1. Home
  2. Stories
  3. FLAVOR OF THE MONTH - EKSTRA ISKUPZ
Lagablab

FLAVOR OF THE MONTH - EKSTRA ISKUPZ

By cychris ·

We are family
I got all my sisters with me
We are family
Get up ev'rybody and sing

Ev'ryone can see we're together
As we walk on by
(FLY!) and we fly just like birds of a feather
I won't tell no lie
(ALL!) all of the people around us they say
Can they be that close
Just let me state for the record
We're giving love in a family dose

-Sister Sledge (We Are Family)

SIX MONTHS LATER.

Pagkatapos ng 'lagablab' na naganap sa unit ko, naganap naman ang pag-iisang dibdib namin ni Precious. Pero bago kami ikasal ay ipinaayos ko muna sa abogado ko ang pagpapalit ng apelyido ko. Bilang legitimate child at nag-iisang taga pagmana ng mga properties ni Nickolai Summer, ako na ngayon si Nicholas Summer. Pumayag na rin akong iwanan na ang katauhan ni Nicholas Patempzki dahil hindi siya naging tapat sa minamahal noon. Sa katauhan ni Nicholas Summer ay sinikap kong maging isang tapat at mabuting asawa ni Mrs. Precious Summer.

Hindi ko na nakita mula noon ang mga girls ng 'flavor of the month'. Hindi na rin sila umattend ng kasal ko. Wala na akong naging balita sa kanila pero nakaka chat daw silang lahat ni Precious. Naging magkakaibigan ang labin dalawang babae na kasama sa nakaraang 'ice cream banquet'. Hindi naman ako nakibalita kay Precious dahil baka isipin niyang hinahanap hanap ko pa ang pakikipag s*x sa alin man sa mga babae. Inilaan ko talaga ang aking sarili para kay Precious lang.

A year later…

Isinilang ang aming unang anak ni Precious. Parang carbon copy ko ang aming anak. Itsura ko ito noong baby pa ako base sa mga baby pictures kong tinatago ni mama. Kulay lang ni Precious ang nakuha ng bata. May karapatan daw ako kung isusunod ko sa pangalan ko ang aming panganay. Anak naming dalawa ang bata. Mahal na mahal ko si Precious kay hahatian ko siya sa pangalan ng aming anak.

After 18 years…

Meron na akong binata.

Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal isang araw ng Linggo. Kapag ganitong araw ay chill lang kami. Minsan nag-a out town, minsan naman ay dito lang kami sa bahay at nag-uusap tungkol sa mga ginawa namin sa buong weekdays. Sinisikap kong maglaan ng panahon sa aking pamilya para di lumayo ang loob namin sa isa't isa. Para magabayan ko din ang paglaki ng nag-iisa naming anak.

Hindi na muling nagkaanak kami ni Precious dahil maselan siyang magbuntis. Baka maaga akong mabiyudo, 38 years old pa lang ako. Medyo dismayado dahil hindi ako nakabuo ng isang basketball team, pero ok lang para kapakanan ng mahal kong asawa.

"Nexus… Kumusta ang pag-aaral mo?" ang tanong ko sa nag-iisa kong binata.

"Ok dad, matataas ang grades ko kahit tingnan mo pa ang mga class cards ko." ang yabang ng anak ko.

"Good. May girlfriend ka na?" ang tanong ko.

Umiling lang si Nexus. Napatingin ako sa asawa kong si Precious na nakikinig lang sa usapan namin. "Anak ko ba talaga ito, babe?" ang seryoso kong tanong.

Umarko ang kilay ng asawa ko. "Hoy, Nicholas! Nagdududa ka pa ba sa akin." ang mataray na tanong ni Precious.

"Hindi sa ganun. Natanong ko kasi ang hina sa chix nitong anak mo. Hanggang ngayon, nganga pa rin." ang hirit ko.

"Hahaha. Hanayaan mo na. Di ka ba natutuwa na focus sa pag-aaral nya si Nexus?" ang sabi ni Precious.

Noo'y may kabang sumagi sa dibdib ko. "Baka naman, badinger - Z ka, ha Nexus? Umamin ka na habang maaga." ang baling ko sa anak ko. Handa ko naman siyang tanggapin kahit ano pa ang katauhan niya.

"Bading agad? Choosy lang ako, dad. Hindi pa kasi ako handa sa mga reponsibilidad ng isang boyfriend." ang paliwanag nya.

"Ganun ba? Sige hahayaan kita sa diskarte mo." ang ngisi ko sa anak ko. "Habang aasikasuhin ko ang mommy mo." ang sabi ko kay Nexus sabay halik ko kay Precious. Isang maalab na halik. Talagang iniingit ko ang anak ko.

"Yuck! Mom, dad… Sa kwarto nyo nga gawin yan. Nakakadiri." ang reklamo ni Nexus.

"Inggit ka lang. Kasi wala ka pang ganito." sumali na rin sa pang-aasar si Precious. Nilabas niya ang dila at ipinasok sa bibig ko. Nag espadahan kami ng dila sa harap ng anak naming si Nexus. Open kami sa ganitong usapan.

"Kadiri talaga kayong matatanda." ang nadulas nitong sabi.

Napatigil kami ni Precious sa ginagawa. "Matanda? Fresh na fresh pa ako, fyi. Baka itong dad mo." ang biro ni babe.

"Mukhang may experience ka sa matanda ah. Kwento naman dyan." ang gatong ko pa.

"Wala dad. Nasabi ko lang para tumigil kayo ni mom. Alam ko kasing ayaw ni nyang matawag na matanda." ang ngisi ni Nexus. Kuhang kuha ng kumag ang paraan ng pag ngiti ko.

Biglang nag-ring ang telepono sa may sala. Si Nexus na ang sumagot. "Mom, nandyan daw sa may gate ang mga applicants sa modeling agency mo." ang sabi ni Nexus.

Napaangat ang kilay ko. "Babe, trabaho pa rin? Sunday ah. Di may usapan tayo dito sa bahay?" ang sita ko sa aking kabiyak.

"Kasi galing pa sa malayo ang mga yun. Kadadating lang daw kanina. Tulungan mo ko mag interview para madaling matapos." ang pakiusap ni Precious.

"Ok. Nexus, pasunurin mo na lang sa amin ng mom mo sa library natin." ang utos ko. Nakita ko ang pamilyar na ngisi ni Nexus. "And please… behave." ang bilin ko pa. Virgin pa nga ang aking binata pero may pagkapilyo ito at lapitin din ng chicks.

Nagtungo na kami ni Precious sa library para sa interview ng mga applicants. Sumunod si Nexus dala ang mga folder na may CV ng mga aplikante. Nakaupo kaming tatlo sa tig iisang silya, sa harap namin ay mahabang mesa kung saan nilagay ni Nexus ang mga folders. Kinuha ni Precious ang mga folders, binuklat ang nauuna at tinawag ang pangalan.

"Nickaella Magno." ang banggit ni Precious sa nakasulat na pangalan.

Parang may naalala ako sa pangalan na yun. Kinuha ko kay Precious ang folder na may CV at photo ng babae. Saka ko siya tiingnan. Naka spaghetti strap top na kulay black - nakalitaw ang makinis na balikat at mabibisto ang cleavage. Naka maong na shorts at naka clogs. Bagay sa bilugan at makikinis niyang mga hita at may accent pa ng silver anklet sa kaliwang binti.

Mahaba ang wavy black hair niya. Tila nakita ko ang aking matang mapungay sa kanya pero may suot siyang contact lens na light blue. Matangos ang maliit na ilong at manipis ang makipot na mga labing may pink na lipstick, plus lip gloss.

Iisa ang nasa isip ko ng makita ko ang picture. Si Shella Magno - ang flavor of January. Hindi ako nagkamali dahil nakalagay nga sa BC nya na mother nga niya si Lala. Dun ako kinabahan sa birthday nya. Nine months yun after ng huling pagbisita ni Lala sa apartment ko. Idagdag pa sa kaba ko ang pinagsamang pangalan ko at ni Lala. 'Nickaella'. Posible kaya?

Sumunod ay si Nickripina Garcia. 5'5 ang height nya, may fair complexion. Naka tirintas ang mahabang buhok, bilugan ang maiitim na mga mata, maliit ang ilong at medyo makapal ang lower lip na may maliit na nunal sa ibaba. Naka fitted white cotton shirt siya at maiksing maong shorts na nagbigay sa kanya ng cute na aura. Mukhang teenager pa ito pero ang katawan ay parang ganap nang sa isang dalaga. Katamtaman lang ang frame niya pero malusog ang mga dibdib nitong nababakas sa suot na damit. Sa tantiya ko ay 34C ang bust size niya. May mabibilog at matatambok na pwetan.

Gaya ng nanay niyang si Agripina Garcia. Eto malinaw na nakasulat sa Birth Certificate niya na nanay niya ang 'flavor of February' ko. May nunal din siya sa may lower lip na gaya ko. Pareho sila ng birth month nung naunang babae. Nine months after nung huling punta ni Pining sa unit ko. Posible rin kaya?

Next si Marganicka Suarez. FilBrazilian daw siya, Pinoy daw ang tatay niya at Brazilian ang mother na si Margarita Suarez. Napahinga ako ng malalim. Kahawig niya ang 'flavor of May' ko. Magkapareho kami ng hugis ng kilay at hugis ng lips pero mas lamang ang dugong Brazilian sa kanya. Kasing taas din siya ni Marga. Hindi ko pa sigurado pero kinakabahan na talaga ako dahil tatlo na sa tatlong naging 'flavor of the month' ko ang nandito.

Hinga pa ng malalim dahil ang sumunod ay nagngangalang, Nickhazel Peralta. Anak ni Hazel Ann Peralta na isang head nurse. Boyish look ang kanyang hair style. Nangngusap ang malalaking mata may cute na ilong at lips. Malalaki para sa kanya ang boobs na mukhang aalpas sa puti niyang blouse. Ang cute ng mukha, slender ang katawan pero malaki ang boobs. Kasing ganda niya ang ang nanay niyang si Hazel. Bakit kaya Nickhazel ang name nya? Magkakabirth month din sila ng mga nauna kong nakita.

Tila tumaas ang presyon ko ng makita ko si Nicky Mhae Pascual. Mapag kakamalan siyang kapatid o anak ni Yasmien Kurdi, may height na 5'6. Maliit ang mukha matangos ang ilong, may kaluwangan ang lips. Katulad ng nunal ko ang ang nasa ibaba ng labi nya. Ang katawan niya ay nakuha niya sa nanay na si Strawberry Mhae Pascual. Parang ayoko nang makita ang mga susunod pang tatawagin ni Precious.

Pandarra Danicka Unkovsky. 5'9 ang height. Slim ang ang kanyang katawan na maputi pero may hula ko ay nagtataglay ng 34D na mga suso. Light brown hair, deep sea blue ang pupils pero hugis ng mga mata ko, hugis din ng ilong ko. Pouty ang kanyang lips… Long legged at may magagandang mga hita at binti. Tila aatakihin ako.

"Precious, paki kuha nga ang gamot ko sa highblood." ang sabi ko sa asawa ko.

"High blood? Wala ka naman nun ah." ang takang sagot ni Precious.

"Mukhang magkakaroon." ang ngisi ko pero tabingi.

Natawa na lang si Precious at tinuloy ang pagtawag sa natitirang applicants 'daw'.

Mohini Charnicka Rodriguez ang next. Haaaah! 5'7 ang tantiya kong taas niya. Ala Solenn Huessaff - ang tila sa pusang hugis ng mata na may mahahaba ang pilik. Mga pupils na kulay amber. Hugis na naman ng ilong ko. At ang full wide lips na may mapulang lipstick. Kulay mocha ang balat niya. Ang buhok na kulay light brown pero super straight na mukhang napakalambot. Nagulat ako dahil suot niya ang pamilyar na white floral dress.

Sunod si Sapphire Anikka Abalos. 5'4 ang kanyang taas. Ang balingkinitang katawang biniyayaan ng katamtamang laki ng mga suso, kurbadong balakang at maumbok na pwetan. Sa sukat na 34-24-34. Samahan pa ng magagandang shape ng hita at mahahabang binti. Mas sexy siya sa ina niyang si Sapphire. Nilingon ko si Precious pero di siya tumitingin sa akin. Itinuloy ang pagtawag sa pangalan ng susunod.

Diannicka Martinez… "Teka lang. Anong ibig sabihin nito Preciousa?" ang tanong ko sa aking asawa.

"Di ba sabi mo gusto mo ng maraming anak? Heto na ang hiling mo. Alam ko kasing hindi ko kakayaning magluwal ng labindalawa kaya humingi ako ng tulong sa mga 'girls'." ang paliwanag ni Precious.

"Oo nga pero…" ang sagot ko na pinutol din ni Precious.

"Wag mo sabihing di mo sila tatanggapin bilang mga anak mo?" ang sabi ng aking asawa.

Tatanggapin ko sila lahat dahil kaya ko silang suportahan. Isa na akong multi billionaire. Mukhang tanggap naman ng ngingisi ngising si Nexus ang mga half sisters nya. Pero di pa ko sure kelangang magpa DNA test muna kaming lahat.

"Nexus… Alam ko ang ngiting yan. Ngiti ni Judas Escariote yang nasa pagmumukha mo. Mga kapatid mo sila pag nagkataon." ang babala ko sa binata

"Yes dad!" nag thumbs up pa sa akin si kolokoy.

"Sige na, babe. Tawagin mo na ang natitira pa. Dito ako kinakabahan. Triplets ang November flavor. Wag naman sanang tigta tatlong anak sa bawat isa. Kalabisan na iyon." ang hiling ko."

Buti na lang tig isa lang ang anak namin nina Dianne at Divine. Sina Diannicka at Divinicka Martinez. Pero nakabuo kami ni Debbie ng kambal na babae - sina Debora Nickole at Debbie Nickole Martinez. Silang apat ay parang clones ng kanilang mga ina pero may halong features mula sa akin.

Lumalabas na magkakasing edad sila lahat. Mga araw lang ang pagitan sa loob ng isang buwan ng kanilang pagsilang. Mas matanda sila ng isang taon kay Nexus, ang binata ko ang bunso at mga ate niya ang labing dalawang anak ko sa flavor of each month. Naturalmente, ipapagamit ko sa 12 ko pang mga anak ang apelyidong Summer. Isasaayos ko ang titirhan nila. Ang pag-aaral nila at mga gastusin. Hindi ako nakabuo ng basketball team pero meron na kong valleyball team o cheering saquad. Ok na rin ito.

Paano ko kaya matatandaan mga pangalan nila? Alam ko na. Bibigyan ko sila ng mga nick names na siguradong maaalala ko…

Si Nickaella na anak namin ni Shella ay tatawagin kong Lala. Si Nickripina na anak ko kay Pining ay si Pina. Si Marganicka na supling namin ng Brazilianang si Margarita ay si Marga. Ang bunga namin ni Hazel Ann na si Nickhazel ay tatawagin kong Hazel. Si Nicky Mhae na junakis namin ni Strawberry Mhae ay tinawag ko na ring 'Mhae'. Si Pandarra Danicka na anak ko kay Pandarra Danica ay si Darra. 'Mocha' din ang itatawag ko sa anak namin ni Mohinni Charissa na si Mohini Charnicka. Ann ang itatawag ko kay Sapphire Anikka na anak ko kay Sapphire Ann. Ginaya ko na lang ang mga nick names ng nanay nilang triplets. Kaya Diannicka ay Dianne, kayDivinicka ay Divine at kay Debbie Nickole ay Debbie. Last ay si Debora Nickole ay tinawag kong si Aura.

"Tutal, ikaw ang may plano nito, babe. Tutulungan mo ba ko sa pag-aalaga sa 13 kong anak?" ang tanong ko kay Precious.

"Oo naman babe. Tanggap ko sila. Mga kaibigan ko ang mga nanay nila, eh." ang sagot ng butihin kong asawa.

"Asaan na ang mga nanay nila?" ang tanong ko.

"May asawa na silang lahat kaya wala ka nang chance. Solo pa rin kita." ang ngisi ni Precious.

"Nagtatanong lang naman, babe." ang sabi ko sa asawa ko.

"Gusto ko sana, sama sama tayong lahat sa isang bahay para makapag bonding tayo. Kasama si Nexus. Ano sa palagay mo babe?" ang suhestiyon ni Precious.

"Doon muna tayo mag stay sa mga bagong gawa nating apartment sa Cavite. Ookupahin natin ang limang units. Sa atin ang isa, isa din kay Nexus, then ung tatlo ay tig apat na girls sa isang unit. Ipapa renovate ko na lang ang bahay natin para madagdagan ng mga kwarto. Ok na siguro yun." ang sabi ko.

"Hindi ka na kayo magpapa DNA test." ang tanong ni Precious.

"Kung pakana mo ito babe, siguro, hindi na. Anak ko na silang lahat. Mukhang mahirap pero kakayanin ko. Tutulong ka naman diba?" ang sagot ko.

"Oo naman. I love you, Nicholas."

"I Love You Too, Precious." ang sagot ko sabay ng isang maalab na halik sa labi ng aking asawa.

"Yuck!" ang sabi ni Nexus.

"Answeet! Paano kami dad? Wala ba kaming hugs and kisses?" ang chorus na sabi ng girls.

"Sige, halikayo girls, group hug" ang sabi ko. Sumali na din si Nexus.

Pew! Kakabila! Bigla na lang dumami ang mga anak ko. One big happy family. Pero masaya ako. Good Luck sa akin.

END OF FLAVOR OF THE MONTH.