1. Home
  2. Stories
  3. Harapin Ang Liwanag! Chapter XXX
Filipino Sex Stories

Harapin Ang Liwanag! Chapter XXX

By anino ·

Chapter XXX: Last Farewell!

Narating na namin ang pintuan ng dilim at nakita namin ang maraming aswang na nakabantay nito "TENYENTE!" sigaw ni Alan na agad naming pinagbabaril ang mga aswang at yung iba lumipad palayo sa pintuan. "ALAN KAYO NA ANG BAHALA SA KANILA HABANG HAHANAPIN KO ANG AKLAT!" utos ko sa kanya "SIGE!" sagot niya na dumating narin ang ibang kasamahan namin at pinalibutan nila ang pintuan ng dilim at pinagbabaril nila ang mga aswang na umaatake sa amin. Napatigil ako ng sandali at napamangha sa nakita ko "TENYENTE!" sigaw sa akin ni Alan kaya agad akong kumilos at hinanap ang aklat ng dilim.

"Ayun!" nakita ko itong nakalutang sa ilalim lang ng pintuan ng dilim at nung nilapitan ko na ito bigla akong nakuryente kaya napaatras ako "TENYENTE HINDI MO PA BA NAKITA?" tanong ni Alan sa akin "NAKITA KO NA PERO HINDI AKO MAKALAPIT!" sagot ko sa kanya. Nakita kong nagbibigay ito ng itim na aura sa pinto kaya ito siguro ang dahilan kaya nandito ang pintuan ng dilim, kung isasara ko ang aklat sigurado akong masasara ko narin ang pintuan ng dilim. Sinubokan kong barilin ang aklat pero parang me nakapalibot itong pader dahil hindi ko ito matamaan kahit sampung talampakan lang ang layo ko mula sa aklat.

"Shit! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko" sabi ko sa sarili "sana nandito si manang Zoraida baka me paraan siya para masara ito" sabi ko sa sarili ko na napatingin ako sa paligid baka kasi me bagay na pwede kong magamit. "TENYENTE!" tawag muli ni Alan "TUMAHIMIK KA! NAG-IISIP AKO NG PARAAN!" sigaw ko sa kanya ng biglang me nakapasok na aswang sa depensa nila at umabante ito sa akin. Tinuon ko ang armas ko sa kanya pero nasampal niya ito sa kamay ko at nabitawan ko "GRAAAAAAAA!!!" sinigawan ako nito kaya hinugot ko ang reserba kong baril sa holster ko at pinagbabaril ko siya na sinalo lang ng kamay niya ang mga bala ko.

Kinapa ko ang espada ko sa likuran ko pero naalala ko binigay ko pala ito kay Julian kanina kaya napaatras ako habang tuloy lang ako sa pagbaril sa kanya "ALAN! ANDRES!" tawag ko sa kanila na kita kong abala din sila sa pagdepensa sa sarili nila. "SHIT!" napamura nalang ako at kita kong malapit na sa akin ang aswang kaya mabilis akong nagreload at tinutok ko ang baril ko sa aswang na nakangiti lang itong lumalapit sa akin. "Hindi mo ako kayang patayin, Isabella" sabi nito sa akin na nagulat ako dahil kilala niya ako "sino ka? Bakit mo ako kilala?" tanong ko sa kanya na ngumiti ito at sabing "ako ang sekretarya ng kapatid mo" pakilala niya sa akin.

"Cynthia? Ikaw yan?" gulat kpmg tanong sa kanya na umabante siya kaya umilag ako sa kanya at inubos ko ang isang magazine sa katawan niya na hindi man lang ito natumba nung tinamaan ko siya "hahahahaha!" narinig kong tumawa lang siya at humarap sa akin. "Sabi ko sa'yo Isabella, hindi mo ako mapapatay" sabi ni Cynthia sa akin na umabante siya at sinuntok niya ako sa dibdib kaya napatumba ako at napahiga sa lupa. Nabitawan ko ang baril ko kaya nakatihaya akong umaatras palayo sa kanya ng biglang me nakapa akong pamilyar sa kamay ko kaya naghintay akong umatake siya. "AKIN KA NGAYON ISABELLA!" sigaw ni Cynthia sabay talon niya sa akin kaya hinawakan ko agad ang bagay na nakapa ko at tinaas ko ito dahilan kaya natuhog ko si Cynthia sa dibdib.

Isang tubo ang nakapa ko at ito ang ginamit ko panlaban sa kanya na nakita kong napanganga siya at napatingin sa akin "Ah…haaaaa…" bumagsak siya sa tabi ko at tinulak ko siya palayo sa akin sabay tayo ko at hinanap ang baril ko. "TENYENTE!" tawag muli sa akin ni Alan kaya nakaisip ako ng paraan para makuha ko ang aklat ng dilim, hinila ko si Cynthia palapit sa aklat at tinayo ko siya "patawarin mo ako" sabi ko sa kanya bago ko siya tinulak papunta sa aklat at nakita kong nakuryente siya kaya napatabon ako sa mukha ko at maya-maya lang ay biglang sumabog ang katawan niya. "AH!" napasigaw ako dahil tumalsik sa akin ang ibang laman niya at tumalsik ang tubo papunta sa aklat "FUCK!" napamura nalang ako dahil wala itong epekto sa aklat.

Na frustrate ako kasi ilang talampakan lang ang layo ko sa aklat at tanaw ko na ito hindi ko ito malapitan o mahawakan "SHIT!" napamura muli ako at nilapitan ako ni Andres "Issa, kailangan nating gumawa ng paraan kundi mauubos tayo dito" sabi niya sa akin. Nakita ko ang tinutukoy niya dahil marami na ang aswang na nakapaligid sa amin "kailangan natin ng tulong" sabi ko sa kanya "sino ang tutulong sa atin? Tayo lang ang nandito" sabi niya sa akin. "Maririnig nila tayo, kailangan nating maghintay" sabi ko sa kanya "sino?" tanong niya "DANTE! DANTE! KAILANGAN NAMIN NG TULONG NIYO!" sigaw ko na tiningnan ako ni Andres na parang nababaliw na ako.

"Maghintay tayo huwag niyong hayaang makalapit ang mga aswang dito" utos ko sa kanila na sumali na ako sa kanila sa pagbaril sa mga aswang "Tenyente, malapit na akong maubosan ng bala" babala ni Alan sa akin. "Kami din" sagot ng mga tauhan ni Andres na napatingin ako sa aklat ng dilim "wala tayong magagawa, wala akong alam tungkol sa aklat ng dilim o paano ito mapigilan" sabi ko sa kanila. Tinuon ni Andres ang armas niya sa aklat at binaril niya ito na tumama lang sa lupa ang mga bala niya "ginawa ko na yan kanina, LOKO!" sabi ko sa kanya "huwag kang mag-aksaya ng bala" sabi ko sa kanya na nagpalit ito ng magazine.

"Maghintay lang tayo alam kong darating sila para tulongan tayo" sabi ko sa kanila na nakita nanaman namin ang mga aswang na nagsulpotan at umabante ito sa amin "FIRE!' sigaw ko at nag-iingay ang mga baril namin. Mabilis ang galaw ng ibang mga aswang kaya hindi agad namin sila natamaan habang yung iba naman ay nagbagsakan sa lupa at nangisay ito at namatay, umatras kaming lahat dahil sa dami ng mga aswang na sumalakay sa amin at kita kong wala paring sinyalis na darating ang mga Lobo kaya parang kinakabahan na ako baka ito na ang katapusan namin. Napatingin ako sa mga kasamahan ko at kita ko sa mukha nila ang takot kaya natakot narin ako sa sarili ko.

"Wala na akong bala!" sabi ni Alan sa amin na napaatras na kaming lahat malapit na kami sa aklat ng dilim at tingin ko kung hindi ako maghanap ng paraan ngayon siguro mauubos kaming lahat dito. Kinapa ko ang gilid ko at isang magazine nalang ang natira "shit!" napamura ako at napatingin ako kay Andres na huling magazine narin ang ipinasok niya sa armas niya at napatingin din siya sa akin at ngumiti siya. "KUSA! HANGGANG SA HULI, ISSA!" sigaw niya na ewan ko ba napangiti narin ako sa sinabi niya kaya binigay na namin ang huling mga bala namin sa mga aswang at nung naubosan na kami napatayo nalang kaming lahat habang dahan-dahan ng lumalapit sa amin ang mga aswang.

"Ito na ata ang katapusan natin Tenyente" sabi ni Alan sa akin "Issa, mahal na mahal kita tandaan mo yan!" sabi ni Andres sa akin na napangiti ako "loko ka talaga hanggang sa huli!" sabi ko sa kanya na ngumiti ito. "Julian…" sabi ko sa sarili ko at napaluha ako dahil alam kong hindi na kami magkikita, nakita naming tumakbo na ang mga aswang papunta sa amin kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay ang kamatayan na papalapit sa amin. "Tenyenteeee…" narinig ko galing kay Alan na hinawakan niya ako sa kamay at naramdaman kong nanlamig ito at nanginig sa takot "GRAAAAAAAA…" sigaw ng mga aswang ng biglang "AAAAHHHHHH.." napalitan ito ng sigaw ng pagkatakot at nung dinilat ko ang mga mata ko nakita ko ang isang hugis ng taong umatake sa kanila.

Isa-isa silang pinagtataga nito gamit ang parang sandata ni Kamatayn at nakita kong tumakbo palayo ang ibang aswang habang yung iba naman ay bumagsak sa lupa nung natamaan ito ng sandata niya. Pinaikot ng taong ito ang sandata niya sa ibabaw niya bago niya pinagtataga ang mga aswang at hindi na nakalaban ang iba nung nahati niya ito sa dalawa "si… sino yan?" gulat na tanong ni Alan dahil hindi namin makita ang mukha niya. Nagtakbuhan ang mga aswang palayo sa amin at nung napatay na niya ang huling aswang sa harapan niya bigla nalang itong tumalikod at naglakad palayo sa amin "TEKA!" tawag ko sa kanya na huminto ito at lumingon sa amin "sino ka ba?" tanong ko sa kanya na hindi ito sumagot at bigla nalang itong nawala sa paningin namin.

Bumangon na si Julian at nakita niyang nakahiga sa lupa si Lorenzo "ama" binuhat niya ito at nawala siya bigla at sumulpot siya sa tabi ni Lala at tinabi niya si Lorenzo sa kanya "dito lang muna kayo, babalikan ko kayo pagkatapos ko" sabi ni Julian sa kanila. Nawala muli siya at bumalik siya sa kinaroroonan niya kanina at dinampot niya ang dalawang espada ng alamat, tiningnan niya ang mga ito at pinikit niya ang mga mata niya. "Nakahanda na kami, mahal na Pinuno" sabi ni Hen. Amistad sa kanya "HAH!" sigaw ng mga Bailan sa likuran niya na tumango si Julian at nung binuka niya ang mga mata niya pinagdikit niya ang dalawang espada at doon lumiwanag ito.

Sa malayo napatapon ang tatlo nung inatake sila ni Hilda gamit ang itim na bola ng enehirya na tinira niya sa kanila "HAHAHAHA" tumatawa lang si Hilda habang tuloy lang siya sa pag-atake sa tatlo. Binuhat ni Ingkong Romolo ang isang kotse malapit lang sa kanya at binato niya ito kay Hilda na parang papel lang itong sinampal niya at bumagsak ito sa gilid niya. Kumuha muli ng isa pang kotse si Ingkong Romolo nung binuhat niya ito para ibato kay Hilda bigla nalang siyang napatigil nung makita niya ang paparating na kotse na binato niya kanina kay Hilda "ROMOLO!" sumigaw si Haring Narra na agad nagbukas ng portal si Haring Helius at pumasok ang kotse binato ni Hilda sa harapan ni Ingkong Romolo.

Ibabato na sana ni Ingkong ang kotseng nabuhat niya pero tumalon si Hilda at dumapo ito sa ibabaw at siyang paglubog ni Ingkong sa ilalim ng lupa, sumulpot agad si Haring Narra sa kaliwa niya at si Haring Helius sa kanan para atakihin siya pero mabilis niyang tinuon ang mga palad niya sa kanila at napatalsik sila nung lumabas ang itim na enerhiya mula nito. Tumatalbog-talbog ang dalawa palayo kay Hilda na nag "hmmm.." lang ito nung tumalon ito at tinirahan ng itim na enerhiya ang kotseng kinatatayuan niya kanina at sumabog ito. Nakita niyang me mabilis na lumabas sa gilid nito kaya sinundan ito ng palad niya at tinirahan niya ng maraming itim na bola ng enerhiya at doon napalipad si Ingkong Romolo at tumama siya sa pader bago bumagsak sa lupa.

Nanganganib na silang tatlo na mapatay ni Hilda dahil sa sobrang baba na ng mga enerhiya nila at halos hindi na sila makatayo sa sobrang pagod at sa dami narin ng mga sugat nila "hindi na sila magtatagal, tapusin mo na sila Hilda para wala ng sagabal sa atin" sabi ng Anino sa kanya. Tumango si Hilda sabay taas ng dalawang kamay niya at nag-ipon siya ng enerhiya sa pagitan nito para ibato sa tatlo ng biglang me sumabog na liwanag kaya nawala ang bolang inipon niya at napatabon siya sa mukha niya. "AAAAHHHHHHHH" napasigaw si Hilda sa sakit dahil parang sinag ito ng araw na tumama sa kanya.

Napabangon ang ulo ni Haring Narra nung nasinagan siya sa liwanag na ito at akala niya umaga na dahil kasing init ng umagang araw ang tumama sa kanya "ah… " napatingin siya sa direksyon kung saan ito nanggaling at napangiti siya "Ju… Julian… Lorenzo…" sabi niya at hiniga nalang niya ang ulo niya sa lupa. Ganun din ang dalawang Hari napabangon din ang mga ulo nila "Lorenzo…" sabi ni Haring Helius "Julian…" sabi ni Ingkong Romolo na nakita nilang tinaas ni Haring Narra ang kanang kamay niya na parang kumukuha siya ng lakas na nagmula sa liwanag ni Julian. Ginaya nilang dalawa ito at naramdaman nila ang enerhiyang dumadaloy sa katawan nila "ang init… parang.. sinag ng araw…" sabi ni Haring Helius na nakangiti lang si Ingkong Romolo.

Nasa loob ng liwanag si Julian at naramdaman niya ang enerhiyang nagmumula sa espada "…. parang.. naghilom ang mga sugat ko at nawala ang sakit sa katawan ko…" sabi ni Julian nung maramdaman niyang dumaloy ang enerhiya ng espada sa katawan niya. Nakita niyang dahan-dahang nagiging isa ang dalawang espada at nagulat pa siya nung humaba ito at nagbago ang hawakan nito pati narin ang kulay ng espada na kanina magkahalong silver at ginto ang dalawang espada pero nung naging isa ito naging kulay puti na ito. "Ito pala ang totoong kulay ng espada ng alamat…" sabi niya na nagulat nalang siya nung me narinig siyang tinig sa paligid niya.

"Kami ang bahala dito… tumakas kana…" sabi ng tinig "HINDI! HINDI KO KAYO IIWAN!" sabi ng tinig na nagmumula lang sa kinatatayoan niya kaya napalingon siya sa paligid niya at doon nakita niya sa bandang kanan niya ang isang lalaking me hawak ng espada katulad sa espada ng alamat. "TUMAKAS KANA!" sigaw ng isang tinig na nasa harapan niya "ah..a..ano ito? Sa… saan ito?" gulat na tanong ni Julian sa sarili niya. "RUUNA! HINDI MO KAILANGAN ISAKRIPISYO ANG BUHAY MO DITO!" sabi ng isang tinig na nasa likuran niya kaya nung nilingon niya ito nagulat nalang siya dahil galing ito sa isang kulay asul na Dragon na nakatayo sa likuran niya.

"AAAHHH!!!" napasigaw sa gulat si Julian "MANANATILI AKO DITO HANGGANG SA HULI, SASAMAHAN KO KAYO!" sigaw nung lalaki "IKAW ANG PAG-ASA NAMING MABUHAY MULI RUUNA! HAYAAN MO NA KAMING MAMATAY PARA SA'YO!" sabi nung pulang Dragon na nasa tabi ng lalakeng nakita niya. "Ruuna? Yun.. yun yung… hindi.. kahapon ito ni Ru… Una…" sabi ni Julian na nakita niya ang maraming itim na sundalong paparating sa kinatatayuan nila at sa ibabaw nila ang isang malaking itim na Dragon na me sakay itong tao. "Ang kahapon ni Una… nakikita ko ang kahapon ni Una.." sabi ni Julian.

"RUUNA! NAPAG-USAPAN NA NATIN ITO HINDI BA?" sabi nung kulay puting Dragon "alam ko pero.. " sagot ni Ruuna "hayaan mo na kaming gawin ang tungkolin namin Ruuna, ibinigay na namin sa'yo ang elemento namin at itakas mo narin ang Aklat ng Dilim" sabi nung kulay buhangin na Dragon. "Binigay namin sa'yo ang elemento namin para mabuhay mo kami muli kahit sa anong anyo, Ruuna kaya gawin mo na ang sinasabi namin sa'yo" sabi nung pulang Dragon "maraming salamat sa inyo, makakaasa kayo na ibabalik ko kayo sa mundo" sabi ni Ruuna sa kanila at kinuha niya ang Aklat ng Dilim at tinaas niya ang espada ng alamat "paalam sa inyo… at maraming salamat.." sabi niya sa apat na Dragon at bigla nalang lumiwanag ang katawan niya at bigla siyang lumipad sa ere.

Nakita ni Julian na naging isa ang apat na Dragon at lumiwanag ito at huling nakita niya ang sumabog na liwanag na nagmula sa kanila at doon bumalik siya sa kasalukoyan "… ang kahapon… ipinakita ng espada ang nangyari kahapon.." sabi ni Julian. Tinaas niya ang espada at sa harap niya nananalamin sa kanya ang pagkatao ni Una nung tinaas din niya ang espada bago siya lumipad palayo sa Isla. Samantala, natakot ang Anino sa nakita niya kaya lumabas siya sa katawan ni Hilda at bumaba siya sa lupa at nagtago "GRRRRRAAAAAAHHHH!!!" sumigaw sa galit si Hilda at lumipad ito papunta kay Julian at iniwan niya ang tatlong Haring nakahiga sa lupa.

Tinatabunan ni Hilda ang mukha niya habang lumilipad siya papunta kay Julian at huminto siya nung malapit na siya kay Julian at pinagbabato niya ito ng itim na enerhiya na tumatalbog lang ito sa tuwing tumatama ito sa liwanag na dulot ng espada. Nakita ni Julian si Hilda na ngayon ay galit na galit itong nakatingin sa kanya at tuloy lang ito sa pagbato ng mga itim na bola ng enerhiya sa kanya "hindi mo ako matatamaan niyan Hilda" sabi niya. "GRAAAAHHH!!!" nagsisigaw itong bumabato ng itim na enerhiya sa kanya at nung nakita niyang hindi pumapasok ang mga bolang binato niya sa liwanag na nakabalot kay Julian nilabas niya ang itim niyang espada at sumugod siya.

Habang lumilipad si Hilda papunta kay Julian lumabas sa ilalim ng lupa ang Anino at pumasok ito sa kanya at nagbigay ito ng kapangyarihan niya kay Hilda na biglang lumaki ang espada ng huli "pinuno!" sabi ni Hen. Amistad "nakita ko" sabi ni Julian. "GRAAAAAHH!!!!!" sumigaw si Hilda nung hinampas niya ang espada niya kay Julian pero sinalo lang ng binata ang espada niya gamit ang espada ng Alamat at pilit tinulak ni Hilda ang espada niya kay Julian pero hindi niya ito maibaba. Tinulak siya ni Julian kaya napaatras siya na agad siyang sumugod muli pero biglang nawala sa harapan niya si Julian nung hinampas niya ito at sumulpot ang binata sa likuran niya.

Napalingon si Hilda at nung hinampas siya ni Julian agad nilabas ng Anino ang itim na metal mula sa lupa para protektahan si Hilda at doon nakalayo si Hilda bago nawasak ang itim na metal. "HILDA KONTROLIN MO ANG GALIT MO!" sabi ng Anino sa kanya dahil nakikita niyang nawawala na sa sarili si Hilda. Lumalakas na kasi ang paghinga ni Hilda at parang hindi na ito makapapigil sa sarili niya "KUMALMA KA, KITA MO HINDI PUMAPASOK ANG MGA TINIRA MO SA KANYA DAHIL NAWAWALA KANA SA SARILI MO!" sabi ng Anino sa kanya kaya huminga ng malalim si Hilda at dahan-dahang kumalma siya. "Tandaan mo, alam na natin ang totoong kapangyarihan ng espadang yan at kung ano ang kayang gawin niyan sa atin pero tandaan mo hindi siya si Una" sabi ng Anino sa kanya.

"Tama ka Ishmael… hindi siya si Una" sabi ni Hilda sa kanya na tumayo ng maayos si Hilda at pinikit ang mga mata niya at huminga ulit siya ng malalim at lumabas ang maraming itim na aura sa katawan niya. "Ganyan.. kalmahin mo ang sarili mo.." sabi ni Ishmael sa kanya nung lumabas ito sa katawan ni Hilda at nagiging taong anyo na ito at nakita ni Julian ang suot niya "kapareho ng suot ni Una" sabi niya nung nakita niya ang suot ni Una kanina. "Ako ang Aninong nagtatago sa likod ni Una… hindi.. ni Ruuna.." sabi ni Ishmael na nakasuot ito ng mahabang damit na parang pang pari at me ginto ito sa gilid. Me kulay asul na nakabalot sa ulo niya at ang espada niya kapareho doon sa espadang nakita niya sa itim na mga sundalo "sino ka ba talaga?" tanong ni Julian sa kanya.

"Ako si Ishmael.. ang dating kanang kamay ni Ruuna at ang alagad ng mahal na Haring si.." bigla nalang siyang naputol nung sumulpot bigla si Julian sa harapan niya kaya tinulak siya ni Hilda para hindi siya matamaan sa espadang papalapit na sa kanya. "HAH!" nagulat si Ishmael at nakita niyang nagtulakan si Hilda at si Julian gamit ang mga espada nila na agad siyang bumangon para atakihin si Julian pero nakailag ito at umatras ang binata palayo sa kanila. "NILINLANG MO AKO!" galit na sabi ni Ishmael sa kanya na agad niyang tinutok ang kaliwang palad niya kay Julian at lumabas mula nito ang maraming itim na metal na pinaghahampas lang ni Julian.

Habang nangyayari ito umatake naman si Hilda kaya umatras si Julian habang tuloy parin siya sa paghahampas sa mga itim na metal na tinira ni Ishmael sa kanya at napasandal siya sa isang pader sa kakaatras niya. Nakita niyang tumayo sa tabi ni Ishmael si Hilda at sabay silang bumuga ng itim na enerhiya sa kanya na tinaas ni Julian ang espada niya para protektahan ang sarili niya "GRRRRRR" lang si Julian dahil lalo pa siyang napasandal sa pader dahil sa ginawa ng dalawa sa kanya "JULIAN!" tawag ni Hen. Amistad sa kanya dahil nakita nilang nahihirapan si Julian na itulak ang enerhiyang binuga ng dalawa sa kanya.

"Maayos lang ako Heneral" sabi ni Julian sa kanya na biglang humakbang si Julian at nagulat ang dalawa nung naitulak ni Julian ang enerhiyang tinira nila sa kanya "IBIGAY MO LAHAT HILDA!" sabi ni Ishmael sa kanya kaya lumaki ang itim na enerhiyang tinira nila ni Julian na napaatras muli ang binata at napasandal muli siya sa pader. Humakbang muli si Julian na napaatras ang dalawa dahil naitulak sila nito "ISHMAEL!" tawag ni Hilda sa kanya na humawak sa kamay si Ishmael kay Hilda at pinagsama nila ang kapangyarihan nilang dalawa na lalo pang lumaki ang itim na enerhiyang tinira nila ni Julian kaya napaatras muli ang binata at ngayon nawasak na ang pader nung sumandal siya at lumagpas siya nito nung nasira ito.

"HAHAHAHAHA" natawa silang dalawa sa nakita nila pero natahimik narin sila nung biglang napahinto si Julian sa pag-atras at humakbang muli ito papunta sa kanila at sila na ngayon ang naitulak niya "ISHMAEL!" tawag muli ni Hilda sa kanya. "MAGHIWALAY TAYO!" sabi ni Ishmael sa kanya na tumakbo sa kaliwa si Ishmael si Hilda naman sa kanan nung tinigil nila ng pagtira ng itim ng enerhiya kay Julian at pinagitnaan nila ito at tinira muli nila si Julian na tumalon siya paitaas at mabilis itong nagbato ng tigtatatlong maliit na patalim sa dalawa na mabilis silang umilag. Sakto lang para maatake ni Julian si Ishmael at nung tinamaan ito sa espada niya napaatras ito at napahawak sa tiyan niya nung nasugatan niya ito.

"ISHMAEL!!!" sigaw ni Hilda na mabilis itong lumipad papunta sa kanila kaya siya naman ang hinarap ni Julian at nasugatan niya ito sa balikat dahilan kaya bumagsak sa lupa si Hilda at napasigaw ito sa sakit. Nakatayo lang si Julian habang nakatingin sa kanila "haahhh..haahhh…. punyeta!" sabi ni Ishmael na hinihilom niya ang sugat niya sa tiyan habang dahan-dahan namang bumangon si Hilda at napahawak ito sa balikat niya. Tinaas ni Julian ang espada ng alamat at lalo itong lumiwanag na napatabon sa mukha si Hilda habang bumalot naman ang itim na metal kay Ishmael at nung hinampas ni Julian ang espada sa direksyon ni Hilda napalipad ito nung tinamaan siya ng puting enerhiya na nanggagaling sa espada ng alamat.

Tumakbo si Julian papunta kay Ishmael at hinampas ang itim na metal na nakabalot sa kanya at nung nawasak niya ito nagulat nalang siya dahil wala na ito sa loob "SA LIKOD MO!" sabi ni Zenisa kaya tumalon at gumulong sa kanan si Julian na tumama ang espada ni Ishmael sa lupa. Samantalang bumangon na muli si Hilda at nakita nitong namimiligro silang dalawa dahil ganito din ang nangyari noon nung nakalaban nila si Una at si Lucille kaya wala siyang ibang naisip kundi ang aklat ng dilim. Lumipad si Hilda papunta sa pintuan ng dilim kung nasaan nasa ilalim lang nito ang aklat "kailangan kong marating ito" sabi niya sa sarili niya na iniwan niyang nakipaglaban si Ishmael kay Julian.

Samantala, hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina pati sila hindi makapaniwala sa ginawa nung taong tumulong sa amin "kilala niyo ba yun?" tanong ni Andres sa akin "Tenyente, kaninong tauhan yun?' tanong ni Alan sa akin. "Hindi ko alam, wala naman akong nakitang ganung klasing tao o sandata sa mga tauhan ng tatlong Hari" sagot ko sa kanila "tatlong Hari?" tanong ng isa sa tauhan ni Andres "AH! mamaya na yan, unahin muna natin kung paano natin makuha ang aklat ng dilim" sabi ko sa kanila na napatingin kaming lahat sa aklat na hindi namin malapitan dahil sa kuryenteng nakabalot sa paligid nito.

"Ano kung sasagasaan natin ng humvee?" suhistyon ni Alan "ano ka! Ang mahal ng sasakyan na yan tapos ibabangga mo lang?" inis na sabi ni Andres sa kanya "mabuti nga nagbigay ako ng suggestion kesa naman nakatunganga lang" sabi ni Alan sa kanya. "Ano kakasa ka taba?" galit na sabi ni Andres "MAGSITIGIL KAYO!" sigaw ko sa kanila na hindi kumibo ang mga tauhan ni Andres "shit! Ano ang gagawin natin?' tanong ko sa kanila na napatingin silang lahat sa akin. "Ah.. kung me binabalak kayo gawin niyo na" sabi ng isa sa tauhan ni Andres "bakit?" tanong ni Andres sa kanya "me demonyong papalapit sa atin" sabi nito na napatingin kami sa direksyon na tinitingnan niya at lahat kami nagulat.

"SI HILDA!" sigaw ko sabay takbo ng mga tauhan ni Andres palayo sa amin habang naiwan kaming tatlo ni Alan sa ilalim ng pintuan ng dilim "ANO PANG TINATANGATANGA NIYO DYAN! TUMAKBO NA KAYO!" sigaw ng tauhan ni Andres nung papalayo na sila. "SA HUMVEE!" sigaw ni Andres kaya tumakbo kaming tatlo papunta sa sasakyan niya at mabilis na pinaandar ni Andres ang humvee habang kumukuha ako ng mga bala sa likuran nito. "PUTCHA ISSA SUMAKAY KANA!" sigaw niya sa akin "HINDI KO IIWAN ANG AKLAT NG DILIM DEDEPENSAHAN KO ITO KAHIT ANO ANG MANGYARI!" sigaw ko sa kanya sabay takbo ko pabalik sa pintuan ng dilim.

"SHIT NAMAN!" narinig kong sigaw ni Andres at binagsak ko ang isang bag ng bala sa tabi ko at nilodan ko ng bagong magazine ang M16 na me grenade launcher at dalawang 45 at hinintay ang pagdating ni Hilda. Tinuon ko sa kaliwa ko ang armas ko nung me narinig akong yapak na papalapit sa akin at nakita kong si Alan pala ito "HUWAG! HUWAG! AKO ITO TENYENTE!" pakilala niya "punyeta ka Alan tinakot mo ako" sabi ko sa kanya na tumayo ito sa tabi ko at kita kong nanginginig ito habang hawak niya ang M16 niya. "Partner!" sabi ko sa kanya na lumingon ito sa akin at lumunok ng laway "pa..partner!" sagot niya sabay ngiti nito.

"NARIYAN NA SIYA!" sigaw ni Alan sabay kalabit namin ng gatilyo at pinagbabaril namin si Hilda na tumatalbog lang sa mukha at katawan niya ang mga bala namin pero hindi parin kami tumigil at mabilis kaming nagpalit ng magazine at tuloy sa pagbaril sa kanya. "GRAAAAAAHHHH!!!" sumigaw ito nung malapit na ito sa amin at nakita naming tinutok niya ang kanang kamay niya sa amin "ALAN UMILAG KA!" sabi ko sa kanya "HAAAAAA!!!" nagsisigaw si Alan habang tuloy parin ito sa pagbaril kay Hilda. Sa laki ni Alan alam kong hindi ko siya maitulak kaya ginawa ko binangga ko nalang siya nung lumipad papunta sa amin ang itim na bola ng enerbiya at nailagan namin ito nung pareho kaming bumagsak sa lupa.

Agad akong bumangon at tinuloy ko ang pagbaril kay Hilda na kahit alam kong hindi ito tumatalab sa kanya pero si Alan nakadapa parin sa lupa at nahirapan pa itong bumangon dahil sa bigat ng katawan niya. "ALAN!!" sigaw ko sa kanya na gumulong ito at pilit tinayo ang sarili "ALAN PUTANG INA KA TABA BUMANGON KA AT TULONGAN MO AKO!" sigaw ko sa kanya na napaluhod nalang ito at doon narinig kong pumutok ang M16 niya. "HAAAAA!!!" sumigaw muli si Alan habang nagpapalit ako ng bagong magazine sa armas ko at kinalabit ko ang gatilyo ng grenade launcher at lumipad ito papunta kay Hilda pero nung sumabog ito nakita kong parang wala ding epekto ito sa kanya.

Huminto si Hilda malapit sa amin at tinaas nito ang dalawang kamay at doon natakot ako lalo nung nakita ko ang inipon niyang itim an enerhiya sa pagitan ng mga kamay niya "ALAN TUMAKBO KANA!" sabi ko sa kanya "HINDI!" sagot ni Alan na tuloy lang ito sa pagbaril kay Hilda. "PUTANG INA HINDI NA NATIN PWEDENG ILAGAN YAN!" sabi ko sa kanya "WALA AKONG PAKIALAM!" sagot ni Alan sa akin na tinigil ko ang pagbaril kay Hilda at humawak ako sa balikat ni Alan na napatigil narin siya at tumingin sa akin. "Shit! Ito na?" kabadong tanong ni Alan sa akin na tumango ako "salamat Alan" sabi ko sa kanya na kita kong ngumiti siya "sana maging maayos ang pamilya ko" sabi niya na humawak ito sa kamay kong nasa balikat niya.

"ITO ANG SA INYO!" sigaw ni Hilda sa amin ng biglang napatigil nalang siya nung me sumulpot na ilaw ng kotse sa gilid niya "YEEEEHAAAAAAA!!!" narinig naming sumigaw si Andres sabay talon nito bago tumama ang humvee kay Hilda at nadala siya nito nung bumagsak ito sa lupa. Tumakbo kami kay Andres para tulongan siya at nakita naming me hawak itong maliit na bagay sa kamay niya "BOOM!" sabi nito sabay sumabog yung humvee nung pinindot niya ito. Napaatras kami ni Alan dahil sa gulat at natawa lang sa amin si Andres "ano Issa? Galeng ano?" nakangiting sabi niya sa akin "loko ka talaga Andres!" sabi ko sa kanya "hey!" sabi niya "Andre5K!" sabay naming sabi ni Alan na nagthumbs up pa ito sa amin.

Natuwa kami sa ginawa ni Andres ng biglang lumipad ang natitirang humvee papunta sa amin "ISSA!" sigaw ni Andres sabay tulak niya sa amin ni Alan at tumama sa kanya ang likurang parte ng humvee at tumalsik sa katawan namin ni Alan ang dugo niya. "ANDRES!!!" sigaw ko nung makita kong nakatabon sa kanya ang likurang parte ng humvee at napatingin kami sa kanan namin at nakita namin si Hilda na nakalutang ito at nagpapahid ng dumi sa mukha niya. "Isusunod ko kayo!" sabi niya sa amin na agad kong tinutok ang armas ko sa kanya at binaril ko siya hanggang sa maubos ang bala sa magazine ko at nagpalit ako.

"Te.. Tenyente… pa.. patay na tayo nito.. huhu.." narinig kong naiyak na si Alan sa tabi ko habang tuloy lang ako sa pagbaril kay Hilda habang lumulutang lang ito papalapit sa amin at nakita kong tinaas nito ang kanang kamay niya at tinutok niya ito sa amin. "Patay na tayo.. patay na tayo.." paulit-ulit na sabi ni Alan na tinadyakan ko siya sa mukha at natumba ito sa lupa at kinuha ko yung armas niya at sabay ko itong pinutok kay Hilda na napaatras ako nung ginawa ko ito. "HAAAAAAA!!!! HAAAAA!!!!" nagsisigaw ako habang tuloy ako sa pagkalabit sa gatilyo hanggang sa naubos na ang bala at napaluhod ako sa lupa.

Sa malayo naramdaman ni Julian ang peligrong kinakaharap ni Isabella kaya nung umabante sa kanya si Ishmael mabilis siyang gumalaw at natadyakan niya ito sa dibdib dahilan kaya natumba ito sa lupa. Agad siyang tumakbo para puntahan si Isabella pero sa kakamadali niya hindi niya napansin ang itim na metal na lumabas mula sa lupa at bumalot ito sa kanang paa niya kaya natumba siya sa lupa, lumingon siya sa likuran niya at nakita niyang nakatayo na si Ishmael. Tinaas nito ang isang kamay niya at bumalot sa katawan ni Julian ang itim na metal at nung tinaas niya ang espada ng alamat para putolin ito mabilis na lumabas mula sa lupa ang isa pang itim na metal at bumalot ito sa kamay niya na nakahawak sa espada kaya nabitawan niya ito ng hinila ang kamay niya para dumikit sa lupa.

"ISABELLA!!!" sumigaw si Julian dahil nararamdaman niyan ang itim na enerhiyang iniipon ni Hilda pati narin ang nararamdaman ni Isabella sa mga oras na ito "ISABELLA!!!" sumigaw muli si Julian na lumapit na sa kanya si Ishmael. "Hehehe huwag kang mag-alala Julian, magsasama din kayong dalawa sa kabilang mundo pagkatapos ko sa'yo" sabi ni Ishmael sa kanya "JULIAN!" sigaw ni Hen. Amistad dahil nakita nilang nakagapos ngayon sa lupa si Julian. "Heneral kailangan nating gumawa ng paraan!" sabi ng tauhan niya kaya hinugot ni Hen. Amistad ang espada niya at humawak siya kay Julian na nasa harapan nila.

"Ako na muna ang gagamit sa katawan mo, Pinuno" paalam ni Hen. Amistad kay Julian na pati siya hindi makagalaw dahil sa itim na metal na nakabalot sa kanya "Heneral!" takot na tawag ng isa pa niyang tauhan. Nagulat si Heneral Amistad dahil nakatayo na sa ibabaw nila si Ishmael at nakita nilang me hawak itong sibat at nakangiti itong nakatingin kay Julian "katapusan mo na ito, Julian" sabi ni Ishmael sa kanya. "Huwag kang mag-alala, mauuna kana doon" sabi ni Ishmael sa kanya na bumukas ang itim na metal sa me dibdib ni Julian sabay baba ni Ishmael sa sibat niya pero nagulat nalang siya dahil me malaking kamay na bigla nalang sumulpot at sinalo ang sibat niya.

Pilit tinulak ni Ishmael ang sibat niya pababa sa dibdib ni Julian pero hindi niya ito maitulak "si…sino ka?" gulat na tanong ni Ishmael pati si Julian nagulat din sa malaking kamay na nanggagaling sa dibdib niya. Sa loob ni Julian "Heneral, ikaw ba ang gumawa nito?" takang tanong ng tauhan niya "hi.. hindi…" sagot ni Hen. Amistad na napatingin sila sa likuran nila at nakita nilang nakatayo na ang lahat ng kaluluwa ng mga Bampira kasama si Reyna Lucia. "Ako!" sagot ni Hen. Guillermo na nakataas ang dalawang kamay niya at tila humaba ito "mahal na Reyna!" tawag ni Hen. Amistad na niyuko nilang lahat ang ulo nila sa kanya.

"Maraming salamat sa inyo" sabi ni Reyna Lucia sa kanila "kami na ang bahala sa puntong ito" sabi ni Kap. Morietta "ano'ng kayo na ang bahala?" tanong ni Resisyo sa kanila "mga kawal!" tawag ni Kap. Morietta sa kanila "OPO KAPITAN!" sagot nilang lahat sabay hugot ng mga espada nila. "Balak sana naming manirahan dito sa loob ni Julian, pero kung mangyaring mapatay siya ni Ishmael lahat tayo mawawala" sabi ni Reyna Lucia sa mga Bailan. "Ano ang binabalak niyo?" tanong ng matandang Bailan na ngumiti si Reyna Lucia at doon isa-isang lumipad ang mga Bampira pataas at lumiwanag ang dibdib ni Julian na kinagulat ni Ishmael kaya binitawan niya ang sibat para lumayo pero hinawakan siya ni Hen. Guillermo kaya napigilan siya nitong lumayo.

"SUGOD!!!" sigaw ni Hen. Guillermo sa mga tauhan nila at doon lumabas ang kaluluwa ng mga Bampira at isa-isa silang lumusot sa katawan ni Ishmael na nakatutuok ang mga espada nila sa kanya "HAAAAAAA!!! HAAAAAAA!!! HAAAAAA!!!" napasigaw sa sakit si Ishmael nung lumabas sa likuran niya ang mga Bampira. Isang daang Bampira ang tumagos sa katawan niya "Morietta" tawag ni Hen. Guillermo sa knaya "HMP! Bailan!" sigaw ni Kap. Morietta na tinaas ng mga Bailan ang mga sandata nila "HAH!" sabay sigaw nila at lumipad na si Kap. Morietta. Sa labas, biglang me lumabas na itim na kidlat mula sa dibdib ni Julian at tumama ito sa dibdib ni Ishmael at tumagos ito sa likuran niya kasunod nito si Kap. Morietta at ang espada niya.

"GRAAAAAHHHHHH!!!" napasigaw si Ishmael sa sakit nung lumusot ang kaluluwa ni Kap. Morietta sa katawan niya, "mahal na Reyna" tawag ni Hen. Guillermo sa kanya "mauna kana Guille" sabi ni Reyna Lucia sa kanya na tumango siya. "GUILLERMO!" tawag ni Hen Amistad sa kanya na nilingon niya ito "ipaghahanda kita ng alak at arena para sa labanan natin" sabi ni Hen. Amistad sa kanya "aasahan ko yan, Heneral Amistad" sabi ni Hen Guillermo sabay labas ng dalawang malalaking espada niya at lumipad ito paitaas. "HAAAAAA!!! TAMA NA!! TAMA NA!!!" pagsisigaw ni Ishmael at lumabas na si Hen. Guillermo na nanlaki ang mata ni Ishmael nung makita niya ang naka ekis na malaking espada ni Hen. Guillermo na papalapit sa kanya.

Nasasak siya ni Hen. Guillermo at naramdaman niyang parang binuka ang dibdib niya kaya napasuka siya ng dugo nung lumusot na si Hen. Guillermo sa kanya, "paalam sa inyo!" sabi ni Reyna Lucia sa kanila. "Salamat, mahal na Reyna" sabi nilang lahat sabay luhod nila at niyuko ang ulo "Amistad" tawag ni Reyna Lucia "kamahalan?" "pakisabi kay Lorenzo, tandaan niya ang araw na yun" sabi ni Reyna Lucia sa kanya na napangiti si Hen. Amistad "makakarating po, kamahalan!" sagot ni Hen. Amistad. "Salamat!" sabi ni Reyna Lucia sabay lipad niya pataas at doon lumabas ang malaking apoy na nagmula sa dibdib ni Julian at sinunog nito si Ishmael.

Lumabas ang kalahating katawan ni Reyna Lucia sa dibdib ni Julian at humarap ito sa kanya "patawad Julian" sabi ng Reyna sa kanya na naluha si Julian nung makita siya. Humawak si Reyna Lucia sa dibdib ni Julian at me nilagay siyang maliit na marka sa dibdib niya "regalo ko sa'yo, mahal kong anak" sabi ni Reyna Lucia sa kanya na tumulo ang luha ni Julian nung marinig niya ito. Tumalikod na sa kanya si Reyna Lucia at tuloyan na itong lumabas sa dibdib niya at tumayo sa likuran niya ang lahat ng mga Bampira at lahat sila humawak sa balikat sa mga Bampirang nasa harap nila kagaya ng ginawa nila nung nasa loob sila ni Julian.

Napaatras si Ishmael nung binitawan na siya ni Hen. Guillermo at nagsusuka ito ng dugo habang niyayakap ang dibdib niya "ah… ghaaa… ahh…" nalang ito na parang nawawala na ito sa balanse nung umatras ito palayo. "Ito na ang katapusan mo, demonyo!" sabi ni Reyna Lucia sa kanya sabay higop niya ng maraming hangin at sabay nilang sabi "Dracu infernul incendiu (hell fire inferno)" bumugaw ng magkahalong itim at pulang apoy si Reyna Lucia "HAAAAAAA!!!" napasigaw si Ishmael nung makita niya itong papalapit sa kanya at bumalot ito sa buong katawan niya na hindi na siya nakatakas dahil sa bilis ntiong lumipad papunta sa kanya.

Nakita ni Julian ang ginawa ng mga Bampira kay Ishmael at wala man lang isang minuto at nawala na sa loob ng apoy si Ishmael sa sobrang init nito, naramdaman ni Julian na lumuluwang na yung itim na metal na nakablot sa kanya at bigla nalang itong nawasak at nawala. Nakagalaw na muli si Julian at agad siyang bumangon at kita niyang nakapalibot na sa kanya ang lahat ng mga kaluluwa ng mga Bampira. "Ma.. mahal na Reyna" tawag ni Julian sa kanya na humarap sa kanya ang Reyna at nginitian siya nito "Julian…" sabi ni Reyna Lucia na lumutang sa harapan ni Julian ang espada ng alamat at biglang lumiwanag ito.

Napatabon sa mukha si Julian at nung nawala na ang liwanag nakita niyang nagbago ang kulay ng mga suot ng mga Bampira na kanina ay kulay itim ngayon ay puti na. Nakita niyang tinitingnan ng mga Bampira ang mga damit nila at natuwa sila sa nakita nila "Julian.. mahal na Reyna" natutuwang sabi nila. "Naalala mo pa ba ang sinabi ko sa'yo noon, Julian? Pag nagmahal ang isang Bampira?" tanong ni Reyna Lucia sa kanya na tumango si Julian "haharapin nila ang liwanag.." sabi ni Julian na tumingin si Reyna Lucia sa puting damit niya at tumingin siya kay Julian "mahal ka namin Julian at ikaw ang nagdala sa amin sa liwanag" sabi ni Reyna Lucia sa kanya.

"Salamat Julian.." isa-isang sabi ng mga Bampira sa kanya at isa-isa narin silang lumipad "malaya na tayo!" narinig niya sa ibang Bampira na natutuwa silang umangat papunta sa taas "Julian" tawag ni Hen. Guillermo sa kanya. "Heneral!" naluluhang sabi ni Julian "tsk! Ano ba ang sabi ko?" tanong ni Hen. Guillermo sa kanya "huwag… huwag umiyak" sagot ni Julian "hehehe.. natural lang yan" sabi ni Hen. Guillermo sa kanya sabay yakap sa kanya. "Alagaan mo ang sarili mo ha!" paalala ng Heneral sa kanya "opo!' sagot niya at nung bumitaw sa kanya si Hen. Guillermo umangat narin ito "paalam Julian, maraming salamat sa pagmamahal mo!" sabi ni Hen. Guillermo at nawala na ito sa ibabaw.

Sinuntok siya ni Kap. Morietta sa balikat sabay yakap sa kanya "mahal na mahal kita, Julian… huwag na huwag mong kalimutan yan" sabi ni Kap. Morietta sa kanya sabay halik nito sa labi niya "paalam." sabi ng Kapitan sa kanya "Kapitan.." sabi ni Julian nung umangat na sa itaas si Kap. Morietta at nawala narin ito. Nakatingin sa kanya si Reyna Lucia "kamahalan.." sabi ni Julian na lumutang palapit sa kanya ang Reyna at humawak ito sa dibdib niya "ngayong wala na kami sa loob mo, hahabol na sa'yo ang panahon Julian" sabi ng Reyna sa kanya na nagulat si Julian nung marinig niya ito. "Pero.. huwag kang mag-alala, ang markang ito ang magpipigil sa pagbilis ng takbo ng panahon sa katawan mo" paliwanang ng Reyna sa kanya.

"Iniwanan din kita ng konting kapangyarihan ko pero babala anak, gagamitin mo lang ito kung kinakailangan dahil kung gagamitin mo ito palagi, mawawala ang bisa ng markang ito at pagnangyari yun" paliwanag ng Reyna sa kanya. "Ano po?" tanong ni Julian "magiging mabilis ang takbo ng panahon sa katawan mo at tatanda ka ng mabilis" paliwanag ni Reyna Lucia sa kanya, yumakap si Julian sa kanya "mahal na Reyna" naluluhang sabi ni Julian na niyakap siya ng mahigpit ng Reyna. "Gusto kong mabuhay ka ng maayos na hindi mo naranasan noon nung kasama mo pa kami sa palasyo" sabi ni Reyna Lucia sa kanya "hindi naman naaksya ang buhay ko noon nung kasama ko pa kayo" sabi ni Julian sa kanya.

"Alam mo na ang ibig kong sabihin Julian" nakangiting sabi ng Reyna sa kanya "Isabella…" sabi ni Julian na binitawan na siya ni Reyna Lucia at nagpahid ng luha si Julian "nasa loob mo ang kapangyarihan mo, Julian" sabi ni Reyna Lucia sa kanya. "Ang puso mo ang kapangyarihang tatapos sa dilim na ito" sabi ni Reyna Lucia sa kanya na dahan-dahan narin siyang umangat "MAHAL NA REYNA!" sumigaw si Julian "tapusin mo na ang dilim na ito, para masimulan mo narin ang buhay mo, Julian!" sabi ni Reyna Lucia sa kanya "opo, kamahalan!" sabi ni Julian na niluhod niya ang isang tuhod niya at niyuko niya ang ulo niya huling pagbigay pugay sa Reyna ng mga Bampira.

Biglang nanghina ng konte si Julian nung tumayo siya "maayos ka lang ba, Julian?" tanong ni Hen. Amistad sa kanya "maayos lang ako" sagot niya at nagsimula na siyang maglakad papunta sa pintuan ng dilim. "Heneral, nararamdaman mo ba yun?" tanong ni Zenisa sa kanya "oo, nanghihina na siya dahil wala na sa loob niya ang mga Bampira" sagot ni Hen. Amistad "ano ang gagawin natin?" tanong ni Resisyo. Tumingin si Hen. Amistad sa lahat ng Bailan at nakita nila ang pag-aalala sa mukha niya "alam ko ang dapat nating gawin" sabi ng isang matandang Bailan na napalingon silang lahat sa kanya.

"Alam natin ano ang rason kung bakit tayo nandito" patuloy ng matanda na napatingin silang lahat sa isa't-isa at kay Hen. Amistad, huminga ng malalim ang Heneral bago ito nagsalita "alam kong wala tayong kapangyarihan katulad ng mga Bampira, hindi natin siya mabibigyan ng ano mang lakas katulad ng binigay nila" pasimula ni Hen. Amistad. "Isa lang ang pwede nating ibigay kay Julian, ang bago nating Pinuno" patuloy ni Hen. Amistad na sumang-ayon silang lahat sa sinabi niya. Tumingin siya sa itaas at sabing "naririto tayo, para dugtongan ang buhay niya kahit sandali lang" sabi niya "HAH!" sigaw ng pagsang-ayun ng mga Bailan.

Nakita kong ito na ang katapusan namin ni Alan dahil sa laki ng enerhiyang binuo ni Hilda "Alan… kahit ano ang mangyari.. tandaan mo.." sabi ko sa kanya na tumingin ako sa kanya "I am proud and happy to been your partner" sabi ko sa kanya na ngumiti siya "ako din, Tenyente!" sagot niya sabay hawak namin ng kamay. Binato na ni Hilda ang bola ng enerhiya sa amin at doon pinkit ko ang mata ko at hinanda ang sarili ko sa mangyayari ng biglang me umihip na hangin at me narinig kaming dalawang bombang sumabog sa likuran namin ni Alan "HAAAAAA!!!" narinig kong sumigaw si Alan sa takot at nung dinilat ko ang mga mata ko nagulat ako dahil nakita kong nakatayo na sa harapan namin si Julian.

Lumingon ito at pansin kong hinihingal siya "ma… maayos lang ba kayo?" tanong niya sa amin "Julian! Oo, maayos lang kami" sagot ko sa kanya na umatras ito para lumapit sa amin habang kita kong napatingin sa paligid si Hilda na tila me hinahanap siya. "Wala na siya" sabi ni Julian sa kanya na napatingin sa kanya si Hilda "ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya "wala na si Ishmael" sagot ni Julian sa kanya "sino si Ishmael?" tanong ko kay Julian na tumingin lang siya sa akin at tumingin muli kay Hilda. "Imposible ang sinasabi mo! Hindi ganun kadali patayin si Ishmael!" sabi ni Hilda "oo, tama ka haahh.." sabi ni Julian na nakita kong napayuko siya "binigay ng mga Bampira ang natitirang buhay nila para tulongan ako" dagdag ni Julian na nagulat ako sa sinabi niya.

"Wala na ang mga Bampira sa loob mo?!" gulat kong tanong na tumango si Julian at kita kong naluha siya "Reyna Lucia.." sabi ko na biglang tinaas ni Hilda ang mga kamay niya at nagbuo siya ng itim na enerhiya. "HINDI! HINDI NILA NAPATAY SI ISHMAEL!" sigaw niya sabay bato niya nito sa amin na agad namang hinampas ni Julian at nahiwa ito sa dalawa at sumabog ang dalawang nahating enerhiya sa likuran namin. "AAAAHHHHHH!!! TENYENTE!" natakot si Alan "KUMALMA KA ALAN!" sabi ko sa kanya na yumuko ito sa likod ko dahil sa takot "Julian! Ano ang gagawin natin?" tanong ko sa kanya na tinaas niya ang espada niya na doon ko lang ito napansin "yan ba ang?" tanong ko "oo, ito na ang totoong anyo ng espada ng alamat" sagot niya sa akin.

"Teka, kung wala na ang mga Bampira? Ok ka lang ba?" tanong ko agad sa kanya dahil kita kong hinihingal na siya at kita kong hindi na naghihilom ang mga sugat niya kahit hawak pa niya ang espada ng alamat. "Nasa loob ko ang mga Bailan, maayos pa ako habang kasama ko sila sa loob" sabi niya sa akin "huh? Ano'ng Bailan?" tanong ko sa kanya "mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo asikasuhin muna natin siya" sabi ni Julian dahil kita naming nagwawala na si Hilda sa galit. "Ano ang plano?" tanong ko sa kanya "mabuhay.. manatiling mabuhay" sagot niya sa akin kaya napahawak ako ng mahigpit sa armas ko at napatinigin ako kay Alan na ngayon ay parang bata ng umiiyak sa takot.

"GRAAAAAHHHH!!!" biglang sumigaw si Hilda at nakita naming kumuha ito ng kapangyarihan mula sa pintuan ng dilim at lumalaki siya "hindi maganda ito" sabi ko kay Julian "magtiwala ka lang Isabella" sabi niya sabay lingon sa akin "hangga't nandito ako kasama mo walang dilim ang pipigil sa pagsinag ng liwanag natin" sabi niya sa akin. Hinawakan ng kaliwang kamay ni Julian ang talim ng espada ng alamat at yung kanan naman ay nasa hawakan nito at tinaas niya ito para maghanda sa posibilidad na ibato sa amin ni Hilda. "GAAAAAHHHHH!!!" lalo pa itong sumigaw na nabingi na kami sa lakas nito at huling nakita namin nagkaroon na siya ng pakpak habang tuloy lang sa paglabas ng itim na aura ang pintuan ng dilim papunta sa katawan niya.

"Julian, kailangan nating isara ang pintuan ng dilim para matigil na ang pagkuha niya ng kapangyarihan!" sabi ko sa kanya "hindi pwede!" sagot niya "bakit?" tanong ko "kung maisara ang pintuan ng dilim mahihirapan na tayong buksan ito" sagot niya. "Bakit? Hindi ba, nagawa ni Olivia ito bakit hindi natin gawin din ang ginawa niya?" tanong ko sa kanya "dahil kailangan ng sakripisyo bago mabuksan ang pinto, kapalit ng pagbukas ng pinto ang kaluluwa ng isang tao" paliwanag niya sa akin. "Dyos ko! Kaninong kaluluwa ang sinakripisyo nila nung binuksan nila ang pinto?" tanong ko sa kanya "ang anak namin ni Isabella na nasa sinapupunan niya ang ibinigay nila" sagot niya sa akin na napatingin ako sa kanya at hindi makapaniwala sa narinig ko.

"Maghanda ka Isabella" sabi niya sa akin na tinaas pa niya ang espada ng alamat at sinalo niya ang itim na enerhiyang tinira ni Hilda sa amin, napaatras si Julian kaya pinigilan ko siya para hindi matumba at tinulak ko na din siya ng konte. "ALAN! ALAN!" sigaw ko sa kanya na nakabola na ito sa lupa habang umiiyak "PUNYETA ALAN TULONGAN MO KAMI!" sigaw ko sa kanya "ISABELLA!" tawag sa akin ni Julian "IHANDA MO ANG SARILI MO!" sabi niya sa akin "BAKIT?" tanong ko na tumingin lang siya sa akin at nugmiti ito "HINDI! HINDI MO GAGAWIN ANG INIISIP MO JULIAN!" galit kong sabi sa kanya dahil kita kong isasakripisyo niya ang buhay niya para sa amin.

"Hindi ko gagawin yan!" sabi niya sa akin "binigay ng mga Bampira ang buhay nila para sa akin kaya hindi ko gagawin ang iniisip mo" dagdag niya na napatingin ako sa kanya. "Ano ang gagawin natin?" tanong ko sa kanya na kita kong nahihirapan na siya sa pagpigil sa itim an enerhiyang tinira ni Hilda sa amin "me paraan, pero…" sabi niya na hindi niya tinuloy ang sinabi niya. "Pero ano? Julian, ano?" tanong ko sa kanya na tinulak ko na siya para hindi siya mapaatras "JULIAN SABIHIN MO NA!" sigaw ko sa kanya "BIBILIS ANG PAGTANDA KO!" sagot niya na nagulat ako sa sinabi niya.

"Me paraan kami, Pinuno" sabi bigla ni Hen. Amistad na napatingin si Julian sa kanya at sa mga Bailan "ano… ano ang paraan?" tanong ni Julian sa kanya na ngumiti sa kanya si Hen. Amistad at lumingon ito sa mga tauhan niya. Ngumiti sila at tumango kay Julian "teka… gagawin niyo din ba ang ginawa ng mga Bampira?" tanong ni Julian sa kanila "hindi!" tinig mula sa isang matandang babaeng Bailan na nakatayo malapit lang sa likod ni Hen. Amistad at humakbang ito palapit sa kanya. "Iba ang mga Bampira at iba din kami" sabi ng matanda kay Julian "ano ang binabalak niyo, manang?" tanong niya na tumingin kay Hen. Amistad ang matanda.

"Ang totoong dahilan kaya kami nandito ay magbigay ng lakas sa'yo" panimula ni Hen. Amistad "hindi lang kami kaluluwa Julian, buhay na enerhiya kami" sabi ng matanda sa kanya na nagulat siya sa narinig niya. "Bu.. buhay na enerhiya?" takang tanong ni Julian "oo, ayun sa nakasulat sa malaking bato noon ng mga Bailan, mangyaring nagamit ni Una ang totoong kapangyarihan ng espada ng alamat dahil sa buhay na enerhiyang dumadaloy sa katawan niya" kwento ng matanda. "Yun ang dahilan kaya kami nandito dahil sa taglay naming enerhiyang yun pwede mong ilabas ang totoong kapangyarihan ng espada ng alamat" paliwanag ni Hen. Amistad.

"Akala ko ito na ang totoong kapangyarihan ng espada nung nabuo ko ito" sabi ni Julian "hehehe nagkakamali ka bata" sabi ng isa pang matandang babae "ang totoo niyan unang antas lang ito" paliwanag niya. Hindi nakapagsalita si Julian kaya lumapit sa kanya si Hen. Amistad at nilagay niya ang kanang kamay niya sa balikat ni Julian "hanggang dito nalang kami Julian, salamat sa panahon na pinatira mo kami dito at ipinakita mo sa amin ang panibagong mundo" sabi ni Hen. Amistad sa kanya. "Maraming salamat Julian" sabi ng mga Bailan sa kanya "teka, bakit kayo nagpapaalam sa akin? Akala ko ba mananatili kayo sa loob ko?" tanong ni Julian sa kanila.

"Hindi" sagot ni Hen. Amistad "binigay namin ang konting tulong para sa'yo dahil alam ni Lorenzo na kailanganin mo ito" paliwanag niya "nabasa ito ni Lorenzo sa aklat ng dilim noong nasa palasyo pa siya ni Reyna Lucia" sabi ni Kap. Zenisa. "Kaya nung minungkahi niya ito sa amin at pinaliwanag niya ng mabuti sa amin ang plano niya hindi kami nag atubiiling ibigay ang konting enerhiya namin sa'yo" paliwanag ng matandang Bailan sa kanya. "Kung ganun…" sabi ni Julian na nakita niyang lumiwanag ang ibang mga Bailan at naging puting bolang enerhiya sila "si Una lang ang nagbubukod tanging makakalabas sa totoong kapangyarihan ng espada ng alamat" sabi ni Hen. Amistad.

"Pero.. " putol niya "pero?" tanong ni Julian "me paraan para maabot mo ang antas niya" patuloy ni Hen. Amistad na nakita niyang kalahati na sa mga Bailan ang naging puting bola ng enerhiya at lumutang ito sa ibabaw niya. "Tayong mga Bailan ay nanggaling sa kanya, nilikha niya tayo gamit ang mismong enerhiya niya at sa konklusyon ni Lorenzo kung isang enerhiya lang hindi ito sapat pero kung maraming enerhiya ni Una ang papasok sa iisang Bailan" paliwanag ni Hen. Amistad. Naging alerto bigla si Julian at napatingin sa maraming puting bolang enerhiya sa ibabaw niya at nanlaki ang mga mata niya "….Una…" sabi ni Julian.

"Tama!" sagot ni Hen. Amistad na lahat sila naging puting bola ng enerhiya na at lumutang sa ibabaw ni Julian "kami ang enerhiyang magbibigay sa'yo ng kapangyarihan Julian, kami ang tinutukoy ni Makisig.. ang totoong kapangyarihan na tutulong sa'yo" paliwanag ni Hen. Amistad. Naalala ni Julian ang sinabi ni Makisig nung nasa Isla pa siya "ang kapangyarihan na sinasabi ko ay taglay nito ang lakas ng unang pinuno, pero bago mo ito makuha kailangan mo munang maging purong Bailan" ang sinabi ni Makisig sa kanya noon. "Kaya pala sinabi niyang itakwil ko ang mga Bampira para makamit ko ito.." sabi ni Julian nung naalala niya ang sinabi ni Makisig.

"Salamat sa inyo.. salamat sa tiwalang ibinigay niyo sa akin kahit.. kahit hindi niyo ako nakasama noon sa Kuro.. " sabi ni Julian na umikot na sa ibabaw niya ang mga puting bolang enerhiya at nung bumitaw pa ng malakas na itim na enerhiya si Hilda doon na pumasok sa kaluluwa ni Julian ang lahat ng enerhiya ng Bailan. Samantala sa labas, "Julian? JULIAN!" tawag pansin ko sa kanya dahil nakatitig lang ito sa espada na parang tulala ito at hindi na sumasagot "Julia…." napatigil nalang ako nung biglang lumiwanag ang espada ng alamat at suminag ito kay Julian at napaatras nalang ako ng konte nung maramdaman kong uminit bigla ang katawan ni Julian.

Umusok ang katawan niya na parang nasusunog ito at biglang napatumba ako sa lupa nung biglang me kung anong liwanag ang lumabas sa katawan niya at napatakip ako sa mukha ko pati na si Alan dahil sa parang sinag ng araw ang nanggagaling kay Julian. Sumilip ako ng konte at nakita kong me parang bumalot sa katawan niya at nung pakonte-konte ng nawawala ang liwanag niya doon namin nakita ni Alan kung ano ang nangyayari sa kanya. "Te…. Issa… " utal na sabi ni Alan dahil sa gulat nung makita namin ang puting armor na suot ni Julian at nakita naming parang sinaunang mandirigmang sundalo na siya "…Julian?…" tawag ko sa kanya na lumingon siya at kita kong parang me nagbago sa mukha niya "…Una…." sagot niya.

Itutuloy…..