mag seselos na ito.. Napangiti si Kaloy.. Mas ok naman siguro yung ganito, para di sila nag aaway..

"Oo mahal.. wag ka na mag selos..kasama naman kita e" naglambing ang binata sa dalaga at hinalikan ito ng paulit ulit. Gumanti ang dalaga..

"Nga pala mahal, may sasabihin si Carl sayo"Sabi ni Aira at kinindatan ang anak.

"Papa …ano…"Kinakabhan ang bata pero napangiti na agad si Kaloy na makarinig ito ng tagalog na salita ni Carl..

"What is it Anak?" tanong ni Kaloy habang nililingon ang oras..

"Hintayin mo lang ..di pa sya sanay.. kahapon lang namin pinractice yon" sabi ni Aira.. Pilit na ngumiti lang si Kaloy.. Tumatakbo ang oras at tila ayaw pa mag salita ni Carl.

"Carl??" hinintay ni Kaloy na magsalita ang anak.. Nahiya ito at yumuko. Napakamot ng ulo si Kaloy..

"Tell it to me later, ok?" sabi nito at akmang aalis ng magsalita si Carl.

"Papa.. ano ..sabi Mama" gatol gatol ang anak nya. Napakunot ang noo ni Kaloy. Nainis ang binata.. Hindi na naman kasi nag salita ng anak nya.. Napasampal sya ng mukha.

"Ano ba kasi sasabihin nya?"Bulong nito kay Aira..

"Hintayin mo kasi..grabe naman to..minsan lang maglambing anak mo sayo e"Sagot ng dalaga..

"E malalate na ako..mamaya na lang"Sabi ni Kaloy.. Tumalikod na ang binata at lumakad papasok ng shower.

"Kaloy?" tawag sa kanya ni Aira.

"Ano?" nagtaas ng boses ang binata sa inis.. tiningnan lang sya ni Aira.. Nagulat si Aira sa pag tataas ng boses ni Kaloy.. Di nya ito inaasahan.. Ngumiti na lang sya.

"Sige na ..later na lang" tanging nasabi ng dalaga at inalis na sa harap ng binata si Carl..

"Come on Anak..Papa will be late" tanging nasabi nito sa anak.

"Im sorry Mama.."Sagot ng anak ng hindi nito nasabi ang nais sabihin kanina. Nakagayak na si Kaloy. Paalis na sya at karga nya si Carl.

"Will you tell Papa now the thing you supposed to say to me earlier?" ika nito sa bata. Umilling si Carl. Tumawa lang si Kaloy..

"Ano ba yun?"Tanong ni Kaloy kay Aira.. Tahimik lang si Aira.. Umiling din ito. Nainis ang binata.

"Ayaw pa sabihin..gagawin pa ko mang huhula" sabi nito. Kinuha ni Aira ang bata kay Kaloy at ibinaba ito… At saka sya agad yumakap kay Kaloy ng mahigpit. Naguilty naman ang binata .. niyakap din nya si Aira .. Inialis nya ito agad at nakitang naiyak na naman ang dalaga..

"Aira. ano na naman to" tanong ni Kaloy ng makita ang luha ni Aira. Umiling lang ang dalaga.

"Masaya lang ako.. mahal na mahal kita Kaloy.. Lagi mo tatandaan yan..walang oras na kinalimutan ko yun" sabi nito.. Napailing ang binata.

"Hindi ko din kinakalimutan na mahal kita Aira..basta itigil mo lang pagka selosa mo…mamaya wag kang gagawa ng away kila Aira"Sagot ni Kaloy at pinunas ang luha nito. Napayakap si Carl sa Mama nya.. Tumango lang si Aira.

"Promise..never na akong kokontra sa gusto mo…as long as nasa kin ka..ok na ako" sabi ni Aira. Lalong naguilty si Kaloy at kung magtatagal pa sya ay baka madala nadin sya ng emosyon..

"Sige na …late na ko..andami nyong alam na mag ina" biro ni Kaloy. Biro..pero may kirot ang dating nito sa dalaga. Ngumiti lang si Aira para itago na nasasaktan sya.. Kumaway pa ito kay Kaloy bago ito umalis..

"Babay" huling nasabi nito sa binata.

"I misyu" agad tineks ni Kaloy si Tanya. pero walang reply ang dalaga.. Napangisi si Kaloy pero maya maya'y nag alala ng maalalang may sakit nga pala ito. Buong oras sa trabaho ay wala sa sarili ang binata.. Gusto nyang madaliin ang oras… kung ano ano na ang ginawa nyang pag lilibang pero ang bagal pa din nito. Lunch break ng tumawag si Aira sa kanya.

"Mister.. sasabihin na daw ni Carl" ika ng dalaga.. Napailing si Kaloy..eto na naman … bat kasi pinipilit pa na pag salitain ng tagalog ang batang kahapon lang tinuruan…

"Ok im listening"Sagot ni Kaloy at hinintay na magsalita ang bata. Pero katulad kanina ..hindi ito nag salita. Nainis ang binata.. Lalo ng marinig nya na nag tatalo ang mag ina sa cellphone..

"Pag uwi nyo na sabihin sakin yan" ika ni Kaloy at binaba na ang phone. Mabagal pa din ang oras. Naglalaro lang ang binata sa computer nya.. Wala namang ganong trabaho.. Tumawag si Aira.. Napailing si Kaloy. Mangungulit na naman ito.. Hindi nya ito sinagot.. Nakailang missed call pa ito bago nya iteks na nasa meeting sya at wag na tumawag.. Napanatag ang binata sa paglalaro ng di na mag ring ang cellphone. Maya maya'y may nag teks sa kanya.. Audio File.. For Papa ang title.. Napahinga ng malalim si Kaloy… Sobrang pangugulo na ni Aira at ni Carl ito kaya pinatay nya na ang cellphone.. Dumating ang uwian at sobrang excited na sila Kaloy, Kris at Sam para umuwi..

"Kita kits na lang mamaya" pag papaalam pa ni Kris.

"Oo sakto tol..wala na daw parents ni Tanya.back to work na..back to work n din tayo dun" ika ni Sam bago sila mag hiwahiwalay. Hinintay ni Aira si Kaloy na dumating .. Sa katunayan ay gumawa sya ng note sa maliit na papel para ibigay kay Kaloy… Nasa kamay lang nya ito.. Busy ang binata pag dating nito sa bahay para piliin kung ano ang isusuot. Kinukulit sya ni Aira tungkol sa pinadalang recording ni Carl.

"Napakiggan mo?" tila kinikilig pa ang nag bublush na dalaga. Nagulat si Kaloy sa tanong ni Aira..

"Ah -ah ..oo ..narinig ko na …ang galing na mag tagalog ni Carl ah" kunwari sagot ni Kaloy. Ang ngiti sa mukha ni Aira ay unti unting naalis..

"Ah oo ..kahapon lang nya yun natutunan" sabi nito.. Alam nyang hindi ito nadinig ni Kaloy. Katahimikan.. Tiningnan ni Aira ang kamay na may hawak na note, napayuko sya at nilukot ito.. Agad umalis si Aira at iniwan ang binata.. Sobrang nasaktan sya..sobra.

7: 45 pm ng makagayak na ang dalawa.. Labag man kay Aira na pumunta sa bahay ni Tanya.. Sumunod pa din sya dahil gusto ito ni Kaloy..Iniwan nila si Carl sa Yaya dahil nakatulog na ito..saka mukhang gagabihin sila pag uwi. Pinangako na lang nya na hindi sila mag aaway dun.. Pero ganun na lang dahil nasa sasakyan pa lang sila ay nagagalit na ang dalaga dahil di na nito napigil ang lahat.

"Eh ano..babalik pa tayo…kung ayaw mong sumama sana di ka na lang sumama" sigaw ni Kaloy. Parang tinusok ng karayom ang puso ng dalaga. Wala syang naisagot .. Natahimik sila.. Umiyak lang si Aira.. Gustong gusto nya ng ibigay ang note na nasa kamay nya pero hindi nya ito binigay.. Umasa pa din sya na sana.. Alam ng binata.. Naalala ni Kaloy..

" oo ayaw kong pumunta dun …nag seselos ako." sabi nito. Napasinghap si Kaloy.

"My God Aira naririnig mo ba sarili mo?nag seselos ka? Aira kasal na yung tao" sabi ni Kaloy.. Di na din napigil ni Aira na magtaas ng boses..

"Yun ba talaga Kaloy??ayaw kong gawin mong dahilan na kasal sya" sabi nito.

"Eh ano" nasuntok ni Kaloy ang manubela.. Pinunas ng dalaga ang lumuha at tumingin sa binata bago sumagot.

"Sabihin mo na mahal mo ako, yun ang gusto kong idahilan mo" Napailing ng madaming beses si Kaloy at hindi agad nakasagot sa sobrang pikon.

"Di ka makasagot??" ika ng dalaga.

"Ok..sana lang kaya kang ipag laban ni Tanya hanggang huli" hikbi ng dalaga. Di na sumagot si Kaloy…ayaw nyang masira ng gabi nya..

"Wala mga jowa namin..duty e" sabi ni Kris kay Reggie.

"Ok lang yan..sakto nga yon e" ngiti ng bakla.

"Nasan ang iba..kami pa lang ba?" tanong ni Sam…

"Tulungan nyo si Mutya mag luto..wala tayong Chef e" utos ni Reggie at agad namang sumunod ang dalawa. Hindi nag kikibuan si Kaloy at Aira ng dumating sa bahay nila Tanya.. Agad lumayo ang dalaga sa sobrang hinanakit kay Kaloy ng makarating sila dito.. Di nya ito pinansin ..Di nya ito kinausap..Sobrang sakit ng araw na ito para sa kanya.. Ang binata nama'y excited na makita si Tanya pero nainis sya ng si Reggie ang sumalubong sa kanya..

"Asan sila" ika ni Kaloy. May galit ang tono ng boses ng binata.. Ngumiti lang ang bakla sa binata.

"Wala pa yung iba.."Sagot nito. Di na nagsalita si Kaloy..Wala syang panahon para kausapin ang bakla.

"Si Tanya di mo tatanungin kung nasan?" ika ni Reggie. Umaliwalas ang mukha ni Kaloy ng marinig ang pangalan ng dalaga.. Bumilis ang tibok ng puso nya naexcite sya..

"Nasan sya?" tipid na tanong nito. Ngumiti lang ang bakla.

"Itabi mo yang pag kaexcite mo..palabas na yon" sagot nito..

"Tol" bati ni Dan sa binata. Di sumagot si Kaloy.. kinuyom nya ang kamao para kung papalag ito ay lalaban na sya..

"Relax… di ako nandito para makipag away.. sorry kahapon" seryoso si Dan at inabota ng kamay sa binata para makipag kamay. Tiningnan muna sya ni Kaloy at ng makitang seryoso sya ay tinanggap nito ang kamay. Nagkangitian pa ang dalawa.

"Hi Kaloy" bati ng dalaga.

"Mika" bati ni Kaloy at agad sinalubong ang yayakap na dalaga sa kanya.. Agad din silang nag bita.

"Nasan si Aira" tanong ni Ella.. Natahimik si Kaloy.

"Nanjan..nagagalit na naman" sagot ng binata. Tumawa lang ang bakla. Si Aira ay nakatingin lang sa kanila mula sa malayo. Mukhang ok na ok na sila at sya na naman ang maiiwan. Humikbi lalo ang dalaga. Ni hindi ni Kaloy naisip ang araw ngayon.

"Guys" bati ng binata .. Nanlaki ang mata ni Kaloy sa nakita.. At mas lalong kinabhan ng makita itong kasama ni Tanya.

"Clay" bati ni Kaloy na nakaramdam ng takot.

"Long time ah" ngising aso ni Clay. Nagkabatian ang lahat at naiwan si Kaloy na tahimik lang .Nakatingin kay Tanya na nakakaramdam din ng takot at kaba. Agad namang binaling ni Clay ang atensyon kay Kaloy ng makitang hindi ito makakilos..

"Tol.." bati ito kay Kaloy.

"Parang tahimik ka ah.himala" sabi pa nito. Di sumagot si Kaloy.. Napalunok sya ng laway. Tiningnan nya si Reggie at nakangiting aso ito.. Si Ella ay nakangiti din..at si Dan ay natataranta. Naguluhan si Kaloy.. Di kaya nasetup sya?

"Balita ko kasi marami daw nang yari after at bago ang kasal na di ko alam" sabi ni Clay. Tiningnan nito ng nanlilisik na mata si Kaloy..Di nagpasindak si Kaloy. Lalo ng makitang nyang humikbi na si Tanya..

"Kwento ka naman tol"Sabi ni Clay.

"Tol..ano-" nais magpaliwanag ni Dan dahil di nya gusto ang sitwasyon ng pigilan sya ni Clay..

"Si Kaloy tinatanong ko Dan" sabi nito.. Di sumagot ang binata..Wala pa lagn pinaparatang sa kanya ay halatang guilty na ito.. Ang maangas na si Kaloy ay nakaramdam ng takot..Para syang kriminal na napapaligiran ng mga baril na nakatutok sa kanya..

"Wala kang sasabihin?" nag umpisa ng magaragal ang boses ni Clay.

"Plaaaaaaak" isang malakas na suntok ang binitawan ni Clay sa binata. Natumba si Kaloy at nahilo.. Tiningnan nya si Tanya at napaiwas ito ng tingin.. Tumayo ang binata.

"Traidor" sigaw ni Clay.. Punong puno ng galit.

"Ang taas ng respeto ko sayong hayup ka.. full support ako kapag may problema kang gago ka tapos gagaguhin mo ako.. iiputan mo ako sa ulo" ika ni Clay..

"Tol …tama na yan…wag ganyan….pag usapan na lang yan" ika ni Dan sa binata.. Pero hindi nagpapigil si Clay at tinulak si Dan paalis sa harap para suntukin ulit ang binata. Napahagulhol si Tanya sa nakita.. Kasalanan nya ito lahat at nagbabayad ang binata sa pagiging makasarili nya..

"Wala kayong gagawin?" sigaw ni Dan kay Ella at Reggie.

"Para san? lesson learn nya yan"Sagot ni Reggie Nainis sa narinig si Dan kaya sinugod nya ng suntok si Reggie pero ganun na lang ang gulat nya ng tumakbo ito palapit sa isang lalaki.. Si Ron..

"Shiiiit…. Papa Ron…susuntukin nya ako"Ika nito.. Gulat sa nakita si Dan… Malinaw ang lahat sa kanya.. Setup ito… Setup ito ng mga kaibigan ni Kaloy para pagkaisahan sya..

"Tang ina ..ikaw na naman pala "Sabi ni Dan kay Ron..

"Bakla.. pangalawa na to..nung una pinalampas kita.. dapat pumayag na ako nung susuntukin ka ni Kaloy..ngayon di na to mapapalampas" ika ni Dan at lumapit kay Reggie.. Napatili ang bakla .. Agad namang sinalubong ni Ron si Dan. Ngumiti lang si Dan.

"Seryoso ka?"Tanong nito kay Ron.. Sinugod sya ng suntok ni Ron.. Nailagan nya ito at mabilis nyang hinuli ang kamay nito para iikot sa likod nito at iaapply ang isang lock na parang sa ufc. Napasigaw sa sakit si Ron..kasabay ni Reggie..

"At ikaw.. ikaw na malandi ka.. anong balak mo ha?" umiyak na din si Clay..

"Itatago mo lahat?? putang ina..ginago nyo ako..walaa akong masamang ginawa sa nyo.

"Tol wag mo syang sasaktan" seryoso ang boses ni Kaloy ang mga mata nya'y nag aapoy ang galit. Nginitian nya si Clay..Alam ni Clay ang ngiting ito at nakaramdam sya ng takot kaya inilabas nya agad ang baril nya at tinutok kay Kaloy.. Napatigil ang binata pero di sya nakaramdam ng takot..

"Ano? tingnan natin tapang mo ngayon" sigaw ni Clay na punong puno ng galit.. Napangiti pa ito ng makaisip at agad nilipag ang baril sa pagkakatutok kay Tanya. Napatili si Tanya sanhi para magtinginan lahat sa kanila.. At napatili sila ng makitang may baril si Clay.

"Tol wag"Sigaw ni Dan na pinipigilan pa din makawala si Ron.

"Waaaag" sigaw ni Kaloy kay Clay. Napangiti si Clay..

"Gusto ko sanang patayin na lang si Tanya..naisip ko din na gawin ko kay Aira ang ginawa mo kay Tanya..kaso di mo ako kasing baboy… pero siguro mas ok para matapos to….totohanin na natin ang kamatayan mo " sabi ni Clay. Dahan dahan syang tumingin kay Kaloy… Tinutok ang baril as binata at kinalabit ang gatilyo.. Mabilis na tumakbo si Aira ng marinig ang tili ng lahat. Napatingin sya sa pwesto nila Kaloy at nakitang may baril na hawak si Clay. Pinunas nya ang luha at kinalimutan ang tampo dahil kailangan sya ni Kaloy ngayon..

"Baaaaaaaang" pumutok ang baril na hawak ni Clay kasabay ng pag dating ni Aira para itulak si Kaloy at saluhin ang bala nito. Mistulang teleserye.. Pag may binabaril, may ibang nag sasakripisyo para ito ang matamaan.. Para lang maligtas ang bida.

"Well, I dreamed I saw the knights In armor coming, Saying something about a queen. There were peasants singing and Drummers drumming And the archer split the tree. There was a fanfare blowing To the sun, That was floating on the breeze. Look at Mother Nature on the run In the nineteen seventies. Look at Mother Nature on the run In the nineteen seventies." Tila slowmo ang lahat. Nanlaki ang mata ni Kaloy na hindi na nagawang sambutin ang pag bagsak ni Aira dahil agad nyang sinugod na dambahan si Clay na nawala sa sarili matapos makitang natamaan si Aira.. Lahat ay nagtilian .. Natakot… Nabitawan ni Dan si Ron at tumakbo agad sa gawi ni Aira.. Maging sila Mutya ay lumabas kasama ang mga katulong para masaksihan ang nangyari. Inagaw ni Kaloy ang baril kay Clay na nawalan ng lakas matapos ang mangyari.. Sinuntok pa nya ito.. Isang suntok lang ..dahil sa rumaragasa na agad ang luha nya sa mata. Agad nyang tumakbo si Aira at tiningnan ang tama nito. Sa dibdib. Pinilit takpan ni Kaloy ang tama nito na nag bubuga ng madaming dugo.. Bumulwak ang dugo sa bibig ng dalaga.. Tumulo ang luha sa mata nya.. Nag umpisang manginig ito.

"Sasakyan .."Sigaw ni Kaloy.. agad umaksyon si Kris para kunina ng sasakyan.. May luha ito sa mata at sobrang taranta. Niyakap ni Kaloy si Aira… Nakita nya na dahan dahin itong pumipikit at nawawalan ng malay..

"Please.. Aira. mahal.. Misis… asawa ko.wag.. wag kang pipikit ..dadalhin ka namin sa hospital.. ok ka lang … ok ka lang

..walang mang yayari sayo..uuwi tayo mamaya..magpapakasal tayo.. kahit bukas na mahal..please ..wag kang pipikit..stay awake…stay awake" umiiyak ang binata.

"Sis.. wag kang pipikit" umiiyak din si Mutya.

"Shittt….shittt" paulit ulit na mura ni Reggie. Isang malakas na sampal mula kay Tanya ang gumulat sa bakla.

"Isa kapa" sabi nito kay Ella at akmang susugurin ito ng pigilan sya ni Mutya. Agad namang niyapos ni Dan si Clay para hindi ito makatakas kung sakaling dumating ang pulis.

"Sorry tol…"Tanging nasabi nya kay Clay.

"Sasakyan ..please, Aira.. wag namang ganito.. wag ka pipikit mahal..tingnan mo ako…tingnan mo ako ..putang ina Aira..

"Niyakap ng mahigpit ni Kaloy si Aira .. Parang guguho ang mundo nya.. Hindi nya maipaliwanang ang sobrang sakit lalo ng makitang hindi natigil sa pag bulwak ng dugo ang natamaan nito. Nakatingin lang ang papikit na mata ni Aira sa binata, Lumuluha ito. Dahan dahang inangat ni Aira ang kamay pero di nya ito nagawa.. Di ito napansin ni Kaloy .. gusto sanang iabot ni Aira ang NOte sa kamay nya pero di ito napansin ng binata.

"Tol..may hawak si Aira" ika ni Sam.. Agad tiningnan ni Kaloy ang kamay ng dalaga at nakita ang lukot ng kapirasong papel nito. Agad itong kinuha ni Kaloy para basahin . At ganon na lang ang pagyakap nya kay Aira sa sobrang guilty at sakit naramdaman nya ng mabasa nya ang laman nito.

"Happy monthsary, mamahalin kita kahit ilang months or years pa lumipas" Napaisip si Kaloy at naalala na ang date ngayon ay kaparehas ng araw ng sinagot sya ni Aira..

17 .. though hindi kaparehas ng buwan,, technically monthsary pa din nila.. At sobrang effort si Aira na maalala ito ..tapos sya ay hindi. Sinakay nila ang katawan ni Aira sa sasakyan ni Kris. Yakap yakap ng binata ang dalagang nanghihina na at nakapikit. Umiiyak lang si Kaloy.. Pilit minumulat ang mata ng dalaga at paulit ulit na hinahalikan ito..