1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 25 - Liham
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 25 - Liham

By supertoyantz ·

Chapter 25 - Liham

( Ngayon Alam nyo na ang pakiramdam ng makatikim ng Droga galing kay TOYANTZ. ! )

Mabilis ang naging byahe nila Hannah .

Alas syete pa lang ng gabi ng makarating sila sa Terminal ng bus..

Isa isang nagtayuan ang mga pasahero..

Nakatulog sina Romeo at Darius..

Pa isa isang nagbabaan ang mga nakasakay..

Hinaplos ni Hannah ang pisngi ng nobyo.

"Pot.. Nandito na tayo.." gising ni Hannah.

Dahan dahang nagmulat ng mata si Potpot..

"Hi.. Angel ka ba?.." biro ni Aldrin..

Nagblush si Hannah..

Natawa sya at pabirong kinurot ang pisngi ng binata..

Uminat si Aldrin..

Tumayo na sabay hakot sa mga dala nya pati na ng sa dalaga..

Pababa na sya ng mapansin na natutulog pa sina Romeo at Darius..

Pinagumpog nya ang dalawa..

Dahilan para maalimpungatan ang mga ito..

"Sinong kaaway?.." biglang banat ni Darius..

Napahagikgik sina Eric sa likod..

"Tutulog tulog sa pansitan.. Hala.. " panggigising ni Rhoi.

Nagpauna na sila ni Krissia na bumaba..

Hinawakan ni Aldrin ang kamay ni Hannah at sumunod kay Rhoi.

Pababa na sya ng may sumitsit sa kanya..

Paglingon nya ay napakunot noo sya..

"Hi.." bati ng babae..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin ng makilala ang babae..

"B-bea?.." tanong ng binata.

Tumango si Bea..

Napangiti ng kimi..

Nabahiran ng lungkot ang kanyang mukha ng mapansin ang magkahawak kamay nina Aldrin at Hannah..

Automatikong nagtaray si Hannah.

"Pot nakaharang tayo.." taray ni Hannah..

Pinagbabantaan ang nobyo..

Natulala si Aldrin kaya kailangan pa syang kalabitin ni Hannah..

"Hoy !.." untag ni Hannah..

Napakurap si Aldrin..

Napatingin sya sa batang karga ni Bea..

"Ahh.. Hannah.. Si Bea.. Bea.. Si Hannah. Girlfriend ko.." pakilala ni Aldrin..

Napatingin si Hannah..

Nakaramdam sya ng selos.

Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ni Aldrin..

Tumayo sina Romeo at pati sila nanlaki ang mga mata..

"Holy mother.." bulong ni Darius..

"Hole papa.. Nahuli tayo ng konti.. Bwisit.. Nagsisimula ng manggulo ang tadhana.. Pero papalag tayo.." bulong ni Romeo..

Agad na umepal ang dalawa..

"Oy.. Si Bea to ah.." kunwaring sita ni Darius..

Nagtaka ang babae..

Napasimangot..

"Anu na naman trip nyo?.." tanong ni Bea..

"Ay.. Baba na tayo.. Natatae na ako.." epal ni Romeo..

Nagtawanan lang sila..

Tinulungan nila Romeo at Darius na magbaba ng gamit si Bea..

Di mapakali si Aldrin.. Patingin tingin sya sa dalaga..

Si Hannah naiinis na sa binata..

"Hoy.. Sabihin mo lang kung gusto mong mauna na akong umuwi.." taray ni Hannah..

Natawa ng mahina ang binata at hinapit ng akbay ang dalaga..

"Ito naman.. Jelly fish.. Syempre nagulat lang ako kasi may anak pala sya..Teka anak nga kaya nya?.." sabi ni Aldrin..

Napaismid si Hannah..

"Eh ano kung anak nya?.." taray ng dalaga..

Lalong natawa si Aldrin..

"Ito talaga.. Tara na… Diretso tayo sa bahay para makamusta mo sila Mom.. Miss ka na ni Aly e.." pag iiba ni Aldrin..

Napangiti si Hannah..

"Ako rin e.. Tara.. Tawag na tayo ng taxi.." sabi ng dalaga..

Tumango si Aldrin .. Pasimple ng tiningnan si Bea na kinakausap ni Romeo…

Sinitsitan nya si Darius ..

"Pre.. Ayun o.. Unahan mo sa taxi dali !.." sigaw ni Rhoi..

Mabilis na tinawag ni Darius ang taxi..

Napasimangot ang babaeng nagpara dito..

Kinalabit si Darius..

"Hoy .. Nauna ako dyan.. "taray ng babae..

Napalingon si Darius at namangha sya dahil maganda ang babae..

"Hi miss. Gusto mo bilhan kita nito?.." biro ni Darius..

Inirapan lang sya ng dalaga..

"Sayo na..!.." singhal ng dalaga..

Natawa si Darius..

Kinausap ang driver..Naglabas ng pera sabay abot dito..

Tumango naman ito..

"Oh ayan.. Sayo na yan.. Bayad na din yan …Ingat ka miss taray.." biro ni Darius..

Napaismid ang babae..

Pero sumakay na din naman..

Sumaludo pa si Darius..

"Thank you superfwend !.." biglang sabi ng babae..

Napangiti na lang si Darius kahit di naintidihan ang huling sinabi ng babae..

Bumalik sya sa mga kaibigan na bigo..

"Putris ka.. Nakita mo lang na maganda yung babae pinagbigyan mo na.." sita ni Rhoi..

Natawa naman sina Aldrin at Hannah..

"Be gentleman pare.. Kung kay Krissing nangyari yon.. Gugustuhin mo din bang maagawan sya ng iba..?.." pang aasar ni Darius..

Napangiti si Rhoi at hinapit ang babaeng katabi nya..

"Sige na nga.. Pero ang ganda nun ah.." biglang banat ni Rhoi..

Nakatikim sya ng sikmura sa bespren nya..

Narinig nilang sumitsit si Romeo..

Sabay sabay silang napatingin sa binata at nakita nilang inaalalayan nito sina Bea at ang anak nito na sumakay sa isang taxi..

Umikot ito sa driver's seat sabay kinausap ang driver..

Naglabas si Romeo ng pera .. Inabot sa driver..

Muling kinasap ito na parang binibilinan..

Maya maya pinasok ni Romeo ang ulo para siguro magpaalam sa baby ni Bea..

Ilang saglit pa ay umandar na ang taxi..

Lumapit si Romeo na nakangiti ..

"Yo.. Bakit wala pang taxi?.." nakasimangot na tanong ni Romeo..

Tinuro ni Rhoi si Darius..

"Paano ba naman.. Nakakita lang ng maganda binigay na yung taxi." banat ni Eric..

"Hoy gago.. Sya talaga ang nauna.. Tayo nga yung mang aagaw e.." biglang banat ni Darius..

Nagtawanan sila..

"Bubwit.. Ang cute mo nung naka gown ka ah.." puri ni Romeo..

Namula ang pisngi ng bata … Inirapan lang si Romeo..

"Ayun na o.. Tangna.. Hoy Taba.. " sigaw ni Aldrin..

Tarantang tumakbo si Darius para habulin ang taxi..

"Di tayo kasya sa isa.." sabi ni Aldrin..

Nagkatinginan ang lahat..

"Sige pre.. Ibang taxi na lang kame.. Tutal di naman tayo mag kakapitbahay.." sabi ni Eric..

Tila nagdalawang isip si Romeo..

"Eh kung sabay ako sa inyo?.." tanong ni Romeo..

Napasimangot si Eric..

"Wag na .. Mapapalayo ka pre.." sabi ni Eric..

"Okay lang.. At least may kasama kayong pogi. Di ba bubwit?.." nakangiting sabi ni Romeo..

Umirap lang ulit si Chichi..

"Sige na nga.. Wag na lang.. May gagawin pa pala ako.." biglang bawi ni Romeo..

May isa pang dumaang taxi..

Pinara agad ito ni Eric ..

"Oh.. Kita kits na lang.. " paalam ni Eric..

Nagtanguan lahat..

Pinasakay muna nila sina Eric at Chichi.

Bago umandar pumwesto si Chichi sa likod at kumaway sa mga ate nya..

Binelatan nya pa si Romeo na ikinatawa lang ng binata..

Isa isa na din nilang sinakay ang mga gamit nila sa trunk ng taxi na pinara ni Darius..

Sa harap naupo sina Romeo at Darius..

Habang sina Rhoi, Aldrin , Hannah at Krissia sa likod..

Partner partner sila..

Halos abutin ng isang oras ang byahe nila sa taxi kahit na malapit lang naman ang distansya..

Masyado kasing traffic..

Huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay nina Aldrin..

"Guys thanks ha?.." sabi ni Hannah..

"Kami nga ang dapat na magpasalamat sa iyo e.. Biruin mo nakaranas tayo ng sagala.?.. " nakangiting sagot ni Krissia..

Biglang napasigaw si Darius..

"Putsa !.. Yung videocam !.. Na kay Cyborgz pa !.." sigaw ni Darius..

Nagtawanan lang sila..

"Next time na pag uwi natin.. Pabilin mo na lang kay Hannah na sabihan yung mga nasa province na sabihan si Borgz na ingatan na lang yung cam.. Mabait naman yun eh kahit pangit.." biro ni Romeo.

Nagtawanan na naman sila..

Lumabas ang nanay ni Aldrin..

"Hey.. Your here na pala.. Teka.. Allyyyyy.. Help mo kuya mo .." sigaw ng nanay.

Lumabas ang dalagitang kapatid ni Aldrin..

Tinakbo nito si Hannah sabay yakap.. Gumanti naman agad ang dalaga..

"Miss you ate.." sabi ni Alysaa..

"Same here sis.. Teka may pasalubong ako for you.." sabi ng dalaga..

Nanlaki ang mga mata ni Aly..

"San na?.. " excited nyang kinuha ang dalang pasalubong ni Hannah sa kanya..

Inabutan na din ni Hannah ng pasalubong ang nanay ni Aldrin..

"Thanks iha.. Oh.. nag dinner na ba kayo?.. Come inside na.. KAyo guys?.. Dito na kayo mag dinner.." alok ni Alona..

"No thanks tita.. Sa bahay na lang kasi medyo pagod na me.." tanggi ni Romeo..

"Kame din po Tita.. Busog pa kame..Salamat po.." sagot ni Krissing..

Tumango din si Rhoi..

"Oh sige.. Ikaw Darius?.." tanong ni Alona..

Tumanggi na din si Darius.

"Thank you Tita. " sagot ng binata..

"Okay.. Tayo na lang.. PAsok na .." aya ni Alona sa mga bata..

Isa isa na silang nag hiwalay..

Pagpasok sa loob naabutan pa nilang nanunuod ang padre de pamilya..

Agad na tinalon ni Aldrin ang ama sabay damba..

Nagulat man ay agad na dinaganan ni Nestor ang anak..

"Kala mo huh?.. Um.." biglang pinagsusuntok ni Nestor ang anak.

TAwa ng tawa si Aldrin..

"Hey Dad.. May bisita.." sabi ni Alona..

Napatingin si Nestor at napangiti sya ng makilala ang dalaga..

"Hello po.." bati ni Hannah..

"Hi.. Kahiya naman.. Ikaw pa naghatid sa unggoy na to.. Kumain na ba kayo?.." tanong ni Nestor..

"Its ok Tito.. Medyo busog pa po ako kasi nag early dinner kami kanina.." nakangiting sabi ni Hannah..

NApangiti na din si NEstor sabay tayo..

"Teka ate.. Dito ka mag sleep?.." lambing ni Aly..

Napangiti si Hannah..

"Okay lang po ba?.." tanong nya kina Alona at Nestor..

Tumango naman agad ang dalawa..

"Okay na okay.. Kaya lang lock nyo door nyo .. Kasi baka may pumasok.." biro ni Nestor sabay tingin kay Aldrin..

Umungol naman ang binata..

"Dad !… " angal ni Aldrin..

Nagtawanan lang ang mga magulang nya..

"Tara ate.." Hinatak ni Aly sa kamay si Hannah..

Nangiti lang ang dalaga at nagpaalam sa mga magulang ni Aldrin..

Sinundan na lang nila ng tingin ang dalawa habang papaakyat sa hagdan..

NGiting ngiti si Aldrin..

Napansin ito agad ng mga magulang nya..

Inakbayan ni Nestor ang anak sabay binulungan..

"Nakaiskor ka ba anak?." bulong ni Nestor..

Namula si Aldrin at napailing..

"Dad !.. Wala pa sa isip ko yan.." tanggi ng binata..

"Eh bakit nanlalaki butas ng ilong mo?.." biro ng Tatay..

Natawa ang anak..

"Kinilig ka no?.. Teka .. Kayo na ?.." tanong ng tatay..

Lalong nangiti ng kita ang tonsil si Aldrin..

"Naks !.. Yan ang gusto ko sa anak ko.. Manang mana sa Tatay.. Nag kiss na kayo?.." bulong ng tatay..

Muling ngumiti si Aldrin.. Sabay tango..

"Woooo.. Azteg ka anak.. Ang libog mo.." biro ng ama..

Bigla silang nauntog sa isa't isa..

"Anu na naman yan?.." mataray na tanong ni Alona sa asawa..

Natawa ang mag ama..

"Dad.. Dati bang sundalo si Mom?.. Bakit parang warfreak?.." biro ni Aldrin..

Tumango ng malungkot ang ama..

"Tama ka anak.. Lately natatakot na ako sa nanay mo.. Parang sinasapian ng masasamang espiritu.. " bulong ni Nestor sa anak..

"Mahal ano yon?.." biglang tanong ni Alona..

Agad na nilapitan ni Nestor ang asawa.

"Wala mahal.. Sleep na tayo." lambing ni Nestor..

Nangiti si Alona..

"Oh anak.. Ligpit ligpit ka muna before matulog ha?.." sabi ng nanay..

Nagmamadali silang umakyat sa kwarto..

Napakunot noo si Aldrin..

Sinara nya na ang front door. Tapos nagpunta sa kusina..

Napasigaw sya ng makita ang gulo ng kusina..Kakatapos lang sigurong kumain ng pamilya nya..

"Ako pa maghuhugas?.. Waaa !.." sigaw ni Aldrin..

Sa itaas..

Nakabihis na ng damit pantulog sina Alyssa at Hannah..

Magkatabi silang nakahiga sa kama ng dalagita..

"Ate.. You mean kayo na ni Kuya?.." nangingiting tanong ni Aly..

Napatango si Hannah dahilan para tumili si Aly..

"Grabe sis wag ka maingay.." saway ni Hannah..

"Congratz ate.. Pero ingat ka." banta ni Aly..

Napakunot noo naman si Hannah.

"Why?.." tanong nya..

Bungisngis si Aly..

"Kasi Torpe si Kuya.. Malamang matagalan pa yung first kiss nyo.." sabi ni Aly..

Napangiti naman si Hannah.. Kinilig..

"Actually.." putol nya..

Napahinto si Aly at napatitig sa Ate Hannah nya..

"You mean ate?.. Tapos na?.." tanong ni Aly..

Napatango si Hannah..

Akmang titili na naman si Aly pero naagapan ito ni Hannah .. Natakpan nya agad ang bibig ng dalagita..

"Wag ka ingay sis.. Baka magalit Mom mo.." saway ni Hannah.. Pero nakangiti sya..

Tumango si Aly..

Dahan dahang inalis ni Hannah ang kamay pero biglang tumili si Alyssa..

NAtawa na lang si Hannah..

"Grabeeee… Ayeeeeeee.." kinikilig na sabi ni Aly..

Pati si Hannah di na pinigilan ang kilig..

Niyakap nya si Alyssa ng mahigpit..

"Atee.. Teka .. Ahaha.. " angal ni Aly..

Naghagikgikan silang dalawa..

Biglang bumukas ang pinto..

"Sleep na daw sabi ni boss.." sabi ni Aldrin na nagpupunas pa ng kamay..

Nagkatitigan sila ni Hannah..

"Kuya dun ka.. !" sigaw ni Hannah..

Natawa ang binata..

"Aly ang panget ng room mo .." pang aasar ni Aldrin..

Binato sya ng unan ng kapatid nya.

"Mas panget room mo kuya.." sigaw ni Alyssa..

Natawa na lang ang binata sabay nilapitan ang girlfriend..

Walang sabi sabing dinampian nya ng halik ang labi nito..

Nanigas si Alyssa sa kilig..

"Waaaa.. PDA kayo.. Hello andito pa me.. " biro ni Aly pero nakangiti naman sya..

Natatawang naghiwalay ang dalawa..

Masuyong hinalikan din ni Aldrin sa pisngi ang kapatid..

"Sleep na kayo mga binibini.. " lambing nya sabay lapit sa pinto..

"Love u.." pahabol ni Hannah..

"Love u more.. " bawi ni Aldrin..

"Ayeee…" singit ni Alyssa..

NAgtawanan ulit sila..

Nagflying kiss pa si Aldrin sabay sara ng pinto..

Tapos nya ng icheck ang mga pinto sa ibaba at bintana kaya dumiretso na sya sa sariling kwarto..

Nagpalit lang sya ng damit at nagsepilyo.

Dumamba sya sa kama.. Niyakap ang unan..

"I love you mahal.." bulong nya na nasa isip ay si Hannah..

Nakangiti syang pumikit at nilamon ng antok..

Maagang nagising si Hannah.. Di na nya nagawang gisingin si Aldrin dahil alam nyang pagod din ito..

Naabutan nya pang nagluluto ang ina ni Aldrin kaya dito na sya nagpaalam..

Inalok sya nito ng almusal kaya pinaunlakan naman nya ito..

Matapos ang almusal dumating na ang sundo ni Hannah na si Mang Bert..

Maagang pumasok si Aldrin kinabukasan..

Hila hila nya ang mga barkada papuntang kubo dahil nag text na si Hannah na nandun na daw ito..

"Tangna pare madadapa tayo nito eh.." angal ni Darius..

Pero parang walang naririnig si Aldrin at patuloy lang silang hinahatak..

Natatawa na lng sina Rhoi at Krissia…

Pagdating sa kubo ay nadatnan nila si Hannah na nag aayos ng mesa..

Maraming pagkain na galing sa isang kilalang fastfood ang nakahain..

Napangiti agad ang dalaga ng makita ang mga kaibigan..

"Guys.. Kain… Walang tatanggi.. Sis pa help naman.. " lambing ni Hannah..

Di na kailangan mag dalawang salita..

Agad sinunggaban ni Darius ang isang malaking burger..

"Buti na lang konti lang breakfast ko kanina.. Thanks Lelay.." biro ni Darius..

"Ikaw?.. Aalis ng konti ang nakain?.. Parang sinabi mo na rin na pwedeng mag snow sa pilipinas.." pang aasar ni Romeo sabay bukas ng styro ng spaghetti..

Tawanan ang lahat pero wapakels si Darius ..

Ilang saglit pa ay tumunog na ang bell..

"Maya na linisin yan.. Tara at mangongopya pa ako.." sabi ni Romeo.

Nagpauna na syang lumabas ng kubo..

Isa isa na rin silang nag sisunuran..

Masayang lumipas ang mga araw sa magbabarkada..

Habang tumatagal lalong lumalalim ang relasyon nina Aldrin at Hannah..

Isang dismissal nakatanggap ng tawag si Hannah galing sa Lolo nya..

"Hello po?.." sabi ni Hannah..

Napakunot noo si Aldrin..

Hinawakan ni Hannah ang palad ng nobyo sabay bulong ng Lolo..

Napangiti si Aldrin at nag thumbs up..

"Hello apo?.. Umuwi ka agad.. Nandito kami sa bahay nyo.." sabi ng Lolo ni Hannah..

Nagulat si Hannah..

"Po?.. Baket po?.." takang tanong ng dalaga..

"Dito ko na sabihin sayo apo.. Wag ka na muna magpahatid kay Potpot .. Ayos lang ba?.." tanong ng Lolo..

Lalong nagtaka si Hannah..

"Baket po ?.." tanong nya.

"Sige na apo.." pakiusap ng Lolo..

Napatingin si Hannah sa nobyo na nakikipagharutan sa kapwa alas..

"S-sige po Lo.." pag payag ni Hannah..

"Salamat apo.. " sabi ng Lolo..

Binaba ni Hannah ang cellphone sabay hinatak ang nobyo sa isang tabi..

"Mahal.. Nasa bahay si Lolo.." sabi ni Hannah..

Napakunot noo si Aldrin.

"Oh baket?>.." tanong nya..

"Ewan ko nga e.. Pero sabi nya uwi daw ako agad.." sabi ni Hannah.

Nagkibit balikat lang si Aldrin sabay aya sa mga kasama na umuwi na..

Tumango naman ang mga ito..

"Ah.. Sabi ni Lolo wag mo na muna daw ako hatid.. " nahihiyang sabi ni Hannah..

Napangiti na lang si Aldrin at tumango..

"Okay lang .. Baka magpapasama lang sayo mahal.. Sige na.. Okay lang ako." nakangiting pagpayag ni Aldrin..

Nagpaalam na si Hannah sa mga kaibigan..

Umuwi na din sina Aldrin kasama ang mga kaibigan nya..

Malungkot na umuwi si Aldrin..

Pagpasok nya sa bahay ay naabutan nya ang ina na pawis na pawis..

"Oh Mom.. Anung ginawa mo?.." tanong ni Aldrin sa ina..

Natawa si Alona..

"Eto.. Feel ko lang mag linis ng stock room anak.. Next ko na yung office ng Dad mo.. Naku.. Ang gulo.." napailing pa si Alona..

Natawa naman si Aldrin..

"Ako na lang siguro Mom.. Bihis lang ako." sabi ni Aldrin..

"Maaga ka ata?.." tanong ng ina..

"Eh nandun daw yung Lolo ni Hannah.. Mukhang magpapasama mamasyal… " sabi lang ni Aldrin..

Napatango ang ina..

"Hala sige.. At ng makapagluto na ako ng dinner.." sabi ng ina..

Agad na nagpalit ng damit pang bahay si Aldrin..

Diretso agad sya sa opisina ng ama upang simulan ang paglilinis..

Inuna nya ang bookshelves ng ama..

Niligpit at pinagsama sama ang mga magkakaparehong libro tulad ng encylopedia..

Inayos niya ito ng alphabetical order..

Ng masiyahan sa nagawa ay dumako sya sa computer.. Pinunasan nya rin ito at inayos ang pag kaka pwesto table ng ama..

Nagwalis walis sa paligid..

Ng makitang wala naman gaanong dumi ay umupo sya swivel chair ng ama..

Mamaya na lang sya lalabas dahil baka mabuking ng ina na di naman talaga sya nag linis..

Naisip ni Aldrin ang kasintahan.. Anu kaya ang pakay dito ng Lolo..?.

Napatingin si Aldrin sa mga magkakapatong na papeles ng ama..

Napapailing sya..

Batid nyang di rin magtatagal ay sya na ang hahawak sa negosyo nila.

Nilibot ni Aldrin ang paningin sa buong opisina ng ama..

Napako ang mga mata nya sa ibabaw ng isang shelf..

Napakunot noo sya..

Tumayo sya at lumapit dito..

Pilit na inabot ang nasa ibabaw ng shelf..

Ng di maabot ay hinatak nya ang swivel ng ama.. Hinubad ang tsinelas sabay patong sa upuan..

Box..

Box pala..

Kinuha ito ni Aldrin .. Napaubo pa sya sa kapal ng alikabok na bumalot na dito..

Nacurious sya kaya muli nyang binalik ang upuan sabay lapag sa mesa ng box..

Binuksan nya ito..

Mga lumang papel..

May sobre pa na mukhang nuong unang panahon pa ang pinanggalingan..

Kinuha ng binata ang isa..

Hinipan..

Lumabas ang dating nakasulat..

Napangiti si Aldrin dahil mga love letters pala ito ng ina para sa ama..

"Korni yan.." natatawang sabi ng binata..

Inisantabi nya ang love letter ng ina..

Pare parehas lang halos ang laman..

Halos maubos na nya ang mga sulat ng may umagaw sa atensyon nya..

Papel lang ito na tinupi..

Agad nyang dinampot ang papel sabay buklat..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin..

Sulat ito galing kay Lelay.

"Baket wala sa akin ito?.." tanong ng binata..

Pinasadahan nya ang sulat..

Napapangiti pa sya sa panget na penmanship ng nobya..

Wala namang masyadong sinabi ang sulat kundi hihintayin daw sya ng nobya kahit abutin pa ito ng matanda na..

Na antig ang puso ng binata..

Tila lalo nyang namiss ang kasintahan.. Tinago nya ang sulat upang ipakita kay Lelay..

Ililigpit na sana nya ang mga sulat ng may malaglag pang isa..

Napakunot noo na naman ang binata..

Agad nyang binuklat ang liham..

Galing sa kanyang lola..

Para sa kanyang Ama..

Dear Anak.

Wala ng paligoy ligoy pa.. Nawa'y wag mo ng paabutin sa aking apo ang liham na ito dahil batid kong masasaktan lamang sya sa kanyang malalaman..

Nuong umalis kayo dito ay halos araw araw naghintay si Lelay sa pagdating ni Potpot.. Lagi nyang tinatanong kung kelan daw ba uuwi ang kaibigan nya.. Nakakaawa na nakakaantig ng damdamin anak kung makikita ninyo ang determinasyon sa mukha ng bata habang sinasabi nyang hihintayin nya si Potpot kahit abutin sya ng pagtanda..

Pero anak..

Isang araw wala ng Lelay na nagpunta dito.. Nais ko mang ibigay ang sulat ng apo ko ay hindi na maaari dahil wala na ang mag ina sa kanilang tahanan..

Hindi ko alam kung saan sila maaaring magpunta.. Lumipas ang ilang linggo ng may malaman akong balita buhat sa iyong ama..Nakatakda na daw ikasal si Lelay dahil naipagkasundo ito..Mayaman ang pamilya ni Lelay..

Ito na lang ang nalalaman ko anak.. Ayaw kong masaktan ang apo ko kung sakaling malaman nya na kahit anong gawin nila.. Ay hindi pa rin sila maaaring magkatuluyan ni Lelay…

Ilihim mo ito anak.. Para din ito sa ikabubuti ng aking apo..

Nagmamahal iyong Ina..:

Tulala si Potpot sa nabasa..

Parang namanhid ang kanyang pakiramdam..

Suminghot sya at nagulat sya dahil lumuluha na pala sya..

Pinahid nya ang mga mata pero kataka takang lalo lang nagsiagos ang mga luha..

Di na pinigilan ni Aldrin ang pag iyak..

Napakasakit ng katotohanan..

Kung kelan nahanap na nila ng nobya ang isa't isa..

Tsaka naman may tadhanang tila nakahandang maghiwalay sila..

Di na naibalik ni Aldrin ang mga sulat sa kahon..

Dali dali syang tumakbo sa kwarto upang duon ibuhos ang nararamdaman.

ITUTULOY !!!