1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 24 - Tadhana
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 24 - Tadhana

By supertoyantz ·

Chapter 24 - Tadhana

Sa Terminal ng Bus..

"Salamat po kuya Jack.." sabi ni Aldrin..

Ngumiti ang matandang driver sa kanila..

"Mag iingat kayo mga bata.. Mag aral ng mabuti.. Lagi nyong tatandaan.. Ang kabataan ang pag asa ng bayan.." pangaral ng driver..

Nagbungisngisan ang mga babae…

Napangisi si Romeo..

"Eh di kung ganun po Kuya Jack.. Habang maaga pa.. Mas maganda kung simulan na namin ang pag gawa ng maraming bata.. Para mas marami ang maging pag asa ng bayan.. Tama po ba?.." nakangising sagot ni Romeo.

Napasimangot si Tandang Jack..

Nagtawanan naman ang mga barkada nya..

"Lekat na.. Hala at humayo na nga kayo.." sita ni Tandang Jack..

Ayaw paawat ni Romeo.

"Hahayo na po kame at magpapakarami.. Salamat po sa payo.. Tatandaan namin lagi yan.." sabi ni Romeo..

Biglang may pumingot sa kanya..

"Pilosophy.. " nakasimangot na saway ni Chichi..

Biglang inakbayan ni Romeo ang bata..

Nanigas si Chichi..

Nag react si Eric..

"Hoy.." saway nya..

Pero binigyan lang sya ng dirty finger ni Romeo..

"Tara na baby.." masuyong sabi ni Romeo..

Nataranta si Chichi..

Pumiglas sya at kumapit sa Ate Krissia nya..

"Kita mo tinakot mo yung bata.." sabi ni Krissia..

Napangisi si Romeo..

"Ganyan talaga kapag inakbayan ka ng crush mo.. I understand you kid..Someday.. Who knows.. " makahulugang sabi ni Romeo sabay baling kay Eric na nakasimangot..

"Gago ka.. " bulong ni Eric..

Tumawa lang si Romeo at nagsimula ng hakutin ang mga gamit nya..

"Namimiss ko si Khena.." biglang banat ni Romeo.

Sumunod si Darius..

"Si Hazel.. Kailan ko kaya sya ulit makakasama.." sabi ni Darius..

Tawanan lang sina Hannah at Aldrin..

Isa isa na silang nagsiakyatan ng bus..

"Sige po Manong.. Alis na po kame.. Babalik na lang po siguro ako sa christmas.. Alagaan nyo po sina Lolo at Lola.." bilin ni Hannah..

Tumango si Mang Jack..

"Sige na.. Gagabihin na kayo sa daan.." sabi ni Mang Jack..

"Salamatp po.." sabi ni Aldrin..

"Alagaan mo ito ha?.. Pag pasensyahan mo na lang dahil kung minsan topakin yan e.." sabi ni Mang Jack..

Pinandilatan sya ng mga mata ni Hannah..

"Tatay Jack !.." sigaw ni Hannah..

Nagtawanan sina Aldrin at Mang Jack..

Nagtawag na ang kundoktor..

"Oh sya.. Sakay na.. " sabi lang ni Mang Jack..

Nakangiting niyakap ni Hannah ang matandang driver ng Lolo at Lola nya..

Hawak kamay silang umakyat sa bus..

Hinintay munang umalis ni Mang Jack ang bus bago sya sumakay sa van pabalik sa hasyend ng mga Montefalco..

Sa daan..

Kantahan na naman ang mag babarkada..

Naasar na ang nasa harap nilang pasahero..

"Will you please shut up?.." sita ng babae sa harap nila Romeo at Darius.

Nagbungisngisan ang mga babae..

Si Chichi nakayakap sa kuya nya at nagnanakaw ng tingin kay Romeo..

Dumukwang sina Romeo at Darius.. Para sana asarin ang nasa harap pero nagulat sila..

"Bea?.." biglang tanong ni Darius..

Napatingin din ang babae .. May katabi itong bata..

Nanlaki ang mga mata nito..

"Darius?.. Romeo?.. Wow.. What are you guys doing here?.." biglang sabi ng nasa harap na babae..

Nagkatinginan sina Romeo at Darius..

Pagkuway kina Aldrin at Hannah na magkayakap..

"Eto.. Galing kami ng vacation.. Is that your son?.." tanong ni Romeo..

Tila nahihiyang ngumiti si Bea..

"Yea.. Pero babae to.. Medyo boyish lang ang gupit..Anyway… Sina Rhoi?.. At si.." putol ni Bea..

Napakagat labi pa sya..

"Si Aldrin?.. He's there o.." turo ni Romeo..

Napatayo ng bahagya si Bea..

Di naitago ang pagkagulat nya ng makita si Aldrin na may kayakap na babae..

"Who is she?.." maasim na tanong ni Bea..

NAgkatinginan sina Darius at Romeo.

"That's Hannah.. Girlfriend ni Aldrin.. Why?.. Bakit parang masama loob mo?.." askad ni Romeo..

Nanliit si Bea at tila nahiya..

"Wala.. She's pretty.. " bulong nito..

Huminga ng malalim ang babae.. Muling niyakap ang anak..

"San kayo galing?.." tanong ni Darius..

Napangiti ng malungkot si Bea..

"Dun sa ancestral house ng tatay nitong anak ko.. Maniningil sana.. Pero mukhang tinataguan ako.. " tila naiiyak na sabi ng babae.

Nakaramdam ng awa sina Romeo at Darius.

Umingit ang natutulog na bata..

"Oh.. Saglit lang ha.?.. I have to feed her.." nakangiting pasintabi ni Bea..

Napangisi ang dalawa..

"Go ahead.. " sabi ni Romeo..

NAnlaki ang mga mata ni Bea..

"Shoo.. Kayo talaga.. Ikaw Romeo di ka pa rin nagbabago.. May tumatagal bang babae sayo?.. Napaka bad mo.. Ikaw Darius.. Matakaw ka pa rin no?.. Si Ekang ba nakauwi na?.." tanong ni Bea..

Napangisi na lang ang dalawang lalake..

"Breastmilk is still best for babies.." boses bata na sabi ni Romeo..

Natawa si Bea at pinagpapalo ang dalawang binata..

"Shoo shoo.." saway ni Bea..

Tatawa tawang muling naupo sina Romeo at Darius..

Pero nawala ang ngiti sa mga labi nila..

"Should we tell him?.." tanong ni Darius..

Napatingin si Romeo sa bintana..

Kinalabit sya ng kaibigan..

"Hoy.. Sasabihin ba natin kay Ipot na nasa harap lang si Bea?.. Ang babaeng kanyang iniyakan ng ilang buwan?.. Yung bumasted sa kanya?.." bulong ni Darius..

Tahimik lang si Romeo.

Muli syang kinalabit ng kaibigan..

"Tol.. I think kailangan nyang malaman.. " sabi ni Darius.

Umiling si Romeo..

"Pare ang ganda talaga sa province no?.." pag iiba ni Romeo.

Napabuntong hininga si Darius..

"Ikaw, Lagi ka na lang ganyan..Iwas ka ng iwas.. .. Kailangan nating sabihin kay Aldrin.. " sabi ni Darius..

Napalingon si Romeo.. Seryoso ang mukha..

"Tarantado.. Para saan pa.?.. Di mo ba nakikita na masaya na ang kapatid natin?.. Kapag nalaman nya na nasa kaawa awang kalagayan si Bea.. Sigurado akong tutulong sya.. Anung mangyayari?.. Masisira ang relasyon nila ni Lelay.." maasim na bulong ni Romeo..

"Gago.. As if naman di sila magtatagpo.. Oras na tumayo si Bea .. Makikita sya ni Potpot.. Di mo kayang pigilan ang mangyayari.. Di ka si Totoy…" sabi ni Darius..

Natahimik si Romeo..

"Kahit pa.. At least sinubukan kong pigilan ang mangyayari.. Mas panget naman kung wala man lang tayong ginawa.. Kahit na sabihin mong ilang oras lang.. " mahinang bulong ni Romeo..

"Pero bakit nga kaya binasted ni Bea si Potpot.?.. Naging sweet naman sila right?.. Now I believe in destiny.." bulong ni Darius..

Natawa ng mahina si Romeo..

"I strongly disagree.. Fate has nothing to do with them.. In fact.. I don't believe in fate. Or destiny perhaps.." ganting bulong ni Romeo..

Napatingin si Darius sa kanya..

"Why?.." tanong ng kaibigan nya..

Tumingin ulit si Romeo sa binata..

"Wala lang.. It's just that .. Parang unfair..You fought so hard for one thing them boom !.. Di pala yon ang nakatadhana sayo.. Kaya sa tingin ko.. Kung sakaling may Fate na tinatawag.. Unfair.. Yon lang ang masasabi ko.." sabi ni Romeo..

Natahimik si Darius..

"Di ko gusto ang konsepto na di ko hawak ang kapalaran ko.. Di ko gusto na iba ang nagtatakda nito.." matigas na sabi ni Romeo..

"Bitter ka lang kasi walang nagtatagal sayo.. Kaya reason mo lang na di ka naniniwala sa Fate.. Masyado ka kasing babaero.." pang aasar ni Darius..

Nagkilitian silang dalawa..

"Wag kang mag turo gago.. Mula ng umalis si Ekang.. Kabi kabila na din ang naging babae mo.. Minsan pa nga may bading e.. Wag kang mag deny .. Kabisado kita.." bungisngis na sabi ni Romeo..

Landian na naman sila..

"Haha.. Gago.. Wag mong isali si Ugly Ekang dito.. Ampanget non !.." sigaw ni Darius..

"Hoy mga Gago.. Magpatulog kayo." saway ni Rhoi..

Tawanan lang ang sagot nina Romeo at Darius..

"Kita mo si Rhoi.. Nakita nya na ang soulmate nya.. Si Krissing.." sabi ni Darius..

Napabungisngis si Romeo..

"Nakita?.. I don't think so.. Parang napikot ang tropa natin eh.. " bungisngis na sabi ni Romeo..

Tawanan sila.

"Basta wag mo na banggitin si Ugly Ekang Monster." tila nandidiri na sabi ni Darius..

"Sus. Panget daw.. Kaya pala.. Saan mo nga ulit nakuha yang peklat mo?.. Sa kagat ng aso.. Bakit ka nga kinagat ng aso?.. Kasi kasi.. " putol ni Romeo..

Napasimangot si Darius..

"Oo na.. Nakagat ako ng aso kasi inagaw ko yung tsinelas ni Ekang na kinagat nito.. Pero syempre.. Naging hero lang ako.. Di nangangahulugan na gusto ko sya.." iiling iling na sabi ni Darius..

Natawa si Romeo..

"Bullshit.. Come on.. Sa ating apat.. Alam mong ako ang tangi mong mapagsasabihan ng mga sikreto mo.. Wag na mag deny Taba. Crush mo si Flora…" ngising sabi ni Romeo..

Lalong nanlaki ang mga mata ni Darius.. Taranta nyang tinakpang ang bibig ng kaibigan.

"Gago ka.. Wag na wag mong babanggitin ang salitang Flora.. " bulong nito..

Tinabig ni Romeo ang kamay ng kaibigan.. Tawa pa rin ng tawa..

"Putris na kamay yan.. Pasmado… " tila nandidiring sabi ni Romeo..

Napangisi si Darius..

"Wag kasi sa akin ang highlights.. Kwento ito ni Aldrin eh.." asar na sabi ni Darius…

Nagtawanan na naman silang dalawa…

Napasandal si Darius sa upuan..

"Pero kawawa si Bea..Di ba ikaw ang nag lakad sa kanya dati?.. Pero basted sya.. It's either yung sinabi nya na bata pa daw si Potpot.. O tanga ka lang talaga magbigay ng payo about sa panliligaw…." nakangising sabi ni Darius..

Natawa ng mahina si Romeo..

"Gago.. Di yon ang dahilan nya.. Sigurado ako.." bulong ni Romeo..

Muli syang lumingon sa binata..

Kapwa natahimik ang dalawa..

"I will miss them.. Lolo and Lola.." bulong ni Hannah..

Niyakap sya ni Aldrin ng mahigpit..

"Yeah.. I know.. They are so nice. Pero talagang nakakatakot ang Lolo mo.." sabi ng binata..

Napahagikgik si Lelay..

"Grabe ka.. Di naman gaano.. Well.. Strict talaga si Lolo.. Alam mo ba na may kinwento sa akin si Naynay dati?." imporma ni Lelay..

Nacurious si Potpot.

"Go on.. Im listening.. " sabi nya..

Huminga ng malalim si Lelay.. Hinawakan ang mga kamay ni Potpot na nakapalibot sa katawan nya..

"Remember nung nandun kami sa lupain nyo?.." bungad ni Lelay..

Napatango si Potpot..

"Sabi ni Naynay sakin .. Tumakas daw kami.. Kasi balak syang ipakasal sa anak ng bestfriend ni Lolo.. Syempre ayaw ni Naynay non kasi nga nagmamahalan sila ni Tatay.. Mahirap lang ang pamilya ni Tatay.. Actually magsasaka lang sya… Pero proud si Naynay.. Pinaglaban nya ang pagmamahalan nila..Naipanganak na ako ng malaman ni Tatay na may sakit sya.. 2 years old daw ako ng mamatay si Tatay.. Since then…Palipat lipat na daw kami.. I remember may isa pa akong kababata.. Mas matanda lang sya sa atin ng one year..Mas nauna ko syang nakilala bago ikaw..Si Estong.." bungisngis na kwento ni Lelay..

Nakaramdam ng selos si Aldrin..

"Sino si Estong?.." tanong ni Potpot..

Napatingin si Lelay sa kasintahan..

"Selos ka?.." nakangiting tanong ng dalaga..

Tumango si Potpot..

"Yeeeeee.. Ikaw lang love ko since bata pa tayo.. As if di mo alam.." sabi ng dalaga..

Napangiti na lang si Potpot..

"Kwento mo pa." sabi ng binata..

Tumango si Lelay..Sumandal sa katawan ng binata..

"Si Estong ay anak ni Don Isidor. Mayaman din sila tulad nyo.. Pero mabait sya.. Lagi nya akong niyaya sa bahay nila para ipalaro yung mga toys nya.. Pero puro panlalake.." kwento ni Lelay..

Napangiti si Potpot..

"As far as I remember.. Nabanggit na sa akin ni Lolo na kaibigan nya si Don Isidor..Mukhang yung tatay ni Estong ang dapat na pakakasalan ni Naynay pero di na sila nagkakilala kasi nga tumakas si Naynay agad…Pero di ako sure don.. Kaya nga tuwang tuwa daw si Lolo nung malaman nyang nakatira kami sa lupain nila.. Agad daw nya kaming pinahanap pero bigo sya.. Kasi nakalipat na kami ni Naynay .. Dun nga sa lupain nyo naman.. Buti nga at nangyari yon.. Kasi nakilala kita.." sabi ni Lelay..

Kinilig sila pareho..

"Tell me.. Nasan na si Estong?..Bakit Estong ang name nya?.." tanong ni Potpot..

Napabungisngis na naman si Lelay..

"Estong lang pinangalan ko.. Pero Stefen ang name nya.. Cute kid ang natatandaan ko sa mukha nya.. Sure ako na gwapo na sya now.. " sabi ni Lelay.

Muling nakaramdam ng selos ang binata..

Pasimple nyang kinalas ang pagkakayakap sa dalaga pero natawa si Hannah at pilit na binalik ang mga kamay nitong nakapalibot sa bewang nya..

"Napaka seloso ng Potpot ko.." biro ni Lelay..

Napangiti si Aldrin at muling hinigpitan ang pagyakap sa dalaga..

"Pot.. Di na ako titingin sa ibang lalake.. Sayo na lang.. Mahal na mahal kita." madamdaming sabi ni Lelay.

Napangiti si Potpot ng maluwang .. Yung kita ang gums..

"I love you more my queen.." pahayag ni Potpot..

Biglang may nagsalita..

"Dyos ko po.. Hanggang dito inaabot tayo ng langgam.. Kakadiri.." sabi ni Romeo..

"Tomo.. Nakakasuka na ang kasweetan.. " dagdag ni Darius..

Nagtawanan ang mga kaibigan nya..

Namula ang mukha ni Hannah dahil kanina pa pala nakikinig ang mga kaibigan nila sa mga pinaguusapan nila ni Aldrin..

"Wala kayong pakelam.. Kanya kanyang trip yan.." sabi ni Aldrin..

Muli nyang hinigpitan ang pagyakap kay Hannah..

Ilang oras ang lumipas..

Nag stop over na naman sila sa isang restaurant.. Medyo maliit lang ang kainan kaya nagpasya na ang mga magbabarkada na magpahuli sa pagbaba..

Isa isang nag babaan ang mga pasahero … Kabilang na sina Bea at ang anak nito..

Napalingon ang babae kina Aldrin at Hannah na nakapikit at tila ninanamnam ang pagyakap sa isa't isa..

Malungkot itong bumaba..

Napatingin na lang sina Romeo at Darius..

"Kawawa talaga.. Kung si Potpot ang nakatuluyan nya.. Tsk.." sabi ni Darius.

"Wala tayo sa fiesta.. Di mo nakilala si Hazel.. Di ko nakilala si Khena.." sabi ni Romeo..

Nagbungisngisan sila..

"Mukhang sa wakas naniniwala ka na sa tadhana.. Nakatadhana na kasi sina Aldrin at Hannah kaya nangyayari ang mga bagay bagay.. " paliwanag ni Darius..

Tumahimik si Romeo..

"Pare.. Anu kaya lasa ng breastmilk?.. Natatandaan mo pa ba?.." biglang banat ni Romeo..

Napaisip si Darius..

"Di na.. Tanong natin kay Bea mamaya.. Malay mo patry nya tayo.. Azteg yon di ba?.." biro ni Darius..

Naghighfive silang dalawa..

Lumipas ang kalahating oras..

May mangilan ngilan ng pasahero ang umaakyat..

"Tara lets.. Im starving.." aya ni Romeo..

Isa isa na silang nagsi tayuan..

Nagtaka ang lahat dahil biglang nagmadali si Romeo na bumaba..

"Anu nangyari don?.." tanong ni Rhoi..

Tahimik lang si Darius.. Nakita nyang hinatak ni Romeo sina Bea at ang anak nito kung saan..

Napailing na lang ang binata..

"Baka natatae.." biro ni Darius para pagtakpan ang ginawa ng kaibigan..

Nagtawanan ang mga kaibigan nya..

Si Darius ang sumunod na bumaba.. Hinanap nya ang kaibigan .. Nakita nya itong nakatingin din sa kanya.. Nasa canteen sa di kalayuan at mukhang pinamimili ng pagkain ang mag ina..Sumenyas si Romeo na pababain na ang mga kaibigan nya..

"Guys.. Tara na.. Susunod na daw si Rom.." sabi ni Darius..

Nagtaka si Aldrin..

"Magkatext kayo?.." biro ng binata..

Nagpalusot si Darius..

"Basta na .. Nagkausap na kame kanina.. Mukhang may nakitang tsix na tindera ng kwekwek..Dito tayo.." iginiya ni Darius ang mga kaibigan sa ibang direksyon..

Nakakita sila ng mahabang mesa kung saan sa tingin nila ay kasya sila..

"Bilisan natin ang pagkain.. Para makapagpahinga na agad tayo.. " bilin ni Rhoi..

Tumango ang lahat..

"Kuya.. Si Kuya Rom.." tanong ni Chichi..

Napaismid si Eric.

"Bakit mo hinahanap?.." tukso ni Hannah..

Namula ang mga pisngi ni Chichi..

Sumimangot at nagsimulang mag tuturo sa menu..

Nagtawanan ang mga magbabarkada..

Maya maya may tumabi kay Chichi..

Paglingon nya ay bigla syang parang nanigas na makilala ang binata..

"Hi bubwit.." biro ni Romeo..

Napakapit si Chichi sa braso ni Eric..

"San ka galing?.." tanong ni Rhoi..

Agad na nag isip ng dahilan si Romeo..

"Ah.. Nagwiwi lang.. Kayo naman.. Miss nyo na agad ako?.." biro ni Romeo..

Nagtaka si Aldrin..

"Sabi ni Taba may nakita ka daw chix.." sabi ni Aldrin..

Napaubo si Darius..

"Ay oo.. Pero syempre inuna ko na muna si Birdy.. Baka magkalat ako sa harap nung chix .. Nakakahiya.." palusot ni Romeo.

Nagtawanan lang ang mga kaibigan nya..

Lihim na nagkatinginan sina Romeo at Darius..

"I love you pare.." biglang banat ni Romeo.

Nagbeautiful eyes pa sya kay Darius..

Tumili si Darius..

"Sinasagot na kitaaa… Mahal din kitaa…." ungol ni Darius.

Biglang nandiri ang lahat..

"Putris.. Wag nyong sirain ang appettite namin !.." sigaw ni Rhoi..

Tawanan na naman sila..

Si Chichi biglang di makaimik..

Masayang kumain ang lahat..

After nilang mag lunch ay isa isa silang nag punta ng banyo para gawin ang lahat ng gusto nilang gawin..

Agad na nagpauna si Romeo sa pagakyat sa bus..

Sinulyapan nya si Darius..

Napatango naman ang kaibigan nya..

Habang paakyat sila ng bus ay humarang sina Romeo at Darius sa pwesto ni Bea na tahimik na natutulog kayakap ang anak..

Napakunot noo na sina Aldrin at Rhoi.

"May niluluto kayo.." pambibintang ni Rhoi..

Nagkanda iling iling sina Romeo at Darius..

"This way mam sir.. mam sir..Dito po.. Oops bubwit.. Gusto mo tabi tayo?.." alok ni Romeo..

Nanigas si Chichi..

Namula ang mga pisngi..

"No pare.. Katabi ko ang baby ko.." putol ni Eric..

Nagkatinginan sila ni Romeo..

Napayuko si Eric…Pero tumawa si Romeo at tinapik ang balikat nya..

"Sige.. This way mam ser.. Mam ser…" muling sabi ni Romeo..

Kanya kanya na silang balik sa pwesto..

Muling napasandal si Hannah sa katawan ni Aldrin..

Nakaupo na sina Romeo at Darius..

Naglalandian na naman sila..

Nag inat si Hannah..

"Sleep ka muna.." sabi ni Aldrin.

Ngumiti si Hannah..

"Kwento ka din Pot.." ungot ng dalaga..

Napangisi si Aldrin..

"Anung gusto mong malaman?.. Mga bad deeds ko?..Lalo na kapag mag isa ako sa room?.." landi ni Potpot..

Natawa si Hannah ng malakas..

"Yuck !.. Kadiri ka.. Seryoso kasi.." sabi ni Hannah..

Napangiti si Aldrin..

"Ano ba gusto mo malaman?.." tanong ng binata.

Napaisip si Hannah..

"Hmm.. Di ka ba nagka girlfriend ?.." tanong ni Hannah..

Nabahiran ng lungkot ang mukha ni Aldrin pero di nya pinahalata sa binata..

"Di. Loyal ako kay Lelay.." landi ni Potpot..

Napangiti ng maluwang si Hannah..

"Wee?.. Di ka nanligaw man lang?.." kulit ng dalaga..

Napaisip si Aldrin..

"To be honest.. Nanligaw ako once.." kwento ni Aldrin..

Si Hannah naman ang nacurious.. Nakaramdam sya ng selos..

"Kwento mo.." sabi ng dalaga..

Nalungkot ang mukha ni Aldrin..

"Her name is Bea.. Mas matanda sya sa atin ng one year.. She's so pretty.. Nung high school kame… Sya ang laging nananalong Miss Campus.. Pero nung last tinalo sya ni Krissing..Pero it was a close fight.. First time kasing napilit si Krissing.. Kung di pa pumayag si Rhoi di pa sya sasali.. Kaya nagkaroon ng competition si Bea that time..Pero natalo nga sya via 5 votes lang ata..Grabe ang higpit ng laban..Third year kami non tapos graduating na si Bea.." kwento pa ni Aldrin..

Napangiti si Hannah.

"Galing naman ni sis.." puri ni Hannah..

"Kung kasali ka.. Malamang nabaliw na yung mga judge.." biro ni Aldrin..

Natawa si Hannah..

"Kwento pa.." sabi nya..

Nabahiran na naman ng lungkot ang mukha ni Aldrin..

"That time.. Lumapit sya sa barkada.. Binati nya si Kris .. Okay naman ang lahat.. Aminado ako na talagang crush ko sya non.. Pero nahihiya akong manligaw.. At isa pa, I am holding sa isang pangako sa kababata ko.." nakangiting sabi ng binata..

Kinilig si Lelay..

"Tell me..SAbi mo niligawan mo.." sabi ng dalaga..

Tumango ang binata..

"Nagsimula syang sumama sa barkada..Pero not araw araw.. Minsan..twice a week.. Minsan once.. Kaya minsan lang kami magkita… Nung gumraduate na sya.. Ofcourse nalungkot ako..Tinago ko ang feelings ko sa lahat… Pero tsk tsk.. May nagmamasid pala sakin.." nangingiting kwento ni Aldrin..

"Sino?.." tanong ng dalaga..

"Si Romeo.. Lagi pala syang nagmamasid sa twing magnanakaw ako ng tingin kay Bea.. Ayon.. Gumawa sya ng hakbang ng di namin nalalaman..Ganyan talaga si Romeo.. Basta basta na lang gagawa ng kung ano ano ng sya lang ang mag isa.. Tsk..Ako ang kawawang biktima that time.." kwento pa ni Aldrin..

Napangiti si Hannah..

"Nagulat ako non..Kakagraduate lang namin ng 4th year high school ng ayain ako ni Romeo mag Mall .. Sabi nya samahan ko daw syang mag shopping.. Ofcourse nagulat ako.. Si Romeo.?.. Eh nuknukan ng kuripot yon eh.. Pero syempre wala naman akong ginagawa kaya sumama ako.. Iniwan nya ako sa loob ng Chowking.. Tapos lumabas sya.. Pagbalik nya kasama nya na si Bea.. Blind date daw sabi ni Romeo.. Di ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit .. Di ako prepared.. Ni wala akong dalang pera.. Sabi nya ok lang daw.. Kaya ayun.. Biglaan kaming nag date ni Bea.. Di ko alam ang gagawin ko that time.. Si Romeo text ng text kung anong gagawin ko.. Akala ko nga nauwi na sya pero nagulat ako ng makita ko sya sa malayo.. Nakatingin sya sa amin.. Sumusunod pala sya.. Kahit nung pumasok kami sa sine .. Sumunod pa rin sya.. Hanggang sa ihatid ko si Bea sa bahay nila.." dagdag pa ni Aldrin.

Napangiti si Hannah.. Napatingin sila kina Romeo na himbing na natutulog..

"He's mabait pala.. "sabi ni Hannah..

Napangiti din si Aldrin..

"Wag kang mabulag sa itsura nya.. Pusit yan.. Akala ko libre yung date namin .. Pero nagulat ako ng maglabas sya ng listahan tapos siningil si Mom.. Tawa ng tawa si Dad non tapos ako hiyang hiya.. Pero kahit pa. First date namin ni Bea.. Nasundan ng nasundan.. Nung pangalawang date namin sumama ulit si Romeo pero nagtatago sya kay Bea.. Or maging sakin siguro pero nakita ko sya nung pumasok kami sa tindahan ng sapatos.. Bigla syang pumasok sa isang store din.." kwento ni Aldrin..

Natawa si Hannah..

"So anong nangyari?.. Bakit di naging kayo?.." tanong ni Hannah..

Nalungkot na naman ang hilatsa ng mukha ni Aldrin..

"Di ko din alam ang nangyari.. Akala ko okay na kami.. Naghihintay na lang ako nun na sagutin nya ako at maging formal ang aming relasyon.. Pero one day.. Bigla nyang sinabi na ayaw na nya..Sabi nya masyado pa daw kaming bata para magseryoso .. Nagulat ako non.. Ang bilis ng mga pangyayari.. Nakita ko na lang syang may kasamang ibang lalake.. Ang sakit sakit.. Pero tiniis ko at pilit na tinago sa mga kaibigan ko.. Pero buking pa rin ako ni Romeo .. Ang masaklap .. Kinwento nya sa barkada kaya nagtrending tuloy ako ng ilang buwan.. " malungkot na tumawa si Aldrin..

Nakaramdam ng awa si Hannah sa nobyo.. Niyakap nya ito..

"Wag ka na malungkot.. Nandito na naman ako.. Di kita iiwan tulad nya.." bulong ni Hannah..

Napangiti si Aldrin at gumanti ng yakap..

"Promise?." tanong ng binata..

"Ayaw kong mag promise.. Promises are made to be broken nga daw.. Basta gagawin ko. " madiin na sabi ni Hannah..

Nagngitian silang dalawa..

Muling nagdikit ang kanilang mga labi.. Pero saglit lang dahil napansin ni Hannah na namboboso sina Romeo at Darius..

Tinapik ng dalaga si Aldrin at nginuso ang dalawa..

"Hoy.. Kala ko tulog kayo?.." galit na sabi ni Aldrin..

Nahiya ang dalawa at biglang nagtago..

Nagbungisngisan sila at naglandian..

"Pare.. Pakiss.." biro ni Darius..

Sinuntok sya sa braso ng kaibigan..

"Tangna ka.." bulong ni Romeo..

Nagtawanan na naman silang dalawa..

Pero natahimik si Darius..

"Really.. What are you playing this time ?.." tanong ng kaibigan..

Napabuntong hininga si Romeo..

Tumingin sa bintana..

"Mukang totoo nga ang fate pre.." bulong ni Romeo..

Natuwa si Darius..

"Sabi ko sayo eh.. Well.. How can you say?.. What changed your mind?.." tanong ni Darius..

Muling tumahimik si Romeo..

Nangalumbaba na pinagmasdan ang tanawin na nadadaanan..

"Mukhang nakatadhanang masaktan ang kaibigan natin.." biglang bulong ni Romeo..

Nanlaki ang mga mata ni Darius at niyugyog ang kaibigan..

"Kwento mo .. Sige na pre.. Wag mong solohin.." pangungulit nya.

Natawa ng bahagya si Romeo..

"Don't worry.. Whatever happens.. We will make sure na we got Potpot's back..Nasa likod nya tayo no matter what.. Tulad ni Lelay .. Di ako nangangako na magiging maganda at patas ang labanan.. Pero lalaban tayo sa sinasabi mong Fate.." matigas na sabi ni Romeo..

"Pare.. Nababaliw ka na ba?.." tanong ni Darius..

"Ewan ko.. Naaadik na ako sa storya nila.. If ever na may mangyaring di maganda.. I can sense it.. Alam mong di ako nagkakamali when it comes to instinct.. " bulong ni Romeo…

Nalungkot si Darius..Tama ang sinabi ng kaibigan nya.. Di pa ito nagkakamali pagdating sa mga hinala..

"What are we going to do?.." maasim na tanong ni Darius..

Napabuntong hininga si Romeo..

"I need you and Rhoi to do this.. Kailangang sila ni Lelay ang magkatuluyan at hindi ng kung sinong Poncio Pilato.." sabi ni Romeo..

"Pero pare.. Pakikielam na yan sa tadhana ni Potpot at Lelay.. Bakit di natin gawin ang tulad ng dati?.. Go with the flow.." sabi ni Darius.

Umiling si Romeo..

"We once did that.. Remember?.. What happened to Bea and Aldrin?.. Wala.. Nakita natin kung paano naging suicidal si Potpot.. This time.. We will make sure that they will live happily ever after.. " matigas na sabi ni Romeo..

Tumigas na din ang mukha ni Darius at napatango..

"Yeah.. Kaya natin to.. Tatlo nating lalabanan ang tadhana na maaring sumira sa kanila.. " sabi ni Darius..

Tumango si Romeo..

"Kung noon.. Di ako nagtagumpay dahil mag isa akong nag trabaho.. This time .. Tatlo tayo.. Siguro naman enough na ang lakas natin para lumaban.." sabi ni Romeo..

Tumango si Darius..

"Tama.. Kung di fair magiging hatol ng tadhana para sa kanilang dalawa.. At least nandito tayo para kahit papaano bigyan si Potpot ng magandang laban.. Tulong tulong na lang .. Parang pakikipagsuntukan lang.." nakangiting bulong ni Darius..

Nagholding hands sila ni Romeo..

"Natututo ka na saken .. Pwede ka ng mag apply ng apprentice ng kataas taasang Toyantz.. " biro ni Romeo..

Napakagat labi si Darius..

"Sama sama nating abutiiiinnnnnn.." kanta ni Darius..

Two hands na silang nag holding hands sabay titigan sa isa't isa..

"Pinaka matayog na bituin.." sakay ni Romeo..

"At sa atin tagumpay.. Tagumpay ng ating lahi.." si Darius..

"Tagumpay ng ating lipi.. At sa layong minimithi at hinahangaddddd…" biglang pumiyok si Romeo..

Pero tuloy ang pagkanta..

"Hangad ko'y .. Tagumpay nating .. Lawhaaattttt…. Whooooo.. Awhooooo.." sabay na silang kumanta..

Naging madamdamin ang pag awit nilang dalawa..

Titigan sila pero biglang may humawak sa ulo ni Romeo..

Ganun din kay Darius..

Bigla silang nauntog sa isa't isa..

Pagtingin nila ay si Hannah at Krissia pala ang may sala..

"Magpatulog kayo mga hayup !.." galit na sabi ni Krissia..

"Ang papanget ng boses nyo !.." sigaw ni Hannah.

Natameme ang dalawa..

"Hangad ko'y tagumpay natin.." muli silang bumulong..

Pero umamba ng suntok si Chichi..

Tinigil na din nila..

Kaysa mabukulan pa..

ITUTULOY !!!..