1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 7
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 7

By kingovhell ·

Twist Part 2

Pinuntahan ni Kaloy si Ella na kasama si Tanya at Clay.. Niyakap nya ang dalaga.. sana si Aira ito.. Lumapit ang binata kay Tanya para magpasalamat..

"Faked Death, sinong mananatili ..sinong bibitaw" bulong ni Tanya sa binata. Siniko sya ni Kaloy tanda ng pagtanggi nito..

"Ako na bahala..basta lumayo ka muna sa tropa.. ako na bahala sayo.." bulong ni Tanya.

"Lolokohin natin sila?" bulong ng binata.

"No.. we're escaping this kind of problem na tanging panahon lang ang makakasagot" sabi ni Tanya Napaisip si Kaloy.. Siguro'y mas ok nga ito..

"Ano yun"Tanong ni Clay sa nobya matapos itong bumulong sa binata.

"Wala. tsismoso" sagot ng dalaga.. Tumango lang si Kaloy kay Tanya at lumakad na sila. Agad na ding umuwi sila Tanya..

"Sis Sorry na" halos lumuhod ang bakla kay Tanya habang nagmamakaawa na hindi nya kayang iwasan ang tropa..

"Nakita mo ba yung ginawa mo? ayaw mo ng gulo pero ikaw pala mismo may dala nito.." sabi ni Tanya..

"Andaming nag tiwala sayo.. Dinamay mo si Ella.. dinamay mo si Aira.. para ano?? sa kalandian mo. Reggie naman" sabi pa nito.

"Araw araw ko itong pinagsisisihan Tanya… at maraming beses ko na itong gustong aminin" sabi ng bakla..

"Pero di mo inamin..ganun mo na ba kamahal si Ron para siraan ang mga kaibigan mo?" tanong ng dalaga..

"Tanya..sa sitwasyon ko.may magmamahal at tatanggap ba sa katulad ko?" sagot ng bakla.. Tiningnan lang sya ni Tanya..

"Hindi mo kailangang sirain ang buhay ng mga kaibigan mo para maging masaya at compatible ka lang sa taong mahal mo" sabi nito.

"Kaibigan mo kami Reggie" nakialam na din si Clay..

"Kaibigan nga ba?" tanong ni Tanya at saka umalis.. Napailing lang si Clay na tumingin kay Reggie at iniwan na din ito. Maya maya'y tahimik na lumabas ng kwarto si Tanya.. Agad ding lumabas ng kwarto si Reggie..

"Ano ?? kaya mo?"Tanong dalaga sa bakla..

"Kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako" sagot ng bakla.. Agad silang umalis ng bahay..

"Ikaw na bahala sa Hospital..ako na kila Tita Ason" sabi ni Tanya.. Sobrang komplikado ng gagawin nila pero ito na lang ang tanging paraan. Fake Death..

"Fake Death" ika ng bakla..

"Umoo na si Kaloy..ang tanong lang ..pano?" sabi ng dalaga..

"Kita mo to..natakbo ang oras.. "Sabi ng bakla.

"Bahala na baka di lang din matuloy to" sagot ni Tanya

"Basta pumunta kang Hospital, may plano yun si Kaloy..nasa mata nya ang sinseridad kanina" sabi pa nito.. Napasinghanp si Reggie.

"Pag ito pumalpak" sabi nya..

"May pera tayo..walang papalpak kapag may pera" nakangiti lang si Tanya. Agad pumunta si Reggie sa malapit na Hospital para kausapin ang Doktor.. Hindi ito pumayag pero ng maofferan ng malaking pera na galing kay Tanya ay pumayag ito't lalo wala namang ibang makakaalam.. Dagok ito sa career nya pag nagkataon..pero who cares? kahit pamilya ng binata ay pumayag. Matinding pakiusapan naman ang nangyari sa pagitan ng Tita ni Kaloy at ni Tanya, Nung una'y nagalit ang Tita ni Kaloy sa dalaga pero ng sinabi ng dalaga na gusto din ito ng binata ay wala ng nagawa ang Tita nya kundi sumabay sa laro.

"Siguraduhin nyo lang na walang madadamay dito na iba" sabi ng Tita ni Kaloy. Ngumiti lang si Tanya..

-0-

"Mukhang oras na bakla ah..para magkaalaman na sa mga sikreto natin" bulong ni Tanya kay Reggie ng magka solohan sila..

"Tingin mo mayayari tayo dito?"Tanong ng bakla sa dalaga.

"Bakit tayo lang ba?" balik tanong ng dalaga at tumawa.

"Ano yan ha? sumisikreto na naman kayo dyan" sabi ni Sam.

"Sabi ni Tanya..mukhang oras na para malaman nila ang totoo" sabi ng bakla kay Sam..

"Nasan na si Kaloy?" tanong ni Tanya kay Sam.. Ngumiti ang binata..

"Kateks ko si Kris.. pupuntahan nila ..tinawag nila ang mission nilang ito na Saving Aira" biroo ng binata..

"Naku sinasabi ko na e .problema na naman pag nagkasama sama tayo" ika ng bakla..

"Oo nga e..at sa kasal ko pa..tapos andyan pa sila Mama.. yari ako nito"Sabi ni Tanya.

"Damay damay tayo" sabi ni Sam.. Ngumiti lang ang tatlo..

-0-

"Sinong nasa kabaon" tanong ng Tita ni Kaloy kay Tanya.

"Mannequin Tita.. magaling pagkakagawa noh? pero parang nagdududa sila kasi bakit ganun daw make up kay Kaloy.."Natatawa ang dalaga..

"Kinakabhan ako" sabi ng Tita ni Kaloy.

"Asan na ba si Kaloy?"Tanong ni Tanya sa Tita nito.

"Kakaalis lang…umuwi ng probinsya.."Sagot nito.

"Bihira naman ang nadungaw sa kabaon nya ah…except kay Aira na maya maya natingin" sabi ng TIta ni Kaloy..

"Di nya mapapansin yun Tita.. masyadong nasaktan si Aira para isipin na buhay si Kaloy" sabi ni Tanya.. Nagngitian sila..

"Ang balik ng plano nyo" sabi ng Tita ni Kaloy.

"Saving Kaloy to Tita" sagot ng dalaga

-0- Napamulagat si Kaloy sa malamig na metal na tumarak sa katawan nya..

"Ulggggkkk" bumukwak ang dugo sa bibig ng binata.. Muling binaon ni Ben ang kutsilyo sa katawan ni Kaloy.. Inikot at sinagad.. Unti unting pumikit ang nanlaking mata ng binata..

"Tara ,,,tara " sigawan ng mga tumayong tropa ni Ron.. Nanginginig pa ang binata ng bitawan ni Ben ito para iwan na nakahandusay sa lupa.. Nanlabo ang mata ni Kaloy.. Kinapa nya ang bahaging nasaksak.. Dugo.. madaming dugo.. hindi tumitigil.. Napapikit na sya ng tuluyan… Sana pag gising nya ….Ok na lahat..

"Sinaksak nya sarili nya tol"Sigaw ni Ben kay Ron.

"Ano?"Tanong ni Ron sa binata..

"Seryoso tol…sya ang sumaksak sa sarili nya hindi ako.. "Sagot ni Ben na tarantang taranta sa nangyari..

"Ano gagawin ko?" tanong nito

-0- Sa limang taong lumipas ..Ginugol ni Kaloy ang sarili sa pagsisimula ng bagong buhay.. Alam nya ang nangyayari sa tropa. Nag umpisa syang mamuhay ng wala ang tropa..Araw araw syang nasasaktan lalo ng dumating ang araw pagiging mag syota ni Ram at Ella at ang pag balik ni Aira sa Amerika.. Pero mas nagkaron lang sya ng dahilan para mag sikap. Nangako sya na tutuparin ang banta sa Ama ni Aira.. Minsan na syang nag kamali na mawala ang babaeng pinakamamahal nya

..Alam nyang masama ang ginawa nyang pag papanggap pero para din ito sa kanila ni Aira. Naging matagumpay naman ang binata na nakatapos ng pag aaral at naging masipag na empleyado hanggang sa mabingwit nito ang pinakamataas na posisyon na binigay agad sa kanya sa mababang edad nya dahil sa angking talento nya. Kinapa ng binata ang sugat sa tagiliran nya .. Tandang tanda nya na ito ang patunay sa mga pag hihirap na napagdaanan nila ni Aira.. Walang nagbago sa ilang taong hindi sila nagkita.. Mahal na mahal pa din nya ito at handa nya na itong pakasalan lalo't may pera na sya para humarap sa magulang nito at sa anak nya.. Ngumiti ang binata.. Oras na siguro para lumabas sya at magpakilala..

-0- Sa opisina.. Agad ginusot ni Kris ang kwelyo ni Aeron at sinaldak sa pader..

"May ginawa ka bang kabulastugan?" ika ng binata dito.

"Wa- wala …wala tol" takot na sagot ni Aeron..

"Tol… seryoso ako..kapag may ginawa kang masama.. hindi mo magugustuhan ang ganti sayo ng tadhana" ika ni Kris at kinuyom ang suntok sa harap ni Aeron. Napalunok ang binata..

"Tol.. hindi ko kayang saktan sila.. nakita ko na sobrang fragile pa ni Aira sa sakit.. ano bang nangyari" tanong nito. Hindi sumagot si Kris..

"Ano yan" ika ng Boss nila. Kitang kita nya na nakakuyom ang suntok ni Kris kay Aeron..

"Kris ..ibaba mo si Mr. Fernandez" utos nito. hindi naman nakinig si Kris.. Napailing ang boss nila..

"Kris ..ibaba mo si Mr, Fernandez then go straight to my office" muling utos ng boss nila.. Nagulat si Kris sa narinig. Tiningnan nya ng masama si Aeron..

"Watch it"Bulong nya sa binata.. Binaba nya ito at sumunod sa Boss nila.. Sermon na naman to..

"Anong nangyari?" tanong ng Boss nila kay Kris.

"Aaswangin nya si Aira" sabi nito.

"Code A.." sabi ng Boss nya sa kanya.

"Huh?" takang tanong ni Kris.

"Code A, sabihin mo sakin pag di mo na kaya si Aeron..Code A as in Aira" sabi ng Boss nila. Ngumiti lang si Kris..

"Sige na ..labas na" sabi ng Boss nila at lumabas na ang binata..

-0-

"Punyeta…" galit na sigaw ng Boss nila Kris ng sabihin ng binata ng biglaang aabsent si Kris for his new family..

"Makasarili…. walang kwenta.. "Sabi pa ng Boss nila na gigil na gigil sa galit. Kung anong galit ng Boss nila ay ganun din si Kris.. Alam nyang may plano ang binata at hindi sya mapalagay na nandun lang sila sa opisina na nag tatrabaho habang hawak ni Aeron ang kaibigan nya.. Kinabukasan.. Sinuntok ni Kris si Aeron para sumbatan.. Walang ginawa si Sam para pigilan ang dalawa.. Pinanuod lang sila nito at lihim na tineks ang boss nila..

"Syota na ni Aira si Aeron kaya umabsent ang mokong kahapon..may plano ito sa tingin ko" teks nya sa Boss nila.. Maya maya'y dumating na ang Boss nila na sobrang galit pero kinalma ang sarili bago harapin at kausapin si Aeron..

-0-

"Putang inaaaaa" galit na sinipa ni Kris ang basurahan sa labas nila Aira ng makitang kagigising lang ng Maid nito .

"Sir.. kinuha po sila Maam nila Sir Aeron..sila lang po ang pumasok dito.. May pumalo po sa batok ko..nararamdaman ko pa ngayon yung sakit" sabi ng Yaya.

"Alam mo ba kung san sila dinala Yaya?"Tanong ni Kris. Umiling ang Yaya ni Aira..

"Shittt…." ika ni Kris at nagkuyom ng kamao..

"Tol ..ready ka na?" tanong nya kay Brando..

"Tol kanina pa ko suntok na suntok"Sagot ni Brando..

"You messed up with the most dangerous guy sa lugar natin Aeron" bulong ni Kris sa sarili at ngumiti.. Agad dinuokot ng binata ang cellphone at may tinawagan..

"Sir.. busy ka" ika nito sa Boss nila.

"Yes Kris..bakit?"Tanong ng Boss nila sa kabilang linya.

"Code A" ika agad ni Kris,, Napatahimik ang boss nila sa narinig.

"Sir.. im sorry pero iniimbitahan po kita na dumalo sa party ng kasal ng kaibigan ko" sabi ni Kris.

"Busy pa ko e" natatawa ang Boss nila na sa loob loob ay kumukulo ang galit..

"Tang ina naman Kaloy.. hawak na ni Aeron si Aira at yung anak mo..wag ka ng umupo dyan at magipon ng pera mo..hindi maibabalik ng pera mo ang mag ina mo" sumbat ni Kris kay Kaloy… Nanahimik ang binata sa kabilang linya..

"Ano ?? ano na? tumatakbo oras tol" sabi ng binata.. Nagulat naman si Brando sa kausap ni Kris..pero malinaw na tinawag nya itong Kaloy.Napangiti ang binata.

"Alam mo ba kung nasan sila" tanong ni Kaloy kay Kris..

"Hindi nga e" sagot ng binata.

"Mahina ka..hintayin mo ako dyan..may kasama ka ba? nasan ka ba?" tanong ng binata..

"Si Brando ..nandito kami kila Aira ..bilisan mo" utos ng binata.

"Grabe,, kung makapag utos ka ah…alalahanin mo ..Boss mo ako..at asawa ko yung nasa peligro" ika ni Kaloy. Napangiti lang si Kris ..

"Welcome back tol" ika nito sa binata..

"Ibaba mo na..para na tayong magsyota nito..lampas 1 min na pag uusap natin sa cellphone.. " sabi ni Kaloy.

"Uubusin natin ngipin nung hinayupak na yun" huling sinabi ni Kaloy bago binaba ang cellphone. Napa suntok naman sa saya si Kris mataps ibaba ang cellphone.

"Tol.. si Kaloy ba yun?"Nakangiting tanong ni Brando

"Totoo ba narinig ko?" tanong ulit nya…

"Mahabang kwento tol..for now..Code A tayo.. Saving Aira" ika ni Kris sa binata. Nagkukuyom ang kamao ni Kaloy sa galit

..nakangiti ang labi nya pero ang loob nya ay punong puno ng galit.. 5 taon nyang kinalimutan ang pakikipag away at ngayon.. Ibubuhos nya lahat ng naipong galit sa binatang nanakita sa mag ina nya..