1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 32
Lagablab

Dead of Time 32

By hunter ·

Dead of Time 32 - 3hours to extraction point

"mula dito ay tatlong oras na byahe lang ang kailangan natin para marating ang extraction point na sinabi ng lalaki ng matalo natin ang titan" sinabi ni fade sa mga kasama nya.

"tama ka pero ang problema natin ay ang sasakyan natin pa punta sa extraction point" sagot ni irvine kay fade.

"oo ngayon pang may sugatan sa grupo natin mahihirapan tayo kung lalakarin natin ang papunta sa extraction point" sagot ni mephisto.

"ang tanong sino ang kukuha ng masasakyan natin" tanong ni leonard kay irvine at mephisto.

"kami nalang ni ace ang kukuha ng masasakyan natin" pag prepresenta ni art.

"ang problema lang ay hindi kami marunong mag drive ng bus" dagdag ni ace sa sinabi ni art.

"hindi problema yan" sagot ni irvine sa dalawa.

"bakit" tanong ni ace kay irvine.

takang tanong ni ace dahil sa dami ng gamit nila ay kakailanganin talaga nila ang bus para madala lahat ng eto.

"dahil hindi na tayo hihinto para kumain kaya iiwanan na natin ang ibang gamit natin at dederetso tayo sa extraction point" sagot ni irvine kay ace.

"sa makatuwid hindi na tayo mag stop over na dapat dati pa natin ginawa" dagdag pa ni fade sa sinabi ni irvine.

"pero pano si archie" tanong ni zychelle sa dalawa.

"wag kang mag alala walang maiiwanan satin" sagot ni mephisto kay zychelle na nag pa panatag ng loob nito.

"gaya nga ng sabi namin wala ng stop over kahit anung mang yari" pag ulit ni irvine sa plano nila para sa pag punta sa extraction point.

"aalis na kami" paalam ni ace at art sa mga kasama nila.

"pulido naba ang plano mo" tanong ni mephisto kay irvine.

"oo wag lang may haharang satin" sagot ni irvine kay mephisto.

"ooh gluton ikaw pala yan" sinabi ni francine sa halimaw na nakasalubong nya habang nag lalakad.

dahil sa naka ugaliang pag kain sa lahat ng makita ay agad inatake ng gluton si francine gamit ang hawak nyang matulis na bagay.

"lalaban ka talaga walang utak na halimaw" tanong ni francine sa gluton na parang hayok na palusob sa kanya.

mabilis nag palit ng anyo si francine at nilabas ang tunay na itsura nito.

sasaksakin na ng gluton si francine ng biglang maputol ang braso nito at nalaglag sa sahig.

"walang utak na halimaw sa tingin mo ba kaya mo ako" galit na tanong ni francine sa gluton na nakatayo sa harap nya.

nagulat ang bloody princess ng buksan ng gluton ang bibig nito sa kanyang sikmura at isubo sya nito.

naisubo ng buo ng gluton si francine at mabilis sumara ang bibig ng matakaw na halimaw.

ang akala ng gluton ang nanalo na sya laban sa kanyang pag kain ng biglan lumabas ang kamay ni francine sa likod ng gluton.

"akala mo ba panalo kana" tanong ni francine sa gluto.

ngayon ay dahan dahang hinihiwa ni francine ang likuran ng halimaw na gluto.

at ng makalabas ay mabilis tinigpas ng bloody princess ang ulo ng halimaw na kumain sa kanya.

"walang kuwenta" huling salitang sinabi ni francine habang dahan dahang bumabalik sa pagiging tao.

ng makabalik na sa pagiging tao ay nag lakad na palayo si francine sa katawan ng halimaw na kakatapos lang nyang patayin.

"saan naman tayo hahanap ng sasakyan" tanong ni ace kay art habang nag lalakad silang dalawa nag hahanap ng masasakyan.

"teka ace may babae" sinabi ni art kay ace ng makita ang nag lalakad na si francine.

"oo nga tara lapitan natin" sinabi ni ace kay art hinanda nila ang sandata nilang dalawa at nilapitan si francine.

nakita ni francine ang dalawa na palapit sa kanya kaya alam na nya ang gagawin dahil alam nyang kasama eto sa grupong gusto nyang mapasok.

"miss okay ka lang" tanong ni ace kay francine.

"okay lang ako pero wala na akong pupuntahan" sagot ni francine kay ace sabay tulo ng luha.

"wag ka ng umiyak sumama ka nalang samin" pag awat ni art kay francine sa pag iyak nito.

kaya naman tumahan si francine sa kanyang ginagawang peking pag iyak.

"teka anong pangalan mo" tanong ni ace kay francine.

"francine" sagot ni francine kay ace.

"okay francine ako si art at sya naman ay si ace" pakilala ni art sa kanila kay francine.

"tara na at kailangan nating humanap ng masasakyan" pag papaalala ni ace sa dapat nilang gawin.

"sumama ka muna samin sa pag hahanap ng magagamit na sasakyan" pag aya ni art kay francine.

agad sumama si francine sa dalawa dahil alam nyang ang dalawang eto ang makakapag alis sa kanya sa lugar na eto.

ilang oras nag hanap ang dalawa ng sasakyang tama ang laki para masakyan nilang lahat.

"ihanda nyo na ang mga dadalin nating gamit" sinabi ni irvine sa mga kasama ng makita ang isang sasakyan na palapit sa kanila.

"teka sino ang kasama ng dalawa" tanong ni fade kay irvine ng makita ang pag baba ng isang babae mula sa sasakyan na dala ng dalawa.

nauna ng bumaba si mephisto at irvine para tignan kung sino ang kasama ni art at ace.

"sino sya" tanong ni irvine kay ace.

"si francine nakasalubong namin habang nag hahanap kami ng sasakyan" sagot ni ace kay irvine.

"wala ba syang kagat" tanong ni mephisto kay art.

"wala naman sa tingin ko" sagot ni art kay mephisto.

biglang binunot ni irvine ang baril at tinutukan sa ulo si francine bubunot sana ng baril ang dalawa pero mas mabilis ang naging kilos ni mephisto at na tutukan agad sila ng dalawang kutsilyo sa leeg.

"hubad" sigaw na utos ni irvine kay francine habang nakatutok ang baril sa ulo nito.

"nasisiraan ka ba" tanong ni ace kay irvine ng marinig ang utos nito kay francine.

"hindi nag sisigurado lang ngayon hubad" sagot ni irvine kay ace.

wala ng nagawa si francine kung hindi mag hubad sa harap ng apat na lalaki para patunayang wala syang kagat sa katawan.

kung meron man syang kagat ay gagaling din eto agad dahil hindi naman talaga sya tao.

"teka ano sa tingin ni irvine ang ginagawa nya" galit na tanong ni krish.

"wag ka ng mag reklamo ginawa rin sya sakin ang bagay na yan" sagot ni tina kay krish.

nagulat ang lahat sa sinabi ni tina hindi nila maintindihan kung bakit ginawa ni irvine ang bagay na yun.

"pero bakit" tanong ni zychelle kay tina.

"hindi ko alam para tignan kung may kagat ako" sagot ni tina sa tanong ni zychelle.

natahimik ang lahat at napag isip isip nyang tama ang ginagawa ni irvine dahil puweding itago ang kagat ng zombie.

matapos mag hubad ni francine at umikot ng makitang walang kagat ay muling pinag bihis ni irvine si francine.

"bumaba na kayo" sigaw ni irvine sa mga kasama.

sensyales para bumaba ang mga eto pinakawalan narin ni mephisto si ace at art at tinangal ang nakatutok na kutsilyo sa leeg ng dalawa.

"wow saan nyo nakita tong sasakyan na yan" tanong ni mephisto sa dalawa.

dahil ang dala ng dalawa ay isang military vehicle ang dala ni ace at art.

"nadaanan lang namin ung isang abandon na military base at nag baka sakali kaming merong sasakyan na naiwanan sa loob" sagot ni art kay mephisto.

"at hindi naman kami binigo ng pag babaka sakali namin dahil nakuha namin ang sasakyan na yan" dagdag pa ni ace sa sagot ni art.

nag aayos naman ng mga dadalin nilang gamit ang mga kasama nila ay nag babantay si irvine at mephisto kung sakaling may zombie na lumapit.

"tapos na kaming mag ayos" sinabi ni erich kay irvine.

"puwede ng isakay si archie" dagdag ni krish sa sinabi ni erich.

"ibaba nyo na si archie fade leonard" sigaw ni irvine.

dahan dahan ang pag alalay ng dalawa kay archie na hirap sa pag baba dahil sa hindi pa gaanong magaling na sugat sa hita nito.

ang akala nilang tahimik na pag hahanda para sa pag punta sa sinabing extraction point ay napalitan ng pag mamadali ng may hindi mabilang na zombies ang palapit sa puwesto nila.

"kilangan na nating mag madali hindi na tayo safe dito" sigaw ni lord ng makita nya ang malaking bilang nga mga zombies na palapit sa lugar nila.

"bakit anong nakikita mo" tanong ni irvine kay lord.
]
"maraming zombies maraming marami" sagot ni lord kay irvine.

nakababa na si archie mula sa taas ng bahay sa mga oras na yun kaya naman sinalubong na sya ni irvine at mephisto.

"bakit anong meron" tanong ni fade sa dalawa dahil nag tataka sya at sinalubong sila ng dalawa.

"bubuhatin natin si archie kilangan na nating mag madali" sagot ni irvine kay fade.

sumakay na ang ibang kasama nila habang buhat nilang apat si archie at dahan dahang sinakay sa sasakyan.

"hindi na tayo kasya" sinabi ni erich kay mephisto.

"sa taas kami sasakay" sagot ni irvine kay erich.

"isara nyo na ang pintuan" utos ni mephisto kay art at ace na naka upo sa harapan.

pag sara na pag sara ng pintuan ay nag madaling umakyat ng taas ng sasakyan.

"paandarin muna ace" sigaw ni mephisto kay ace.

agad namang pinaandar ni ace ang sasakyan matapos marinig ang utos mula kay mephisto.

"aalis na tayo sa magulong lugar na to" nakangiting sinabi ni mephisto.

"wag ka munang mag paka saya hanggat di pa tayo nakasakay sa helicopter" sagot ni irvine kay mephisto pero tawang malakas lang ang sinagot ni mephisto sa sinabing yun ni irvine.

nasagasaan nila ang ilang zombies na nakaharap sa daan ng sasakyan nila sa loob ng tatlong oras na byahe ay mararating na nila ang extraction point na sinasabi ng lalaki.

"sir the subject are moving toward the extraction point" report ng babae sa isang lalaki.

"its good to hear that the subject is still alive" sagot ng lalaki sa babae.

malapit na silang makaalis sa impyernong lugar na kung saan sila nalang ang nabubuhay at lumalaban para mabuhay.

papunta na ngayon ang grupo sa extraction point na sinabi ng lalaki umaasang eto na ang daan nila paalis ng lugar na eto.

itutuloy…