1. Home
  2. Stories
  3. hello to lagablab admin!
Lagablab

hello to lagablab admin!

By boyaxz0212 ·

gusto ko lang po sanang mag request na dapat po may part na makikita yung title ng mga story para po mas madali pag browse ng mga story. yun lang po. tulad ba nung sa e**** v****.

Notes to comment of boyaxz0212

Stryke Fours :Una sa lahat ay maraming salamat sa iyong pagsali at pagtangkilik sa lagablab. Katulad mo ay galing din ako sae**** v****. May mga features dito na nalimitahan dahil sa nag adjust kami ng website Platform para maisali ang chat box. Higher version sana ang gamit namin at mas kumpleto ang features pero dahil gusto namin mag accomodate ng chat box ay lower at old version ng site platform ang ginamit namin. Wala nga po dito yung point system. May mga features na wala dito na meron sa kabila, meron namang features ang lagablab na wala sa kabila.

Patuloy namin pag aaralan kung paano mapalitaw ang lahat ng mga istorya at mga titulo nito. Maari naman ninyong makita ang mga istorya sa "Categories" o puntahan ang Library Menu at piliin ang Authors at makikita nyo din ang lahat ng mga istorya nila. Pwede nyo din piliin ang "Library" mismo at lilitaw ang huling 50 na istorya na naitala.

Ganoon pa man, tuloy lang ang aming pagaaral at pagsusuri upang madagdagan ng features ang website na ito at mapabuti ang inyong browsing at navigation. Ang website na ito ay pinapatakbo lamang sa maliit na budget. Asahan nyo na libre talaga ito at wala kaming hihingin na donasyon.

Muli maraming salamat sa pagtangkilik sa Lagablab :)