1. Home
  2. Stories
  3. Fuck Fianceé: Strange Love
Filipino Sex Stories

Fuck Fianceé: Strange Love

By fiction-factory ·

"Lea, bumalik na ba ang ala-ala mo?" kunwari natataranta pa si Marlon, alam ko namang hindi si Lea ang inaalala nya eh, kundi ang patapos na nilang pelikula ni Mrs. Loida.

"All my life i've been waiting for this day to come. I'll be glad kung bumalik na nga ang alaala mo." dagdag pa ni Marlon.

"Magtigil ka nga dyan Marlon!" buti nga binara sya ni Lea, "Tapos na ang pagpapanggap mo! Wala nang kasalang magaganap! Mula ngayon ayaw ko na makita pa ang pagmumukha mo!"

"Pero Lea…" balak pa talaga nyang lapitan si Lea.

"Did'nt you hear me?! Take one more step and I swear to Gad idedemanda na talaga kita! Just leave!"

"Idedemanda? Bakit, ano bang kasalanan ko sayo?"

"Nagtanong ka pa! Ang kapal ng face mo! Tapos na ang drama Marlon. Hindi mo na ako kayang paikutin pa!"

"Lea, nagawa ko lang naman ito dahil sa pagmamahal ko sayo!" nagsimula nang magmakaawa si Marlon, "Please, don't do this to me, please give me another chance!"

"Chance? You don't deserves it, you idiot! And you call that love? Nasaan ang pagmamahal doon? Stop it Marlon, kahit anong sabihin mo hinding-hindi na magbabago ang tingin ko sayo ngayon. You're pathetically pathetic! Huwag ka na magsalita! Lumabas ka nalang PWEDE BA?"

Sa mga kataga ni Lea walang nagawa si Marlon kundi lumabas at lisanin ang kwarto. Alam kong masama ang loob ni Marlon dahil hindi man lang sya binigyan ni Lea ng pagkakataong makasagot at depensahan ang sarili. Sabagay, ano pa nga bang dahilan ang ipapaliwanag nya gayung malinaw naman ang naging kasalanan nya.

"So… What else can you say, Ma?" pagtataray ni Lea.

Natahimik na lang si Mrs. Mendez at sa nakikita ko hindi nya magawang humarap kay Lea. Ano pang mukha nga naman ang ihaharap nito kung binalak nyang sirain ang buong buhay ng sarili nyang anak. Hindi man lang ba nya naisip noon na darating ang araw na ito na babalik din ang memorya ni Lea?

Malas lang nila dahil maagang bumalik ang ala-ala ni Lea bago pa ito naikasal. At ngayon, ano na kaya ang mangyayari? Mapapatawad pa kaya ni Lea ang Mama nya? Ako, ano'ng gagawin ko? Magagalit din ba ako? Magpapatawad, o babalewalain ko na lang ang lahat?

Maya-maya, matapos ang nakaka-suffocate na katahimikan may pumasok na isa na namang lalaki. Matipuno sya, suot pa rin ay barong sa kasal, pero hindi ko sya gaanong napansin kanina sa simbahan. Tingin ko hindi sila nagkakalayo ng edad ni Mrs. Loida.

Pagpasok nya, "Lea anak, gising ka na pala…" lumapit sya kay Lea at nang madaanan nya si Mrs. Loida hinalikan nya ito sa noo pagkatapos dumiretso na ito kay Lea. Yayakap sana sya pero pinigilan sya ni Lea, "Don't you dare touch me, Tito!" pabalang na sambit nito, "And, don't call me 'anak' 'cause i'm not your child and you're not my father!" dagdag pa nya.

Dito ko narealize na ang lalaking ito ang tinutukoy ni Angie na stepfather ni Lea. Hindi na ako magtataka kung bakit ganito ang trato ni Lea sa kanya, malinaw na isa rin sa mga kasabwat na nagpaikot sa ulo ni Lea.

Kinabig ni Mrs. Mendez ang lalaki at hinawakan ang kamay, "Babe, let her rest, pagod lang si Lea…" aniya at ang mukha animo puno ng pag-aalala, na dapat sana nagagalit ngayon kay Lea dahil sa pambabastos nito sa kanyang stepdad.

Ito namang lalaki, nagtataka ata sa nangyayari pero agad din nyang natanto ang tunay na kalagayan ni Lea ngayon, na bumalik na ang ala-ala nito at kailangan na nyang idistansya ang sarili.

Bumangon sa kama si Lea. Tutulungan pa sana sya ni Stepdad sa pag-upo pero tinapik lang ni Lea ang kamay nito, "I said don't touch me!" ang mga mata nya umaapoy sa galit.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa pinapakitang ito ni Lea. Pero inintindi ko na lang sya dahil kung masakit sa akin ang nangyayari ngayon, siguradong mas masakit ito para kay Lea. Dalawang taon din nila kaming pinaglaruan.

"Ma, pwede bang iwan nyo muna kami ni Sebastian?" kahit papaano mukhang kalmado pa rin si Lea.

"Pero anak--"

"Ma! Please?!"

Huminga ng malalim si Mrs. Mendez at nagkatinginan silang mag-asawa. Sa hitsura nila halatang-halata na ayaw nila kaming iwan ni Lea, pero syempre, wala silang magagawa sa bawat gustohin at hilingin ni Lea ngayon.

"Okay. Pero bill-out na tayo, hindi na rin kayo pwedeng magtagal dito, kailangan na nating umalis as soon as possible." mga huling salita ni Stepdad bago sila lumabas ni Mrs. Loida sa hospital room na ito.

*****

Part Thirteen: Strange Love

"Halika… Tabihan mo ako…" magiliw na sambit sa akin ni Lea pagkasarado ng pinto.

Nagkatinginan kami. Makislap ang kanyang mga mata, kumportableng nakaupo sa gilid ng kama, winawagayway pa ang magkabila nyang paa na parang nagtatampisaw sa batis. Ganap na kasiyahan ang nakikita ko sa kanya.

Kumusta naman kaya ako?
Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako tahimik. Kinlaro ko ang aking isipan, ayoko munang mag-isip ng kung ano-ano, lalo na ngayon na dapat maingat na ako dahil mukhang wala na akong ibang mapagkakatiwalaan sa katotohanan bukod kay Lea.

Umupo ako sa tabi ni Lea. Nagulat na lang ako nang bigla syang yumakap sa bisig ko kasabay ng pagsandal ng ulo nya sa balikat ko, "From this very moment, I realized how much I miss you, and I trully miss you so much Sebastian…" mahina nyang bigkas.

May kakaiba akong naramdaman. Hindi ko kasi lubos maisip na ang babaeng ito kapatid ko, tapos mahal ako? Paano nya nagawang mahalin ang sarili nyang laman at kadugo? Saan nagkulang ang Ama ko para maramdaman ni Lea ang ganitong bagay? Napaka-unusual eh.

"Ahm…" kumuha ako ng bwelo para magtanong, "Lea, totoo bang magkapatid tayo sa Ama?"

"Oo…" nanatili syang nakasandal sa akin, "Alam ko naguguluhan ka pa ngayon Sebastian… Siguro hindi ka makapaniwalang minahal kita, ikaw na half brother ko, pero makukumbinsi ka ba kung sasabihin ko sayong minahal mo rin ako?"

Tulad ng gusto ko talagang malaman, naunahan na nya ako bago ko pa natanong. At kung hindi ako makapaniwalang minahal nya ako, paano ko mapapaniwalaang minahal ko rin sya?

"Ang ibig mong sabihin minahal kita?"

"Oo naman." tumango-tango sya, "Katunayan nagkarelasyon tayo na itinago natin kina Mama at Papa. Umabot din tayo ng limang buwan, kaso naaksidente nga tayo, pero hindi ibig sabihin non tapos na tayo diba? Dahil ngayon itutuloy na natin ang relasyon natin."

Hindi ako makasagot. Itutuloy ang naputol na relasyon? Magkapatid, magjowa? Sa loob-loob ko hindi talaga ako makapaniwala, pero mukhang yon ang totoo.

Ano ba?!
Bakit pa kase ako nagka-amnesia?
Bakit wala akong maalala?

Nakakalimutan nga kaya ang pag-ibig? Nakakalimutan din ba ang feelings? Nabura ang laman ng utak ko, bakit pati laman ng puso ko nabura? Nakakatuwang isiping nagising ako isang araw na hindi ko na mahal ang taong kahapon lang pinakamamahal ko pa.

"Kumusta ka naman? Ano naman ang panlolokong ginawa sayo ni Marlon? Grabe no? Pinaghiwalay talaga nila tayo, pero mas makapangyarihan pa rin ang tadhana dahil muli nya tayong pinagsama." litanya nya matapos ang saglit na katahimikan.

"Huh?" medyo nagulat ako, "Ah. Ako ba? Heto…Mangmang pa rin…"

"Shhh H'wag mong sabihin yan… Alam ko hindi na rin magtatagal babalik na ang ala-ala mo."

Nginitian ko sya, "Sana nga… Nakakalungkot lang kase pinaglaruan nila tayo. Ako, pinaikot ako ni Angie sa isang huwad ngunit makatotohanang kasinungalingan. Parang pinamukha sa akin kung gaano ako katanga…"

Napabugtong-hininga sya, "Si Angie?! Yung dating maid sa Mansyon?"

Tumango lang ako…

"I knew it! Noon pa man nilalandi ka na talaga nun eh!"

Medyo uminit ata ulo ni Lea. Hindi ko na lang ikinwento ang buong panloloko sa akin ni Angie para hindi na lang mainis si Lea. Siguro nasasaktan sya para sa akin, at malamang nalulungkot sya dahil nanumbalik na ang alaala nya pero sa akin hindi.

Hinawakan nya ang kamay ko. Iginapos sa mga daliri nya ang mga daliri ko, "Sa ngayon huwag mo munang alalahanin yon, ang mahalaga ngayon magkasama na tayo, at mula ngayon wala ng manloloko sa 'yo dahil poprotektehan kita. Ako ang magsisilbing katotohanan mo, ako ang magsisilbing ilaw mo, at pangako, magliliwanag na ang buhay mo hanggang sa tuluyan ka nang gumaling…"

Natutuwa akong marinig ang bawat salitang binitawan nya sa akin. Alam kong mahal na mahal nya ako, pero ang totoo, hindi ko sya maramdaman. Walang lukso ng dugo akong nararamdaman na nagsasabing kapatid ko sya, at walang bugso ng puso ang nagsasabing minahal ko sya.

Ewan ko… Siguro hindi lang handa ang sarili ko sa ngayon para sa kanya. Para sa akin, sya pa rin lang si Lea na naging kliyente ko noon, hindi ko pa rin kilala ang buo nyang pagkatao. Natatakot pa rin ako, at hindi ko alam kung bakit.

"Sebastian, bumalik na tayo sa Bohol. Magsimula tayo ulit, ikaw at ako, o 'di kaya magpakasal na lang tayo sa ibang bansa…" sumunod nyang sinabi.

"Ahm… Lea, hindi naman kaya masyadong mabilis yon? Hindi natin kailangan magmadali. Gusto ko muna sanang manumbalik ang alaala ko bago tayo sa bagay na yan."

"Okay. Anything you wish… Tama ka, we don't need to rush 'cause now we have each other."

Kung tutuusin masyado naman atang mabilis ang mga pangyayari. Hindi kaya masyado naman akong nagtitiwala dito kay Lea? Sabagay si Angie na rin ang nagpatotoo sa lahat.

So ano na mangyayari ngayon? Sasama na ba ako kay Lea at iiwan ko na ba si Angie? Aaminin ko na sa kabila ng lahat hindi ko rin naman basta-basta maitatapon ang pinagsamahan namin ni Angie.

Inaamin ko rin na sa halos dalawang taon naming nagsasama ni Angie, may kakaiba na rin akong naramdaman para sa kanya. Ang mahirap lang niloko lang nya ako at masakit ito para sa akin. Nalilito tuloy ako ngayon kung totoo nga bang minahal nya ako, kase selfish ang tipo ng pagmamahal nya.

Okay… Buo na ang desisyon ko, sasama na ako kay Lea. Mula sa araw na ito, hahanapin ko na ang totoong ako, lalabas na ang lahat ng kasagutan at ang magiging goal ko, ang manumbalik ang alaala ko. Baka sakaling kapag nanirahan ako sa Hacienda Mendez manumbalik na ang lahat sa akin.

Bigla akong niyakap ni Lea. Isang yakap na mahigpit. Nagising tuloy ang diwa ko mula sa aking malalim na pagiisip. Sa tingin ko gusto lang talaga nya akong yakapin, kase maging mga kamay ko ginapos nya eh. Ni hindi ako makapalag sa higpit ng yakap nya.

"Lea, ang totoo marami pang tanong ang gumugulo sa akin."

"I know… Nandito lang ako para tulungan ka, I'll try my best to make you feel my love and sincerity."

Kumalas sya sa yakap. Akala ko didistansya na sya sa akin pero mali ako. Ang lagkit kasi ng tingin nya, namumungay ang mga mata nya at akmang hahalikan nya ako.

Naalarma ako pero wala akong balak na iwasan ang mga labi nya. Noong isang gabi lang may nangyari sa amin pero tila kakaiba ang moment na ito. May kakaiba kasi akong nararamdaman sa aking puso habang hinihintay ang paglapit ng mga labi nya sa aking mga labi.

Habang nagkakalapit lalo namang bumibilis ang pintig ng aking puso, hanggang madama ko na ang matamis nyang halik. Parang nagising ang kaluluwa ko, ang pag-ibig nya sa anyo ng boltahe na kumoryente sa buong pagkatao ko.

At kung kailan napapikit na ako doon pa sya bumitaw sa halikan at muli nya akong niyakap ng mahigpit, "I love you so much." ang narinig kong sinabi nya.

"Ahm… Lea…" imbes na I love you too.

"Bakit?"

"Naalala ko kase yung sinabi sa akin ni Mabel."

Panandalian pa syang napaisip, "Ah. Si Mabel, kailan kayo nagkausap? Anyway, ano yung sinabi nya?"

"Nagtanong-tanong kasi ako sa kanya tungkol sayo. Ang sabi nya, nakita daw nya sa mga social network status mo na mayroon kang One Great Love. A-ako ba yon?" nagdal'wang isip pa talaga ako.

"Ah yun ba?! Malamang ikaw nga tinutukoy ko doon, kase ikaw at ikaw lang naman ang laman ng mga accounts ko sa net eh."

Okay. Malinaw na sa akin yon, pero sa puntong ito, hindi naman talaga yon ang gusto kong malaman, kundi ang susunod kong tanong, "Eh ako? Ikaw din ba ang One Great Love ko?"

"Ha Ha Ha" napahalakhak sya, "Syempre naman… Katunayan nyan may pinakilala ka pa ngang Girlfriend mo sa akin noon eh, si Shiela, akala ko sya ang mahal mo pero hindi naman pala talaga naging kayo, pinagseselos mo lang pala ako, kase ako ang tunay na mahal mo."

Tunay na mahal? Ibig sabihin may true love ako? Hindi si Angie kundi si Lea? Si Lea na kapatid ko? Kadugo? Iisang dugo ang nananalaytay sa katawan namin, paano ko sya inibig, at paano ko yon nagawa?

Sa bagay na ito mukhang hindi nga pera ang dahilan ni Mrs. Loida kung bakit nya kami pinaghiwalay ni Lea, at mukhang hindi ko sya masisisi kung bakit nagawa nya kaming lokohin.

Tama na naman ang intensyon, pero mali uli ang paraan. Haizt!

Ano bang nais iparating ng kapalaran? Senyales ba ito na dapat ko na talagang hiwalayan si Lea? Pero paano ko yon gagawin kung talagang si Lea ang One Great Love ko? Sa isang bawal na relasyon, ang binubulong ng puso ba talaga ang dapat mangibabaw o ang idinidikta ng utak?

Nasaan ang kaligayahan sa isang bawal na pag-ibig kung sa kabila nito marami ang masasaktan? At kung kaakibat nito ay panghuhusga? Para naring naming itinakwil ang sarili naming Ama kapag nagkatuluyan kami ni Lea. At bakit noon, bakit hindi ko naisip ang mga bagay na ito? Bakit itinuloy ko pa rin ang relasyon namin noon, na ayon kay Lea tumagal pa ng limang buwan bago ang aksidente.

Ang aksidente?

"Sya nga pala. Bakit tayo naaksidente? Paano? At saan ba tayo papunta noon?" sumunod na tanong ko kay Lea.

"Yung aksidente…" bigla syang nalungkot, "Sorry ha! Sa tingin ko kasalanan ko yon, ako kasi nagdi-drive noon… Anyway, yun yung araw na magtatanan na sana tayo…"

Huh?!
Magtatanan?!
Fuck!

So may balak pala talaga akong asawanin ang sarili kong kapatid?

Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa sarili ko, pero bakit ganoon ako sa kahapon ko? Ibang-iba… Nagbago ba ako, o hindi ko lang maalala ang dating ako? Hanggang sa mga oras na ito hindi ko pa rin kayang tanggapin ang katotohanang minahal ko ang kapatid ko.

"Ang mabuti pa, tutal nagbalik na ang alaala ko, kung gusto mo ikukwento ko na lang sayo ang lahat-lahat mula sa umpisa, para hindi ka na rin tanong ng tanong pa." si Lea.

>>>>>