1. Home
  2. Stories
  3. Gangsta Paradise: Book 1 - Part 10
xTorya

Gangsta Paradise: Book 1 - Part 10

By phantomblade ·

Ganon naman talaga ang buhay, hindi mo makikita ang halaga ng isang tao, hanggang hindi pa siya nawawala.

Pero may kasabihan si popoy na kaya may umaalis, kasi may mas magandang parating sa buhay natin na magtatama ng lahat ng mali natin sa buhay.

June1996.

Balik eskwela na ako, huling taon ko na sa elementarya.

Unang araw wala akong ganang pumasok, kahit pa puro bago lahat ang gamit ko, alam ko kasi na wala na akong makikitang Isabel na papasok pa uli sa paaralan namin.

Nang marating ko ang bagong classroom namin ay isang babae agad ang pumukaw ng atensyon ko.

Nasa may unahang bahagi siya nakaupo.

Nakatalikod siya sa akin ng una ko siyang makita.

Pasimple ako pumunta sa may black board para makita ko ng malapitan kung sino siya.

Napatingin rin siya sa akin, halos tumulo ang laway ko ng makita ko ang muka niya.

Maputi siya, mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong, may dimple sa magkabilang pisnge, mahaba at kulot ang buhok niya, payat pero malusog naman ang hinaharap at sa mas matangkad siya sa akin ng 3inches
Hindi ko siya kilala, alam ko na hindi namin siya kaklase o batchmate nung nakaraang taon, namumukaan ko kasi lahat ng mga kabtach ko, alam ko na transfer siya.

Nung dumating ang teacher namin ay nag pakilala siya sa amin, sunod ay isa isa kami nagpakilala sa unahan.

Inabangan ko talaga ng mga sandaling yun na magpakilala ang babae transfer na kaklase namin.

My name is Alexa Gail ---, I'm 12 years old, i live in *** ---.

Yun ang kapirasong sinabi ni Gail, unang beses ko marinig ang boses niya para akong nakarinig ng tinig ng angel.

Napawi ni gail ang pangungulila ko kay Isabel ng mga sandaling yun, nawala ang lungkot sa dibdib ko at napalitan ng saya sa bawat araw na papasok ako.

Subalit ang saya ko ay nanatili lang lihim, dahil wala akong lakas ng loob para kausapin siya o kahit makipag kaibigan, nakuntento nalang ako sa palaging pagtitig sa kanya, madalas niya akong mahuli na nakatingin sa kanya, minsan ngumingiti siya, pero kadalasan sinisiringan at iniirapan niya ako.

Hanggang dumating ang araw na Hindi ko inaasahan.

Ma'am excuse me po, pinapatawag po ni sir pedi yung varcity ng volleyball, sabi ng isa kong team mate sa teacher ko.

Ako lang varcity sa section namin, ang mga kaklase ko kasi busy sa pakikipag tagisan ng talino sa bawat isa, lahat halos sila ay gustong maging top10 sa klase namin, nakayuko akong nagpaalam sa teacher namin dala ang bag ko, lumabas ako ng classroom at nagtungo sa field upang makapagtraining.

Subalit ng makarating ako sa field ay nagtaka ako kung bakit lahat sila ay nakatingin sa likuran ko.

Nang lingunin ko ang likod ko ay halos mapatalon ako sa gulat, nang makita ko sa likod ko si gail, dala ang bag niya at nakatingin din sa akin.

Nilamon na agad ako ng hiya, kaya lumayo ako sa kanya at binaba ko ang bag ko sa mesa na patungan ng gamit namin.

Kinuha ko na ang pamalit ko damit sa pagttraining at mabilis na akong nagpalit, pagbalik ko sa field ay nakatayo na si sir pedi sa tabi ng net at pinatawag kami lahat, lumapit naman ako para makinig sa sasabihin niya, hinanap agad ng mata ko si gail pero wala siya.

Upo muna kayo diyan sa lapag, hintayin natin yung ibang nagpapalit pa ng damit, sabi ni sir pedi.

Umupo naman ako at excited ako magtraining para maipakita ko kay gail kung paano ako maglaro, inshort gusto kong mag bida bida nung oras na yun, pero nagkamali ako dahil pagbalik ni gail sa field ay ako ang nagulat sa nakita ko suot niya na jersey.

REGION IV-A ang tatak nito, epilyido niya ang nakasulat sa likod nito, number 08 din pala ang Jersey number niya.

Pero nanliit ako ng makita ko ang Region IV-A dahil yun ang uniform ng mga player sa palarong pambansa.

Straa lang narating ko last year, isang hakbang nalang sana palarong pambansa na ako kung hindi lang dahil sa mga impaktong boksingero na nakaaway ko.

Guys eto nga pala si Alexa Gail, kaibigan ko ang coach niya last year, sinabi sa akin na malaki daw ang maitutulong sa atin ni alexa, Nico nakarating ka ng straa last year diba, kilala mo ba si Alexa? Team mates mo siya. Tanong ni sir pedi.

Sir Hindi ko po siya nakilala sa sta Cruz. Diba po napauwi ako dahil sa pakikipag away. Sagot ko na medyo nahihiya.

Ahh oo nga pala, hindi ka nga pala nakapag laro, pasensya na Nico, ganito guys sana ayusin natin ang training, maging magkakaibigan sana kayo para mas tumibay ang team work, next month na ang area meet natin, focus sana tayo sa training okey!? Sabi ni sir pedi.

Nagsimula na kami sa stretching, drills, conditioning at ang huli ay ang groupings.

Mix ang ginawa ni sir pedi ng Sandaling yun, Hindi ko alam kung sinadya ba talaga ng coach namin na maging magkalaban kami ni Gail, pareho din kami ng pwesto, zone5 kami ni gail at alam ko na kapag nagsimula na kami magrotate, pareho kaming mapupunta sa open spiker.

Medyo kinabahan ako, dahil alam ko na palarong pambansa player si Gail, kahit pa sabihin na babae siya.
Halimaw ang bansag sa mga player na nakarating na sa palarong pambansa, rare chance na makapag laro sa division na yun, labanan yun ng pinaka magagaling na atleta sa pilipinas, Hindi pwede ang mahina at iyakin sa palarong pambansa, kaya kahit babae siya, sobra akong kinakabahan sa atake niya.

Unang nakarotate ang team ni gail, kaya naghanda ako, alam ko na siya ang hahataw sa team nila, kaya ng maiset ng setter ang ang bola papunta kay gail, naghanda na ako sa atake niya.

Sa pag kuha palang ng bwelo makikita mo na agad na malakas na manlalaro si Gail, mas lalo ko napatunayan ang lakas niya ng ako ang puntiryahin ng atake niya, nagawa ko marecieve ang bola ng maayos, pero tagos naman sa dibdib ko ang impact ng hataw niya, nakailang atake pa si gail na kahit pilipit na ang katawan ko ay nagagawa ko pa rin makuha.

Naka iskor kami dahil sa pagkakamali ng kakampi niya, nagrotate na rin ang pwesto namin kaya nasabik akong patikimin ng hataw ko si Gail.

Ginamit ko lahat ng lakas ko sa unang hataw ko, masaya ako dahil hindi nakuha ni Gail ang bola, tinamaan pa siya ng bola sa tuhod sa gulat kasi niya sa hataw ko napaatras siya, nginitian ko siya at siniringan naman niya ako, lalo siyang gumaganda kapag nakasiring kaya lalo akong natuwa na inisin siya.

Lahat ng atake ko sa kanya ko dinadala, nakukuha niya ng maayos ang ibang hataw ko, pero ang iba ay hindi.

Natapos ang laro namin na ang koponan ko ang nanalo, nakipagkamay kami ssa team nila, pero si Gail hindi nakipag kamay sa akin.

Masaya ako kahit inis siya sa akin, mas bagay kasi sa kanya ang muka niya kapag galit siya, kaya nung panahon na yun, madalas ko siyang inisin.

Masaya akong pumapasok araw araw dahil kaklase ko si Gail at varsity rin siya, lagi ko siyang kasama, kahit iniiwasan niya ako dahil sa asar siya sa akin.

Masyado pa akong hilaw sa diskarte sa babae ng panahon na yun, kaya mas gusto ko asarin nalang si Gail sa mga titig ko, para kahit paano mapansin niya ako.

Subalit ang saya at ngiti sa mga labi ko ay bigla nalang napalitan ng isang gulo at galit, dahil sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan.

Pauwi na kami galing sa pagttraining ng volleyball, nang lapitan si Gail ng isang lalaki na kaedad lang namin, kinamayan siya nito ngkakaibang kamay nna parang kamayan ng isang samahan o grupo.

May ibinulong kay Gail ang lalaki at nakita ko na umaayaw si Gail, may lumapit pa sa kanya na anim na lalaki na kaedad rin namin, medyo kinabahan na ako nung hawakan ng isang lalaki ang kamay ni Gail sabay hila papunta sa isa pang lalaki na nakaupo sa motor chappy.

Maliit na motor ang chappy, nung panahon namin, mayayamang bata lang ang nagkakaroon ng ganun, sa itsura ng mga lalaking humila kay gail ay mababanaag mo na medyo nakkaluwag sa buhay ang mga ito, pero wala akong pakielam sa katayuan nila sa buhay.

Nilapitan ko ang mga lalaking humihila kay gail para awatin sila sa ginagawa nila.

Gail may problema ba? Kilala mo ba sila? Tanong ko kay Gail.

Hoy!! Huwag kang makielam dito. Sabi ng isang lalaki sa akin.

Team mate ko yang hinihila niyo, kaya nakikielam ako, isa pa wala kayo sa lugar niyo, baka samain kayo, bitawan niyo si Gail. Pagyayabang ko.

Pero nagtawanan lang ang mga lalaki na pinagbabantaan ko.

Peste kasi yung mga kasama ko varsity nawala bigla sa likod ko.

Malapit lang kami sa gate ng paaralan namin, kaya marami na ang nakikiusyoso sa amin.

Nilapitan ako ng isa sa mga lalaking humihila Kay Gail at walang sabi sabing bigla akong sinuntok, nabigla ako sa ginawa niya kaya, tinamaan agad ako sa panga ng sapak niya, pero gumanti ako sa suntok niya, dalawang sapak ang pinakawalan ko sa muka niya, subalit ang mga kasama niya ay sabay sabay akong sinugod, Hindi ko na mabilang kung ilang suntok at sipa ang tinanggap ko, basta suntok lang ako ng suntok kung sino lang ang tamaan, hanggang sa may biglang yumakap sa akin mula sa likod, mahigpit ang kapit ng yumakap sa akin, hindi ko maigalaw ang dalawang kamay ko, napahiga na kami sa kalsada subalit Hindi niya ako binibitawan, nakatikim na ako ng sunod sunod na suntok sa muka, hindi ko na magawa pa makaganti, pinikit ko nalang ang mga mata ko at tinaggap ko nalang ang lahat ng suntok nila, subalit nakarinig ako ng sigawan at naramdaman ko na wala ng sumusuntok sa akin, minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Cris at ang grupo niya na ginugulpi ang mga kaaway ko.

May isa pang sumapak sa nakahawak sa akin kaya nakawala ako sa pagkakayakap niya, duguan ako ng Sandaling yun, pero pilit ko hinanap si gail ng makatayo ako, nakita ko na pinapadyakan nung lalaki ang chappy niya, nasa likod niya si Gail at umiiyak, kaya tinakbo ko agad sila bago mabuhay nung lalaki yun ang makina ng motor niya, nagawa ko maibaba si gail sa motor at sinimulan ko paulanan ng suntok ang lalaking yun.

Kasabay niyang bumagsak ang motor niya, sa galit ko ay nakadampot ako ng bato at hinampas ko pa sa ulo ang lalaking may ari ng chappy.

Kitang kita ko kung paano umagos sa ulo niya ang dugo pagkahampas ko ng bato.

Nilingon ko ang mga kasama niya, napabagsak na rin nila Cris ang mga ito.

Nagulat nalang ako ng magtakbuhan ang grupo ni Cris palayo sa lugar ng gulo, paglingon ko sa gate ay tumatakbo pala palapit sa amin ang mga teacher at guard ng paaralan namin.

Napaupo nalang ako sa kinatatayuan ko, dahil alam ko na sa principal office na naman ang bagsak ko.

inalalayan akong tumayo ng guard ng school namin sa pagkakaupo ko sa kalsada, si gail naman ay nilapitan ng ilang mga teacher namin at dalawa kami dinala sa principal office.

May teacher na nagpunas sa muka ko ng bimpo para maalis ang nakabahid na dugo at malagyan ng gamot ang mga sugat na natamo ko.

Mistula namang immortal ako sa sakit, dahil kahit masakit ang pagdampi ng bulak na may gamot sa mga sugat ko ay tinitiis ko lang ito, nakaharap kasi sa akin si gail, syempre kailangan magpasikat na hindi ako nasasaktan, kahit sa kabila ng pinapakita ko ay gusto ko ng magsisigaw sa sakit.

Matapos malinis ang sugat ko ay nilagyan ng band aide ang muka ko bago kami kinausap ng principal.

Kayong dalawa diba varcity kayo? Sabi ng principal.

Opo! Sagot namin ni Gail.

Alam niyo ba na pwede kayong mapatanggal sa pagiging varsity at tuluyang mapatanggal sa paaralan na ito sa ginawa niyo gulo kanina. Masungit na pagkakasabi ng principal.

Ma'am kami po ang hinarang ng mga lalaki yun, dati ko po classmate yun, may masama po ba sa pagtatanggol sa sarili, depensa ni Gail.

Umiwas nalang dapat kayo, hindi yung makikipag away pa kayo. Pasigaw na sabi ng principal.

Natahimik kami ni Gail sa sinabi ng principal, alam namin ni Gail na Hindi kami mananalo sa kanya, kaya mas mabuti ng tumahimik nalang kami.

Ipatawag niyo bukas ang magulang niyo at gusto kong ipaalam sa kanila ang pinaggagawa niyo dito sa paaralan. Huling sinabi ng principal, bago kami paalisin sa office niya.

Sobrang kaba ko ng sandaling yun, alam kong malilintikan ako sa nanay ko kapag nalaman niya na nakipag away na naman ako.

Bakit ba kasi nakielam ka pa kanina huh! Yan tuloy damay ka pa sa gulo. Sabi ni Gail habang naglalakad kami pauwi.

Ee nakita ko inaaway ka nila. Sagot ko na medyo nahihiya.

Hmp dapat di kana nakielam, para wala ka problema ngayon at wala ka rin sugat sa muka ngayon. Sabi ni gail.

Ayos lang yun, sanay na muka ko sa suntok at pasa. Pagbibiro ko.

Nagbibiro ka pa ng ganyan, ipapatawag na nga magulang natin. Sabi ni Gail sabay siring sa akin.

Okey lang yun, ayaw mo nun? Magkakakilala parents natin!? Sagot ko.

Ano naman kung magkakilala sila? Sungit ni Gail.

Wala lang, baka kasi dumalaw ako sa inyo, ee di kilala na nila ako. Banat ko.

Ewan ko sayo. Sabi ni Gail sabay takbo palayo sa akin.

Napangiti nalang ako ng Sandaling yun sa mga nasabi ko.

Subalit huminto si Gail sa pagtakbo at lumingon sa akin.

Nico!! Salamat sa pagtanggol sa akin!! Pero asar pa rin ako sayo!! Sabi ni Gail sabay belat sa akin.

Sobrang saya ng pakiramdam ko ng marinig ko yung sinabi niya, parang gumaling lahat ng sugat ko sa sinabi ni gail, kahit sabihin na asar siya sa akin, alam ko na darating ang araw na magiging malapit din kami magkaibigan ni Gail.

Pag uwi ko ng bahay, sinabi ko na sa magulang ko ang nangyari, sa tatay ko okey lang pero sa nanay ko, dating gawi lang.

Umaatikabong sermon at pangaral ang nilasap ko, halos mapanaginipan ko pa lahat ng sinabi ng nanay ko.

Pero ang saya sa loob ng katawan ko na idinulot ni gail ay hindi pa rin napapawi.

Kinabukasan pumasok ako na kasama ang tatay ko.

Nakita rin namin sa harap ng classroom namin ang parents ni Gail.

Iho ikaw ba si Nico!? Tanong ng tatay ni Gail.

Opo, ako po! Sagot ko.

Salamat sa pagtatanggol sa anak ko, sana maging mabuti kayong magkaibigan ni gail, sabi ng tatay ni gail sabay tapik sa balikat ko.

Ako naman ay parang lumulutang sa hangin sa papuring natanggap ko, nag usap ang tatay ko at tatay ni Gail.

Si Gail naman ay nakasiring lang sa akin, napaka ganda niya talaga kapag nakasimangot kaya nilapitan ko siya.

Alam mo Gail, kaya lagi kita inaasar, kasi ang cute mo pag galit ka, sabi ko na hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin yun.

Baliw!! Cute ka diyan, maganda ako at matagal ko ng alam yun. Sabi ni Gail sabay ngiti.

Nagliwanag rin ang mga mata ko ng makita ko ngumiti si Gail.

Nararamdaman ko na papalapit na ang araw at oras na magiging magkaibigan na kami.

Matapos ang rambulan na kinasangkutan namin ni Gail at konting pag uusap ng mga magulang namin sa principal office.

Nagbago na ang pakikitungo sa akin ni Gail.

Madalas na siyang nakangiti sa akin at minsan ay kinakausap na niya ako.

Nico kelan ka nagsimulang sumali sa varsity? Tanong ni gail sa akin habang nilalantakan ko ang sopas na binili ko sa canteen ng paaralan namin.

Ahh grade 4 ako, ikaw? Sagot ko.

Last year lang, pero Simula nung grade 2 ako tinuturuan na ako ni mama na maglaro ng volleyball, varsity din kasi si mama dati. Sabi ni Gail.

Talaga? Varsity mama mo? Pagkamanghang tanong ko.

Oo, si papa basketball ang hilig kaya si kuya lagi niya kasama, ikaw varsity rin ba parents mo? Tanong ni Gail.

Hindi, wala nga hilig sa paglalaro ang parents ko, maski mga kapatid ko, kahit mga tita, tito at mga pinsan ko walang hilig sa sports. Paliwanag ko.

Ganun? Paano ka natuto maglaro? Pag uusisa ni Gail.

Si sir pedi lang naturo sa akin, grade 3 palang ako gusto ko ng sumali sa volleyball, kaso maliit pa ako masyado, kaya di ako pinapansin ng mga varsity noon, hanggang sa pauwi ako may bola na gumulong palapit sa akin, hinampas ko lang noon yun bola pabalik sa may ari, di ko alam na spike na pala ang tawag sa ginawa ko. Kaya ayun pinahanap na ako ni sir pedi, nadiscover nila ako kaya nag training na ako. Kwento ko habang nakatitig lang sa akin si Gail.

Alam mo ba ang tawag sa talent mo? Sabi ni Gail.

Huh!? Anong talent? Pagtataka ko.

Yang paglalaro mo, talent tawag diyan at dahil wala naman sa lahi niyo ang pagiging atleta, pwedeng mai-consider na gifted child ka, yan yung napag aralan namin last year, paliwanag ni Gail.

Gifted child, parang special child? Tanong ko.

Siraagkaiba yun, yung special child mga may deprensiya yun, minsan ganun ka. Sabi ni Gail sabay tawa.

Ikaw kaya special child, lagi ka kasi masungit, pang aasar ko.

Ahh ganun!? Ako pa talaga!? Ee hindi naman ako masungit, mapang asar ka lang talaga. Sabi ni Gail.

Sus tinititigan ka lang nang aasar na agad? Banat ko.

Oo diba nung tinamaan mo ako ng bola sa tuhod, timingin ka sa akin ng mayabang na tingin bago ka tumawa, gusto kaya kitang sapakin nun, sabi ni Gail.

Game, sapak na para makaganti ka, sabi ko sabay nilapit ko ang pisngi ko kay Gail.

Nagulat nalang ako ng tumayo siya at lumapat sa muka ko ang palad niya.

Kayo na ang mag isip kung gaano kasakit masampal ng isang varsity ng volleyball.

Narindi ako sa sampal ni Gail at lahat halos ng kaklase namin ay napatingin sa amin sa lakas ng tunog ng sampal ni Gail, uminit ang pisngi ko at talaga namang namanhid ito ng bahagya.

Oh yan nakaganti na ko, sabay tawa ni gail.

Napahaplos nalang ako sa pisngi ko ng Sandaling yun, nag init na rin ang ulo ko sa kahihiyan at sakit na ginawa ni Gail, buti nalang at naisip ko pa rin na si Gail ang gumawa nun, dahil kung ibang lalaki siguro ang nanakit sa akin ng ganun, malamang nagkakagulo na sa classroom namin.

Buong maghapon nun ay hawak ko ang pisngi ko, mahapdi na siya at makirot, unang beses ko masampal ng ganun kalakas, pero napalitan naman ng saya ang sampal na yun, dahil madalas ako tignan ni gail at belatan habang nagkaklase kami.

Hanggang abutan ako ng salamin ni Gail para tignan ang muka ko.

Tawa siya ng tawa kaya tinignan ko ang pisngi ko na sinampal niya.

Maski ako natawa dahil bakat talaga sa pisngi ko ang palad at ilang daliri niya.

Mabilis akong nakaisip ng paraan para lalong matuwa si Gail.

Tinawag ko si henry habang wala ang teacher namin, pinatabi ko siya sa upuan ko at pinaalis ko ang katabi ko.

Inutusan ko siyang bakatin ng ballpen ang sampal ni gail sa akin, magaling magdrawing si henry kaya nagawa niya ito ng maayos.

Kulay red na ballpen ang pinagamit ko sa kanya para mas litaw ang palad at daliri ni gail.

Nang matapos bakatin ni henry ay mas lalo akong natuwa, dahil nakabakat sa muka ko ang palad ng babaeng lihim ko minamahal.

Maghapon tawa ng tawa si Gail kapag nakikita ako, hanggang sa training namin di ko binura ang ballpen na nakabakat sa pisngi ko, bawat magtanong sa akin kung sino ang sumampal sa muka ko ay hinihila ko si Gail at ilalapat naman niya ang kamay niya sa pisngi ko sabay tawa.

Yun ang simula ng pagiging matalik namin magkaibigan ni gail, madalas hinahatian niya ako sa baon niya sandwich, minsan sabay kami kumain ng recess.

Pero sadyang maaga akong pinakitaan ng tandahana ng mga bagay na magpapatibay sa pagkakatao ko.

May dumating na araw sa buhay ko na nakapagpa intindi sa akin na hindi lahat ng bagay na gusto ko ay makukuha ko.

Naging maayos na ang pagkakaibigan namin ni Gail, habang lumilipas ng mabilis ang mga araw mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan namin.

Nico may telepono ba kayo? Tanong ni Gail sa akin habang kumakain kami ng dala niyang sandwich.

Sa tita ko meron, pero sa bahay namin wala. Sagot ko.

Ahh okey!! Alam mo ba yung uso ngayon!? Yung phone pal. Tanong uli ni Gail.

Ahmmp Hindi! Ano ba yun? Pagtataka ko.

Magdidiial ka lang ng number sa phone niyo, kapag may sumagot kausapin mo tanungin mo kung pwede makipag phone pal. Paliwanag ni Gail.

Paano kung kapwa ko lalaki makasagot? Or matanda!? Tanong ko.

Ee di ibaba mo then dial ka lang uli, hanggang makahanap ka ng phone pal mo. Sabi ni Gail.

Parang nakakatamad naman yun, di mo pa alam kung ano itsura ng kausap mo, tapos di mo rin alam kung tao ba yun. Biro ko.

Yun nga ang maganda, magiging magkaibigan kayo ng taong hindi mo pa nakikita. Sabi ni Gail.

Bakit may phone pal ka ba? Tanong ko kay Gail.

Meron, Denmark ang name niya, natawag siya pag uwi ko, minsan ako yung natawag hanggang makatulog na kami. Sabi ni Gail habang nakangiti, ako naman ay parang binibiyak ang dibdib sa narinig ko.

Taga saan naman siya? Tanong ko na punong puno ng selos sa katawan.

Malapit lang sa amin, sa kabilang school siya nag aaral, never pa kami nagkita, pero sabi niya one of this day magkikita kami. Sabi ni Gail habang nakangiti at nakatingin sa kisame.

Hindi ko mawari ang dapat ko ikilos ng mga sandaling yun, gusto ko siyang pagbawalan na kausapin ang Denmark na yun, pero nahihiya ako sabihin kay gail na nagseselos ako dahil magkaibigan lang kami.

Ui natahimik ka diyan, oh ayan number namin sa bahay, tawagan mo ako, sabi ni gail sabay abot ng kapirasong papel na nakasulat ang telephone number nila.

Hindi ko maintindihan ang dapat ko maging reaksyon sa sinabi niya, magagalit ba ako o dapat akong makipagtagisan sa Denmark na yun para maging sa akin lang talaga si gail, subalit gumugulo sa isip ko ay kaibigan lang ang relasyon na meron kami ni Gail.

Naisip ko rin na mas lamang ako sa Denmark na yun, kasi nakakasama ko si Gail palagi.

Mabilis lumipas ang araw, nakakausap ko minsan si gail sa telepono, pero hindi kami nagtatagal sa pag uusap dahil lagi niya sinasabi na tatawagan niya yung pesteng Denmark na yun.

Wala akong magawa dahil magkaibigan lang naman kami.

Hanggang sa dumating ang araw ng area meet.

Nagpatahi kami ng uniform, wala kami pag uusap ni gail sa number ng Jersey namin, pero pareho kami number 8 masaya ako makita na pareho kami ng number.

Masaya ako ng panahon na yun at buo ang loob ko na mananalo kami sa kahit sinong kalaban namin.

Nang makarating kami sa venue ng palaro. Nagsisimula na ang open ceremony, sa area namin si gail ang pinaka malayo ang narating sa paglalaro kaya siya ang pinatakbo ng torch at nagsindi ng apoy sa malaking batya.

Nang matapos ang open ceremony, papunta kami sa quarters namin ng lapitan si Gail ng isang lalaki.

Hi!! Ako si Denmark, ikaw si Gail tama ba!? Sabi ng lalaki.

Nakita ko pa kung paano kiligin si Gail ng makita yung pesteng Denmark na yun.

Normal na siguro sa mga babae ang kiligin sa gwapong lalaki, kasi ang itsura ni Denmark ay talaga naman makalaglag panty.

Maputi, mas matangkad sa amin, matangos ang ilong at medyo singkit, nakagel ang buhok at mukang malinis, in short wala akong binatbat sa itsura niya.

Subalit mas nadurog ang puso ko ng magsalita si Gail.

Ikaw ba talaga yan? Tanong ni Gail.

Oo eto yung patunay. Sabi ni Denmark sabay talikod at pinakita ang number ng jersey niya.

Number 8 din ito at sa pag uusap nila parang napag kasunduan nilang pareho ang maging number nilang dalawa.

Lumakad nalang ako palayo, dahil habang nakikita ko na Hindi mawala ang ngiti sa labi ni gail sa lalaki yun, unti unti naman nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko.

Pumasok ako sa quarters namin at naupo sa usang sulok.

Ilang saglit pa ay hinatid pa ni Denmark si Gail sa pintuan ng quarters namin.

Bakas sa mga muka nila ang saya, habang ako ay unti unting nadudurog ang puso.

Nabuo sa plano ko ang isang maitim na paghihiganti, ipapahiya ko ang lalaking yun sa laban, yun ang paulit ulit ko sinasabi sa isip ko.

Hui okey ka lang? Tanong ni gail na hindi ko agad napansin, dahil sa lalim ng pag iisip.

Oo okey lang ako may iniisip lang. Sagot ko.

Tumayo ako at lumakad palayo kay gail, Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, basta ang natatandaan ko lang ayoko muna siyang makausap.

Pakiramdam ko pinagtaksilan niya ako, pinaasa at ginamit, ngayon ko lang naisip na masyado lang talaga akong umasa na magigibg kagaya ng kag Isabel at Niki ang relasyon namin ni Gail.

Ilang oras ang lumipas at dumating na ang pinakahihintay ko, team na nila Denmark ang makakaharap namin.

Unang beses kong lalaban sa volleyball na may galit sa dibdib ko.

Kaya ipinalasap ko Kay Denmark na hayop ang lakas at galit ng taong nabigo sa pag ibig..

Bago kami lumaban ay sandamakmak na paalala ang sinabi sa amin ni sir pedi na coach namin, mga play at paalala na wala naman akong naiintindihan, dahil ang atensyon ko ng mga sandaling yun ay naka kay Denmark at Gail.

Kitang kita ko kung paano sila magngitian at kumakaway pa ang hayop na si Denmark, lalong nag apoy ang galit sa dibdib ko at nais ko siyang lumpuhin at pahirapan ng mga sandaling yun, subalit ayoko ng magkaroon pa ng panget na record sa volleyball.

Kaya ginamit ko na lahat ng nalalaman ko, lakas ko at galit ko sa paghihiganti.

Pumasok na kami sa court at nagsimula ng maglaro.

Matangkad si Denmark kaya madali para sa akin na matarget siya ng mga hataw ko.

Ang unang limang puntos namin ay hindi muna ako gumawa ng kahit anong hakbang, pinag aralan ko muna lahat ng galaw niya at kung saan siya mahina.

Malakas din siya humataw pero halata na walang dereksyon ang hataw niya, ibig sabihin nun hindi siya marunong tumarget ng papatamaan niya.

Matapos ko makalap lahat ng impormasyon kailangan ko sa kanya ay sinimulan ko na ang maitim ko plano.

Zone4 ang pwesto ko, open spiker meaning hawak ko ang manibela ng bola sa kung kanino ko papupuntahin ang atake ko.

Zone6 naman ang pwesto ng hayop na si Denmark, binulungan ko ang setter ko ng diagonal play ang iset sa akin, sumang ayon naman ang setter ko at bumalik na ko sa pwesto ko.

Service ng kakampi ni Denmark, nakuha naman ng kakampi ang bola para maipasa sa setter, pakiramdam ko ng mga sandaling yun naging mabagal ang lahat ng gumagalaw.

Kitang kita ko pa kung paano itaas ng setter ko ang bola, mabilis akong kumuha ng bwelo paatras, sabay ipon ng galit at lakas, todo talon ng mataas, pinuntirya ko ang kaliwang balikat ni Denmark, dahil alam ko na puro kaliwa ang iwas na ginagawa niya kapag di niya kayang kunin ang bola.

Kitang kita kong lumipad ang bola sa dereksyon ng hayop na si Denmark, sakto ang pag iwas niya dahil imbis na balikat ang tamaan sa kanya, muka niya mismo ang sumalo ng bola.

Nagtakbuhan ang mga kakampi niya para kamustahin ang hayop na si Denmark, pulang pula ang muka niya, habang ako ay nagsusumigaw same saya ang kalooban sa nagawa ko.

Subalit muling umatake ang galit at selos sa akin ng makita ko si gail na napatayo sa kinauupuan at bakas sa muka niya ang pag aalala.

Muling napalitan ng galit ang saya na nararamdaman ko.

Kaya lahat ng atake ko ay kay Denmark ko dinadala.

Hindi ko na maalala pa kung ilang beses ko siyang tinamaan sa ibat ibang bahagi ng katawan, ang alam ko lang kahit isang beses ay hindi ako humingi ng sorry sa kanya.

Ilang beses na rin akong pinagsabihan ni sir pedi na huwag akong manakit, pero binalewala ko lang ang sinabi niya, dahil sobrang sama na ng titig sa akin ni Gail.

Pero tinuloy ko pa rin ang ginagawa ko pagpapatama Kay Denmark.

Huling hataw ko sa kanya ng makita ko na sinalo niya ang bola at patakbong sumugod sa akin sabay bato pabalik sa akin ng bola, dahil may net sa pagitan namin sa sikmura ako tinamaan at talagang napayuko ako.

Isang tadyak sa braso ko ang naramdaman ko na nakapagpa bagsak sa akin.

Nagdilim na ang paningin ko ng mga sandaling yun, sumagad na sa pinaka mataas na antas ang galit na nararamdaman ko, mabilis akong tumayo kahit masakit pa ang tama ng bola sa sikmura ko, subalit mas mabilis tumakbo si sir pedi para hawakan ako.

Nakita ko na hawak din si Denmark ng coach niya at hindi makawala, pero ako sa kagustuhan kong makaganti, nagpumiglas ako sa pagkakahawak ni sir pedi at tuluyan akong nakawala sa pagkakahawak niya at mabilis kong tinakbo si denmark na kasalukuyang nilalayo ng coach niya.

Hindi ko na mabilang kung ilang suntok ang pinakawalan ko sa hayop na yun, natatandaan ko nalang ng bigla akong hablutin at yakapin sa dalawang kamay ko ni sir pedi at ilayo kay denmark.

Nagsusumigaw pa ako at pinagmumura ko pa siya ng mga sandaling yun.

Nadala ako ni sir pedi sa quarters namin at doon niya ako pinakalma.

Nang mahimasmasan ako sa galit na nararamdaman ko, nakita ko na tulala lahat ng team mates ko at may luhang pumapatak sa mata ni gail.

Masahol pa sa sermon ng nanay ko ang sermon ni sir pedi sa akin, yumuko nalang ako at tinaggap lahat ng sermon niya sa akin.

Matapos ang mahabang sermon ni sir pedi ay lumabas ito ng quarters namin at naiwan kaming lahat ng mga team mates ko.

Tahimik ang lahat ng lapitan ako ni gail.

Nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin.

Nagulat nalang ako ng muli na namang dumampi sa pisnge ko ang palad niya, mas hamak na malakas ang pangalawang sampal ni gail sa akin kesa nung una.

Pero hindi ako natinag sa pagtitig sa kanya, lumuluha si gail at malalalim na hikbi lamang ang ingay na maririnig mo sa loob ng quarters namin.

Ilang saglit pa ay nagsimula ng magsalita si gail.

Ano ba problema mo huh!? Wala namang masamang ginagawa sayo si Denmark ahh!!? Bakit ka nagagalit sa kanya huh!!?? Pasigaw na sabi ni Gail.

Wala siyang narinig na sagot sa akin, dahil titig lang ang sinukli ko sa mga sinabi niya.

Nico sumagot ka!! Bakit ka ba nagkaka ganyan huh!!!?? Nagseselos ka kaya mo siya ginagantihan diba!!! Pasigaw uling sabi ni gail, di na ako nakapigil pa kaya sumagot na ako.

Oo nagseselos ako, alam ko na hanggang kaibigan lang ako sayo, kahit minsan hindi ka naging masaya kagaya kanina ng makita mo yung lalaking yun, alam ko wala akong panama sa kanya kaya ko siya pinatamaan ng bola, kasi gusto kita Gail!!! Napakamanhid mo lang kasi!!! Pag amin ko.

Gago ka!! Hindi ako manhid, alam ko na may gusto ka sa akin, pero hindi kita gusto kaya kinaibigan nalang kita, akala ko kasi mabait ka hindi pala. Sabi ni gail na para akong sinapak ng malakas sa muka.

Kung pwede lang maglaho nalang bigla ng mga sandaling yun, baka nagawa ko na, sa sobrang sakit ng binitawan niyang salita sa akin.

Wala na akong naisagot sa sinabi ni gail, tumalikod nalang ako at kinuha ko ang bag ko at umalis ako sa paaralan na yun na baon ang masasakit na katotohanan na hindi ako gusto ng babaeng gusto ko.

Yun ang naging dahilan para malaman ko na sa buhay hindi porket gusto mo makukuha mo.

Dahil minsan masakit malaman ang katotohanan na may mga pangarap tayo sa buhay na mananatili nalang na pangarap
Hindi na ako nakapaglaro muli ng volleyball, matapos ang gulo na nangyari sa pagitan namin ni Denmark.

Bumalik ako sa pagiging isang normal na estudyante, tahimik akong nag aral ng mabuti at hindi na kami muling nagpansinan ni gail.

Ang tapang na nasa loob ng dibdib ko ay napalitan ng hiya, dahil kumalat sa buong paaralan namin ang pangyayaring nagawa ko sa area meet, madalas akong lumakad ng nakayuko at wala akong kinakausap na kahit sino sa mga classmates ko.

Hanggang lapitan ako ni niki.

Kamusta kana!? Tanong ni Niki.

Okey lang. Matipid na sagot ko.

Bakit parang lagi ka tahimik!? Tanong ni Niki.

Alam mo naman yun sagot nagtatanong ka pa, sagot ko na medyo iretable.

Ohh bakit mo ako sinusungutan? Relax ka lang, magkakagusto ka lang kasi sa malandi pa! Parinig ni niki kay Gail na halos ilang upuan lang ang layo mula sa amin.

Napayuko nalang ako sa sinabi ni Niki dahil nakita ko na lumingon sa pesto namin si Gail at sigurado ako na narinig niya ang sinabi ni Niki.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses ni Gail.

Sino malandi niki!? Sabi ni Gail na may kalakasan.

Ikaw bakit!? Sagot ni Niki.

Nilingon ko si niki at kita ko ang galit sa muka niya habang sinasabi niyang malandi si Gail.

Subalit Hindi naging maganda ang nangyari sa sagutan nila ng mga masasakit na salita.

Unang gumawa ng marahas na hakbang si Gail ng batuhin niya ng libro si niki.

Sa balikat tinamaan si niki, at agad gumanti ng bato si Niki.

Sapul sa ulo si Gail ng binato ni Niki ang pencil case niya.

Mabilis na tumayo si Gail para sugurin si Niki, sa taas at pisikal na lakas lamang na lamang si gail kay Niki.

Kaya mabilis rin akong tumayo para pumagitna sa kanilang dalawa, hindi sila nagpang abot ng tumayo ako sa pagitan nila, tanging masamang tingin lang ang ginawa ko kay gail at si Niki naman ay hinawakan ko sa kamay.