1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 2
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 2

By el_nunal ·

"Sino kasama mo dito?"
Ang tanong bigla sa akin ni Rika, nagulat ako dahil hinde ko inaasahan na makikita ko siya doon
"Wala naman bakit?"
"Weh?! Di nga? Si Kimberly ata kadate mo eh"
Ang nakangiteng sabi sa akin ni Rika subalit napansin niya na hinde ako nagreact noon sa kanyang

sinabi at lumingon lingon sa paligid
"Di nga? Di mo siya kasama? Kala ko kasama mo"
"Wala na, hinde na naman kami magkakasama pa nung isang yun"
"Bakit naman?"
"Wala na, tapos na eh"
Ang nakangiteng sabi k okay Rika at tila ba ayaw pa niyang maniwala nang mga sandaling iyon sa akin
"Sus utut mo! Di nga, nasa banyo ba siya?"
Natawa lang ako noon sa kanya at napailing, napansin ko na tila ba may tinatawagan siya at natawa
ako nang napatingin siya sa akin
"Bakit?"
"Bakit out of coverage area na yung, teka, di nga? Hiwalay na kayo?"
Ang may pagkaseryosong sabi ni Rika noon. Nang mga oras ding iyon, bigla kong napansin ang magandang hubog nang babaeng ito sa suot niyang fit na t shirt at skinny jeans na antalon na may
konting punit pa ang disenyo, di ko noon maiwasang mapatingin sa medyo lumalabas niyang tiyan noon dahil sa may k aiklian ang suot niyang damit at nagulat ako nang bigla akong pitikin ni Rika sa

nuo
"Walangya to ah, ngayon ka lang ba nakakita nang tiyan?"
Ang natatawang sabi nito sa akin
"Pero mabalik tayo sa usapan, hiwalay na kayo?"
Ang dugtong pa nito at napatango lang ako
"Nanyare?"
At kinuwento ko sa kanya ang mga nangyare sa amin ni Kimberly at napatango lang siya habang
umiinom nang Zaguu na dala dala niya
"Ah, edi mabuti naman at magtitino na ang babaeita na yun, eh ikaw ba ok ka lang?"
"Sakto lang"
"Weh?"
Napansin ko na tila panay ang lingat ni Rika noon sa paligid at hinde ko maiwasang magtanong sa
kanya
"Teka, ikaw ba? Sino kasama mo?"
"Edi si boyfie sino pa ba?"
"Ahh, sandal, nagdadate kayo?"
"Hinde nagpapadasal kami sa mga manikin dito, malamang! Adik ka din eh noh" Natawa lang ako sinabi niya at mayamaya pa ay nakita ko na ang boyfriend ni Rika noon at magalak
niya akong binate
"Oi pre! Musta"
Sabay abot nang kanyang kamay sa akin at isang madiin and firm hand shake, marinong marino
talaga ang datingan. Napansin ko noon na angpresko niyang tignan, ang kinis nang mukha at

sadyang binayayaan nang katangkaran, hinde man siya gwapo ay sadyang malakas ang appeal niya

sa madla dahil na din siguro sa suot niyang uniporme noon
"Akala ko late ka pupunta eh lalayasan na kita"
Ang sabi ni Rika noon sa kasintahan
"Sorry naman, alam mo naman matrapik sa pinuntahan ko eh, kanina pa nga ako nakaalis sa crame
kaso matrapik lang talaga"
"Teka nagreport ka sa office nyo?"
"Oo tol, sasakay na ulit ako nang barko eh"
"Ahh, kelan?"
"Baka this week din tol, iiwanan ko na naman nga tong babae na to eh"
"Wag ka na bumalik gagu!"
Ang pabirong sabi ni Rika sabay halik sa labi nang kasintahan niya
"Nake! Inget!"
Ang biglang sabi ni Rika sa akin at natawa lang ako, samantala ang kanyang boypren naman ay natawa lang din sa sinabi nang kasintahan
"Oi alis na muna kami, kaya mo yan!"
Ang sabi ni Rika at umalis na silang dalawa noon, ako naman ay tahimik na naupo sa malapit na

bakanteng upuan habang inanatay ang pagdating ni Stella. Habang naghihintay ako noon ay

pinanood ko muna ang mga nagiice skating upang libangin ang aking sarili. Natatawa ako sa iba na

madalas sumemplang, meron pa nga na iba eh hinde talaga makatayo at pinagtatawanin din nang

iba.
"Hi, sorry I'm late"
Isang malambing na boses ang narinig ko mula sa aking gilid at nang lingunin ko ito ay sadya naman

akong namanga sa angking ganda ni Stella nang mga sandaling iyon, simple lang naman ang suot

niya, but that simplicity make her a real beauty, dahil naka blush on lang siya, konting lipstick na

kulay maroon red, wearing a casual dress na hinde naman sixy or reavealing yet, kita mo ang hubog

nang kanyang katawan, at lalo pa the way she smiles at lumalabas ang dimple niya sa kaliwang

pisngi which is, hinde ko napapansin noon.
"Huy! Grabe ka naman makatitig"
Ang natatawang sabi ni Stella sabay hawi nang buhok niya at sinabit ang hibla nang buhok sa

kanyang tenga sabay tingin noon sa mga nagiice skating
"Marunong ka ba mag ganyan?"
Sabay nguso noon sa ice skating ring
"Medyo, di ko lang alam, bakit? Ikaw ba?"
"Medyo lang din, ano, gusto mo ba?"
"Ok lang"
"Tara!"
"Teka? Sure ka ba? Sa damit mo baka hinde ka makapag ice skating nang maayos niyan"
"Sabagay, wait mo ko dito"
At umalis siya noon sandal at nagtungo sa guard na nakita niya noon at tila may tinanong siya dito

at may tinuro ang guard at nagtungo naman siya sa direksyong iyon. Nagtaka naman ako noon at

hinabol lamang siya nang tingin. Ilang minuto din siyang nawala hanggang sa matanaw ko siya at

napangite ako noon habang kumakaway siya sa akin
"Ok na ba suot ko? Di ba masagwa?"
Ang tanong ni Stella sa akin, nagpalit siya nang t shirt na pute na may logo nang I (heart) NY at nakasuot nang maong na short na medyo may kaiklian na siya namang aking kinatuwa dahil nakikita
ko ang maputi at makinis niyang hita.
"Huy! Ano bagay ba?"
Ang tanong niya sa akin sabay pingot sa ilong, marahil ay napansin niyang nakatitig ako sa makinis
niyang hita
"Oo naman, hinde naman masagwa, isa pa, maganda ka naman kaya hinde naman titignan nang tao
yang suot mo kundi yang mukha mo"
"Tadu!"
Ang natawang sagot ni Stella at hinawakan niya ang aking kamay
"Tara, skating na tayo"
At masaya kaming nagtungo sa may counter
"Magkano po?"
Ang tanong ni Stella sa lalake noong nasa counter
"Para sayo miss beautiful, libre na, pero sa kaibigan nyo 350 1 hr"
Napangite lang ako noon at tinignan ako ni Stella at bigla akong nagulat nang halikan ako ni Stella

noon sa labi
"Di ba couple's promo yung nakikita ko? Yun ang kukunin naming nang boyfriend ko"
Ang tila ba may pagkasupladang sabi ni Stella at kitang kita ko sa mukha nang lalaking iyon ang

pagkapahiya at tanging ngiting aso lamang ang naibigay sa amin at pumasok na kami sa loob
"Kala mo kung sinong gwapo yung kumag nayun"
Ang sabi ni Stella habang nagsusuot siya noon nang skating boots, napangite lang ako noon at

hinawakan ang kamay niya
"Salamat ha"
"Ha? For what?"
"Sa ginawa mo doon sa may counter kanina"
Ang sabi ko sa kanya noon habang nakatingin siya sa akin, nakita ko na tila ba hinde maayos ang pagkakasuot nang skating shoes niya at agad ko itong inayos, dahan dahan akong lumuhod sa

harap niya at inayos ito. Nang mga sandaling iyon hinde ko maiwasang mapatingin talaga sa

maputi't makinis na hita ni Stella at narinig ko siyang napabungisngis nang bahagya
"Ikaw talaga style mo din eh noh"
At hinila niya ang bangs ko noon at natawa lang ako
"Ang ganda kasi eh"
"Mamaya mahahawakan mo yan, for the mean time, wag mo naman tunawin sa tingin adik ka din eh"
At dahan dahan na siyang tumayo at nagsimulang magskates. Nagulat ako dahil magaling siyang

magskates, samantalang ako noon ay muli ko pang ginagamay ang pagiice skating.
"Ay ang bagal naman"
Ang sabi ni Stella sa akin habang masayang nagiiskating noon. Medyo nahihiya ako noon kaya

naman sinubukan ko na siyang habulin. Naaliw naman ako dahil kahit papaano ay nakapagskates na

din ako nang maayos
"Wow, marunong nga siya kala ko sabi mo lang eh"
Ang nakangiteng sabi ni Stella na noon ay nasa tabi ko, subalit sadyang hinde na talaga ako sanay

na magskating kaya naman ilang sandali pa ay nadulas na ako at natumba. Tawa nang tawa noon si

Stella sa nangyari sa akin dahil patagilid akong natumba at nadapa sa malamig na nagyeyelong

semento nang ice skating ring.
"Ano kaya pa?"
Ang tila ba nangaasar pang sabi ni Stella matapos ay dahan dahang umupo sa tabi ko at tinulungan akong tumayo

"Nakakahiya, laki kong damulag nadapa ako"
Ang sabi ko sa kanya sabay may nakita kami noon na tila magkasintahan na sabay na nadapa,

nagkatinginan kami ni Stella at nagkatawanan kami
"Naku, ayaw kong gawin yung ginagawa nilang holding hands habang nagskating, baka magaya tayo

sa kanila, lampa mo eh"
"Sus! Yabaang!!"
Ang natatawang sabi ko noon at natawa ako nang bigla na lamang siyang naout balance at natumba

sa akin
"Ehem, sinong lampa?"
Ang sabi ko sa kanya at natawa siya noon sabay batok sa akin
"Che!"
Nang mga sandaling iyon, aliw na aliw ako sa pagkakadiin nang suso ni Stella sa aking dibdib, ayaw

ko na nga sana na paalisin siya sa kanyang pagkakadagan sa akin subalit napansin ko na medyo

pinagtitinginan na kami nang mga tao noon kaya naman tumayo na kami at nagsimula ulet na

magskating
"Saan ka nga pala natuto magskating?"
Ang tanong ko noon kay Stella habang dahan dahan kaming nagiice skating
"Uhm, tinuruan ako ni TamTam at ni Jules"
Natahimik ako at nagulat na si TamTam pala ang nature sa kanya, hinde ko din naman alam na

marunong pala si TamTam na magiceskating.
"Natahimik ka?"
Ang tanong ni Stella sa akin
"W-wala naman, wag mo na lang ako pansinin, may naalala lang ako bigla"
"Si TamTam?"
Ang nakangising tanong niya sa akin
"Sorry ha"
"For?"
Ang tanong niya bigla sa akin, sasabihin ko na sana ang dahilan ay bigla siyang nagskate palayo sa

akin habang nakangite
"Habulin mo ko!"
Ang sabi niya sa akin. Hinde ko alam kung bakit pero pakiwari ko eh iniiwasan niyang pagusapan

naming ang bagay na may kinalaman pa kay Eusha, kaya naman, nang mga sandaling iyon, inisip

ko na lang muna kung ano ang pinunta ko dito, ang makipagdate kay Stella. Pansamantala ko muna

kinalimutan ang mga bagay bagay na iniisip ko at tinuon ang aking atensyon kay Stella and we do

had a good time together. After naming magice skating ay nagaya siya na kumain noon malapit sa

may seaside.
"So, ano bang ginagawa mo sa inyo El Nunal?"
Ang tanong ni Stella sa akin noon habang inaantay naming ang inorder naming pagkain
"Ayun, higa, tapos inom, tapos punta sa shop laro nang games tapos uwi tapos tulog"
"Di ka na talaga nagwowork?"
"Hinde na, medyo wala pa talaga ako sa wisyo magwork eh ang trip ko ngayon eh magaral,

kaso hinde ko naman alam kung anong pagaaralan ko, ano ba indemand ngayon?"
"Well di ko lang alam, pero yung friend ko kasi welder daw ang alam niyang indemand, kasi

asawa niya nga nagTESDA lang tapos ayun, nakakuha certificate tapos nagapply pa Canada,

ngayon almost two months na ang asawa niya doon"
"Ahh malaki ba sahod nang welder sa Canada"
"Oo naman, around 150 to 200k per month daw"
"Wow ang laki ah!"
"Malaki nga pero, tignan mo naman, ang layo nila sa isat isa, umiiyak nga yung friend ko eh sa

tuwing naalala niya yung asawa niya"
"Sa bagay, nakakalungkot nga kung aalis yun taong mahal mo para magwork"
"Oo nga eh, malaki nga kita mo malayo ka naman sa pamilya mo, ang hirap kaya noon"
"Ikaw ba wala kang balak magabroad?"
Ang tanong ko sa kanya noon
"Uhmm, depende eh kung maoofferan ba ako nang work na maganda ganda din ang sahod eh,

pero, Canada or US lang ang gusto ko, iniisip ko nga noon magasawa na lang nang Kano para

maging U.S resident doon eh, kasi uso naman yung papakasal ka lang sa kano pero babayaran mo

siya noon para lang magka green card ka"
"Narinig ko na nga yang ganyang way para maging U.S citizen ka pero diba ngayon medyo mahigpit

na sa ganyan?"
"Oo nga daw, kasi I CI ka nang parang official doon sa US pag punta mo doon, tapos hahanapan ka

nang papers mga proof or picture na matagal na kayo magkakilala nang Kano, kung bumisita na ba

siya sa Pinas para makita ka kasi di na lingid sa kanila yung ganung way eh"
"Talagang hinde na sacred ang kasal now a days no?"
"Well, siguro, mostly of us think na kasi to be practical than be religious, dib a? Di ka naman

relihiyosong tao di ba?"
"Oo, pero hinde naman ako nakakalimot sa Taas"
"Given nay un siyempre, pero, dib a, sa totoo lang, di ka naman bubuhayin niyang pagiging religious

mo eh"
Natawa ako nang biglang nagsign of the cross si Stella noon at ngumite sa akin
"Baka parusahan ako ni Lord bigla sa sinasabi ko eh"
At nagkatawanan kami
"Pero seryoso, di ba? Yun lang kasi yung way para maging U.S resident ka the easy way, yun nga

lang, minsan namna eh dib a, nagkakatuluyan naman talaga yung kinakasal nang ganoon?"
"So ikaw ba may balak ka pa na gawin yun?"
"Di na noh! Ok na naman ako, isa pa, bata pa kasi ako noong iniisip ko yan kasi nga gusto ko

makapunta talaga sa Amerika kasi gusto kong makaexperience nang snow"
Natawa ako noon at nagtaka siya
"Oh bakit ka naman natawa?"
"Eh kasi parehas tayo nang rason kaya gusto kong makapunta sa Amerika noon, kasi napapanood

ko sa mga movies dati nang mga Amerikano na nagsnow, gusto ko lang maexperience gumawa nang

snow man, mambato nang snow ball"
"Ako nga din eh, hay, nakakatawa noh?"
"Ang alin?"
"Ang sisimple lang nang mga pangarap natin noon bata tayo"
"Pero hinde naman ako naging bata talaga noon bata ako eh, pero ineenjoy ko naman noon kung

anong ginagawa ko"
"What do you mean?
"Well after kasi na umalis nang mga parents ko noon, four years old ako, hinde na ako

nakapagenjoy like the other kids do, well siguro may mga simpleng bagay na nagpapaalala sa akin

na bata ako, naglalaro pa din naman ako, pero nang natira ako sa probinsya nang mama ko sa Naga

City, sa Cam Sur, ayun, natuto na ako nang mga dapat kong matutunan"
"As in four years old ka pa lang noon?"
"Hinde! Mga 6 years old na ako noon, nung natira ako sa Naga, doon natuto na ako nang mga

gawing bahay, tapos noon, natatandaan ko pa, after ko magpunta sa school, pupunta ako sa

kamaligan, sa may bukid, tapos doon na magpapagabi tapos mga madaling araw ayun, magtatanim

na kami nang mga palay"
"Ahh so mambubukid ka pala dati?"
"Parang ganun na nga, pero hinde lang naman palay ang tinatanim ko noon, natuto din akong

magpatubo nang iba pang gulay, tapos natutunan ko ding magsaing, magluto, maglaba, pero sa

plantsa bagsak talaga ako"
"Wow, astig ka naman, so at the young age alam mo na yung mga yun?"
"Oo, pero hinde na uso sa amin ang laro noon eh, kasi talagang puro gawa kami noon, kaya nga

nung kinuha ako nang kuya ko sa Bicol para itira na sa kanila kasama si Ate ko, ayun, sinubukan

kong habulin ang mga bagay na hinde ko nagawa noong bata pa ako"
"Asan na nga pala mga kapatid mo ngayon?"
"Si Kuya at si Ate nasa UAE na,"
"Si Mama mo?"
"Sa Kuwait"
"Teka, sino kasama mo dito?"
"Wala"
"Weh?! You mean mag isa ka na lang talaga dito sa Pinas?"
"Oo"
"Ahh bute kinakaya mo"
"Nasanay na namna ako na wala talaga akong kasamang kapatid o magulang noon pa eh, isa pa,

kahit papaano nagugustuhan ko na naman na magisa dito sa Pinas, Malaya ako at nagagawa ko

kung ano gusto ko"
"Pero hinde ka ba nalulungkot niyan?"
Sandal akong natahimik at mungite
"Medyo, minsan tinatamaan ako nang lungkot, lalo na paguwi ko sa bahay, wala akong aabutan na

sasalubong sa akin nang bati, o sermon, nakakamiss nga yung mga time na sa tuwing uuwi ako

nang madaling araw noon, lagi akong nasesermonan nang ate ko eh"
"Ang lungkot mo naman pala doon sa inyo"
"Well.. medyo, kaya nga nililibang ko sarili ko sa computer games eh"
"Bute at hinde ka nawawalan nang pera"
"Pinapadalhan naman ako nang mama ko nang pera eh"
"Magkano naman pinapadala nang mama mo?"
"Kasi alam ni Mama nagaaral ako, kaya medyo malaki laki ang pinapadala ni Mama sa akin"
"Ay ang bad mo naman sa Mama mo! Loko ka huh"
Sa sinabi ni Stella, medyo may kurot sa puso akong naramdaman, tama naman kasi siya, niloloko

ko ang isang taong pinagkakatiwalaan ako, naniniwala na nagaaral ako pero ang totoo eh nilulustay

ko lamang ang pera na pinaghihirapan niya para sa walang kabuluhang bagay. Napansin ni Stella na

tila ba natahimik ako at naguilty sa aking naikwento sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko
"I know you had reason to do such a thing but I hope that reason is reasonable"
At hinde naman siya nagkakamali, meron naman talagang dahilan, gusto ko lang kasi talagang

makalimot sa nangyari sa akin, between me and Charice. Pangalawa siguro ay sadyang tinamad na

akong magtrabaho, at nasanay na ako sa masaya at masarap na buhay nang isang tamabay na

sustentado nang magulang, sino pa ba ang makakaisip nang magtrabaho noon di ba? Lalo pa at ang

gagawin mo lang eh maghintay lang at magkakapera ka na, hayahay buhay di ba? Pero, hinde

naman nawawala sa isip ko na wala yung pagiisip na tama ba ang ginagawa ko pero, ang bagay na

ito madaling matabunan nang makamundong kasiyahan. Ngumite na lamang ako noon kay Stella at

maya maya pa ay dumating na ang pagkaing inorder naming.
"Salamat ha"
Ang biglang sabi ni Stella sa akin habang kumakain
"Para saan?"
"Sa pagsama mo sa akin"
"Wala yun ano ka ba, isa pa, gusto din naman kasi kitang makausap at makita eh"
"Utut mo!"
Nagulat ako nang bigla na lamang tila may alisin si Stella sa may labi ko
"Para ka namang bata kumain, may dumi ka pa sa labi, ang sarap nang chicken nila dito noh?"
Ang sabi ni Stella sa akin habang nakangite. Hinde ko talaga maiwasang mamangha sa magandang

mukha nang babaeng kaharap ko ngayon. Out of the blue bigla ko siyang tinanong
"Pumatol ka na ba sa tibo?"
At natawa siya noon at biglang hinataw nang pabiro ang kamay ko noon
"Adik ka naman, natawa ako sa tanong mo ah, bakit mo naman natanong yan?"
"Wala lang, naiisip ko lang, kasi naalala ko dati na dib a, may pagkaboyish ka, kaso ang ganda

mong tomboy kung nagkataon"
"Well actually may nanligaw na sa akin noon, ang gwapong tomboy nga eh, pero hinde ko

pinatulan, hinde naman kasi porket medyo may pagkagaspang ako kumilos eh tomboy na ako"
Ngumite si Stella at natawa ako nang bigla niya akong tanungin
"Ikaw ba, lalake ka ba talaga o bading?"
"Tingin mo?"
Ang nakangiteng tanong ko sa kanya, ngumite lang din siya noon sabay sabing
"Sabagay"
Habang kumakain pa kami noon, napansin siguro ni Stella na tahimik lang ako at nakatingin sa

kawalan
"Huy, bat ang lalim naman nang iniisip mo?"
"Ahh, pasensya na, may iniisip lang kasi ako eh"
"Ano ba iniisip mo or sino?"
Ang nakangisi pero halatang iritadong tanong ni Stella
"Wala nga, ikaw naman"
"Sus! Kapag hinde mo sinabi sa akin yang iniisip mo, lalayasan kita"
Ang seryoso at iratado nang sabi ni Stella, magsasalita na sana ako nang mapansin ko na tila ba may sinisipat siya at kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat, nacurious ako kung sino ba ang
tinitignan niya at maging ako ay nagulat nang makita ko kung sino iyon.