1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 22 - Kwadro Alas !
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 22 - Kwadro Alas !

By supertoyantz ·

Chapter 22 - Kwadro Alas !

"Tol.. Nasan na sila Hannah?.." tanong ni Romeo kay Darius.

"Yi ngo ngalam.." bulol na sagot ni Darius..

Binatukan siya ni Rhoi..

"Putris ka kasi.. Lunukin mo muna yang kinakain mo bago ka magsalita.." sabi ni Rhoi

Lumunok si Darius.. Pero agad ding nagsubo ng panibagong pagkain..

Napailing na lang sina Romeo at Rhoi..

"Lolo , Lola .. Wheres Hannah?.." tanong ni Romeo..

Napaisip ang dalawang matanda..

"Oo nga no.. Nasan na kaya yung batang yon?.." sabi ng Lola.

Sumimangot ang Lolo.

"Tinanan na siguro nung magaling na lalaki.. !.. Hala.. Tawagin ang mga gwardya ! .. Manhunt !.." matigas na sabi ng Lolo.

Kinurot naman sya ng Lola.

"Tanan na agad?.. Di ba pwedeng namasyal lang muna?.." pakwela ni Lola.

Natawa sina Romeo at Rhoi..

Ilang saglit pa ay lumabas galing sa kung saan sina Aldrin at Hannah..

Natigil ang lahat ..

"Oh baket?.." taray ni Hannah.

Napangisi sina Romeo at Rhoi..

Si Darius nalaglag ang kagat kagat na hita ng manok..

Tulala din sina Krissia , Khena at Hazel..

Nakatingin lang silang lahat sa magkahawak kamay ng dalawang nilalang..

Tarantang nagbitiw si Hannah ng kamay pero mahigpit itong hinawakan ni Aldrin.

"Let them know.. They're my brothers.." sabi ni Aldrin.

Namula si Hannah at tila nahiya..

Ngiting ngiti si Aldrin na lumapit sa mga kaibigan..

Nanlalaki ang mga butas ng ilong na inasway sway pa ang mga kamay nila ni Hannah na magkahugpong.

Wala pa ring makapagsalita.

Binasag ni Romeo ang katahimikan.

"S-saan kayo galing?." tanong ni Romeo.

Ngumit lalo si Aldrin na kita ang gums..

Nginuso ang direksyon papunta sa ilog..

Parang iisang tao na sabay sabay napatingin ang lahat sa pinanggalingan ng dalawa..

Napalunok si Rhoi..

"You mean to say?.. May nangyari sa inyo?.." bulong ni Rhoi..

Nagulat si Hannah.

Bungisngis naman sina Romeo at Darius.

"Oy.. It's now what you think.." depensa ni Hannah.

Pulang pula ang kanyang mukha.

"Pero pre.. Bakit pawisan ka?.." landi ni Romeo..

Natawa si Aldrin.

"First time namin pareho…" bulong ni Aldrin.

Lalong umulan ng tuksuhan..

Si Hannah kinurot ang binata .. Tumawa lang sina Romeo ..

Hiyang hiya naman ang dalaga..

"Anung feeling pre?.." tanong ni Darius..

Parang nangarap ng gising si Aldrin.

"Heaven.. Ganun pala talaga pag first time mo..Memorable.." ngiting ngiti si Potpot.

Nag tilian ang mga girls..

Hiyang hiya na si Hannah .. Di naman nya maawat ang binata dahil wala naman itong sinasabing mali..

"Kayo na ba sis?.." ngiting tanong ni Krissia.

Lalong umugong ang tuksuhan..

Nagkatinginan ang dalawa..

Si Aldrin na ang sumagot.

"What do you think?.." sabi ni Aldrin.

Lalo nyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Hannah..

Hinapit nya pa ito palapit sa kanya.

Tilian naman ang mga girls..

"Nice one Pot.. Pero paano na si .." sabat ni Romeo.

Sinaway sya ni Rhoi.

"Pare .. Wag kang KJ .. Kita mo ng masaya na ang utol natin eh." saway ni Rhoi..

Pero umawat si Aldrin.

"It's ok pre.. Actually there's something I want you guys to know.." nakangiting sabi ni Aldrin.

Nanlaki ang mga mata ni Darius..

"You mean positive?..Wow.. Congratz tol.." bati ni Darius.

Nagtawanan ang mga boys..

Biglang binatukan ni Hannah si Darius..

"It's not what you think." sabi ng dalaga sabay irap..

Tawanan na naman sila.

Tumikhim si Aldrin.

"Actually.. It's about Lelay.." sabi ni Aldrin.

Nagseryoso sina Romeo at Rhoi.

"Pare .. Is it okay kay Hannah na banggitin ang childhood love mo?.." tanong ni Rhoi.

Napatingin si Romeo sa kwintas ni Hannah.

Napaisip..

Biglang tila nagliwanag ang kanyang mga mata.

"Don't tell me pare.." sabi ni Romeo.

Tumango si Aldrin.

"Wow.. I can't belive it.." humahangang sabi ni Romeo.

Nacurious sina Rhoi, Darius at Krissia..

Ngiti lang sina Hazel at Khena dahil batid na nila ang katotohanan.

"Anu ba yon?." tanong ni Krissia.

Ngiting ngiti si Aldrin.

"Lelay and Hannah.. Iisa sila.. Eto ang katibayan.." sabi ni Aldrin.

Hinimas nya ang suot na kwintas ni Lelay..

"Wow.. Di nga?.. Ang galingg.." tili ni Krissia..

NAmangha naman sina Rhoi at Darius.

"Pare.. Mukhang nakatadhana talaga kayo sa isa't isa.. Mukhang nakatadhanang maghirap si Hannah sa piling mo." biro ni Rhoi.

Kinurot sya ni Aldrin.

"Ang bad bad mo.." landi ni Aldrin.

"Eh kasi ang landi mo eh.." sagot ni Rhoi..

"Akala ko ba tayo ang nakatadhana?.." tampong sabi ni Darius.

"Aba aba.. Ang haharot nyo.. Um .. Ikaw maharat ka masyado.. Bakat ang nipples mo.. Um.." pinagkukurot ni Romeo ang mga kaibigan..

Sabay sabay naman itong gumanti sa kanya.

"Ahahayyy.. tama na poww… Ahahayyy.. " tili ni Romeo.

Tawanan ang lahat.

Masayang masaya ang feeling ni Hannah.

Tila kuntento na sya sa buhay nya..

"Ay couz.. Sa plaza tayo.." suhesyton ni Hazel.

Nacurious ang mga boys..

"Ay oo nga ate.. Pasyal natin sila.. Uuwi na kayo tomorrow right?.." parang malungkot na sabi ni Khena.

Nabahiran ng lungkot ang atmosphere nila sa sinabi ng dalaga.

Tumabi si Romeo kay Khena sabay bulong..

Nanlaki ang mga mata ng dalaga at biglang hinampas ang binata..Tawa ito ng tawa..

"Anung sinabi mo pre?." tanong ni Rhoi.

Ngumiti si Romeo ng malisyoso.

"Sekwwweeeettt.." landi ni Romeo.

Nagtawanan na lang sila.

"Tara.. Tara Pot.." aya ni Lelay..

Agad naman lumapit si Aldrin at pasimpleng hinawakan ang kamay ng dalaga..

"Ayeeee… Ang swet nyo.. Kakadiri kayo.. " asar ni Darius.

Inirapan lang sya ni Aldrin.

"Selos ka lang.. Malapit ka na rin baboy.. Yari ka sa book 2.." pang aasar ni Aldrin.

Di naman sya pinansin ni Darius.. Tumabi ito kay Hazel..

"Tara.. Paalam muna tayo sa mga gurangers.." sabi ni Romeo.

Nagtawanan sila..

Di pa sila lumalapit sa mga matatanda ay pinayagan na sila nito.

"Wag masyado papagabi ha?.. Wag titikim ng alak.." bilin ng Lola.

Ngumiti lang ang Lolo.

"Kita mo yung Lolo mo Hannah. Galing ba sa gyera yan?.." bulong ni Rhoi.

Napabungisngis sina Hannah at mga pinsan nya.

"Oo.. Ang alam ko sila yung tinatawag na beterano sa digmaan.. Ang kwento sakin ni Nanay dati, nakuha daw ni Lolo itong lupa dahil sa pagtatanggol nya dito.. Kaya binigay sa kanya.. Parang reward.. May bestfriend yan si Lolo. Syang .. Papakita ko sa inyo paguwi natin.. " nakangiting imporma ni Hannah.

Hinatak sya ni Aldrin.

"Don't mind them my Queen.. Just mind us.. Isipin mong tayo lang ang nandito.." bulong ni Potpot.

Kinilig si Hannah . Sinunod nya ang payo ng minamahal..

Nagpauna sila ng lakad..

"Teka bakit tayo naglalakad?.." angal ni Darius.

Humilig sa balikat nya si Hazel.

"Ayaw mo?.." bulong ng dalaga.

"Sabi ko nga bakit ang bilis nating maglakad?.." nakangising banat ni Tabar..

Kinilig naman si Hazel..

Si Rhoi tila nainggit kaya pasimpleng dinikitan si Krissia.

Ngumisi si Krissia.. Sya na ang naglagay ng kamay nya sa braso ng bestfriend nya..

Parang nahiya naman si Rhoi.. Pakiming ngumiti at nag beautiful eyes..

Si Romeo at Khena ang nasa hulihan..

Patingin tingin si Khena sa binata..

Nais nyang ikawit ang braso at gayahin ang ginawa ni Krissia pero talagang inaatake sya ng hiya..

Pasimple nyang dinikit ang katawan sa binata.. Ngumiti lang si Romeo..

Nag blush ang dalaga…

Biglang may sumitsit..

Napalingon sila.

"Oh.?.." tanong ni Romeo.

Humahangos na dumating sina Borgz at Carla..

"Sama.." sabi ni Borgz..

Hawak nya pa ang videocam ni Darius.

"Sige.. Dun ka sa unahan tapos kunan mo kami habang gumagawa ng milagro sa dilim.." banat ni Romeo.

Nagtawanan ang mga lalake.. Pero nakatikim sila ng matitinding kurot sa mga babae.

Tumabi si Carla sa kabilang panig ni Romeo at walang sabi sabing kinawit ang braso sa braso ng binata..

NApasimangot si Khena..

NAgdabog..

Akmang aalis pero hinatak sya ni Romeo at ito na mismo ang naglagay sa braso nya..

Napangiti si Khena pero ng makita nya si Carla ay agad syang nagselos.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad..

"Malayo pa ba?.." angal ni Darius.

"Tangnang to.. Kakasimula lang nating maglakad eh..Pero malayo pa ba?." banat ni Rhoi.

Muli silang naghagikgikan.

"Ayun na o.. Yung maliwanag.." turo ni Hannah.

Natakot si Romeo.

"Sabi nila.. Don't follow the lights.. " biro ni Romeo.

Bigla syang nakatikim ng batok galing kay Krissia.

"Tangek.. Sa mga nag aagaw buhay yon eh.. Gusto mong mag agaw buhay?.." taray ni Krissia.

"Wahihi.." sagot lang ni Romeo.

Lakad ulit sila.

"Teka pre.. Sina Chichi?.." tanong ni Romeo..

Nagtaka din ang mga boys.

"Oo nga.. Si Eric mula nung parada di ko na nakita.." sagot ni Aldrin..

Napaisip sila.

"Ay.. Parang nakita ko syang may kausap na girl kanina..Pero kinuha ko ng food si Rhoi eh kaya di ko na alam kung saan na silang lupalop nagpunta.. Si Chichi kulit bagsak sa pagod at sa dami ng kinain…." sabi ni Krissia.

Napatango ang lahat.

"Parang kabute ampota.. " bulong ni Romeo.

Lakad ulit..

Sa wakas narating na nila ang plaza..

Napakaraming tao ..

"Wow.. Di ako sanay sa ganito kadaming tao.. Mga tol.. Ingat.." sabi ni Romeo.

Naging alerto ang mga boys..

Nagtaka ang girls.

"Baket?.." tanong ni Hannah.

"Kasi.. Kapag ganito karami ang crowd. Di namin macocontrol.. Kadalasan dinudumog kami.. Kaya please itago nyo kame." makaawa ni Darius.

Bigla silang sumabog sa tawa.

"Kakapal ng face ah.." taray ni Hazel.

Bungisngis si Krissia.

"NAalala ko tuloy yung foundation day eh.." tatawa tawang sabi ni Krissia..

Nacurious ang iba.

"Baket?.. " tanong ni Borgz..

"Eh kasi.. Nag iisip kami ng booth na pwedeng ipang talo nuon sa ibang section.. So naisip namin na gumawa ng parang wedding booth. Nagclick naman… Pero iba ang trip ng apat na to." pinigil ni Krissia ang matawa..

Pero talagang natawa na sya.

Kumalas sa pagkakakapit sa mga babae ang mga boys at malungkot na nagkapit bisig.

"Mga mare.. Bakit ganyan sya.?.. Talagang ichichismis nya tayo?.." malungkot na sabi ni Darius.

"Pasensya na mare.. Di ko na sya macontrol.. Lately … Puro gulpi na ang inaabot ko.. Pasensya na talaga at wala akong magawa. " banat ni Rhoi..

"Anu pa nga ba?.. Mukhang malalaman na nila ang isa sa mga tinatago nating sikreto.." bulong ni Romeo.

"Kapit lang mga mare ko.. At least we have each other .. Let's face it together with a smile in our lips.. " landi ni Aldrin.

Kapit bisig ang mga alas.

Lalong nacurious ang mga girls..

"Anu bang ginawa nila?." tanong ni Hannah.

Tawa ng tawa si Krissia..Pinagtuturo ang apat na alas.

"Hala.. Sis mamaya na tawa.. " pati sina Hazel natatawa na rin.

Huminga ng malalim si Krissia.

Pinahid ang luha na nangilid sa mata..

"Phew.. Sakit sa tyan talaga.. Kahit ilang ulit kong ikwento.. Natatawa pa rin ako.. " sabi ni Krissia.

"Sis naman eh.. Wag mambitin.. " angal ni Hannah..

"Ganito kasi yon.." bitin nya sabay titig sa apat na alas na talagang nagkakapit bisig..

Lalong natawa si Krissia.

"Kwento na sis." kulit ni Khena.

"Kasi . Kasi .. May booth kame.. Wedding booth. Eh sabi nitong apat na to.. Mahina daw yung kita. Pero halos kalahati ng campus nag register sa amin.. So sabi nga nila mahina daw yung kita.. Kaya umuwi sila ng maaga.. The next day nagulat na lang ako.. May katabi na yung booth namin.. 4 Ace for hire.. ang title.. Ahaha…" lalong natawa si Krissia.

Di pa naman natatapos ang kwento parang alam na ni Hannah ang nangyari.. Maging sya ay di na mapigilan ang tawa..

Naglungkot lungkutan ang mga boys..

"Ngek.. Anung for hire?.. Anung gagawin nila?.." tanong ni Khena.

"Ayun.. May nakalagay na 1 kiss equals 100 pesos daw.. Ang kakapal.." sabi ni Krissia.

Nagtawanan ang mga girls..

"We?.. Nag click naman ba?.." tanong ni Carla..

Lalong natawa si Krissia.

"Wala.. As in nilangaw.. Wahahaha… Ay wait may nag try pala .. Ahahaha.." kwento pa ni Krissia.

Lalong nalungkot ang mga boys..

"We?.. May pumatol?.." tanong ni Hannah.

"Oo .. Ahaha.. yung grupo ng mga bading.. Grabe.. Kuntodo amerikana pa si Darius.. Si Aldrin naman naka Long sleeve tapos slacks.. Si Rhoi naka barong.. Tapos si Romeo naka Polo and slacks with matching Kurbata.. Mga naka business attire tapos mga bading ang customers.. Ahahahaha.. Magkano kinita nyo non guys?.." pang aasar ni Krissia.

Inirapan sya ng mga boys..

"Magkano mga idol?.." tanong ni Borgz..

Sumimangot si Romeo.

"Ayaw ko ng maalala yan.." sabi ni Aldrin.

"Ikaw ang may pakana nyan eh.." paninisi ni Darius kay Romeo…

"Hoy. Kunwari ka pa.. Bakit ka naka Amerikana?.." sumbat ni Romeo.

"Kayo kasi eh." paninisi ni Rhoi.

"Gago.. Ikaw nga nag Barong Tagalog.. Ano ka Congressman?.." sigaw ni Aldrin..

Lahat sila nagsimangot at tila nakaalala ng isang bangungot..

"Pahiya sila eh..Hahaha.." tawa ng tawa si Krissia.

"Magkano kinita nyo mga idol ?.." tanong ni Borgz..

"Wag ka makulet .. " asar na sabi ni Romeo..

Natawa lalo si Krissia kaya sya ang tinanong ni Borgz..

"Kano kinita nila?.." tanong ni Borgz.

"27.50 aahahahaha… Teka nagbayad ba yung mga bading.?.. hahaha.." tawa ng tawa si Krissia.

Lalong nagsimangot ang mga boys..

"Guys.. Sa susunod ipaalala nyo sa akin na kapag may Idea si Romeo.. Wag na nating susundin.." bilin ni Darius..

Sumang ayon ang sina Rhoi at Aldrin.

Sumimangot si Romeo.

"Mga pusit !.. " sigaw nya..

Tawanan lang sila.

"Kahit na.. Idol ko pa rin kayo.." humahangang sabi ni Borgz..

Pumwesto na sila sa gitna.

Pinagtitinginan sila ng mga tao.

"Parang ngayon lang sila nakakita ng mga tao.. Siguro bihira silang madalaw ng mga artista.." nakangising sabi ni Rhoi.

"Tomo.. Look mo yung isa o.. Nakanganga pa.. " turo ni Darius.

Nag bungisngisan na lang sila.

Biglang may nagsalita.

"Ladies and Gentleman.. Lapit na po sa mga gustong sumali sa ating patimpalak.." sabi ng announcer..

Nagsilapitan ang mga tao.

"Anung meron koya?." tanong ni Romeo sa lalaking katabi nya.

"Ah.. Eating contest yan.. " sabi ng lalake.

"Ah.. May premyo?.." tanong ni Romeo.

"Oo ata. Limang libo.." sagot ng lalake.

Napangisi si Romeo sabay sulyap kay Darius na nagpapacute kay Hazel.

"Salamat manong.. Saan ang registration?.." tanong ni Romeo.

Tinuro naman ng lalake.

Biglang nawala si Romeo.

"Guys. Maya maya may pasayaw dito.." sabi ni Hazel.

Nagliwanag ang mata ni Krissia at Hannah.

"Like it.." sabi ni Krissia.

"Me too sis.." sagot ni Hannah..

"Me three.." landi ni Rhoi.

"Me four.." sabat ni Aldrin.

Nag bungisngisan sila.

Sumulpot si Romeo.. Agad nitong inakbayan si Darius.

"Pre.. Gutom ka pa?.." bulong ni Romeo.

Napaisip si Darius.

"Medyo.." sagot ng binata.

Lalong napangisi si Romeo.

Hinatak nya ang kaibigan at pinwesto sa tapat ng mesa..

"Yan pre.. Libre.. Kainin mo ang lahat ng makakaya mo.. Pero bilisan mo kasi baka mapansin nila tayo at sabihin na swapang tayo.. Gets mo?.." sabi ni Romeo.

Nanlaki ang mga mata ni Darius..Natakam at naglaway sa dami ng pagkain na nakahatag sa mesa.

"Libre to?.." parang di naniniwalang tanong ni Darius.

Sumimangot si Romeo.

"Kailan ba kita niloko?.." tanong ni Romeo.

Natawa si Darius.

"Gusto mo sagutin kita?." nakangising sagot nya.

"Wag na .. Pero maniwala ka pre.. Libre yan.. Kita mo yung mga katabi mo.. Gusto na nilang lantakan o.. Pero may patakaran ata dito.. Kailangan ka orasan.. Kapag di mo naubos agad.. Babayaran natin to." pananakot ni Romeo.

Tila nachallenge si Darius..

"Are you challenging me?.." pagyayabang ni Darius.

Tinitigan sya ni Romeo.

"Pare.. May tiwala ako sayo.. Alam kong mauubos mo yan within the time limit.. Pero ang tanong ko.. Kaya mo bang mauna sa kanila?.." tanong ni Romeo.

Lalong tila na inspire si Darius.

"Wala ka tiwala pre?.. Akala ko brothers tayo?.." nagtatampong sabi ni Darius.

Inakbayan sya ni Romeo.

"Malaki.. Tama ka .. Dapat akong magtiwala sayo.. Kaya Go bro !.. Beat them !.. Ikaw ang panalo sa puso ko.." taos pusong pang uuto ni Romeo.

Natouch si Darius..

"Gagawin ko ang makakaya ko pre.. Sige na.. Dun ka na at icheer nyo ko.." sabi ni Darius.

Ngumiti si Romeo.. Binigyan nya pa ng beso si Darius sabay alis..

Nag warm up si Darius..

Si Romeo ay nilapitan ang mga kasamahan.

"Guys.. Sumali si Tabar sa eating contest.. Ayun o.." turo ni Romeo.

Nagulat sina Hazel.

"Hala.. Kakakain lang natin.. Baka matalo sya?.." nag aalalang tanong ni Hazel.

NAtawa sina Aldrin at Rhoi.

"Kung may contest na palakasan kumain.. 3 Thumbs up para kay Darius.. Don't worry. May butas ang tyan nyan kaya mananalo sya.. " tatawa tawang sabi ni Rhoi.

Nagtaka si Aldrin.

"Contest?.. Eh di may premyo?.." tanong ni Aldrin.

Agad na umepal si Romeo.

"Yap.. Pero maliit lang.. At nagdecide si Darius na wag ng kunin at idonate na lang sa charity.. Alam nyo naman ang tropa natin.. Masyado ng mapera.. Di nya kailangan non.. At isa pa.. Mahilig talaga syang mag kawang gawa.." kwento ni Romeo.

Lalong humanga sina Hazel ..

"Tara i cheer natin sya.." excited na sabi ni Hazel.

Tumango ang lahat at lumapit sa harap ng stage..

Kita nila ang kaibigan na nasa bandang gitna .. NAg wawarm up ito.

"Go Darius !.." tili ni Hazel.

Napangiti si Darius.

Nag thumbs up si Romeo.

"May tiwala ako sayo pre.." sigaw ni Romeo.

Nakangisi lang ang binata at tila iniisip na ang mapapanalunan na premyo….

Nagsimula na ang contest..

Agad na inuna ni Darius ang malaking hiwa ng malagkit..

Mabilis nya itong nilantakan na parang marshmallows..

Sinunod nya ang kalamay.. Dinakot at sinaksak sa bunganga.

Mabilis nyang nakalahati ang laman ng bilao.

"Pare.. Mabagal ka !.." pananakot ni Romeo.

Sa narinig ay lalong dinoble ni Darius ang pagkain..

Bigla nyang tinaas ang bilao sabay sinaksak sa bibig..

NAg hiyawan ang mga tao.

Pumutok ang warning shot .

Panalo na si Darius..

"Whoa.. Record yon ah.. We have a winner.. 12 seconds flat.. Ang nanalo ay ang matakaw na binata na ito..Palakpakan natin sya.." sabi ng announcer..

Nag request ng speech ang announcer pero tumanggi si Romeo.

"Ako ang manager nya.. Hayaan nyong makapagpahinga ang kampeon.. " sabi ni Romeo.

Tumango ang announcer..

Palakpakan ang crowd.

Hinatid ni Romeo si Darius sa mga kaibigan.

Agad na inabutan ng tubig ni Hazel ang binata.

Ilang saglit pa ay nakahinga na ito.

"Panis pre.. " .. sabi ni Rhoi.

Ngumiti si Darius. Nagulat sya ng yakapin sya ni Hazel.

"Im so proud of you.. Ang bait mo pala.. " humahangang sabi ng dalaga.

Napakunot noo si Darius.

Natawa si Aldrin at pasimpleng siniko ang kaibigan.

"Wag ka na magmaang maangan pre.. Ikaw ha.." sabi ni Aldrin.

Ngumiti na lang si Darius pero di nya alam kung ano ang kahanga hanga sa ginawa nyang pagkain.

Biglang sumulpot si Romeo.

Nakangisi na ito.

"Im so proud of you mare. Talagang di mo kami binigo.." proud na pang uuto ni Romeo.

Nagkamay sila ni Darius .. Nagyabang pa ang binata.

"Sabi ko sayo eh.. Tiwala lang.. Pero nagtataka ako kung bakit sinabi ni Hazel na ang bait ko daw.." tanong ni Darius..

Kinabahan si Romeo..Agad nag isip.

"Ah.. Syempre.. Sinabi ko kasi na pinilit lang kita.. Pumayag ka naman di ba?.. Kaya naisip siguro nya na ang bait mong kaibigan.. Di mo ko pinahiya.. Wag na natin pag usapan yan.. Pahinga ka nga pre.. Dito dito.. May upuan akong nireserve para sayo.." inakay ni Romeo si Darius.

Nagtaka si Darius ..

"Ang bait mo ah.." sabi ni Darius.

Ngumiti si Romeo.

"Pare naman eh.. Wag mo na ako pansinin at nahihiya ako.. Sige na.. Syempre pinilit kita kaya eto ang kapalit.. Nauuhaw ka ba?.." tanong ni Romeo.

Sumunod ang iba sa kanila at nag siupuan.

"Pare.. Kailan naging mabait tong mokong na to?.." tanong ni Darius sa mga kapwa alas..

Nag isip naman sina Rhoi at Aldrin.

"Wag mong itanong yan.. Di ko pa naiisip ang sagot dyan.." biro ni Aldrin.

Natawa ang mga girls.

"Tama.. Kahit sa encyclopedia.. Wala ang kasagutan.." sabi ni Rhoi.

Nalungkot si Romeo.

"Guys.. Syempre may good traits din naman ang Ace of Spades. Pahinga na muna tayo .. Mukhang may sayawan ah.." pag iiba ni Romeo.

Nagliwanag ang mga mata ng iba.

"Oo nga.. Maya maya mag sisimula na yata yan.." excited na sabi ni Krissia.

Niyakap nya ang isang braso kay Rhoi.

Ngumiti naman si Rhoi.

Si Darius hinihimas ang tyan.. Tumabi sa kanya si Hazel..

"Okay ka na?.." masuyong tanong ng dalaga.

Ngumiti si Darius at tumango.

Hinilig ng dalaga ang ulo sa balikat ng binata.

Si Romeo naupo ..

Tumabi sa kanya si Khena .. Si Carla napasimangot dahil wala ng upuan.

"Psst.." sinitsitan nya si Borgz na kumukuha ng video.

"Oy.." sagot ng binata..

"Paupo ka naman." lambing ni Carla.

Napakamot si Borgz sa batok..

"Lekat na .. Oh." inabot ang sariling upuan sa dalaga.

Dali dali namang pinwesto ni Carla sa kabilang panig ni Romeo ang upuan.

Tumabi sya sa binata.

Napasimangot na naman si Khena.

Nag iba ang music..

Naging maharot.

"Okay people.. Lets dance.." sabi ng DJ..

Tilian ang mga girls..

Tumayo si Rhoi..

"Come, Queen of Clubs." aya nya kay Krissia.

Inabot naman ng dalaga ang kamay sa binata.

Ngumiti si Hannah .. Pasimple syang napatingin kay Aldrin.

Pero nakatingin lang ang binata sa mga nagsasayaw..

Siniko nya ang binata..

"Hoy !." untag ni Hannah sa binata.

Tila natauhan naman si Aldrin.

"Ay.. Tara na Queen of Hearts.. Lets show them what we got.." angas ni Aldrin.

Sina Romeo at Darius nananatiling nakaupo.

"Pare ok ka na?.." tanong ni Romeo.

Tumango si Darius..

"Okay na .. Pero maya maya na ako.. Baka magka appendicitis ako.." biro ni Darius…

Niyakap ni Hazel ang braso sa braso ng binata..

"Samahan kita.." sagot ng dalaga.

Napangiti si Darius.

Si Khena kanina pa nangangati ang mga paa..

Pasimple nyang tinapik tapik ang mga paa para iparinig kay Romeo.

"Gusto mo sumayaw?.." tanong ni Carla.

Agad napalingon si Khena .

"Hmm.. Maya na.." sabi ni Romeo..

Natawa si Khena..

"Buti nga.. " bulong nya.

"May sinasabi ka?.." taray ni Carla.

"Wala po.." sagot ni Khena..

Inirapan ang dalaga.

Natawa si Romeo at hinawakan ang mga ulo ng dalawang dalaga.

Nagulat ang mga ito ng bigla nyang pag umpugin ng mahina..

"What was that for?.." taray ni Khena.

Kumibit balikat lang si Romeo.

"Ang gugulo nyo eh.." sabi ng binata.

Nagbungisngisan na lang sila.

"Ang bad mo.." sabi ni Carla.

"Duh !.. Ace of spades nga di ba?.. " sabi ni Romeo.

Napangiti na lang si Khena.

Sa dance floor..

Maharot ang tugtugin.

Pero kataka takang magkayakap sina Aldrin at Hannah.

Di nila alintana ang mga tao.

Tila sila lamang ang nasa dance floor..

"Your so pretty.." pang uuto ni Aldrin.

Nag blush si Hannah.. Parang di pa sya nasasanay sa direktang papuri ng binata sa kanya.

"Kaw din.." tanging nasabi ni Hannah.

"Pretty din ako?.." biro ni Aldrin.

Nagtawanan sila.

Lalong hinapit ni Aldrin si Hannah.

Mga mata naglock na sa isa't isa.

"Pot." bulong ni Hannah.

"Lay.." sagot ni Aldrin.

Ngumiti sila sa isa't isa.

Unti unting naglalapit ang mga mukha..

Nagdikit ang mga ilong ..

Nag kiskisan..

Napapikit na si Hannah dahil malapit na malapit na ang binata.

Biglang may bumunggo sa kanila.

Nagulat ang dalawa ..

"Ay sorry.. " sabi ng dalawang lalake..

Nakangisi ang mga ito..

"Hi miss.. " bati ng isa.

Naasar si Hannah .. Inirapan nya na lang ang mga ito at yumakap kay Potpot.

"Wow.. Suplada.. Pre.. Panalo yang chix mo ah.. Taga maynila kayo?.." tanong ng isang lalake.

Tinitigan ni Aldrin ang mga ito.

Maliliit pero mukhang matitigas ang mga muscle..Mukhang batak sa trabaho..

"Opo manong.." sagot ni Aldrin.

Natulala ang dalawa..

"Manong daw o.. Hoy.. Magkakasing edad lang tayo.." sabi ng isa.

Napakunot noo si Aldrin.

"17 lang din kayo?.." tanong ni Aldrin.

Tumango ang dalawa.

Natawa ng palihim ang binata..

"Di halata.. Parang 37 na ah.." biro nya.

Naasar ang dalawa.

Biglang may bumunggo na naman kina Aldrin.

Paglingon nya tatlo pang lalake ang nakapalibot sa kanila.

Umiindak indak ang mga ito..

Nag apir ang tatlong lalake sa dalawang lalake na naunang nilang nakasagutan.

"Mga taga Maynila parekoy.. Mayayabang pumorma.." sabi ng isa.

Tiningnan ni Aldrin ang tatlo.

"Wag nyong sabihin na 17 lang din kayo at talagang di ako maniniwala." pang aasar ni Aldrin.

Nabwisit ang tatlo sa kanila.

"Mayabang nga ah.." sabi ng isa sa tatlo.

Pinalibutan nito ang dalawa.

Nakaramdam ng takot si Hannah.. Iniyakap nya ang braso sa binata at tinitigan ito sa mga mata.

"Wag ka makipag away please?.." makaawa ni Hannah.

Pero napatili sya ng biglang may humipo sa pwet nya.

Pagtingin nya nagtawanan yung dalawang lalake.

"Lambot parekoy.." sabi nung isa.

Nagdilim ang paningin ni Aldrin..

Umalis sya sa dance floor hatak si Hannah..

Nagtaka sina Romeo at Darius.

"Bilis ah.." sabi ni Romeo.

Nagtaka sila dahil galit ang mukha ni Aldrin.

"Baket?.." tanong ni Darius..

"Please.. Tama na Pot.. Uwi na tayo.." makaawa ni Hannah..

Ngumiti si Aldrin sa dalaga .. Bakas ang nagliliyab na galit sa mga mata..

"Di pwede.. Pagbigyan mo lang ako.. Di ka pwedeng bastusin ng kahit sino.. " madiin na sabi ni Aldrin.

Natouch si Hannah pero natatakot sya.

"Wag na Pot.. Okay naman ako eh.. Hipo lang yon.." sabi nya..

"Hep hep.. Anu yan?.." tanong ni Romeo.

"Hinipuan pre.." maasim na sagot ni Aldrin.

Pati sina Romeo at Darius nag dilim na din ang paningin.

"San?.." tanong ni Darius.

Tinuro ni Aldrin ang limang kalalakihan na nagtatawanan at tila pinagtitripan ang mga kababaihan sa isang sulok.

Lumapit sina Krissia at Rhoi.

"Oy.. Nawala kayo.. " sabi ng dalaga.

Tahimik lang ang lahat.

Nagtaka naman si Rhoi.

"Oy ano to.. Contest ng patahimikan?." tanong ni Rhoi.

Walang sumagot..

Lahat ng alas galit ang nakabadha sa mukha.

Niyakap ni Hannah ang braso ni Krissia.

"Sis.. Awatin mo sila." makaawa ni Hannah.

Nagtaka si Krissia.

"Why?.." tanong ng dalaga.

Kinwento ni Hannah ang nangyari.

Pati si Rhoi nagalit.

Kinalma ito ni Krissia..

"Tandaan nyo lang ha.. Walang uuwing nagrereklamo.." mataray na sagot ni Krissia.

Nanlaki ang mga mata ni Hannah.

"Pinapayagan mo sila?.. " tanong ni Hannah.

Tumango si Krissia.

"Wala tayong magagawa kapag apat na silang nag desisyon.. Hinipuan ka kamo?.. Nakow .." sabi ng dalaga.

Nag usap ang apat na alas.

Lahat galit ang nasa mukha..Tinitigan ang mga kalaban.

Si Borgz ang napagbalingan.

"Uwi na kayo.. Susunod kame.." utos ni Aldrin kay Borgz..

Natakot si Borgz na masangkot kaya tumango sya at hinakot na ang girls..

Ayaw umalis ni Hannah .. Pero niyakap sya ni Aldrin at hinalikan sa noo.

"Uuwi kame .. Pramis.. Sige na at lalo lang akong natatakot pag nandito ka.. .." sabi ni Potpot.

Naluluha na si Lelay..

"Pramis mo ah.." sabi ng dalaga.

Dinampian ng halik ni Potpot ang labi ng dalaga.

"Promise.." bulong nya.

Atubiling umalis ang mga girls.

Ng wala na ang mga ito ay tinuro ni Aldrin ang mga kaaway.

Napatingin ito sa kanila.

"Sa gubat.." sabi ni Romeo at nagpauna na..

Sumunod sina Rhoi at Darius.

Si Aldrin hinamon muli ang mga kalaban.

Binigyan nya ito ng dirty finger..Nagalit ang mga ito at isa isang lumapit sa kanya.

Sumunod si Aldrin sa mga kaibigan .. Nawala sila sa kasukalan..

Napangiti ang mga kaaway nila.

"Yan ang pagkakamali nila.. Teritoryo natin ito." sabi ng isa.

Nagtawanan lang sila at sumunod na sa mga binatang taga Maynila.

Bago pa man sila nakapasok ay may tumama ng malaking kahoy sa ulo ng pinaka leader nila.

Nagulat ang mga lalake.

Bagsak ang isa at apat na lang sila.

"Puta.. Lumabas kayo.. !.Wag kayong mga bakla !.." sigaw ng isa.

Lumabas ang apat na alas.. Lahat galit..

Nakatitig ito sa mga lalake..

"Di kami duwag.. Binawasan lang namin kayo ng isa para di kami mamroblema sa paghahati namin..Isa laban sa isa..Game.." sabi ni Rhoi.

Naghiwalay sila..

Kanya kanyang kaaway..

Lalong nagalit ang mga probinsyano.

"Ang yayabang nyooo.." sigaw ng isa sabay sugod kay Darius..

Pero mali..

Sinalubong lang sya ng tadyak ni Aldrin sa sikmura..

Bagsak ito sa lupa at namilipit sa sakit.

"Ang dadaya nyo. !.. Sabi nyo isa laban sa isa.." sigaw nung isang maliit na lalake.

Nagtawanan ang mga alas.

"Tama naman ah.. Isa laban sa isa.. Pero ang Kwadro Alas ay tinuturing na isa.. Kaya Kwadro alas ang kalaban nyo ngayon.. " galit na sabi ni Aldrin.

Natakot na ang mga probinsyano..

Nagkatinginan ang tatlo.

Seryoso pa rin ang mga alas.

"Mauna na ako parekoy.." sabi ng isa sabay sibat ng takbo.

Nagkatinginan pa ang natirang dalawa..

Sumugod bigla si Romeo.. Humanda na sa pagdepensa ang lalake na sinugod ni Romeo pero nagulat sya ng biglang may sumuntok sa panga nya..Hilo itong bumagsak sa lupa..

Hinihimas ni Rhoi ang kamao …

"Yuck.. Ang oily ng face." diring sabi ni Rhoi.

Lalong natakot ang natira.

"Oh.. Mag isa ka na lang.. Ikaw ang nagsabi na teritoryo nyo to di ba?.." maasim na sabi ni Darius..

Napalunok ang natitira..

"Eto ang tandaan mo.. Kung saan nakatuntong ang Kwadro Alas.. Yun ang teritoryo namin !.." sigaw ni Romeo.

Natakot ang natirang probinsyano.. Napaupo ito sa lupa.

"Tama na yan mga mare.. Baka abutan tayo ng mga mumu dito.." pananakot ni Aldrin.

Natakot ang mga alas kaya isa isa silang umalis…

Tulala ang natirang probinsyano..

Luhaan na si Hannah ng maaninag ang mga Alas na naglalandian.

Agad nyang tinakbo si Aldrin at yumakap dito..

Pati si Krissia ay di napigilan ang sarili .. Dinamba nito si Rhoi at napahagulgol na din..

Nainggit sina Darius at Romeo..

Sila na ang nagyakap..

Natawa na lang ang mga girls..

Si Borgz akmang yayakap kay Carla pero inambaan sya ng kamao ng dalaga..

Napakamot na lang sa ulo ang binata..

Nagsalita ang Lola..

"Kayong mga bata kayo.. Hala at magsilinis na kayo ng katawan.. Maaga pa ang alis nyo bukas .." sabi ng Lola.

Nalungkot naman ang mga kabataan..

Tumawa si Romeo.

"May susunod pa.. Baka sa summer.. Enjoy di ba?.." suhestiyon ni Romeo.

Kinindatan nya si Khena.. At si Carla.

Si Hazel di na natiis .. Hinalikan nya sa labi si Darius.

Napa wow ang lahat.

"Pabaon." sabi ni Hazel.

Nablush si Tabar..

Kinalabit ni Aldrin si Hannah..

Pumalag si Hannah at napasimangot.

"Maya na pag walang tao.." bulong nya.

Ngiting ngiti si Aldrin.

"Hoy.. Sabing magsipasok na eh.." sigaw ng Lolo.

Tarantang naghiwalay ang mga kabataan ..

"Pasok !.." muling kulit ng Lolo.

Napatakbo ang mga girls papasok ng mansyon.

Pati ang mga boys nataranta ..Nag flying kiss sila kina Borgz at Carla.

"Sa uulitin.." sabi ni Romeo..

Sa malayo.. Ngiting ngiti ang lola ni Hannah. Pero nananatiling seryoso ang mukha ng Lolo nya.

Nagtaka naman ang matandang babae.. Niyakap nya ang kabiyak.

"Bakit ba?.. Di ka ba masaya para sa apo natin?.. Nahanap nya na ang matagal nya ng minamahal.." sabi ng Lola.

Ngumiti ng malungkot ang matandang lalake.

"Masaya ako para sa apo natin.. Mukhang mabait na bata si POtpot…" sabi ng matandang lalake.

Napabuntong hininga pa ito.

"Pero baket ka ganyan?.." tanong ng matandang babae..

Ngumiti ng malungkot ang Lolo..

"Remember the deal?.." tanong ng Lolo..

Nanlaki ang mga mata ng Lola..

Napailing iling ito at nagsimula ng mangilid ang mga luha..

"Please.. Pabayaan nyo ang mga bata.. " naiiyak ng sabi ng Lola.

Agad na niyakap ng matandang lalake ang kabiyak..

"Gagawa ako ng paraan.. " bulong nito.

Tila nahulog sa malalim na pag iisip ang dalawang matanda..

ITUTULOY !!!