1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 23 - Kasunduan
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 23 - Kasunduan

By supertoyantz ·

Chapter 23 - Kasunduan

Malalim na ang gabi, di pa rin makatulog si Hannah..

Pasimple nyang sinilip ang katabing si Chichi at Krissia..

Mahimbing ang mga itong natutulog..

Dahan dahan syang tumayo..

Kinumutan nya ang mga kaibigan at dahan dahang tinungo ang pinto..

Nagulat ang dalaga ng biglang bumukas ang katapat na pinto..

Sa kabilang kwarto..

Asar na tinabig ni Aldrin ang paa ni Darius na nakapulupot sa kanya..

"Tangna talagang matulog itong mga to.. Parang mga kiti kiti ampota.." inis na bulong ni Aldrin..

Dahan dahan syang umalis sa kama..

Hinila nya ang kumot na tumatabing sa mga kaibigan..

Iniyakap nya ang isang braso ni Rhoi sa katawan ni Romeo habang ang isang paa ni Romeo ay niyakap nya sa katawan ni Darius..

Nilapit nya ang ulo ni Rhoi kay Romeo..

Ganun din ang ginawa nya kay Darius , nilapit nya ang ulo nito kay Romeo..

Napabungisngis si Aldrin sa ginawa..

Kulang pa..

Bungisngis na naman sya.. Tinakbo nya ang bag at naghalungkat..

Ngising demonyo si Aldrin ng makapa ang hinahanap..

Marker !..

Ngising demonyo pa rin sya ng lumapit sa mga kaibigan..

Nag mistulang pintor at sinimulan ang obra ..

Satisfied sya ng matapos ang kalokohang ginawa.

Muli nyang tinago ang marker at dahan dahang lumabas..

Nagulat sya ng bumukas ang katapat na pinto..

Automatikong napangiti ang dalawa sa isa't isa..

"Can't sleep?.." tanong ni Hannah.

Ngumiti si Aldrin..

"I'm missing someone.." sagot ng binata..

NApangiti din si Hannah.

"Sino?." tanong ng dalaga..

"My queen.." sagot ng binata.

Ngitian na parang tanga..

"Sa garden.." aya ni Hannah..

Tumango si Aldrin at inilahad ang palad..

Tinanggap naman ito ni Hannah..

Magkahawak kamay nilang binagtas ang daan papunta sa hardin..

Bago pa sila makababa ay may nasalubong sila sa hagdan.

"Eric?.." tanong ni Aldrin.

Tila nahihiyang napangiti si Eric..

"Sorry tol.. Namasyal ako eh..Di ko alam kung saan na ako nakarating.." sabi ng binata..

Napangiti na lang si Hannah..

"Si Chichi natulog na sa room namin.. Nagising kasi sya kanina hinahanap ka.. Eh di ka naman namin makita so pinatulog na lang namin sya ." sagot ni Hannah.

Lalong tila nahiya si Eric..

"S-sorry." nahihiyang hingi ng paumanhin ng binata..

Tinapik ni Aldrin ang balikat ni Eric..

"Okay lang pre.. Sige na.. Pahinga ka na at maaga pa tayo.. " sabi ni Aldrin.

Napatingin si Eric sa magkahawak nilang kamay..Napangiti ito..

"Sige tol .. Salamat.. Hannah.. Sorry talaga.. " sabi ni Eric.

"Sus.. Okay lang no.. " nakangiting sabi ni Hannah..

Nilampasan na lang nila Aldrin at Hannah ang binata..

Nagtungo sila sa garden..

Napansin nila ang swing nakahoy.. Agad napangiti si Hannah.. Lumapit ito sa swing..

Napangiti din si Aldrin..

"Now nababasa ko na sya.." nakangiting sabi ng binata..

"Anung nakalagay?.." tanong ng dalaga..

"Lelay love Potpot.." sagot ni Aldrin.

Tumango si Lelay..

"Binura ng panahon.. Pero sa twing nagpupunta ako dito.. Lalo lamang kitang hinahanap… I miss u Pot.." sabi ni Lelay..

Naupo si Aldrin.. Maliit ang swing na kahoy.. Hinatak ni Aldrin ang dalaga..

Napaupo ito sa kandungan nya..

"I miss u more.. Di mo lang alam kung naka ilang sulat ako sayo.. Siguro makakaburo ka na ng isang post office.." biro ni Aldrin.

Natawa si Hannah.. Hinaplos ang pisngi ng binata.

"Sorry kung di ko agad nasabi.." bulong ni Lelay..

Ngumiti si Potpot..

"It's okay.. Kahit di ka pa gumagawa ng kasalanan.. Pinapatawad na kita.." ganting bulong ni Potpot..

Kinilig si Lelay..

Hinaplos din ni Potpot ang pisngi ng dalaga..

Dahan dahang hinila palapit sa kanya..

Napapikit si Lelay..

Ganun din ang ginawa ng binata..

Muling nagdampi ang kanilang mga labi.. Kahit hindi ito ang una nilang beses na naghalikan.. Pareho pa rin ang intensidad… Kamangha manghang dumadaloy pa rin sa katawan nila ang kilig na hinaluan ng tila kuryente.. Gumagapang sa bawat himaymay ng kanilang pagkatao..

Halos isang minutong masuyong nagdampi ang kanilang mga labi..

Kumalas si Lelay..

Kinulong nya ang mukha ni Potpot at muling dinampian ng maliit na halik sa ibabaw ng mga labi..

Napangiti naman ang binata..

Hinapit nya ang dalaga..

"I love you…" bulong ni Potpot..

Kinilig si Lelay.. Saglit syang di nakapagsalita.. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata..

"I love you too Pot.. Worth it ang paghihintay ko.." sabi ni Lelay..

"Worth it ang paghihintay naten.. " pagtatama ni Potpot..

Napangiti si Lelay.. Muling nagtagpo ang kanilang mga labi.. This time mas mapusok… Halos mapugto ang kanilang mga hininga ng magbitaw sila..

"I would love to kiss you here all night .. But we have to go inside… Baka kung anong isipin ng makakakita sa aten.." nakangiting bulong ni Aldrin.

Ngumiti si Lelay.. Muli nyang dinampian ng halik ang labi ni Potpot sabay tayo..

"Tara.." aya ng dalaga..

Magkahawak kamay silang pumasok ..

Hinatid ni Potpot si Lelay sa tapat ng kwarto nito.

"Namimiss na agad kita.." banat ni Potpot..

Napabungisngis si Lelay..

"Magkikita pa tayo.." sabi ng dalaga..

Muling nagtagpo ang kanilang mga labi..

Kusa ng kumalas si Lelay.

"Goodnight.." bati ni Lelay..

"Goodnight my Love.." bulong ni Potpot..

Nagngitian sila ..

Pumasok sa kanya kanyang silid ng may ngiti sa mga labi.

Kinabukasan.

Mga katok ang nagpagising kay Aldrin..

NAg inat muna sya sabay tayo at tinungo ang kwarto..

Ang Lola ang kumakatok..

"Morning po Lola.." nakangiting bati ng binata..

"Good morning din apo.. Mag almusal na kayo.. Para di kayo tanghaliin sa lakad nyo.." sabi ng matandang babae.

Nakangiting tumango si Potpot..

Binalikan ang mga kaibigan..

"Mga ungas.. Tanghali na oy.. Mahiya kayo .. Di tayo taga rito.." paggising ni Aldrin sa mga kaibigan..

Isa isang nag siungulan ang mga kaibigan nya..

Naunang tumayo si Rhoi..

Diretso sa banyo ..

Biglang may sumigaw..

"Putangnaaa.. Sino may gawa nito?.." sigaw ni Rhoi.

Balikwas ng bangon si Darius..

Biglang sumambulat ng tawa si Aldrin..

Natawa din si Darius sabay turo sa mukha ni Rhoi..

"Azteg pre.. Parang kang pirate ah.. Bagay pala sayo may bigote eh.." tukso ni Darius..

Umungol si Romeo..

Inalis ang takip na unan sa mukha..

Lalong nagtawanan ang magkakaibigan ng makita ang sungay sa noo ni Romeo..

"Magsiligo na kayo !.." sigaw ni Aldrin..

Pero napatili sya ng dambahin sya nina Rhoi at Darius..

"Yung marker !.." sigaw ni Rhoi.

Kahit wala pa sa tamang pag iisip.. Tinalon ni Romeo ang bag ni Aldrin para kunin ang marker..

Napatili na lang si Aldrin ..

Wala syang magawa …Tawa ng tawa..

Humahangos na pumasok sina Hazel at Khena..

Pati sila napabungisngis ng makita ang itsura ng mga boys..

"Mga baliw.. " tatawa tawa si Khena..

"Pogi ka pa rin Dar." pang uuto ni Hazel..

Bungisngisan na naman..

Sa kusina..

Lahat handa na sa pag alis..

Kakain na lang sila ..

Nakasimangot si Chichi ..

"San ka ba galing?.." mataray na tanong ng bata..

"Naligaw nga ako.." palusot ni Eric.

Nagtawanan na lang ang mag kakaibigan..

"Hala kain ng kain.. Para di kayo agad magutom sa byahe nyo.." sabi ng Lola.

Tahimik lang ang Lolo na nakatingin kina Aldrin at Hannah..

Sweet na sweet na nag susubuan pa ang dalawa.

Napailing na lang ang matanda at tila nahulog sa malalim na pag iisip.

Maingay ang grupo na nag sisakayan sa Van..

Yumakap si Hannah sa mga Lolo at Lola nya..

"Babalik po ako.. Promise.. .." sabi ng dalaga.

Napangiti ang dalawang matanda.

"Ingat sa byahe.. " sabi ng Lola.

"Sorry apo.." sabi ng Lolo..

Nagtaka si Hannah..

"Baket po?.." tanong nyan.

Siniko ng palihim ng Lola ang Lolo.

"I mean.. Ingat kayo.. Sige na . Tanghali na." pag iwas ng Lolo..

Napangiti si Hannah..

Niyakap din nya ang dalawang pinsan..

"Mamimiss ko kayo." sabi ni Hannah..

Nagyakap silang tatlo ng mahigpit..

"Kami din couz.. Punta kame ulit sa christmas.. " sabi ni Khena..

Hinatid ng mag pinsan si Hannah sa van..

"Ingatan nyo pinsan namin ah?.." bilin ni Hazel..

Naghiyawan ang mga nasa loob.. Dumukwang si Darius.

"Mamimiss kita.." sabi ng binata..

Ngumiti si Hazel..

Pero nagulat sya ng halikan sya ni Darius sa labi..

Hiyawan na naman sila.

Napangiti na lang ang dalaga..

Si Khena umikot sa kabila.

Kinalabit si Romeo..

"Ingat ah?.." kiming bilin ng dalaga..

Tumango si Romeo..

Dumukwang para bulungan ang dalaga..

"Baon ko?." bulong ni Romeo..

Nagtaka si Khena..

Ngumuso si Romeo..

Biglang inatake ng hiya ang dalaga..

"Sige na.. Di mo na ako makikita ng matagal.." banta ni Romeo..

Napapikit si Khena..

Pagdilat nya bigla nyang tinuka sa labi si Romeo..

Naghiyawan ang grupo..

Pero biglang kinabig ni Romeo ang batok ni Khena at siniil ng halik..

Matagal na naghalikan ang dalawa..

Pulang pula si Khena ng bitawan ni Romeo..

"Ang bad mo !.." nakangiting saway ni Khena..

Ngumiti lang si Romeo..

All set na ang lahat.

Kinawayan nila ang matatanda..

Gumanti naman ang mga ito ng kaway..

Nagsimula na silang umalis..

Muling natahimik ang matandang lalake..

Pinagmasdan nyang mawala sa paningin ang sasakyang ng mga bata..

Tahimik syang pumasok at nagtungo sa library..

Naupo sa study table sabay hugot sa drawer..

Isang lumang litrato..

Napangiti ng malungkot ang matandang lalake..

Sa litrato ay ang mga sundalong guerilla na walang takot na lumaban sa mga hapon.. Isa na sya doon.. Kasama ang kanyang naging matalik na kaibigan..

Buhay na buhay pa sa kanyang isipan ang mga pangyayari..

Kasalukuyan sila nuong namamahinga sa lilim ng punong mangga..

Sa isang liblib na gubat sa gawing norte..

Katatapos lang nilang mag ronda ng matalik nyang kaibigan..

Biglang nagsalita ito..

"Sa tingin mo matatapos ang laban na ito?.." tanong ng kaibigan nya..

Napaisip sya at malungkot na ngumiti..

"Siguro naman. Gusto kong magkapamilya.. Pakakasalan ko si Dulce..Nakita mo na sya di ba?.." nakangiting sabi nya.

Ngumiti ang kanyang kaibigan at malungkot ding ngumiti..

"Ako din.. May naiwan din akong minamahal sa lugar namin.. Pagtapos na pagtapos nito.. Kung mamarapatin ng Diyos.. Sana mapakasalan ko sya.. Malaki na ang atraso ko sa kanya.. Madami na akong pangako na nabitin.." malungkot na pahayag ng kanyang kaibigan..

Nagtawanan silang dalawa..

"Ganito na lang.. Siguro naman pahihitulutan ng Diyos na matapos ang labanang ito.. Sana pagdating ng panahon na magkaanak tayo.. Magkatuluyan sila.. Anu sa tingin mo?.." tanong ng kaibigan nya..

Napangiti na lang sya..

"Sige.. Gusto ko yan.. " sagot nya..

Nagtawanan silang dalawa ng biglang may pumutok sa kung saan.

Tarantang napatayo ang matalik na magkaibigan..

Humahangos na dumating ang isa nilang kasamahan.. Duguan ang parteng binti nito..

"Anong nangyari?.." tanong ng kaibigan nya sa bagong dating.

Pero nawalan na ito ng malay..

Muling may umalingawngaw na putok .. Kasunod ng pagsabog..

Halos mabingi ang Lolo ni Hannah..

Nandilim ang kanyang paningin.

Huli nyang nakita ang dalawang kaibigan na nakahandusay sa lupa.. Duon na sya nawalan ng malay.

Bumukas ang pinto ng library..

Tarantang pinahid ng Lolo ni Hannah ang mga mata nito..

Pumasok ang kanyang kabiyak na may dalang tasa ng kape…

"Oh.. Tinitingnan mo na naman yan.." puna ng Lola..

Malungkot na ngumiti ang Lolo..

"Naalala ko lang ang nakaraan.. Nagising na lang ako na nasa kampo na.. Kasama ang mga sundalong kano..Katabi ko si Ufo… Sa kabila naman si Isidor.. Nakakaawa ang itsura nila.. Parehong may benda ang mga paa namin pero mas grabe ang kay Isidor.." naiiyak na pahayag ng Lolo..

Dali daling niyakap ng Lola ang asawa mula sa likod..

Dinampian nya ng halik ang buhok nito.

"Tama na.." saway ng Lola.

Pero ayaw paawat ng Lolo..

"Tandang tanda ko ang pangako namin ng matalik kong kaibigan.. Sabi nya , ipapakasal daw namin ang aming mga magiging anak.. Pero ang nakakatawa.. Mahina pala si bespren.. Mabagal makabuo.. Nakadalawa na ako bago nya nabigyan ng supling ang misis nya.." malungkot na tumawa ang Lolo..

Natawa din ang Lola..

"Mahilig ka kasi." biro ng Lola.

Nagtawanan silang dalawa..

"Gustong gusto mo kaya.." biro ng Lolo..

Sinakal lang sya ng Lola.

"Ng sa wakas nakabuo ang lekat.. Eksaktong babae ang sa aken.. Pero tumakas si Elena." maasim na pahayag ng Lolo..

Muli syang niyakap ng kabiyak..

"Akala ko napatawad mo na ang anak mo?.. Sinunod lang nya ang tibok ng puso nya." paalala ng Lola.

Tumango ang Lolo..

"Pwede ba namang di ko patawarin ang nagiisang babae ko?.." sabi ng Lolo..

"Eh bakit parang galit ka?.. " biro ng Lola..

Natawa naman ang Lolo..

"Nuon pa man.. Ngayon ko lang aaminin.. Si Elena ang paborito ko.. Alam mo ba kung baket?.." nakangiting tanong ng Lolo..

Kunwaring napaisip ang Lola..

"Siret.." pakwela nya..

Nagngitian sila.

"Kasi kamukang kamuka sya ng tanging babaeng inibig ko.." madamdaming pang uuto ng Lolo..

Natawa ang Lola.. Kinilig.

"Sino?.." landi ni Lola..

"Si ikaw.." ganti ni Lolo..

Nagyakap na naman sila.

Tawanan pero balik sa pagiging seryoso si Lolo..

"Masakit sa akin ang paglayas ni Elena.. Sinuway nya ako.. Ni hindi nya man lang tiningnan ang anak ng kaibigan ko.. Basta na lang syang nawala.. " malungkot na sabi ng Lolo.

"Sana maintindihan mo.. Kung ako ang nasa kalagayan ni Elena.. Ganun din ang gagawin ko.." sabi ng Lola..

Ngumiti ang Lolo..

"Napahiya ako sa kaibigan ko.. Mabait sya.. Sabi nya ayos lang..Nagbiro sya na baka sa mga apo namin matuloy..Pumayag ako… Nangako kami sa isa't isa na matutuloy na ang aming plano.." sabi ng Lolo.

"Wag nyo na sanang pakielaman ang mga bata.. Nakikita mo naman na nagmamahalan sila.." naiiyak na saway ng Lola..

Tumango ang Lolo at tinapik tapik ang kamay ng Lola..

"Alam ko.. Nakikita kong mabait si Potpot.. Nakakatuwa nga ang nangyari sa kanila.. Biruin mong sya pala ang matagal ng hinahanap ng Apo natin?.." natatawang sabi ng Lolo..

"Oo nga.. Tadhana ang nagtagpo sa kanila.. " nangingiting sabi ng Lola..

"Kaya nanliliit ako mahal ko.. Mukhang sa ikalawang pagkakataon.. Sisirain ko ang pangako ko.. Alang alang kay Hannah.. " matigas na sabi ng Lolo..

Natuwa ang Lola..Niyakap ng mahigpit ang Lolo.

"Lalo kitang minahal.." hinalikan nito ang pisngi ng Lolo..

"Pero ayos lang naman sigurong makipagtagpo sya sa apo ng kaibigan ko.. " hirit ni Lolo..

Sumimangot si Lola..

"Kailangan pa ba?.." tanong ng Lola.

"Sya na ang magsabi.. Isama nya si Potpot kung gusto nya." sabi ng Lolo..

Ngumuso si Lola..

Tatawa tawang niyakap ito ng kabiyak..

"Wag ka ng magtampo.. Siguro naman pakikinggan sya ng kaibigan ko.. Mabait yon.." pagmamalaki ni Lolo..

Nagyakap sila..

"Baket kasi ninyo binuo ang kasunduan na yan?.. Sinasaklawan nyo ang buhay ng mga bata.. Gusto mo bang lumayas din si Hannah tulad ni Elena?.." tanong ng Lola..

Napailing ang Lolo..

"Syempre ayaw ko ng maulit ang ganon.. Pero sana naman.. Di pa naman sila ikakasal ni Potpot.. Napakabata pa nila para magseryoso sa buhay.. Kahit na kilalanin nya din ang apo ng kaibigan ko.. Malay natin.. " nag kibit balikat si Lolo..

Nagyakap silang muli..

"Natatakot ako mahal ko.. Baka magrebelde si Hannah sa gagawin mo.." sabi ng Lola..

"Hayaan mong ako ang umako ng kasalanan.. Di ko na mababawi ang naipangako ko na… Pero sana naman pagbigyan tayo ng apo natin.. " malungkot na sabi ng Lolo..

"Sana wag syang magdamdam.. " sabi ng Lola..

Nagyakap na lang sila..

Parehong takot sa maaring kahinatnan ng kasuduan..

ITUTULOY !!!