1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 28 - Kirot
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 28 - Kirot

By supertoyantz ·

Chapter 28 - Kirot

Matamlay na umuwi si Aldrin..

Hawak sa isang kamay ang cellphone at nag hihintay ng text..

Binuksan ng binata ang gate nila..

Muli itong sinara at kumatok sa pinto..

Nakangiting mukha ng ina ang nabungaran nya pero agad itong napalitan ng pag aalala ng makita ang mukha ng anak na parang natalo sa sugal.

"Anak?.. Bakit?..Why sad face?.." agad na tanong ng ina..

Napangiti ng malungkot si Aldrin pagkuway humalik sa pisngi ng ina..

"Nothing mom.. Na drain lang siguro ako sa exams namin kanina.." imporma ng binata..

Tuloy tuloy syang umakyat sa kwarto..

Binagsak ang bag sabay hilata sa kama..

Muli nyang pinagmasdan ang cellphone..

"Isang text lang.. Malaman ko lang kung nasang lupalop ka na.." sabi ni Aldrin..

Pero mukhang wala talagang darating na text kahit na mag damag syang makipag titigan sa cellphone..

Malungkot na itinabi ng binata ang cellphone..

Tumagilid ng higa sabay titig dito..

Di nya namalayan na nakatulog na pala sya..

Hating gabi na ng maalimpungatan si Aldrin..

Pagtingin nya sa tabi ay nagliwanag ang mukha nya ng makitang may isang text message na dumating.

Agad nyang kinuha ang cellphone ..

Nagdadasal na sana galing ito sa kasintahan..

Di naman sya nabigo..

Galing kay Hannah ang text..

"Heart.. Sorry if now lang ako nakatxt.. Busy lang ako kasi may pinapagawa si Lolo.. Kauwi ko nga lang eh.. Sleep ka na.. Labyu.." tanging text ni Hannah.

Kahit paano naibsan ang kalungkutan ni Aldrin..

Agad syang tumipa ng reply para sa kasintahan..

Ang haba ng nagawang sagot ni Aldrin sa text ni Hannah at nagtangka na syang isend ito..

Pero napamura sya ng biglang mag reply ang smart sa kanya.

"Wala ng load !!.. Sheeeet !!.." impit na mura ng binata..

Gigil na binagsak ni Aldrin ang cellphone sabay tayo..

Nakaramdam sya ng pangangalam ng sikmura..

Natawa pa si Aldrin ng makita ang ayos..

Naka pangeskwela pa pala sya..

Agad na nagpalit ng pambahay ang binata sabay labas ng kwarto..

Tinahak ang daan papuntang kusina..

Kinalikot ang ref..

Nakakita ng pizza..

"Eto na lang.." bulong ng binata..

Dumampot ng 2 slice ng pizza at nag timpla ng gatas.

Umakyat muli sa kwarto..

Pumwesto sa harap ng computer.

NAg dedesisyon kung mag oonline ba o hinde..

Nagkibit balikat na lang si Aldrin .

Pinihit nya ang upuan upang humarap sa bintana..

Sumubo ng isang pizza..

Biglang nasamid ang binata..

"Puta.. Sira ulo talaga o.. Hoy !!" sigaw ni Aldrin.

Napatingin sa kanya ang kaibigang si Darius na kasalukuyang umiihi sa bintana nito..

Binigyan lang sya nito ng dirty finger..

"Tarantado kang baboy ka !.. Wala ka talagang manners.. Isusumbong kita kay Tita Annette .. Dinidiligan mo yung mga halaman nya ng ihi !.." tatawa tawang sigaw ni Aldrin..

"Gago.. Fertilizer yan bopols.." ganting sigaw ni Darius..

Tatawa tawa din itong pumasok sa loob ng sariling kwarto..

Napailing na lang si Aldrin sa kababuyan ng kaibigan..

Madalian nyang sinaid ang midnight snack nya..

Masaya syang nakatulog pagtapos kumain..

Umaga..

Habang abala sa pakikinig sa guro si Aldrin..

Biglang nag ring ang phone nya..

Automatikong napalingon sa kanya ang mga kaklase maging ang baklang guro..

"Will you please turn your phone off?…" mataray na utos ng bakla..

Ngumiti lang si Aldrin..

"Sir.. Excuse me..Sagutin ko lang po ito at baka emergency.. " pasintabi ni Aldrin..

Nag excuse sya sa guro sabay labas at pumwesto sa tapat ng kwarto..

Nilabas nya sa bulsa ang phone..

Unregistered number ang nakalagay..

Kunot noong sinagot ni Aldrin ang telepono..

"Hello?.." sabi ni Aldrin..

Ilang sagundo muna ang pinalipas ng nasa kabilang linya bago nagsalita..

"Hi Aldrin.." boses babae..

Kumunot na naman ang noo ni Aldrin..

"Sino to?.." tanong nya..

Pinilit alalahanin ni Aldrin kung may kaboses ang babae..

"Si Bea .." pakilala nito..

Kumabog ang dibdib ng binata..

Halos nalimutan nya na ang dalaga dahil sa may kasintahan na nga sya..

Nagseryoso ang boses ni Aldrin..

"Uy.. Musta?.." tanong nya..

Natawa si Bea sa kabilang linya..

"Wow.. Formal naman ata ng boses mo… Miss you Al.." malambing na sabi ni Bea..

Nanindig ang balahibo ni Aldrin..

Eto ang boses na minsan ng naging dahilan para malimutan nya ang barkada.. Muling ginagamit ni Bea..

Naalala ni Aldrin ang payo ni Romeo..

"Sorry ah.. Pero I have a class eh.. Tawag ka na lang later.." sabi ni Aldrin..

Di na nya hinintay ang sagot ng dalaga..

Pinindot nya na ang end button sabay patay ng cellphone.

Muli syang bumalik sa kwarto na parang walang nangyari..

Pilit nyang inignora ang tawag.

Pero bigo sya..

Dahil inokupa na nito ang buong pag iisip nya..

Dismissal..

Excited na lumabas si Aldrin ng kwarto..

Halos makipag unahan sya sa mga kaklase sa paglabas..

Nabangga nya pa ang kaklaseng lalake..

"Tado naman to.. Parang natatae amp.." sabi ni Ron..

Natawa lang si Alrin..

Pinitik ang ilong ng kaklse sabay tinahak na ang kwarto ng kasintahan..

Palapit pa lang sya ng makita si Lelay na palabas..

"Heart.." tawag ni Aldrin..

Lumingon si Hannah..

Napangiti ito na sinalubong sya.

"Hi Heart.. Miss na kita.." bati ni Hannah.

Napangiti si Aldrin..

Hinalikan nya sa labi ang nobya.. Gumanti naman ito..

Nagkangitian pa silang dalawa..

"Tara.. " aya ni Aldrin.

Kumapit sa braso nya si Hannah at sabay nilang tinahak ang papunta sa kubo..

Wala pang tao ng dumating sila..

Agad naupo si Hannah sa trono ni Aldrin..

Napangiti lang ang binata na tumabi sa kanya..

"San ka galing kahapon?.." tanong ng binata..

Parang napaisip pa si Hannah..

"Pinapunta kasi ako sa NSO ni Lolo.. Pinakuha yung birth certificate ko.. " sabi ni Hannah.

Napakunot noo naman ang binata.

"Ha?.. Anong gagawin mo naman don?.. At bakit gabi ka na nakauwi?.." tanong ni Aldrin..

Ngumiti si Hannah..

"Eh namasyal pa kasi kami ni Lolo.. Ito naman.. Anyway .. Ikaw anung ginawa mo yesterday?.." tanong ng dalaga..

Ngumiti si Aldrin..

"Ayun.. Kakahintay ko sayo.. Sumama na lang ako kina Darius at Romeo..Sinundo namin yung anak ng ninong ni Darius.. Tapos hinatid namin sa Tatay nya sa hospital.." sabi ng binata..

Nagtaka ang dalaga..

"Ha?.. Nakaconfine ba yung ninong ni Darius?…" tanong ni Hannah..

Umiling si Aldrin..

"No.. Doctor ang ninong ni Taba.. Hinatid namin si Zab para ipatingin yung singaw nung bata.. Kaya daw masungit.. Pero duda ako na pinaglihi sa sama ng loob yon.. Ang taray eh.." natatawang paliwanag ni Aldrin.

Pati si Hannah natawa..

"Ah.. So paghatid nyo umuwi na din kayo?.." tanong ng dalaga..

Muling umiling si Aldrin..

"Di pa.. Naabutan kasi naming nag papainom ng gamot si Tito Zack.. Ayun hinintay pa namin.. Pero may chika ako sayo heart.. " nakangiting sabi ng binata.

Na curious naman si Hannah..

"Ano yon?.." tanong nya..

NAtawa si Aldrin ng maalala ang pangyayari..

"Ayun.. Yung pasyente kasi ni Tito Zack.. Ayaw uminom ng gamot.. Matigas ang ulo daw sabi ng pinsan nya na nadatnan naming nagbabantay nga dun sa pasyente.. Susuko na sana si Tito Zack pero inagaw ni Romeo yung gamot tapos sinipsip nya.. Then pinasa nya gamit ang bibig ." kwento ni Aldrin..

Natutop ni Hannah ang bibig.. Bigla itong sumabog sa tawa..

"Hala.. Grabe talaga yang si Romeo eh.." sabi ni Hannah..

Natawa na din ang binata..

"Sinabi mo pa.. Lahat talaga kami nagulat.. Pati ata yung pasyente shocked.. Nanlalaki yung mata eh.. Pero infairness naman, nainom nya yung gamot.. Pero wag ka.. Inulit pa ni Romeo sa tubig…Grabe.. Mukha kasing maganda yung girl kahit na eyes at mouth lang nakikita.. Eh alam mo naman si Romeo pagdating sa magaganda.. Nawawala sa sarili.. Pero ang happy ending naman nito.. Nainom lahat nung girl yung meds nya for that day.." nangingiting dagdag pa ni Aldrin..

Napangiti ang dalaga .. Humimlay sa balikat ng nobyo..

"Kita mo nga naman.. MAy nagagawa din pala ang kamanyakan ni Romeo.. Pero ikaw heart.. Kapag siguro ikaw ang gumawa non.. Baka ikaw ang maconfine.. " banta ni Hannah..

NAtawa ang binata at hinapit nya ng yakap ang dalaga..

"Grabe naman.. For good cause naman eh.." palusot ni Aldrin..

Nakaramdam sya ng kurot sa tagiliran..

Nagtawanan silang dalawa.. Eksaktong nagsidatingan ang mga kaibigan nila..

Pero wala si Rhoi..

Si Krissia lang na nakasimangot ang dumating.

Inaaway nito sina Romeo at Darius..

"Bakit sis?.." tanong ni Hannah..

Nakasimangot na sumalampak ng upo si Krissia sa trono ni Rhoi..

"Etong dalawang to.. Ayaw ituro kung nasan yung magaling na kaibigan nila.. Hoy ikaw Aldrin.. Nasan si Rhoi?.." mataray na tanong ni Krissia..

Napaisip si Aldrin..

"Di ko alam.. Bakit di mo itext or tawagan?.." tanong ni Potpot..

Lalong napasimangot si Krissia..

"Eto phone nya.. Nasa kanya ang phone ko.. Pero duda ko nakapatay e.. Kanina ko pa tinext.. Kanina lang nakita ko..Ang alam ko last subject nya yon for today pero nung pinuntahan ko sa room nya.. Wala na daw sabi ng klasmeyt nya.. Hmm.." inis na sabi ni Krissia..

Bigla nyang binato si Romeo na tumatawa ng lihim..

"OY baket?.." angal ni Romeo..

Pinandilatan sya ni Krissia..

"Nasan ba kasi?.. Lagi na lang ganito.. Last year.. Nawala din sya.. Every year na lang !.. " asar na wika ni Krissing..

"Yaan mo na sis.. Baka naman may ginawa lang ." sabi ni Hannah..

Napayapa naman si Krissia..

"Baka may nililigawan.." pang aasar ni Romeo..

NAg high five sila ni Darius pero biglang may lumipad na mga unan galing sa dalawang babae..

Tawanan lang ang mga lalake..

Ilang saglit lang ay tumunog ang phone ni Hannah..

Parang nataranta ang babae..

Walang sabi sabing lumabas ito ng kubo..

NAgtaka ang lahat..

Si Aldrin natulala sa kinilos ng nobya..

Ilang saglit pa ay bumalik si Hannah..

"Guys.. Got to go.. Nag text si Lolo.." sabi ni Hannah..

Napakunot noo si Romeo at Aldrin..

"Hatid na kita heart.." sabi ni Potpot..

Tumanggi ang dalaga..

Na lalong ipinagtaka ng lahat..

"Baket?.." nagtatampong tanong ni Aldrin..

Lumapit sa kanya ang dalaga at hinalikan sya sa labi..

"May susundo na sakin.. S-si Tatay Bert. Don't worry Heart.. Tawag ako sayo later.. Bye guys.. Love you heart.." nagmamadaling nag paalam si Hannah..

Tumahimik ang lahat..

Walang nakapagsalita ng halos ilang minuto..

Biglang nag ring ang phone ni Darius..

"Oy si Ninong.. Hello Ninong?.." sagot ni Darius..

Tahimik na nakinig ang lahat..

Napatingin pa si Darius kay Romeo habang nakikipagusap sa ninong ..

"Oh sige Nong… Opo.. Wala naman na kaming klase before lunch.. Okay po.. Bye." binaba na ni Darius ang cellphone..

"Ano daw pre?.." tanong ni Romeo..

"Ah. Si Ninong.. Pinapapunta tayo ulit sa hospital.. Mukhang nag tantrums na naman si Khyrstelle.." sabi ni Darius..

Napangisi si Romeo..

"At kelangan nya ako.?.." landi ng binata..

Tumango si Darius..

"Told yah.. Makamandag ang karisma ko.. Well.. Tara na?.. Sa labas na tayo mag lunch.. Malay mo manlibre si Tito Zack.. Busog much yon.." aya ni Romeo..

Napatayo na sya.

"Oy Krissing.. Di ka pa uwi?.." tanong ni Darius..

Inis na tumayo ang dalaga..

"Ano pa nga ba?.. Bwisit na Rhoi yan !.." gigil na sabi nito..

Nagtawanan lang sina Romeo at Darius..

"Oy Pot.. Imbes na mag mukmok ka.. Sama ka ulit.. " aya ni Romeo..

Tumango si Aldrin..

Hinatid muna nila sa sakayan si Krissia…Pero tulad ng dati… Bago nila ipagkatiwala si Krissia sa taxi driver, binantaan muna nila ito.. Tapos nilista ang plate number sabay kinuha ang pangalan ng Taxi Driver.. Natawa lang ang dalaga pati na ang taxi driver..

Pagkatapos ay nagpunta na silang tatlo sa hospital..

Dire diretso ang tatlong alas na sumakay ng elevator..

Tumigil sila sa 3rd floor..

Agad na tinahak ang kwarto na ginagamit ni Khyrstelle..

Pagbukas pa lang ng kwarto..

Dinig na nila ang mga tinig na nagtatalo..

Sinara ni Aldrin ang pinto..

Pumasok na sila at nabungaran nila ang pamilya ni Khrystelle kasama ang Tito Zack nila..

Automatikong nagliwanag ang mukha ng doctor ng makita ang tatlong alas..

"Hay nako.. Ang tatagal nyo ah !.." reklamo ni Zack..

Natawa lang ang tatlong alas..

"Hala.. Ayan na si Romeo oh.." pananakot ng Mommy ni Khrystelle.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga..

Natawa si Romeo..

"Whats the problem homie.?.." tanong ng binata..

Lumapit si Mheii at inakay ang binata palapit sa pinsan na nakahiga..

"Eto kasi oh.. Ayaw pang mag PT.. " sumbong ni Mheii..

Naupo ang dalawang alas..

Pinagitnaan nila ang magandang kapatid ni Khrystelle na abala sa pagtetext..

"Anung PT.?.." tanong ni Romeo.

Lumapit si Zack sa binata at inakay ito palayo sa pasyente.. Sumama naman si Mheii.

"Ahm.. Iho.. PT stands for Physical Therapy.. Sa kaso ni Khrystelle.. Masakit talaga kapag sumalang sya don..Matinding kirot.. Kahit siguro ikaw na walang sakit na dinaramdam aayaw don.. Si Khrystelle pa na may sakit kaya di natin sya masisisi.. Pero she needs it.. For faster recovery…." paliwanag ng doctor..

Napatango tango si Romeo..

"Wala na bang ibang paraan Tito?.. Eh kung masasaktan pala si Khyrstelle.. Parang di na din po ako sang ayon don.." sabi ng binata..

Umiling si Zack..

"Kailangan nyang tiisin yan. Kaya nga pinatawag ko kayo.. You have to convince her.. Try to reason her out.. Sige na.. Lahat na kami dito sinubukan na naming kumbinsihin sya.. Pero talagang ayaw nya kasi masakit nga naman.. Pero kailangan nya eh.." malungkot na sabi ng doktor..

Parang sumakit ang ulo ni Romeo..

Tiningnan nya ang dalaga na nakatingin din pala sa kanya..

Ngumiti ang binata.. Nag blush ang dalaga at nagbaling ng tingin…

"Pero Tito.. Ayaw ko pong makitang nasasaktan sya.. Alam kong kahapon ko lang syang nakilala pero alam nyo naman pong ayaw kong nakakakita ng nasasaktang magandang dilag sa harap ko.. " katwiran ni Romeo.

Binatukan sya ng Tito Zack nya..

"Dami mo pang sinasabi.. Sige na iho.. " pangungulit ni Zack.

Pati si Mheii tumulong na din sa pagkumbinsi sa binata..

"Tol sige na.. Kung kelangan naman pala nya eh.." sabi ni Darius.

Napasimangot si Romeo..

Lumapit sya sa dalaga..

Imbes na humatak ng upuan.. Tinabihan nya sa kama si Khrystelle.

Hiyang hiya ang dalaga..

Napatingin ito sa ina na parang humihingi ng saklolo..

Ngumiti lang ang Mommy nya at lumayo ng konti..

Dahan dahang hinawakan ni Romeo ang baba ng dalaga..Pinihit ito paharap sa kanya..

"Khrys… Kamusta ka?.." masuyong tanong ni Romeo..

Pulang pula ang mukha ng pisngi ng dalaga..

Halos maduling na sya sa kakatitig sa labi ng binata na malapit lang sa kanya..

Natawa si Zack..

"Rom.. Hirap pa syang magsalita.." sabi ni Zack..

Ngumiti si Romeo..

"How are you baby?." tanong ni Romeo..

Nagulat ang lahat ng magsalita si Khrystelle..

"I-im f-fine.." mahinang sabi nito.

Napaluha ang mommy ni Khrystelle.. Pati si Mheii at di na tinago ang mga luha..Napatayo naman ang kapatid ni Khrystelle..

"Holy cow.." sabi ni Aldrin..

Nagtawanan sila ni Darius..

"I see.. Na miss kita.." biro ni Romeo..

Lalong nag blush ang dalaga..

Ngumiti ito ng pilit..

"Wag ka muna magsalita.. Balita ko ayaw mo daw mag under ng PT?… Is that true?.." tanong ni Romeo..

Tumango ang dalaga..

Parang naiiyak ito..

Pero sinaway sya ng binata..

"Sssh.. Don't you dare cry..Not infront of me.. Well.. Ayaw ko ring pilitin ka .. Pero narinig mo naman sinabi ni Tito Zack.. You need it daw.. I know wala akong karapatang sabihin ito sayo.. Di tayo mag kaano ano.. Pero alam mo naman sigurong kailangan mo ito di ba?.." masuyong paliwanag ni Romeo..

Napabaling ang tingin ng dalaga..

Naiiyak na ito kaya masuyong pinahid ni Romeo ang mga luha sa pisngi nya..

"Khyrs.. You can say no.. For now.. Pero paano ka gagaling?.. Paano ka makakalabas dito?.. Gusto mo bang hanggang dito ka na lang?.. Where's your strength?.. Akala ko ba mag dadate pa tayo?.. Ayaw kong mag date tayo dito.. May mas alam akong lugar na sure akong magugustuhan mo.. " nakangiting paliwanag ng binata..

Kumislap ang mga mata ni Khrystelle..

Bumaling ito ng tingin sa binata..

"You have to fight Khrystelle.. I know your a brave girl.. Nasa likod mo lang ang family mo.. Sila na walang sawang sumusuporta sayo.. Wag kang matakot na harapin ang sakit.. For there is pain, there is always glory ika nga.. Alam ko masakit ang mararanasan mo.. Pero sabi ko nga sayo.. NAndito lang ang pamilya mo sa likod mo.. Pati na sina Tito Zack .. Pati na ang Kwadro Alas kabilang na ako.. Pero sa lahat ng ito.. Tandaan mo na nasa likod mo lang ang nasa taas… Wag kang matakot.. Alam kong malalampasan mo yan.. Fight baby.. " paliwanag ni Romeo..

Bumaba na ang binata sa kama..

Napatingin ang dalaga sa kanya..

Pagkatapos ay kay Zack..

Tumango ito na ikinatuwa nilang lahat..

Napalapit ang mga magulang ni Khrystelle pati na ang kapatid nya..

"You mean payag ka ng mag under ng PT?.." paniniyak ng Mommy ni Khrystelle.

Nakangiting tumango ang dalaga..

Halos mayakap na ng ina ang anak.. Di nga lang pwede..

Si Romeo ang dinamba ng matandang babae..

"Salamat iho.. Salamat.. Tatanawin naming malaking utang na loob ito panghabang buhay.." taos pusong sabi ng ina ni Khrystelle.

Tumawa lang si Romeo..

"Ahm. Wala po yon.. Anyway.. Khrystelle." bumaling muli si Romeo sa dalaga..

Kumikislap ang mga mata nitong tumingin din sa kanya..

Biglang hinalikan ni Romeo ang mapupulang labi ni Khrystelle..

Wala ng nagulat..

"Manyak talaga.. Sabi na di makakatiis yan.. " sabi ni Darius..

Natawa lang din si Aldrin at Zack..

Halos tatlumpung segundong tumagal ang pagmanyak ni Romeo sa labi ng dalaga..

Namumungay na ang mga mata ni Khrystelle..

Nag iinit ang mga pisngi at pulang pula ..

"Khyrstelle.. Magpapareserve na ako sa five star resto.. Hihintayin ko ang paglabas mo dito..Wala ng atrasan to.. Mag dadate tayo !.." matigas na sabi ng binata.

Parang nais tumawa ni Khrystelle pero di nito magawa.. Tanging pagtango lang ang nagawa nito..

Muling dinampian ng halik ni Romeo ang labi ng dalaga sabay nagpaalam na..

Sinamahan sya ng mga magulang ng dalaga..

"Di ko talaga alam kung paano namin kayo pasasalamatan sa ginagawa nyo.. " bungad ng Daddy..

Natawa lang ang tatlong alas.

"Wala ng libre sa panahon ngayon Tito.." biglang banat ni Romeo.

Napahinto ang mag asawa..

Nagkatinginan..

"M-magkano ang gusto mo Romeo?.." parang nag aalangan na tanong ng ina.

NAtawa sina Darius at Aldrin..

"Uhmm.. Tanghalian lang po.. Masaya na kame.. Kayo naman po.. Sa tingin nyo ba sisingilin ko talaga kayo?.. Joke lang no.. Pero di pa kami nag lulunch.. Kapalan na lang ng mukha.." biro ni Romeo..

Lalong nagtawanan sina Aldrin at Darius..

PAti ang mag asawa ay di napigilan ang matawa sa binata..

Pinalo pa ng Mommy ang braso ni Romeo.

"Lekat kang bata ka.. Akala ko naman manghihingi ka ng bayad.. Tanghalian lang pala.. Sure sure.. Saan nyo gustong kumain..?.." nakangiting tanong ng Mommy.

Kumislap ang mga mata nina Romeo..

"Sa mamahalin .. " suhestyon ni Darius..

"Tama Rom.. Dun sa five star.." biro ni Aldrin..

Natawa ang mag asawa..

"Mas gusto ko dun sa harap.. Sa tapsilogan.. " sabi ni Romeo.

Lalong natawa ang mag asawa..

Naglabas ng wallet ang babae..

"Hala magkano ang kelangan nyo?.." tanong ng ina..

Pero nagulat sya ng palibutan sya ng tatlong alas..

"Wow pre oh.. Daming one thousand peso bills .. Mayaman talaga.." biro ni Romeo..

"Oo.. Kita mo to.. Credit cards at ATM cards.. May discount cards pa ata sa SOGO.." banat ni Aldrin..

Napahawak sa tyan ang matandang lalake dahil di nya mapigilan ang matawa..

NAg blush naman ang Mommy ni Khrystelle.. Pabiro nyang pinag pipingot ang mga tenga ng tatlong alas..

Tawa naman ng tawa sina Romeo.

"Oh kasya na ba sa inyo ang Five Thousand?.." nakangiting tanong ng Mommy ni Khrystelle.

Nagkatinginan ang tatlong alas.

Umiling si Romeo at biglang humugot ng isang daan sa wallet ng ginang.

"Oks na kami dito Tita.. Salamat po.." sabi ni Romeo..

Nakangiting umalis ang tatlong alas at sumakay sa elevator..

Tanging pang ngiti na lang din ang nagawa ng mag asawa..

"Akala ko sasamantalahin nila.." sabi ng Daddy.

Napahagikgik ang Mommy..

"Maloko sila.. Pero mababait.. At ang popogi pa..Haaaayyy.. Gusto kong isa sa kanila ang maging boyfriend ng isa sa mga anak naten.. " sabi ng ginang ..

Nagtawanan ang mag asawa at pinanood na lang ang pagkaway ng tatlong alas habang sumasara ang elevator.

Sakay ng Jeep..

Pauwi na sina Aldrin..

Nasa bandang hulihan sila ng Jeep na medyo puno.

Magkakatabi silang tatlo at nasa gitna nila si Romeo.

Nagtataka ang binata dahil tahimik si Romeo sa tabi nya.

Biglang umiyak ang bata sa harap nila..

Humagikgik si Romeo na bumaling ng tingin ..

Pinigilan ni Aldrin ang matawa..

Siniko nya ang kaibigan na di pa rin humihinto sa pagtawa ng tahimik..

"Tangna ka talaga .. Wala kang pinaliligtas.. Pati yung bata pinaiyak mo.." sabi ni Aldrin..

"Oy Gago.. Wala kang ebidensya.." biro ni Romeo..

Muli nyang nilingon ang bata sabay pinapangit ang mukha..

Napalingon ang nanay at tiningnan ng masama sina Romeo at Aldrin..

Muling nag bungisngisan sila..

Maya maya ay bumaba ang nanay at sa huling pagkakataon ay pinaiyak ni Romeo ang bata..

Asar na bumaba ang nanay ..

Pinandilatan pa nito ng mata sina Romeo at Aldrin ..

Nilabas na ni Romeo ang pinipigilang tawa..

"Ahahaha… " malakas na tawa ni Romeo..

PAti si Aldrin ay natawa..

Biglang kinalabit sila ni Darius..

"Pare pare.." sabi nito..

"Anoo?.." tanong ni Romeo..

Tulalang tinuro ni Darius ang isang direksyon..

Napalingon naman sina Aldrin at maging sila ay natulala..

Kitang kita nila si Hannah na kumakain sa loob ng jollibee pero di ito nag iisa..

Di nila makita ang mukha ng kasama ni Hannah dahil nakatalikod ito sa kanila..

Umandar ang jeep..Tapos muling huminto..

Ekstaktong lumingon ang lalake para humugot sa bulsa nito sa likod ng pantalon..

Tila huminto ang pag ikot ng mundo kay Aldrin..

Kita nyang masayang nag uusap sina Hannah at Estong..

Parang tumigil na rin ang pagtibok ng puso nya..

Natahimik sina Romeo at Darius..

Tanging ingay na lang sa kalsada ang naririnig nila..

Sa malas ay nag red pa ang traffic sign..

Pandaliang huminto ang jeep na sinasakyan nila..

Pinilit iwasan ni Aldrin ang masamang tanawin..

Naramdaman nyang inakbayan sya ni Darius..

"There must be a reason pare.." mahinang sabi nito..

Ngumiti ng maasim si Aldrin..

"Whatever it is.. Dapat sinabi nya.. Bakit nya kailangang itago?.. Obvious na wala syang pakelam sa feelings ko.." malungkot na sabi ng binata..

Tahimik lang si Romeo..

Kamangha manghang wala syang ibang masabi para pagaanin ang loob ng kaibigan..

Napakabigat ng sitwasyon..

"You just have to ask her.." suhestiyon ni Darius..

Natawa si Aldrin ng mahina..

"What for?.. Para marinig ko ang mga kasinungalingan nya?.. Ang pagtatakip nya sa sitwasyon?.. Papayag naman ako eh.. Kung sinabi lang sana nya na may date sila ni Estong.." ang hinahon ni Aldrin ay unti unti ng napapalitan ng galit..

Naging parusa sa kanila ang paghinto ng jeep..

"P-pare.. Palabas na sila.." bulong ni Romeo.

Automatikong napalingon ang dalawa..

Kita nila kung paano alalayan ni Estong si Hannah na parang babasaging kristal..

Napakasakit ng nararamdaman ni Aldrin ng mga oras na iyon..

"What now?.." tanong ni Darius..

Nagkibit balikat lang si Romeo.

"Palalampasin mo ba pare?.." tanong nya..

Nagsimulang umahon ang galit sa puso ni Aldrin.

Parang bulkan na sumabog ang binata..

"Enjoy ba?.." biglang sigaw nya.

Dahilan para mapalingon sina Hannah na pasakay na sana sa kotse ni Estong..

Nanlaki ang mga mata nito ng makita ang tatlong alas sa jeep..

Si Estong man ay nagulat pero imbes na maguilty.. Parang nanalo sa sugal ang itsura nito..

Winaksi ni Hannah ang kamay ni Estong na nakaalalay sa braso nya..

Tinakbo nya ang distansya ng jeep pero eksaktong nag green na ang traffic sign.

Bago pa man sya makalapit ay umandar na ang sinasakyan nila Aldrin..

Tanging tingin na lang ang nagawa nya ..

Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ni Hannah..

Tumatak sa kanya ang galit sa mukha ng nobyo..

Kasalanan nya..

Matamlay na naglalakad papasok ng subdivision ang tatlong alas..

Kung dati rati nakikipagbiruan pa sila sa gwardya.. Ngayon ay dirediretso na lang silang pumasok..

Walang nagsasalita..

Nais man nilang patawanin ang kaibigan ay alam nilang mabibigo lang sila.

Wala pang salitang makapagpapagaan sa loob ng kaibigan nila.

Walang salitang makapagpapabago sa galit na nararamdaman nito..

O maaring meron..

Pero hindi dapat manggaling sa kanila..

Kundi mismo Hannah..

Lumiko na si Darius para pumasok sa bahay nila..

Pati si Aldrin ay matamlay na pumasok sa gate nila..

Sumunod si Romeo..

"Pare.. peram naman nung DVD nyo na American Pie.." sabi ni Romeo.

Tumango si Aldrin ng mabagal.

"Sige pre.. Alam mo naman kung saan nakatago mga DVD's e.." mahinang sabi ni Aldrin..

Sabay silang pumasok sa loob.

Nadatnan nilang nanonod ng Eat Bulaga ang nanay ni Aldrin..

"Yo Tita !.." bati ni Romeo..

Nagulat man ay napangiti na din si Alona..

Humalik si Aldrin sa pisngi ng ina..

"Hi Mom.." bati nya..

Ngumiti si Alona pero agad napalitan ng pag aalala ng makita ang ekspresyon ng mukha ng anak..

"Hey.. What's the matter?.." tanong ni Alona.

Umiling si Aldrin..

Tumabi sya sa ina at humilig sa balikat nito..

"Uhm.. Tita peram po nito.. Sige alis na ko.." paalam ni Romeo..

Naramdaman nyang kailangang mag usap ng mag ina..

Narinig pa nila ang pagsara ng gate..

Huminga ng malalim si Alona at hinaplos ang buhok ng anak..

Bilang ina.. Ramdam nya na may mabigat na suliranin ang panganay..

"Anak…" bulong ni Alona..

Bumuntong hininga si Aldrin.

Nagsisimula ng mangilid ang luha sa kanyang mga mata..

Hinaplos ng ina ang pisngi ng anak..

Inabot ang remote at pinatay ang TV..

"Anak.. May problema ?.." masuyong tanong ng ina..

Di na sya nagulat ng makita nyang kumislap ang mga mata ni Aldrin sanhi ng namumuong luha..

Katahimikan..

Hindi nagsalita si Alona..

Sapat na ang paghaplos nya para maramdaman ng anak na handa syang makinig..

Tumulo na nga ang luha sa mga mata ng binata..

"M-mom.. It really hurts.." bulong ni Aldrin..

Di man alam ni Alona ang nangyari.. Tila hinihiwa na din ang puso nya sa nakikitang paghihirap ng anak..

"Kwentuhan mo si Mommy anak.." lambing ng ina..

Umayos ng upo ang anak..

Niyakap ang ina at di na nya napigilan ang paghagulgol.

Sa pagitan ng pag iyak.. Unti unting kinwento ni Aldrin ang mga pangyayari..

Luhaan na din si Alona matapos isalaysay ni Aldrin ang mga naganap..

Masuyo nitong ginulo ang buhok ng binata..

"Anak.. Sa relasyon.. Normal lang na dumaan kayo sa pagsubok.. Walang perpektong pagsasama anak ko.. Kita mo minsan kami ng Dad mo?.. Nag aaway kame.. Oo nag aaway kame anak.. Pero di namin pinapakita sa inyo.. Pero talagang nag aaway kame.. Remember nung dati na sinabi kong may pinuntahang convention ang Dad mo tapos nawala sya ng 1 araw?.. Actually pinalayas ko sya kasi nahuli late syang umuwi.. Tapos lasing pa sya then nung umaga tinanong ko kung bakit pero ayaw nyang mag explain.. Syempre ang sa akin, mag asawa kami kaya dapat walang secrets.. So ayun.. Pinalayas ko sya.. Aba't lumayas naman nga." nangingiting sabi ng ina.

Natawa ng bahagya si Aldrin..

Bago sa pandinig nya ang mga kinukwento ng ina.. Akala nya ay perpekto ang pagsasama ng mga magulang.. Na hindi ito nag aaway.. Yun pala ay magaling lang magtago ang mga ito..

"Anu daw reason Mom?.." tanong ng anak.

Natawa ng mahina ang ina.

"Ayun.. Hatinggabi ng marinig kong parang may kumakanta dyan sa harap ng bintana namin..Pagtingin ko Dad mo pala.. Kasama sina Pareng Vincent at Denzel.. Hinaharana nila ako.. Syempre kahit sinong babae ata bibigay kapag nakita mong hinarana ka ng mister mo.." kinikilig na kwento ng ina..

Napangiti si Aldrin at muling niyakap si Alona.

Oo nga.. Parang natatandaan nya yon..

"Anu daw reason Mom?.." pangungulit ng anak..

Ngumiti si Alona..

"Sabi nya.. Nanganak daw yung isa sa mga employees nya.. Tinakbo daw nila sa hospital pero premature yung baby .. Nagpalipat lipat daw sila ng hospital.. Eh ang Daddy mo naman.. Alam naman nya kung saan nagtatrabaho si Tito Zack mo , di pa duon dinala.. Tsk tsk.. Pag tumatanda kasi nagiging makakalimutin eh.." natatawang paliwanag ng ina..

Pati ang anak natawa..

"Eh saan daw po natulog si Daddy ng 1 day?.." tanong ni Aldrin..

Lalong nag bungisngis ang ina..

"Andyan lang pala kila Rhoi eh.. " bungisngis na sabi ng ina..

Nagtawanan sila ng anak..

Kahit papaano naibsan ang kalungkutan ni Aldrin..

Napansin ng ina na muling lumungkot ang mga mata ng anak..

Masuyo nya itong inakbayan..

"Ang gusto ko lang sabihin sayo anak.. Walang mangyayari kung puro speculations lang ang panghahawakan mo.. Malay mo.. May rason na matindi si Hannah kaya di nya nasabi sayo.." paliwanag ng ina.

Ngumiti ng malungkot si Aldrin..

"I don't know Mom.. Alam nya namang kahit ano pang dahilan nya.. Tatanggapin ko basta sasabihin nya lang.. Pero mukhang di ako kasama sa mga plano nya kaya nililihim nya saken.." malungkot na sabi ng anak..

Muling naging malungkot ang atmosphere nilang mag ina..

Tumayo ang ina ay tinapik ang pisngi ng anak.

"May baked cookies dyan sa ref.. Teka at kukunin ko." sabi ni Alona..

Tumango ang anak..

Hinintay nya ang ina sa sofa..

Muling inisip ang nobya..

Pagkatapos ay inisip ang mga sinabi ng ina..

Napangiti ng malungkot si Aldrin..

Tama ang ina.. Malamang na may dahilan si Hannah at kung anu man iyon.. Patatawarin nya ang kasintahan.. Tapos ay masaya na ulit sila…

Tapos ang problema..

Napangiti na ng maluwang si Aldrin..

Inilabas nya ang cellphone at sinumulang i-dial ang numero ni Hannah.

Siguradong nahihiyang tumawag si Hannah dahil akala nito ay galit sya..

Tatawagan nya ang kasintahan at sasabihin ditong susunduin nya ito tapos sila naman ang mag dadate..

Napatango tango pa si Aldrin sa naisip..

Sinulyapan nya ang relos..

Mag aalas tres na pala..

Nakangiti sya habang hinahum sa isip ang ringtone ni Hannah..

Poker face yon dahil sya ang pumili nito ..

Ilang segundo pa ay may sumagot..

Agad na nagsalita si Aldrin..

"Heart.. It's okay.. Di na ako galit.. What time ka ba uuwi ?.. Sunduin kita tapos kain lang tayo saglit sa labas.. If you want we can watch movie na lang.. Or pasyal na lang tayo kahit saan mo gusto.. Bati na tayo don't worry.." dire diretsong sabi ni Aldrin..

Napapangiti pa sya..

Pero gumuho ang lahat ng ilusyon nya ng marinig ang nagsalita sa kabilang linya..

"Nag CR si Lelay pare.. Si Stefen to.. Leave a message na lang.. Ako na din maghahatid sa kanya so don't bother yourself too much na lang.. Matulog ka na lang dyan..Ahaha.." pang aasar na sabi ni Estong..

Namatay ang tawag..

Mukhang binaba ni Estong..

Tama lang iyon dahil baka makapagmura pa sya ng wala sa oras..

Tulalang sinilid ni Aldrin muli ang cellphone sa bulsa nya..

Parang robot na tumayo at nagsimulang lumabas ng bahay..

"Anak anung gusto mong juice?.." sigaw ni Alona mula sa kusina..

Nagtaka ito ng walang sumagot kaya nilabas nya ang ulo para dungawin ang sala.

Walang tao.

Napakunot noo ang ina..

Biglang narinig nya ang marahas na pagsara ng gate na bakal..

Tulala si Aldrin na nagpalakad lakad..

Nais nyang puntahan si Romeo..

O kaya si Darius..

O di kaya puntahan si Rhoi sa pinagtatrabahuhan nito..

Kailangan nya ng kausap..

Pero sa huli nagbago ang isip nya ..

Nahihiya sya sa barkada..

Ayaw niyang malaman ng mga ito ang dinadala nya dahil siguradong mag huhurumentado ang mga ito..

Pero talagang kailangan nyang ilabas ang sama ng loob.

Nakarating na sa GYM ng subdivision si Aldrin ng di nya namamalayan..

Kasalukuyang may naglalaro ng badminton..

Malungkot na umupo si Aldrin sa konkretong bench.

Tulala..

Di nya alintana ang nagkakasiyahang mga matatanda habang naglalaro ng badminton..

Parang manhid na ang pakiramdam nya..

Parang tinarakan sya ng anesthesia sa katawan.. Manhid na manhid ang sistema nya..

Tila huminto na din sa pagtibok ang puso nya..

Biglang nag ring ang cellphone ng binata..

Agad nya itong hinugot sa bulsa sa pag aakalang si Hannah ang tumatawag..

Text lang pala.. at sa Smart Operator pa galing..

Napabuntong hininga si Aldrin..

Isisilid na sana ni Aldrin muli ang cellphone ng may marecieve ulit syang text..

Unregistered number ..

Binuksan nya ang mensahe .. Quotes lang naman..

Sa dulo ay may pangalan ni Bea kasabay ng pagbati ng magandang hapon..

Napangiti ng malungkot ang binata.

Pinindot ang call button..

Ilang ring lang ay sumagot na ang kabilang linya..

"Hello Al.." masiglang bati ni Bea..

Ngumiti ng malungkot si Aldrin..

"Hintayin kita sa dati nating tagpuan ng alas syete.. " sabi ng binata..

Di na nya hinintay ang sagot ng dalaga ..Pinatay nya na agad ang cellphone..

Muling naglakad pabalik sa bahay.

Dire diretson sa kwarto .. Pilit iniwasan ang ina..

Pagpasok sa kwarto ay bagsak agad sya sa kama..

Pagod na pagod ang pakiramdam nya..

Parang nasaid ang lahat ng energy nya sa katawan…

Saglit na pinikit ni Aldrin ang mga mata..

Pero sa pagpikit nyang ito ay nilamon na sya ng kadiliman..

Tanging kirot sa puso nya ang nangingibabaw..

Sa unang pagkakataon ayaw nyang mapanaginipan ang kasintahan..

ITUTULOY !!!