1. Home
  2. Stories
  3. Fuck Fianceé: White Lies of Angie
Filipino Sex Stories

Fuck Fianceé: White Lies of Angie

By fiction-factory ·

Lahat tayo may natatagong lihim sa ating pagkatao, maliit man o malaki. Lihim na tinatago natin sa ibang tao o lihim na itinatago natin mismo sa ating sarili. Lihim na ayaw nating ibunyag gawa ng takot natin. Takot na baka isang araw biglang magbago ang lahat. Takot na baka biglang magbago ang ikot ng mundo natin o mag-iba ang tingin ng ibang tao sa atin. Takot na baka biglang mawala ang taong pinakamamahal natin.

Ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit ang iba sa atin mas pinipili na lang ang mabuhay sa kasinungalingan, hindi para manloko ng kapwa kundi para dayain ang pagkakataon, nakawin ang tadhana kahit sa maikling panahon lang. Pinapaikot ang kapalaran sa sariling palad. Umaasa na pwede mong baguhin ang landas na tinatahak. Dahil kapag ang katotohanan ang nabunyag, kaya ka nitong patayin ng paulit-ulit, sa sakit at saklap na iyong pagdurusahan araw-araw.

Napamulat ako sa sinag ng liwanag sa siwang ng sliding window sa tapat ko. Pagtingin ko sa wall clock, alas diyes pasado na. Fuck! Mataas na ang sikat ng araw.

Hindi ko na namalayan kung papaano ako nakatulog, pero nagising ako na nasa bisig ko na si Angie. Tulog na tulog syang nakahiga sa tabi ko. Ginawa nyang unan ang braso ko at nakahimlay sa dibdib ko.

Pinagmamasdan ko ang maamo nyang mukha. Napakaganda talaga nya. Kahit tulog sya mahinhin pa rin sya, kung papaano sya huminga kahit may mumunting hilik. may mahabang pilik-mata sa maninipis na eyelids. Silky black hair. Matangos na ilong at natural pink na lips. Morena at balingkinitan ang katawan.

Ngayon, sa puntong ito, parang hindi ko lubos maisip na ang babaeng ito ay isang kalapating mababa ang lipad. Bakit parang ngayon nasasaktan ako para sa kanya? Bakit ngayon parang kayhirap tanggapin para sa akin ang ppagkatao nya? Bakit ngayon parang naaawa ako sa kanya?

Okay na bang ikatwiran ang dahilang wala kaming pinagkaiba, na pareho lang kaming marumi? At dapat ba talagang gamitin ang salitang 'marumi' sa mga taong tulad namin? Sapat ba ang dahilan namin upang hindi kami mahusgahan ng ibang tao?

Naguguluhan na ako, nalilito.

Ang sabi sa akin ni Angie hindi daw kami nakapag-aral kaya sa direksyong ito kami napadpad. Ngayon ko narealized, diploma lang ba ang mahalaga sa mundong ito? Kung wala man kaming diploma, pati ba naman dignidad hinayaan naming mawala sa amin? pati ba naman self-respect pinagkait pa namin sa aming sarili? Pati principles wala kami?

Sumasakit na naman ang ulo ko sa kakaisip. Marahil maayos ang kalagayan namin ni Angie ngayon, pero ang buhay namin maliwanag na napariwara. Kung maibabalik ko lang ang panahon, at kung totoo man ang sinabi sa akin ni Angie, malamang hindi ko hahayaang magkaganito kami. Gagawa ako ng ibang paraan kaysa magbenta ng laman.

Huli na ba para magbago?
At paano ko hihikayating magbago si Angie kung ito lang ang alam naming trabaho?
Ito nga lang ba, o naghahangad lang kami ng mas malaking sahod at mabilisang pera?

Sa habag na nararamdaman ko, nagawa kong halikan ang noo ni Angie at niyakap ko sya ng mahigpit. Nalingat tuloy sya, nagising sa paggalaw ko. Pagmulat nya nagtagpo ang aming mga mata.

"Good Morning Asawa ko…" nakangiti nyang sambit. Magiliw.

Nginitian ko rin sya at tinugon, "Good Morning…"

Ang tamis ng kanyang ngiti, punong-puno ng pagmamahal. Isa ito sa mga bagay na ipinagpapasalamat ko. Ang walang sawang pagmamahal sa akin ni Angie, na ni minsan hindi kumupas, hindi nagbago.

At ang 'good morning' nya may kasamang matamis na halik sa labi. Hinalikan nya ako, madiin sa labi at matunog, "Uhhhmmmmwwwaaaah" tulad ng araw-araw nyang ginagawa kada umaga.

"Teka, ipaghahanda kita ng breakfast." sumunod nyang sabi.

Babangon na sana sya pero kinabig ko braso nya para pigilan.
"No!"

Nagulat sya sa biglaan kong pagsigaw, "Hum? Hindi ka pa gutom? Sige mamaya na lang." nakangiti pa rin sya.

Totoong ang pag-ibig hindi marunong magalit. Nakikita ko yun kay Angie. Ni minsan hindi sya nagalit sa akin. Pasensyosa sya at napaka-considerable. Siguro minsan minsan may sumpong sya o irritated, pero hindi ibig sabihin non galit sya. Syempre tao lang din naman sya. Ang nakakabilib lang eh yung hindi nya pagtatanim ng galit o sama ng loob. Isang ngiti ko lang ayos na naman sya.

"Lagi na lang ikaw naghahanda ng breakfast." sabi ko sa kanya habang magkatinginan kaming magkayakap na nakahiga sa kama.

"Ha ha ha Ano'ng meron? Bakit mo ito pinapansin ngayon?"

"Wala, nahalata ko lang, parang nakakahiya na kasi eh…"

Sa sinabi ko naging siryoso ang ekspresyon ng mukha nya, "Asawa kita. You are my husband and I am your wife, at bilang asawa mo hindi kita pahahawakan kahit katiting na dishwashing liquid, hindi kita tuturuang mag-operate ng washing machine. Kasi mahal na mahal na mahal kita asawa ko, at ang gusto ko pagsilbihan kita habang buhay, ako lang ang magsisilbi sa iyo at magaasikaso habang buhay ha?"
at mas lalong humigpit ang yakap nya.

"At putahe mo lang ang kakainin ko?"

"Hahaha Opo!"

Sa tawanan namin, bigla akong bumangon.

"O, saan ka pupunta?" pagtataka ni Angie.

"Magpahinga ka muna dyan. This time, you will be my Queen, and I'm your Servant." nag-bow pa talaga ako.

"Nagtataka na ako sa 'yo ha! Ano bang meron sa araw na ito at napakasweet mo ha?"

"Gusto ko lang ipaghanda kita ng breakfast, kase mahal kita Evangeline."

Napansin ko na lang si Angie na lumuluha dahil sa sinabi ko. Hindi pa nya malaman kung paano pupunasan ng daliri dahil talagang tuloy-tuloy sa pag-agos.

"Ba't ka umiiyak? May nasabi ba akong mali?" nagalala ako.

"Wala…" parang bata syang inagawan ng candy, "Kasi ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko… Ang sarap pala ng feeling!"

"Masarap eh umiiyak ka?"

"Wala! Sige na ipagluto mo na ako! Sarapan mo ha! Hmp!" kunwari pa syang nagsusungit. Ang cute talaga nya.

Mabait si Angie, totoo yon. Sa mga katangian nya at sa mga pinapakita nya, aamin kong nahuhulog na rin ako sa kanya, pero may kulang pa rin na gusto kong mahanap. Sa tingin ko si Lea ang makakasagot, dahil sa kanya nagulong muli ang patahimik ko na sanang buhay.

Bago ako lumabas sa kwarto muli kong tiningnan si Angie,
"Sorry Angie. Siguro ganito ako ngayong araw dahil sa pagdududa ko sa iyo. May lihim ka ba na tinatago sa akin? Sinasamantala mo ba ang pagkakaroon ko na amnesia? Sorry kung hindi ako mapanatag dahil sa kakaisip na baka may sikreto ka sa akin.

Pagdating ko sa maliit naming kusina na halos sakop na ang kalahati ng apartment na ito, bigla akong napaisip. Sarapan ko daw ang pagluluto samantalang tatlong pirasong itlog lang ang nadatnan ko, anim na pirasong loaf bread at kaunting palaman?

Sus! Mamimirito lang pala ako eh!

Pinainit ko na yung kawali sa one burner gas stove, nilagyan ko ng mantika habang binabate ko yung itlog. At nang piniprito ko na yung itlog nilalagyan ko naman ng mayonaisse yung mga loaf bread. Napakasimple ng pamumuhay namin ni Angie pero wala akong reklamo dahil masaya ako sa piling nya.

Ilang sandali pa lumabas na rin si Angie mula sa kwarto, sakto lang pagdating nya dahil katatapos ko lang magtimpla ng kape.

"Wow ang bango naman nyan. Mukhang masarap ah!" entrada nya.

"Ha Ha Sorry to disappoint you pero egg sandwich lang ang meron."

Napangiti pa sya nang hilahin ko para sa kanya ang uupuan nyang monoblock chair.

"My Lady."

"Thank you."

May kasama pa talagang acting.

"Huwag mong nila-'lang' itong hinanda mo, kasi para sa akin, daig pa nito ang kahit anong club house sandwich."

Na-touch naman ako sa sinabi nya. Ang galing talaga ng pag-ibig, nagagawa nyang espesyal ang kahit anong simpleng bagay.

Habang kumakain kami tinangka ko ang pagkakataong makausap ko sya ng masinsinan.

"Sya nga pala, kumusta na sina Mama sa probinsya?"

Natigilan sya, "Mama?" ito yung bigkas na may pagtataka.

"Oo, si Mama!" nahihiwagaan talaga ako sa twing ganito ang kinikilos nya.

"Ah…si Mama ko… Okay naman sila. Gusto mo pasyal uli tayo doon?"

Hindi ako sumagot, bagkus itinuon ko na ang buong atensyon ko sa pagkain ko ng sandwich. Parang gusto ko ng maiyak sa mga oras na ito, naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako dahil wala pa rin akong maalala hanggang ngayon.

"Ahm. Angie, handa na ako." sumunod kong sinabi matapos ang ilang minutong pananahimik.

Mabilis nyang nilunok ang laman ng bibig nya saka nya ako pinanglakihan ng mata, "Huh? Handa ka na? Saan?"

"Handa na ako na malaman ng buo ang nakaraan ko. Kung sino mga magulang ko, at kung paano tayo napunta sa ganitong linya ng trabaho."

"Ah-eh…" napabugtong hininga sya, "Okay. Kung yan gusto mo, sasabihin ko na."

*****

Part Five: White Lies of Angie

Evangeline Delos Reyes.
Yan ang pangalan ko. Laking probinsya ako na nakipagsapalaran sa Maynila. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya namasukan ako bilang kasambahay sa isang bahay ng mag-asawang halang ang kaluluwa. Sa dinami-dami ng makaka-amo bakit sa kanila pa ako napunta.

Hindi ako nakatiis. Umalis ako, naghanap ng panibagong trabaho. Ganito ang naging buhay ko, palipat-lipat ng trabaho pagkat walang mahanap na permanente.

Hanggang mapunta ako sa isang Amo na nagpamulat sa akin na kailangan kong lumaban sa malupit na kapalaran.

Sa twing madadaanan nya akong naglilinis, chinachansingan nya ako. Hihipuin na lang basta ang pwet ko habang nakayukong nagwawalis, minsan pinipisil pa nya. Hindi lilipas ang araw na hindi sya hahawak sa maseselang parte ng katawan ko bago sya pumasok sa trabaho.

At dahil Boss ko sya, wala akong magawa, hindi ako makaangal. Pinagtiisan ko nalang muna dahil mataas ang sahod ko. Isa pa may sakit si Mama noon. Nagkasabay-sabay ang problemang pinansyal. Pinagtyagaan ko nalang muna tutal chansing lang naman yon. Pero kalaunan, ang inaakala kong simpleng salat lang ay mauuwi sa malalim na kamanyakan.

Hating-gabi, pinasok ako ni Sir sa kwarto ko. Hindi ko inexpect na magagawa nya akong halayin, oo alam kong manyak sya pero hindi ko inakalang hahalayin nya ako kahit alam nyang nasa kabilang kwarto lang natutulog ang asawa nya, at sa kabilang kwarto din ang mga anak nya.

Mahimbing ang tulog ko noon, kumportableng nakahiga sa aking kama, pero bigla nalang akong nagising nang maramdaman ko ang isang kamay na tumakip sa bibig ko.

"Uhhmmfffttt!! mmmfffttt!"

Pagmulat ko mukha ni Sir Jerry ang nakita ko. Nakatakip ang kaliwang kamay nya sa bibig ko habang ang kabilang kamay may hawak na baril na nakatutok sa ulo ko.

"Shh.. Kapag sumigaw ko o nageskandalo, papatayin kita. peksman!"

Natakot ako sa hawak nyang baril. Lumganap ang nerbyos sa buo kong katawan kasabay ng pagtulo ng luha ko. Mabilis na kabog sa dibdib at hindi ako makapag-isip ng maayos.

Nang matiyak nya na kalmado na ako, unti-unti nang inaangat ni Sir Jerry ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko, "S-sir, maawa na po kayo…" tinangka ko ang pagkakataong magmakaawa.

"Tse! Tumahimik ka asshole!" bullshit sya!

Inilapag nya ang baril sa ibabaw ng kama sa tabi ng unan ko. Bigla akong nakadama ng panlalamig sa katawan ko. Huli ko na namalayan na hubo't-hubad na pala ako.

Fuck!

Ibig bang sabihin nito hinubaran na nya ako habang tulog ako? Pinagsawaan ang sosu at peks ko habang tulog ako?
Sa loob-loob ko galit na galit ako, inis na inis, pero hindi ko alam kung papaano ko ilalabas ang sama ng loob ko. Gusto ko syang sampalin, gusto ko syang bugbogin, pero takot din ako na baka barilin nya ako kapag ginawa ko yon.

Nakahiga lang ako sa kama habang kabadong inaabangan ang susunod pa nyang gagawin, inihanda ko na lang ang sarili ko sa kababuyang maaaring mangyari.

Matapos nyang maghubad, pati na bacon nyang brief na halatang matakaw mag-jaycol pagkat laging hinahatak. Sumampa sya kama, habang ako halos mamilipit habang tinatakpan ang pag-aari ko.

"Huwag po Sir…please?"

Wala akong magawa nang hawakan nya ang magkabila kong kamay upang malantad ang hubad kong katawan sa kanya. Mabilis nya akong sinubasob ng halik. Sa aking labi na pikit-mata kong tinitikom, salitan sa aking leeg na pilit kong hinaharang ang aking baba.

"Putcha ka! Ibigay mo na!" pabulong nyang sigaw, nanggagalaiti sa galit.

Pumatong sya sa ibabaw ng katawan ko, at kahit anong gawin kong pagpupumiglas napapatihaya pa rin nya ako. Mas malakas sya kaysa sa akin.

"Tama na Sir! Tama na!"

Wala na ata syang pakialam sa sinasabi ko, at wala na rin atang pakialam kahit napapalakas na ang boses ko. Tuloy-tuloy lang sya sa kakahalik sa akin. Gigil na gigil sya.

Naramdaman ko na lang ang matigas nyang teti na tumutusok-tusok sa keps ko. Nakadama ako ng takot. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Aaahhhhh Aaahhhh!"

Nappasigaw na lang ako nang biglang pumasok ang teti nya sa kepyas ko. Isang matigas at matabang bagay ang madulas na naglalabas-masok sa loob ng lagusan ko.

Madulas…

"Aaahhhhhhh Si-sir! Tama na! Tama na!"

Binarocha nya ako, binira nya ng binira ang keps ko. Wala akong magawa kundi umiyak. Umiyak lang ng umiyak hanggang makaraos sya. Damnshit!

Binaboy nya ako. Sinamantala ang kahinaan ko bilang babae. Napakasama ng loob ko. Ginahasa ako ng Amo ko.

Ilang beses kong sinisisi ang kapalaran sa mga bagay na nangyari sa akin. Napakapait ng dinanas ko. Bakit kailangan mangyari sa akin ito? Ano bang kasalanan ko?

Pero sa kabilang banda ito ang tumulong sa akin para maging matatag, para lumaban sa buhay. Narealized ko na kahit gumawa ka man ng masama o mabuti, ang kapalaran pa rin ang magdedesisyon sa buhay mo. Kahit anong pagsisikap pa ang gawin mo, kahit anong pagtyatyaga at pagsasakripisyo, kapag kapalaran mong bumagsak, talagang babagsak ka.

Lumayas ako sa Boss ko. Ayoko ng maulit pa ang impyernong gabing iyon. Lumayas ako kahit walang laman ang bulsa ko. Naglalakad sa gitna ng kalsada sa ilalim ng liwanag ng buwan. Bitbit ang isang backpack lang na damit.

Pinipilit kong magpakatatag. Gustong lumaban ng utak ko pero ang puso ko nasasaktan ng husto. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na malakas ako pero ang totoo hinang-hina pa rin ako.

Dito ka pumasok sa buhay ko.

Wala akong mapuntahan. Napaupo na lang ako sa isang bench sa may plaza. Luhaan, umiiyak. Iniyakan ko ang sarili ko, awang-awa ako sa sarili ko. Nakamukmok sa aking mga palad.

"Okay ka lang Miss?"

Isang malaking boses ang narinig ko. Boses ng isang lalaki na nagpatila sa luha ko.
Paglingon ko, panyo ang unang nakita ko. Isang panyo na inaabot ng isang matangkad at gwapong lalaki. Makisig na kayumanggi. Tall, dark and definitely handsome. Isang panyo na ipinahiram mo sa akin.

"Thank you…" kinuha ko at pinangpunas sa luha ko pati sipon.

Umupo ka sa tabi ko atsaka mo ako nginitian, "Naglayas ka ba sa inyo?" matamis mong tanong na para bang hindi umiiyak ang kausap mo.

"Ahm. Hindi."

"Ah. Iniwan ka ng syota mo?"

"Hindi rin."

Napatingin ako sa iyo dahil bigla kang natigilan.

"Pwede bang sirit na?" sumunod mong sabi.

Napangiti na lang ako sa iyo, kase naman ang cute mo.

Yun na ata ang pinakamasayang gabi na hinding-hindi ko malilimutan. Ang gabi kung kailan kita nakilala. Ang dami mong ikinwento sa akin na nagpagaan sa loob ko. Tapos noong malaman mo na wala akong matutuluyan, dinala mo ako sa inyo.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang pagkatiwalaan ka, ang alam ko lang magaan ang pakirandam ko sayo.
Hindi naman ako nabigo kasi iginalang mo ako. Akala ko pa nga may kapalit ang malasakit mo sa akin pero hindi, kase mabait ka at sobrang gentleman.

Mag-isa ka lang sa apartment. Tinanong kita tungkol sa pamilya mo. Ang sabi mo laking ampunan ka, at ikaw mismo hindi mo alam kung sino ang mga magulang mo. Na ang alam mo lang iniwan ka nila noong sanggol ka a lang, ayon sa kwento ng tagapangasiwa ng Ampunan.

Nakipagsapalaran ka dito sa Maynila sa murang edad mo pa lang, 16. Tumakas ka sa Ampunan para hanapin ang totoo mong mga magulang. Sa isang Bar namasukan ka bilang dishwasher, at nang tumanda ka ginawa ka nilang bouncer.

Oo, sa Bar ka na nagbinata. Sa Bar kung saan mo ako ipinasok bilang Waitress. Sa X Club, isang tanyag na bahay sayawan at inuman. At dito nabuo ang love story natin.

Noong una pa lang gusto na kita, at sa araw-gabi nating pagsasama nahulog na ng tuluyan ang loob ko sa iyo, hanggang magising ako isang araw na mahal na mahal kita.

Tinanggap mo ako bilang ako. Sa kabila ng desisyon kong maging GRO minahal mo pa rin ako. Wala kang pakialam kahit alam kong alam mo na may mga customer na naglalabas sa akin. Hindi ko alam kung paano mo yun natatanggap, siguro dahil tanggap ko rin ang pagiging Macho Dancer mo. At sa panahong yon alam ko ring marami ng babae, cheating wives, matrona, bading na nagdaan sa bisig mo.

Kusang umuusbong ang pag-ibig, marahil may dahilan kung bakit natin minahal ang isa't-isa. Oo, maraming rason ang pag-ibig, sadya nga lang hindi na natin ito hinahanap pagkat ang pinakamahalaga ay ang nararamdaman natin sa isa't-isa. Balewala ang mga pangit na bagay na pwedeng ipintas sa sarili, dahil natatapalan nito ng magandang pagtitinginan natin.

Dumating ang araw na pinakasalan mo ako. Hindi man yon ang dream proposal ko, hindi man yon ang dream wedding ko pero masayang-masaya pa rin ako dahil nakasal ako sa lalaking pinakamamahal ko.

Sinekreto mo pa ang kasal natin sa mga katrabaho natin, kaya doon sa probinsya namin kina Mama tayo nagpakasal. Isang simpleng civil wedding.

Pagbalik natin sa X Club, walang nakakaalam na kasal na pala tayo, ang tanging alam nila nagliligawan pa lang tayo. Masayang-masaya tayo. Nagbukas pa tayo ng bank account upang mag-ipon. Ang maganda pa don wala tayong pakialamanan pagdating sa trabaho, no personal feelings involved.

Pero isang gabi inamin mo sa akin na kahit ayos lang sayo na ilabas ako ng customer, sa kabila non, sa loob-loob mo nasasaktan ka pa rin. Nahahabag ako noong malaman ko yon, kaya simula non hindi na ako nagpalabas, at bumalik ako sa pagiging waitress, dahil mahal na mahal kita, at dahil mahal na mahal mo ako, bumalik ka na lang din sa pagiging bouncer.

Akala ko tuloy-tuloy na ang kaligayahang nadarama ko. Ngunit dumating ang isang gabi na naghatid sa relasyon natin sa trahedya.

"Angie, okay na 'to, pakiserve mo sa table six."

Matao sa bar noong gabing iyon. Sari-saring customer, maingay, lahat nagtatawanan habang pinapanood yung pole stripper sa gitna.

Paglingon ko sa table six, grupo nung suki ko ang nakita ko. yung laging tumitable sa akin. Ipapaserve ko sana sa iba itong sizzling sisig pero puro abala naman ang mga kasama kong waitress.

Huminga ako ng malalim habang naglalakad, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako that night. Pagdating ko inilapag ko na yung sisig sa mesa nila.

"O Angie, long time no see? kumusta ka na?" napansin pa rin nya ako kahit tinatakpan ko na sa buhok ko ang mukha ko.

"Okay lang po Sir." maiksing tugon ko.

Aalis na sana ako pero bigla na lang nyang hinila kamay ko, "O, sa'n ka pupunta? Umupo ka muna dito."

Binabawi ko ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak nya,

"Ah Sir, sorry po pero marami pa akong gagawin."

"Ah dito ka muna!" yung kabilang kamay nya biglang hinawakan ang pwet ko, "Miss ko na to eh! Dito ka muna."

"Sir hindi po pwede eh. Hindi na po ako nagpapatable."

"Naknang! Ang dami mo namang arte eh!"

"A-aray Sir! Bitawan mo ako!"

Nasasaktan na ako sa kahihila nya sa akin. Tapos bigla kang dumating para tulungan akong bawiin ang kamay ko.

"Sir, may problema po ba?" tanong mo.

Humalakhak sya at nagtawanan sila ng mga kasama nya, "Ano 'to? pelikula ni FPJ? Huwag ka ngang magpakabayani."

"Sir, ginagawa ko lang po trabaho ko, ang bawalan ang mga bastos na tulad nyo.

Sa sinabi mo napatayo sya at naging siryoso ang mukha,
"Matalas ang dila mo bata! Hindi mo ba ako kilala? Ako si Nardong Putik! Bwahaha"

"Hindi ako nakikipagbiruan Sir…" pero mas siryoso ka.

Nagkatinginan kayo, mata sa mata, parehong umiinit. Mabuti na lang at inawat sya nung kasama nya. Binitawan nya ako pero pahampas at nakita mong nasaktan ako.

"O sayo na yang puta mo! mga puta kayo ang aarte nyo!"

Okay na sana ang lahat…
Pero nag-init bigla ang ulo mo sa narinig mo sa kanya. Galit na naipon sa iyong kamao na isinuntok mo sa mukha nya.
Sa lakas ng suntok mo napatumba mo kaagad sya, pero sa ginawa mo, maraming kamao ang sumalubong sayo.

Nagkagulo ang lahat. Nagsipagtayuan ang mga kasama nya atsaka ka nila sinugod. Pero ikaw, hindi mo sila ininda, dumiretso ka dun sa lalaking nambastos sa akin. Bago pa sya nakatayo binira mo na uli sya, at sa muling pagbagsak nya inipuan mo ang tyan nya. Walang tigil mo syang pinagsusuntok, punong-puno ng galit.

"Tama na! Tama na!"

Wala kang pakialam kahit sinusuntok ka na sa mukha ng mga kasama nya, basta ang atensyon mo nasa lalaking nambastos sa akin. Sya lang ang binugbog mo kahit pa ginulpi ka na ng mga kasama nya. Binasag mo ang kanyang mukha.

Dahil hindi ka nila malupig o maawat, may isang lalaking kasama nya ang lumapit sayo. Nakita ko may hawak syang bote ng alak. Natakot ako kase makapal at malaki ang hawak nyang bote ng brandy.

"Hhuuuwwwwaaaagggg!!!"

Napasigaw na lang ako at nanlabo sa luha ang mga mata ko nang makita kong biglang binasag ng lalaking ito ang hawak nyang bote sa ulo mo. Parang sumabog na granada ang bote sa lakas ng pagkakahampas. Tumulo ang dugo mula sa ulo mo, natigilan ka na parang napraning, tapos bigla ka na lang bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.

*****

Halos hindi ko na malunok ang kinakain kong sandwich habang pinapakinggan ko ang kwento ni Angie.
Hindi ko lubos maisip na ako pa pala ang nagpasok kay Angie sa impyernong buhay sa club.

"Ahm." napatingin sa akin ang katabi ko, "Umalis na pala tayo sa pagiging macho dancer at GRO noon, bakit bumalik pa tayo?" tanong ko.

"Pasensya ka na, kailangan kasi natin ng pera noong maospital ka. Ayaw ko naman bumalik pa sa pagiging kasambahay."

Gusto ko syang unawain, ang sitwasyon nya at ang hirap na pinagdaanan nya sa akin. Ngunit sa kabilang banda, may duda pa rin sa akin. At kung totoo nga na lumaki ako sa amponan at hindi alam kung sino ang aking mga magulang, bakit sa tinagal-tagal ng panahon hindi ko man lang sila hinanap?

"Okay ka lang?" tanong nya nang mapansin nya akong napapatulala.

"Ah. Oo naman." nginitian ko sya para hindi sya mag-alala.

Hindi ako kuntento. Hindi ko matanggap na isa akong ulila at wala man lang kamag-anak. Gusto kong makasigurado. Gusto kong matiyak na ang bawat katagang sinasabi as akin ni Angie ay purong katotohanan.

"Angie, gusto ko sanang dalhin mo ako sa ampunan kung saan ako lumaki."

Nanlaki ang mga mata ni Angie sa sinabi ko.

>>>>>