1. Home
  2. Stories
  3. IKALAWANG BAHAGI
Filipino Sex Stories

IKALAWANG BAHAGI

By sweetcouple02 ·

Unang gabi ng aming pulot gata

Malamig ang loob nang aming silid pero hindi yata namin nararamdaman yun dahil kapwa kami naliligo sa sariling pawis.

Ngayong gabi mas naramdaman ko ang sarap sa aming pagniniig

Kaysa nung gabing lasing kami at nakuha nya ang aking virginity

Pero hindi ko na pinagsisisihana ang pangyayaring yun

Saan din naman humantong ang lahat, hindi bat kami din naman ang nagkatuluyan

Sa paglipas ng mga araw tila hindi natatapos ang kasayahang aking nadarama

Tamang si IVAN ang aking napangasawa

Ngayon ko nakikitang mabait sya at responsibleng asawa

May dedekasyon sa trabaho at masipag din sa "kama".

Dalawang taon ang lumipas walang pagbabago sa aming samahan bilang magasawa

Minsan nandyan yung nagkakatampuhan kami pero natural lang yun, parte ng buhay yun

Hindi ko nakitaan ng pagbabago ang MR ko, mas naging sweet at napaka maaalahanin nya pa nga

Kaya wala na talaga akong masasabi, sya na sana ang una at huli.

Pero minsan mapagbiro talaga ang tadhana

Ang dating masaya naming samahan ay napalitan nang madalas naming pag aaway

Simula ito nung kaarawan nya at nagsipagpunta ang mga kabigan at kasamahan nya sa trabaho

Sya kasi ang naging tampulan ng usapan

Halos kasi lahat ng kanyang mga ka trabaho at kaibigan ay pamilyado

Lahat may mga anak ,pamilya ngang maitatawag

Pero sa parte namin na halos dalawang taon ng kasal at nagsasama

Tila nagdamot pa yata sa amin ang panahon

Matagal narin naming hinihintay na mag ka-anak,pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay bigo kami.

Masipag naman kaming mag asawa at dahil sa kuryusidad kaya naisipan na naming mag pa kunsulta

Duon nalaman naming mahina ang kanyang semilya. Kelangan daw nyang mag bitamina at kumain ng masustansya upang sa gayun ay maging malusog ang kanyang punla.

Akala ko naman ay ok na sa kanya ang kanyang mga narinig, hindi pala

Duon ay pinanghinaan sya ng loob simula noon nakitaan ko na sya ng mga pagbabago.

Madalas paguwi nya mainit ang kanyang ulo, mga maliliit na bagay ay kanyang pinalalaki kaya tuloy nauuwi na sa away ang simpleng tampuhan namin.

May mga gabing hindi ako halos makatulog, naiisip ko ang aming situasyon.

Alam kong sa parte nya bilang lalaki naiisip nyang isang insulto ang hindi pagkakaruon ng anak

Anu pa nga ba't naging mag asawa kami kundi rin naman kami magkakaroon ng anak na syang bubuo at kukumpleto sa aming pamilya.

Kaya isang desisyon ang nabuo sa aking isip, bukas ng umaga ako ay aalis.

Lihim kong pinuntahan ang ospital kung saan kami ay nagpakunsulta

At duon kinausap ko ng masinsinan ang aming doctor

kinausap ko sya na bukod sa sinabi nya sa aking MR ay kung anu pang posibleng paraan para agad kaming mag kaanak

Nuoy nakita kung asiwa syang magsabi sa akin

Pero pinakiusapan ko sya na namimiligro ang pagsasama namin ng aking asawa kundi kami magkakaroon agad ng anak

Buhat sa sinabi kong iyun ay tila naawa naman sa akin ang aming doktor

Sinabi nyang sa larangan ng sehensya may paraan para agad kaming mag karuon ng anak

Ayun ay sa pamamagitan ng sperm donor na syang ituturok sa aking obaryo

Medyo mahirap din daw ang ganitong proseso lalo na kung hindi napaguusapang maige ng mag-aswa

Ang mr ko daw ba ay papayag na hindi sa kanya magmumula ang anak?

Alam kong hindi papayag si IVAN sa ganung uri ng proseso, mas lalo syang maiinsulto

Pero ito ang paraan para maisalba ang aming pagmamahalan

Kaya kinausap ko si doktor napayag ako at magbabayad ng kahit magkano bastat ililihim lang namin ito sa asawa ko.

Pero tumanggi sya sa gusto ko, kapag daw malaman ng mr ko ang tungkol dito sira ang pangalang iniingatan nya, may repuntasyon din syang pinangangalagaaan

Mas maigi na pagusapan na lang daw naming mag asawa.

Tila nawalana naman ako ng pag asa, sa kahit anung pakiusap ko sa kanya ay talagang ayaw nyang pumayag. Gagawin nya lang daw ito kung kaharap namin ang mr ko.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang umuwi na lang.

Palabas na ako ng ospital nang makabanggan ko ang isang lalaki

Nang mapatingin ako sa kanya nagulat ako dahil sa laki ng pagkakahawig nya sa asawa ko

Kung pagtatabihin sila aakalain mo na parang pinag biyak na bunga

Humingi sya sa akin ng pasensya, sabi ko "ako nga dapat ang mag sorry, ako ang bumangga sayo"

Sukat duoy ngumiti na lamang ito at agad na dumeretso

Tiningnan ko nalamang sya.

Sa bahay gaya ng dati paguwi ng asawa ko mukhang pinagsakluban ng langit at impyerno ang mukha nito. Bad trip na naman daw sya sa opisina, sa araw-araw na lang laging badtrip sya.

Duon ko rin napansin na tila naka inum pa sya, amoy ko ito sa kanyang hininga

Kaya bilang asawa inalalayan ko sya pero nagalit pa sya hindi naman daw sya inutil at kaya nyang mag isa.

Narinig ko na lang ang biglang pagsigaw nya "ANONG AKALA MO SA AKIN HA? INUTIL?! INUTIL AKO!!"

Sukat duoy bigla nalang itong nahiga sa sofa at agad na nakatulog

Ako naman ay nananatiling nakatayo habang tinitingnan sya

Naramdaman ko na lamang ang mumunting luha na dumadaloy na pala sa aking pisngi

Alam ko ang nararamdaman nya at mahirap din para sa akin ang kalagayan nya

Bilang asawa ay gagawin ko ang lahat para sa kanya…ang lahat lahat…