1. Home
  2. Stories
  3. Gangsta Paradise: Book 2 - Part 8
xTorya

Gangsta Paradise: Book 2 - Part 8

By phantomblade ·

"Kuya tawag ka ni tatay sa labas may iuutos daw sayo." sabi ng nakakabatang kapatid ko.

Alam kong hindi utos ang dahilan ng pagpapatawag sa akin ng tatay ko, alam kong tungkol ito sa nakaaway ko. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko nasa may gate namin ang tatay ko kasama pa rin ang lalaking driver ng tricycle.

"Nico sira ulo ka talaga. Anak ng barangay captain sa kabilang bayan ang nakaaway mo, kilala ka niya ikaw ang tinuturo niya na bumali ng ngipin niya." sabi ng tatay ko sa akin.

"Ee tay sila naman nagsimula ee, inabangan nila ako. Diba sabi niyo po lumaban lang ako. At huwag --- baaaaaaaaggggghhhhh!!!!!!!

Yun ang tunog na nakapagpahinto sa sinasabi ko ng sandaling yun sa tatay ko, dahil isang malakas na suntok ang natamo ko sa may gilid ng labi ko galing sa tatay ko, bagsak ako sa harapan ng gate namin ng mabilis akong itayo ng tatay ko.

"Pasensya na anak kailangan lang ee." sabi ng tatay ko bago niya inspeksyunin ang loob ng bibig ko.

Manhid ang buong muka ko ng snadaling yun sa lakas ng suntok ng tatay ko na natamo ko, umandar na ang tricycle na sakay kami ng tatay ko ng sandaling yun. Subalit ako ay tila lutang pa rin ang pakiramdam.

Ilang saglit lang ay bumaba na kami sa police station, dito ko napatunayan na sobrang talino ng tatay ko, dahil nagpablotter din siya sa nangyari sa akin.

Dinig na dinig ko ang pangalan na ipinablotter ng tatay ko, pati ang edad ng nakaaway ko ay alam niya, hindi ko alam kung paano nakuha ng tatay ko ang impormasyon na yun. Basta ang alam ko pantay na kami sa laban ng mga nakaaway ko dahil naka blotter na din siya.

Kinabukasan ay medyo tinangahali ako ng pasok sa paaralan, may pasa pa ako sa may gilid ng labi ng ako ay pumasok sa classroom namin.
Nandun na si niki at andrea ng sandaling yun, subalit kahit anong kausap na gawin sa akin ni niki ay hindi ko siya pinapansin. Gusto kong ipadama sa kanya ang sakit na pinaramdam niya sa akin kahapon, dahil siguro sa isip bata pa ako ng sandaling yan ay ganyan ang ugali ko sa mga babae.

Tanghali ng ipatawag ako ng coach namin, lahat ng varcity sa school namin na nagchampion sa area meet ay nandun. Dahil susukatan na kami ng uniform para sa district meet.

Matapos akong masukatan ng uniform ay may isang kavarsity ako sa ibang event na lumapit sa akin. Sabay abot ng sulat.

"Ikaw si Nico diba" tanong nito sa akin.

"Oo. May kailangan ka?" sabi ko.

"Pinapaabot ni jenifer" sabi nito bago iabot sa akin ang kauna unahang sulat na binasa ko.

Summarize na lang, hindi ko na kasi mahanap yung letter na yun.

Dear Nico…

Galit ka ba sa akin? Pang anim na sulat ko na ito sayo pero kahit isa wala kang sinagot. Lagi akong naghuhulog ng sulat sa locker mo, naisip ko na baka hindi sayo yung locker na yun kaya sa personal ko na lang ipinaabot sayo.
Pwede ba tayong magkita this coming saturday sa tapat ng 7eleven, 1:00 pm. Hihintayin kita. Gustong gusto lang kitang makilala.

Jennifer…..

Hindi ko alam kung bakit ng sandaling mabasa ko ang sulat na yun ay nagkaroon ako ng interes kung sino ba ang jennifer na yun, sinagit ko pa ang sulat na yun bago ko ipaabot sa taong nagbigay sa akin ng sulat na yun para makarating kay jennifer.

Araw ng sabado ay maaga akong nagtungo sa lugar kung saan kami nakatakdang magkita ni jennifer, sa totoo lang magkahalong pananabik at may kaunting pangamba akong nararamdaman. Medyo paranoid na kasi ako sa gulo, iniisip ko na baka isa sa mga najaaway ko o baa yung huling aaway ko na pinatalsik sa paaralan namin ang may pakana ng sulat na yun para magantihan ako.

Kaya mas minabuti kong maghintay sa lugar na hindi kalayuan sa 7eleven, sapat lang na makita ko ang lugar na yun sa kinatatayuan ko para madali akong makatakbo kung mga kaaway ko nga ang may pakana ng sulat na yun.

Subalit natapos agad ang gumugulo sa isip ko ng makita ko ang isang babae na nakasuot ng deskripsyon niya base sa sulat niya na isusuot niya.

Kung maganda si andrea,mas di hamak na maganda ang babaeng nakatayo sa 7eleven na parang may hinihintay ng sandaling yun. Batid ko ng si jennifer ang babaeng yun, subalit nilalamon naman ako ng labis na hiya sa sarili ko ng makita ko siya dahil talaga namang napakalayo ng agwat ng itsura namin.

Panget at lupa.
Kape at gatas.
Uling at diamante.
Aircon at heater.
Mineral water at poso negro.

Ilan lang yan sa pagkakahambing namin dalawa ng sandaling yun, dahil hamak na varsiry lang ako na laging babad sa initan ng araw, walang porma o damit na maayos. Peeo siya muka siyang model ng mamahaling damit, para siyang artista sa sobrang puti at kinis ng balat niya. Sa porma niya, sa pagkakaayos ng buhok niya. Hindi mo aakalain na magkakagusto siya sa kagaya ko na wala ata kayang gawin kundi ang maglaro lamang ng volleyball.

Dahil sa sobrang panliliit ko sa sarili ko ng sandaling yun ay hindi ko nagawang magpakilala sa kanya, hindi ko siya hinarap. Bagkos ay naglakad ako pauwi sa bahay namin at tandang tanda ko pa ang araw na yun na para bang lahat ng kamalasan ay nilasap ko na, dahil ng tumawid ako sa kalsada pauwi sa lugar namin ay nakita ko pa na nakasakay sa tricycle si cris at niki. Nakaakbay si cris kay niki na para na silang magkasintahan ng sandaling yun.

Kahit may kirot sa puso ko ang nakita ko ay wala naman akong karapatang magalit sa kanila, dahil hindi ko naman pag aari si niki. Subalit taliwas yun sa naramdmaan ko ng panahon na yun, dahil ang galit na nakalimutan ko na kay cris ay muling nabuhay.

Ginugol ko na lang ang sabado at linggo ko sa pag aaral ng sandaling yun, ayoko din kasi na mawala sa paaralang pinapasukan ko. Alam kong mas magulo sa public school na baka hindi ko kayanin ang mga makakaaway ko kung sakaling mapalipat ako, kaya ginalingan ko na lang sa pag aaral at paglalaro ng volleyball.

Lunes ng umaga ng muli akong pumasok, nagtaka ako dahil ng makarating ako sa classroom namin ay nasa labas lahat ng kaklase ko.

"Anong meron?" tanong ko kay andrea ng makita ko siya nakapila na dala pa ang bag niya.

"Si maam. Aayusin daw ang pwesto ng upuan natin." sabi ni niki na hindi ko pinansin.

Lumayo ako sa kinatatayuan ni niki habang hawak ko ang kamay ni andrea.

"May problema ba kayo ni niki?" tanong ni andrea.

"Wala naman bakit?" sagot ko.

"Ee bakit mo ako hinila dito? Hindi mo pa pinansin si niki." sabi ni andrea.

Tumahimik na lang ako dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay andrea ang nararamdaman kong sakit ng kalooban kay niki. Nakailang pangungulit pa siya sa akin ng sandaling yun, subalit hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa kapwa tawagin ang mga pangalan namin ng adviser namin para mabigyan ng upuan.

Nakabase sa epwlyido ang sitting arrangement na ginawa ng adviser namin. Alternate sa babae at lalaki ang upuan kaya medyo nakatyamba kami ni andrea dahil pareho ang first letter ng epelyido namin. Olivenza ang sa akin, sa kanya naman ay olivarez kaya nagkatabi kami uli, si niki dahil garcia ang epelyido niya. Medyo malayo na siya sa amin ni andrea na kahit papano ay nakaluwag sa pakiramdam ko.

Hapon matapos ang training ng volleyball habang naglalakad ako pauwi sa bahay namin ay isang chappy ang huminto sa gilid ng kalsadang nilalakaran ko. Halos malaglag ang puso ko ng makita ko kung sino ang sakay nito.

"Hello Nico" bati ng babae sa akin na sa pagkakaalala ko ay siya ang babaeng nakita ko sa 7eleven, siya si jenifer na nagbigay ng sulat sa akin.

"Ahhh hi." sabi ko na halos mautal ako dahil sa labis na ganda ng ngiti niya sa akin.

"Sabay kana tara." sabi niya sa akin na hindi ko alam kung tila ba nahipnotismo ako sa mga ngiti niya.
Yung pakiramdam na kahit ata isama niya ako sa impyerno ng sandaling yun ay nakangiti pa akong sasama sa kanya.

"Saan ka nauwi Nico? Turo mo na lang. Hindi ko kasi alam ang bahay mo." sabi ni jenifer habang sakay ako sa likod niya, nangangatog pa ang mga kamay ko habang nakahawak ako sa balikat niya dahil pakiramdam ko ng sandaling yun ay suso ang hawak ko dahil sa labis na lambot ng balat niya at ang halimiyak ng katawan niya ay unti unting lumalasing sa akin.

"Hui Nico saan ka nauwi." ulit ni jenifer.

"Ahh ano… Sa… Sige daretso ka lang, tapos ano. Pangalawang ano. Pangalawang kanto liko ka." sabi ko na hindi ko alam kung bakit ako nanlalamig ng ganung katindi.

"Ok ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"Ahhh…. Oo… Ok… La… Lang ako." sabi ko.

Hindi naman nagtagal at nakarating na kami sa bahay namin, pinatay niya ang chappy niya na kulay pink pa.
( sa hindi nakakaalam ng chappy. Motorsiklo ito na nauso nung panahon ko na maliit. Yamaha ang tatak nito. Automatic at medyo indemand noon sa kabataan. Kapag may chappy ka noon. Mayaman ka. Dahil bike lang ang kalimitan na gamit ng kabataan ng panahon namin.)

"May kasalnaan ka sa akin" sabi ni jenifer matapos niyang patayin ang makina ng chappy niya. Halos mangatog uli ako sa halo halong emosyon ko ng sandaling yun, hiya, takot at labi na paghanga sa kanya. Lalo pa ng titigan niya ako.

"Kasalanan?" pagtataka ko. Pero batid ko naman na yung tungkol sa usapan namin na dapat ay magkikita kami ang dahilan ng binabangit niyang kaslaanan ko.

"Hmmp nagtatanga tangahan ka pa diyan. BAKIT HINDI KA DUMATING NUNG SABADO?" Sabi niya na ewan ko ba kung bakit tila nabahag ang buntot ko sa babaeng yun ng sandaling yun.

"Huh!! Ee ano kasi---
"Hmmmp akala ko mabait ka. Hindi pala." putol ni jenifer sa sasabihin ko dapat, bago siya sumakay sa chappy niya at pinaandar ito.

Gusto ko siyang pigilan umalis ng sandaling yun, subalit tila naging pipe ako sa mga gusto kong sabihin at dapat kong gawin. Ewan ko ba kung ako lang ang nakakaranas ng ganun. Yung tipong kung kailan wala na ang pagkakataon ee saka ka lang makakaisip na dpaat ganito pala ang ginawa ko, dapat ganun pala. Dapat dapat dapat. Ang daming dapat na naiisip kapag wala na ang pagkakataon na sana ay ginawa ko na at hindi na nawala pa.

Ilang araw ang lumipas buhat ng ihatid ako ni jenifer sa bhay ay sinusubukan ko siyang hanapin sa paaralan namin, dahil gusto ko siyang makita kapag nakasuot siya ng school uniform subalit hindi ko siya makita. Halos lahat na ata ng tao sa canteen, tao na nanonood ng training namin, tao na lumalabas sa gate ng paaralan ay lihim ko pinagmamasdan palagi, subalit hindi ko siya makita.

Madlaas ko an din basahin ng palihim ang mga sulat na natatanggap ko, para tignan kung kanino nangaling ang sulat na nakukuha ko sa locker ko subalit wala na akong natanggap na sulat mula kay jenifer.

Hanggang sa dumating ang district meet. Opening ceremony ng palaro ay palihim ko iginagala ang mata ko sa ibang mga manlalaro na kasali sa district meet. Mga galing din sila sa private school, kung may public school man ay kakaunti lamang sila dahil dito sa lugar namin sa laguna. MAs marami ang private high school kumpara sa public high school nung panahon ko.

Nang sandaling yun ay hindi ko alam kung bakit umaasa ako na nandun si jenifer na nakapila sa ibang school, yung pakiramdam na baka makita ko siya subalit bigo ako. Ang napansin ko lang ay ang dalawang batang babae na kaedad ko na ng isa ay mitim na payat na parang kaaway ang suklay at salamin ang isa ay maganda kayumanggi, matangos ang ilong may dimples at medyo may ipagmamalaki sa hinaharap.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil ang tanging atensyon ko ay na kay jenifer na hindi ko alam kung nasaan o kung totoong tao ba siya. ( nung bata ako mahilig kasi ako sa mga usapang cartoons, kababalaghan at mga bagay na weirdo, dahil sa kaibigannkong si camille)

Nagsimula na ang laban ng volleybal ay hindi ko pa rin nakita si jenifer, natatawa na lang ako sa sarili ko dahil pilit ko pa rin kinukumbinse ang sarili ko na nandun siya kahit imposible ito.

Nang kami na ang lalaban ay dito uli napansin ang dalawang babae na nakita ko kanina sa pila ng volleyball nung open ceremony, team nila ang kalaban namin, pero nakikita ko na pumapalakpak sila kapag nakakaiskor ako.

Hindi ko na lang sila pinansin kahit pa kinakantyawan ako ng mga kakampi ko na may fans daw ako sa team ng kalaban namin.
Nanood din ako ng laban ng babae at sa nakita kong kilos ng dalawang babaeng fans ko daw ay mas hamak na malakas at magaling mag laro yung payat na medyo dugyot, kesa dun sa maganda. Medyo may pagka maarte kasi yung maganda. Yung payat na maitim malakas siyang humataw na parang lalaki kung gumalaw.

HAnggang sa natapos ang district meet na yun ay palagi ko nakikita na nakatingin sa akin ang dalawang babaeng yun, ayokong mag feeling pogi, pero kahit naman siguro sinong lalaki ng edad ko noon na titigan palagi ng babae, sigurado ako na kagaya ko rin ang mararamdaman na may isa sa kanila na may gusto sa akin.

Koponan namin ang nagchampion sa district meet, nahugot ng team ng babae ng school namin ang payat na maitim na babaeng tumitingin sa akin dahil sa taglay niyang lakas at galing sa paglalaro.

Nang panahon namin ay binukod na ang training program ng babae sa lalaki. Dahil unit meet after ng district meet. Mas malalakas na ang makakalaban namin kaya kailangan ng ibayong pagsasanay. Magkaiba din kasi ang antas ng lakas ng lalaki sa babae kaya binukod na kami. Nahati kami sa magkaibang oras araw araw. Naging umaga na ang training ng lalaki at hapo sa babae. Inilipat na din ako ng klase. Pang umaga kasi ako dati dahil star section ako. Pero dahil sa kakainin ng oras ng training ng volleyball ang klase ko ay inilipat ako sa pang hapon na klase. Ganun din halos ang ginawa sa mga kakampi ko ni coach noel, may inilipat din siya ng section. Pansamantala lang naman ito dahil para din naman ito sa pag aaral namin para maibalanse ang paglalaro at pag aaral namin.

Pangatlong araw ko bilang pang hapon na pumapasok sa ibang section ay dito ko nakita ang matagal ko ng hinahanap.
Kagaya ng muli kong makita si andrea ay ganun din ang tingin ko kay jenifer ng makita ko siya kumakain sa isang sulok ng cateen.

Tila nagliliwanag ang buong paligid na kinauupuan ni jenifer ng sandaling yun, ang paghakbang ng mga paa ko para bumili sana ng pagkain sa canteen ay bigla na lang nahinto at napalitan ng malalakas na kalabog sa dibdib ko na mistulang mga tambol na walang humpay na bumabayo.
Subalit mas lalo akong kinabahan at tila may nagliparang kerubin sa paligid ni jenifer ng lumingon siya sa kinatatayuan ko at kitang kita ko kung paano napasimangot ang muka niya ng makita niya akong nakatingin sa kanya.

Gustong gusto kong alisin ang pagkakatitig ko sa kanya ng sandalinh yun, gusto kong tumakbo palayo. Subalit tila nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ng sandaling yun. Hindi ko magawang lumakad o kahit gumalaw man lang. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng sansaling yun.

"Ui Nico tara kain na muna tayo." tapik sa balikat ko na nakapagpa balik ng ulirat ko.
Hindi ko alam kung yun ba ang tinatawag nilang "NANGANGARAP NG GISING" kung yun nga yun ee isa lang ang masaaabi ko. TANG INA NAKAKAHIYA ANG GANUNG PAKIRAMDAM.

Mabilis akong bumili ng juice at tinapay bago ako mabilis na bumalik sa classroom namin dahil ayoko ng makita pa ako ni enifer dagil sa labis na hiya na naramdaman ko ng sandaling yun.

Isa sa batas sa classroom na pinaglipatan sa akin ng sandaling yun ay bawl kumain sa loob ng classroom. Kaya yung tinapay at juice na binili ko ay sa tapat ng classroom ko na.lang kinain. Naupo na lang ako sa gilid bago ko isinandal ang likod ko sa dingding ng classroom na yun.

Nakayuko ko na lang inubos ang pagkain na binili ko na ang laman pa rin ng isip ko ay ang katangahan na ginawa ko sa canteen. Subalit mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang maputing paa, palda at sapatos ng babae na nakatayo sa harapan ko. Nang tumingala ako para tignan kung sino ang babaeng ito ay halos mapatalon ako sa gulat dahil si jenifer ang nakita ko nakatayo sa harapan ko.

"Nico dati ka bang rugby boys?" seryosong tanong ni jenifer.

"Huh? Anong rugby boys?" sabi ko. Bago ako napatayo mula sa pagkakaupo sa tapat ng classroom namin.

"Para ka kasing rugby boy, nung hinatid kita sa bahay niyo. Utal utal ka na para kang bangag. Kanina naman para kang sabog na nakakita ng multo. May problema ka ba?" seryosong tanong ni jeinfer.

"Kapag ba ganun ang kilos rugby boys agad?" sagot ko na tila nagkalakas na ako bg loob na kausapin siya dahil nainis talaga ako sa paratang niya.

"Hindi naman. Kaya nga nagtatanong diba. Tyaka diba pang umaga ka? Tyaka star section ka!? Bakit napalipat ka sa pang hapon? May ginawa kang kalokohan noh?" sabi uli ni jenifer.

"Wala kaya. Mabait kaya ako. Tyaka nilipat ako kasi umaga ang training namin sa volleyball." sabi ko.

"Ahh kaya pala puro babae na lang ang napapanood ko sa hapon na nagttraining." sabi ni jenifer.

Tumango na.lang ako bilang sagot sa kanya. Akala ko kasi ay tapos na ang pag uusap namin pero ang mga sumunod na sinabi niya ay tuluyang nagoataba ng puso ko.

"Diba may kaslanan ka pa sa akin." sabi ni jenifer.

"Wala ahh. Wala nman akong ginagawang masama sayo ahh." sabi ko.

"Anong wlaa. Hoy!! Hinitay kita ng tatlong oras sa 7eleven nung magkikita dapat tayo. Pero hindi ka dumating." sabi ni jenifer.

"Dumating naman ako. Kaso ano ee…" sabi ko na hindi ko mabitawan ang rason ko dahil nahihiya ako sa kanya.

"Magpapalusot ka pa. Hintayin mo ako mamayang uwian huh. Sbaay tayo uuwi." sabi ni jenifer bago siya lumakad palayo sa akin na hindi na hinintay pa ang isasagot ko.

Sa totoo lang maayang masaya ako ng oras na yun, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam ko mahal ko si andrea pero eto ako natutuwa na may hihintayin akong babae at makakasabay ko pa pag uwi.

Uwian ng hapon ay plano ko sanang manood ng training ng babae, dahil sa totoo lang gusto kong makita ang training program nila, baka sakali kasi na may makuha akong taktika na magagamit ko sa paglalaro, subalit ng tatahakin ko na sana ang daan patungo sa gym ng school ay nakasalubong ko si jennifer na dala ang bag niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni jenifer.

"Ahh ano.. Hahanapin ko dapat ang classroom mo." pagpapalusot ko dahil nakikita ko ang inis sa muka ni jenifer ng sandaling yun.

"Sus papalusot ka pa. Tara samahan mo ako." sabi niya bago iabot sa akin ang dala niyang bag na hindi ko alam kung may laman bang bato yun o kung pasan ba niya ang mundo sa sobrang bigat ng ng bag niya.

"Bakit ang bigat ng bag mo? Ano ba laman nito?" tanong ko?
"Nagrereklamo ka ba?" tanong niya.

"Hindi nagtatanong lang." sabi ko.

"Hmmp dala ko kasi lahat ng libro ko. Wala na kasi akong nakuhang locker, naubusan na ako kaya ayan kailangan ko dalhin lagi lahat ng libro ko." sabi niya habang naglalakad kami.

Hindi naman kalayuan ang nilakad namin, dahil halos malapit lang naman sa school namin ang parlor na pinuntahan namin.
Natuklasan ko na parlor pala yun ng nanay niya at doon nakapark ang chappy na gamit niya nung hinatid niya ako sa bahay.

"Nay si Nico kaibigan ko." sabi ni jenifer ng ipakilala niya ako sa nanay niya.

"Kaibigan lang ba talaga anak?" seeyosong sabi ng magandang nanay ni jenifer.
Hindi na sinagot ni jenifer ang nanay niya, daretso lang siya sa loob ng parang maliit na kwarto, paglipas ng ilang sandali ay lumabas na siya na nakajogging pants na at tshirt na itim.

Sa totoo lang magkamukang magkamukha sila ng nanay niya. Literal na puno at bunga ang masasabi mo kapag nakita mo silang dalawa, hindi na din ako nagtaka kung bakit laging mukang maganda si jenifer ng sandaling yun, dahil may parlor sila na anytime na gustuhin niya magpaganda ee magagawa niya ng libre.

"Anak, Nico paalala ko lang sa inyo, mga bata pa kayo. Pag aaral muna ang unahin." sabi ng nanay ni jenifer ng pasakay na kami sa chappy niya.

"Nay naman. Kaibigan ko lang to." sabi ni jenifer na parang naiinis.

Nagpaalam na ako sa nanay niya bago kami umalis sakay ng motor niya. Hinatid muna ako ni jenifer sa bahay namin at hinitay niya akong magbihis ng pambahay, samahan ko daw siya na hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Nagmadali na lang akong magbihis bago ako muling sumakay sa cahppy niya. Nagtungo muna kami sa magandang bahay nila sa isa sa magandang subdivision dito sa lugar namin. Para ibaba ang bag niya sa bahay nila. Tapos ay nagtungo kami uli sa parlor ng nanay niya.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.

"Papaayusan kita kay nanay. Tyaka papaturuan kita kung paano pumorma ng tama. Kasi alam mo Nico gwapo ka sana kung malinis ka lang magdamit, kung mag iingat ka sa balat mo na huwag kang mangitim. Tyaka yang buhok mo parang alambre." sabi ni jenifer na hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa panlalait niya.

Halos gabi na ng matapos akong ayusan ng mabait na nanay ni jenifer. Napakarami kong nalaman tungkol sa pamilya ni jenifer ng sandaling yun.

Hapon pala ang tatay ni jenifer kaya pala ganun siyang kaganda, iniwan nga lang ang nanay ni jenifer ng hapon na yun dahil ang gusto daw ng hapon lalaki ang maging anak subalit sa kasamaang palad ay babae si jenifer. Ang nanay ni jenifer ay hindi na nag asawa pa muli ng iniwan sila ng tatay niya. Nagtrabaho na lang ang nanay niya sa japan at ng makaipon ay nagtayo ng parlor dito sa pilipinas para may pagkakitaan.
Solong anak si jenifer, kulang sa buwan ng ipinanganak si jenifer kaya medyo moody siya. Incubator babies kung tawagin siya. Pero natutuwa ako sa turingan nilang mag ina

Para lang silang magkaibigan kung mag usap, hindi naman yung literal na magkaibigan na nagmumurahan at nagbabastusan. Yung parang magkaibigan na kahit papano ay may respeto pa rin at paggalang si jenifer sa nanay niya.

Matapos akong gupitan, hilamusan, may ipahid na parang mainit na lotion sa balat ko ang nanay ni jenifer ay parang pumogi ako ng sandaling yun. Yung pakiramdam na ang laki ng nabago sa itsura ko. Binigyan din ako ng payo ng nanay ni jenifer sa combination ng mga kulay ng damit at short na isusuot ko na babagay sa akin. Tinuruan din ako ng nanay niya na maglagay ng gel at kung papano ayusin ang buhok ko.

Pag uwi ko sa bahay ay halos nagulat ang nanay at mga kapatid ko sa itsura ko, subalit imbis na matuwa ang nanay ko ay pinagalitan pa niya ako, dahil saan daw ako kumuha ng pera na pambayad sa pang ayos ng itsura ko. Ipinaliwanag ko naman sa kanya ang lahat at kahit may pagdududa ang nanay ko sa kwento ko ay naniwala naman siya dahil nangako akong ipapakilala ko sa kanya si jenifer na may ari ng isang malaking parlor sa bayan.

Yun ang simula ng araw na naging mas malapit kami ni jenifer. Palagi na kaming magkasama sa school. Sabay kaming kumakain sa canteen, umuuwi. At madalas din niya akong turuan mag drive ng chappy niya.

Yun ang panahon na unti unti ko ng nakakalimutan ang kung anong meron kami ni andrea, dahil madalang na kami kung magkita. Sa umaga kasi ang pasok ni andrea habang nagttraining ako sa gym. Kapag breaktime namin ay bihira lang kami magkasabay ni andrea dahil madalas ay nauuna kaming mga varsity ng break time. Sa tanghali naman ay mas una kami umuuwi dahil kailangan naming magbihis at maghanda sa pagpasok sa hapon kaya wala na kaming panahon ni andrea na magkita at magkasama. Lahat ng pagkukulang ni andrea bilang girlfriend ko ay tinumbasan at hinigitan pa lalo ni jenifer. Ang saya at mga ngiti sa labi ko kapag kasama ko siya ay hindi kayang sukatin ng kahit anong klaseng panukat na meron sa mundong ito. Yung tipong natutulog na ako pero nakangiti pa rin ako. Yan ang eksaktong explinasyon sa nararamdaman ko para kay jenifer ng sandaling yun….

Nang sandaling maging close kami ni jenifer ay hindi ko maipaliwanag ang kasihayan na meron ako sa loob ko ng sandaling yun, bagamat masaya din namannako sa piling ninandrea kapag magkasama kami, mas iba nga lang si jenifer na hindi ko kayang ipaliwanag maski ngayon kung bakit ganun ako kasaya kapag kasama siya.

Bubuhatin ko ng bahagya ang upuan ko. Oo isa ako sa mga bata noon na kung tawagin ng matatanda ay "fast learner" kaya halos isang araw lang ako tinuruan ni jenifer na magpatakbo ng chappy. Nung panahon namin ay hindi pa mahigpit ang mga traffic enforcer sa mga naka motor na kahit menor de edad kami ay hindi naman kami sinisita o hinuhuli sa lugar namin. Hindi katulad ngayon kahit na nakahelmet ka, complete battle gear ka pa ay paparahin ka pa rin ng mga buwayang traffic enforcer at hahanapan ka ng butas para hulihin ka at makapagbigay ka ng lagay.
Hindi ko naman nilalahat peeo karamihan ngga enforcer ay ganun ang taktika dahil sa liit ng pinapasweldo sa kanila ng gobyerno natin.

Balik tayo sa kwento ko, medyo umiinit na naman ang ulo ko sa mga buwayang tauhan ng gobyerno natin. Hehehehe
Dahil panghapon na ako ay madalas ko ng kasama si jenifer sa lahat ng bagay, mula pagpasok ko ay magkkwentuhan muna kami kapag hindi pa nagsisimula ang klase ko, minsan siya pa ang nag aayos ng buhok ko kapag hindi ko maiaayos ng tama dahil hindi pa naman ako sanay mag gel noon. Siya din ang nagturo sa akin na dapat yung pandobleng t-shirt sa polo ee tinutupi yung manggas para magandang tignan.
Kapag break time ay sabay kami palagi kumain sa canteen, nanonood din kami ng sabay ng training ng volleyball ng mga babae kapag maaga kami pinalabas, tapos pupunta kami sa parlor nila para magkwentuhan at kung minsan sa parlor nila kami gumagawa ng assignment.

Sa totoo lang si jennifer ang nagbigay sigla sa akin para pumasok sa pangahpon na klase,dahil tamad na tamad akong magkalse sa hapon dahil nakakaantok ang ganung oras, sasabayan pa ng teacher mo na kung magsalita ay parang kasing bagal ng android phone na tadtad ng virus.
Pero ng dahil kay jenifer ay sinipag akong mag aral at pumasok sa hapon, kahit hindi ko siya kaklase dahil magkaiba kami ng section.

Araw ng sabado noon ng pagsabayin ni coach noel ang training ng babae at lalaki. Sinabihan ko si jenifer na manood ng training namin. Pumayag naman siya kasi nasa parlor lang siya ng nanay niya kapag weekends na halos ilang hakbang lang ang layo sa school namin.

Maghapon ang training namin. Umaga pa lang ay nandun na si jenifer, may dala siyang bimpo, tubig at biscuit na kainin daw namin kapag nagutom ako.
Isang bagay na nagpapataba ng puso ko sa ginagawa ni jenifer ng sandaling yun, subalit wala pa kaming malinaw na usapan kung ano ba talaga ang status ng relasyon na meron kami. Para sa akin hindi na mahalaga pa kung ano kami dahil ang mahalaga sa akin ay ang saya na naidudulot niya.

Nang magsimula ang training namin ay masyado akong over acting sa pagpapakitang gilas kay jenifer, yung tipong sobrang sigla kong gawin ang strecthing namin, ball control, spiking, targeting at kung anu-ano pa.
Hindi ko pinapansin ang mga babaeng kakampi ko ng sandaling yun, kay jenifer lang talaga nakatuon ang atensyon ko ng sandaling yun na sa tuwing lilingunin ko siya sa iunupuan niya ay lagi siyang nakangiti sa akin.

Water break ng lapitan ko si jenifer para tanungin kung naboboring ba siya, pero iba ang sinagot niya.

"Nico kilala mo ba siya?" sabi ni jenifer na nakatingin sa kumpulan ng mga babae kong kakampi.

"Sino diyan?" sabi ko.

"ayun ohh yung naka balck t-shirt at short na red. Yung payat na maitim." sabi ni jenifer.

"Hindi ee hugot siya galing yan sa ibang school bakit?" sabi ko.

"Ahh kaya pala hindi siya familiar sa akin. Tyaka kanina napapansin ko panay ang tingin niua sayo." sabi ni jenifer na hindi napuputol ang tingin niya sa babaeng hugot ng team namin na sa pagkakatanda ko ay siya yung kasama nung babaeng tingin ng tingin sa akin nung opening ceremony nung district meet namin.

"Porke ba natingin crush na agad ako? Malay mo nagagandahan lang sa ayos ng buhok ko." sabi ko sabay hawi ng buhok ko na inayos ni jenifer.

"Baliw. Babae ako kaya alam ko yung mga ganung klaseng tingin. May gusto siya sayo Nico sure ako." sabi ni jenifer.

"Selos ka naman" sabi ko bago ako tumakbo pabalik sa court dahil tinatawag na kami ni coach noel.

Maiksi lang kasi ang oras ng water break namin, kaya hindi kami nakapag kwentuhan mabiti ni jenifer.
Nang sandaling yun ay pinaglaban ni coach noel ang babae at lalaki, dito ko na napansin na panay nga ang tingin sa akin ng babaeng hugot ng team namin. Dahil kahit saan ako pumwesto ay nakikita ko na panay ang sulyap niya sa akin.

Hindi siya maganda kaya hindi ko siya type, maitim siya, payat at marumi tignan dahil sa paglalaro ng volleyball.

Tanghalian na ng pahintuin kami ni coach noel sa training,medyo nakatanggap ako ng mabibigat na hataw ng bola sa babaeng yun na hindi ko alam kung mag galit ba siya sa akin dahil halos lahat ng spike niya ay ako ang target niya, kahit pa anong gawin kong iwas sa spike niya ay ako pa rin ang pinupuntirya niya. Hindi pa ako spiker ng sandaling yun kaya hindi ko siya magantihan. Setter lang ako at nagagawa ko siyang magantihan kapag may pagkakataon akong maghulog ng bola sa tapat niya.

Niyaya ako ni jenifer na sa parlor na daw nila kami kumain ng lunch, nagluluto daw kasi ang mga bading na tauhan ng nanay niya dun kapag tanghali kaya sumama na lang ako.

Medyo malinis sa katawan ang nanay ni jenifer, kaya ng makita niya akong basa ng pawis at medyo marumi ay pinapaligo niya muna ako bago kumain. May dala naman akong pamalit na damit na dapat ay isusuot ko pag uwi pa, ee yun na lang ang isinuot ko matapos kong maligo.

"Iho dapat ugaliin mo maligo pagkatapos ng training. Hindi maganda ang natutuyuan ka ng pawis. Tandaan mo iho, hindi na baleng mapasma ka. Kesa mag amoy anghit ka naman." yan ang kataga ng nanay ni jenifer na hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin sa tenga ko kapag pinagpapawisan ako.

Matapos ko maligo ay kumain na kami ng sabay sabay sa parlor ng nanay ni jenifer, dito ko napatunayan na mabait ang nanay niya dahil parang isang buong pamilya silang masayang kumakain ng tanghalian. Kahit maganda ang nanay ni jenifer ay naka kamay itong kumain na walang arte sa katwan. Nagsasalita kahit may laman ang bibig at tumatawa ng malakas na walang pake sa nasa paligid niya basta ang mahalaga sa kanya ay mailabas niya kung ano siya at kung sino siya.

Sa nanay ni jenifer ako nakakuha ng idea na mas masarap makasama ang babaeng walang arte sa katawan, kesa sa mga pasosyal na akala mo anak ng presidente kung umasta.

Ang nanay ni jenofer at si jenifer ay mabusisi lamang sa kanilang panlabas na anyo, yung tipong gusto nila maganda sila at presentableng tignan, yung presko ang pakiramdam hindi sa asta. Sila yung tipo ng taong hindi mo kakainisan.

Matapos namin kumain ay tinulungan ko si jenifer na magligpit ng kinainan namin dahil may mga costumer ng nagdatingan sa parlor nila. Ako na ang nagpresintang maghugas ng pinggan si jenifer naman ay taga punas ng mga pinggan at siya din ang nagsasalansan sa lagayan.

"Parang sanay na sanay ka sa paghuhugas sa kusina ahh." sabi ni jenifer.

"Ahh oo. Naging katulong kasi ako ng tita ko nung summer sa carenderia niya. Malalaking kaldero at talyase pa nga ang hinuhugasan ko." pagyayabang ko kay jenifer.

"Wow ang sipag naman. Ee di marunong ka rin magluto?" sabi ni jenifer.

"Prito pa lang at saing ang alam ko. Next summer siguro pag aaralan ko na yung mga toroong lutong ulam." sabi ko.

"Ang saya naman sa carendeeia ng tita mo. Gusto mo samahan kita sa summer?" sabi ni jenifer.

"Oo ba. Tamang tama wala na kasi yun dati ko kaibigan dun. Umuwi na sa probinsya nila ee. Kaedad din natin yun. Camille ang pangalan niya." sabi ko.

"Ahh ee magkano naman ang sweldo ko?" tanong ni jenifer.

"Yan ang hindi ko alam. Basta ang alam ko kapag tumulong ka sa tita ko, libra kain kahit gaano karami. Tapos pagpasukan ibibili ka niya ng gamit sa school. Bag, notebook, ballpen,uniform tyaka bola na original binili ako ni tita." sabi ko.

"Ay parang ayoko na. Walang sweldo. Parang dito lang din sa parlor ni nanay" sabi ni jenifer na napatawa na lang ako.

Nung panahon na yun hindi naman mahalaga sa akin ang pera, dahil ang pinagkakagastusan ko lang naman noon paminsan minsan ay yung mga video games na hinuhulugan ng barya. Kaya kahit natulong ako sa tita ko na walang bayad ee ok lang sakin.

Matapos naming maghugas ng pinggan ay nagpaalam na kami sa nanay ni jenifer na babalik na kami sa school dahil may yraining pa ako. Pinayagan naman ng nanay niya si jenifer na sumama uli sa akin para manood ng training ng volleyball dahil naboboring lang daw si jenifer sa parlor nila.

"Nico tignan mo ohh, parang magkaholding hands yung anino natin." sabi ni jenifer habang naglalakad kami sa gitna ng initan ng araw.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko ng sandaling yun, dahil ng sabihin yun ni jenifer ay bigla kong hinawakan ang palad niya.

Sobrang lambot at kinis ng palad niya ng mahawakan ko yun, parang palad ng bagong silang na sanggol ang palad ni jenifer. Yun ang nasabi ko sa sarili ko ng sandaling yun.

Naglakad kami ni jenifer hanggang sa makarating kami sa gate ng paaralan na magkahawak ang mga kamay namin, mistula kaming may relasyon ng sandaling yun, hindi rin naman niya tinggal ang pagkakahawak ko at naramdaman ko pa na humawak din ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri ko.
Sobrang saya ko ng sandaling yun, pakiramdam ko ay kasintahan ko na siya.

Subalit ang saya ko ay hindi nagtagal dahil ng makarating kami sa gate ng paaralan na pinapasukan namin ay hindi ko akalain na nandun si andrea, kasama si niki at cris. Kitang kita nila na magkahawak ang kamay namin ni jenifer, gustuhin ko man bitawan ang kamay ni jenifer ay hindi ko magawa dahil mahigpit ang pagkakawak niya sa kamay ko. Ang kamay naman ni andrea ay bumitaw sa dala niyang plastik bago tuluyang tumapon ang laman sa loob nito na ulam at kanin na nakalagay pa sa luch box na kulay pink.

Kitang kita ko kung paano gumuhit ang luha sa mata ni andrea bago siya tumakbong palayo sa lugar na yun. Batid ko na labis ko siyang nasaktan sa nakita njya. Subalit mali naman ang lahat ng inaakala niya.

Oo masaya ako sa piling ni jenifer, oo nahuhulog na ang loob ko sa kanya at oo magkahawak ang kamay namin ng sandaling yun subalit hindi kami magkasintahan. Wlaa kaming relasyon. Kahit gustong gusto ko ng maging kasintahan siya ay wala pa kaming pormal na pag uusap tungkol sa bagay na yun.

"Tol sundan ko lang sila." sabi ni cris sa akin bago niya sundan si niki at andrea na tumakbo palayo sa gate ng paaralan namin.

"Kilala mo Nico?" tanong ni jenifer.

Dahil sa bata pa ako ng sandaling yun at natatakot akong mawala si jenifer sa akin kapag sinabi ko sa kanya na kasintahan ko si andrea ay nagawa kong magsinungaling.

"Ahh yun lalaki kilala ko, kaklase ko nung elementary yung dalawang babae kaklase ko nung pang umaga pa ako." sabi ko.

"Ee bakit umiyak yung maputi? Taz ayan ohh natapon yung dala nilang pagkain." sabi ni jenifer ng tignan ang laman ng plastik na dala ni andrea.

"Hindj ko alam baka nag aaway silang tatlo." sabi ko na lang para makaiwas ako sa tanong ni jenifer.

"ahh baka nga. Ee ikaw baka gusto mo na din bitawan ang kamay ko. Kanina ka pa nawiwili diyan" sabi ni jenifer.

Nang hapon na yun ay gulong gulo ang isip ko sa nangyari, alam ko na labis na nasaktan si andrea sa nakita niya kaya plano ko magpaliwanag sa kanya. Subalit tila may umaawat sa kalooban ko ng sandaling yun. Parang may nagbubulungan sa tenga ko na. ( bakit ka pa magpapaliwanag? Ee diba mas gusto mo na si jenifer? Hayaan mo na si andrea.)

Oo gustong gusto ko si jenifer, peeo hindi ko naman pwede balewalain na lang si andrea, kaya binuo ko sa plano ko na kausapin siya sa lunes.

Ang buong araw ko ng linggo ay ginugol ko lang na kasama ko si jenifer, kahit tanghaling tapat ay naka jacket kaming dalawa habang nagpapaikot ikot sa lugar namin. Proteksyon sa init ng araw ang jacket namin para hindi mangitim.

Nang ako na ang pinagmaneho ni jenifer ay hindi ko naiwasana na hindi mapadaan sa bahay nila niki at ewan ko ba kung tila ba pinaglalaruan ako ng pagkakataon dagil ng sandaling dumaan kami ni jenifer sa tapat ng bahay nila niki ay nakita ko pa na palabas ng bahay si niki at cris na magkaakbay pa sila.
Hindi ko tuloy maiwasan na mag isip na baka nagkantutan na naman sila. Wala naman akong mapapala kung iisipin ko lang ng iisipin ang tungkol sa kanila kaya hinayaan ko na lamang sila at inenjoy ko na lang ang araw na yun na kasma si jeniffer.

Lunes ng umaga ay may training kami ng volleyball, subalit hindi ako dumiretso sa court ng volleyball. Mas inuna ko munang magtungo sa dati kong classroom kung nasaan si andrea.

Medyo maaga pa ng sandaling yun kaya mga kaklase ko pa lang ang nandun wlaa pa si andrea. Naupo muna ako sa armchair na dati ko upuan. Ang ilan sa kaklase ko ay nagtatanong sa akin kung babalik na daw ako ng pang umagang klase subalit sinagot ko lang sila ng hindi.
Hindi ko din sinabi ang pakay ko na paghingi ng sorry kay andrea. Ilang saglit pa ako naghintay hanggang sa dumating si andrea kasama si niki. Masyaa pa silang nagkkwentuhan ng sandaling yun, subalit kapwa sumimangot ang muka nila ng makita nila akong nakaupo sa dati kong arm chair.

"Aba mukang kaklase na uli natin ang manloloko." pabulong na sabi ni niki na hindi ko na lang pinansin.

Si andrea naman ay tahimik lang na naupo sa tabi ko, dahil yun ang upuan niya. Pabagsak niyang inilapag sa upuan ang gamit niya, subalit ng tumalikod siya at tangkang aalis ay inawat ko na siya.

"Sandali baka pwede tayong mag usap." sabi ko habang hawak ko sa braso si andrea.

Subalit imbis na sagot ang makuha ko ay isang nakakabinging sampal ang nilasap ko kay andrea. Sampal na halos kasing lakas ng pinakamalaks na spiker ng volleyball player na kakampi ko.

Hinila ni andrea ang braso niya para makalas sa pagkakahawak ko bago siya lumakad palabas sa classroom namin para makaiwas sa akin. Subalit hindi ako sumuko kahit mainit pa ang pisngi ko sa lakas ng sampal niya ay tiniis ko na lang ito para makapag paliwanag kay andrea.

Hindi ko na hangad na magkaayos kami, dahil alam ko naman kung paano magalit si andrea. Ang sa akin lang ay makapagpaliwanag ako at malinis ko ang pangalan ko sa kanya.

"Makinig ka naman muna." sabi ko ng abutan ko si andrea na patuloy na naglalakad sa hallway ng school namin.

Makailang ulit pa akong nagsalita subalit para lang siyang bingi na patuloy na naglakad ng nag lakad paikot ikot sa loob ng campus namin at nang halos pagtinginan na kami ng lahat ng mga estudyante sa paaralana namin ay saka lang siya huminto.

Subalit tila nakakita ako ng gutom na lion sa katauhan ni andrea ng titigan niya ako ng harapin niya ako sa mismong harapan ng principal office.

Lumakad oa ako ng konti para makapag paliwanag sa kanya ng maayos.

Subalit isang malutong na sampal na naman ang nalasap ko sa kanya ng sandaling yun. Sa pagkakataon na yun ay nilamon na ako ng labis na kahihiyan dahil sa dami ng mga estudyante na inaasar kami.

Hindi ko na sinundan pa si andrea dahil sa takot na masampal niya uki ako, ayoko ng mapahiya kaya yung isang lalaki na malapit sa kinatatayuan ko na wlaang tigil sa kakaasar sa akin at nagsisisgaw pa na parang tanga lang ang napagbalingan ko ng init ng ulo ko.

Hindi ko na nabilang pa ang sapak na inabot sa akin ng lalaking yun, inawat na lang kami ni coach noel ng makita niya ako na may sinasapak akong estudyante.

Well dating gawi lang. Peeo that time hindi sa principal office ang bagsak ko. Dahil isa ako sa paborito ni coach noel sa multi purpose hall niya kami dinala ng nakaaway ko, kung saan siya nag oopisina para sa mga varsity.

Dito niya kami kinausap at isinalaysay namin ang dahilan ng ginawa naming pag aaway. Dahil sa ako ang unang nanuntok pinarusahan ako ni coach noel na suspended ng tatlong araw. Sinabihan din niya ako na ipatawag ang magulang ko. Bago niya kami pagbatiin ng nakaaway ko.
Pag alis ng nakaaway ko ay saka ako kinausap ni coach noel.

"Nico huli na yun na pakikipag away mo, isang beses pa na makipag away ka hindi na kita tutulungan. Kalimutan mo na ang suspension na sinabi ko, peeo ang pagpapatawag ng magulang mo ay sundin mo. Gusto ko silang makausap." seryosong sabi ni coach noel.

Natapos ang training ko ng umagang yun na makailang ulit ko pang sinubukan lapitan si andrea subalit galit talaga siya sa akin. Lahat ng iwas ginawa niya hanggang sa binato na ako ng bag, minura at ipinahiya pa ako sa harapan ng mga kaklase namin.

Pag uwi ko ng hapon ay piansya ko ng huminto na sa paghingi ng tawad kay andrea. Wala na rin naman akong magagawa kung ayaw niyang makinig sa akin.

Pagpasok ko ng hapon sa school ay kasama ko na ang tatay ko, hindi ko talaga sinabi sa nanay ko dahil tiyak na sermon na naman ang aabutin ko sa kanya.

Hindi na ako sinama ni coach noel sa pag uusap nila ng tatay ko, pinapasok na niya ako sa clasroom ko dahil may importante daw silang lag uusapan.

Ako naman ay matamlay na naglakad patungo sa classroom ko, pagdating ko sa pintuan ay naghihintay sa akin doon si jenifer.

"Nico wala kami pasok, pinauwi kami. Tara gala na lang tayo." sabi ni jenifer sa akin na hindi ko tinagihan.

Sumabay ako sa mga kaklase niya na lumalabas sa paaralan para umuwi na dahil wala daw ang adviser nila, may emergency ata na hindi ko na inalam pa ang dahilan.

"Nay wala kami pasok." sabi ni jenifer ng makarating kami sa parlor nila.

"Ee di mabuti balik baon ka din." sabi ng nanay ni jenofer.

"Ee nay naman ee. Pang gas ko na lang ito, gagala kami ni Nico." paglalambing ni jenifer sa nanay niya.

"Gala na naman kaya nagkukulay sunodg lalo yang kaibigan mo ee." sabi ng nanay niya.

"Nay sunog na talaga yan si Nico, sa initan ba naman naglalaro ng volleyball ee." sabi ni jenifer bago siya pumasok sa kwarto ng parlor nila.

Paglabas ni jenifer sa kwartong yun ay naka jogging pants na siya at jacket.

"Bye nay una na kami." paalam ni jenifer.

"Oi mag iingat kayo. Dahan dahan lang sa pagpapatakbo ng motor huh." sabi ng nanay ni jenifer.

Buong hapon ay nag ikot lang kami ng nag ikot ni jenifer kung saang saan sulok sa lugar namin. Palitan kami ng lagmamaneho ng chappy niya, hanggang sa mapagod kami sa kakagala ay pinasya ni jenifer na umuwi na muna sa bahay kami sa bahay nila.

May kalakihan ang bahay nila jenifer, apat ang kwarto sa bahay na yun, tig isa sila ng kwarto ng nanay niya at yung dalawa ay sa mga tauhan sa parlor ng nanay niya.

Malaki ang bahay nila subalit mababanaag mo ang kalungkutan at katahimikan dahil bukod sa nasa subdivision ng bahay nila ay madlas pang wlang tao, dahil ayon kay jenifer ay sa gabi lng sila umuuwi sa bahay nila.

Binuksan ni jenifer ang ref nila at naglabas ng maari namin makain, medyo hindi ko na maalala ang kinain namin ng sandaling yun, matapos kumain ay iginala ako ni jenifer sa bahay nila na para siyang tour guide. Malinis ang kabuuan ng bahay nila kahit madalas na walang tao, lalo na ang banyo nila parang banyo sa hotel.

Hapon na ng magpasya kami bumalik sa parlor ng nanay niya, pero nakiusap ako sa kanya na kung maari ay dumaan muna kami sa bahay para makapag palit ako ng damit.

Subalit pagdating namin sa bahay ay tila naghahanap ata ng gulo si niki at si cris, dahil magkahawak pa ang kamay nila na nakatayo sa gate ng compound namin.

KItang kita ko kung papano napasimangot si niki ng makita niya na nakayakap sa likod ko si jenifer ng sandaling yun dahil ako ang nagmamaneho ng chappy ng oras na yun.

"Ohh naligaw ata kayo." sabi ko ng ihinto ko ang chappy sa tapat ng motor namin.

"Hindi kami naligaw sinadya ka talaga namin, pero mukang wala ng aayusin pa dito." pagalit na sabi ni niki bago niya hilahin si cris paalis sa tapat ng bahay namin.

Hindi ko na lang sila pinansin, sa totoo lang wala na akong pakielam sa kanila kung ano ang pakay nila at kung ano ang dahilan nila sa pagpunta sa bahay namin. Dahil masaya na ako kay jenifer.

Niyaya ko si jenifer na lumasok na muna sa bahay namin para ipakilala ko siya sa nanay ko. Subalit nagkamali ako dahil ng timing ng sandaling yun, dahil seryosong nag uusap ang magulang ko ng makapasok kami ni jenofer sa bahay namin.

"Nico umupo ka at may pag uusapan tayo." seryosong sabi ng tatay ko sa akin na alam kong may kalakip itong problema na maaaring ginawa ko.

Umupo naman kami ni jenifer sa sofa ng sala namin, bago ko siya ipakilala sa magulang ko. Binati naman siya ng maayos ng nanay at tatay ko subalit ang mga sumunod sa sinabi ng magulang ko ay ang problemang kakaharapin ko.

"Nico binigyan ka na ng warning ng coach mo, yung pakikipag away mo kanina huli na yun, kapag nakipag away ka uli sa loob ng campus automatic na kick out ka na." sabi ng tatay ko.

"Nakapa dami mo na palang record sa school niyo? Tapos kanina matapos makipag usap ng tatay mo sa coach mo hinahanap ka nila wala ka sa school. Saan ka nagpunta bakit hindi ka pumasok?" sabi naman ng nanay ko.

Tahimik lang akong nakikinig ng mga sermon ng magulang ko, sobrang hiya ang naramdamn ko ng sandaling yun dahil kaharap ko si jenifer ng sandaling yun.

Subalit ang lihim na itinatago ko kay jenifer ay tuluyan ng sumabog ng makitulong la ang ate ko sa pagsesermon sa akin.

"Alam mo ba nay yan Nico pinagsasampal ng syota niya kanina, kabata bata pa nakikipag syota na. Pamankin ng principal namin nung elementary kami ang syota niyan." sabi ni ate na nakita kong nagulat siya ng makita niya katabi ko si jenifee. Galing kasi sa kwarto ang ate ko.

"Wala ka na ba ibang gagawing mabuti Nico? Puro na lang ba sakit ng ulo ang dadalhin mo sa bahay natin?" sabi ng nanay ko.

Napakarami pang sermon ang nilasap ko ng sandaling yun na hindi ko na halos maalala ngayon, basta isa lang ang alam ko. Kung nakakamatay ang sobrang kahihiyan ay baka hindi na ako nakapag sulat ngayon.

Madilim na ng tigilan ako ng magulangnko sa kakasermon. Nakaluto na ng sandaling yun ang nanay ko kaya pinakain na niya kami ni jenifer ng dinner sa bahay. Wala kaming kibuan ni jenifer na kumakain sa mesa ng bahay namin kasalo ang mga kapatid ko, kita ko din na tinititigan ni ate si jenifer, parang minumukaan niya ito ng sandaling yun.

MAtapos kaming kumain ay nagpaalam na kami sa magulang ko na ihahatid ko lang si jenifer sa parlor nila, pinayagan naman ako ng tatay ko peeo ang nanay ko hindi na kumibo.

Tahimik namin binaybay ang daan patungo sa parlor nila jenifer, wala siyang kibo ng sandaling yun na hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o ano ba ang nararamdaman niya matapos ang rebelasyon na nalaman niya sa pamilya ko.

"Mag uusap tayo bukas Nico, sige na umuwi ka na muna." sabi ni jenofer ng makarating kami sa parlor nila.

Hindi na niya ako nilingon ng sabihin niya yun batid ko na may problema din akong kakaharapin sa kanya.
Magalang akong nagpaalam sa nanay ni jenifer ng sandaling yun bago ko lisanin ang parlor nila jenifer.

Pag ui ko sa bahay ay nakatayo ang tatay ko sa gate na parang may hinihintay at nalaman ko na lang na ako pala ang hinihintay niya ng sandaling palapitin niya ako sa tabi niya.

"Nico hindi kita sesermunan, papayuhan lang kita kaya makinig ka mabuti. Alam ko lalaki ka, pero sana maghinay hinay ka sa mga bagay na hindi mo pa dapat ginagawa. Unahin mo ang pag aaral, mas makakatulong sayo ang edukasyon kesa sa kahit anong bagay. Yan mga babae nandyan lang yan. Marami sila na pwedeng magkagusto sayo kapag nakapag tpos kana at may magandang kinabukasana ka na. Iwasan mo din sana ang pakikipag basag ulo, palamigin mo ng kaunti ang ulo mo sa tuwing may magagawang mali sayo ang ibang tao. Matuto kang magpalampas. Isa lang ang buhay natin, hindi mo makikita ang isang tunay na lalaki sa dami ng gulong pinasukan mo, hindi rin sa dami ng babaeng pinaiyak mo. Dahil ang tunay na lalaki ay isang responsable tao na may takot sa diyos at respeto sa kapwa." hindi ko na halos maalala pa lahat ng sinabi ng tatay ko ng sandaking yun. Yan lang ang natatandaan ko nung sandaling yun.

Kinabukasan ay hindi ko na muli pang tinangka na pumunta sa classroom ko dati dahil wala na akong pakielam pa kay andrea, dahil ng sandaling yun ay nasa kung ano ang saaabihin sa akin ni jenifer ang buong atensyon ko.

Nang umagang yun ay nagtraining ako na wala sa sarili, natatakot kasi ako baka sabihin ni jenifer na layuan ko na siya at ayaw na niyang makipag kaibigan pa sa akin sa mga nalaman niya sa magulang ko nung kinausap nila ako.

MATapos ang training namin ng umagang yun ay mabilis akong umuwi sa bahay para magbihis at kumain ng mabilis dahil gustong gusto ko ng makausap si jenifer. Nang umalis ako sa bahay namin ay imbis na sa paaralan ako magtungo ay sa parlor muna nila jenifer ako nagpunta, subalit sinabi ng nanay niya sa akin na nakapasok na daq si jenifer, kaya halos lakad takbo ko tinungo ang paaralan para hanapin siya. Subalit bigo ako na makita si jenifer sa classroom nila, binaba ko na muna ang bag ko sa classroom ko bago uli hanapin si jenifer. Napuntahan ko na ang gym, canteen at classroom ni jenifer ay hindi ko pa din siya makita. Hanggang sa makita ako ng isang malapit na kaibigan ni jenifer at sinabi niyang naghihintay sa akin si jenifer sa locker area ng mga varsity.

Pagdating ko sa locker area ay nakatayo si jenifer sa mismong harapan ng locker unit ko. Nakatitig lang ito sa pintuan ng locker ko na hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Napaka seryoso ng muka niya na unang beses ko pa lang nasaksihan na ganun ang ikinikilos niya.
Likas kasi na masayahin si jenifer, pala ngiti at minsan lang kung magsungit.

"Jenifer." sabi ko ng lapitan ko siya.

Tinitigan niya muna ako bago siya nagsimulang maglaulan ng mga katangunan.

"Totoo ba na girlfriend mo si andrea olivarez?" tanong ni jenifer.

"Oo" sabi ko.

"Siya yung babaeng may dalang pagkain nung sabado diba." tanong niya uli.

"Oo" sagot ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, bakit mo tinago?" tanong ni jenifer.