1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 4
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 4

By kingovhell ·

"Seryoso" ika ni Kris kay Tanya ng dumiretso ito kasama si Sam sa bahay nila..

"Anong magagawa natin?" tanong ni Tanya sa mga kaibigan..

"Ginusto nya yun ..naiintindihan ko sya .. Lahat gagawin ng isang Ina para sa kanyang anak" sabi ng dalaga.

"Humuhugot ka pa dyan.. kilala ko si Aeron.. kahit nga yung Boss namin walang tiwala dun" sabi ni Kris.

"Eh ano nga gagawin natin tol.. eh kung yun naman nagpapasaya kay Aira" sabi ni Clay..

"Andun na ko tol.. sa pagiging masaya ni Aira..pero imagine the drama kung may mangyaring hindi natin inaasahan." sabi ni Kris. Napa isip sila. Maya maya'y ngumiti si Tanya,, Tumingin sya kay Kris..tapos kay Sam.. sa bakla..

"No ,.. no ..ayaw ko ng ngiting yan Tanya" sabi ng bakla.. Napangiti din si Clay at nagets ang iniisip ng nobya..

"Panahon na siguro para mag sama sama ulit tayo"Sabi ng dalaga..

"Malapit na kasal nyo..sigurado ka ba?? alam mong kapag nagsamasama tayo e problema palagi ang dulot" biro ni Sam.

"Grabe kayo sa mga logic nyo.. magkakasama sama din naman tayo eventually sa kasal ko di ba? " ika ng dalaga.. Napatawa sila..

"Then dun na lang tayo mag kita kita" sabi ni Kris.. Napatahimik ang lahat.

"Look ..iniisip lang namin kayo ni Tol Clay.. Tanya.. ayaw namin na masira ang pinaka importanteng araw nyo" sabi ni Sam.. Ngumiti si Clay at Tanya at nag yakap..

"For now.. kelangan natin sigurong subaybayan si Aeron" ika ni Kris..

"What if wala naman talagang plano yung tao? what if bigla syang nahulog talaga kay Aira? mas maganda yun di ba? mas makakabuti kay Aira"Ika ng bakla.. tiningnan lang sya ni Tanya..

"Sigurado ka?" tanong nito. Napangiti si Reggie..

"Hindi" sagot nito.

"Puntahan natin sila bukas.."Sabi ni Tanya sa kanila.

"Oh sige ..bukas ng gabi.. for sure nandun yun kila Aira ngayon e.. grabe.. di ko talaga maisip na papayag si Aira sa gusto nung lalaking yun" sagot ni Kris.

"Sige na ..nag mamadali din ako.. may gagawin pa ko sa bahay" sabi ni Kris sa mga kaibigan. Tumango lang si Aira at Reggie dito..

"Tol" pag papaalam ni Kris at Sam kay Clay at ang fist bump pa mga ito bago mag hiwalay..

"Congrats tol" sabi ni Kris kay Clay..

"Salamat"Sagot ng binata.

-0- Sa bahay ni Aira… Mistulang isang pamilya ng tatlo na nasa salas at nakaharap sa telebisyon na nanunuod ng Tom and Jerry..

"Hindi ko sya pinapapanuod nyan" sabi ni Aira kay Aeron..

"Bakit hindi e kahit ako natatawa dyan" sagot ng binata..

"Anong nakakatawa dyan..tingnan mo nga napaka brutal ng mga kilos nila" sabi ng dalaga. Muling napahinto si Aira ng mapansing nakatingin na naman sa kanya ng matagal ang binata.. Namutla sya.. Tumayo ang binata at lumipat sa tabi ni Aira. Nanlaki ang mata ni Aira ng maramdaman na niyakap sya nito.. Matagal sya muling hindi nakaramdam ng yakap ng isang lalaki. .bukod sa Papa nya at sa anak.. At sobrang awkward ng sitwasyon dahil gustuhin man nyang sumbatan ang binata ay hindi pwede dahil nanduon ang anak nya.. Maya maya'y inangat ng lalaki ang mukha ni Aira para tingnan sya…

"Aeron Fernandez. 30 years old. . "Sabi nito sa dalaga.. Nakuha naman ni Aira ang nais ipahiwatig ng binata.. Mukhang nais nitong gumawa ng paraan para magkakilala sila at mag karoon sya ng tiwala sa binata.. Wala naman sigurong masama kung susubukan nyang mag tiwala.. Nandyan naman ang mga kaibigan nya para sawayin sya kapag mali na ang ginagawa nya.. Saka matanda na sya para makinig sa desisyon ng iba.. Kailangan na nyang mag desisyon sa sarili nya, lalo't lumalaki ang anak nya.. Paano kung pumayag sya na pag bigyan ang sarili na pag aralang mahalin ang binata? Kung imulat nya ang anak nya sa katotohanang kasinungalingan na ito ang Papa nya ..Ito ang Asawa nya.. magiging ok ang lahat.. magiging ok nga ba?? siguro

..dahil bukod sa lalaki ang bata na may kinikilalang Ama, e hindi na din sya tatanda ng mag isa katulad ng kinakatakot nya. Pero ilang araw pa lang ..Pano sya magtitiwala sa binata? Tiningnan nya si Aeron.. Nasa mata ng binata ang sinseridad na totoo ito sa kinikilos nya.. Ngumiti si Aira.. Kung mali man ang desisyon nya… then.. . haharapin nya ito ng buong tapang..

"Aira Bernadette Sanchez..29 .. single mother" sabi nito sa binata.

"Not anymore" sabi ni Aeron sa kanya.. Niyakap sya ng binata. Saglit na napatigil si Aira.. Masyado na syang matanda para mag isip..pero masyado na din syang matanda para magkamali.. Napasinghap sya.. Minsan pa'y hinayaan nya ang isip na diktahan sya at igalaw ang katawan para sagutin ang yakap ng binata.. Napangiti naman si Carl sa nakita at agad tumakbo sa dalawa para makiyakap. Isang perpektong pamilya.. Alas otso y medya na ng makatulog ang bata… Nasa pintuan nag bahay nila si Aeron,. hinatid sya ni Aira sa labas..

"Sige na.. ingatan mo si Carl.. "Sabi ng binata na mistulang Papa na nga ng bata. Napangiti si Aira..

"Grabe..ikalawang araw pa lang mukhang tinototoo mo na ah" sabi nito.

"Eh nakaka enjoy kasi syang kasama.. "Sabi ng binata.. Natahimik sila.. Walang nais mag salita..

"Kung ako talaga ang Papa nyan, hinding hindi ko yan iiwan" sabi ni Aeron sa dalaga. Muling napatigil si Aira sa narining.. Hindi na ito nag salita.. maya maya'y may inabot na papel si Aeron sa kanya.

"Number ko..di mo kasi hinihingi..in case na hanapin ako ni Carl." sabi nya.. ngumiting pilit si Airati

"Sige na ..mukhang natutulala ka na" sabi ni Aeron sa kanya..

"Bukas na lang ulit" pagpapaalam nito.. hinatid ng tingin ni Aira ang binata .. Kinabukasan.. Naging busy na masyado sa bahay nila Tanya ..Lalo't palapit ng palapit ang araw ng kasal nila.. Nag uumpisa na ang lahat sa pag decorate ng bahay nila kung saan gaganapin ang reception matapos ang kasal. Busy na din ang Papa nya sa pag intindi ng mga inimbitahan na katrabaho.. Ang mama nya ay nag aalaga kay Ayesha.. Si Clay ay bumalik na sa trabaho at nangakong darating sa araw ng kasal.. angbakla ay pumasok din sa trabaho at si Tanya nama'y hindi magkanda mayaw sa pag iintindi ng mga ninong at ninang nya sa kasal. Si Dan ang nakatala bilang bestman..

-0-

"For now naging maganda ang performance nating lahat" sabi ng Boss nila Kris sa kanila. Palakpakan ang sagot ng lahat sa kanya..

"May christmas bonus daw tayong lahat" sabi pa nito at nag sigawan sila..

"Pag patuloy lang natin.. " Tahimik lang si Aeron sa isang sulok .. Wala syang pakialam ngayon sa pero..ang gusto nya ay mag uwian na at makasama na ang mag ina nya. Naeexcite na sya makita ulit si Aira.. Ang magandang babae na dahilan ng mabilis na pag tibok ng puso nya ngayon..

"Sige na ..balik na sa trabaho" ika ng Boss nila at agad silang tila energetic na nagtrabaho.. Lumapit naman si Kris sa Boss nila.

"Sir.. salamat.. kayo ang reason kung bakit kami masipag" sabi nito.. Lumapit din si Sam sa kanila at inakbayan pa ang boss nila

"Oo nga Sir… "Sabi nito na agad namang bumitaw ng makita ang mata ng Boss nila na tiningnan sya ng masama..

"Ayyyy.sorry ..feeling close ako" sabi ni Sam.. napangiti ang Boss nila sa narinig ..

"Kailangan nating mag trabaho .. work

..before anything else.. pag may pera na kayo.. makukuha nyo lahat ng gusto nyo" sabi nito. Napaisip naman is Kris at Sam sa narinig.

"May mga bagay na di nabibili ng Pera Sir" singit ni Aeron sa tatlo. Napahinto naman ang tatlo sa narinig .. Eto ang pilyong binata na kala mo santo kung magsalita ngayon..

"Anong inalmusal mo Mr Fernandez" tanong ng Boss nilaa..

"Wala Sir.. in love lang ako" sagot ng binata at tila kinilig pa ito..

"Sus … sinasabi ko sayo tol… one wrong step.. "Banta ni Kris.

"Kaibigan namin tinatalo mo tol" sabi din ni Sam.. Napailing naman ang boss nila sa pag uusap ng tatlo.

"Grow up ..be practical.. walang maidudulot yang love sa nyo" ika nito at umalis sa harap nila.

"Problema nun?" tanong ni Kris sa dalawa habang tiningnan ang boss nila na umalis.

-0- Sa bahay na nila Aira dumiretso si Aeron.. Katulad kahapon.. may pasalubong na naman ito kay Carl na tila totoong anak na nya talaga.. napangiti naman si Aira ng dumating ang binata.. Nagulat pa si Aeron ng asikasuhin sya nito at ipag handa ng maiinom..

"Something wrong?" tanong ni Aeron sa kanya..

"Ayaw mo bang inaasikaso kita?" tanong ni Aira sa binata.. napangiti si Aeron.. Sa edad nyang 30 ay tila tinamaan pa din sya ng kilig lalo ng magtama ang mata nila at makitang nagblush ang dalaga. Agad umiwas ang dalaga.. Tatalikod na sana sya ng pigilan sya ng binata..

"Pagod ako sa trabaho,, penge naman ng kahit yakap pakunswelo" ika ng binata. Napangiti si Aira sa narinig ,,

"Ang korni mo" sabi nya sa binata pero agad din naman itong lumapit sa binata at niyakap ito. Tiningnan pa nya si Aeron, hinawakan sa mukha at sya na mismo ang humalik sa binata…. Nagulat si Aeron, Pero napangiti na din sya ng magtama ang labi nila.. Hindi nya ito inaasahan.. Ibang iba ang dalaga sa lahat. Namutla ang dalaga ng maghiwalay ang labi nila at maalala ang ginawa. Payuko itong tumalikod..

"Magluluto na ako.. kayo muna bahala jan" sabi nya kay Aeron.. Ngiting abot langit naman si Aeron.. ngayon nya lang naramdaman ito.. Niyakap nya si Carl ng mahigpit..

"I love you…Anak" sabi nito sa bata.. Katatapos mag hapunan ng tatlo at nanunuod ulit ng telebisyon.. Nakayakap si Aira sa binata katabi ang anak nila ng diretsong pumasok sa pinto nila si Kris. Ugali na ng binata ang mang himasok ng bahay ng kaibigan.. At alam na agad nila kapag may biglang pumasok e si Kris ito..

"The King had arrived" ika pa ng binata para gulating ang kaibigan ngunit sya ang nagulat ng mahuling nakayakap si Aira sa binata..

"What the.." ika nito.. Mabilis naman napahiya si Aira at bumitaw sa pag kakayakap sa binata..

"So ito talaga plano mo?"Tanong ni Tanya kay Aira habang magkakausap sila nila Reggie, Kris, at Aeron. Tumango lang ang dalaga.. napasinghap si Tanya..

"Pano kung malaman ng bata" tanong ni Reggie sabay tingin sa gawi nila Carl at Ayesha na binubugbog si Sam.. Hindi sumagot si Aira. natahimik sila..

"Pano kung wala naman syang dapat malaman..pano kung maging totoo ang lahat?" tanong ni Aira.. Maging si Aeron ay nagulat sa sinabi ng dalaga

"Aira.. seryoso yang pinapasok mo.." sabi ni Kris.

"Oo nga ..saka niloloko mo padin yung anak mo nyan" sabi ni Tanya na agad namang siniko ni Reggie. Nagets naman ng dalaga ang bakla kaya napatawa din sya..

"Ayaw ko ng maging malungkot" sabi ni Aira..

"Aira.. may mga reason pa naman para sumaya ka ah..ng hindi nagdedesisyon agad ng mabilisan" sabi ni Kris.

"Tol.. hindi ko sya sasaktan..hindi ko sila kayang saktan.." sabi ni Aeron. Tiningnan lang sya ng masama ni Kris..

"Kilala kita tol..at kilala mo ako..alam mong hindi ako madaling maniwala" sabi ni Kris sa binata.

"Oo tol..alam ko..pero give me a chance na patunayan na i can be a better guy for someone who worth the love na she deserves" ika ni Aeron. Napasinghap na lang sila.. Napangiti naman si Aira sa sinabi ng binata.

"Mahal ko sya"Sabi pa ni Aeron.. Napailing si Kris,,

"Basta mag ingat ka Sis…andito lang kami pag kelangan mo kami" sabi ni Reggie..

"Oh ..eto pala" sabi ni Tanya at inabot ang invitation sa kasal ng dalaga. Napangiti si Aira sa nakita..

"Pupunta ako Sis..Congrats ulit" sabi ni Aira

..Ngumiti ng pilit si Tanya..

"Hoy ikaw.. im watching you ha" sabi ni Reggie kay Aeron. Ngumiti lang si Aeron.

"Hindi ako gagawa ng bagay na ikasasakit ng damdamin ni Aira"Sabi nito.

"Shit.. tara na nga" inis na sabi ni Kris..

"Anak… tara na" sigaw ni Tanya kay Ayesha na kasalukuyang pinapalo ng sinelas si Sam..

"Sa wakas.. malaya na ako.. oh tara na daw..sabi nyo mag lalaro tayo..binugbog nyo lang ako"Sabi ni Sam sa dalawang bata.. nagtawanan sila sa nakita..

"Sis.. mag ingat ka palagi" sabi ni Tanya kay Aira at niyakap ito.. Maya maya'y umalis na sila Tanya.. ilang saglit lang nag paalam na din si Aeron dahil nakatulog na si Carl. Alas dos ng madaling araw ..umiyak si Carl dahil nagising ito ng wala ang Ama sa tabi.. Agad namang bumangon si Aira habang hinihimas ang ulo at hinanap ang cellphone para tawagan si Aeron,, Nagdalawang isip pa sya na tawagan ang binata pero no choice sya ..ayaw tumigil ni Carl. Ilang minuto lang ay dumating ang binata na halatang bagong gising lang ..

"Oh Anak… Papa's here.. sorry " sabi nito at agad niyakap ang bata.. Agad ding yumakap si Carl sa kanya.. Napangiti si Aira sa nakita.. Tinabihan ni Aeron ang bata habang pinapanuod sila ni Aira na matulog.. Nang makatulog ang bata ay tumayo na si Aeron para pagbigyan humiga ang dalaga..

"Matulog ka na ..puyat ka na oh" sabi ng binata sa kanya. Ngumiti lang ang dalaga..

"Ikaw din naman ah..at may pasok ka pa bukas.."Sabi ng dalaga.. Natahimik sila.

"Effort ka din ah" sabi ni Aira sa binata..

"Ah ..dapat lang di ba?? anak ko sya..asawa kita " sabi ng binata na nagulat ng agad syang yakapin ni Aira.. Ilang minuto silang nanatiling mag kayakap.. Kung ano mang nararamdaman ni Aira ngayon ay hindi na nya alam… Posible nga kaya na pag bigyan nya ang sarili na mag mahal ulit..

"Uuwi na ako..late na din oh" sabi ng binata.. Humiwalay ng yakap si Aira ..

"Wag na.. dito ka na muna ..baka magising sya ulit" ika ng dalaga.. Napangiti si Aeron..

"Tabi tayo?"Tanong nito.

"Sineswerte ka..dyan ka sa baba" sabi ni Aira at kapwa sila napatawa.. Naglatag ang dalaga ng higaan sa baba para kay Aeron . Minsang nagtama ang mata nila ngunit agad naiwas ang dalaga.. Hahalikan sana sya ng binata pero umiwas sya..

"Aeron.. saka na" sabi nya sa binata.. Ngumiti lang si Aeron,

"Goodnight" sabi nito ng mahiga na ang dalaga sa kama..

"Goodnight" sagot ni Aira..

-0-

"Ate.. aattend ka ba ng kasal ni Tanya…naka post na sa FB yung mga ninang oh..naka tag ka" sabi ni Jonas habang busy sa harap ng computer..

"Ah..patingin" sabi ni Ella at napangiti ng makita ang pangalan..

"Oo naman.."Sabi niya.

"Ako wala pa kong pera pang regalo.. pautangin mo naman ako oh ..wala pa yung sweldo ko e" sabi ng binata.. Tahimik lang si Ella..

"Panahon na din para makilala nila yung boypren ko di ba?" tanong nya sa kapatid,

"Ewan ko sayo… bahala ka dyan..basta pautangin mo ako"Sagot ni Jonas.. Ngumiti lang si Ella..