IKA LIMANG BAHAGI
Sa pagdaan ng mga araw ay tila sobra kong na mimiss ang taong iyun
Sa tagal nang aming bawal na pagtatampisaw ni minsan hindi man lang kami nagkaalaman ng aming mga pangalan, kasi ayaw kong malaman nya ang totoo tungkol sa sarili ko
At ang dahilan kung bakit ko ginustong magka anak
Isang gabi umuwing lasing na naman ang asawa ko
Pag-higa nya sa aming kama di sinasadyang nahulog nya ang cellphone nya
Pagdampot ko para namang may nag utos sa aking isip na tingnan ang mga mensahe
Isang hindi inaasahan at labis kong ikinabigla ang aking mga nabasa
Ang lalaking ama ng aking dinadala ay ipinapatay pala nya!
Kaya pala nung araw na pumunta ako sa bahay nya ay sarado ito at tila walang tao
Yun pala ay patay na..patay na ang lalaking mahal ko!
Hindi ko naman naiwasang hindi umiyak ng mga oras na yun, hindi ko aakalaing magagawa ito ng asawa ko!
Buong magdamag akong hindi nakatulog sa kaiiyak dahil sa sobrang sama ng loob
Kinabukasan ng magising sya hindi ko na napigilang hindi sya kumprontahin
Gulat man sya sa mga nalaman ko pero isinisisi nya sa akin ang lahat
"hindi ito mangyayari kung hindi ka naging malandi!"sigaw nya habang dinuduro ako
"PUTANG INA MO! Hindi ako malandi..huhuhu..nagawa ko lang yun dahil sa pagmamahal ko sayo!"sagot ko habang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko ang mga luha ko
"pagmamahal?? A-anung pagmamahal yang sinasabi mo ha??!..pagmamahal bang maitatawag na ang aking asawa ay NAGPAPAKANTOT NG NAGPAPAKANTOT sa iba habang ang mister nya ay abala sa opisina?? PAGMAMAHAL BA YUN HAA??!"pasigaw na sagot nya
Hindi naman ako makaimik sa itinuring nya, pero dumepensa ako kelangan nya ng malaman ang totoo
"OO PAGMAMAHAL YUN..DAHIL SA KASABIKAN MONG MAGKAANAK DAHIL SA KAINUTILAN MO KAYA KO NAGAWANG SUMIPING SA KANYA PARA MAIBIGAY NYA ANG HINDI MO KAYANG MAIBIGAY..ANG ANAK KO!!"
Duon ay tila nabigla sya sa kanyang narinig, sunod ay ang pamumula ng kanyang mga mata pagbabadya ng pagluha.
"M-MAHAL K-KITA KAYA KO NAGAWA ITO… P-PARA MAIBIGAY SAYO ANG ANAK NA MATAGAL MO NG G-GUSTO.."hagul-gol na salita ko
"S-so totoo pala ang hinala k-ko….t-totoo palang hindi akin yang ipinagbubuntis m-mo..?"tanong nya na may kababaan na ng tono at ngayon nga ay makikita mo na sa kanya ang pagtulo ng kanyang mga luha
Hindi naman ako umimik, ang mga narinig nya sa akin ay sapat na para sya ay sagutin
Sunod ay biglaang labas nya ng aming kwarto, ako naman ay napaupo na lamang sa gilid ng aming kama habang patuloy na umiiyak.
Sunod na araw ay hindi ko na sya nakita, hindi ko alam kong saan sya nagpunta
Ang totoo nyan ay blangko ang isip ko..kundi sa pansariling desisyon hindi siguro ito mangyayari sa amin
Ikatlong araw buhat nang pangyayaring yun nagulat na lang ako ng umuwi na sya
Inunahan na nya akong wag ko muna daw syang kakausapin at tatanungin
Kaya hindi na ako umimik nanatili akong tahimik.
Malaking pagbabago ang namagitan sa amin ng asawa ko
Pag nasa bahay sya hindi nya ako masyadong kinakausap minsan pa nga pakiramdam ko ay parang wala akong kasama.
Gusto ko na syang hiwalayan..kung ganito lang din na wala kaming imikan
Kabuwanan ko na at ilang araw na lang at lalabas na ang aking anak
Pero ang namamagitan sa amin ng asawa ko ay tila hindi nagbabago
Madalas parin syang walang imik. Alam kong may mali ako at malaki ang naging kasalanan ko
Pero sana maintindihan nya rin kung bakit ko nagawang magkasala sa kanya
Hanggang sa lumabas na nga ang aking anak
Napaka guwapong bata
Kahit hindi kanya makikita ang malaking pagkakahawig nito sa kanya
Pero tila wala naman syang imik ng makita nya ito
Alam nyang hindi ito kanya at bunga ito ng kataksilan ko
Pero sana maisip nyang walang kasalanan ang bata sa mga pangyayari
Hindi ko din naman sya masisisi pero hanggang kelan sya magiging ganito? Hanggang kelan kami ganito?
Inisip ko na lang na may hanggan din naman ang lahat
Alam ko kung gaano nya ako kamahal at mahal ko din sya
Umaasa akong isang araw matatanggap nya rin ako at ang aking anak.
Pero ang inaasahan ko ay hindi kailanman pala mangyayari
Ang minsan palang pagkakamali kailanman man ay hindi mababawi
Mas naging aburido sya, lasing lagi kung umuwi
May pagkakataon pa nga na pinagbabasag nya ang aming ibang kasangkapan
At ang matindi pa nagagawa nya na rin akong saktan
Gusto ko na syang layasan..gusto ko na syang hiwalayan
Pero sabi nya papatayin daw nya muna ako bago mangyari yun
Kamatayan lang daw ang tanging makapaghihiwalay sa amin
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Ayokong pati ang aking anak ay maidadamay nya sa galit nya sa akin
Hindi ko rin naman naiisipang iwan sya o layasan sya
Dahil baka may madamay pang iba.
Lumipas ang ilang mga buwan at malapit ng magisang taon ang aking anak
Isang taon na rin akong nagtitiis sa piling ng aking asawa
Hindi parin sya nagbago, wala paring nagiba
Madalas parin nya akong saktan, minsan makikitaan pa nga ng pasa ang aking katawan
Hindi na nga talaga maayos pa ang samahan namin bilang magasawa
May isang pagpaplano tuloy ang namuo sa aking isipan.