1. Home
  2. Stories
  3. Harapin Ang Liwanag! Chapter XXV
Filipino Sex Stories

Harapin Ang Liwanag! Chapter XXV

By anino ·

Chapter XXV: Father and Son II

Nagulat sina Lorenzo at Haring Narra nung sumulpot si Julian sa pagitan nilang dalawa kaya inatras ni Lorenzo ang espada niya at tumalon siya palayo sa dalawa "pa.. paano.." gulat na tanong ni Lorenzo dahil hindi niya naramdaman si Julian. Tumayo si Julian at humarap siya sa ama niya "ok lang ho ba kayo, Haring Narra?" tanong ni Julian sa kanya na dahan-dahan itong tumayo at dinampot ang espada niya. "Ah!" nagulat ang Hari nung tiningnan niya si Julian "parang.. me nagbago sa batang ito" sabi ni Haring Narra sa sarili niya "maayos lang ako, Julian" sagot niya "sila na ang bahala sa inyo, kamahalan" sabi ni Julian.

"Sila?" takang tanong ni Haring Narra na bigla nalang me umangat na mga tao mula sa lupa "ma… mga Bampira…" gulat na sabi ni Haring Narra "mahal na Hari" sabi nung isang Bampira na binigay niya ang kamay niya kay Haring Narra. "Ma..maayos lang ako hindi ko na kailangan ang tulong niyo" sabi ni Haring Narra sa kanila "hindi kamahalan, importante kayo sa labanang ito iniisip ko lang ang kaligtasan niyo" sabi ni Julian sa kanya habang kaharap niya si Lorenzo. "…A…anak… natutuwa akong nagkita na tayo ngayon sa wakas.." nakangiting sabi ni Lorenzo sa kanya na nginitian din siya ni Julian "Heneral!" tawag ng isang Bampira kay Lorenzo na natuwa siya dahil naalala pa pala nila siya.

"Kumusta na kayo? Maayos lang ba ang buhay niyo?" tanong ni Lorenzo sa kanila "maayos lang po, Heneral" sagot ng Bampira "Benel, alam niyo na ang gagawin niyo" sabi ni Julian sa kanila "masusunod, Julian" sagot ni Benel sa kanya. "Tara na po Haring Narra" sabi niya sa Hari "hindi, lalaban pa ako" sabi ng Hari "hayaan na natin po silang magkaharap, karapatan ni Julian ang harapin ang ama niya" sabi ni Benel sa kanya. "Kapitan, narating na po ng mga tauhan natin ang ibang lokasyon" balita ng isa sa tauhan niya "magaling, tayo na po mahal na Hari" sabi ni Benel kay Haring Narra. "Sige… Julian.." tawag niya "wag kayong mag-alala Haring Narra, nasa likod ko ang liwanag" sabi ni Julian sa kanya sabay lingon niya sa Hari ang nginitian niya ito.

Umalis na sila Haring Narra kasama ang mga Bampira at ngayong wala ng sagabal sa kanilang dalawa "paano mo naitago ang presensya mo, anak?" tanong ni Lorenzo sa kanya na lumingon si Julian sa espada na nasa likod niya. "Katulad yan ng espadang naramdaman ko kanina" sabi ni Lorenzo na tumango si Julian at kinuha niya ito sa likuran niya "ang espadang ito ay ang espada ng ating ninuno, si Una" kwento ni Julian. "Kalahati lang ito sa espada ng alamat, ang espadang ginamit ni Una at ni Lucille para talonin si Hilda" paliwanag ni Julian "magaling" sabi ni Lorenzo na tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Julian at natuwa siya.

Pinikit ni Lorenzo ang mga mata niya "nararamdaman kong lumalakas ang aura mo anak, pati narin ang espirtwal mong kapangyarihan" sabi ni Lorenzo sa kanya at binuka niya ang mga mata niya at seryoso itong tumingin kay Julian. "Ang tanong, kaya mo bang talonin ang kapangyarihan ko?" tanong ni Lorenzo sa kanya na bigla nalang nabalutan ng pulang aura ang buong katawan niya at yumanig ang lupang kinatatayoan nilang dalawa. "Hmp! Tingnan natin" sagot ni Julian na bigla me bumalot na asul na aura sa katawan niya at pareho silang naghanda para sa laban nilang dalawa. "Matagal ko ng pinangarap ito, anak" sabi ni Lorenzo na hinugot niya ang pangalawang espada sa likuran niya "ako din" sagot ni Julian na dalawang espada narin ang hawak niya.

"Humanda ka, JULIAN!" sigaw ni Lorenzo "ikaw din… LORENZO!" sigaw din ni Julian na sabay silang umabante at nung nag-abot sila sa gitna bigla nalang sumabog ang paligid nila nung nagtama ang mga espada nila. Naramdaman ito ni Marawi kaya natawa ito "hahaha… tingnan mo nga nagkita na pala ang mag-ama" sabi niya na pilit niyang gumalaw para makawala sa espada ni Benzon. "Hindi ka makakaalis sa espada ko, Bailan" sabi ni Benzon sa kanya "hahaha.. hindi mo ata ako kilala, iho!' sabi ni Marawi sa kanya "kilala kita, Marawi ng Kuro, isa sa pinuno at magaling lumaban ng mga Bailan" sabi ni Benzon.

"Pero hindi mo din ata kami kilala kung sino kami sa mga sundalo ni Reyna Lucia" sabi ni Benzon na naging dragon ang apat niyang kasamahan at bumuga ito ng apoy sa ere. Nagulat ako sa nakita ko "manang, sino ho ba sila?" tanong ko kay manang Zoraida "sila ang magiting na mandirigma ni Reyna Lucia, ang limang dragon ng palasyo" paliwanag sa akin ni manang. "HAHAHAHAHAHA" tumawa lang si Marawi na parang natuwa pa ito sa sinabi ni manang "magaling ito.. saktong-sakto" sabi ni Marawi "bakit mo nasabi yan?" tanong ko sa kanya na bigla nalang me bumalot na pulang aura kay Marawi kaya napaatras si Benzon.

Bigla nalang umangat si Marawi at natanggal ang espada ni Benzon sa likuran niya at nakita naming nakatayo na ito at pinapapag niya ang mga dumi sa damit niya. "Hindi niyo naitatanong mga kaibigan ko" sabi ni Marawi sa amin "hindi ako ginawang pinuno ng Kuro dahil sa pagiging pogi ko" nakangiting sabi ni Marawi "ano?!" gulat na tanong ni Benzon sa kanya "hahahaha… ako ang pinakamagaling na mamamatay ng halimaw… alam niyo ba ano ang tawag nila sa akin?" tanong ni Marawi sa amin na nagkatinginan lang kami ni manang. "Ako ang taga sugpo ng mga dragon…" sabi ni Marawi na nakangiti itong hinugot ang pangalawang espada niya "OH SHIT…" napamura nalang ako "Isabella!" tawag sa akin ni manang.

"Tama ka iha" sabi ni Marawi sa akin na bigla nalang nagbago ang isa sa espada niya at naging latigo ito "BENZON! DRAGON SLAYER SIYA!" sigaw ko kay Benzon para ipaalam sa kanila pero huli na dahil bigla nalang nawala si Marawi at siya naman ang pagbagsak ng isa sa tauhan ni Benzon. Nakita naming bigla nalang sumulpot si Marawi sa ulo ng isa sa dragon na pilit nitong inalis ang Bailan pero di niya ito maalis dahil binalot ni Marawi ang latigo niya sa leeg nito at nakangiti pa itong hinampas ang leeg kaya naputol ito at siya ang pagbagsak nito sa lupa. "HAHAHAHAHAHA" natatawa lang si Marawi nung tumalon ito at dumapo malapit sa kinatatayoan ni Benzon.

Napapaligoan na ng dugo si Marawi na dinilaan pa niya ang espada niya at biglang naging itim ang aura niya at naging pula ang kulay ng mata niya "masarap ito, matagal na akong hindi nakapatay ng dragon, salamat kaibigan" sabi ni Marawi kay Benzon. Aabante sana kami ni manang para tumulong pero napaatras nalang kami nung naging dragon si Benzon at hinarang niya ang buntot niya para di kami makaabante. "Kami ang bahala sa kanya, Isabella, kailangan ni Julian ang espada mo, magmadali ka!" sabi ni Benzon sa akin "si Julian!" sabi ko "tutulongan na kita Benzon" sabi ni manang sa kanya.

"Hindi Zoraida, kami ang bahala sa kanya, dalhin mo si Isabella kay Julian, hindi sapat ang kapangyarihan niya para matalo si Lorenzo, kailangan niya ang espadang dala ni Isabella" paliwanag ni Benson. "Paano kayo?" tanong ni manang sa kanya "matagal na kaming handang mamatay noon pa sa pangalan ni Reyna Lucia, nakalimutan namin ito noon pero salamat sa kanya at pinaalala niya ito sa amin" nakangiting sabi ni Benson sa amin. "Magmadali kayo!" sabi niya na hinila ko paalis si manang na kita kong di ito kampanteng iwan sila Benson sa kamay ni Marawi na ngayon ay naghahanda naring umatake.

Samantalang nakarating narin sina Ingkong Romolo sa paanan ng gusali at nakita niya si Haring Helius na nakikipaglaban sa mga Bailan "HELIUS!" tawag ni Ingkong Romolo kasama ang Heneral niyang si Romualdo tinulongan nila si Haring Helius. "Kailangan nating mapasok ang gusali para mapigilan si Olivia" sabi ni Ingkong Romolo "mga kamahalan, kami na ang bahala dito" sabi ni Hen. Romualdo na dumating na din si Haring Narra kasama ang mga Bampirang tumulong sa kanya. "Narra!" tawag ni Ingkong Romolo sa kanya "nandito na si Julian" balita niya sa dalawa "nasaan siya?" tanong ni Haring Helius "kaharap niya ngayon si Lorenzo" sagot ni Haring Narra "kung ganun, wala na tayong ibang gagawin kundi pasokin ang gusali" sabi ni Ingkong Romolo sa kanila.

"Mga kamahalan, gaya ng sinabi ko kami na ang bahala dito sa labas, kayo na po ang bahala sa loob" sabi ni Hen. Romualdo sa kanila "tama po, kami na ang bahala dito" sabi naman ng Heneral ni Haring Helius na si Manibes. "Sasamahan namin kayo sa loob" sabi ng lider ng mga Bampira na me sumulpot na maraming Anino at lumabas sa Anino ang mga Bampira "nakahanap na kami ng daan para makapasok tayo sa loob" balita nito. "Kung ganun, kayo na ang bahala dito, Helius, Romolo tayo na!" sabi ni Haring Narra sa kanila na agad silang kumilos kasama ang mga Bampira at pumasok na sila sa loob ng gusali.

"Hernan!" tawag ni Elizabeth sa kanya "sige, tara na!" sagot ng Kapitan na sumunod sila sa tatlong Hari at pumasok din sila sa gusali "maging alerto kayo, di natin alam kung ano ang meron sa gusaling ito" babala ni Haring Narra sa kanila. "Kamahalan!" tawag ni Kap. Hernan sa Hari niya "Hernan, magbantay kayo ng mabuti" sabi ng Hari "opo, kamahalan!" sagot ni Kap. Hernan na tinutok nila ni Elizabeth ang mga armas nila sa taas habang naglakad sila papunta sa basement ng gusali at nung malapit na sila sa elevator bigla itong bumukas at lumabas mula nito ang grupo ni Don Enrico. "Pa… papa!" nagulat si Elizabeth nung makita siya "hmp! kasama niyo pala ang traydor kong anak" sabi ni Don Enrico sa kanila.

"Sabihin mo sa akin Elizabeth, nasaan ang traydor at suwail mong kapatid?" tanong ni Don Enrico sa kanya na lumabas sa likuran ng Don ang limang tao at naging malalaking aswang ito. "Elizabeth" sabi ni Haring Narra na napangiti ang dalaga "naiintindihan ko, kamahalan" sabi ni Elizabeth "kung ganun, tayo na!" sabi ni Ingkong Romolo na umabante sila at nakipaglaban sila sa mga aswang at hinayaan lang nila si Elizabeth na harapan ang ama niya. "Kap. Hernan, hayaan mo silang harapin ang problema nila, sumunod kana!" sabi ni Haring Helius sa kanya na nagdadalawang isip itong sumunod sa Hari niya.

"Hernan, ok lang ako dito" sabi ni Elizabeth sa kanya na hinawakan siya nito sa kamay at pinsil ito ni Kap. Hernan "sumunod ka!" sabi niya na nginitian siya ni Elizabeth at umalis na si Kap. Hernan. Agad natalo ng tatlong Hari ang mga aswang na di sila pinigilan ni Don Enrico dahil nakatuon ang atensyon nito kay Elizabeth, nung sumara na ang pinto ng elevator humarap agad si Don Enrico kay Elizabeth. "Traydor ka! Binigay ko sa'yo ang lahat, kayamanan, kotse, yung condong tinutulogan mo at ginawa mong pugad para sa pagpuputa mo!" sabi ni Don Enrico sa kanya. "Hindi na ako ang dating Elizabeth na nagpuputa para sa'yo, ama ko!" sagot ni Elizabeth sa kanya.

"Nabawi ko na ang buhay ko sa tulong ni Julian at ni ate Isabella" sabi ni Elizabeth sa kanya "nabawi? HAHAHAHA nagpapatawa ka anak" sabi ni Don Enrico na naglakad silang paikot sa isa't-isa "tingin mo ba nababawi mo na ang buhay mo?" tanong ng Don sa kanya. "OO!" sagot ni Elizabeth "dahil nasa puder ka nila? dahil nawala ang dilim sa kaluluwa mo? nabawi mo na? HAHAHAHAHA" natatawang sabi ng Don sa kanya. Tiningnan ng masama ni Elizabeth ang ama niya at agad niyang tinutok ang armas niya "ipapakita ko sa'yo ang totoong kapangyarihan na binigay sa akin ng mahal na Reyna" sabi ng Don na bigla itong nagbago ng anyo.

Ang dating maputi nitong kutis naging itim ito at dumami ang balahibo sa katawan niya, napunit ang damit niya at tumangkad siya "ito.. ito…. HAHAHAHAHA…" natatawang sabi ng Don na nung tumigil na ito sa pagbabago ng anyo nakita ni Elizabeth ang totoong anyo ng ama niya. "Kaya pala" nakangiting sabi ni Elizabeth "kaya pala, ano?" tanong ng Don "kaya pala ganyan ka kung umasal dahil napakaitim ng budhi niyo!" sabi ni Elizabeth na sinigawan siya ng Don. "AAAAHHHHHH!" sabay abante nito at lumabas ang malalaking kuko niya na agad kinalabit ni Elizabeth ang gatilyo ng M16 niya at kahit tinamaan ang Don sa maraming balang lumabas sa armas niya di parin ito natinag at umabante parin ito kaya agad umilag si Elizabeth.

Gumulong siya sa sahig at kinalabit ang gatilyo ng grenade launcher niya na sinalo lang ng Don ang bala at binato ito pabalik sa kanya dahilan kaya napatalsik siya at tumama siya sa pader nung sumabog ito. Napahinto ako sa pagtakbo nung nakaramdam ako ng parang me kakaibang nangyayari sa loob ng gusali namin "bakit Isabella?" tanong sa akin ni manang "ang kapatid ko!" sabi ko na agad akong tumakbo papunta sa gusali namin "ISABELLA! ISABELLA! BUMALIK KA!" sigaw sa akin ni manang na di ko siya pinansin at binilisan ko ang pagtakbo ko papunta sa gusali namin. "Isabella!" tinawag ako ni Hen. Romualdo na di ko siya pinanasin at pumasok ako sa loob at napahinto nalang ako nung nakita ko si Elizabeth na dugoan ang katawan at mukha nito habang nakahawak sa leeg niya ang kamay ng isang aswang.

"A…a….te…" narinig ko galing kay Elizabeth na lumingon sa akin ang aswang at kita kong parang kakainin na niya ang kapatid ko "BITAWAN MO SIYA!!!" sigaw ko sa aswang na kita kong ngumiti ito. "Sa wakas, nagkita narin tayong tatlo" sabi nung aswang na doon ko lang napansin na papa ko pala ito "pa… papa?" sabi ko na inikot niya sa kamay niya si Elizabeth para mapaharap ko ito at kita kong natutuwa pa siya sa ginawa niya. "Tingnan mo Isabella, ang bangis ng kapangyarihan ko ang kapangyarihan na dapat sana ay sa'yo" sabi ni papa sa akin "walang… walang katumbas na kapangyarihan… kung… kung… ma… mawawala ang kapatid ko!" sabi ko sa kanya na tinaas ko ang espada ko at pumorma ako para atakihin siya.

"Oh? Aatakihin mo ako? Nakakalimutan mo na ata Isabella kung sino ako?" sabi niya sa akin "hinding-hindi ko po makakalimutan kung sino kayo sa akin" naluluha kong sabi sa kanya. Nakita kong bumuka ang mata ni Elizabeth at nakita kong gumalaw ang kamay niya at tinuro nito ang dibdib niya, dahan-dahang gumalaw uli ang kamay niya at tinuro ang dibdib ko at nugmiti siya. "Elli!" tawag ko sa kanya at tinaas na niya ang isa pa niyang kamay at pinagdikit niya ang mga palad niya, naalala ko tuloy nung maliit pa kami "tandaan mo ito ate, ako (turo niya sa dibdib niya) at ikaw (turo niya sa dibdib ko) ay iisa (sabay dikit niya ng mga palad niya)".

"Ano ang ginagawa mo Elizabeth?" tanong ng papa namin na hinarap niya si Elizabeth sa kanya at nakita niyang magkadikit ang dalawang kamay ni Elizabeth "ano yan?" tanong ng Don na pinaghiwalay ng kapatid ko ang mga kamay niya at nanlaki nalang ang mata ng papa namin nung makita niya ang dalawang granadang hawak niya. "ATE!!!" sigaw ni Elizabeth sabay bitaw niya at nahulog ito sa sahig ang dalawang granada na wala na itong pin "PUT…." di natuloy ng ama namin ang sasabihin niya dahil sumabog ang dalawang granada sa paanan niya at sa isang saglit parang me nakita akong mga kamay na humila sa kapatid ko nung tumalon ako sa pader para di matamaan sa pagsabog ng granada.

Tumayo agad ako para tingnan kung ano na ang nangyari at nakita ko ang maraming laman ng isang tao sa buong paligid "ELIZABETH!!!" sigaw ko dahil hindi ko na sila nakita ni papa "a…te…" "ha?" nagulat nalang ako nung marinig ko ang boses niya. Mas lalo akong nagulat nung sumulpot silang dalawa ni Kap. Hernan sa likuran ko "sabi ko sa'yong sumunod ka ang tigas ng ulo mo, kaya sinundo kita dahil alam kong baliw ka" inis na sabi ni Kap. Hernan sa kanya. "He.. he..he… me… resulta.. naman… di ba?" natatawang sabi ng kapatid ko na agad ko silang nilapitan at nagulat nalang ako nung makita kong wala na siyang paa.

"Si.. sis… huhuhu…." naiyak ako sa sinapit ng kapatid ko, agad na nilapatan ng gamot ni Kap. Hernan ang dalawang naputol na paa ng kapatid ko para tumigil ito sa pagdugo "dadalhin ko siya sa labas para magamot siya kaagad" sabi ni Kap. Hernan sa akin. "Sige, huhu… sis" sabi ko "dap…lis.. lang ito.. a..te.." nanghihina niyang sabi na agad tumayo si Kap. Hernan at nagbukas siya ng portal at pumasok na sila. Nakita kong dahan-dahan naring bumuo ang katawan ng ama namin na tila di sapat ang granadang sumabog kanina "hindi kita hahayaang mabuhay, halimaw!" galit ko sabi sa kanya na agad akong tumakbo sa namumuo na niyang katawan at sinaksak ko ito gamit ang espada ko na bigla nalang naging tao si papa at bumalik ito sa anyo niya.

"Ah…I…sa…be…llaaahh.." sabi niya nung tumagos ang espada sa likuran niya at bigla itong lumiwanag na parang nilinis ng espada ang kaluluwa ni papa kaya naging totoong tao na siya "ah…pa… ah…" nauutal niyang sabi. "Ang espadang ito ay may kakaibang kapangyarihan" paliwanag ko sa kanya "nililinis ng espadang ito ang kaluluwang naligaw sa dilim" dagdag ko na biglang me lumabas na dugo sa gilid ng bibig ng papa ko. "Ah..ga… ganun ba?" tanong niya na ngumiti ito at nung hinugot ko ang espada bigla siyang napaluhod at nung tumingala siya sa akin "pa… patawarin.. niyo.. ako…" sabi niya. "Oo, pinatawad kita papa… pero… hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa kapatid ko" sabi ko sa kanya sabay hampas ko ng pakanan ang espada ko at napugot ang ulo niya at gumulong ito sa paanan ng hagdanan.

Bumagsak ang katawan niya sa sahig at nakita ko itong dahan-dahang naging abo "matatahimik na ang pamilya namin" sabi ko na bigla nalang yumanig ang gusali at nakita ko nalang na bumukas ang isang portal sa harapan ng elevator at lumabas ang tatlong Hari. "TUMAKBO KA ISABELLA!" isgaw ni Haring Narra sa akin na ninguso ako ni Ingkong Romolo nung naging Lobo ito at napasakay ako sa likuran niya at lumabas kaming apat at doon bumagsak ang gusali namin. Napatigil sa paglaban ang lahat at nagmamadali silang umalis para di matamaan ng mga malalaking sementong bumagsak mula sa pader ng gusali namin. "LUMAYO KAYO!" sigaw ni Haring Helius sa lahat kaya agad silang tumakbo palayo pero yung iba nadaganan ng mga semento mula sa gusali namin "TULONGAN NIYO SILA!" sigaw ni manang Zoraida.

"MGA ENGKANTO TULONGAN NATIN SILA!" sigaw ni Haring Helius na tinaas nila ang mga kamay nila at bumukas ang maraming portal malapit sa mga kasamahan namin at agad silang pumasok dito at nakaligtas sila sa mga nagbagsakang semento. "MGA ASWANG!" sigaw ko dahil nakita kong parating ang mga aswang para atakihin ang mga engkanto "AKO ANG BAHALA SA KANILA" sabi ni Haring Narra na pinagdikit niya ang mga palad niya at yumanig bigla ang lupa. "AYAN NA SILA!" sabi ni manang Zoraida ng biglang me lumabas na malalaking halaman mula sa lupa at nakita nalang namin na kinain ng mga ito ang mga umaataking aswang.

"A…ano yan?" gulat kong tanong "venus fly trap!" sabi ni manang "ano?" tanong ko "cannibal yan Isabella kaya lumayo ka baka ka makain niyan" sabi niya "wag kayong mag-alala hindi nila kayo gagalawin" sabi ni Haring Narra sa amin "salamat, Narra" sabi ni Haring Helius "walang anuman yun, Helius" sagot ni Haring Narra. Samantala, napaatras si Julian nung tinulak siya ni Lorenzo na agad naman umabante ang ama niya para atakihin siya, gumuong si Julian sa kaliwa kaya nailagan niya ang ataki nito. "Magaling!" sabi ni Lorenzo sa kanya na agad bumangon si Julian at pumurma siya "sino ba ang nagturo sa'yo?" tanong ni Lorenzo sa kanya.

"Si Hen. Guillermo" sagot ni Julian "hahahaha…" natawa si Lorenzo "bakit?" tanong ni Julian "hmm.. si Guille pala nagturo sa'yo" sagot ni Lorenzo "alam mo ba na ako ang nagturo sa kanya mula pagkabata niya, pati narin si Morietta?" sabi ni Lorenzo. ":Lahat nang alam ni Guillermo sa pakikipaglaban pati narin ang stratehiya niya pagdating sa digmaan sa akin niya lahat nanggaling yun" kwento ni Lorenzo sa kanya. Umatras si Julian nung nakita niyang humarap sa kanya si Lorenzo "natatakot ka ba sa akin, anak?" tanong niya "hindi!" sagot ni Julian "kung ganun, umabante ka!" utos niya sa anak niya na biglang tumakbo si Julian palayo sa kanya "haayy.. JULIAN! HINDI KA MAKAKATAKAS SA AKIN!" sigaw ni Lorenzo at hinabol niya ito.

Huminto si Julian "tama ito" sabi niya at hinintay niyang dumating si Lorenzo, dumating ang ama niya at napangiti itong nakatingin sa kanya "sabi ko sa'yo hindi ka makakatakas sa akin" sabi nito sa kanya. "Magaling sa labanan si Lorenzo, mabilis itong kumilos, kung malawak ang lugar na paglalabanan niyo tiyak malalagay ka talaga sa alanganin" sabi sa kanya ni Makisig "ano po ang gagawin ko?" tanong ni Julian "dalhin mo siya sa lugar kung saan limitado ang galaw niya, doon mo siya kalabnin" payo sa kanya ni Makisig at heto ngayon silang dalawa nasa maliit na eskinita. "MAGHANDA KA!" sigaw ni Lorenzo at umabante siya papunta kay Julian na agad namang umabante si Julian at nagbato siya ng dalawang patalim na mabilis itong hinampas ni Lorenzo.

Nag-abot silang dalawa sa gitna at nag-espadahan sila, yumuko si Julian nung hinampas pakaliwa ni Lorenzo ang espada niya kaya nailagan niya ito at mabilis ding tumalon si Lorenzo nung hinampas siya ni Julian. Gumulong si Julian palayo sa ama niya at mabilis niyang hinugot ang tatlong maliit na patalim at binato niya ito kay Lorenzo na tumama ang ama niya sa pader nung pilit nitong ilagan ang mga binato niya. Nakakuha ng tyempo si Julian kaya sumugod siya at nasaksak niya si Lorenzo sa dibdib "AH.." napanganga si Lorenzo at napahawak siya sa balikat ni Julian "hah..hah..hah…" hinihingal si Julian at tinulak pa niya ang espada niya pabaon sa dibdib ng ama niya.

"He..heh..hehehe…" natawa lang si Lorenzo "bakit?" tanong ni Julian "….na…natutuwa akong… na..nakita kitang lumaki ng ganito..a…anak…" sabi ni Lorenzo sa kanya "……" hindi nakapagsalita si Julian sa sinabi ng ama niya. "Pe… pero…" sabi ni Lorenzo na nagulat nalang si Julian nung biglang lumabas ang itim na aura mula sa katawan ng ama niya "HINDI PA ITO ANG KATAPUSAN!" sigaw ni Lorenzo na bigla nalang napalipad si Julian nung lumabas ang maraming itim na aura sa katawan ng ama niya at nawasak ang eskinitang kinatatayoan nilang dalawa. Napatabon sa mukha si Julian dahil sa maraming alikabok at batong tumatama sa kanya at nung tiningnan niya ang ama niya nakita niyang nawala na ang eskinita at nakita din niyang hinugot ni Lorenzo ang espadang nakasaksak sa dibdib niya.

Napalingon si Marawi sa direksyon ni Lorenzo pinikit niya ang mata niya at napangiti ito "aahh.. Lorenzo… sa wakas…." sabi niya at tumingin siya kay Benson at nginitian niya ito. "Haaa..haaa…" lang si Julian at tumayo agad siya at naghanda sa mangyayari, nakita niya si Lorenzo na nababalutan na ito ng itim na aura pati ang espada nito. "Maghanda ka Julian!" sabi ni Lorenzo na bigla itong nawala sa paningin ni Julian "HA!" nagulat si Julian at agad siyang umatras palayo pero di paman siya nakalayo biglang sumulpot si Lorenzo sa likuran niya na agad siyang humarap at saktong nasalo ng isa pa niyang espada ang espada ni Lorenzo dahilan napatapon siya nung nagtama ang espada nilang dalawa sa lakas ng ama niya.

Mabilis na nawala uli si Lorenzo at sumulpot ito sa harap ni Julian na agad tinaas ng huli ang espada niya para dumepensa pero huli na siya dahil natadyakan na siya ni Lorenzo at lumipad siya sa lakas nito. Lumusot sa pader si Julian at sumuka siya ng dugo nung tumama ang likod niya sa kabilang pader "..haa…haa…." napaluhod siya at tinaas niya ang ulo niya na nakita niyang lumusot sa butas ng pader si Lorenzo at kita niyang papalapit na sa kanya ito. "Tumayo ka!" sabi ni Lorenzo sa kanya "tumayo ka, Julian!" sabi ni Lorenzo sa kanya na pilit niyang tumayo at nung nakatayo na siya bigla nalang sumulpot si Lorenzo sa harapan niya at tinadyakan uli siya na napalusot siya sa pader at gumulong sa daan.

"Hanggang dito nalang ba ang lakas mo, Julian?" tanong ni Lorenzo sa kanya na naglakad ito papunta sa kanya, tumayo si Julian at muling sumulpot si Lorenzo sa harapan niya pero nahawakan ni Julian ang paa niya nung tumadyak siya. "HA!" nagulat si Lorenzo at nakita niyang ngumiti si Julian na binuhat siya nito pataas at binagsak siya sa lupa na napanganga si Lorenzo nung bumagsak ito "hindi pa ako tapos, ama!" sabi ni Julian na hinila niya si Lorenzo at hinampas niya ito sa pader na nasira ito at binalibag ni Julian si Lorenzo papunta sa isang pader. "AHK!" napasigaw nalang si Lorenzo nung tumama siya sa pader na agad sumulpot sa harapan niya si Julian at tinadyakan siya nito sa dibdib dahilan kaya nasira ang pader sa likod niya at napasok siya sa loob.

"Incendiu explozie uimitoare (amazing fire explosion)" narinig ito ni Julian kaya agad siyang lumayo dahil me lumabas na malaking apoy mula sa butas na nilusotan ni Lorenzo kanina. Lumabas si Lorenzo at nakita niya si Julian kaya binugahan niya ito ng apoy na mabilis umilag ang binata pero di niya napansin ang pagsulpot ni Lorenzo sa kaliwa niya kaya nasuntok siya nito sa mukha at napabagsak siya sa lupa. Nakatayo sa gilid niya si Lorenzo na naghahanda narin itong bumuga ng apoy kaya tinadyakan ni Julian ang paa ng ama niya na nawala ito sa balanse at patumba ito sa ibabaw niya na agad niyang tinadyakan ang tiyan kaya napalipad paitaas si Lorenzo.

Bago paman nakalayo si Lorenzo bumuga na ito ng apoy pero nailagan ito ni Julian nung gumulong siya pakaliwa at agad siyang lumuhod at nagbato ng tatlong maliit na patalim papunta sa ama niya. Biglang nawala si Lorenzo kaya naghanda si Julian dahil hindi na niya ito maramdaman kung nasaan ito, lumingon siya sa kaliwa, sa kanan pero hindi niya ito mahanap "LORENZO!" tawag ni Julian na bigla nalang me liwanag mula sa kaliwa niya. "HAAA!!" napasigaw siya at umilag sa malaking apoy na dumaan sa kanya at doon sumulpot si Lorenzo at sinuntok siya nito sa mukha na akala ng ama niya natamaan niya ito pero nakita niyang nasalo ni Julian ang kamao niya.

Siya tuloy ang nasuntok ni Julian pero di niya binitawan ang kamao ni Lorenzo at tuloy lang siya sa pagsuntok sa ama niya na umiilag ito sa bawat suntok niya. Nabitawan lang ni Julian ang kamao ni Lorenzo nung napansin niya ang bibig nito na alam niya ang lalabas nito at lumayo siya at doon sumunod sa kanya ang apoy na binuga ni Lorenzo. "DI MO AKO MATATAMAAN!" sabi ni Julian na umiilag siya sa mga apoy na binubuga ni Lorenzo sa kanya. "ITO BA ANG KAYA MONG GAWIN, AMA?!" tanong ni Julian sa kanya "ANG BUMUBUGA LANG NG APOY PARA DI KA TAMAAN NG KALABAN MO?" tanong ni Julian sa kanya na parang hinahamon niya ito.

"MALI PALA ANG MGA KINUKWENTO NI HEN. GUILLERMO TUNGKOL SA'YO! ISA KA DAW MAGALING NA MANDIRIGMA PERO SA NAKIKITA KO" sabi ni Julian na umiilag ito sa mga apoy ni Lorenzo. "DUWAG KA PALA!" sabi ni Julian na bigla nalang sumulpot sa harapan niya si Lorenzo at nahawakan siya nito sa balikat at binato siya sa lupa "AAAHHH.." napasigaw si Julian at bumagsak siya na mabilis siyang bumangon pero bago paman siya nakatayo sumulpot sa harapan niya si Lorenzo at binugahan siya ng apoy nito. "AAAHHHHH." napasigaw si Julian sa init at tinadyakan pa siya ni Lorenzo kaya napagulong siya at napahiga sa lupa.

"Mali ka anak, tama ang kinukwento ni Guillermo sa'yo" sabi ni Lorenzo na tinaas niya ang kamay niya at lumipad sa kamay niya ang espada niya "naging mabuti ako sa'yo dahil anak kita" sabi ni Lorenzo na naglakad ito palapit sa kanya. "Pero kung gusto mo talagang makita kung paano ako lumaban…." sabi ni Lorenzo na nanlaki nalang ang mata ni Julian nung makita niya ang pagbabago ni Lorenzo. Agad siyang bumangon at lumayo sa ama niya dahil nakita niyang mas lalong tumindi ang itim na aura nito "MAGHANDA KA, JULIAN!" sigaw ni Lorenzo sa kanya na mabilis itong umabante kaya tinaas ni Julian ang kamay niya at lumipad sa kamay niya ang espada niya at saktong nasalo nito ang espada ni Lorenzo.

Tinulak siya ng ama niya pero napigilan niya ito kaya nagtulakan silang dalawa at kita niyang bumalot sa kamay niya ang itim na aurang lumabas sa katawan ni Lorenzo na para bang hinihigop nito ang lakas niya. "AHH!" napasigaw si Julian kaya naitulak siya palayo ni Lorenzo na agad namang tinaas nito ang isa pa niyang kamay at lumipad papunta nito ang isa pang espada at sabay niyang hinampas ang espada niya na nagdulot ito ng malakas ng enerhiya papunta kay Julian. "AAAHHHH' napasigaw si Julian nung tinamaan siya nito at nakita niyang nag crack ang espadang hawak niya "ang apoy ni Lucia ang binuga ko sa'yo kanina" sabi ni Lorenzo na ngayon ay halos itim na ang buong katawan niya na bigla siyang bumuga ng itim na apoy na mabilis inilagan ni Julian.

Hinampas ni Lorenzo ang espadang nasa kaliwa niya na naglabas ito ng enerhiya papunta kay Julian at nung tinamaan siya nito napalipad siya papunta sa kabilang gusali at lumusot siya nito. Naglakad lang si Lorenzo papunta kay Julian na hinampas nito ang espada niya at nahati nito ang tatlong palapag na gusali at nung nahiwa ito nakita niyang nakahiga sa loob si Julian at pilit nitong bumangon. Tumalon papaunta kay Julian si Lorenzo na mabilis gumulong ang binata para di siya nito maapakan at bumangon siya at inatake ang ama niya na nasalo nito ang espada niya at kita niyang nakangiti lang ito. "Mahina!" sabi ni Lorenzo na tinulak siya nito at napaatras siya at aktong hahampasin na sana niya ang ama niya bigla nalang itong nawala sa harapan niya at siya ang natamaan nito nung sumulpot ito sa likuran niya.

Tumakbo si Julian palayo sa ama niya at napaluhod siya dahil sa sakit ng hiwa niya sa likod, lumingon siya sa likuran niya at nakita niyang naglalakad lang si Lorenzo papunta sa kanya. "Hindi mo ako matatakasan Julian" sabi ni Lorenzo sa kanya na alam niyang malapit ng maubos ang lakas niya "tama nga sila… iba ka nga ama" sabi ni Julian sa sarili niya na naluluha na siyang nakaluhod. "Pa… patawarin niyo ako… sobrang lakas niya.." sabi niya sa sarili niya na naramdaman na niyang nasa tabi na niya si Lorenzo. "Hindi sapat ang esnsayo mo anak" sabi ni Lorenzo sa kanya na tinaas ang ulo ni Julian gamit ang espada nito at pinatingin niya ito sa kanya. "Nasaan ang liwang mo?" tanong ni Lorenzo sa kanya na nakatingin lang si Julian sa kanya habang nakaluhod siya sa lupa "nasaan ang liwang mo…. Lucia…." sabi ni Lorenzo na nagulat si Julian sa sinabi ng ama niya.

Tinaas ni Lorenzo ang espada niya nung niyuko ni Julian ang ulo niya "patawad anak" sabi ni Lorenzo at malakas niya itong hinampas para putolin ang ulo ni Julian ng biglang sinalo ito ng kamay ng binata kaya nagulat si Lorenzo. "Nu atat de repede general! (Not so fast General)" narinig ni Lorenzo galing kay Julian at bigla nalang bumalot ang malaking apoy sa katawan ni Julian kaya mabilis umatras si Lorenzo at nakita niyang lumutang si Julian at tumayo ito. Natunaw ng apoy ang espada ni Lorenzo at tumingin si Julian sa kanya na kita niyang nakangiti itong nakatingin sa kanya "si… sino ka?" tanong ni Lorenzo sa kanya. "Ai uitat cine sint eu, generale? (Nakalimutan mo na ba ako, Heneral?)" tanong nito kay Lorenzo na nabosesan niya ito "Gi..Guillermo?" gulat na tanong ni Lorenzo.

"Akala ko nakalimutan mo na ako, Hen. Enzo" sabi nito kay Lorenzo "heh, ikaw pala Guille" sagot ni Lorenzo "hehehe.. oh.. ah…" nagulat nalang si Lorenzo dahil parang nangisay si Julian at umayos uli ito. "HENERAL!" sigaw nito na nagbago ang boses nito "huh?" takang tanong ni Lorenzo "BAKIT MO SASAKTAN ANG MAHAL KO HA!?" sigaw nito kay Lorenzo "Mo… Morietta?" gulat na tanong ni Lorenzo "KAHIT IKAW PA SI HEN. ENZO KUNG GAGAWIN MO YUN KAY JULIAN MAKAKATIKIM KA SA AKIN" sigaw nito kay Lorenzo na bigla nalang itong gumalaw paabante sa kanya. "Fulger negru (black lightning)" umatake si Morietta gamit ang katawan ni Julian na mabilis namang umilag si Lorenzo "di pa ako tapos!" sabi ni Morietta na sinuntok ang kamay nito sa lupa at me mga itim na kuryenteng lumabas sa kinatatayoan ni Lorenzo at tinamaan siya nito.

"Tornado suflati (tornado blast)" sabi ng isang tinig galing kay Julian na me lumabas na malakas na hangin mula sa kanang palad ni Julian at napalipad nito si Lorenzo nung tinamaan siya. "Salim, wag kang makialam!" sabi ng tinig ni Morietta "pasensya na Kapitan, nakakuha kasi ako ng tyempo para umatake" sabi din ng tinig mula kay Julian. "Mag si tigil kayo!" sigaw ni Hen. Guillermo na natahimik ang dalawa at umayos si Julian na ngayon ay si Hen. Guillermo na ang umuukopa sa katawan niya. Nakita nilang tumayo na si Lorenzo at napatingin ito sa kanila, sa loob ni Julian nakapalibot sa kanya ang ngayon gising nang mga kaluluwa ng Bampira.

"Ma… mga kasama…" sabi ni Julian "kumusta kana, Julian?" tanong ni Hen. Guillermo sa kanya "He…. Heneral.." naluhang sabi ni Julian dahil sa tuwa "nandito kami Julian para tulongan ka" sabi ng isang Bampira sa likod ni Hen. Guillermo. Biglang niyakap ni Morietta si Julian na halos mabali ang likod niya sa sobrang higpit nito "MORIETTA!" nasigawan tuloy siya ni Hen. Guillermo "hehehe patawad, na ngungulila lang kasi ako sa'yo Julian" sabi ni Kap. Morietta. "Mamaya na yan" narinig nila mula sa likod ni Julian na napahinto nalang si Julian at dahan-dahan siyang lumingon sa likod niya at tumulo nalang ang luha niya nung makita ang nakangiting Reyna na nakatingin sa kanya. "Ka…kamahalan…" sabi ni Julian na agad siyang tumakbo at niyakap si Reyna Lucia.

"Hmmm…. patawarin mo ako Julian.." sabi ni Reyna Lucia sa kanya "huhu.. hindi po… wala po kayong dapat ihingi ng tawad.. " sabi ni Julian sa kanya "kamahalan, Julian, mamaya na tayo mag-usap" sabi ni Hen. Guillermo sa kanila. "Alam ko Guillermo" sagot ni Reyna Lucia na tiningnan niya si Julian "naiintinidihan ko po, mahal na Reyna" sabi ni Julian sa kanya "nagbago na si Lorenzo, hindi na siya ang dating Lorenzo'ng kilala natin" sabi ni Reyna Lucia sa kanila. "Opo kamahalan, nararamdaman din namin ito" sabi ni Hen. Guillermo. Tumingin silang lahat sa taas at nakita nilang naglakad na palapit kay Julian si Lorenzo at kita nilang nakangiti ito.

"Alam mo na ang gagawin niyo" sabi ni Reyna Lucia sa kanila "Julian" tawag ni Hen. Guillermo "po?" "tutulongan ka namin" sabi nito na naghanda ang lahat ng mga Bampira sa likod nito. Sinuntok ni Kap. Morietta ang palad niya at sabing "matagal naring di ko nakalaban si Hen. Enzo, ipakita natin sa kanya ang bagong kapangyarihang nakamit natin" sabi nito "HAH!" sigaw nilang lahat. "Paano po natin ito magagawa?" tanong ni Julian "hehehe.. nagawa na natin kanina pa Julian" sabi ni Reyna Lucia. Humawak sa kanang balikat ni Julian si Hen. Guillermo at naramdaman niya ang kapangyarihan nito at humawak din sa kaliwang balikat niya si Ambrosio na naramdaman din niya ang kapangyarihan nito "sa ganitong paraan ka namin matutulongan Julian" sabi ni Ambrosio sa kanya.

"Tila… nagising ko ata ang mga taong natutulog sa loob mo, anak" sabi ni Lorenzo kay Julian na biglang nawala ang apoy na bumalot sa katawan ni Julian at tiningnan niya ang mga palad niya. "Ngayon kung handa kana…" sabi ni Lorenzo na bigla itong nawala at sumulpot ito sa kanan niya at sumuntok ito na sinalo ito ni Julian at tiningnan niya si Lorenzo at nginitian niya "Guillermo" sabi ni Julian sabay hila niya kay Lorenzo at binagsak niya ito sa lupa at sinuntok niya ito sa mukha na bumaon pa ito sa lupa nung tinamaan niya ito. Biglang nawala uli si Lorenzo at nakita niya itong nagpapahid ng dugo sa mukha habang hinihingal itong nakatingin sa kanya.

"Hah..hah..hah… hehehe… nakalimutan kong malakas ka pala, Guillermo" sabi ni Lorenzo "hehehe tama, Heneral" sabi ni Guillermo na ngayon ay gumamit sa katawan ni Julian "tingnan natin kung maiilagan mo ba ito" sabi ni Lorenzo sabay abante nito. "Abante, Heneral" hamon ni Hen. Guillermo at umabante din siya at nung nagkaharap na sila sa gitna nagsuntokan silang dalawa, mabilis umilag si Lorenzo sa mga suntok ni Hen. Guillermo at akala niya advantage na niya ito. "Mahina ka parin Guille hanggang ngayon" sabi ni Lorenzo nung sinuntok niya si Hen. Guillermo sa tyan at napayuko ito at balak niya sanang hampasin ng magkasamang kamao niya ng biglang nakailag ito nung binaba niya ang mga kamao niya at nasuntok siya ni Hen. Guillermo na napalipad siya sa malayo.

Nakita nilang lumusot sa isang pader si Lorenzo "hindi pa tayo tapos" sabi ni Hen. Guillermo "ama.." sabi ni Julian na nanonood sa loob "patawarin mo kami, Julian" sabi ni Reyna Lucia sa kanya. "Gaya ng sinabi ko mahal na Reyna, wala kayong dapat ikahingi ng tawad" sabi ni Julian sa kanya na napangiti sa kanya ang Reyna "maghanda kayo" sabi ni Hen. Guillermo dahil lumabas sa butas si Lorenzo. "HAHAHAHA ITO ANG GUSTO KO SA INYO!" sigaw ni Lorenzo "AKALA KO NAKALIMUTAN NIYO NA ANG TINURO KO SA INYO, MAGALING AT PINAGSAMA NIYO ANG LAKAS NIYO GUILLERMO, AMBROSIO" sabi ni Lorenzo. Tumayo ng maayos si Lorenzo at tinaas nito ang isang kamay niya "mahal na Reyna!" sabi ni Mauricio isa sa Kapitan ni Lorenzo noon.

"MAGHANDA KAYO!" sigaw ni Reyna Lucia sa lahat "pati na ikaw Julian" dagdag niya "bakit po kamahalan? ano po ang gagawin ng ama ko?" tanong ni Julian sa kanya "hindi maganda ito, kung gagamitin niya ang armas na yun ibig sabihin nito… " sabi ni Hen. Guillermo. "Hindi magiging madali ang labanang ito" dugtong ni Kap. Morietta "ano ba ang pinagsasabi niyo?" tanong ni Julian sa kanya "Julian, bawat pinuno ng mga Bailan ay may sariling sandata" paliwanag ni Reyna Lucia "at ang sandatang yun ay simbolo ng kanilang kapangyarihan" dagdag niya. "Espada ng Liwanag?" tanong ni Julian "pero paano niya makukuha ito? nasa Isla na ng Kuro ang espada niya ako pa mismo ang nagdala nito dun" sabi ni Julian.

"Ang espadang yun at si Lorenzo, Julian ay iisa" sabi ni Hen. Guillermo na nakita ni Julian na nakapila na sa likod nina Hen. Guillermo at Kap. Morietta ang lahat ng mga Bampira. "Ibig sabihin nito…. " sabi ni Julian sabay tingin niya sa ama niya. "PUMARITO KA!" sigaw ni Lorenzo "LAM-AAAAANNNGGGG" sigaw niya na napatayo si Makisig nung marinig niya ito at nanlaki ang mata niya nung gumalaw ang espada ni Lorenzo. "HINDI! PINAG-UUTOS KONG MANATILI KA DITO SA ISLA… LAM-ANG!" sigaw ni Makisig sa espada ni Lorenzo habang tumatakbo siya para pigilan ito pero huli na siya nung lumipad ito at nawala ito sa dilim ng gabi. Napaluhod nalang si Makisig sa lupa at nanlumo sa pangyayari "UNAAAAAAAAA!!!!!!" sigaw niya.

Biglang kumulog at kumidlat ang kalangitan, bumuka ang itim na ulap at doon dumaan na parang bulalakaw ang espada ni Lorenzo "LAM-AAAAAAANNNGGGGGG!" sigaw niya nung dumapo ito sa kamay niya at biglang nabalutan ng kidlat si Lorenzo. Napatigil si Marawi sa kakasuntok niya kay Benson at napalingon sa direksyon ni Lorenzo "walang hiya… hindi maganda ito" sabi niya na binitawan niya si Benson at bugbog sarado ang mukha nitong bumagsak sa lupa. "hmmm…. dumating ka pala sa puntong…" sabi ni Marawi na tinignan niya si Benson at napailing lang siya "mahina ang mga taong umaaligid sa'yo noon, kaibigan" sabi ni Marawi at nakita niya ang pagbagsak ng gusali at ang tatlong Hari sa malayo. Napangiti siya "kung ayaw mong harapin ko ang anak mo pwes sila ang haharapin ko" sabay takbo ni Marawi papunta sa kanila.

Nakita nilang lumalakas muli si Lorenzo at biglang naghilom ang lahat ng sugat na binigay nila sa kanya "Lam-ang…" sabi ni Lorenzo habang tinitingnan niya ang espada niya "AMA!" sigaw ni Julian na tumingin sa kanya si Lorenzo. "Ipapakita ko sa'yo anak ang totoo kong kapangyarihan" sabi ni Lorenzo na bigla itong tumakbo papunta sa kanya "Julian" sabi ni Reyna Lucia "po, kamahalan?" tanong niya "hayaan mo kaming humarap sa kanya" sabi ni Reyna Lucia. "Pero, ama ko siya" sabi ni Julian "alam ko, pero sa sitwasyong ito kalaban natin siya" paliwanag ng Reyna, humawak sa kanang balikat ni Julian si Hen. Guillermo at nakita niyang nakapatong narin ang mga kamay ng mga Bampira sa balikat na nasa likod niya. Sa kaliwa naman si Kap. Morietta at ganun din ang ginawa ng mga Bampira'ng nasa likuran niya habang tumayo naman sa harapan niya si Reyna Lucia.

"Pagsasamahin namin ang lahat ng kapangyarihan namin Julian" paliwanag ni Reyna Lucia "hayaan mo kaming tulongan ka sa laban mong ito, bata" sabi ni Hen. Guillermo "pagkatapos nito, labas tayo ha?" nakangiting sabi ni Kap. Morietta na natawa ang lahat sa kanya. Napatingin si Julian sa kanilang lahat at napangiti siya "salamat sa inyo…" sabi ni Julian at nginitian siya ng lahat "ngayon, ipakita natin ang bagsik ng lakas natin" sabi ni Julian sa kanila "HAH!" sigaw ng lahat. Sa labas, tumayo ng maayos si Julian at pinikit niya ang mga mata niya "humanda kayo" sabi niya na lumiwanag ang buong kaluluwa ng mga Bampira sa loob niya at pati narin ang katawan niya sa labas lumiwanag narin. Napahinto sa pag-abante si Lorenzo at nakita niyang lumiwanag ang katawan ni Julian "……." di siya nakapagsalita.

Binuka ni Julian ang mata niya at nagbitaw siya ng malakas na enerhiya na napatabon sa mukha si Lorenzo nung dumaan ang malakas na hangin sa kanya "aah..haaaa…." lang si Lorenzo at nung nawala na nakita niya ang pagbabago ni Julian. Nawala na ang mga sugat sa katawan niya at lumabas ang puting aura sa katawan niya "anak, natutuwa ako sa nakamit mo ngayon" sabi ni Lorenzo sa kanya "nakuha mo ang respeto at tiwala nila" dagdag niya. "Salamat ama, kung hindi dahil sa'yo hindi ko ito makuha" sagot ni Julian na sampung talampakan nalang ang layo nila sa isa't-isa "kung nandito palang sana ang nanay mo tiyak kong matutuwa din yun, pero.." sabi ni Lorenzo "pero?" tanong ni Julian na ngumiti si Lorenzo at bigla nalang me naramdaman si Julian sa likuran niya kaya umilag siya at dumaan sa gilid niya ang bala ng pana at tumama ito malapit sa paanan ni Lorenzo.

Nagulat si Julian at nanlaki ang mata niya nung me dumapo sa tabi ng ama niya na nakamaskara ito at nakahood "si… sino siya?" tanong ni Julian sa ama niya na nilingon ito ni Lorenzo at pinatong ng bagong panauhin ang kanang kamay niya sa balikat ni Lorenzo. "Siya lang naman ang kapuwang ko sa mundo" sabi ni Lorenzo na napaatras sa gulat si Julian at nanlaki ang mata niya nung inalis nito ang hood sa ulo niya at tinanggal ang maskara.

"I..imposible… sa.. sabi mo… " nauutal na sabi ni Julian na napatingiin sa kanya si Lorenzo at ngumiti ito "nung binuhay muli ako ni Olivia alam niyang me kulang sa akin, hindi ang espadang ito" tumingin si Lorenzo sa espada niya "kundi ang kalahati ng lakas ko bilang pinuno ng Kuro" patuloy niya "ako ang kalahating yun, anak… ma.. matagal ko ng gustong… lapitan ka…" sabi nung nasa tabi ni Lorenzo "…. patawarin mo kami… kami ng ama mo… Julian.." sabi ni Lala "inay…" naluluhang sabi ni Julian.

Itutuloy…….