1. Home
  2. Stories
  3. Dentist Angela Bautista: Book 2 - Chapter 21: Hiwalayan
Pinoy Tambay

Dentist Angela Bautista: Book 2 - Chapter 21: Hiwalayan

By animazoo ·

Nagandahan si Nestor sa banyo ni patrice… pink at may mga abubot pa na cute…
Pati sa detalye ng pag kagawa ng cabinet… lahat metikuloso… nagpapatunay lang sa katangian ng ugali ng dalaga.

Naghubad na sya ng saplot at kapansin pansin na hindi talaga sya bagay sa ganitong lugar… pag bukas sa sabonera napansin nyang pambabae ang sabon… wala syang magawa at nakikiligo lang naman kaya ginamit ang sabon…

Nang matapos nananatili ang bango ng ginamit na sabon at shampoo… nanganamoy babae si nestor at natawa ito sa sarili habang pinupunasan ang katawan.

Pag labas nito, nakita nyang nag luluto ng hapunan si patrice. Ang di lang nyang inasahan ay may ikakalevel up pa ang ayos nito… ngayon ay halos naka vertical striped na pekpek shorts na ito at spaghetti strapped shirt na fit sa katawan… kahit sinong lalake di makakatanggi sa ganda ni patrice sa oras na iyon…

Matagal ding napatingin si nestor at biglang lumingon si patrice… huli…

Napangiti naman ang dalaga sabay sabi…

"Ay tapos na pala kayo… sige po mag bihis ka na at kakain na tayo mang nestor"

Nag pasalamat ang lalake at pumasok sa kwarto upang mag bihis.

---

"Manang Loida paki ligpit na lang ang mga pinggan sa taas… tapos na po kami kumain" sabi ni Cassandra sa katulong

Nakita naman nitong nakaupo sa sala si Greg. Naisipan ni Cass na umupo din malapit sa binata at nakinood sa palabas sa TV.

"Greg… I know it's none of my business… pero what just happened sa taas?" sabi ni cass

"Ah wala, minasahe ko lang si tita ingrid" matipid na sinabi ni Greg

"Oh I see… sorry for asking" bawi ni cass

Sakto namang tumunog ang doorbell…

Agad namang lumabas si Igme para buksan ang gate… nabuhayan na naman ng loob ang matanda ng masilayan ang mga dalaga na isa isang pumasok at bumati pa dito.

Pag bukas ng pinto unang pumasok si Grace… at kita na naman niyang nasa sala ang nobyo… katabi ang magandang Therapist ng ama… nagiba na naman ang timpla ng mukha ng dalaga at padabog na umakyat sa taas… hinabol ito ni Greg pero mabilis na pumasok sa kanyang kwarto at malakas na sinara ang pinto.

Kamot ulo na lang ang binata.

"ano nakain non? bat nagalit?" tanong ni april kay Angel

Ngumiti na lang ang dalaga at sinabing "LQ lang siguro yun"…

Nagtawanan naman ang iba pang kaibigan ni grace.

"Bro, uhmmm… kelan ka ba uuwi? kasi baka pwede kong mahiram muna ang kotse?" tanong ni rommel sa kapatid.

"Ewan… Mel, Inom tayo?" tanong ni Greg sa kapatid

"Naku… kuya kasi… may lakad pa sana kami ni Angel" hirit ni rommel

"Buti ka pa… uhhmmm sige ihatid mo na lang ako dyan sa malapit…"

Narinig yun ni cass kaya't humiling din ito na magpahatid din.

Sa akalang nag iinarte na naman si grace, tumayo na ang apat upang lalabas… yun pala nag bihis lang pala ang dalaga…

"San kayo pupunta cuz? group date?" sigaw ni grace sa taas…

"Ay kami lang ni rommel grace… si Greg kasi… nagpapahatid lang…"

"Uhm grace… can we please talk?" sabi ni Greg

"What for? you seem to be enjoying yourself?… sige ituloy mo lang… I don't mind…"

"C'mon grace… tigilan na natin to… it's childish…" sagot ni Greg

"Childish pala ha? sige… It's Over Greg!" sigaw ni grace

"GRACE?!" gulat na sigaw ni Greg

"You heard me! Break na tayo! so you can go and see anyone you want!"

Lumapit si Greg sa hagdan at aakyat na sana…

"Get out of my house! umalis ka na… ayaw na kitang makita pa!" sigaw ni grace na namumula na ang mata…

"Please grace!? mahal kita… you know this…" pag mamakaawa ni Greg

"No… sa totoo lang matagal na akong natatabangan sa iyo Greg… kaya kung pwede umalis ka na… nakakabwisit na kasi ang pagmumukha mo!"

"GRACE!" sigaw ni ingrid na kakalabas lang sa kwarto… narinig kasi nya ang panunumbat ng anak sa nobyo

"Mom… please stay out of this… it's better na marinig nyong lahat…"

Napahiya si Greg at yumuko…

"Tara na bro… Mam, alis na po kami!" pagmamaalam ni rommel kay ingrid

"Sige iho… pasensya na kayo… Greg… may I speak with you?" hirit ng Ina

"What for ma? please stay out of this!" sigaw ni grace

"Iha, pumasok ka na sa kwarto mo… Rommel, Angel… cass… mauna na kayo sa kotse… Greg?…"

"yes tita?"

"Please follow me…" naglakad ang dalawa sa labas

"Greg… please forgive my daughter… ganyan talaga yan… palipasin mo na lang muna… she'll come to her senses…"

"Pero tita…"

"Hush… basta trust me… and sana… yung nangyari kanina… kung pwede… mananatiling lihim"

"Yes tita… promise po."

"Sige aasahan ko yun ha? sige na… I'll try to talk to my daughter… don't worry."

Nagpaalam ang binata at umalis na rin…

Lingid sa kaalaman nila, nandoon pala si Igme sa may kotse… narinig ang sinabi ni Ingrid.

"Langhya ka boy… kinana mo yung ina… hahaha… ayos… ako na bahala sa syota mo!"