1. Home
  2. Stories
  3. Harapin Ang Liwanag! Chapter XIX
Filipino Sex Stories

Harapin Ang Liwanag! Chapter XIX

By anino ·

Chapter XIX: The Great Pretender!

"Uh…." bigla nalang nasabi ng taong nasa basement "kamahalan? Me problema ho ba?" tanong ng tauhan niya na tumayo ito at naglakad sa harap ng mesa niya "tila.. hindi ko na ata nararamdaman ang dilim ni Julian" sabi nito. "Po?" takang tanong ng tauhan niya "ipatawag si Enrico" utos ng amo niya "masusunod kamahalan" sagot ng tauhan niya na agad itong umalis at lumabas ng silid. "Ano ang nangyari sa'yo Julian? Bakit bigla ka nalang nawala? Hmmm…" alalang sabi nito "bakit parang nag-aaalala ka sa kanya?" tinig ng babae sa likuran niya "hindi naman, mas gusto ko kasing nararamdaman ko siya kesa nawawala nalang siya bigla" sabi ng lalake sa kanya.

"Yun ba talaga ang dahilan?" tanong ng babae sa kanya na nilingon niya ito at tiningnan niya ng masama "hahaha.. kalma lang, gusto ko lang malaman kung kasapi pa ba kita ngayon na bumalik na muli siya" sabi ng babae sa kanya. "Huwag kang mag-alala kasapi mo pa ako ngayon pero, sa oras na me gagawin ka sa likuran ko" biglang hinugot niya ang espada niya at tinuon niya ito sa babae "ako mismo ang puputol sa ulo mo!" banta niya. "Hahahaha.. alam nating hindi mo kayang gawin yan sa akin" sabi ng babae na naglakad itong lumapit sa kanya at hinawakan siya nito sa balikat "dahil ako ang dahilan kaya nabubuhay ka ngayon" sabi ni Olivia sa kanya.

"Hayaan muna nating magpahinga si Julian, Isabella" sabi ni manang Zoraida sa akin "sige po" sagot ko sa kanya na hinayaan lang naming natulog sa kwarto si Julian, pumunta ako sa kabilang silid kung saan natutulog si Elizabeth. "Ako na ang bahala sa kanya" sabi ko kay manang "sige, maghahanda ako ng gamot para sa kanya" sabi niya "salamat po, manang Zoraida" sabi ko sa kanya "walang anuman ito, sige asikasuhin mo muna ang kapatid mo" sabi niya na pumasok na ako sa loob ng kwarto. "Issa… Issa.." tawag niya sa akin habang nakapikit ang mga mata niya "nandito ako sis, huwag kang mag-aalala ligtas ka dito" sabi ko sa kanya.

"Na.. nasaan ako?" tanong niya "nasa bahay ka ng mga kaibigan ko" sagot ko sa kanya "ate.. huhu.. ate.." naiiyak niyang sabi "nandito ako, hinding-hindi na tayo maghihiwalay" sabi ko sa kanya. Hinimas ko ang ulo niya na pinikit niya muli ang mga mata niya kaya humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. "Ano ang ginawa ni papa sa'yo, Elli?" tanong ko sa kanya na nanginginig ito sa sinabi kong "papa" "ssshhhh… nandito si ate.. nandito ang ate.. walang masamang mangyayari sa'yo habang kasama mo ako" pasiguro ko sa kanya. Samantala sa labas "ano ang gagawin natin kay Boyet?" tanong ni Zoraida kay Dante "tatanungin natin siya kung ano ang alam niya sa taong yun" sagot ni Dante na nilapitan nila si Boyet na ngayon ay natutulog sa upoan niya.

"Boyet! Boyet! Gumising ka!" sabi ni Dante sa kanya na nagulat pa ito nung nakita niya ang dalawa "ba.. bakit? Ano ang kailangan niyo sa akin?" tanong ni Boyet sa kanila "tungkol sa gusaling binabantayan mo, ano pa ba ang alam mo?" tanong ni Dante sa kanya. "Ako na ang bahala sa kanya, Dante" sabi ko sa kanila nung lumabas ako ng kwarto ni Elizabeth "Isabella" tawag ni manang sa akin "natulog na ulit ang kapatid ko, Boyet mag-usap tayo" sabi ko sa kanya na tumayo ako sa harapan niya "walang mangyayari sa'yo dahil kailangan ka namin at isa pa alagad parin ako ng batas kaya makakasiguro kang ligtas ka dito" sabi ko sa kanya.

"Kalagan niyo ako at nagugutom ako" sabi niya sa amin "sige, kakalagan ka namin at pakakainin ka namin pero ikwento mo lahat sa amin ang nalalaman mo" sabi ko sa kanya "o.. opo Tenyente" sagot niya sa akin. Pagkatapos kalagan at kumain "noong una nung hinire ako ng papa mo trabaho ko lang talaga ang magronda sa taas" panimula niya "nung una yun lang talaga ang trabaho ko pero nung me nasaksihan akong pangyayari sa building na yun kinuha na niya akong magbantay sa basement" kwento niya. "Ano pa?" tanong ko "akala ko mamamatay na ako sa gabing yun dahil yung basement na pinasukan namin puno ito ng mga.." kwento niya "mga ano?" tanong ni Dante "puno ito ng mga aparatus.. yung ginagamit sa laboratoryo" kwento niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni manang sa kanya "kita niyo tumayo na ang balahibo ko" sabi niya sa amin "ano ba kasi ang nakita mo, Boyet?" tanong ko sa kanya "mga..tao" sabi niya na nagulat kaming lahat. "Tao?" takang tanong ni Melinda "oo, mga tao ang laman nito at tila ginagamot ang mga sugat nila" kwento ni Boyet "anong klasing mga tao?" tanong ni Dante "mga katulad ko ba?" dagdag niya. "Mga bampira ba sila?" tanong ni manang "mga aswang?" tanong ko na umiling si Boyet "hindi.. hindi Lobo, hindi Bampira at lalong hindi Aswang" sagot ni Boyet "ano pala?" tanong ko na biglang lumabas sa kwarto si Julian at nagising na pala ito na napatingin kami sa kanya "KATULAD NIYA!" sigaw ni Boyet na nagulat kaming lahat.

"Ma…mga Bailan?" napaatras sa gulat si Dante at tila hindi makapaniwala sa narinig niya "Dante." tawag ni manang sa kanya "paano mo naman nasabi na katulad ni Julian ang nakita mo?" tanong ko sa kanya. "Hindi ako nagkakamali, yung tattoo niya sa kanang balikat katulad dun sa tattoong nakita ko sa mga taong nasa loob ng salamin na yun" paliwanag ni Boyet. "Ano itong nariring ko tungkol sa mga Bailan?" tanong ni Julian "imposible ito, naubos ang lahat ng Bailan nung inatake sila ng mga sundalong Kastila" sabi ni Dante "ano ang tungkol sa Bailan?" tanong muli ni Julian na kinwelyuhan niya si Boyet "ANO ANG SINASABI MO TUNGKOL SA MGA BAILAN?!" galit na tanong ni Julian sa kanya.

"Julian, kumalma ka!" sabi ni manang sa kanya "hindi ako nagkakamali, ang araw na nakalagay sa kanang braso nila ang kaparehong araw na nasa braso mo" sabi ni Boyet sa kanya "haahh..haahhh..im…. imposible ito.." sabi ni Julian na bigla siyang napaatras palayo kay Boyet. "Ano ba ang meron sa mga Bailan?" tanong ni Boyet sa amin "sila ang pinakamagaling na mandirigma noon" sabi ni Dante "alam ko, dahil nandun ako noon nung sumabak sila sa gyera laban sa mga aswang" dagdag niya. "Paano nangyari ito? Halos mag dadalawang daang taon na ang nakakalipas" sabi ni Julian. "Heneral, delikado ito kung hawak nila ang mga Bailan" sabi ni Melinda sa kanya "alam ko, ito siguro ang malaking pinaplano nila" sabi ni Dante.

"Ano ang gagawin natin? Kung mga Bailan ang makakalaban natin tiyak ang kamatayan natin" sabi ni Melinda "hindi pa ba nakauwi si Solomon?" tanong ni Dante sa kanya "tatawagan ko sila sa telepono" sabi ni Melinda. "Dante" tawag ni manang sa kanya "hindi ko na alam ang gagawin ko kung totoo ang sinasabi ng taong ito, Zoraida" sabi ni Dante sa kanya "ang magagawa natin ay pasukin natin ang basement ng building at tingnan natin kung totoo ba ang sinasabi niya" sabi ko sa kanila. "Delikado ito at lubhang mapanganib ang ideyang yan" sabi ni Dante sa akin "talagang masama ang pinaplano niyo dahil me mga halimaw na nagbabantay sa mismong elevator pababa ng basement" sabi ni Boyet sa amin.

"Bakit hindi namin nakita ito nung pinasok ni Julian ang isipan ni Elizabeth?" tanong ko "dahil siguro hindi pa nakita ng kapatid mo ang mga ito" sabi ni Boyet sa akin "nakita mo sila?" tanong ni Julian. "Oo, kaya nga natatakot ako nung makita ko ang kapatid mo" sabi niya "bakit? Ano ang meron sa kapatid ko?" tanong ko sa kanya "isa siya sa apat na tagabantay ng sino mang nakatira sa basement na yun" sabi ni Boyet. "Sino-sino ba sila?" tanong ni Dante "ang papa mo si Don Enrico, yung kapatid mo si Elizabeth, me isa pang tao sa loob na mas malakas at dalubhasa sa pakikipaglaban at yung pang apat… hindi ko na alam dahil ni minsan hindi ko ito nakita" kwento ni Boyet sa amin.

"Paano mo nalaman ito?" tanong ni Melinda na tumingin sa amin si Boyet at tumingin siya sa akin "dahil sa kapatid niya" sagot niya "si Elizabeth ang nagbigay sa akin ng impormasyong ito" dagdag niya. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Elizabeth "ayaw na niyang sumali sa takbo ng kulto nila pagkatapos niyang makita ang maraming taong nakalagay sa loob ng kwadradong salamin" kwento ni Boyet. "Siya ang nagsuggest sa papa mo na gamitin ako at si Nelson dahil sa ganitong paraan mailabas ko ang impormasyong ito, impormasyong hindi ko alam kung saan ko ibibigay" naluluhang sabi niya na tinakpan niya ang mukha niya. "Ito siguro ang sinabi ni Elli sa akin na parte ako sa planong ito" sabi ko "mabait nga talaga ang kapatid mo, Isabella" sabi ni manang sa akin na napangiti ako.

"Kailangan nating pasukin ang basement na yun" sabi ni Julian sa amin na nakatingin kaming lahat sa kanya "bakit?" tanong niya "paano nangyaring naging mortal ka muli, Julian?" tanong ni manang Zoraida sa kanya. "Hindi ko alam kung paano, pero nung nandun ako sa Isla ganito din ang nangyari sa akin" kwento niya "anong Isla?" tanong ko "ang dating Isla ng mga Bailan" sagot niya sa amin "teka, hindi ba lumubog na yun noon?" tanong ni Dante sa kanya. "Oo, pero me mahiwagang bumabalot sa Islang yun dahil nakatira doon ang lahat ng espada ng mga dating pinuno ng Kuro" kwento niya. "Kaya pala wala na sa'yo ang espada ni Lorenzo?" tanong ni Dante "oo, at me nakausap akong matanda pero hindi ko na naitanong ang pangalan niya" kwento niya.

Sinundot ni manang si Julian "hindi ako makapaniwala na mortal kana ngayon, Julian" sabi ni manang sa kanya "Julian!" tawag ng isang tao sa me pintuan na napalingon kaming lahat "Solomon!" tawag ni Melinda na agad siyang lumapit sa kanya. "Mahal ko" sabi ni Solomon "ina" sabi ng apat niyang kasama "Heneral, nandito pala kayo" sabi ni Solomon nung lumapit ito sa amin at sabay nilang niyuko ang mga ulo nila. "Patawad kung hindi ka namin naabisuhan Solomon" sabi ni Dante sa kanya "walang anuman yun Heneral" sagot niya na napatingin siya kay Julian "ha.. hahaha.. ikaw ba talaga ito, kaibigan?" tanong niya kay Julian na napabugnot si Julian "kilala mo ako Solomon" sagot ni Julian sa kanya na lumapit sa kanya si Solomon at niyakap siya nito ng mahigpit.

"Sa wakas, nagbalik kana sa dati!" sabi ni Solomon sa kanya "Solomon.. nahihirapan akong huminga.." sabi ni Julian sa kanya na agad siyang bumitaw "natutuwa lang akong makita kang ganito muli, kaibigan" sabi ni Solomon sa kanya. "Huwag kayong matuwa, dahil pansamantala lang ito" sabi ni Julian sa amin "pansamantala?" tanong ni Solomon "nararamdaman kong natutulog lang sa loob ko ang mga kaluluwa nila" sabi ni Julian sa amin. "Nararamdaman mo sila?" tanong ko "oo, wala kayong nakitang lumabas na kaluluwa sa katawan ko, hindi ba?" tanong niya na umiling kami "nasa loob ko parin sila, ang hindi ko lang alam kung bakit naging mortal muli ako" sabi niya sa amin.

"Ano man yan, natutuwa parin akong makita muli kitang ganito" nakangiting sabi ni Solomon "Heneral, bakit nga pala kayo naparito?" tanong ni Ramir sa kanya "inatake kami ng mga aswang kaya kami napunta dito at pasensya kana Solomon kung dito kami nagtago" sabi ni Dante sa kanila. "Kalimutan mo na yun Heneral, natutuwa pa nga akong narito kayo" sagot niya "mabuti kung ganun" sabi ni Dante sa kanya "kumusta ang lakad niyo kagabi?" tanong ni Melinda sa kanila "ina, me namataan nanaman kaming mga aswang malapit sa subdivision natin" balita ni Raul. "Meron din kaming napansin sa isang gusali dito sa siyudad" balita ni Ramir.

Napansin kong nakatitig lang kay Julian ang isa sa anak ni Solomon kaya lumapit ako kay Julian at hinawakan siya sa balikat na napalingon siya sa akin "me kailangan ka, Isabella?" tanong niya sa akin. "Wala" sagot ko sa kanya na nginitian ko lang siya at tumingin dun sa dalagang nakatinigin sa kanya na tingin ko naiintindihan niya ata kaya umalis ito at pumunta ng kusina. "Ano ang pangalan ng gusaling pinuntahan niyo?" tanong ko sa kanila "Rosales Industry" sagot ni Ramir na nagkatinginan kami sa sinabi nila "bakit?" tanong ni Solomon "kailangan nating pasukin ang gusaling yun" sabi ni Dante. "Bakit? Ano ba ang meron sa gusaling yun?" takang tanong ni Solomon "kung totoo man ang sinabi ni Boyet, ang mga Bailan" sabi ni Dante na kinagulat ni Solomon.

Habang nag-uusap sila sa sala pumasok muna ako sa kwarto kung nasaan nakahiga si Elizabeth kasama ko si Julian "sis, nagugutom ka ba?" tanong ko sa kanya na binuka niya ang mata niya at nagulat ito nung nakita niya si Julian. "Huwag kang mag-aalala hindi ka niya sasaktan" sabi ko dahil umatras ito at sumandal sa headboard ng kama "sis, sis huwag kang matakot sa kanya" sabi ko sa kanya dahil kita ko sa mga mata niya ang takot niya kay Julian. "Si.. sigurado ka?" tanong ng kapatid ko sa akin "oo, sis me itatanong ako sa'yo" sabi ko sa kanya na nakatingin parin siya kay Julian "sis" tawag ko sa kanya na lumingon siya "me gusto akong malaman sa'yo" sabi ko sa kanya na tumango lang siya.

Umupo ako ng maayos habang nakatayo lang malapit sa pintuan si Julian "sis…. tungkol sa kompanya.." panimula ko "… ano ba ang… nasa likod nito?" tanong ko sa kanya na tumigin siya sa akin at kay Julian at tumingin muli siya sa akin. "..Dilim.." sagot niya na napapikit nalang ako "sino ang nasa likod nito?" tanong ni Julian sa kanya "… hindi ko alam kung sino dahil.. dalawa sila.. dalawa silang nakakausap namin ni papa" sagot ng kapaitd ko. "Namumukhaan mo ba sila?" tanong ko "hindi, nagtatago lang sila sa dilim sa tuwing pinapababa nila ako sa basement" sagot niya "alam mo ba ang pangalan nila?" tanong ni Julian.

"..Nabanggit minsan ni papa ang pangalan nung babae… Oli… Olivia…" sagot niya "hmmm…" nalang si Julian "sigurado ka bang Olivia ang narinig mo?" tanong ko sa kanya "oo, hindi ako nagkakamali" sabi niya sa akin. "Maniwala ka sa akin ate, hindi ko kasalanan ang atakihin kayo" sabi niya sa akin "natatandaan mo ang nangyari kahapon?" tanong ko sa kanya "oo, patawarin mo din ako sa ginawa ko kay Ben" naiiyak niyang sabi sa akin. "Wala yun, kalimutan mo na yun Elli" sabi ko na nagyakapan kaming dalawa "ano ang meron sa basement na yun?" tanong ni Julian sa kanya na bumitaw sa pagkayakap sa akin ang kapatid ko at sabing "…mga tao.. mga taong dapat nilagay na sa limot" sagot niya.

"Totoo pala ang sinabi ni Boyet" sabi ni Julian sa akin "si Boyet, nasaan si Boyet?" tanong niya sa akin "nasa labas siya, huwag kang mag-alala ligtas siya" sabi ko "hindi…ate.. hindi tayo ligtas!" nagpapanic na sabi ng kapatid ko. "Ano ang ibig mong sabihin?" gulat kong tanong ko sa kanya "SI BOYET ANG PANG APAT NA TAGA BANTAY NG BASEMENT!" sigaw ng kapatid ko na bigla nalang pumasok sa pader sina Solomon at Dante at bumagsak sila sa gilid ng kama. "HALIMAW!" narinig naming sigaw mula sa labas kaya agad akong tumayo kasama si Julian at nakita namin si Boyet na naging aswang ito.

"PUNYETA KA BOYET!" sigaw ko sa kanya "HAHAHA PARA SA KAMAHALAN!" natatawang sabi niya na sinuntok niya ang mga anak ni Solomon at natapon sila at tumama sa pader "BOYET!" sigaw ni manang Zoraida."HAHAHA AKIN KA TANDA!" sigaw niya na bigla nalang me lumabas na itim na kadena sa sahig at bumalot ito kay Boyet "hindi ko alam kung hanggang kelan ko siya mapipigilan" sabi ni manang sa amin kaya agad umatake ang mga Lobo kay Boyet na naputol niya ang kadenang nakabalot sa kanya at na suntok niya ang mga umataking Lobo "HAHAHAHA!" tumawa si Boyet dahil parang wala lang sa kanya ang mga ito.

"LUMAYO KA ISABELLA!" sigaw ni Dante sa akin dahil nakatoon na ang atensyon ni Boyet sa akin ng biglang me patalim na sumaksak sa leeg niya na agad niya itong tinaggal at sumirit ang dugo niya sa sahig. "Punyeta ka!" galit na sabi niya kay Julian na binato muli siya ng patalim na tumama sa dibdib niya "tingin mo nasasaktan ako sa mga atake mo? Nagkakamali ka bata!" sabi ni Boyet sa kanya na umabante si Boyet papunta kay Julian. "JULIAN!" sigaw ni Solomon na binato niya ang espada niya na sinalo ito ni Julian at umabante din siya "AKIN KA!!!" sigaw ni Boyet na biglang nag slide sa sahig si Julian at dumaan siya sa pagitan ng mga paa ni Boyet sabay hawak niya sa hita na napalipad siya sa ere at doon tinaas ang espada niya at sinaksak si Boyet sa batok na tumagos ito sa lalamunan niya.

"GAH..AAHHHH..GAAGGGGHHH…" parang nagmomog si Boyet dahil sa dugong bumara sa lalamunan niya na hindi pa nakuntento si Julian me patalim pa siyang hinugot sa likuran niya at sinaksak niya sa ulo si Boyet dahilan kaya ito bumagsak sa sahig at namatay. Napatigil kaming lahat nung napatay ni Julian si Boyet na parang normal lang para kay Julian ang ginawa niyang pagpatay kay Boyet dahil pagkatapos niyang patayin ito lumapit siya sa akin at tinanong ako kung ok lang ba ako. "Nakalimutan ko… " sabi ni Solomon "ang ano ama?" tanong ni Ramir "nakalimutan kong isa palang Bailan si Julian" sagot niya "kung ganito lumaban ang mga Bailan, isipin mo ang maraming katulad niya ang aataki sa atin" sabi ni Raul.

Tinulongan akong tumayo ni Julian at pumasok kami sa kwarto na nakita namin sa gilid ng kama si Elizabeth at takot na takot ito "sis, ok na wala ng.." tinulak niya ako palayo at kita kong takot na takot siya kay Julian. "Ba… Bailan… Bailan…" takot na sabi ng kapatid ko na napatingin ako kay Julian "bakit takot ka sa kanya? Elli… sabihin mo sa akin.. bakit takot ka sa kanya?" pamimiliti kong tanong sa kapatid ko na pumasok narin silang lahat sa kwarto. "Ba…..huhu… siya… sila…. sila ang dahilan… ang dahilan…" sabi ng kapatid ko "ang ano? Elli.. ano?" tanong ko sa kanya "…ang… magiging dahilan para maubos ang mga taong mortal sa sanlibutan huhuhu.." naiiyak na sabi ng kapatid ko.

Nagkatinginan silang lahat "paano maging dahilan ang mga Bailan matagal na silang patay at si Julian nalang ang natitirang Bailan sa mundong ito" sabi ni Dante sa kanya "hindi, nagkakamali kayo" sagot ng kapatid ko. "Ipaliwanag mo sa amin, Elizabeth" sabi ni manang Zoraida sa kanya "..huhu…me.. tinatagong maraming buto ang Reyna ng mga aswang.. at nabanggit niya na ang mga butong yun ang magiging susi sa pagbabalik niya sa kapangyarihan" kwento niya sa amin. "Kaninong mga buto ang hawak niya?" tanong ni Solomon sa kanya ".. Bailan.." sagot ni Elizabeth na nagulat kaming lahat. "Ibig sabihin nito totoo nga talaga ang sinabi ni Boyet sa amin" sabi ni manang Zoraida "hindi lang yun, dalawang daang taon noon me isang tao siyang binuhay at ito ang naging kanang kamay niya na kasama niya ngayon sa basement ng building namin" kwento ni Elizabeth.

"Dyos ko… " narinig kong sabi ni Melinda na humawak ito sa braso ni Solomon "Heneral, yun yung taong nakalaban natin noon" sabi ni Solomon kay Dante "hmm.. baka nga" sagot ni Dante na lumapit siya kay Elizabeth. "Kailangan namin ang tulong mo para mapasok namin ang basement ng kompanya niyo" sabi ni Dante sa kanya na tumingin sa akin ang kapatid ko "Elli, kailangan natin silang mapigilan" sabi ko sa kanya na tumango ang kapatid ko. "Hindi madaling pumasok sa loob, kung tingin mo walang nagbabantay pero nasa anino lang sila nakatago" sabi ng kapatid ko "ngayon na kasapi kana namin, pwede mo kaming tulongan pumasok sa loob" sabi ni Dante sa kanya.

"Hindi ganun kadali, mararamdaman nilang hindi na ako aswang" sabi ng kapatid ko na tumingin kaming lahat kay Julian "bakit? Kung iniisip niyong maibabalik ko ang pagiging aswang niya nagkakamali kayo, pati ako nagugulohan kung bakit naging mortal muli ako sa kanya pa kaya" sabi ni Julian sa amin. "Elizabeth, me alam ka ba sa sinasabi nilang plano?" tanong ni manang Zoraida sa kanya "plano?" nagtaka ang kapatid ko na napatingin ito sa akin "oo, ginamit ni Julian ang kapangyarihan niya para makapasok sa isipan mo kaya nalaman namin ito" sabi ko sa kanya. "Sabihin mo sa amin Elizabeth kung ano ang pinaplano nila" sabi ni Dante sa kanya.

"Hindi ko alam ang detalye kasi hindi ako sinasama ni papa sa tuwing nagmemeeting sila tungkol nito.. pero… " sabi ng kapatid ko "pero ano?" tanong ko "ang alam ko lang tinatawag nila itong eclipse " sabi niya. "eclipse ?" takang tanong ko "teka. me paparating na lunar eclipse sa susunod na linggo" sabi ni Mariz "huwag mong sabihin, sa gabing yun nila gagawin ang plano nila?" tanong ni Dante. "Bakit eclipse ?" tanong ko sa kapatid ko "me taglay kasing kapangyarihan ito para sa aming nasa dilim, Isabella" paliwang ni manang Zoraida sa akin "hindi maganda sa aming mga Lobo yan dahil nawawalan kami ng lakas" sabi ni Solomon.

"Iba sa aming mga mangkukulam dahil nakakadagdag ang dilim sa kapangyarihan namin" sabi ni manang "lalo na sa mga aswang" sabi ni Elizabeth na bigla akong kinilabutan. "Ngayong alam na natin kung kelan ito mangyayari ang tanong kung ano ang mangyari?" tanong ni Dante "me mga tao silang binuhay na nakalagay sa kwadradong salamin na me tubig" sabi ni Elizabeth "ang mga Bailan?" tanong ni Julian. "Hindi ko alam pero ang narinig ko dati itong kalaban ng mga aswang na naubos noon nung umatake ang magkasamang aswang at sundalong kastila, nahirapan pa daw silang patayin ang mga ito dahil sa kakayahan nilang lumaban, lalong-lalo na ang mag-asawang namuno sa kanila noon" kwento ni Elizabeth na napaluhod si Julian

"Julian, ano ang nangyari sayo?" tanong ni manang Zoraida sa kanya "Solomon, Dante, mga kasama… hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa inyo" sabi ni Julian sa amin "ang ano, Julian?" tanong ni Solomon sa kanya. Tumingin sa akin si Julian at sabing "kompirmado ang sinabi ni Boyet, mga Bailan nga ang nasa basement ng gusali nina Isabella" sabi niya sa amin na napaisip kaming lahat. "Ama, alam kong kinwento mo na sa amin ang tungkol sa mga Bailan at sa kakayahan nila, sa pinakita ni Julian kanina tingin ko hindi lang isang Tribu ang kailanganin natin" sabi ni Ramir sa kanya. "Alam ko anak, alam ko" sagot ni Solomon na lumapit siya kay Dante "Heneral, oras na siguro para ipunin ang mga tauhan natin, kung totoong ngang mga Bailan ang makakalaban natin" sabi niya kay Dante.

"Aaminin ko sa inyo, nangatog ang tuhod ko nung marinig ko galing sa Boyet na yun na mga Bailan ang nakatago sa basement na yun" sabi ni Dante "pero mas lalong tumayo ang balahibo ko kung ang buong Kuro ang makakalaban natin" sabi ni Dante na napahimas ito sa braso niya. "Ganun ba talaga ka lakas ang mga Bailan?" tanong ni Mariz "naktia mo si Julian kanina hindi ba?" tanong ni Raul "oo, bakit?" tanong niya "hindi nag ensayo si Julian sa mga Bailan at ganun na siya kagaling kung lumaban mas magaling pa ang purong sundalong Bailan sa kanya" sabi ni Raul sa kanya. "Kailangan nating bumalik sa gubat" sabi ni Dante "para pagplanohan ang parating na digmaan" dagdag niya. "Maiiwan kami dito Heneral para magbantay" sabi ni Solomon "sige" sagot ni Dante.

"Isasama natin si Elizabeth" sabi ko na sumang-ayon naman si manang Zoraida "mabuti na yan para hindi na siya muli mahulog sa dilim" sabi niya "mga anak, sumama na kayo sa kanila" sabi ni Solomon sa mga anak niya. "Pero ama, gusto naming…" sabi ni Raul "huwag na kayong kumontra sundin niyo nalang ang inuutos ko" sabi ni Solomon sa mga anak niya "mahal, mag-ingat ka dito" sabi ni Melinda sa kanya. "Huwag kang mag-alala, sa oras na me gulo alam ko na ang gagawin ko" sabi ni Solomon kay Melinda na nagyakapan silang dalawa at tinulongan kong itayo si Elizabeth. "Jasmine" sabi ni Dante na tinaas ni Jasmine ang mga kamay niya at bumukas ang portal sa harapan namin "mauna na kayo" sabi ko sa kanila.

"Paano ka?" tanong ni Julian "ate sumabay kana" sabi ng kapatid ko sa akin "me kukunin lang ako sa apartment ko" sabi ko sa kanila "Jasmine pwede bang samahan mo ako?" tanong ko sa kanya. "Walang problema Issa" sabi niya "ano ba ang kukunin mo sa apartment mo?" tanong ni Julian sa akin na napangiti ako "basta lang" sagot ko sa kanya na pumasok na sila sa loob ng portal at naiwan kaming tatlo ni Solomon at Jasmine sa bahay. "Mag madali kayo habang naka taas pa ang araw" sabi ni Solomon sa amin na naghahanda narin ito "salamat Solomon" sabi ko sa kanya "hindi, ako dapat ang magpasalamat sayo, Isabella" sabi niya sa akin "bakit?" tanong ko.

"Kung hindi dahil sa'yo, matagal na sigurong nawala si Julian" sabi niya na napangiti ako dahil kapangalan at kamukha ko ang naging kasintahan ni Julian noon. "Mag ingat ka Solomon" sabi ko sa kanya "huwag niyo na akong alalahanin, magmadali kayo" sabi niya sa amin na nagbukas ng portal si Jasmine papunta sa apartment ko at pumasok na kami sa loob at lumabas kami sa sala. "Ano ba ang ginagawa natin dito?" tanong ni Jasmine sa akin na sumunod siya sa kwarto ko "tulongan mo ako" sabi ko sa kanya na inangat namin ang kama ko at nung naalis na namin ito sa bedframe nanlaki ang mata niya nung makita ni Jasmine ang nakatagong mga armas sa ilalim nito.

"Ang dami nito" sabi niya sa akin "hehehe stash ko ito" sabi ko sa kanya na kinuha ko ang duffle bag sa kabinet at pinasok ang mga baril na magkasya sa bag at mga bala nito. "Me isang lugar pa tayong dadaanan kung maari?" tanong ko sa kanya "walang problema, Issa" sagot niya na nagbukas siya ng portal at lumabas kami at nakatyo sa harap ng malaking pintuan "Issa, hindi ako pwede dyan" sabi ni Jasmine sa akin "pasensya na, ako na ang bahala dito" sabi ko sa kanya na bigla nalang nawala sa paningin ko si Jasmine kaya pumasok na ako sa loob. Naglakad ako sa gitna ng isle at nakita ko ang taong pakay ko "Father Henry!" tawag ko sa kanya na napalingon ito sa akin "oh, Issa ikaw pala" nagmano ako sa kanya "ano ang maipaglilingkod ko sa'yo?" tanong niya sa akin.

"Father, konting favor lang po" sabi ko na binaba ko ang duffle bag sa upoan at binuksan ko ito na nanlaki nalang ang mga mata niya nung makita ang laman nito "Dyos ko, me gyera ka bang pupuntahan?" tanong niya sa akin na natawa lang ako. Pinabasbasan ko sa kanya ang mga gamit ko pati narin ang mga bala nito at pagkatapos humingi ako ng isang bote ng aqua bendita just incase lang. "Issa, anak kung ano man ang pinaplano mo please huwag mo na ituloy" sabi ni Father Henry sa akin. "Alam ko po ang ginagawa ko Father and babala lang po me parating na lunar eclipse advise ko po sa inyo na manatili kayo sa loob ng kombento niyo" sabi ko sa kanya na napasign of the cross siya. Pagkalabas ko ng simbahan biglang sumulpot muli si Jasmine at tinaas na niya ang kamay niya sakto lang na makita kami ni Father Henry na pumasok sa portal at hinimatay ito.

Samantala, "hindi ko na nararamdaman si Boyet" sabi ni Olivia sa kanang kamay niya "hmm… " lang ito at tumayo sa kinauupoan niya at napangiti ito "bakit?" tanong ni Olivia sa kanya "hindi mo ba napapansin?" tanong ng tauhan niya. "Grrr… wala na si Boyet… at hindi ko narin nararamdaman ang kapangyarihan ni Elizabeth! Ano ba ang nangyayari sa kanila?" tanong ni Olivia "hehehe.." natawa nalang ang tauhan niya. "Hindi nakakatawa ang sitwasyong ito" galit na sabi ni Olivia sa kanya "Julian… " sabi nung kanang kamay niya "kahit kelan buwisit talaga ang taong yun" galit na sabi ni Olivia na tinawag niya ang isa pa niyang tauhan at inutusan itong ipatawag si Don Enrico.

Napangiti lang ang kanang kamay ni Olivia habang galit na galit naman ang Reyna sa pangyayaring ito "tingnan natin kung matatawa ka pa ba" sabi ng Reyna na binuksan nito ang itim na kurtina sa likuran nila at nagbago ang expression sa mukha ng kanang kamay niya. "Kay gandang tanawin, hindi ba?" sabi ni Olivia sa mga nakahelerang naka kwadradong salamin sa harapan nila na laman nito ang mga tauhan ng kanang kamay niya. "Malapit mo na silang makapiling muli…" sabi ni Olivia na biglang bumukas ang mga mata nila at nakita ng tauhan niya ang mga pulang mata nitong nakatingin sa kanya "….pi…nu….no…." bigkas ng isa na nasa harapan niya. "Pagbabayaran mo ito, Olivia" sabi ng tauhan niya "hindi man ako ang kikitil sa buhay mo, alam kong ang ligasiya ko ang sisingil sayo" sabi ng kanang kamay niya. "HAHAHAHA! Tingnan lang natin kung sino ang mauuna sa amin" sabi ni Olivia sa kanya.

Nakarating na kami sa gubat ni Haring Narra at nakita namin si manang at Haring Narra "mabuti naman at nakarating na kayo" sabi ni manang sa amin na nakita nito ang dala kong bag. "Ano ba ang laman niyan?" tanong ni manang sa akin na natawa lang si Jasmine "nay, mga laruan niya" sabi nito na natawa lang din ako "manang, ang kapatid ko po?" tanong ko sa kanya "nasa silid, inaasikaso ng mga taong puno" sabi niya. "Nasaan ang mga taong Lobo?" tanong ko "bumalik na sila sa Tribu nila para maghanda sa darating na digmaan" sabi ni manang "ganun ho ba? Si Julian?" tanong ko "me dinalaw lang sandali" sabi ni Haring Narra "aw, patawad po Haring Narra kung hindi po ako nagbigay respeto sa inyo" sabi ko sa kanya "walang anuman yun, Isabella" nakangiting sabi niya sa akin.

Nagpaalam muna ako sa kanila para puntahan ko si Elizabeth at nakita ko itong nakahiga sa maputing kama na napapaligiran ito ng mga tauhan ni Haring Narra "sis!" tawag niya sa akin na agad itong bumangon. "Ilayo mo ako sa kanila" natatakot nitong sabi sa akin "sis, ok lang hindi ka nila sasaktan" sabi ko sa kanya "ginagamot lang namin ang mga pasa at sugat niya" sabi ng isang taga gamot "pasensya na kayo" sabi ko sa kanila na ngumiti lang sila sa akin. "Sis, nasaan ba tayo?" tanong ni Elizabeth sa akin "nasa kaharian tayo ng mga taong puno sis" sabi ko sa kanya "kami na ang bahala sa kanya Isabella, kailangan naming gamutin ang sugat niya sa ulo" sabi nung taga gamot "sis, mahiga kana ulit" sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo na silang gamutin siya, Isabella" narinig kong sabi ni Haring Narra sa me pintuan na niyuko ng mga tauhan niya ang mga ulo nila "halika na Elizabeth" sabi nung isang manggamot na sumunod sa kanya ang kapatid ko at pinahiga nila muli ito sa kama. "Hihilumin namin ang mga sugat niya pero aasahan ka naming ikaw ang maghihilom sa puso niya" sabi ni Haring Narra sa akin na napangiti ako "gagawin ko po ang lahat, kamahalan" sagot ko sa kanya na napangiti siya sa akin. Bumalik na kami kina manang Zoraida at Jasmine na nakita kong nilabas na nila ang ibang armas ko "HOY!" sigaw ko sa kanila na nagulat pa sila at nabitawan ni Jasmine ang M16 at bumagsak ito sa sahig at buti nalang hindi ko pa ito nilagyan ng magazine.

Natawa lang sa amin si Haring Narra pati narin ang mga tauhan niya "ano ang ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila na binalik ko sa loob ng bag ang mga gamit ko "Isabella, ang dami namang armas nato" sabi ni manang sa akin. "Manang, gyera po ang pupuntahan natin hindi party" sabi ko "hahaha" natawa lang si Jasmine "hindi mo kailangan magdala ng maraming gamit, Isabella" sabi ni Haring Narra sa akin. "Alam ko po mahal na Hari pero pagdating sa pamilya ko gagawin ko po ang lahat para mailigtas ko sila" sabi ko sa kanya "ang papa mo" sabi niya "kahit na naging masama siya sa aming magkapatid, ama parin namin siya" sabi ko sa kanya. "Magkapatid nga kayo" sabi ni manang sa akin na napangiti ako.

Samantala, naglalakad si Julian sa dating lugar ng mga Bailan at tumayo siya malapit sa itim na lupa kung saan sinunog ang mga magulang niya, lumuhod si Julian at nilagay niya ang palad niya sa lupa at pinkit ang mga mata niya. Umihip ang hangin at nararamdaman niya ang sinag ng araw ng biglang me sumundot sa noo niya kaya napadilat siya at nakita niya ang mukha ng matanda na nakangiting nakatingin sa kanya. "HAH!" nagulat si Julian kaya napatumba siya at napaupo sa lupa "bwahahahaha" tumawa ang matanda at tumayo ito at tumingin sa paligid "aaahhh… sa wakas nakapunta narin ako dito" sabi ng matanda. "Ah.. uhm…a.. ano ang ginagawa niyo dito?" takang tanong ni Julian sa kanya na ngumiti sa kanya ang matanda.

"Tahanan natin ito, hindi ba?" tanong ng matanda sa kanya "ah…" hindi nakasagot si Julian at tumayo nalang siya "akala ko ba hanggang sa Isla ka lang?" tanong ni Julian sa kanya "hmm?" lang ang matanda. "Sabi ko.." "narinig ko ang sinabi mo" pagputol ng matanda sa kanya "isa akong Bailan kung nakakalimutan mo na yun? Kung nasaan ang Kuro nandun rin ako" sabi ng matanda sa kanya. "Ganun ho ba?" tanong ni Julian na bigla nalang siyang hinagisan ng stick ng matanda at mabuti nalang nasalo niya ito kundi tumama ito sa mukha niya. "Ano ang gagawin ko nito?" tanong niya "nakikita kong isa kana muling Bailan" sabi ng matanda "pansamantala lang ito" sagot niya "pwes, hindi natin sasayangin ang pagkakataong ito" sabi ng matanda sa kanya na hinubad nito ang nakabalot na tela sa katawan niya.

"Te.. teka.. se.. seryoso kayo?" gulat na tanong ni Julian sa kanya "bata, hindi nagbibiro ang Bailan pagdating sa labanan, kaya…. (ngumiti ang matanda sa kanya sabay sabing) HUMANDA KA!" sabi nito at umatake siya. Naglaban sila ni Julian na hindi niya mahabol ang bilis ng galaw at hampas ng matanda sa kanya "ARAY! ARAY! ARAY!" panay sigaw sa sakit si Julian sa tuwing tinatamaan siya ng stick ng matanda. "GRAAAHHHH" sumigaw si Julian at umatake siya ng biglang umilag sa kaliwa ang matanda at bigla itong yumuko at tinutok ang dulo ng stick niya sa leeg ni Julian "hahaha.. panalo ako" pang iinis ng matanda sa kanya. Tinulak palayo ni Julian ang stick ng matanda na gayun din itong lumayo sa kanya "ang problema mo kasi bata palagi kang nag-iisip" sabi ng matanda sa kanya.

"Tumahimik ka!" galit na sabi ni Julian na umiling lang ang matanda "hindi mo malalampasan ang antas ni Lorenzo o maabot man lang kung ganyan ka mag-isip" sabi ng matanda sa kanya. "Sabi ng tumahimik ka!" galit na sabi ni Julian na umabante siya at tumalon sa ere sabay bato ng stick niya sa matanda na hinampas niya ito para hindi siya matamaan. Tumalon din siya at sinalubong si Julian sa ere sabay tadyak niya sa binata na tinamaan niya ito sa dibdib dahilan kaya malakas ang pagbagsak ni Julian sa lupa. "Hmmm.." lang ang matanda nung tiningnan niya si Julian na gumugulong sa lupa habang hinihimas ang dibdib niya.

"Gaya ng sinabi ko…" naputol nalang ang matanda nung umikot si Julian para bigyan ng leg sweep ang matanda na walang effort itong tumalon at dumapo sa dibdib ni Julian na napasigaw ang binata sa sakit. "Gaya ng sinabi ko, hinding-hindi mo maaabot ang antas ng galing ni Lorenzo kung ganyan ka lumaban" sabi muli ng matanda kay Julian na ngayon ay pilit inaalis ang matanda sa ibabaw niya. Tumalon ang matanda at hinayaan niyang nakahiga si Julian sa lupa na dahan-dahan narin itong tumayo "Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan niyo, totoo ngang masama kung ang mga Bailan ang makakaharap niyo" sabi ng matanda kay Julian.

"Matatalo namin sila, makikita mo!" sabi ni Julian sa matanda na napabugnot nalang ito at sabing "hindi mo nga ako matamaan" sabi ng matanda sa kanya na napatingin sa lupa si Julian sa hiya. "Tandaan mo bata, isa lang ako at sa edad kong ito hindi mo pa ako matalo-talo o matamaan ano pa kaya ang mga binatang Bailan" sabi ng matanda na tumingin sa kanya si Julian "na nasa mismong primo nila, tandaan mo ito, hindi aswang ang dapat mong pagkakaabalahan, kundi ang mga Bailan" babala ng matanda sa kanya. "Mapapatay ko silang lahat" sabi ni Julian sa kanya na umiling lang ang matanda "alam mo ba kung ano ang kahinaan ng isang Bailan?" tanong ng matanda sa kanya na hindi nakasagot si Julian.

"Kamatayan!" sabi ng matanda "alam mo din ba kung bakit pinagbabawal sa ating mga Bailan ang maging imortal?" tanong ng matanda "dahil inaalis nito ang kahinaan natin, kung hindi tayo mamatay me posibilidad itong mawawala sa balanse ang takbo ng kalikasan" paliwanag ng matanda sa kanya. "Bakit parang ang taas ata ng tingin mo sa lahi natin?" tanong ni Julian sa kanya na ngayon ay nakatayo na "dahil, iniluwal tayo sa mundong ito para magbalanse sa takbo ng kalikasan, tingin mo ba kung bakit tinanggap ni Lorenzo ang kamatayan kesa mabuhay kasama ka?" tanong ng matanda sa kanya. "Bakit?" tanong ni Julian "dahil kailangan niyang mamatay para mabuhay ka" paliwanag ng matanda sa kanya na napatingin si Julina sa itim na lupa.

"Ama" sabi ni Julian na nalungkot ang matanda "hmm…" lang ang matanda at tumingin din siya sa itim na lupa na malapit lang sa kinatatayuan nila "ano ang gagawin ko ngayon?" tanong ni Julian sa matanda. "Isa lang" sagot ng matanda "ano?" tanong niya "dumaan ka sa ritwal ng Kuro" sabi ng matanda sa kanya "paano?" tanong niya "sumama ka sa akin sa Isla, doon ituturo ko sa'yo ang lahat ng dapat mong malaman" sabi ng matanda sa kanya na napalingon si Julian sa direksyon ng kaharian ni Haring Narra. "Alam ko ang iniisip mo, para din ito sa kanya" sabi ng matanda na alam ni Julian kung sino ang tinutukoy niya. "Isabella…" sabi ni Julian, tumalikod ang matanda at biglang me bumukas na portal patungo sa Isla ng Kuro "tayo na" yaya ng matanda sa kanya na tumingin muna si Julian sa malayo bago siya sumunod sa matanda at sumara na ito.

"Mahal na Reyna, nandito na po si Enrico" balita ng tauhan niya "ano ang maipaglilingkod ko sa'yo, kamahalan?" tanong ni Enrico "nalalapit na ang gabi ng eclipse Enrico, kailangan ko makuha ang Aklat ng Dilim bago pa dumating ang gabing yun" sabi ni Olivia. "Pero kamahalan hindi natin alam kung nasaan ito" sabi ni Enrico "alam ko kung nasaan, nasa kaharian ni Narra" sabi ni Olivia na napaisip si Enrico. "Ano po ang gusto niyong gawin ko?" tanong niya sa Reyna "sa sitwasyong ito alam ko na kung sino ang ipapadala ko" sabi ni Olivia na lumingon siya sa kanan niya "ako?" tanong ng tauhan niya na humarap si Olivia sa kanya "alam mo na ang gagawin mo" sabi ni Olivia sa kanya.

"Paano kung hindi ako susunod?" sabi ng tauhan niya na patuloy lang sa paglakad si Olivia patungo sa limang quadradong salamin na me lamang tao at me pinindot siya kaya nagdrain ang tubig nito at bumuba ang salamin. "Wala kang magagawa, nakabakas sa dibdib mo ang ensinya ko" sabi ni Olivia sa kanya na tiningnan lang siya ng masama ng kanang kamay niya "sapat na siguro ang lima" sabi ni Olivia na tumalon pababa ang limang tao sa sahig at yumuko ito sa harapan niya. "Ano ang iuutos mo sa amin, mahal na Reyna?" tanong nung isa na nasa harap niya "kunin niyo ang Aklat ng Dilim at ibigay niyo ito sa akin" utos ni Olivia sa kanila.

"Masusunod, kamahalan!" sabay sagot nilang lima na lumingon sila sa kanang kamay ni Olivia "masusunod, kamahalan" sabi nito at umalis na silang anim. "Mahal na Reyna, tama ho ba ang desisyon mong ipadala sila? Hindi sa me pagduda ako sa kakayahan nila pero anim lang?" tanong ni Enrico sa kanila "Enrico, Enrico, Enrico wala ka talagang tiwala sa akin" sabi ni Olivia sa kanya na umupo muli ito sa upoan niya. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa inyo pero alam nating maraming mga taong Lobo at Taong Puno ngayon ang nagbabantay sa aklat" sabi ni Enrico "magtiwala ka Enrico, tingnan mo bukas bitbit na nila ang Aklat ng DIlim" nakangiting sabi ni Olivia.

Hinanda ko na ang mga armas ko at sinimulan ko naring lagyan ng mga bala ang mga magazines at inayos ko din ito sa loob ng duffle bag para madali ko itong mailabas kung kinakailangan. "Naghahanda kana talaga ha, Isabella?" tanong ni manang Zoraida sa akin "oo manang, gusto ko pong makatulong kahit paano" sabi ko sa kanya napansin kong tumitingin siya sa paligid "bakit manang?" tanong ko. "Hindi pa ba bumalik sa Julian?" tanong niya sa akin "hindi ko alam, hindi ko nga alam kung saan siya nagpunta" sagot ko sa kanya "wala na si Julian" sabi bigla ni Haring Narra "ANO?!" sabay naming sabi ni manang.

"Paano nawala si Julian?" tanong ni manang sa kanya "binalita lang sa akin ng mga puno na me parang nakalaban daw si Julian sa lugar ng mga Bailan at ang sumunod ay bigla nalang itong nawala" sagot ni Haring Narra. Kumuha ako ng 45 sa bag at nilagay ko ito sa holster ko "manang pakibantay lang nito ha?" sabi ko sa kanya "teka, saan ka pupunta?" tanong niya sa akin "pupunta ako ng Kuro!" sabi ko sa kanya habang nagmamadali akong lumabas ng palasyo. "Isabella!" tawag sa akin ni Dante nung makita niya ako "Dante" sabi ko "Heneral!" sabi ng tauhan niya "Victor, bumalik ka sa pwesto mo" utos ni Dante sa kanya.

"Pasensya kana sa tauhan ko" sabi ni Dante sa akin "wala yun" sagot ko "saan ka ba pupunta at tila nagmamadali ka ata?" tanong niya "pupunta ako ng Kuro, balita ni Haring Narra nawawala daw si Julian" sabi ko na nagulat siya. "VICTOR!" tawag agad niya sa tauhan niiya "opo, Heneral?" "ibalita sa mga tauhan natin na nawawala si Julian, ipakalat sila para maghanap!" utos ni Dante "masusunod Heneral" sagot niya na agad itong umalis. "Samahan na kita" sabi ni Dante sa akin na naging Lobo siya "sumakay kana sa likod ko para mabilis tayong makarating" sabi niya na agad akong sumakay at umalis na kami.

Habang nasa daan sumabay sa tabi ni Dante at tatlong Lobo "Heneral, saan ang punta niyo?" tanong nito "Ramir, pupunta kami ng Kuro, balita ni Haring Narra nawawala si Julian" balita niya "sasabay na kami ni Raul at ni Mariz" sabi niya. Sumunod sila sa amin papunta sa Kuro at maya-maya lang ay nakarating na kami dun na agad akong tumalon at tumakbo papunta sa lugar kung saan alam kong nakatambay si Julian. "Wala siya dito" balita ko sa kanila na naging tao na sila "baka naman naglalakad-lakad lang siya" sabi ni Raul "me bakas na me naglaban dito" sabi ni Ramir nung nakita niya ang mga hugis ng paa sa lupa.

"Isa lang ang naaamoy ko dito, kay Julian lang" sabi ni Mariz "hmm… ano ba ang sabi ni Haring Narra?" tanong ni Dante "binalita daw ng tauhan niya na nawawala nalang daw bigla si Julian" sabi ko. Habang nagmamasid kami sa lugar biglang me gumalaw na puno at lumapit ito sa amin "patawad kung ginulat ko kayo" sabi ng puno sa amin na napamangha ako dahil nagsasalita ito "walang anuman yun" sabi ni Dante sa kanya. "Naririnig ko kasi ang pangalan ni Julian" sabi nito "oo, alam mo ba kung saan siya nagpunta?" tanong ko sa kanya "hindi ko alam kung saan, pero kanina dito me kausap siya" sabi sa amin ng puno.

"Hindi mo ba nakita kung saan nagpunta si Julian?" tanong ko sa kanya "hindi ko alam, pasensya na" sagot nito sa akin "no, ok lang" sagot ko sa kanya na nginitian ko siya na ngumiti din ito sa akin. "Wala ka bang ibang nakita na kasama niya dito o umaaligid man lang?" tanong ni Dante sa kanya "wala Heneral" sagot ng puno "pero, me narinig ako at sana mapatawad ako ni Julian sa hindi ko sadyang marinig ito" sabi ng puno. "Wala kay Julian yun, sabihin mo sa amin kung ano ang narinig mo" sabi ko sa kanya "me binanggit siya tungkol sa ama niyang si Lorenzo at sa mga Bailan" kwento sa amin ng puno.

"Bailan? Ano pa ang narinig mo?" tanong ni Ramir sa kanya "kuya!" tawag ni Raul sa kanya "ano yun?" tanong niya "bakas ng paa at amoy ni Julian ito" sabi ni Raul sa kanya na lumapit kami dun. Sinundan namin ang yapak ni Julian at nakita namin ang huling paa niya at wala na itong kasunod, nagkatinginan kaming lahat "bumalik na kaya ang kapangyarihan niya?" tanong ni Mariz sa amin "imposible" sabi ni Dante na tumingala kaming lahat "dilat na dilat ang araw, imposibleng naging bampira muli siya" dagdag niya. "Kung naging bampira ulit siya dapat me sunog na.." hindi nalang tinuloy ni Raul nung tumingin siya sa akin.

"Hindi, hindi naging bampira muli si Julian" sabi ko sa kanila na napatingin sila sa akin, bumalik ako sa puno na tumingin ito sa akin at nginitian ako "mahal na puno, hindi ba nabanggit niyo kanina ang tungkol sa Bailan?" tanong ko sa kanya. "Ah.. oo" sagot niya "pwes, alam ko na kung nasaan si Julian ngayon" sabi ko sa kanila "nasaan, Isabella?" tanong ni Dante sa akin "me nabanggit sa akin si Julian dati tungkol sa isang matanda na nakausap niya sa isang Isla" sabi ko na tumingala ako sa punong nakausap namin "salamat mahal na puno" sabi ko sa kanya "ah.. walang anuman magandang binibini" nakangiting sabi nito sa akin at bumalik na ito sa pwesto niya.

Nakita naming binaon niya ang ugat niya sa lupa at lumingon ito sa amin "nakatanggap ako ng utos sa mahal na Hari na pinababalik na kayo ng palasyo" sabi niya sa amin "maraming salamat!" sabi namin sa kanya. Naging Lobo na muli sila at sumakay na ulit ako kay Dante at bumalik kami sa palasyo ni Haring Narra, pagdating namin sinalubong kami nina Haring Narra at manang Zoraida "binalita sa akin ng isa sa mga puno ang nasaksihan niya, alam ko na Isabella" sabi ni Haring Narra sa akin. Nalungkot ako dahil hindi man lang nagpaalam sa akin si Julian "huwag mo na isipin yun Isabella, alam kong me malaking dahilan si Julian para gawin niya ito" sabi sa akin ni Dante na napangiti ako.

"Dante" tawag ni Ingkong Romolo "Ingkong!" sabi ni Dante na niyuko nilang apat ang ulo nila na kinaway lang ni Ingkong Romolo ang kamay niya "ano na ang balita?' tanong niya. "Hindi maganda Ingkong" sabi ni Dante na binalita niya lahat kay Ingkong Romolo ang nangyari sa amin sa Quezon City at tungkol sa kapatid ko din. "Hmm… kumusta na ang kapatid mo, Isabella?" tanong ni Ingkong "mabuti na siya ngayon, nagpapahinga siya at inaasikaso ng mga tauhan ni Haring Narra" sagot ko "mabuti naman kung ganun, teka, nasaan ang batang yun?" tanong niya. "Si Julian?" tanong ni manang Zoraida "oo" sagot niya.

Bumulong si Dante sa kanya na tumango lang siya at napakamot sa baba niya "mga Bailan ha" sabi niya na napansin kong napaisip silang lahat "patawad Haring Narra" sabi ng tauhan niya. "Me natanggap kaming balita na me anim na taong papalapit sa palasyo" balita ng tauhan niya. "Kami ang bahala sa kanila" sabi ni Ingkong Romolo "magkaalyado tayo, Haring Romolo kaya tutulongan namin kayo" sabi ni Haring Narra "hmp! Anim na tao lang" sabi ni Ingkong Romolo na pagkatapos magpaalam umalis na agad sila kasama ang mga tauhan niya. Napatingin si Haring Narra sa itaas na parang me pumasok sa isipan niya "ROMOLO!" biglang tawag ni Haring Narra sa kanya na hindi na siya narinig nito dahil mabilis itong umalis sa kaharian niya.

"Ano ang nangyari sa'yo Narra?" tanong ni manang sa kanya "nanganganib silang lahat" sabi niya na agad siyang lumabas at tinawag ang mga tauhan niya "masusunod kamahalan" sagot ng mga tauhan niya at nagsialisan na ito. "Narra! Ano ba ang nangyayari?" tanong ni manang na pati kami nagulohan sa kanya "sa taas tayo" sabi niya na sumunod kami sa kanya sa tore at tumingin kami sa direksyon ng mga Lobo. "Sabihin mo sa amin kung ano ang nangyari?" tanong ni manang sa kanya na kita naming me tinitingnan ito sa malayo "ayun!" sabay turo niya na nakita namin ang maraming Lobo na nagmamadaling bumalik sa kaharian niya.

Agad tumalon si Haring Narra mula sa tore na sinalo siya ng malaking puno at binaba siya nito sa lupa "mahal na Hari, haahhh..haahhh.." hinihingal ang Lobong humarap sa kanya "nasaan si Romolo?" tanong agad ni Haring Narra. Nagmamadali kaming bumaba nina manang at Jasmine at tumayo sa likod ni Haring Narra, nakita namin ang maraming sugatan na Lobo at me isa na doon mismo sa harapan namin binawian ng buhay. "Ma.. malakas ang kalaban namin" sabi ng isang Lobo na me narinig kaming alolong ng isang Lobo sa malayo "ROMOLO!" sigaw ni Haring Narra na mabilis itong tumakbo papunta sa kanya.

"NARRA!" sigaw ni manang Zoraida na agad kaming sumunod sa kanya "NARRA!" tawag ni manang sa kanya na hindi ito nakinig at nadaanan namin ang maraming patay na Lobo at yung iba ay sugatan na gumagapang pabalik sa palasyo. Nakita naming nagpalit ng damit si Haring Narra at naging espada ang mahabang kahoy na hawak niya at inatake niya ang isang tao na nadaanan niya "Isabella!" tawag sa akin ni manang na hinugot ko agad ang baril ko at naghanda. Nakita namin si Dante na tinutulongan niyang itayo si Ingkong Romolo habang nakalaban naman ni Haring Narra ang isang nakaitim na tao. "Isabella!" tawag sa akin ni Dante na agad kong binaril ang mga nakaitim na tao na parang wala lang sa kanila nung ginamit nila ang espada nila para hindi matamaan sa bala ko.

Bigla silang umatras at hinayaan nilang lumaban ang isa pang nakaitim kay Haring Narra na nag espadahan silang dalawa at nung nag-abot ang espada nila bigla siyang naitulak nito kaya napaatras si Haring Narra sa amin. Lumapit sa nakalaban ni Haring Narra ang lima at tumayo ito sa likuran niya "ano ang kailangan niyo?" tanong ni Haring Narra sa kanila "ang Aklat ng DIlim!" sabi nung nasa harap "hmp! Hinding-hindi niyo makukuha ang Aklat ng Dilim" sabi ni Haring Narra sa kanila "hahaha.." bigla itong tumawa at humakbang ng dalawang beses palapit kay Haring Narra na nagulat ang Hari sa ginawa niya.

Umatake si Haring Narra at naglaban muli silang dalawa na natamaan siya sa balikat at sa kanang kamay niya kaya napaatras si Haring Narra at nakatayo lang ang kalaban niya na parang wala lang ito. "Magaling ka" sabi ni Haring Narra sa kanya "hmm…" lang ang sinagot ng kalaban niya at lumingon ito sa limang nakaitim sa likuran niya na niyuko nila ang ulo nila at mabilis itong tumakbo papunta sa palasyo ni Haring Narra. "Kami ang bahala sa kanila" sabi ni Dante na naging Lobo muli sila ni Ingkong Romolo at hinabol nila ang lima habang naiwan naman kaming tatlo ni Haring Narra at manang Zoraida para sugpoin ang lider nila.

Nakita naming nakatingin ito sa mga tauhan niya bago ito lumingon sa amin at tinaas ang espada niya at nagulat kami nung binitawan niya ito at bumagsak ito sa lupa "ano ang binabalak mo?" tanong ni Haring Narra sa kanya. Pumorma lang ito na parang magboboxing at naghihintay ito kay Haring Narra "Narra" tawag ni manang sa kanya na bigla nalang natahimik at hindi na umimik si Haring Narra "kamahalan?" tawag ko sa kanya na nakita ko ang mukha niya na parang nakakita siya ng multo. Nakanganga ang bibig niya at nanlaki ang mga mata niya "Narra, ano ba ang nangyayari sa'yo?" tanong ni manang sa kanya.

Biglang binitawan ni Haring Narra ang espada niya at humakbang ito palapit sa naghihintay naming kalaban at ginaya ni Haring Narra ang porma ng kalaban niya at nung malapit na siya bigla silang nagsuntokan. Nagboxing silang dalawa at parang kilala nila ang isa't-isa dahil kita naming alam nila ang bawat techinique nilang dalawa, nakatingin lang kami ni manang at hinayaan namin silang maglaban. Natamaan si Haring Narra sa mukha na sunod-sunod naman ang combination na tumatama sa katawan niya kaya napaatras si Haring Narra palayo sa kanya na agad naman umabante ang kalaban niya na dumepensa si Haring Narra para hindi siya matamaan sa suntok nito.

Pinahiran ni Haring Narra ang dugong dumaloy sa gilid ng bibig niya at ngumiti siya "hindi ko alam kung paano, pero… natutuwa akong nakalaban kita" sabi ni Haring Narra sa kalaban niya. Pumorma muli si Haring Narra at umatake ulit ang kalaban niya na pilit niya itong tamaan pero hindi lumalanding ang mga suntok niya sa bilis ng galaw ng kalaban niya. Kaya nung natamaan muli si Haring Narra sa sunod-sunod na suntok ng kalaban niya umatras siya sa amin at napasandal kay manag Zoraida. "Narra.." sabi ni manang "maayos lang ako, Zoraida" sabi niya kay manang na nakatayo lang ang kalaban ni Haring Narra at tumingin sa kanila.

"Hmmm… bagay nga talaga kayo" sabi nito sa kanila "a..ano ang sabi niya?" tanong ni manang "Zoraida, wala ka bang naalala sa kanya?" tanong ni Haring Narra sa kanya "ha?" tanong ni manang. "Hindi mo ba nakikita kung sino siya?" tanong ni Haring Narra sa kanya na tiningnan ng mabuti ni manang ang taong nasa harapan namin at napansin kong biglang nagbago ang expression ng mukha niya na tila me naalala ito. "Dyos ko… " sabi bigla ni manang "hindi ba tama ako?" tanong ni Haring Narra sa kanya "ano ba ang pinagsasabi niyo?" tanong ko sa kanila na lumingon sa akin ang taong nakaitim at tumigin ito sa kanila na bigla nalang nitong inalis ang takip sa mukha niya at nakita namin ang mukha niya "si.. sino ka?" tanong ko "Isabella… ipinakikilala ko sa'yo… ang ama ni Julian…si Lorenzo" nanghihinang pakilala ni manang.

Itutuloy…..