1. Home
  2. Stories
  3. Carnal: Book 2 - Chapter 2: Right Of Passage
Pinoy Tambay

Carnal: Book 2 - Chapter 2: Right Of Passage

By anino ·

"I am so disappointed with that boy" sabi ni Chello sa akin nung pauwi na kami galing grocery store "Eh anong magagawa natin di mo naman pwedeng pagbawalan yun, sige kung gagawin mo yan lalo lang magrerebelde si Dave" sabi ko sa kanya. Kita kong nag-isip ito "Don't do it!' sabi ko sa kanya na tiningnan ako nito ng masama at inisnaban ako "Haayyyy… I understand how you feel, babe.." "You don't!" sabi nito sa akin na napa *sigh* nalang ako. Di niya pinansin si Dave simula kahapon kahit na binati siya nito ng good morning at niyakap pa siya nito di parin niya ito kinausap "Dad?" "Hayaan mo nalang muna ang mommy mo" sabi ko sa kanya habang nagbubuhat ng mga pinamili namin kanina. "Babe, tell that guy over there to get out of my way" sabi ni Chello sa akin na nagkatinginan kami ni Dave.

"Babe you are being unreasonable" sabi ko sa kanya na inignore din ako "Baby, tell your father to stop talking to me" sabi nito sa anak namin na natawa lang si Jenny. "Pati ba naman ako?" sabi ko sa kanya na di ako pinansin at dumiretso lang ito sa kusina dala ang mga ingredients na nabili namin kanina. "Dad, anong gagawin natin?" tanong ni Dave sa akin na nginitian ko ito at inakbayan ko siya "Come with me" sabi ko na dinala ko siya sa rooftop at naupo kami sa gitna na napapalibutan kami ng mga halaman at bulaklak ng mommy niya. "Alam mo ba na dito ako tumatambay sa tuwing inaaway ako ng mommy mo" sabi ko sa kanya "Talaga?" tanong nito "Oo, minsan sa gym kami magsparing pero mas gusto kong tumambay dito kesa suntokin ang mommy mo" sabi ko sa kanya na ngumiti ito.

"Mahal mo talaga si mommy no?" tanong ni Dave sa akin na sumandal narin ito beach chair at tumingin sa kalangitan, nagdidilim narin kasi kaya nakikita na naming isa-isang lumalabas ang mga bituin. "Hahaha, oo, mahal na mahal ko ang mommy mo, kahit ganun yun sobrang mahal ko yun" sabi ko sa kanya na nagkahiyaan pa kaming dalawa sa sinabi ko. "Ikaw anak?" tanong ko "Ano dad?" "Mahal mo ba si Helen?" tanong ko na kita kong nagblush ito kaya natawa ako "Daddy naman eh, hehehe" nahihiyang sabi nito sa akin "Ok lang yan anak, basta wag lang kayo lalampas sa kiss ha?" sabi ko sa kanya na napatigil ito at napangitii "Di ko naman gagawin yun dad pag di siya willing" sabi nito sa akin "Look, ok na sa akin na nagka girlfriend ka, but don't! I mean don't you ever go that far, not now at least" paalala ko sa kanya na tumango ito at sumandal uli sa upoan niya.

Nakatingin lang kami sa kalawakan nang marinig naming bumukas ang pinto ng elevator na kita naming lumabas si Jenny "Daddy.." "Yeah baby?" sagot ko "I'm bored downstairs" sabi nito sa akin "Come here, tabi ka sa akin" yaya ko sa kanya kaya umupo ito sa tabi ko at humiga sa beach chair. "Oh lots of stars!" sabi nito nung tumingin ito sa langit. Tumambay kaming tatlo sa rooftop na nagtatawanan at nagkukulitan, makalipas siguro ang ilang oras ng biglang bumukas uli ang pintoan ng elevator kaya napatingin kaming tatlo doon. "Are you guys coming downstairs or do you want me to throw the dishes in the garbage?" inis na sabi ni Chello sa amin. "Babe, calm down" sabi ko sa kanya na lumapit ito sa amin at tumayo ito sa pagitan ng beach chair namin ni Dave. "Mommy look" turo ni Jenny sa taas na tumingin naman si Chello "Orion!" sabi ni Jenny.

Napatingin sa amin si Chello at biglang tumalikod ito at pumasok uli sa loob "Oohh you two are in trouble" sabi ni Jenny sa amin na tumayo agad si Dave at kita kong natatakot ito "Third, just relax" sabi ko sa kanya "What if.. you know…" nagpapanik na ito "She won't go that far son" sabi ko sa kanya na tumayo ako para puntahan si Chello sa baba ng biglang bumukas uli ang pintoan ng elevator at nakita ko itong me dalang tray "Babe" tawag ko sa kanya "Put the table in the middle" utos nito sa akin na agad ko namang binuhat ang mesa sa gilid at nilagay sa gitna. Nilagay niya ang tray sa ibabaw ng mesa at umupo ito sa tabi ni Dave "Eat up!" sabi nito na kumuha ito ng chips at dinip ito sa cheese at kumain ito. "Mommy… i'm.." sabi ni Dave "Forget it!" sabi ni Chello sa kanya na kita kong napayuko ang ulo ni Dave

"Haayy.. no kissing unless its on the cheek, you can hold hands but not all the time, you can't date alone If you are going out for a date tell me, I need to know where, when and who you are with" nagsisimulang sabi ni Chello sa kanya na kita kong napatingin sa kanya si Dave. "No more lies, no secrets and specially, Jenny cover your ears (utos nito sa bunso namin na ako na ang nagtakip sa tenga niya) no falling around!" paalala ni Chello sa kanya na ngumiti si Dave at niyakap ang mommy niya. "Thank you mom!" sabi nito na kita kong ngumiti din si Chello "Very well said babe" sabi ko kay Chello na tumingin ito sa akin at nakipagpalitan ng pwesto sa bunson namin at humiga ito sa tabi ko. "I can't stay mad with you two" sabi nito sa amin na kita kong napangiti si Dave sa amin "So that means, kuya is officially taken?" tanong ni Jenny "Pretty much" sagot ko. Tumambay kami ng ilang oras sa rooftop habang tumitingin ng mga bituin sa langit at bumalik na kami sa condo namin nung nagsisimula ng lumamig ang gabi at nag late dinner kami sa sala habang nanonood ng movie.

Linggo: maaga kaming nagising at matapos makapaghanda umalis na kami dala ang pagkaing niluto ni Chello papunta sa bahay ng mga magulang ko. "I can't wait to see lolo and lola" sabi ni Jenny sa amin na di na ito makapaghintay. "Jenny" sabi ko sa kanya dahil sobrang kulit na nito sa likod "JENNY!" sigaw ni Chello sa kanya na nabigla kaming tatlo nung sumigaw ito. Pagdating namin sa tapat ng gate namin "Third, can you open the gate" utos ko sa kanya na lumabas ito at pumasok sa loob "APO!" dinig namin ang boses ni papa sa loob, maya-maya bumukas na yung gate at kita kong dumating narin pala sina Dominic. "Kuya!" sigaw nito nung bumaba na ako ng kotse "Dom!" tawag ko sa kanya at nagkamayan kaming dalawa "Musta na ang kapatid kong under?" biro nito sa akin na natawa lang ako.

"Wow!" dinig namin galing kay papa na kita naming nakangiti itong lumapit sa amin "Andito na sa wakas ang dalawa kong anak" sabi nito na pinatong ang mga kamay nito sa balikat namin ni Dom "Pa, happy birthday" bati ko sa kanya na niyakap ko ito at humalik ako sa pisngi niya "Pa, kinumusta ko lang ang pagiging under ni kuya" sabi ni Dom "Psst…hoy!" sabi ni papa sabay turo kay Chello na papalapit sa amin "Hahaha" natawa lang ako sa dalawa "Pa, happy birthday!" bati ni Chello sa kanya na yumakap ito at humalik sa pisngi "Andito na pala kayo" dinig namin galing kay mama na lumabas ito "Ma, kumusta po kayo" tanong ni Chello sa kanya na yumakap ito at humalik sa pisngi "Ok lang ako iha, teka asan na yung… wow, malaki na ang baby namin" sabi nito nung makita si Jenny "LOLA!!!" tumakbo ito sabay yakap sa kanya.

"Haayy talaga yang anak mo Dave" sabi ni papa sa akin "Bakit pa?" tanong ko "Di ata naalala na birthday ko ngayon" nagpaparinig si papa kay Jenny na nilingon siya nito at sabing "Lolo, how can I forget the day of your birth" sabi nito na lumapit ito sa kanya at yumakap ito "Wow, thank you baby!" sabi ni papa sa kanya. "Asan na yung magaling mong anak, Davideo?" tanong ni mama sa akin na pansin kong bigla nalang nawala si Dave. "Andito lang yun kanina" sabi ko "Baka nasa loob na" sabi ni papa "Di man lang binati ang lolo niya? kuya not good" sabi ni Dominic sa akin na sinuntok ko ito ng mahina sa balikat. Tiningnan ko ito sa loob ng kotse at kita kong busy ito sa celfon niya "Nasa loob ng kotse, busy sa phone niya" sabi ko sa kanila na pinuntahan ito ng lola at mommy niya at binuksan ni mama ang pinto "DAVIDEO!" sabay pa sila ni Chello na kita naming nagulat si Dave sa loob kaya natawa kami nina papa, Jenny, ako at Dominic sa reaction ni Dave.

Lumabas na ng kotse si Dave at binati nito ang lolo niya "Happy birthday, lo" "Salamat apo" sabi ni papa "Davideo, come here" tawag ni mama sa kanya "Po?" "Ano itong naririnig kong me girlfriend kana daw?" tanong ni mama sa kanya na tumingin ito sa akin "Hindi ako!" sabi ko "Ke bata-bata mo pa me grilfriend kana?" sermon ni mama sa kanya "Oonga ma eh" sabi din ni Chello "Naku kuya, mukhang me luluhod ata sa harap ng altar mamaya" sabi ni Dom "Dom" sabi ni papa na natahimik si Dominic. "Aida, Chello" tawag ni papa sa dalawa "Wag niyo naman kornerin ang bata, di naman kasalanan ang pagkakaroon ng girlfriend" sabi ni papa sa kanila. "Anong di kasalanan? tingnan mo nga ke bata-bata pa wala pang legal age nagka girlfriend na" sabi ni mama "Haayyy… birthday ko ngayon dapat masaya tayong pamilya di nag-aaway" sabi ni papa sa kanila na inakbayan nito si Dave.

"Besides, di naman maiwasan na sa sobrang pogi ng apo ko maiinlab talaga sa kanya ang mga kababaihan, di ba apo?" sabay kindat ni papa sa kanya na ngumiti sa Dave "HMP!" dinig namin galing kay mama at kay Chello at pumasok yung dalawa sa bahay kasunod si Jenny. "Hahaha galing talaga magpalusot ni papa" sabi ni Dominic na natawa kami "Ayan anak, dalawa na kaming nasa likod mo" sabi ko sa kanya na natuwa ito. "So Dave, gagraduate ka na pala next year" "Opo, tito" sagot nito "Me kurso ka na bang kukunin?" tanong ni Dom sa kanya "Hmmm.. meron na po" sagot niya "Me irerecommend ako sayo" sabi ni Dominic "Magdoktor ka" dagdag nito "My son will become an accountant, Dominic" sagot bigla ni Chello na lumabas uli ito "Ate!" nagulat si Dominic sa kanya "My son will become an accountant, like his father and me" sabi ni Chello na dinalhan ako nito ng coke. "What's wrong with being a doctor?" tanong ni Maria nung lumabas ito ng bahay "Mar, musta kana?" tanong ko sa kanya "Heto, anim na buwan na and counting" sabi nito sa akin "Oonga, lapit na" sabi ko sa kanya. "Anyway, ate, what's wrong about being a doctor?" tanong nito kay Chello.

"Nothing, gusto ko lang maging accountant ang anak ko" sagot nito "Dapat tanongin natin siya, ano ang kursong gusto mong kunin, Dave?" tanong ni papa sa kanya na nakatingin kaming lahat sa kanya. "Ah matagal ko na po kasi itong naisip simula nung naggraduate ako ng elementay" pasimula nito "Nung marinig ko ang kwento ni lolo Rudy.. gusto ko pong sumunod sa yapak niya" dagdag nito. "Maging kapitan ng barangay?" tanong ni Dom na natawa kami ni papa "Hindi!" sagot ko "Gusto mong maging pulis, apo?" tanong ni papa "Opo lolo, katulad niyo po noon at magiging tapat ako sa tungkolin" sagot nito na nilapitan siya ni Chello at inakbayan ito "My son, a cop?" sabi nito sabay pulupot ng mga braso sa leeg ni Dave at parang sinakal niya ito "Mom….miii…" "You will become an accountant, inherit the business and if you refuse to do this… (tiningnan niya ito ng masama at sabing) you will be walking like your dad for the rest of you life!" nakita kong pati sila natakot sa mukha ni Chello.

"Mom!" sabi ni Dave na nilapitan ko ito at inakbayan ko si Chello na kumalma ito at binitawan ang leeg ni Dave "I'm sure he has his reasons" sabi ko kay Chello na siniko ako sa tyan "Come on, babe!" sabi ko sa kanya sabay lakad nito papasok ng bahay at natahimik kaming lahat sa nangyari. "Nakakatakot" sabi ni Maria na napatingin kaming lahat sa pintoan ng bahay "Bakit gusto mong maging pulis anak?" tanong ko sa kanya na tumingin ito sa lolo niya at tumingin ito sa akin "Gusto ko pong maglingko, dad" sagot nito na napatingin ako kay papa at kita kong nakangiti ito. "Apo nga talaga kita" sabi ni papa sa kanya na nilapitan niya ito at pinatong ang kamay sa ulo ni Dave. "Rudy!" tawag ni mama kay papa "Oh?" "Pasok na kayo dito para makapaghaponan na tayo" sabi ni mama "Tara na sa loob" yaya ni papa at pumasok na sila habang naiwan kami ni Dave sa labas.

"Gusto mo ba talagang maging pulis?" tanong ko sa kanya na kita kong nagpaisip ito "Third, if you want to set a goal you have to see to it na susundin mo ito" sabi ko sa kanya "Pero pa, paano kung.." "Your mom… well.. Chello will always be Chello" sabi ko sa kanya. "Pero kung ipakita mo sa kanya na seryoso ka sa pinili mo at determinado kang abotin ito, i'm sure rerespetohin ito ng mama mo" sagot ko sa kanya. "Sa pinakita niya kasi kanina…" sabi nito kaya pinutol ko siya "Third, sasabihin ko sayo ang sinabi sa akin ng lolo Rudy mo na sinabi din ng lolo kong si Davideo sa kanya" sabi ko na tumingin ito sa akin "I believe in you!" sabi ko sa kanya "Dad?" "Hehe… naniniwala ako sa kakayahan mo anak, gaya ng tiwalang binigay sa akin ng papa ko at sa lolo ko" sabi ko sa kanya na kita kong nabuhayan ito ng loob at ngumiti ito "Salamat pa!" sabi nito sa akin kaya inakbayan ko siya "Tandaan mo anak, pinangalanan tayong Davideo for a reason" "Ang weird lang kasi ng name natin" natatawang sabi nito "Well, weird nga pero matibay ito!" sagot ko sa kanya na nagtawanan kaming dalawa "Are you guys coming in or do you want me to drag you inside?" inis na sabi ni Chello kaya pumasok na kami sa loob.

Nasa loob na ang mga kamag-anak namin at isa-isa narin silang kumakain "Daddy!" tawag ni Jenny sa akin kaya lumapit kami at naupo sa tabi niya "Oh, kain na kayo" sabi ni mama sa amin na nilagyan ni Chello ng pagkain ang plato ko. "Ma, nagluto ho ba kayo nung paborito ko?" tanong ko sa kanya "Oo, ilalabas ko mamaya" sabi nito na natuwa ako "Daddy talaga!" sabi ni Jenny na pansin kong tahimik lang si Dave sa tabi ko "Anak, kain na" sabi ko sa kanya na inabot nito ang sandok para kumuha ng kanin na inunahan ito ng mommy niya at siya na ang naglagay ng pagkain sa plato ni Dave. "Thank you mom" sabi nito na di nagsalita si Chello. "So kuya, 16 yrs old na si Dave di ba?" tanong ni Domininc sa akin "Oo, bakit?" tanong ko "Dave, alam mo naman ang tradition natin di ba?" tanong ni tito Sam na napaisip ako at nung maalala ko ito "No way!" natatawang sabi ko sa kanila. "Pa?" sabi ko na ngumiti lang si papa sa akin at tumingin kaming lahat kay Dave "Bakit po?" takang tanong nito sa amin.

Matapos kaming kumain, niyaya ni papa ang lahat ng lalake sa pamilya namin na pumunta sa likuran ng bahay at tinakpan namin ng tela ang mata ni Dave. "Ano ito dad?" takang tanong nito sa akin "Relax lang anak, mag-eenjoy ka nito" sabi ko sa kanya na pansin kong natatakot ito "Relax lang Dave, walang mangyayaring masama sayo" sabi ni Dominic sa kanya "Naalala mo ito kuya?" tanong ni Dom sa akin "Oo" sagot ko sa kanya. "Ready na!" sabi ni tito Sam kaya nilabas na namin si Dave at kita kong nakapila na silang lahat. "Ready kana anak?" tanong ko sa kanya "Sa ano po?" tanong nito kaya inalis ko ang piring sa mata niya at nagulat ito nung makita ang mga kamag-anak naming nakapila sa harap niya. "Dad, ano ito?" tanong niya sa akin "You'll see" sabi ko na pumwesto kami ni Dom sa linya.

Nilapitan siya ni papa at inakbayan ito "Dave, ngayon na 16 yrs old kana at magtatapos ng high school" pasimula nito "Tradisyon ito mula pa sa mga ninuno natin ang bigyan ng hazing ang lalake sa angkan natin, kaya ngayon ikaw, pangatlong Davideo ang dadaan sa tradisyon na ito" sabi ni papa na inabotan siya nito ng damit "Ano po ito?" tanong niya "Hubarin mo ang damit mo maliban sa underwear at isuot mo yan" sabi ni papa sa kanya na napanganga ito nung binuka ang damit na bigay ni papa "DASTER!" napasigaw ito na natawa kaming lahat. Matapos makapagpalit ng damit dinala siya ni papa sa harap ko na nakatayo kaming nakabuka ang mga hita namin. "Susuong ka dyan Dave hanggang sa pinakadulo" sabi ni papa sa kanya. "HAHAHA SI KUYA BADING!" natatawang sabi ni Jenny sa kanya "Sshhhh be quiet baby!" sabi ni mama sa kanya.

"Simulan na natin" sabi ni papa na binigyan ng isang bote ng beer si Dave "Inumin mo ang kalahati niyan pagkatapos gumapang papunta sa dulo na me naghihintay sayong isang bote ng beer na kailangan inomin mo lahat" paliwanag ni papa sa kanya "Pagkatapos sumuong ka uli at pagbalik mo dito inumin mo ang kalahating beer sa boteng ito" dagdag nito. "Yun lang po ba?" tanong ni Dave sa kanya na napangiti kaming lahat "Guys!" tawag ni papa sa amin na tinaas namin ang isang kamay namin na kita kong nagulat si Dave "Tsi..tsinelas? para saan yan?" tanong nito "Makikita mo" sabi ni papa sa kanya "Simulan na yan!" sigaw ni tita Bing na kita kong natatakot si Dave. Inabot ni Dave ang bote ng beer na tumingin pa ito sa mommy niya na tila humingi ito ng permiso, uminom na ito nung tumango si Chello at lumuhod si Dave at tumingin ito sa akin bago ito gumapang pasuong sa ilalim ko "Sorry anak" sabi ko sa kanya na pinalo ko ang pwet niya gamit ang tsinelas "ARAY!" sigaw nito.

Sunod-sunod ang palong natanggap ni Dave hanggang sa nakalabas na ito sa dulo kaya umikot kami para humarap sa kanya at binigyan siya ng bote ng beer ni tito Sam. Nung yumuko si Dave pinalo siya nito ng tsinelas at nagsimula na uling gumapang na maririnig mo ang sigaw nito at pagtama ng tsinelas sa pwet niya. "Woooo!! go kuya" sigaw ni Jenny na natawa ang iba sa ginawa namin sa kanya. "Kuya andito na siya" sabi ni Dominic sa akin at nung dumaan na siya sa ilalim ko pinalo ko ito ng malakas na napasigaw ito "OUCCH!!!" sabi nito at humarap kami sa kanya. "Drink up!" sabi ni papa sa kanya na nanginginig pa ang kamay nito nung inabot ang bote. Nakatingin lang kami sa kanya nung ininom nito ang kalahating beer at nung naubos niya ito "Itaas mo anak para ipakita mo sa kanila" sabi ko na tinaas ito ni Dave at binaliktad niya ito at sabay-sabay kaming naghihiyawan.

"Congrats Dave" bati nila isa-isa sa kanya na kita naming naluluha ito dahil sa mga palong binigay namin sa kanya "Congrats anak" bati ko sa kanya na ngumiti ito at nagpahid ng luha "Dumaan din ako dyan kaya alam ko" sabi ko sa kanya "Buti nga sayo tsinelas eh sa amin dati ni kuya sinturon" sabi ni Dominic sa kanya. "Congrats anak" bati ni Chello sa kanya na pinalo niya ito sa pwet "MOM!" sumigaw si Dave na natawa ang mga kamag-anak namin sa kanya. "Sorry apo, pero ito talaga ang tradisyon ng pamilya natin" sabi ni papa sa kanya "Barbaric" sabi ni Jenny kay papa na yumuko si papa sa level ni Jenny at sabing "Swerte ka baby, babae ka" na nagtago ito sa likuran ng mommy niya. "Pa!" sabi ni Chello sa kanya na tumawa lang ito at inabotan kami ni Dominic ng tig-iisang bote ng beer.

Tuloy lang ang celebration sa birthday ni papa na kita kong nalalasing na si tito Sam "Alam mo Dave hik* dapat maging doktor ang anak mo" sabi nito "Bakit naman po tito?" tanong ko "Kita mo ako ha hik* successful at hik* (umakbay ito sa akin at bumulong) daming nurse hihihi" natatawang sabi nito "Loko ka talaga tito" "Di ba doktor Dominic?" sabi nito sa kapatid ko "Ha? oo totoo yun, doktor tito" sagot naman ng kapatid ko na sinampal ito ng mahina ni Maria. "Sam uwi na tayo" sabi ni tita Bing sa kanya "Teka.. di pa ako lasing ha.. gusto ko pa tumambay sa mga hik* pamangkin ko" sabi ni tito Sam na hinila siya ni tita Bing palabas ng bahay. Isa-isa narin nagsiuwian ang mga kamag-anak namin at makalipas ang ilang oras nagpaalam narin sina Dominic na uuwi na "Sige Dom, ingat kayo" sabi ko sa kanya "Ingat din kayo" sabi nito at umalis na sila pagkatapos makapagpaalam kina mama at papa.

"Akyat na kami sa taas babe" paalam ni Chello dahil kanina pa hikab ng hikab si Jenny "Sige, dito muna kami" sabi ko sa kanya, na upo kami sa labas ng bahay kaming dalawa ni papa at nagkwentohan kami ng biglang lumabas si Dave kaya pinaupo namin ito sa gitna namin. "Ok kana anak?" tanong ko sa kanya na tumango lang ito "Pasensya kana apo ha?" sabi ni papa sa kanya "Ok lang yun lo, sobrang pait pala ng beer" sabi ni Dave sa amin na natawa kami ni papa. Napansin niyang hinihimas ko ang hita ko "Sumakit bigla" sabi ko sa kanya na kita kong uminom ng beer si papa "Dad, bakit ho ba kayo naging lumpo?" tanong ni Dave sa akin na nagkatinginan kami ni papa. Di kasi namin kinwento sa kanila ang nangyari noon, kasi para sa amin kahapon na yun na di na dapat pag-usapan pa.

"Ah, wala ito anak, kalimutan mo nalang" sabi ko sa kanya "Hindi dad, gusto ko pong malaman, tinanong ko si mommy tungkol dyan pero ayaw niyang sabihin, pati si lola, si tito Dominic ayaw nilang sabihin" sabi niya sa akin. "Dave, wag mo nalang alamin" sabi ni papa sa kanya na kita kong nafrustrate lang ito dahil kita kong concern ito sa akin "Sasabihin ko sayo pero hindi ngayon" sabi ko sa kanya na magsasalita pa sana ito ng biglang me kumatok sa gate "Sino yan?" sigaw ni papa "Rudy, ako ito!" sagot nito "Ang ninong mo" sabi ni papa kaya tumayo kami at tinungo ang gate "Ninong, late na kayo, pasok po" sabi ko nung binuksan ko ang gate. "Pasensya na, pare happy birthday" bati ni ninong sa kanya "Salamat pare, kanina pa kita hinihintay" sabi ni papa sa kanya. "Sorry me inaasikaso lang ako, Dave me sasabihin ako sayo" sabi nito na tumingin ito sa anak ko.

"Third, pasok ka muna sa loob, me pag-uusapan lang kami" utos ko sa kanya na pumasok ito sa loob at umupo kaming tatlo sa upoan. "Me problema ho ba nong?" tanong ko sa kanya "Me nangyaring gulo sa city jail nung byernes ng gabi" pasimula nito "Me mga pulis na napatay at ilan din sa kanila ang nasugatan, pero hindi yun ang pinunta ko dito" sabi nito "Ano po?" tanong ko "Sa sampung priso na pilit tumakas, dalawa lang ang nakalabas" "Ganun ba?" tanong ni papa "Oo, pero ito ang masama, dalawa sa prisong yun ay si Erwin" sabi nito na nagulat ako sa binalita niya "Si… Erwin?" nagkatinginan kami ni papa. "Oo, di namin alam kung saan siya nagtatago ngayon, ang alam lang namin me malaking taong nasa likod ng pagtakas nila kasi organized ito na pinlano talaga an pagkatas nila" sabi ni ninong.

Napaisip tuloy ako sa kaligtasan ng pamilya ko dahil me galit si Erwin sa akin lalo na kay Chello "Ano ang assestment mo dito pare?" tanong ni papa "Sa pagkakaalam ko, matagal ng gustong tumakas ni Erwin, me balita kasing kumakalat sa loob na me mangyayaring riot pero dinismiss ito ng warden dahil wala naman daw nakitang sinyalis na mangyari ito" kwento ni ninong "Di ito maganda anak" sabi ni papa sa akin "Alam ko pa" "Dave, maghanda-handa kayo ni Chello, tingin ko kayo ang punto kaya tumakas ang taong yun" babala ni ninong sa akin "Salamat po ninong sa balita" sabi ko sa kanya. "Pare, pasok muna tayo sa loob" yaya ni papa sa kanya "Hindi na pare, kailangan kong bumalik sa presyento ngayon dahil naka alert kami ngayon" sabi nito "Dave" "Po?" "Yung binigay ko sayo noon, nasa sayo parin ba?" tanong nito "Opo, nakatago po" sagot ko.

"Haayy… me lisensya yun pwede mong dalhin kahit saan" paalala nito sa akin "Ayaw ko pong magkarga ninong" sagot ko sa kanya "Paano yan kung bigla nalang susulpot si Erwin?" tanong nito "Ako na po ang bahala dun, nakahanda na kami ni Chello sa sitwasyon na yan" sagot ko sa kanya "Wag kang mag-alala pare nandito naman ako" paalala ni papa kay ninong. "Basta kung ano man tawagan niyo ako ha?" "Opo ninong" sagot ko "Salamat pare" sabi ni papa. "Be on the look-out and be alert" paalala ni ninong sa amin "Opo ninong" sagot ko "Sige, aalis na kami, happy birthday nalang pare" sabi ni ninong kay papa "Salamat pare". Hinatid namin siya sa labas at hinintay namin silang umalis bago kami pumasok sa loob "Masamang pangitain ito anak" sabi ni papa sa akin "Oonga po, pero wag kayong mag-alala totoo ang sinabi ko kanina, nakahanda na kami ni Chello sa ano mang mangyari" sabi ko kay papa.

"Dave" tawag ni papa sa akin nung nasa harap na kami ng pinto "Ha?… ah oo, ako na ang bahala sa kanya" sagot ko kay papa na tinapik ako nito sa balikat at pumasok na ito sa loob at naiwan akong nakatayo sa labas ng bahay. "Haayyy… third, halika dito mag-usap tayo" sabi ko na nakita kong gumalaw ang pintoan ng bahay at lumabas ito sa likod "Dad.." "Upo ka dito" yaya ko sa kanya at naupo ito sa tabi ko. "What did you heard?" tanong ko sa kanya na nahihiya itong tumingin sa akin "Everything" sagot nito na napa "Haayy" nalang ako. "Dad, sino ho ba si Erwin?" tanong nito sa akin "Hmm… dating kasamahan ko sa office" sagot ko na tiningnan ko siya at tumingin ito sa akin "At yun lang ang dapat mong malaman" sabi ko sa kanya na kita kong magtatanong pa sana ito pero umiling ako kaya tumigil ito.

"Don't tell your mom about these" sabi ko sa kanya "Why?" "Ako ang magsasabi sa kanya pagdating natin sa condo, for now get some sleep" sabi ko sa kanya na inakbayan ko ito "Dad, noong nagsixteen ka ganun din ba ang ginawa ni lolo Rudy sa iyo?" tanong ni Dave sa akin na tiningnan ko lang ito at nagpipigil akong wag tumawa "Dad?…. dad!" naiinis na sabi nito kaya natawa nalang ako "Don't tell me… oh God!" sabi nito na humalakhak na ako ng tawa "It was a joke son" kompisal ko sa kanya "You guys are bunch of.." "Dont' say it!" babala ko sa kanya "I'm sorry, di lang namin maiwasan hehehe" natatawa kong sabi sa kanya "Di pala tradition yun?" tanong nito "Hindi, it was actually your mom's plan" sabi ko sa kanya "Mommy!" "Hehehe pampalubag loob namin dahil instead na siya ang gugulpi sayo kami nalang" sabi ko sa kanya. "You guys!" "Hehehe it was fun" sabi ko sa kanya na napasimangot nalang ito kaya niyaya ko ito sa loob ng bahay at umakyat kami sa taas.