1. Home
  2. Stories
  3. KOREANA (I feel, I feel) Pt. 1
Lagablab

KOREANA (I feel, I feel) Pt. 1

By inhiny_ero ·

Sana maibigan nyo ang pagbabahagi ng karanasan kong ito, na sinangkapan ng bahagyang tulong-aral, at seksual na medyo nahaluan ng komedya.

Tawagin nyo na lang ako sa pangalan na Buboy, dahil kahawig ko daw yung isang miyembro ng grupong APO Hiking Society. Ang kaibahan ko lang sa Buboy na yun ay kasing tangkad ko naman yung Jim sa kaparehong grupo.

Isa akong inhinyero, at nakapagtrabaho na sa iba't ibang kumpanyang pribado at ahensya ng gobyerno sa Pilipinas. Kasalukuyan akong nagtratrabaho sa isang bansa sa gitnang silangan. Ang aking kuwentong ibabahagi ay nangyari ng ako ay nagtratrabaho pa noon sa isang ahensya ng gobyerno.

Ako ay nasa edad tatlumpu't dalawa ng panahon na yun. May asawa na ako at dalawang anak. Sa edad kung yun ay mainit pa talaga ako pagdating sa seks. Siyempre hindi maiwasan na mag sideline ako ng chiks. Lalo na sa mga proyekto na ang mga kontraktor namin ay banyaga at mahilig kaming I good time. Hanggang sideline lang at mga one night stand ang estilo ko. Hindi ako nakikipag girlfriend o yung may ibinabahay.

Marami na akong karanasan sa pakikipagtalik sa iba't ibang babae. Pero ang isa sa pangarap ko ay yung makipagtalik sa isang banyaga. Siyempre hanap ko ay mga puti, mapa kana man, australyana o taga europa. Sa mga opisyal na biyahe ko para mag inspeksyon sa iba't ibang bansa sa europa ay may tatlong pagkakataon na sana na nakatikim na ako ng banyagang puti. Kung gaano kabilis ang pag taas ng libog ko habang papunta na kami sa mga tinatawag nilang red district ay syang a-takbo a-tulin din nito sa pag atras tuwing maiisip ko na prostitute ang aking makakaniig. Hindi ko linalait ang nasa ganoong propesyon pero ang aking kalusugan at pamilya ang aking naiisip maski pa sabihing may proteksyon. Tumatawa lang aking mga kasamahan, mapabanyaga man o pinoy. Sabi nila kung ayaw ko ng prostitute ay maiwan na lang ako sa bansa na yun at manligaw ng puting babae na hindi prostitute na magpapakantot sa akin.

Hanggang sa natupad din kahit paano ang aking pangarap na makatikim ng banyaga. Hindi puti ang babaeng ito, isang asyana … koreana pero maputing maputi. Lima kaming inhinyero na ipinadala ng aming ahensya para sa isang opisyal na biyahe na mag inspeksyon ng mga materyales sa bansang South Korea, sa siyudad ng Seoul. Limang araw ang ibinigay sa amin para mag inspeksyon.

Sa unang tatlong araw gaya ng nakagawian ay seryoso kaming lahat sa trabaho at pag inspeksyon sa iba't ibang materyales at mga factory. Sa ikaapat na araw ay puro diskusyon na lang hanggang tanghali. Sa gabi naman ay ang nakagawian kapag natapos na ang inspeksyon at diskusyon ay isang espesyal na hapunan at inuman na sagot lahat ng kontraktor. Kinabukasan kasi ay huling araw na namin ay shopping time na lamang bago lumipad pauwi ng Pilipinas.

Resto at Bar ang pinagdalahan sa amin ng kontraktor. Mukhang mamahalin dahil sa laki ng lugar at ganda ng mga furniture, mga kagamitan, chandeliers at mga dekorasyon. Nasa isang VIP room kami dinala at doon naghapunan. Sa tradisyonal na estilo ang aming pagkain ng hapunan, ito yung nakaupo kami sa sahig. Ang mga waitress nila na nagsisilbi ay nakasuot ng tradisyonal na damit nila na Hanbok, (sa mga hapon ay kimono). Dati na akong napunta sa Korea para mag inspeksyon pero maliit lang ang project kaya natatandaan ko ordinaryong restaurant at inuman lang ang sinagot ng kontraktor.

Natapos ang hapunan ay kape, tsaa at mga prutas ang hinanda. Halos isang oras din kami na nagusap habang nagpapababa ng kinain. Akala ko ay lilipat pa kami ng lugar para mag inuman. Nagtaka na lang kami at yung mga waitress na nagsilbi sa amin at may nadagdag pang iba ay umupo isa isa sa tabi namin. Lahat kaming siyam na lalake ay mayroon ng kapareha, lima kaming pinoy at apat silang koreano. Taga silbi namin ang mga babaeng kapareha namin na nakasuot pa din ng Hanbok. Pinunasan kami ng hot towel sa aming mga mukha, leeg at mga kamay.

Nagkatawanan na lang kaming magkakasamang pinoy dahil instant GRO pala ang mga waitress doon. Magaganda ang mga koreanang kasama namin sa kuwarto na yun. Ang kapareha ko ay maihahalintulad ko ang mukha kay San Chai (isang Taiwanese actress / meteor garden fame). Ang komunikasyon lang ang problema dahil sabi ng mga kasama naming koreano ay hindi talaga maalam magsalita ng ingles ang mga kapareha namin. Kaunting kaunti lang ang alam nila na salitang ingles. Kaya kadalasan parang sign language o turo turo lang kung ano dapat kunin o gawin.

Nag inuman na kami, at ang taga bigay ng aming mga alak ay ang mga koreanang kapareha namin. Sinusubuan pa kami ng pulutan at pinapahigop ng sabaw. Hindi ko pansin ang oras dahil talagang masaya, tuloy lang ang pagdating ng beer at whisky pati na ang pulutan at hot soup. Alam ko nakarami na kami ng ininom at medyo bumagal na ang aming mga pagtungga ng aming inumin. Nakita ko ay may dalawang litro ng whisky pa at ilang bote ng beer. Iminungkahi ng isang koreano na para mapabilis ang inom ay paghaluin na lang ang natitirang whisky at alak at itagay ito. Dahil may tama na ang lahat ay game daw na ipaghalo ang inumin. Sa madaling salita ay naubos din ang alak pero iba na ang pakiramdam ko. Bago kami umuwi ay muli kaming pinunasan ng aming mga kapareha ng hot towel sa mukha, leeg at kamay.

Nasa labas kami ng restaurant at hinihintay namin yung service na magdadala sa amin pabalik sa aming hotel na tinutuluyan. Nasa isang first class hotel kami naka check in at tig isa kami ng kuwarto ng aking apat na kasamang inhinyero. Naiinip na kami dahil wala pa din dumarating na service namin at dahil sa tama ng alak, tulog na lang ang gusto naming mangyari. Pero nagising ang aming kamalayan ng makita namin ang aming mga kaparehang koreana na palapit sa amin na hindi na naka tradisyonal na suot. Mga naka tight jeans at fit na blouse na sila, kita tuloy ang kaseksihan nila. Kasunod nila ang isa sa mga kontrakor namin, sinabihan kami na "guys they will stay with you tonight in your rooms."

May pagtataka man sa mga mukha namin ay kita ko yung dalawa kong kasama na masayang masaya. Yung isa kong kasama ay inakbayan agad yung koreano … "Mr. Park, if you have told earlier that we can bring them to our hotel then we should not have drank too much." "Maybe I cannot perform and have sex with my drunken condition. I know you paid her and it will be a waste of money if I cannot have sex with her." Ngising nakakaloko si Mr. Park … "Ah don't worry about money, it is only eleven in the evening and you can be with her until lunch time tomorrow, so you will have enough time to recover." At humalakhak ng malakas si Mr. Park. Dalawang taxi ang sinakyan namin dahil sampu na kami ng pabalik kami sa hotel.

Sa loob ng aking kuwarto ay nakaupo kami ng aking kaparehang koreana sa gilid ng kama. Medyo antok at tipsy na ako … "What is your name again?" Sumagot ng parang telegrama ang koreana … "My … name … is … Kim" sabay abot sa akin ng isang calling card. Sa isang side ay Korean ang nakasulat, sa kabila ay ingles. "Oh your full name is Kim Hyun Soo and you have also other work as massage therapist." Sabay sa pag akto ko ng pagmamasahe. Ngumiti ng pagkatamis tamis si Kim sabay tumango.

Sa oras na yun talaga ay wala akong seksual na nararamdaman sa katabi kong koreana na si Kim, para kasing namanhid sa alak ang aking utak at buong katawan. Alam ko seksi si Kim dahil sa kitang kita ang kurba nya sa fit na blouse at maong. Sumenyas ako na tulog muna kami. Umiling sya at umakto na parang pumapatak ng tubig mula sa kamay nya, shower ang pagkaintindi ko doon. Umakto din si Kim ng masahe. Ngumiti lang ako pero sabi ko tulog muna ako. Humiga ako at pumikit na. Dahil medyo hilo ay iminulat ko ang aking mga mata. Si Kim naalis na nya ang blouse nya at kasalukuyang hinuhubad ang maong na pantalon.

Kung hindi ako lasing ay malamang tumayo na ako at linapitan na si Kim. Pero wala talagang libido na dumadaloy sa aking katawan kaya pumikit na lang ako ulit. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, nakaramdam na lang ako ng mainit na dampi ng bimpo sa mukha ko. Idinilat ko ang aking mga mata, nakita ko si Kim naka bath robe at ako naman ay naka brief na lang. Tinignan ko ang orasan at ala una y medya pa lang ng madaling araw. May higit isang oras akong nakatulog. Ng mapansin ni Kim na nakadilat ang mata ko ay ngumiti sa akin. Muli ay inaya nya akong mag shower.

Sa punto na yun, maski lasing pa ang pakiramdam ng katawan ko ay nakaramdam ako ng pagkislot sa ari ko ng makita ko ang mapuputing hita ni Kim, lumilis ang bathrobe nya. Unti unti ay bumalik ang aking diwa, parang nabubuhay ang aking kamalayan. Hinawakan ni Kim ang isa kong kamay, hinihila ako upang tumayo. Naisip ko na sige na nga, mag shower na kung mag shower. Sumingkit lalo at lumabas ang ganda ni Kim ng ngumiti ito dahil ako ay nagpahila na sa kanya upang tumayo.

Pagkatayo ko ay hinihila pa din nya ako papuntang banyo. Pagkapasok sa banyo ay nakita ko na handa na yung bath tub. Tumigil kami at humarap sya sa akin, sabay hawak sa garter ng brief ko at hinila nya ito pababa. Literal na hubo't hubad na ako sa oras na yun. Inalalayan nya ako na makapunta sa bath tub. Napa sigaw ako ng konti, shit hindi pala warm, cold yung tubig. Napatawa si Kim at sumenyas na lumublob na ako. Nginig ang aking buong katawan ng lumublob na ako pero dahil siguro sa init ng alak na nasa loob pa ng katawan ko ay nakapag adjust naman ako sa sobrang lamig na tubig. Halos winter pa kasi ng panahon na iyun sa Korea. Lumabas ng banyo si Kim para kunin ang mga ginamit nya sa akin sa kuwarto.

Bumalik si Kim at inayos sa tabi ng bath tub ang mga gamit. Tumayo si Kim sa harap ko sa labas ng bath tub. Kinalag nya ang tali sabay bukas sa bath robe na suot nya at tuluyang hinubad ito. Napa wow ako sa sarili ko at napakislot na naman ang aking alaga dahil hubo't hubad na din si Kim, kanina pa pala sya walang panty at bra. Katamtaman ang laki ng mga suso at pinkish ang nipples … ang puti, ang flawless ng kutis pero kita agad na malago ang bulbol nya. Ngumiti lang si Kim dahil alam nya nakatitig ako sa kahubadan ng katawan nya.

Talagang espesyal serbis ang pagpapaligo nya sa akin. Naupo sya sa may bath tub sa likuran ko sa may parte ng ulunan ko. Todo masahe sa ulo, mukha, leeg, balikat at upper back ang ginawa ni Kim. Pakiramdam ko aantukin ako ulit sa ginagawa nya pero dahil nasa tubigan ako ay bumabalik agad ang kamalayan ko. Pagkatapos ng masahe ay sinabunan nya ako at pinadaanan ng bimpo ang buo kong katawan. Pati si junior ko ay minasahe na din nya at umabot naman sa pagka semi erect. Ang pinakahuli nyang binimpo ay aking puwetan, pati pinakabutas ay dinaanan nya.

Ng makatapos kami ay pinatayo nya ako sabay flush nya yung tubig sa bath tub. Binuksan nya ang shower at muli sinabon nya ako ng mabilisan. Ng mabanlawan na nya ako ay aktong lalabas na sya ng bath tub. Pero pinigilan ko sya, yinakap ko sya sa unang pagkakataon at hinalikan sa labi. Hindi naman tumutol si Kim, yumakap din sya sa akin at tinugon din ang aking halik. Gentle ika nga ang aming halikan at yakapan, lalo na para sa akin na tinatantya ko pa ang sarili ko dahil baka hindi magtuloy ang aking libog dahil may epekto pa ang alak sa katawan ko.

Itutuloy …