1. Home
  2. Stories
  3. Kathlea's Sexcapades: Unfaithful - Part 10
Pinoy Tambay

Kathlea's Sexcapades: Unfaithful - Part 10

By unknown ·

"Sinasabi ko na nga bang ikaw ang paulit-ulit na tumatawag sa akin. Tinatakot mo rin ako para pag-isipan kong pinagmumultuhan ako ng asawa ko!"

"Tanga ka kasi! Maganda ka lang pero ang kitid-kitid ng utak mo!

Poot at galit ang nananaig sa puso at isipan ni Sofia dahil naisahan siya ni Dave. At matinding pagkapahiya naman ang nadarama niya sa harapan ng lalaking pinakasalan niya. Totoong naging mahina siya. At nagawa pa niya itong pagtaksilan at pagtangkaang patayin.

Planadong-planado ang istratehiyang ginawa ni Dave sa mag-asawang Sofia at Alrex. Malinis na malinis na makakagawa ito ng krimen.

"Mag-usap na kayong mag-asawa dahil ito na ang huling magkakapatawaran kayong dalawa. Sabagay, baka magkita naman kayong dalawa sa impiyerno!"

"AKO NA LANG ANG PATAYIN MO DAVE. H'WAG MUNANG IDAMAY SI ALREX SA KABUWANGAN MO!" Singhal ni Sofia.

"AKO NA LANG ANG PATAYIN MO DAVE AT PAKAWALAN MO NA SI SOFIA." Pakiusap naman ni Alrex sa kinakapatid.

Natigilan si Dave saka bumulanghit ng napakalutong na pagtawa. Hindi kasi nito akalain na magpaparaya ang bawat isa para sa kamatayan.

"Biruin mo, pareho kayong gustong isakripisyo ang sariling buhay para sa kaligtasan ng isa sa inyo. Ibig sabihin pala, may natitira pa rin kayong pag-ibig sa isa't isa."

Umamin na si Sofia.

"Pinagsisisihan ko ang ginawa kong pagtataksil sa 'yo Alrex. Hindi ko dapat ginawa iyon sa 'yo. Hindi ako dapat nasilaw sa mga kayamanan mo. At hindi rin ako nagpauto sa demonyong kinakapatid mo! Patawarin mo ako."

Hindi naman umiimik si Alrex. Mas iniinda nito ang pagkirot ng sariwang sugat sa bandang balikat. Napahiyaw pa ito nang pigain ni Dave ang balikat nitong sugatan.

"H'waaaaggg!!!" Sigaw naman ni Sofia kay Dave.

"AAAAHHH!!! AAAHHH!!!" Hiyaw ulit ni Alrex.

Kitang-kita ni Sofia ang pagdurugo ng sugat sa balikat ng asawa habang patuloy na pinipiga iyon ni Dave. Si Dave naman ay pinagtatawanan ang kinakapatid

Awang-awa si Sofia sa paghihirap ng kanyang asawa. Sising-sisi siya sa ginawa niyang kataksilan kay Alrex. Hindi ito daranas ng brutal kundi dahil sa kanyang mga kamalian.

"Tama na! Tama na Davvveee!!!"

Kahit anong pigil ni Sofia kay Dave ay ayaw nitong makinig sa kanya. Gusto niyang tulungan ang asawang si Alrex pero hindi niya magawa. Wala siyang magawa para iligtas ito ngayon.

Huli na. Huli na ang lahat para sa kanilang dalawa. Huli na ang lahat para pagsisihan ang mga kasalanan at kataksilang ginawa niya sa kanyang asawa.

Huli na nga ba?

Kapwa nangatog sa matinding takot ang mag-asawang Sofia at Alrex nang makita nilang dalawa na nilagyan ng dalawang bala lamang ang hawak-hawak na baril ni Dave.

Isa, para kay Sofia. At ang ikalawa ay para kay Alrex.

Si Alrex, palihim na kinakalag ang taling nakagapos sa likuran. At nakita naman iyon ni Sofia. Gayundin ang ginawa niya. Nang makadampot sa likuran ng matalim na bagay. Piraso ng basag na bote. Pamantingin.

Demonyo talaga si Dave. Pinaglaruan pa nito ang hawak-hawak na baril habang palipat-lipat na itinututok sa mag-asawang bihag. Sa sintido ni Sofia. Sa ulo naman ni Alrex.

"Kung papatayin mo kami ni Sofia ay 'wag mo nang patagalin pa! Iputok mo na… iputok mo na!!!" Udyok na ni Alrex sa kinakapatid. (Itutuloy)