1. Home
  2. Stories
  3. Kathlea's Sexcapades: Unfaithful - Part 2
Pinoy Tambay

Kathlea's Sexcapades: Unfaithful - Part 2

By unknown ·

KRINNNGGG… KRINNNGGG… KRINNNGGG… Kringgg!!!

Makailang ulit na tumunog ang teleponong nakalapag sa tabi ng lampshade. Titig na titig ang kanyang mga mata sa bagay na iyon. Nagdadalawang isip na damputin iyon.

Krinnnggg… Krinnnggg… Kringgg… Kringgg… Kringgg!!!

Walang patid ang pagtunog ng telepono.

Sa wakas, nagkalakas-loob din si Sofia na iangat ang receiver ng teleponong iyon. Kailangan niyang makatiyak. At kailangan din niyang makasiguro.

"H-hello!"

Music sounds ang naririnig sa kabilang linya. Rock music. Hard-hitting rock music.

"H-hello!" Aniya.

Lagaslas naman ng tubig mula sa shower room ang narinig ni Sofia sa kabilang linya. Malakas ang lagaslas ng tubig at dinig na dinig niya iyon.

Pagod nang maghintay si Sofia sa taong sasagot sa kanya mula sa kabilang linya. Ang kaninang pangamba ay napalitan ng pagkairita.

"Go to hell earthling!" Saka padabog na ibinaba ang receiver ng telepono.

Pressured na pressured na si Sofia sa mga problemang kinakaharap niya ngayon. At pagkatapos, may mystery caller pang gustong sirain ang gabi niya.

Ang cellphone naman ni Sofia ang nag-vibrate na mismong nasa kinahihigaan niyang kama. Kagad din niyang dinampot iyon.

"May nagpadala ng text message sa akin."

Kaagad na binuksan ni Sofia ang inbox para basahin ang ipinadalang mensahe. Hindi nakarehistro sa phonebook ng cellphone niya ang numerong lumabas.

"Kanino kaya galing ang text message na ito?"

Tahimik na binasa ni Sofia ang nakasulat na text message sa in box. Bigla niyang nabitawan ang cellphone pagkatapos mabasa iyon. Ganito ang nakasulat na text message na ipinadala sa kanyang anonymous sender.

"Walang bangkay na natagpuan sa sinabi mong pinangyarihan ng krimen. Sigurado ka bang patay na si Alrex nang iwanan ninyo ng gabing iyon?"

Gulantang na naman ang isipan ni Sofia. Masisiraan na yata siya ng isip sa napakalaking problemang kinasangkutan niya. Ang hindi niya maisip ay kung sino ang nagpadala ng text messages na iyon sa kanya.

"S-sino ang taong iyon? B-bakit alam niya na may iniwan kaming bangkay sa…"

Biglang nagbalik kay Sofia ang tagpong napagkasunduan nilang dalawa ni Dave na patayin si Alrex. Biglang bumulagta ang katawan ni Alrex sa harapan ni Sofia nang hatawin ng bote ng alak ni Dave sa ulo.

"Ano, iputok mo na ngayon ang hawak-hawak mo!" Utos ni Dave kay Sofia.

Nangatog naman ang mga kamay ni Sofia habang hawak-hawak ang isang baril. Hindi niya iyon magawang iputok. Pinangungunahan siya ng takot.

Si Alrex naman ay nagpupumilit na ibangon ang sarili. Duguan ang ulo nito pati na rin ang mukha na nakatingin sa kanya.

"Sofia, bakit mo ito nagawa sa akin? Bakit?"

"Hindi kita magawang mahalin. At dahil ayoko ring mabuhay nang kasama ka. Hindi ako masaya sa piling mo!"

"Kaya gusto mo akong patayin?"

"IPUTOK MO NA KASI ANG HAWAK MO NANG MATAPOS NA ITO!" Sulsol naman ni Dave sa kanya.

"Minahal kita ng buong buhay ko Sofia. Ang tanging naging kasalanan ko sa 'yo ay mahalin ka."

Hindi na nakatiis pa si Dave at sumabat na rin.

"Hindi ka talaga mahal ng syota ko… kinakapatid ko. Napilitan lamang siyang magpakasal sa 'yo dahil sa utos ko sa kanya. Ako ang mahal ni Sofia at hindi ikaw!"

"PINAGKAISAHAN NINYO AKONG DALAWA. MAGKASABWAT KAYO PARA PATAYIN AKO… MGA WALANGHIYA!" (Itutuloy)