1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 5
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 5

By kingovhell ·

Maagang nagising si Aira at nakitang magkaharap na agad sa hapag kainan ang mag ama..

"Aga nyo ah" sabi ng dalaga sa dalawa na halatang gulo gulo ang buhok.. May nakahanda na ding pagkain sa harap ng dalawa..

"Maagang nagluto sila Yaya?"Tanong ni Aira.

"No Ma, Papa teach me to cook eggs" sabi ng bata at agad pinagmalaki ang itlog na nasa mesa. Napangiti naman si Aira sa nakita.

"Kain na .. " sabi ni Aeron ng magtama ang paningin nila.

"Di ko naisip yan ah" sabi ni Aira sa binata.. Napangiti si Aeron..

"Eventually kasi kailangang may magturo din ng ibang bagay kay Carl…lalo't walang ibang mag tuturo sa kanya .. ikaw lang at ako" sabi ni Aeron. Natahimik si Aira..

"Kailangan nya ng Tatay.." sabi pa ni Aeron.

"Di ko kayo iiwan" hinawakan ni Aeron ang kamay ni Aira ng makitang napapaisip ito, Nakita naman ito ng bata at nakihawak din sa kanila. Natahimik sila.

"I love you" sabi ng binata kay Aira.. Napangiti naman ang bata sa narinig na tila kinilig pa ito..

"Mama do you love Papa" tanong ni Carl.. Kinabahan si Aira.. Napatawa naman si Aeron sa narinig

..mukhang nakisama ang bata sa kanila. Hindi nakasagot si Aira..masyadong nablanko ang isip nya. .Paulit ulit nyang tinanong ang sarili kung handa na sya.

"She did not answer you Carl" ika ng binata at ngumiti..

"Mama" ika ng bata na may lungkot sa tono.. Ngumiti si Aira..

"Yes Anak.. Mama loves Papa" sabi ng dalaga. Napangisi si Aeron sa narinig . Natahimik sila.. Namutla si Aira. Nailang ..

"Totoo" maya maya'y bulong ni Aeron. Hindi sumagot ang dalaga .. ngumiti lang ito..

"Pwede ka bang umabsent ngayon?" tanong nito sa binata.

"Bakit" tanong ng binata.

"Basta .." sagot ni Aira.

"Eh baka patayin ako ng boss ko pag umabsent ako ng biglaan" sagot ni Aeron.. Napahiya naman sa narinig si Aira.. sobra sobra na ang hinihingi nya sa binata.

"Ganon ba.. ah sige.. next time na lang" ika ng dalaga… Ngumiti si Aeron.

"Gagawin ko lahat para sayo,, sige ..iteteks ko sila Kris na sabihin na aabsent ako" sabi ng binata at ngumiti.

"May gusto lang sana kasi ako ipakilala sayo" sabi ni Aira sa binata.

"Sino?" tanong ni Aeron.. Ngumiti lang si Aira.

-0-

"Punyeta…" galit na sigaw ng Boss nila Kris ng sabihin ng binata ng biglaang aabsent si Kris for his new family..

"Makasarili…. walang kwenta.. "Sabi pa ng Boss nila na gigil na gigil sa galit. Kung anong galit ng Boss nila ay ganun din si Kris.. Alam nyang may plano ang binata at hindi sya mapalagay na nandun lang sila sa opisina na nag tatrabaho habang hawak ni Aeron ang kaibigan nya

-0- Nakangiti si Aeron habang ang isang kamay ay nakahawak sa manubela ng sasakyan at ang isang kamay nya ay nagteteks habang patungo sila nila Aira, isang katulong at ni Carl sa lugar na sinasabi ng dalaga.. Wala syang ideya sa kung saan sila pupunta pero masaya sya ngayon dahil heto ang pinakamagandang dalaga na nakita nya sa buong buhay nya, kasama nya… at alam nya sa sarili nya na nahuhulog na sa kanya.. Napangiti si Aeron sa naisip.. limang oras ang byahe bago makarating sa sinasabing lugar ni Aira.. Nagulat pa ang binata ng makitang sementeryo ito..

"Mama what are we doing here.. im scared.. there are lots of dead people out there" ika ng bata..

"Anak.. babalik kami ok? Yaya will never leave you.. stay here in the car ha" sabi ni Aira. Tumango lang ang bata at yumakap sa yaya nya..

"Maam ingat po" ika ng Yaya nila.. Nag umpisa ng maglakad si Aira at Aeron.. Medyo malayo ..pero alam ng binata na matapos nito ay magiging ok na sila..

"Heto na" sabi ni Aira ng tumapat sila sa isang puntod.. naguluhan si Aeron sa nangyayari..

"Aeron ..si Kaloy. Kaloy si Aeron.." sabi ng dalaga..

"Sya yung Papa ni Carl" sabi ng dalaga sa binata. Nagulat si Aeron sa naring ..Patay na pala ang Papa ng bata.. Maya maya'y nakita nyang nakayuko ang dalaga.

"Kaloy its been 5 years na nag emowt ako … ilang ulit kong binalikan itong puntod mo.. never akong nag hanap ng ipapalit sayo.. pero kelangan ko na sigurong maging masaya ngayon at lumaya sa nakaraan natin" umpisa ng dalaga.. Tiningnan lang sya ni Aeron.

"Lumalaki na ang anak natin.. Alam kong hindi pa ko sigurado.. Pero gusto ko malaman mo na masaya ngayon ang anak mo.. at masaya din ako" tiningnan ni Aira si Aeron at nagulat ang binata ng makitang lumuluha ang dalaga.. Agad nya itong nilapitan para yakapin..

"Kaloy, si Aeron.. boypren ko" sabi ni Aira na dahilan para mapangiti si Aeron at tingnan ang dalaga.. Napangiti din si Aira ng nakitang nakangiti ang binata.. Agad syang niyakap ni Aeron at masuyong hinalikan.. Nag paubaya ang dalaga.. Bumitas si Aeron. Humarap sa puntod ni Kaloy…

"Tol.. Kaloy.. pangako hinding hindi ko sya sasaktan.. mamahalin ko sila ni Carl the way na deserve nilang mahalin" sabi ng binata..

"Goodbye Kaloy" huling sinabi ni Aira . Minsan pa'y hinawakan ng dalaga ang kamay ni Aeron.. Alam nyang kailangan na nyang iwan ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan dahil minsan, iyon naman talaga ang nararapat.. Magkahawak kamay nilang tinungo ang pabalik sa sasakyan.. Pinunas ng dalaga ang luha.. Ngumiti.. Hindi maalisa ang ngiti sa mukha ni Aeron.. Worth it ang pag absent nya at ang maghapong byahe.. Gabi na silang nakauwi.. At tulog na ang bata … Sa unang pag kakataon ay nagtabi si Aira at Aeron sa iisang kama. humirit ang binata.. pero hindi pumayag si Aira.. Ngumiti lang si Aeron at inintindi ito. hinalikan sya ng dalaga at nagpasalamat sa pasensya…

-0-

"Blaaaaaag" suntok ang sumalubong kay Aeron pag pasok nya kinabukasan sa opisina. Nagulat ang binata .

"Tol..anong problema"Tanong nito kay Kris.. Wala ang boss nila kaya malaya nyang magugulpi ang binata..

"Anong ginawa mo kahapon" tanong ni Kris sa binata.

"Tol.. wala ..anong gagawin ko? may pinuntahan lang kami ni Aira" sabi nya.. Ginusot ni Kris ang kwelyo ng binata.. Hindi sila pinigilan ni Sam.. Pinanuod lang sila nito.

"Tol… pinakita nya sakin libingan ni Kaloy" sabi ni Aeron. Nagulat ang dalawa sa narinig. Di makapaniwala. nabitawan ni Kris ang binata.. Nag ayos ng sarili si Aeron..

"Girlfriend ko na sya mga tol.. at may karapatan na ako sa kanya ngayon.. kaya pwede na din akong mag demand ng kahit ano sa kanya" sabi ni Aeron.. Nainis si Kris sa narinig at akmang susugurin si Aeron.

"Aba putang-"

"Sige.. ituloy mo.. tingnan lang natin kung sino mas kakampihan sa tin ni Aira" pananakot pa nya.. Napatigil si Kris ..Wala syang nagawa.

"You're messing up with the wrong guy " sabi nito kay Aeron at dinuro ito.. Ngumiti lang si Aeron at chineck ang labi kung dumugo.. Ilang sandali pa ay pinatawag sya agad ng kadadating na Boss nila..

"Where were you yesterday Mr Fernandez?" tanong ng Bos nila..

"Boss.. nakabihag na naman ako ng Chix.. at sobrang ganda nya… sobrang seksi.. ginamit ko lang konting awa at pogi ko ..then ayun na" diretsang sagot ni Aeron..

"Really?? yun ba yung sinasabi nila Kris na kaibigan nilang may Anak?"Tanong ng interesadong Boss nila..

"Oo Boss.. konting panahon pa.. makukuha ko din sya" sabi ni Aeron..

"Mind sharing her" ika ng nakangiting BOss nila at inofferan ng pera ang binata… Napasimangot naman si Aeron..

"Sorry Boss..pero ikaw e.. masyado mo akong dinown nung umpisa.. hindi ka naniwala sa kakayanan ko.."Sabi ng binata.

"Saka marami na kaming mag shashare sa kanya, wag ka ng makisama" ngisi ni Aeron,

"Ok.. then sayang naman ang kalahating milyon na offer ko" sabi ng nakangising Boss nila, Napatigil si Aeron .. Nakita nya ang mukha ng boss nila at nainis sya dito..

"Pag isipan ko muna" sabi nito ..

"Iteteks kita sa Byernes… Araw ng kasal ng kaibigan nila Kris. naka set na sa bukid namin ang lahat.. nandun na yung mga kasama ko..tagong tago ang lugar na yun at walang nakakaalam …pero wag ka umasa ha..dapat taasan mo muna sahod ko saka posisyon ko" sabi ng binata.

"Ok pag isipan ko din" sagot ng boss nila..

"Bahala ka" sabi ni Aeron at umalis na . Mabilis na lumipas ang araw.. Mas lalong naging malapit sila Aira at Aeron.. wala namang nagawa sila Tanya lalo ng isang gabing magtapat ang dalaga na totoo na ang nararamdaman nila ni Aeron..

"Sigurado ka" tanong ni Mutya.

"Syempre naman..matanda na ko noh" sagot ni Aira..

"Aira alam mong hindi ako boto sa mokong nato" ika ni Tanya at harapang dinuro si Aeron.

"Wala akong ibang inisip kundi kapakanan mo ..kaya sana .. mag isip ka .." sabi pa nito..

"Sis… godluck" tanging nasabi ni Reggie..

"Tong mga to talaga.. minsan na lang ako ulit maging masaya e" sabi ni Aira ay niyakap pa si Aeron. Galit lang ang hitsura ni Kris na nakatingin sa kanila..

"Oh sya oh sya.. ako dapat ang bida dito e

..ako ang ikakasal"Sabi ni Aira at nagtawanan sila.. Nakitawa din si Aeron… Niyakap nya ang nobya at binulungan..

"Kahit ano pang sabihi nila ..hindi mag babago ang pagtingin ko sayo.. hindi ko kayo sasaktan ni Carl" sabi nito Ngumiti si Aira. Tunay na masarap ang pakiramdam pag may nag mamahal Araw ng Kasal. Lahat ay dumalo.. Mistulang Reunion ng magkakaibigan ang selebrasyon.. May mga ngiting nakapinta sa mga labi ng bawat isa.. Lalo na sa ikakasal.