1. Home
  2. Stories
  3. Dentist Angela Bautista: Book 2 - Chapter 14: Langaw
Pinoy Tambay

Dentist Angela Bautista: Book 2 - Chapter 14: Langaw

By animazoo ·

Nakarating ang taxi na sinakyan nila grace… agad namang binayaran yun ni Greg.

"Tokayo, mauna na ako sa inyo ha… inaantok kasi ako sa pinainom na gamot!… Kayo na muna bahala dyan ha?" sabi ng tatay ni Grace at umakyat na sa taas.

Pagkasara ng pinto silang dalawa na lang naiwan sa sala… nagyakapan ang magsyota…

"Sorry Bhe… di tuloy tayo naka…" naputol ang salita ni Greg nang nakitang bumaba si Cass galing sa kwarto… nakabihis na ito…

Parang mahulog ang bibig ng lalake nang makita ang maputing dyosa… lalo kasing lumitaw ang kagandahan ni Cassandra.

Napalingon si Grace at nang nakitang yung PT nang ama ang dahilan, tumingin uli kay Greg.

"Ah so ganyan ka pala ha…" galit na sinabi ni Grace at biglang tumalikod

"Woi.. teka ano… Grace… sandali lang…" pahabol ni Greg

Galit na dinaanan ni Grace ang PT at mabilis na pumasok sa kanyang kwarto… dinig ang malakas na pag sara nito.

Sinubukang tawagan ni Greg pero sadyang pinapatay ang cell…

"Bad Trip" galit na sinabi ni Greg… sakto namang nakababa na si cass… ngumiti.

"LQ? hihihih" pangutya nito sa lalake

Sinuklian ng ngiti ni Greg…

"Cass ang pangalan mo diba?" tanong ng lalake

"Opo sir… sige po mauna na po ako… paki sabi na lang kina manang!" sabi ni cass

"Teka, sabay na tayo paalis na rin ako…" habol ni Greg

"Sure ka sir? baka lalong magalit si Mam grace sa inyo?" habol ni Cass

"Kilala ko yun… bukas wala na yun… ewan ko ba masyadong selosa…" sabi ni Greg

"Eh kasi… heheh…" sabi ni Cass

"Huh? bakit? ano ba ginawa ko?" tanong ni Greg

"Hahah wala sir… sige po sabay na lang tayo… malapit lang naman din yung sa amin… para makatipid ng pang taxi" sabi ni Cass

"MANANG LOIDA!… paki sara na lang ng gate… ihahatid ko lang si mam cass sa labas!" sabi ni Greg sa katulong

Nag lakad pa sila sa labas ng gate kasi nakalitan nilang mag request ng taxi papasok sa bahay… nabigyan tuloy ng panahon para mag usap ang dalawa…

"So Cass… matagal ka na bang therapist?" tanong ni Greg

"Opo sir… actually tinatapos ko lang ang year na to at sasama na ako sa pinsan ko na nasa states na po… inaantay ko lang ma approve yung visa ko…" sagot ng dalaga

"Sayang… lahat talaga ng mga magagaling umaalis na sa bansa natin no?" pag puri ni Greg

"Weh… paano mo naman na sabing magaling ako po? heheh… bolero din kayo sir ano?" sabi ni Cass

"Di naman… kasi hindi ka naman siguro ma assign kina sir Greg kung di ka marunong…" dahilan ni Greg

"Sabagay… kayo po ano po work nyo?" balik ni cass

"Hmmm I'm into banking…" matipid na sagot ni Greg

"Oh so marami ka palang pera sir? hehehe" tanong ni Cass

"Di naman… tama lang…" ngiti ng binata

Pumara ang taxi sa tapat ng gate at magkatabi ang dalawa na sumakay…

---

"Mam sigurado po ba kayo? Balik na lang tayo mam" sabi ni Igme

"Wag, bihira lang ako makakahanap ng pagkakataon Igme… pwede mo ba siyang tawagan?" tanong ni Ingrid

"Wala akong number sa kanya eh… pero alam ko po kung saan siya nakatira… malapit lang dito…" bawi ni Igme

Makailang minuto rin nilakbay nila… at biglang napunta sila sa isang squatter area…

"Sigurado ka bang dito siya nakatira manong?" Pag alala ni Ingrid

"Opo mam… dyan oh!" tinuro ang isang eskinita na makipot… di kaya daanan ng kotse

"Mam dito na lang kayo mag antay… saglit lang ako… wag nyo po buksan ang pinto ha…" pa alala ni Igme

Kita ni Ingrid na nag iinuman ang mga tambay… nakahubad… unang beses ni Ingrid mapunta sa ganitong lugar… marumi… magulo…

Naidlip si Ingrid pero nagising siya nang marinig na may kumakalikot sa pinto ng kotse… pagbuka ng mata nya para siyang himatayin… isang pangit na mama… maraming tatoo sa katawan.. sinisilip kung sino ang nasa loob sa likod ng tinted na salamin… kumatok ang lalake… lalong natakot si Ingrid… Tumayo ang mga kasama nito at nakisali…

Napaligiran ang kotse… lahat gustong makita kung sino ang nasa loob ng kotse… halatang lasing na ang mga yun.

"HOY SHHHINO KA DYAN SSSAAA LOOBBB… LUMABASSSHHH KAAHH HIK!" Sigaw ng mamang may maraming tatoo

Sa tindi ng takot sinubukang tawagan ni Ingrid si Igme… parang mahimatay na siya nang biglang…

"BLAG! CRASH!" binasag sa ulo ng mama ang bote ng alak

Bagsak… nag takbuhan ang mga tao…

Naiwan sa labas ay isang maskuladong matanda… at si Igme

Binuksan ni Igme ang pinto at pinapasok ang lalake sa likod…

Nanginging sa takot at namutla ang babaeng amo ni Igme…

"Mam pasensya ka na po… sige po dito na po ang pinsan kong si kadyo… doon na lang tayo sa labas mag usap" sabi ni Igme

Hindi pa rin nag sasalita si Kadyo… pero kita ni Ingrid sa mukha nito na may pagkamaton nito… nakakatakot.

---

"Dito na lang ako Sir Greg salamat ha!" sabi ni cass

"Woi anong salamat? bayad mo?" habol ni Greg

"Ay…" namula ang dalaga at binuksan ang pitaka

"Joke lang…" agad binigyan ni Greg ng pera ang taxi driver at lumabas… nagtaka naman si Cass

"Ah bat kayo bumaba? taga rito rin ba kayo sir?" Tanong ni Cass

"No, pupunta lang ako sa convenience store dyan sa tapat… dito ako susunduin ng kapatid ko!" sagot ni Greg

Sa di kalayuan, nakikipag inuman ang mga kaibigan ni Herbert… Kapatid ni Grace…

"Si Greg yun ah? sino yung kasama?… Puta di pa nga kinasal sa ate ko nangangaliwa na!" isip ni Herbert

"Pre kita mo yun… ganda ng chick oh! kamukha ni Lucy Torres pare… pero putik may syota…" sabi ni Andrew kaibigan ni Herbert

"Kaya ko yan pre… ano bugbugin natin?" sabat ni Poloy… ang barumbadong tambay na ka tropa nila

"Wag pre… kilala ko yan… ako na kakausap" sabi ni Herbert at biglang tumayo para lapitan ang dalawa

"Paano sir, mauna na po ako… dyan lang ako sa malapit na boarding house…" sabi ni Cass

Biglang inakbayan ni Herbert si Greg… namutla ang binata

"Oh Bert… ikaw pala yan… kanina ka pa ba dyan?" tanong ni Greg

"Oo… Greg pakilala mo naman ako sa kaibigan mo!" ngumiti si Herbert

"Ay oo… Cass si Herbert… anak ni sir Greg… Bert si Cassandra… PT ng daddy mo!" bawi ni Greg

"Nice to meet you Cass… buti na lang ikaw pala PT ng daddy ko… taga rito ka lang ba?" tanong ng binata habang kinuha ang kamay ni Cass…

"Hi din po! Opo ako po PT nya… sige po, mauna na ako sa inyo… gabi na rin kasi…" sabi ni Cass at inalis ang pagkahawak ng binata

"Sandali… kumain ka na ba? sama ka muna sa amin…" sabi Herbert na presko ang dating

"Ok lang di po ako gutom… pinakain ako ng Mommy mo doon sa mall kanina" sagot ni Cass

"Ah ganun ba… araw araw ka ba doon sa bahay?" tanong ni Herbert

"This week po… hanggang makahanap ng alternate…" bawi ni Cass

"Good… heheh sige Ingat Cass… kita na lang tayo sa bahay!" kinawayan ito nila Greg at Herbert… pag talikod, nakatutok ang dalawa sa biluging pwet ng mestisa na kumekembot palayo.

"Ok ka rin ano…?" Sabi ni Herbert na di tumitingin sa mukha ni Greg..

"Wala yun ito naman… hinatid ko lang pare… dito kasi ako susunduin ni Rommel!" bawi ni Greg

"Bulok ng pattern mo Greg… hahaha… ok lang yan… parehas tayong lalake… pero pare, wag mo lang lokohin kapatid ko ha… pag nagpakasal na kayo at nangangaliwa ka pa yari ka sa akin…" pagbanta ni Herbert

"Haha ito talaga oh… di uy… wala talaga yun…" sabi ni Greg

"May syota na ba yun pre? mukhang ok eh… tingin mo may pag asa ako doon?" tanong ni Herbert

"Oo naman… subukan mo… tingin ko wala pang boyfriend yun… kung meron man di nya hayaang umuwi mag isa yun… maraming langaw sa paligid" sabi ni Greg

"Oo marami tayo!" sabi ni Herbert sabay halakhak ng dalawa