1. Home
  2. Stories
  3. Dentist Angela Bautista: Book 2 - Chapter 8: Bagong Anyo
Pinoy Tambay

Dentist Angela Bautista: Book 2 - Chapter 8: Bagong Anyo

By animazoo ·

"Trapik!" sigaw ni Igme na naiinip sa loob ng kotse. Gusto nyang makauwi agad upang balikan ang naudlot nilang paglalampungan ng magandang amo.

Sa bahay naman, abala si Ingrid sa pag pahid sa mantsa ng katas nya sa kanilang kobre kama… ginamitan ng alcohol pero ayaw pa rin mawala ang amoy… kaya nag pasya na lang ito na tanggalin ang lahat… tinawagan si Loida at sinabihan na labhan at palitan na yun… kahit kapapalit lang nung isang araw.

Lumabas si Ingrid at pinuntahan ang asawa… gising na ito at kasalukuyang minamasahe ng kanyang therapist. Nabigla si Ingrid dahil sa halip na yung dating PT na si June, pinalitan ito ng magandang dalaga… bata pa… at higit sa lahat, mestisa.

"Good Afternoon mam!" bati ng bagong therapist na si Cassandra. 21 years old, tubong Negros. Matangos ang ilong at galing sa mayayamang angkan… kung mabilisan, mapagkamalan mong si lucy torres.

"Hi, wala na pala si Sir June?" sagot ni Ingrid

"Wala na po, temporary lang po kasi yun… ako po talaga yung naka assign dito kay sir Greg" sagot ni Cassadra…

Nakatingin pa rin si Ingrid na ngayon ay nasa may hita ni Greg ang masahe ng PT… malapit sa singit…

"Honey, saan pala ang mga bata?" tanong ni Greg sa asawa

"Ah may date daw sa ka tokayo mo… mamaya pa uwi non" sagot ni Ingrid

"Kasi, gusto ko sana ring magpahangin… nakakaumay kasing tumambay lang sa kwarto… nakakabagot." pag reklamo ni Greg

"Dad sure ka ba? kasi the only way magawa natin yun is mag wheel chair ka? at sabi mo ayaw mo makitang ganun ka sa labas?" pag pa alala ni Ingrid sa mahal niyang asawa.

"Pwede naman siguro yun kung isama natin ang PT mo… Ano nga pangalan mo ulit iha?" tanong ni Ingrid sa dalaga

"Cassandra pa… Cassandra Velez" sagot ni Cass

"Velez? taga saang province ka?" tanong ni Greg

"Sa Negros po… sa la carlota." sagot ni Cass

"Kasi may naging nobya ako noong college… si Maritess Velez… taga La Carlota din…" tanong ni Greg

"Talaga po? kasi may tita mavic din po ako… dito rin sa san carlos nag aral dati… di kaya sya yung ex nyo? heheh" sabi ni Cass

"Hmmm baka nga… in fact, may hawig ka nga sa kanya eh… kumusta na pala sya? may asawa na ba?" intersadong tanong ni Greg

"Opo… si Tito Manny… Madrilejos na po apelyedo nya ngayon… dito sila sa cebu… sa may Mactan… pilot po ng PAL yung asawa nya" sagot ni Cass

"Yun ba yung sinasabi mo na the one that got away dad?" nagsalita si Ingrid

"You still remembered that one huh? lasing lang ako nun honey… it was a long time ago… Ibang tao ako non" sagot ni Greg

"Ow? eh bakit parang presko pa sa memory mo… Uhmmm Cassandra… pwede ko bang mapasyal yung husband ko?"

"Cassie na lang po… yes… kasama na po yan sa job description ko po." sagot ni Cass

"Ok I'll just freshen up then we will go…" sabi ni Ingrid.

Bigla nyang na alala na wala pala si Igme… kaya naisipan niyang tawagan ito sa kanyang cell.

Nag ring bigla ang cell ni Igme… nagkakandarapa itong hinugot sa kanyang maong… tinignan kung sino ang tumatawag… si Ingrid!

Ngiting demonyo naman ang driver… akala niya sabik ang amo at di na makaantay kaya siya tinawagan…

"Yes love… parating na ako dyan… naligo ka na ba? para naman presko kung kainin yan hehehe" pilyong sagot ng pangit na driver

Nainis si Ingrid… buti na lang hindi naka speaker phone kayat sinabihan nito ang asawa na lalabas saglit kasi mahina ang signal.

Pagkalabas sinara nito ang pinto at sinagot si Igme

"gago ka ba? paano kung narinig ako ni Greg? Mang Igme nagkamali ako kanina… hindi na mauulit yun… naintindihan mo?" galit na sinumbatan ang driver

Nabigla si Igme… pero takot itong matanggal sa trabaho… at sino ba naman maniniwala sa kanya na pinatulan siya ni Ingrid…

"Sorry po mam… akala ko lang kasi…" takot na sagot ni Igme

"Oh sya… kalimutan na natin yun… saan ka na ba banda… at may lakad daw tayo" sabi ni Ingrid

"Malapit na po mam… na trapik lang ako kanina… 5 minutes po dyan na ako."

"Sige… wag ka na bumaba… pag dating mo busina ka lang agad ha?"

"Opo mam…"

---

Nangilid ang luha sa mata ni Angel… parang panaginip…

"Goryo ikaw ba talaga yan?" muntikan nang humagulhol sa pag iyak si Angel… pero pilit nyang labanan ang pag luha…

Tumingin sa magkabilang gilid ang lalake at nabigla… tinuro ang sarili at tinaas ang kilay…

"PO? sino po tinutukoy nyo?" nagtaka ang lalake

"Goryo… huhuh di mo ba ako kilala?" umiyak na si Angel at niyakap ang lalake

"Excuse me miss… pero hindi po ako ang sinasabi nyo… hindi po ako si Goryo!" sagot ng lalake

"Huhuhu bakit ka ganyan Goryo? ano ba nagawa ko sa iyo? huhuhu" humigpit pa ang kapit ni Angel… nagtinginan ang mga tao… ang lalake naman hiyang hiya… nagmumukha tuloy na inaway niya ang magandang dalaga…

"Sorry talaga miss pero hindi ako yang Goryo na pinagsasabi nyo…" kinuha ng lalake ang kanyang wallet at mahinang tinulak si Angel upang ipakita ito sa kanya… nang tinignan ni Angel, iba nga ang pangalan… tumingin siya sa mukha ng lalake… hawig talaga… pati ang tangkad at bisig nito…

Napahiya si Angel at bahagyang lumayo… pinunasan ang luha. Inabutan naman siya ng panyo ng lalake at binugahan ng sipon…

"Thank you… sorry po… akala ko kasi kayo yung dati kung boyfriend" sabi ni Angel sa lalake

"Ok lang mam… sorry talaga hindi ako yun… ok ka lang ba?" tanong ng lalake sa magandang dalaga

"Yeah ok na ako… naku nakakahiya… heheh" huminga ng malalim si Angel at kumuha ng lakas upang ngumiti.

Inabot ng lalake ang kanyang kamay at nakipagkilala

"Ako nga pala si Nestor… and you are?" sabi ni Nestor kay Angel

"Anj… Anne… ako po si Anne!" sabi ni Angel sa lalake

"Hi Anne… nice to meet you… sorry ha… sa mukha kong ito, mahirap kasi makapaniwala na magkaroon na kasing ganda nyo na girlfriend. heheh"

Ngumiti si Angel… tumingin uli sa mukha ni Nestor… pansin nya nga na mas makinis ang mukha nito… at parang bumata… wala yung mga bakas ng peklat sa mukha dulot ng ilang taong pagiging barumbado ng dating nobyo… pero yung iba… lahat parehas… kung iisipin mo parang nag pa belo lang si Goryo.

"sorry din… pasensya ka na rin sa ginawa ko…" sabi ni Angel

"Uhmmm Anne… ah pwede ka ba mayayang kumain? kanina pa kasi ako dito at tinawagan ako ng ka meet ko na di sila matuloy…"

"Ahmm… sorry nestor pero may ka meet kasi ako ngayon eh… na traffic lang siguro…"

"Ganun ba… sige ok lang… uuwi na lang siguro ako sa tinuluyan kong hotel…"

"Bakit di ka ba taga rito?" curious na tanong ni Angel

"Ah hindi po… naka dry dock kasi ang barko namin… for repairs… davao po probinsya ko… isa po akong sea man…" sagot ni Nestor

"Oh taga davao din ako…" sagot ni Angel

"Hehehe… liit ng mundo ano?… sige mam… baka na abala ko pa kayo sa date nyo…"

"ok lang…" inabot ni Angel ang panyo pero tinanggihan ito ni Nestor…

"Ok lang sa inyo na po yan…"

"Ay sorry nakalimutan ko binugahan ko pala ito hihihi" tumawa si Angel

Paalis na sana si Nestor ng bigla siyang tawagin ni Angel…

"Ahmmm kuya… sige sasamahan na lang kita… medyo nagugutom na rin kasi ako…" ngumiti si Nestor at hinarap si Angel…

"Sige miss… saan mo gusto kumain?"