1. Home
  2. Stories
  3. Cheating in September 2
Filipino Sex Stories

Cheating in September 2

By fiction-factory ·

IKALAWA - Mahumaling na Anghel

Hindi naging madali para kay Soledad ang maiwanang nag-iisa sa maliit na paupahang kanilang nirerentahan. Bagaman iniwanan siya ni Samuel ng sapat na halaga upang matustusan ang pangaraw-araw na gastusin niya ay hindi pa rin ito masaya. Para sa kanya ay mas mahirap ang ganitong klase ng pamumuhay. Walang ginagawa kundi magkulong lamang sa bahay at walang ibang iniintindi kundi ang kaniyang sarili.

Isang linggo pa lamang ang lumilipas ngunit inip na inip na siya, at halos masiraan na ng bait sa kakaisip kung babalikan pa ba siya ng kanyang asawa. Pasiwari kasi ni Soledad ay baka niloko lamang siya ni Samuel. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang duda na baka hindi na siya balikan ni Samuel ngayong nakuha na nito ang kanyang pinakaiingatang pagkababae.

Ngunit sa kabila nito patuloy pa ring humuhugot ng tiwala si Soledad sa kanyang nararamdamang pag-ibig para kay Samuel. Kailangan niyang itatak sa kaniyang isipan na tutupad si Samuel sa kaniyang pangakong pagbabalik at magpapakasal sila tulad ng sinalita ng kaniyang asawa bago ang kaniyang paglisan.

"Magandang hapon Binibining Soledad." nakangiting bati sa kanya ng kaniyang kapitbahay na si Mang Berting.

"Maayong hapon po Manong Berting. Ano po ang inyong ipinagparito?" tugon ni Soledad.

"Nais ko lamang na ikaw ay imbitahang dumalo sa amin mamayang gabi. Saluhan mo kaming ipagdiwang ang aking ika-limangpung kaarawan."

Nagalak si Soledad sa kagandahang loob na ipinapakita sa kanya ng kaniyang mga bagong kapitbahay. Mga panibagong tao sa buhay niya ngayon sa bago niyang tahanan. Bilang sukli ay buong pusong pinaunlakan ni Soledad ang imbitasyon sa kanya ni Manong Berting.

Pagsapit ng gabi ay nagbihis na si Soledad pagkatapos niyang maligo ng halos kalahating oras sa banyo. Isinuot niya ang isang bulaklaking bestida na iniregalo sa kanya ni Samuel noong magkasintahan pa lamang sila. Malimit niya itong isuot gawa ng hindi naman talaga siya palalabas ng bahay noon pa man.

Nang maisuot na niya ito doon pa lamang niya napansin na nakaliitan na niya ito. Humahapit kasi ito sa kanyang katawan. Sumisikip sa kanyang baywang kung kaya't humuhugis ng husto ang hubog ng kaniyang katawan. Lumampas na rin ito sa ibabaw ng kanyang tuhod dahil sa maikli. Bagaman may pangamba sa kanya na magsuot ng ganito kahapit na damit ay wala naman siyang magawa dahil wala naman siyang ibang disenteng damit na maisusuot.

"Bahala na…" ang tanging nasabi niya sa kaniyang sarili.

Pagdating ni Soledad sa nasabing salo-salo ay sinalubong siya ni Aling Onor at inabutan ng pinggan na may kubyertos.

"O, Soledad hija, mabuti naman at nakarating ka. Ipagpaumanhin mo na lang at hindi kita kaagad personal na naimbitahan." ani Aling Onor.

"Wala po kayong dapat ipag-alala Ginang. Katunayan natutuwa po ako dahil ako ay naisipan ninyong anyayahan sa inyong handaan." malambing na tugon ni Soledad.

Pagkatapos maglagay ng pagkain ni Soledad sa kanyang plato ay naghanap siya ng mesang mapagkakainan. Medyo marami na rin ang mga tao kaya nakisalo na lamang siya sa isang pamilya na nakaupo paikot sa isang parisukat na lamesa. Binabalewala na rin lamang niya ang bawat matang nakatingin sa kanya at sa kanyang mapanghumaling na katawan.

Alam niya na sa bawat titig ng mga kalalakihan ay purong pagnanasa lang sa maalindog niyang pangangatawan. At taliwas naman sa bawat titig na nakukuha niya sa mga kababaihan na sa palagay niya ay masamang impresyon. Hindi kasi sanay ang mga tao dito na makakita ng isang babaeng may ganitong klase ng kasuotan, na para sa kanila ay serbedora sa kabaret lamang ang kadalasang ganito ang pananamit.

Habang abala sa pagkain si Soledad ay hindi siya nakawala sa paningin ng isang tanyag na personalidad sa kanilang lugar. Si Konsehal Dutarte na nakaupo hindi kalayuan sa mesa nina Soledad. Paminsan-minsan sinusulyapan niya ang magandang binibini.

"Kumpadre, maari ko bang malaman kung sino ang babaeng nakaupo sa may gawing kaliwa natin?" litanya ni Konsehal sa katabi niyang si Mang Berting.

Paglingon ni Mang Berting, hindi na niya tinanong pa sa kanyang kausap kung sino sa mga nakaupo sa gawing kaliwa nila ang tinutukoy niya. Natitiyak kasi niya na si Soledad ang puntirya ng konsehal, dahil tanging siya lamang ang kaisa-isang maindayog na babaeng naroon, na sa palagay niya'y papasa sa panlasa ni Konsehal Dutarte.

"Ah, siya si Soledad, Kumpadre. Bagong salta rito na umuupa doon sa bahay panuluyan nina Aling Mirasol. Ngunit sa pagkakaalam ko Kumpadre ay may kinakasama na siyang lalaki."

"Ano kamo Kumpadre? May kinakasama siyang lalaki? Ang ibig mo bang sabihin, may asawa na ang magandang babaeng iyan ngunit hindi sila kasal?" pagtataka ni Konsehal.

"Tulad ng nasagap kong usap-usapan, ganoon na nga mismo Kumpadre…"

"Kalapastanganan! Datapwa't kahit kamay lamang ang iyong hawakan sa birheng babae ay nararapat mo na itong pakasalan! Kababaang-puri ang ginawa ng lalaking yaon sa magandang dilag na ito. Hindi sila dapat magsama sa iisang bubong hangga't hindi naidaraos ang kasal. Ano'ng klaseng mga magulang ba mayroon ang babaeng ito at pinahinulutan nilang mangyari ang mga ganito kaseselang bagay?"

"Maghunos-dili ka Konsehal… Ayon sa pagkakaalam ko ay itinakwil na si Soledad ng kanyang mga magulang sapagkat ipinilit niya ang kagustuhan niyang makasama ang lalaking yaon."

"Nasaan ba ang lalaking yaon? Ituro mo sa akin at nang aking mapagsabihan." palingon-lingon na sambit ni Konsehal.

"Patawad Kumpadre ngunit ang lalaking laman ng ating talakayan ay wala rito. Sa pagkakaalam ko ay umalis siya isang buong linggo na ang nakakalipas, at gayundin babalik makaraan ang dalawang buwan."

"Ang ibig mo bang sabihin, wala sa bahay nila ang asawa niya ngayon? Hmm… Mukhang mapapadali ang pagtangka ko sa hangarin ko sa babaeng ito… Sa tingin ko nangangati siya kaya nagpasya ng magpagalaw ng walang hinihinging kasal."

"Sa palagay ko Konsehal ay mahihirapan ka sa isang ito. Mukhang hindi siya nagpapakuha sa kung sino lang…" pailing-iling na tugon ni Mang Berting..

"Ibahin mo ako Kumpadre, kilala mo ako, wala akong hindi nakukuha dahil gagawin ko ang lahat mapasaakin lamang ang lahat ng gustuhin ko."

Makalipas ang ilang minuto ng kanilang diskusyunan ay tumayo si Konsehal Dutarte at niyaya nito si Mang Berting na ipakilala siya nito kay Soledad. Dahil sa relasyong kumpadre ay pumayag na lamang si Mang Berting.

"A Soledad, maaari ko bang nakawin kahit saglit lamang sa iyong oras at atensyon?" pauna ni Mang Berting nang makalapit kay Soledad na noo'y katatapos lamang kumain.

"Maaari po Manong Berting. Ano po ang inyong pakay?"

"Nais ko lamang sanang ipakilala sa iyo ang butihin nating konsehal sa bayan na si Ginoong Roberto Dutarte." pagpapakilala ni Mang Berting sa katabi niya..

Kinuha ni Konsehal Dutarte ang kaliwang kamay ni Soledad. Pagkadaka'y yumuko ang konsehal upang halikan ang malambot na kamay na yaon bilang pagbibigay galang sa nakaupong binibini. Natuwa naman si Soledad sapagkat ngayon lamang siya nahalikan sa kamay ng ganito kapormal.

"Kumusta ka magandang Binibini? Nagagalak akong makilala ang isang tulad mong Anghel sa kagandahan."

"Uhm. Palabiro ka pala Konsehal. Ang totoo noon pa man naririnig ko na po ang matunog ninyong pangalan. Tatakbo po kayo bilang Alkalde sa susunod na halalan hindi po ba?"

"Ha Ha Hindi ko alam na ganoon na pala kabulaklak ang aking pangalan. Maari ba akong umupo sa iyong tabi Soledad?"

Hindi na kinagulat ni Soledad ang sumunod na sinabi ng kanyang kausap. Tunay na matunog ang pangalan ni Konsehal, pero hindi bilang politiko bagkus isang matandang mayamang sagad-sagaran sa pagkababaero.

Ngunit sa kabilang banda, hindi lubusang mapaniwalaan ni Soledad na ang konsehal Dutarte na kanyang nababalitaan lamang noon ay isa palang gwapo at matipunong lalaki. Sa wari niya'y tila ibang-iba ang lalaking kaharap niya ngayon doon sa lalaking kumakalat ang kamunduhan sa balita.

Minsan pa'y tila ayaw na niyang paniwalaan ang mga balitang pinagtagpi-tagpi ng iba't-ibang makakating dila, na noong lumipad sa ere ay tinangay na ng hangin ang katotohanan. Gayun paman ay mas minabuti na ni Soledad na umiwas na lang kay Konsehal Dutarte. Lalo na noong mapansin niya ito na nakatitig sa kaniyang mapuputing hita. Sino naman ba ang hindi mapapatingin? Isang Anghel ng kagandahan ang nakakahumaling pagmasdan.

"Maari po kayong maupo sa tabi ko Konsehal, ngunit ipagpaumanhin po ninyo at ako ay lilisan na." at hindi na nila naawat ang Binibini sa kanyang biglaang pag-alis.

"Sinabi ko na sa iyo Kumpadre, mahihirapan ka lamang sa isang yaon. Kung mamarapatin ay huwag mo na lamang iyang pag-aksayahan ng iyong panahon…" sambit ni Mang Berting kay Konsehal, na ngayon ay parehong nakatitig sa kumekembot na balakang ni Soledad sa kaniyang paglalakad.

"Hindi ako susuko Kumpadre. Gagawin ko ang lahat maangkin ko lamang siya ng buong-buo. Darating ang araw na magigipit din siya at kakailanganin ang tulong ko. Maghintay ka lamang Kumpadre, mapapasaakin din ang Anghel na si Soledad…"