1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 1
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 1

By el_nunal ·

Kung Ako Na Lang Sana, sang by Bituin Escalante, isang kantang medyo luma na pero bago lang noon sa aking pandinig, isang kantang nagpaalala sa akin sa isang taong naging espesyal sa aking buhay, isang taong naging mahalaga na sa aking buhay, ako si El Nunal at ito ang aking kwento

Magbubukang liwayway na nang mga oras na iyon, sa aking tantya, magaalisingko na nang umaga noon, tahimik akong nakaupo sa isang bakanteng upuan sa may park nang Angono, pinagmamasdan ang mga taong ang iba ay papasok pa lamang sa kanikanilang eskwela, trabaho, yung iba naman ay luluwas dahil magaapoly nang trabaho, ang iba naman ay mga bago pa lamang magsisiuwi, nakaramdam ako noon nang kalungkutan, maaring dahil ito sa pagwawakas ko sa isang relasyon, isang maling relasyon na sa una pa lamang ay hinde ko na dapat pinalawig pa, pinatagal, at maari din namang dahil din sa aking nakikita, mga taong may mga rason nang pagbangon nila sa umaga, mga taong gumigising upang gawin ang mga bagay na plinaplano nila, mga bagay na ngayon araw na ito ay nakatakdang harapin, purpose, ako, ano nga ba ang purpose ko sa pagbangon? Pag punta sa lugar na iyon?
Marahil ang purpose ko sa pagpunta ditto kung nasaan man ako ngayon ay upang wakasan ang isang bagay, isang bagay na dapat naman talaga ay hinde ko na sinimulan, pero sabi nga nila, every end is a beginning of something, and that something eh agad ko namang nakita, ito ay nang marinig ko ang boses ni Stella.
"Hey.."
Ang malambing na boses ni Stellang tila ba nagpaganda noon sa panget kong umaga
"Oh, napatawag ka, gising ka pa? O kakagising mo lang?"
"Kakagising ko lang, wala nga pala ako pasok today, nasanay na kasi ako na gumising nang ganitong oras eh nasaan ka?"
"Nandito sa park"
"Aga aga naman nang tambay mo, teka, ikaw ba natulog ka na?"
"M-medyo, oo at"
"Ano daw kayang sagot yan, ikaw talaga, umuwi ka kaya muna at matulog"
"Maya na siguro, hinde pa ako makakauwi sa bahay ko eh"
"Bakit naman?"
"Kasi yung susi nang bahay ko nasa isa kong kaibigan, iniwan ko sa kanya tapos ayun, umalis nang bahay ayun, gabi na kasi ako nakauwi eh, kaya ayun, umuwi muna sa kanila"

"Ayan ang napapala nang batang laboy, bakit mo naman kasi iniwan pa sa kanila yung susi para kang timang timang diyan eh, later kita tayo, kain tayo sa labas"
"Saan naman?"
"Uhmm, basta mamaya text na lang kita maya pa naman hapon eh, may aasikasuhin pa ako mamayang umaga eh, may immeet up lang ako na client after that wala na ako gagawin, sa MoA tayo magkita huh?"
"Ok, anong oras ba?"
"Itetext na nga lang kita, ano ka ba kakulet, sige na, magjogging na muna ako para naman may sense ang paggising ko, good morning babes, love you"
Ang magiliw na paalam ni Stella noon sa akin matapos ay binaba na niya ang tawag. Napangite ako nang mga sandaling iyon, kasabay ang paguunat at naghanda na noon umuwi subalit alam ko na maaga pa upang istorbohin si Mike sa kanilang bahay, iniisip ko din na maaring iniwan niya sa shop ang susi nang aking bahay kaya naman minabuti ko na lamang na magtungo sa shop kung saan tumatambay si JanJan. Agad akong sumakay noon nang jeep at nagtungo sa computer shop. Tahimik ko lamang noon pinagmamasdan ang tanawin sa labas, iniisip kung ano naman kaya ang mangyayare sa nagsisimulang relasyon naming ni Stella, si Stella na kaibigan ni Jules, at ni Eusha.
"Mukhang problema na naman to ah"
Ang iniisip ko noon, muli, sinubukan kong magpadala nang mensahe kay Eusha
"Eusha, pwede ba kitang makausap? Pwede ba tayong magkita?"
Subalit hanggang sa makarating na ako sa aking patutunguhan ay hinde pa din siya nagreply sa aking text. Nagtungo ako noon sa isang tindahan pagkababa ko sa jeep upang magpaload, upang alamin kung active pa ba ang number ni Eusha.
�"The number you dialed is either unattended or our of coverage area, please try your call later"
Ang automated voice recording na narinig ko noon, di ko alam kung wala ba siyang signal, nakapatay ang cellphone, o hinde na iyon ang numero ni Eusha. Nakaramdam ako nang lungkot nang mga sandaling iyon, gusto ko talagang makausap si Eusha, naisip ko bigla, maaring si Stella ang maging tulay para makausap ko muli si Eusha, at naging solido ang plano ko noon, gagamitin ko si Stella upang makausap muli si Eusha. Agad akong nagtungo noon sa computer shop upang maitanong kay JanJan kung iniwan nga ba ni Mike ang susi sa kanya, at di naman ako nabigo nang mga sandaling iyon dahil nakita ko si JanJan na nakaupo sa harapan nang shop, nagsisigarilyo habang umiinom nang softdrinks
"Aga naman nang softrdrinks mo tol"
"Ikaw ba yung kumakalabog kagabi nang roll up?"
Ang tanong niya sa akin sabay abot nang niyoyosi niyang sigarilyo
"Hinde ah"
Ang natatawang sabi ko noon sa kanya
"Gagu! Ikaw yun!"

"Bakit?"
Ang tanong ko sa kanya
"Tae, nandito si Joseph kagabi tska si Chelsy, lasing yung dalawa at dito natulog kaya di kita pinagbuksan sabi ko nga baka yung ibang suki lang yun gago ka talaga"
"Sorry naman di ko naman alam eh, teka, nasa iyo ba yung susi?"
"Sandali"
Ang sabi niya at pumasok siya nang shop noon
"Oh, eto iniwan nila Mike kagabi dito"
"Naglaro pa sila?"
"Oo, kaso sandal lang, nilayasan mo daw sila umadig ka na naman daw"
"Tado hinde"
"Muka mo gago parang di naman kita kilalang hudas ka, oi dito ka muna, babalik ako"
"Ihh! Mamaya anong oras ka naman bumalik"
"Tae sandal lang ako, uuwi lang ako pasukpasukan na naman ako tapos dito agad ako pupunta"
"Sigurado ka ha?"
"Oo nga, ikaw na muna diyan taena mo kunwari ka pang ayaw mo free games na ayaw pa? Lalaro? Games?"
Natawa lang ako noon kay JanJan dahil di alam niya na hinde ako makakahinde sa offer niyang libreng laro sa computer shop kaya naman pumayag na ako, at ako na muna noon ang tumao sa shop, maaga pa naman noon kaya naman binaba muna niya ang roll up. Agad akong nagbukas nang ibang computer noon at nilibang muna ang aking sarili sa paglalaro nang HoN. Habang naghihintay ako na magsimula ang laro noon, pansamantala akong nagbrowse sa internet, nag titingin nang kung ano ano, at nang mga sandaling iyon, napaisip ako at natulala, hinde ko alam kung bakit ba, nakaramdam na naman ako nang kakaibang kalungkutan, kakaibang, hinde ko baa lam kung bakit ba sa tuwing magisa na lamang ako ay nakakaramdam ako nang kakaibang kalungkutan, kakaibang panlalamig, kakaibang pangungulila, hinde ko ba alam kung bakit ba simula talaga nang mawala sa akin si Chairce, tila ba, hinde ko na makita ang pagiging kuntento sa piling nang iba, marahil nga ay hinde pa din ako talaga nakakabitaw sa nakaraan naming dalawa. Nang mga oras na iyon, Pinuntahan ko kaagad ang isang website upang tignan ang aking email kung meron ba siyang message na pinadala sa akin, subalit wala akong nakitang bagong mensahe mula sa kanya, puro mga spam messages at notification n a lamang ang tanging nakikita ko noon, isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko noon, matapos ay nagsinde ako nang sigarilyo at sinimulan nang maglaro at nilibang ang aking sarili. Hinde ko napansin ang oras nang mga sandaling iyon, magaals nuwebe na pala, nakita ko na lamang iyon sa orasan sa may computer.

Masyado nap ala akong nalibang at nalimutan ko nang buksan ang computer shop, kaya naman dali dali kong inangat ang roll up at eksakto naman na may dumating noon na players
"Oi El Nunal ikaw pala ang bantay tara laro tayo!"
Ang aya nila sa akin, hinde ko naman sila binigo noon at nakipaglaro ako sa kanila, gusto ko din kasi noon na libangin ang sarili ko nang husto, dahil alam ko na pagkatapos kong magsaya dito ay muli na naman akong haharap at tatapak sa totoong mundo. Masyado akong nalibang noon at hinde na napansin ang oras, hanggang sa isang tawag sa telepono ang kumuha sa aking atensyon nang mga sandaling iyon
"Ay shet! Oo nga pala!"
Ang sabi ko bigla nang makita ko na si Stella ang tumatawag noon sa akin, napansin ko ang oras noon, magaalauna na nang hapon at napakamot ako sa ulo dahil hinde pa ako nakakatulog nang maayos, hinde pa ako nakakaligo, at naalala ko na hapon nga pala ang sabi niya sa akin na magkikita kami, sa kabutihang palad ay siya namang dating noon ni JanJan, hinde ko na nasagot ang tawag dahil tila ba miscall lang ang ginawa ni Stella
"Oi pre pasensya na, may pinagawa sa akin si mama sa bahay eh"
"Taena ka talaga! Oh ituloy mo na to, ikaw na muna wag mo ipapatalo ha?"
Ang sabi ko noon sa kanya at agad na akong umalis nang shop noon at nagtungo sa aking bahay. Sa biyahe ay doon ko naramdaman ang kakaibang bigat nang pakiramdam, yung para bang lumulutang ang ulo mo at mainit ang singaw nang mga mata mo, iniisip ko na maari ding nasobrahan lang ako sa kakalaro, halos walong oras na din pala kasi akong nasa harapan nang computer noon, para na din akong nagtrabaho, isama pa ang may kainitang kapaligiran noon, tirik na tirik kasi ang araw nang magbiyahe ako noon, nang lumabas nga ako sa shop ay mahapdi na sa balat ang sikat nang araw, at medyo maalinsangan pa ang ihip nang hangin sa labas nang mga sandaling iyon. Habang binabaybay nang aking sinasakyang jeep noon ang kalsada pauwi ay bigla na namang may tumawag sa aking cellphone, napansin ko na ibang numero ang rumehistro sa aking cellphone at nang sagutin ko ito ay nagulat ako kung sino iyon
"Oi nasaan ka?!"
Ang biglang tanong sa akin ni Fae, nagulat ako dahil hinde ko inaasahan ang pagtawag niya
"Oh napatawag ka?"
"Wala lang masama bang kamustahin ka?"
Natawa lang ako noon at muli siyang tinanong
"Oh, bakit ka ba napatawag bruha ka?"
"Wala lang namiss kita kausap eh, di ka na masyado napupunta sa Tambayan eh"
"Ah, medyo may mga inaasikaso lang ako na mga bagay bagay"
"Ahh, nasaan ka ba?"
"Sa jeep pauwi pa lang sa bahay"
"Ahh kaya pala kanina pa kami kumakatok ni Mcoy diyan walang sumasagot, nakapadlock nga yung bahay eh"

"Oo nga, iniwan ko kasi kina Mike yung susi nandoon sila kagabi sa bahay kasama si Pauline"
"Wala akong pakealam doon sa isang yun noh"
"Ganun? Talagang war na kayo ah?"
"Hay naku El Nunal kung alam mo lang"
"Bakit ba?"
"Naku, tska ko na ikwekwento, parang ayaw ko pa nga eh"
"Bakit naman?"
"Eh kasi alam ko na parang Kapatid na nga turing mo doon sa isa di ba?"
"Oo naman pero sige ano ba yun? Hinde naman ako magsasalita sa kanya eh"
"Promise yan ha? Krokrompalin ko nunal mo pag sinabi mo"
Natawa lang ako at nagulat ako nang ikwento niya sa akin ang isang bagay na medyo pinagtakhan ko nga at medyo napaisip
"Di nga?"
"Hay naku, sabi na eh, ok lang alam ko naman na mas matagal mo nang kilala yung mga yun, sino ba naman ako para paniwalaan mo diba?"
May punto siya sa kanyang sinabi nang mga sandaling iyon, medyo napaisip talaga ako dahil parang hinde naman magagawa ni Pauline iyon, pero, bigla kong naalala ang isang bagay na nagawa niya noong nasa bahay kami Nikko, kaya naman medyo napailing ako at napaisip, maaring may basehan ang sinasabi niya
"Hay nako, isa pang yang hayop na Mcoy na yan, nakakainis talaga, alam mo bang may bakla pala tong hayop na to"
Natawa lang ako sa sinabi niya, di naman lingid sa aking kaalaman ang kumakalat noon na haka haka o bali balita na ang mga dancer kasamahan si Mcoy at ang iba pa niyang kaibigan ay nag papachupet (napapachupa) sa bakla, ngunit di ko nman inakala na totoo pala ang mga kuro kuro na iyon
"Naku kilala mo ba yung Larry na yun ha?"
Ang tanong sa akin ni Fae
"Aba malay ko sa mga kabadingan nila"
"Weh? Hinde nga?"
"Oo nga napakadik mo panga hane?"
"Makaadik ka naman, pero mukha na nga akong adik laki na kaya nang eye bag ko"
Ang sabi ni Fae sa akin
"Oi pag nakita mo si Mcoy sabihin mo nga pumunta siya dito, magdala kamo nang pagkain"

Ang sabi ni Fae sa akin
"Sige pagnakita ko, oi sige na, baba na ako"
Ang sabi ko sa kanya nang mapansin ko na malapit na ako sa bahay na tinitirhan ko at siya binaba ko na noon ang tawag. Pagdating ko sa bahay ay saglit na muna akong naupo at nagpahinga, hinanap ko noon ang charger nang aking cellphone at agad na chinarge ito, mayamaya pa ay nakatanggap ako nang isang text mula kay Stella
"Uy, later ha? Punta ka lang sa may Ice Skating Ring ha?"
Agad ko naman siyang nireplayan
"Anong oras ba? Nandito pa ako sa bahay eh, maliligo pa lang"
"Kahit mga 3pm ok lang ano ka ba, hinde pa din naman kami nagsisimula eh, letcheng yun, aga aga kong nagpunta dito may pinuntahan pa palang ibang meeting, naku kung hinde lang siya big time na client na potential buyer, di ko papansinin tong panot na intsik na to!
Natawa ako sa reply niyang iyong sa akin at napaisip at agad na tinanong sa kanya
"Sandali Stella, yan din ba yung sinasabi mo sa akin na manliligaw mong intsik?"
"Hinde ah : ) Ano ka ba as if naman na papayag ako makipagkita doon mamaya kung saan pa ako dalhin nun isa pa, hinde ko bet ang mga thunders noh"
"Anong thunders?"
"Matanda, gurang, oldies DOM"
At natawa ako sa mga pinagsasabi niya
"Bakit bata ba yang kameet up mong client?"
"Di naman, early thirties na siya, di ko naman kasi siya ininterview sa edad niya, later pagnagkita kami"
"Nasaan ka ba?"
"Right nandito ako sa megamall, nagwiwindow shopping lang then after a few minutes pupunta na ako MoA"
!Ahh ganoon ba? "
"Sige text you later, basta huh 3 o clock ok?"
Matapos noon ay agad na akong naligo, matapos ay nagayos nang sarili, natawa ako sa itsura sa pagtingin ko sa salamin bago maligo, mataba na talaga ako, medyo nadadagdagan na talaga ulet ang timbang ko, pinisil pisil ko pa ang tiyan ko noon at natatawa ako dahil sa beer belly ko na medyo lumalaki na talaga.
"Ppapayat din ako"
Ang sabi ko sa aking sarili matapos ay nagtungo na ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay agad na akong nagbihis noon at nagabang nang FX na sasakyan papuntang mega mall. Iniisip ko noon kung aabutan ko ba siya sa megamall kaya lamang ay quarter to 2 na at halos isang oras ang biyahe mula sa amin papunta sa megamall, itetext ko sana siya na antayin na ako sa megamall kaya lamang ay bigla ko din naalala na sandali nga lamang pala siya doon at magtutungo na din sa MoA kaya naman hinde ko na siya tinext, bagkus ay ibang tao ang aking tinext, si Kimberly.

"Kumusta ka na?"
Ang tanong ko sa kanya subalit hinde katulad noon na agad siyang nagrereply sa isang text ko,ngayon ay di manlang siya nagreply sa akin, napakibit balikat lamang ako noon, naisip ko bigla, ano ba tong ginagawa ko, tinapos ko na nga ang kung ano mang meron kami tapos eto na naman ako, magpaparamdam, subalit medyo may pagkasira ang tuktok ko kaya naman naisipan ko pa siyang tawagan subalit laking gulat ko nang marinig ko sa aking cellphone ang mga salitang
"The number you dial is either unattended or out of coverage area, please try your call later"
Hinde ko ba alam kung bakit ako nakaramdam nang kakaibang kirot sa dibdib ko, marahil ay masyado akong umasa na sasagutin ni Kimberly ang tawag ko, umasa na kung sakali man na magpalit siya nang number eh ipapaalam niya sa akin pero hinde, marahil ay tama na din naman ang nangyari nang sandaling iyon, tama naman ang ginawa niya, unang paraan upang iwasan na ang kung ano mang kamaliang nagawa niya at nagawa namin ay mawalan na kami nang komonikasyon. Nang mga sandaling iyon, binura ko na din ang number ni Kimberly sa aking cellphone, matapos ay nakita ko ang numero ni Eusha, at naisipan ko siyang itext
"Eusha, nasaan ka? Pwede ka bang puntahan sa inyo? Gusto ko lang sana na makausap ka? Ok lang ba? May gusto lang sana akong ipaliwanag sa iyo? Ok lang ba?"
Subalit nang isesend ko na ang message kay Eusha, tila ba may kung anong pumigil sa aking daliri na pindutin ang send button, bagkus back button ang pinindot ko, hinde ko alam kung bakit ba parang nakaramdam ako nang kakaibang guilt sa gagawin ko nang mga sandaling iyon
"Sir, Megamall Robinson?"
Tanong sa akin nang isang barker
"Oi El Nunal ikaw pala yan walangya na ser pa kita sakay ka ba?"
Ang sabi sa akin nang barker na si Junie, kamaganak nang asawa nang aking kuya.
"Ah.. oo may bakante pa ba?"
"Oo naman maluwag pa, aba pogeng poge ah! Saan ba punta? Mukhang may kadate ka sa datingan mo ah? Namamango ka pa?"
Napangite lang ako noon sa kanya at sumakay na nang FX, swerte at bakante ang harapang upuan at doon na ako sumakay, subalit dalawa na ang binayaran ko dahil ang nakakainis kasi sa pagsakay sa FX, kahit pangisahan lang ang upuan ay pinipilit na dalawahan, balak ko kasing matulog buong biyahe patungo sa mega sa fx. Pagsakay na pagsakay ko noon ay agad kong pinikit ang aking mga mata, medyo nahihilo kasi ako at inaantok at ilang sandal pa ay bumigat na ang pakiramdam nang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
"Boy, gising na, nandito nandito na tayo"

Isang boses ang narinig ko noon, si manong driver, at napatingin ako sa labas nang bintana, napansin ko na nasa paradahan na kami sa may Building B nang megamall. Hinde ko namalayan na napasarap pala ang tulog ko nang mga sandaling iyon, dali dali akong nagayos nang sarili, natawa ako nang mapansin ko na tulo ang laway ko, matapos ay agad na akong lumabas nang FX. Dalidali akong naglakad noon patungo sa loob nang megamall dahil medyo masakit talaga sa balat ang sikat nang araw nang sandaling iyon hanggang sa wakas ay nakapasok na din ako sa building kung saan sinalubong ako nang malamig na simoy nang hangin. Chineck ko ang aking relo, magaals dos y medya pa lang pala nang hapon, mukhang napaaga ang dating ko, mukhang wala atang trapik kanina nang nasa biyahe kami kaya siguro parang bitin ako sa tulog, at nakaramdam na din ako nang gutom noon, pero ayaw kong kumain agad dahil maaring kumain kami ni Stella pag nagkita kami mamaya, kaya naman kahit gusto ko nang kumain noon ay hinde na ako nagtangka pa na kumain, at nagtungo na lamang sa may Cyber Zone upang libangin ang aking sarili.
Pagpunta ko doon ay nagulat ako dahil tila ba may mga nagbago, ang mga nauusong laro na wala akong kaalam alam na meron na pala tulad nang parang Dance Revo kaya lamang kamay ang gagamitin mo sa paglalaro imbis na paa, may mga dagdag din na mga gaming booth at video game booths na ang ginagamit upang makapaglaro ay parang credit card na iswaswipe. Medyo naaliw ako noon sa panood sa mga kabataang di ko alam kung tapos na ba ang klase o sadyang mga nagcucuting classes lang. Napansin ko din na madami daming mga ibang lahi ang nandoon, mostly Koreans, pero hinde sila kasing gaganda at kasing gwawapo nang mga nakikita ko sa Korean novella, kung sabagay, hinde naman lahat ay pinagpala nang magaganda at gwapong mukha.
Makalipas ang halos trenta minutes, around 3:20pm noon nang muling magparamdam sa akin si Stella, nagtext siya sa akin noon
"Uy El Nunal, nasaan ka na?"
"Nandito sa Mega, musta meet up mo sa client mo?"
"Eto going smooth naman, macloclose ko na transactions naming, anyway, punta ka na sorry ha, etong si tisoy eh nalate sa pagdating"
"Ok lang sige, pupunta na ako"
At agad na ako noon nagtungo sa labas subalit laking gulat ko nang paglabas ko ay umuulan nang malakas. Talagang nakakagulat na ang biglaang pagbabago nang panahon, kanina sobrang init, ngayon naman di mo aakalain na uulan pala, kung sabagay, ilang araw ko na ding napapansin noon ang ginagawang Cloud Seeding sa himpapawid, marahil ito na ang epekto nang ginagawa nilang iyon, pero nakakainis dahil tiyempo namang wala akong dalang paying, sa kabutihang palad ay nasa mall ako noon at minabuti ko na ding bumili nang payong.
"Nay magkano po to?"
Ang tanong ko sa tindera noon sa labas nang mall
"Sinkwenta po"
"Pabili nga po"
At agad ko nang binili ang payong na iyon, at dali daling nagtungo sa tawiran upang sumakay nang bus. Medyo lumalakas pa ang buhos nang ulan subalit hinde malamig ang paligid, maalinsangan pa din, mainit kasi ang lupa kaya siguro nang mabasa ito nang ulan ay sumisingaw na ang init na nakulob dito. Medyo may katagalan din akong naghintay bago ako makakita nang bus na may karatulang MOA DFA, natawa pa ako nang marinig ko ang kondoktor na sumisigaw nang
"Muwah muwah muwah!"
Para kasing sa text lang na mwuah ang sinasabi nang mga ito. Pagkasakay ko nang bus ay agad kong tinext si Stella
"OTW nap o ako, lakas nang ulan"
"Hala? Umuulan ba? Naku wala pa naman akong dalang payong"
"Ok lang may dala naman ako eh"
"Ganun ba, very good ka talaga mwuah!"
At nang mabasa ko ang text niya ay natawa ako bigla sabay lapit sa akin nang kondoktor na siyang nagpabungisngis sa akin, tinignan pa ako nang katabi ko noon dahil para akong timang na tatawa tawa habang nagbabayad sa konduktor. Di naman kalayuan ang MoA sa Megamall, kaya lang dahil sa malakas na ulan ay nagtrapik nang husto noon papunta sa MoA, bumper to bumber noon ang mga bus, normal na normal na ito sa Maynila lalo pa kapag umuulan. Mabuti na lamang at may tv ang nasakyan kng bus at kasalukuyang may nakasalang na pelikula, hinde ko naman inakala na malulungkot ako bigla sa makikitang palabas One More Chance, naalala ko bigla noon si Charice, dahil ito ang pelikulang pinanuod ko sa sine na may kasamang espesyal na tao noon, hinde naman kasi talaga ako yung taong palanuod nang sine, mas gusto ko pang gumala, maglaro noon nang video games o kumain, kaya naman memorable ang pagsisine ko, dahil lagi akong may kasamang mahalaga sa akin sa tuwing napupunta ako nang sinehan. Nang mga sandaling iyon, nasa eksena na kung saan, kinakausap ni Popoy ang kaibigan niya na magpapakamatay dahil iniwan nang taong mahal niya
"Nakaya ko kaya mo rin, naala mo nung ako ang nanjan? O hinde ba ikaw pa ang nagsabi sa akin nab aka kaya tayo iniiwan nang taong mahal natin, kasi.. baka merong darating na mas ok na mas mamahalin tayo, taong hinde tayo sasaktan at paasahin, yung nagiisang tao na magtatama ng mga mali natin sa buhay?"
At sa mga linyang iyon ni Popoy, hinde ako nabigo na paluhain ang isang malaking bulas na tulad ko, nagkunwari na lamang ako na napuwing at pipnahid agad ang nangingilid ko pang luha dahil sadyang tumagos sa pusot kaluluwa ko ang mga sinabing iyon ni Popoy sa naturang palabas, nailang lamang ako at medyo napangisi nang mapansin ko na halos lahat ay tutok sa palabas, at yung iba ay bahagyang naluluha at naiiyak, mostly mga babae, karamihan sa lalake ay tahimik lamang na nanunuod, yung iba ay inaasar ang mga kasama nilang babae, kaibigan o kasintahan na nakikitang naiiyak. Naalala ko tuloy ang eksenang iyon habang pinapanuod naming ito ni Charice, even she was bursting into tears noon, samantalang ako naman ay tahimik lang at nagpapakatatag kahit deep inside ay gusto ko na ding umiyak. Hinde ko namalayan na umaandar na pala ang bus, at malapit lapit na kami sa MoA, nasa eksena na ito kung saan naman nagsasagutan na si Popoy at si Basha nang
"na sana ako parin, sana ako na lang, sana ako na lang ulit"
"She loved me at my worst, you had me at my best at binalewala mo lang lahat nang yun"
!Popoy, yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice"
"And you chose to break my heart"
Napangite lang ako na may halong konting kurot sa dibdib, talagang tinatamaan ako at tinatablan sa eksenang iyon, kahit na gusto ko pa sanang tapusin ang palabas eh kinailangan ko nang bumaba nang mga sandaling iyon, bitin pero kailangan ko na talagang bumaba. Mayamaya pa ay tumawag si Stella sa akin
"Oh nasaan ka na babes?"
"Almost there na, papunta na ako"
"Ok, see you there"
Matapos ay agad na akong pumasok nang MoA. Ang ganda talaga nito at mas malawak kumpara sa Mega. Sabi pa sa akin nang mga nakausap ko noon na kulang daw ang isang araw para malibot mo ang buong vicinity nang mall na ito. Agad kong tinungo ang ice skating ring kung saan kami nagusap na magkikita. Habang naghihintay ako noon ay pinapanuod ko ang mga taong masayang nagiiskate sa loob nang ring.
"Magkano po ba ngayon pag gusto nyo magskate?"
"Bale 350 po for 1hr, promo po naming 550 pag couple kau kasi kung dalawa lang kayong magkaibigan eh 350 each"
Paliwanag sa akin nang isang staff na nandoon. Matagal tagal na din akong hinde nakakapag ice skating, at gusto kong subukan ulet na magskate. Naalala ko tuloy noon nang minsan akong natira sa mga tiyahin ko sa Paranaque, madalas silang magpunta noon sa Megamall, sa may skating ring dahil isa sa pinsan ko eh kasali sa skating competition at dahil gusto ko din matuto ay nakiusap ako na payagan, hinde naman ako pinagbawalan nang auntie ko, at hinayaan akong makisali sa pinsan ko, tinuran ako noon ni Anotalia, ang aking pinsan, na magskating, para lang din daw itong roller blades na may leter V pattern kang gagawin sa bawat paa mo . Noong una ay panay ang tumba ko pero di naglaon ay nakakasabay na ako sa kanya, pero it's been a while, matagal na matagal na panahon na din akong hinde nakakapag ice skating. Ang huli ko kasing ice skating is way back 2005 pa, third year high school ako at kasama ko noon si Mike at ang kanyang highschool crush na si Ranah.
Habang nagmumuni ako at nagbabalik tanaw sa nakaraan ay nagulat ako nang bigla na lamang may kung sinong nagtakip nang aking mga mata
"Sino to?"
Ang tanong ko sa kanya at nang inalis niya ito ay napangite ako bigla kung sino ang taong ito
"Ui!"