1. Home
  2. Stories
  3. Cheating in September 8
Filipino Sex Stories

Cheating in September 8

By fiction-factory ·

IKAWALO - Akap sa katotohanang hindi matanggap

Unang araw sa buwan ng Septyembre.
Maganda ang gising ni Soledad sapagkat siya ay muling diniligan ni Samuel sa gabing lumipas.

Abala siya sa paghahanda ng almusal. Pagkatapos nito ay ginising na niya si Samuel at magkasabay silang kumain. At habang nagsasalo sa payak na hain sa hapag-kainan ay nagkausap ang dalawa tungkol sa kasal.

"Soledad, nais ko sanang humingi ng kapatawaran."

"Bakit mahal ko?"

"Sapagkat akin munang sisirain ang aking ipinangakong kasal sa iyo. Mangyari'y hindi ako pinalad sa aking naging lakad sa Maynila. Ako'y nabigong makapaguwi ng sapat na halaga upang iharap ka sa Altar…" malungkot na talumpati ni Samuel.

Napatigil sa pagkain si Soledad at kaniyang hinawakan ang kamay ni Samuel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa, "Sa ngayon mahal ko ay huwag mo munang intindihin ang bagay na yaon, ang mahalaga sa akin ay narito ka na at sapat na sa akin ang malaman na ika'y pursigido sa iyong hangarin na ako'y iyong pakasalan." nakangiting wika ni Soledad.

Sumigla si Samuel sa kaniyang narinig, "Salamat mahal ko, ika'y tunay na maunawain."

Napatayo si Samuel at inabot niya ng akap ang kaniyang asawa. Hindi niya matanggap sa kaniyang sarili ang katotohanang nagagawa niyang magsinungaling sa pinakamamahal niyang esposa.

"Ngunit mahal, ano na nga ba ang tunay na nangyari sa iyo sa Maynila? Ano ang bagay na hindi mo napagtagumpayan?" muling tanong ni Soledad.

Napangiti si Samuel upang pagtakpan ang kabang bigla niyang naramdaman sa naging tanong ni Soledad. Sa kaniyang isipan ay may takot, ngunit sa puso niya ay gusto na niyang umamin sa kaniyang asawa…

"Mahal--" sasagot na sana si Samuel ngunit may biglang kumatok sa pintuan. Sunod-sunod na katok ang kanilang narinig.

"Saglit lamang Mahal ko, mukhang may panauhin tayong dumating…" paalam ni Soledad at siya'y umahon sa silya upang pagbuksan ang sinomang tao na walang tigil sa kaka-kalabog sa kanilang pinto.

Laking gulat ni Soledad nang makita niya kung sino ang taong kaniyang pinagbuksan. Bigla siyang nakadama ng kaba nang mapalingon siya sa kaniyang asawa.

"Mahal, sino ang ating bisita?" tanong ni Samuel na kaniyang natatanaw mula sa kinatatayuan nito.

Ngunit imbes na tugunan ni Soledad ang katanungan ng kaniyang asawa ay muli niyang hinarap ang tao sa labas ng pinto, "Ano po ang inyong ipinagparito?"

"Binibini, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," tugon ng isa sa tatlong pulis na suot ang puting uniporme (gwardya sibil) at may kani-kaniyang musketang baril na hawak, "Dito po ba nanunululay ang taong nagngangalang Samuel De Belen?" patuloy nito.

Gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Soledad nang maalala niya ang nabasa nito sa pahayagan. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang katanungan sa kanya.

Nabagabag si Samuel kung kaya't minabuti niyang tumayo upang tingnan kung sino ang kausap ng kaniyang asawa sa labas ng pintuan, "Mahal, sino--" ngunit bigla siyang natigilan nang makita niya ang tatlong pulis.

Sa takot ni Samuel ay bigla na lamang itong tumakbo pabalik sa kusina at binalak na dumaan sa likod-pinto ng kanilang bahay.

"Tigil!!!" sigaw ng pulis nang mapansin nila ang pagtakbo ni Samuel.

"Mahal! Bakit ka tumakbo?"

Puno ng pagtataka si Soledad nang daanan siya ng dalawang pulis na noon ay pinasok na ang bahay upang habulin si Samuel. Habang ang isa nilang kasama ay umikot sa labas ng bahay upang salubungin si Samuel.

Sumunod si Soledad sa mga naghahabulan. Bawat hakbang niya ay nababalot ng tensyon. Paglabas niya sa pinto sa likod ng kanilang bahay ay tumulo ang luha niya nang makita niyang masakote si Samuel.

Labis ang takot niya nang makita ang asawa na nakatali ang mga kamay nito sa likuran nito habang nakahawak sa kanya ang dalawang pulis sa magkabilang balikat.

"Bitawan ninyo ako!!!" pagpupumiglas ni Samuel. Pilit at pwersahan siyang pinapaluhod ng mga pulis sa lupa.

"Bitawan ninyo ang asawa ko! Maawa na po kayo. Sapagkat hindi siya ang taong hinahanap ninyo!" sigaw ni Soledad.

Lalapitan sana niya si Samuel ngunit hinarangan siya, "Binibini, mangyari ay huwag na lamang po kayong makialam sa bagay na ito." matikas na sambit sa kanya ng pulis.

"Mukhang hindi ninyo po ako naunawaan Opisyal, Kasasabi ko lang po, hindi siya ang taong inyong tinutugis." pagtangis ni Soledad.

"Ngunit bakit siya tumakbo nang kami'y kaniyang makita? Hindi ba malinaw na sa kaniyang ginawa ay para na rin niyang inamin ang kaniyang kasalanan?"

"Maawa na po kayo. Pakawalan ninyo ang asawa ko. Siya po ay inosente!"

"Ang mabuti pa binibini ay sumonod na lamang kayo sa aming tanggapan sa bayan. Huwag kayong mag-alala sapagkat siya ay iimbestigahan muna, at kung mapatunayan niya na hindi siya ang taong aming tinutugis ay pakakawalan din namin siya. Alam mo ang batas ng ating pamahalaan, nararapat na ikaw ay makikoordina."

Walang nagawa si Soledad nang damputin na ang kanyang mister at isinakay sa kanilang karwahe. Habang si Samuel ay nanatiling tahimik at nakuyukong umiiyak. Isa lang ang kaniyang nasabi sa kanyang sarili bago sila tuluyang umalis.

Nilingon niya si Soledad at dahil hindi mapunasan ang luha sa kanyang mga mata ay nanlalabo na ang kaniyang paningin at hindi na maaninag ng maayos ang asawa, "Soledad mahal ko, patawad…" bulong nito sa hangin.

Si Soledad ay naiwang nakaluhod sa lupa. Tila nanlambot ang kanyang katawan sa pangyayari. Gulong-gulo ang kanyang isipan. Gustong-gusto niyang yakapin si Samuel ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon ng mga pulis.

Linapitan siya ni Aling Mirasol nang mawala na ang karwahe. Si aling Mirasol na nasaksihan ang buong pangyayari kasama ng iba pa sa kanilang mga kapitbahay, kabilang rito si Aling Onor at ang kaniyang asawa na si Mang Berting, na palihim na nakangiti.

"Soledad, tahan na, magiging maayos din ang lahat." pagpawi ni Aling Mirasol sa lungkot na nadarama ni Soledad. Tinulungan nitong makatayo ang binibini at binigyan niya ng yakap ng pagmamalasakit.

"Huwag kang mag-alala Soledad, halika, sasamahan kitang pumunta sa bayan, sundan natin ang iyong asawa."

Sinamahan ni Aling Mirasol si Soledad sa tanggapan ng Prisinto sa bayan. Ngunit pagdating nila doon ay hindi malaman ni Soledad kung paano aakapin ang katotohanang kanyang nalaman na hindi niya kayang matanggap.

Nadatnan niya ang kaniyang asawa sa loob ng mga rehas. Nakabilanggo na ito dahil napatunayan na siya ay kasapi sa pinakamalaking sindikato sa kalakalan ng opos.

Kahit anong gawing pagsisinungaling ni Samuel ay hindi niya nanakaw ang katotohanan sa intergasyon sa kaniya ng mga pulis.

At kahit anong pakiusap na gawin ni Soledad ay ayaw talagang pakawalan ang kaniyang asawa, liban kung may malaking halaga ito na ipangtutubos sa pansamantalang kalayaan ng kanyang asawa.

"Narinig mo ang sinabi sa iyo ng mga pulis Soledad. Kailangan mo munang kumalap ng sapat na halaga upang mailabas pansamantala ang iyong asawa, ngunit kapag natapos na ang kaso at napatunayan na kasangkot si Samuel sa sindikato ay makukulong din siya." talumpati ni Aling Mirasol.

"Hinding-hindi mangyayari yaon Ginang Mirasol, sapagkat naniniwala akong inosente si Samuel ko. Iyong nalalaman na wala naman silang matibay na ebidensya upang isakdal ang aking asawa. Ilalabas ko si Samuel sa pihitang yaon, kahit ano'ng mangyari, lahat ay gagawin ko, kahit buhay ko pa ang hinging kapalit."

Umuwi si Soledad at siya'y mabilis na naligo at nagbihis. Nagpaganda siya at nag-ayos.

Mukhang hindi talaga niya matatakasan ang pait ng kapalaran. Pilit siya nitong hinuhuli at tinitiyak na hindi ito makakawala sa bawat daing at kasakdalan.