1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 33 - Galit
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 33 - Galit

By supertoyantz ·

Chapter 33 - Galit

Gising na ang diwa ni Aldrin.. Pero parang ayaw pa rin mag function ng katawan nya..

Para syang robot na gumagawa ang makina pero walang katawan at paa..

Nakapikit lang sya at tila manhid na manhid na ang utak nya..

Pakiramdam nya ay hapung hapo ang katawan at isip nya..

Sinulyapan ng binata ang alarm clock na nasa tabi ng mesa..

Apat na minuto pa bago ito mag ingay ..

Tinitigan nya ang pag usad ng oras..Napakabagal..

Napapitlag ang binata ng biglang umalingawngaw ang ingay ng orasan..

Nanghihinang pinalo nya ito at muling tumihaya..

Muli nyang pinikit ang mga mata ..

Pero saglit lang ang pagkakapikit nya dahil ilang minuto lang halos ay tumunog naman ang cellphone nya.

Matagal ba nag pasya si Aldrin na sagutin ang tawag..

Lalo syang nakadama ng pagkahapo ng makitang ang nobya ang tumatawag sa kanya..

Matamlay na sinagot ng binata ang tawag..

"Hi hi !.." masiglang bati ni Hannah..

Napangiti ng malungkot ang binata at sinagot ang bati ng kasintahan..

"Hi hi.. !.." sabi nya..

Natahimik ang kabilang linya..

"Heart?.. Gising ka na?.." tanong ng dalaga..

"Yes Heart.. Sumagot na nga ako eh.." biro pa ni Aldrin..

Napabungisngis si Hannah..

"Eeeee… Miss you po.." sabi ng dalaga..

Lalong parang kinutkot ang puso ng binata..

"M-miss you more Heart.. Sobra.." pumiyok ang tinig ni Aldrin..

Natahimik ang kabilang linya..

"Heart?.. May Prob ka ?.." tanong ng dalaga..

Agad inayos ng binata ang tono ng boses nya.. Pilit nya itong pinasigla..

"Meron.. Kung bakit nahihirapan akong i-spell ang salitang Love.." banat ni Aldrin.

Napangiti sa kabilang linya ang dalaga..

"Baket naman?.." tanong ni Hannah..

"Kase.. Lalely.. Laging pangalan mo ang naisusulat ko.." muling banat ni Potpot..

Biglang lumagabog sa kabilang linya..

"Heart?.. What happened?.." tanong ng binata..

Natawa si Hannah..

"Sorry Heart.. Nalaglag ako..Kaw kasi eh.. !.." sumbat ng dalaga..

Nagtawanan sila..

"Heart ligo na.. Miss na kita… Gusto kita makita.." lambing pa ni Hannah..

Napangiti si Aldrin pero talagang di nya maisagad..

"Ahm.. Heart baka ma late ako ng pasok.. May pinapalakad si Dad about sa business.." pagdadahilan ni Aldrin..

Napasimangot si Hannah..

"Aaay… Sama ko.." ungot ng dalaga..

Nag kandailing ang binata..

"Wag na Heart.. Masasayang lang pag pasok mo eh.. Sige na po.. " tanggi ng binata..

Napanguso si Hannah..

"Baka naman may ida-date kang chix ha?.." nakataas ang kilay na tanong ng dalaga..

Natawa ng mahina ang binata..

"Kung nandito ka.. Malamang na nahalikan na kita.. Alam mong wala akong ibang minamahal na babae maliban sa dalawang nandito sa bahay namin.. Plus yung Lola ko.. Bale konti lang talaga sila.." banat ng Aldrin..

Bungisngis si Hannah..

"Sino pa?.." pangungulit nya..

"Si Krissing.." sagot ng binata..

"Sino pa?.." pacute ni Hannah.

"Si Ekang.." banat ni Aldrin..

Napasimangot si Hannah..

"Nasan ako?.. Bakit di nila ako kasama?.. " nagtatampong tanong ng dalaga..

Natawa si Aldrin..

"Bakit ka naman sasama sa kanila?.. " tanong ng binata..

Napasimangot lalo si Hannah..

"Ah ganon?.." taray ni Hannah..

Natawa si Aldrin ng mahina..

"Talaga.. Bakit mo ihehelera ang sarili mo sa kanila eh ikaw ang Ace of Hearts?.. Natural lang na mas angat ang pagmamahal ko sayo kumpara sa kanila..Yung sa kanila pure platonic yon.." paliwanag ng binata..

Natameme si Hannah..

Halos bumula ang bibig nya sa sobrang kilig na nararamdaman..

"Eeeeeeeehhhh.. Love you Heart.. Eh kung sa kanila Platonic.?.. Eh ano sa akin?.. Romantic?.." tanong ng dalaga..

Ngiting ngiti sya sa gilid ng kama nya.

"Erotic.." sagot ng binata..

Natawa si Hannah pati na si Aldrin..

"Ay Bad..Bakit may Erotic pa?.." tanong ng dalaga..

"Syempre.. Sabi nga ni Rom.. Ang Successful relationship daw ay binubuo ng Love, Friendship, Trust and Lust.. Kahit alin dyan ang mawala.. Platonic na daw ang tawag don.." paliwanag pa ng binata..

Napangiti ng todo si Hannah..

"Hala.. Late ka na Heart.. Gora ka na.." landi ni Aldrin..

Natawa si Hannah at nagsimulang mag inat..

"Hmm.. Love you heart…Muuuaaaahh !.." lambing ng dalaga..

Natahimik si Aldrin..

Akala ni Hannah wala na ang binata kaya akmang ibababa na sana nya ang phone..Pero nagsalita pa ang binata..

"Mahal na mahal kita Hannah.. Always remember that.. There's is nothing in this world can change what I feel for you.. No matter what.. I will always and forever love you.." seryosong sagot ni Aldrin..

Napakunoot noo ang dalaga..

Sasagot pa sana sya pero namatay na ang tawag.. Sinubukan nyang kontakin ulit ang kasintahan pero unattended na ito..

"Baka lowbat.." sabi lang ng dalaga..

Nakangiti pa sya ng pumasok sa banyo..

Alas diyes ng umaga..

Tahimik na pumasok si Aldrin sa isang kilalang kapehan sa loob ng mall..

Pumwesto sya sa tabi ng salaming dingding at nilabas ang cellphone..

Pinagmasdan nya ang wallpaper ng cellphone nya..

Di nakatiis ang binata.. Hinalikan nya pa ang nakangiting mukha ng kasintahan..

Namumuo na naman ang luha sa kanyang mga mata pero agad itong pinahid ng binata..

"S-sorry Heart.. Just always remember na mahal na mahal kita.." bulong ng binata..

Kausap ang nakangiting mukha ni Hannah sa cellphone nya..

Iniwasan na ng binata ang titigan pa ng matagal ang kasintahan.. Nilibot nya ang paningin sa mamahaling coffee shop at nangalumbaba..

Kagabi nya lang nalaman ang balita ni Bea..

Ayaw nyang sabihin na masamang balita ito dahil bata pa lamang sya ng turuan ng mga magulang tungkol sa sanggol..

Sagrado para sa pamilya nila ang mga sanggol.. Anghel ito kung ituring ng pamilya nya..

Akala nya naubos na nya ang luha na nakaimbak sa mga mata nya kagabi..Pero mukhang nakapag ipon na naman ito at nagsisimula na namang mamuo sa mga mata nya..

Maaga pa si Aldrin sa tagpuan.. Alas onse ang usapan nila ni Bea na magkikita para pag usapan ng personal ang hinatid nitong balita sa kanya..

Hanggang ngayon ay parang ayaw pa rin nyang maniwala..

Pilit nyang inaalala ang mga naganap dalawang taon na ang nakakalipas pero talagang blangko ang memorya nya tungkol sa tinutukoy ni Bea..

Maaaring nagsisinungaling lamang ang dalaga..

Pero ano ang dahilan nito?..

Ano ang maaaring maging rason ni Bea para gawin ang ganito sa kanya..?..

Sa tingin naman nya ay naging maganda ang pagsasama nila .. Ito pa nga ang nang iwan sa kanya kung tutuusin..

Pero paano naman kung totoo?..

Muling naramdaman ni Aldrin ang pamumuo ng luha nya..

Paano na ang kasintahan nyang si Lelay?..

Matagal na nilang hinintay ang pag kakataon para mag kasama pero mukhang ayaw talaga ng tadhana na mag katuluyan sila.

Nakakapagod ang napakaraming hadlang sa relasyon nila..

Napapitlag si Aldrin ng maramdaman ang pagbukas sara ng pinto ng coffee shop..

Ilang saglit pa ay naupo ang isang babae sa harap nya..

Nakayuko si Aldrin at nilalaro ang cellphone nya..

Ilang saglit na katahimakan ang namayani bago basagin ito ni Bea.

"A-Al.." untag ng dalaga..

Napahikbi pa si Bea..

Inangat ni Aldrin ang mukha at tinitigan ang dalaga..

Para namang hinaplos ng awa si Bea ng mapansin ang malaking pinagbago ng mukha ng binata..

Parang di ito nakatulog sa magdamag..

"S-sorry…" hinging paumanhin ni Bea..

Napangiti ng malungkot si Aldrin..

"T-totoo ba ?.." tanong ng binata…

Marahan at parang pilit na tumango si Bea..

Bigla na lang itong napaiyak ..

Agad pinatahan ng binata ang dalaga ..

"Sssh… It's okay.. Kung talagang akin yan.. Pananagutan ko.. " bulong ni Aldrin..

Napasigok pa si Bea..

"What do you want ?.." tanong ng binata..

Umiling ang dalaga..

"Di ako nagugutom Al.." mahinang sagot nito..

Ngumiti si Aldrin..

"Where's the baby?.." tanong nya..

Umangat ang paningin ni Bea at tinitigan ang binata..

"She's sleeping ng iniwan ko sa bahay.. Alam mo namang si Tita na lang ang kasama ko di ba?.." tanong ng dalaga..

Tumango si Aldrin..

Nagsimula na itong tumayo..

"Come.. Gusto ko syang makita.. " nakangiti ang mukha ng binata.. Pero ni hindi ito umabot sa kanyang mga mata..

Napaiyak si Bea ..

"Sorry talaga Al.." sabi ng dalaga..

Agad naman syang inawat ni Aldrin..

"Shh.. Aayusin natin ito.. " sabi ng binata..

Hinawakan ng dalaga ang mga kamay ng binata at nagpasalamat..

Masuyong tinayo ng binata ang dalaga at hinalikan sa noo..

"Please.. Stop crying.. Things will be fine.. " masuyong sabi ng binata..

Tumango ang dalaga ay yumakap kay Aldrin..

Hinagod hagod naman ito ng binata sa likod..

"Tara.." aya ni Aldrin..

Tumango ang dalaga..Nahihiya man.. Niyakap nya na ang braso ng binata..

Nag kibit balikat lang si Aldrin..

Parang pagod na pagod ang pakiramdam nya kaya wala na syang lakas para sawayin pa ang dalaga..

Tahimik silang lumabas sa coffee shop at lumakad sa exit ng mall..

Inip na naghihintay si Hannah sa kubo ng mga alas..

Sya na lamang at si Romeo ang naiwan..

Wala naman pakinabang ang binata dahil naglalaro lang ito ng PSP..

"Hoy Rom.. Ang tagal naman ni Potpot.." reklamo ni Hannah..

Napatingin si Romeo at muling binalik ang atensyon sa nilalaro…

"Baka nambabae na.. Uuwi din yon.." biro ng binata..

Biglang may lumipad na unan sa mukha nya..

Natawa lang si Romeo at di na pinansin ang dalaga..

Ilang saglit pa ay napatingin din sya sa sariling relos..

"Oy.. Ala una na.. Di na papasok yon.. Wala na ata syang klase ng ganitong oras eh.." sabi ni Romeo..

Sumimangot si Hannah..

"May pasok sya ng 1 Pm.. Pero late na sya.." sagot ng dalaga..

Nag inat ng katawan si Romeo at tumayo..

"Halika na.. Nagugutom ako.. Sinamahan kita dito kaya ilibre mo ako.." sabi ni Romeo..

"Mamaya na kase.. Dito muna tayo.." sagot ng dalaga..

Umangal si Romeo..

"Langya.. Ginawa ba daw akong bodyguard?.. Aba.. Ang swerte mo naman.. Ang gwapo ng alalay mo.." reklamo ng binata..

Natawa lang si Hannah..

"Magtawag ka na lang dyan sa tabi tabi ng uutusan.. Basta wag kang aalis.. Dito ka lang.." utos ng dalaga..

Napasimangot si Romeo at dumungaw sa binata..

Ilang saglit pa ay sumigaw ito..

"Psst !.. Ikaw nga.. Oo ikaw.. Ang pogi mo ah.. Lika nga dito.." sigaw ni Romeo..

Napabungisngis si Hannah..

"Mag uutos na lang mang uuto pa.." sabi ng dalaga..

Ngumisi lang si Romeo..

"Akina pera.." sabi pa nya..

Naglabas ng isan daan si Hannah sabay inabot kay Romeo..

"Oh pare.. Paki suyo naman oh.. Isang burger lang.. Tapos pepsi.. Sayo na yung sukli.." sabi ng binata..

Napangiti si Hannah..

"Naks.. Ang bait.." sabi lang nito..

Umalis na ang inutusan ni Romeo at muling naupo ang binata sa trono nito..

Inabot nya ang PSP kay Hannah pero tumanggi ang dalaga…

Sumandal ang binata sa sandalan ng trono nya..

Hinintay ang pagdating ng pagkain..

Ilang minuto lang ay may sumigaw na sa labas..

"Hoy Rom !.. Langya ka..Limampiso yung suki eh !.." reklamo ng nasa labas..

Nagtaka si Hannah..

Agad na lumapit sa binata si Romeo at nagpasalamat..

"Ah ganun ba?.. Sige sa susunod lalakihan ko na.. At least keep the change.. Nagmahal na pala itong Combo Meal ko.. Sorry pre.. Sige na.. Next time na lang.. Salamat .." sunod sunod na sabi ng binata..

Napakamot sa ulo ang inutusan..

"Paanong nangyaring limampiso na lang ang sukli?.." tanong ng dalaga..

Nagkibit balikat si Romeo at hinati ang burger .. Inabot ang kalahati kay Hannah pero tumanggi ito.. Pero nagpumilit si Romeo..

"Kapag di ka kumain.. Aalis ako.. Bahala ka dito.." banta nya..

Napasimangot ang dalaga at tinanggap ang kalahating burger..

"Wala akong drinks !.." reklamo nya..

Tumayo ang dalaga at hinabol ang binatang inutusan ni Romeo..

"Ay.. Kuya.. Pabuy naman po ng isa pang pepsi.. Eto po Fifty Pesos.. Keep the change po ulit tulad ng 1 Hundred na inabot ni Romeo.." sabi ng dalaga..

Nagtaka naman ang inutusan..

"Anung isandaan?.. Eh Trenta Pesos lang inabot non eh.. Sus.. Buti ka pa.." sabi ng inutusan sabay mabilis na umalis dahil tumayo si Romeo..

Napangisi naman ang binata..

"Aha.. Kaya pala 5 pesos na lang kasi pinalitan mo na agad.. Ang bilis mo naman?.." natatawang sabi ng dalaga..

"Nag hahalucinate lang yon.. 1 Hundred talaga binigay ko pero hayaan na natin yan.." sabi ni Romeo..

Nagtawanan na lang sila..

Ilang saglit pa ay biglang may kumatok…

"Oh?.. Sino yon?..Walang yelo dito.." sagot ni Romeo..

Natawa si Hannah ..

"Ano po yon?.. "tanong nya sa matandang guard..

"Eh may naghahanap po kay Miss Hannah Montefalco .. " sabi ng Guard..

Agad namang tinuro ng guard ang binata na nakasilong sa lilim ng puno..

Napatayo si Hannah..

Pero napasimangot din sya ng makita si Estong na papalapit na din sa kubo..

Ngiting ngiti ang mokong..

"Sige po manong.. Salamat po.." sabi ng dalaga at muling sumalampak ng upo sa trono ni Aldrin..

Nakita pa nyang abutan ng isang libo ni Estong ang mamang Guard..

Dire diretsong lumapit sa kubo si Estong .. Akmang aakyat na sya ng biglang magsara ang maliit na pinto..

Tumama ito sa mukha nya kaya galit na galit syang napamura..

"What the Fuck !.. Who the did that?.." tanong nya na hawak ang ilong..

Dumungaw sa bintana si Romeo na sumisipsip ng Pepsi..

"Ako .." sagot ng binata..

Asar na nagtanong si Estong..

"At baket mo naman hinampas yung pinto sa mukha ko.?.. Ang yabang mo ah?.." sigaw ni Estong..

Napabungisngis si Hannah..

Ni hindi sya nakaramdam ng takot kahit pa magwala si Estong ..

"Marunong kang magbasa?.. Ayan oh.. Private Property of Kwadro Alas.. Kwadro Alas ka ba?.." tanong ng binata na cool na cool na sumisimsim ng Pepsi..

Galit na galit na binasa ni Estong ang karatula na nilampasan nya..

Tama ang binata.. Pero nagtaka pa rin sya..

"Paanong magiging private property ito eh nasa school grounds ito nakatirik?..Sino ka ba?.." sigaw ng binata..

Nagsalubong ang kilay ni Romeo at binuksan ang maliit na pinto ng kubo..

"Tarantado ka?.. Gusto mong i spell ko pangalan ko?.. " singhal ni Romeo at nilapitan ang nagwawalang si Estong..

Dinutdot nya ang noo ng binata ..

Napadungaw si Hannah sa bintana at enjoy na sumisipsip din ng Pepsi..

"Lea.. Whats the meaning of this?.." tanong ni Estong..

Pero nagkibit balikat lang si Hannah..

"Nasa Private Property ka pa rin.. Kung hindi ka aatras ng mga limang hakbang.. Talagang malalaman mo pangalan ko.." mabagal na sabi ni Romeo..

Ngumuya pa ito ng burger..

"Sis penge Pepsi.." sabi ni Romeo..

Tumango si Hannah at inabot ang drinks nya sa binata..

Gigil na humakbang paatras si Estong..

Si Romeo at naupo sa huling baitang ng kubo at inubos ang burger nya..

"Now talk.." sabi ni Romeo..

Napakunot noo si Estong..

"What?.." tanong nya..

Napatirik ang mata ni Romeo at nagtaray..

"Ay bobo.. Anong kailangan mo kay Hannah?.." tanong ng binata..

Sumimangot si Estong ..

"Doesnt concern about you.. Let Hannah and I talk.." sabi ng binata..

Napangisi si Romeo at tiningala ang dalaga..

"Oh kayo daw ang mag usap.." sabi ng binata..

Napangiti si Hannah..

"Ano ba yon Estong?.." tanong ng dalaga..

Lalong naasar ang binata ng di man lang gumagalaw mula sa bintana si Hannah..

"Will you please come here ?.." tanong ng binata..

Tumingin si Hannah kay Romeo..

"Lapit daw ako Rom oh.." sumbong ni Hannah..

Ngumisi si Romeo at umiling..

LAlong nag puyos ang galit ni Estong..

"Kung di mo kayang makipag usap mula dyan manigas ka.. Wala kang karapatan na kausapin si Hannah ng malapitan hanggat nakikita kita.." sabi ng binata..

Galit na galit na napamura pa si Estong..

"Isa pa.. Bawal magmura dito.. Tang ina mo.." sigaw ni Romeo..

Natawa si Hannah at binatukan ang binata..

"Fine fine.. Lea.. I have something to tell you.." sabi ni Estong..

"Bawal din English..Di ako nakakaintindi ng English eh.." singit ni Romeo..

Bungisngis na naman si Hannah at pasimpleng sinipa si Romeo..

Galit na tumango si Estong..

"May sasabihin ako sayo.. Importante.." sigaw ni Estong..

Hiyang hiya na sya dahil pinagtitinginan na sya ng mga dumadaang estudyante..

Galit na galit sya sa binatang nasa pinto ng kubo..Naalala nya tuloy yung waiter na kumwelyo sa kanya..

"Ano naman daw?.." sagot ni Romeo..

"Oh akala ko ba si Hannah ang sasagot ?.." tanong ni Estong..

Napangisi si Romeo..

"Ako ang translator nya.. Kasi Di sya nakakapagsalita ng Tagalog.. English lang.. " sabi ng binata..

Napaupo si Hannah dahil di na nya maitago ang tawa.. Kawawang kawawa ang itsura ni Estong na nasa gitna ng initan at sumisigaw para lamang magka rinigan sila..

"Damn !.." bulong ni Estong..

Umayos ng upo si Romeo at tiningnan ng masama ang binata…

"Okay okay.. May dala akong litrato dito..Gusto kong ibigay kay Lea.." sabi ni Estong..

Napakunot noo si Hannah at muling tumayo..

"Ano yan?.." tanong ni Romeo..

Lumapit sya at sinulyapan ang litrato..

Isa isa nyang sinulyapan ang dalang pictures ni Estong at ng makita ang lahat.. Nagsalubong ang kilay nya at tinitigan ng masama ang binata..

"What's the meaning of this?.." tanong ni Romeo..

Natawa ng parang nang aasar si Estong..

"Now you speak English?.. Anyway.. That's Aldrin.. He's having an affair with someone.. I was about to buy clothes sana when I saw them.. At first syempre I was shocked.. Ang Alam nating lahat na sila ni Lea right?.." parang nang iinsulto na sabi ni Estong..

Nagulat si Estong ng isa isang punitin ni Romeo ang mga larawan na dala nya..

"What the fuck?.. Are you nuts?.." sigaw ni Estong pero natameme sya ng bigla syang umangat dahil sa pagkwelyo ng binata..

"Anong pakay mo dito?.." seryosong sabi ni Romeo.

Asar na asar man.. Nakaramdam ng takot ang binata..

"G-gusto ko lang yan ipakita kay Lea.." mahinang sagot ni Estong..

Napalapit si Hannah at isa isang dinampot ang mga larawan na punit punit..

Nabigla sya at napanganga ng makita ang mga litrato..

Kahit pira piraso pa ito, di maikakailang kilalang kilala nya ang mga nasa larawan at magkayakap ..

May isa pang larawan na hinalikan ni Aldrin ang dalaga..

Di nya alam kung saan tumama ang halik dahil medyo nasa likod ang kumuha..

"Si P-potpot ito ah?.." mahinang sabi ng dalaga..

Napangisi si Estong..

"Actually.. I learned na buntis yung Girl and yung Boyfriend pala yung Tatay.. Sad … Really Sad.. " malungkot na sabi ni Estong..

Pero parang nagdidiwang pa ang kinalabasan nito..

Bumagsak ang litrato sa paanan ng dalaga at patakbong nilisan ang dalawang binata..

Galit na binitawan ni Romeo ang kwelyo ni Estong..

"Really.. What's your purpose?.." seryosong tanong ng binata..

Nagkibit balikat lang si Estong at pinagpag ang damit..

"Gusto ko lang malaman ni Lea na masamang lalake ang napili nyang gawing boyfriend.." nakangising sabi ni Estong..

Lalong kumunot ang noo ni Romeo.. Pero poker face lang sya..

"Galit ka sa boyfriend ni Hannah?.." tanong ng binata..

Tumango si Estong..

"Yes.. Mayabang eh.. Paghihiwalayin ko sila.. Would you like to help me?.. Babayaran kita.." alok ng binata..

Napangisi si Romeo..

"Magkano?.." tanong nya..

Napangiti si Estong..

Sa isip isip .. Wala talagang makakahindi kapag pera na ang gumana..

"Name your price.. " mayabang na sabi ng binata..

Napaisip si Romeo at sinulyapan si Hannah na mabilis na naglalakad palabas ng university.

"Downpayment..10 Thousand.." mabilis na sabi ni Romeo..

Nagulat man.. Di na nagpahalata si Estong at agad na nilabas ang wallet..

Napasulyap pa si Romeo pero tinago na agad ni Estong ang wallet nya..

"Oh.. Buti na lang nag withdraw ako bago ako magpunta dito..So deal na?.." nakangiting sabi ni Estong..

Tumango si Romeo at kinuha ang pera..

"Kalilimutan ko yung mga ginawa mo saken kanina.. Teka.. Kaano ano mo ba si Aldrin?.." tanong ni Estong ..

Pero nagulat sya ng bigla syang suntukin sa panga ni Romeo..

Hilong bumagsak sa lupa ang binata at halos panawan na sya ng ulirat..

Napasigaw ang mga dumadaang estudyante pero ng makita nilang si Romeo ang may pakana.. Isa isa silang nag silayuan..

"A-anong ibig sabihin nito..?.." mahinang tanong ni Estong..

Hilong hilo sya na naka lupasay sa lupa..

Yumuko si Romeo ..

"Fuck you.. Malas mo pare.. That boyfriend of Hannah happens to be my brother.. Thank you sa 10 Thousand.. Marami ka pa naman siguro nito eh.. Donation sa mga nasalanta ng bagyong Habagat..Salamat.." sabi ni Romeo at walang sabi sabing hinabol ang dalaga..

Gulat na gulat si Estong..

Ilang sandali pa syang tulala bago nagpasyang tumayo at galit na umalis na din..

Nakayuko ang ulo nya dahil ayaw nyang masalubong ang mga nang iinsultong mukha ng mga nadadaanan nyang mga estudyante..

Mabilis na nakatawag ng taxi si Hannah..

"Diretso Manong.. " luhaang sabi ni Hannah..

Bago pa makaandar ang taxi ay may humarang na binata sa harapan..

Pagtingin nya ay si Romeo pala..

Agad sumakay ang binata..

"Sige na manong.. Sa Corinthians ho.." sabi ni Romeo.

Luhaan na pinagpapalo ni Hannah ang dibdib ni Romeo..

Nasasaktan man.. Di na lang nagreklamo ang binata ..

Pagdating sa gate ng mga Montefalco.. Agad na bumaba ang dalaga at tumakbo papasok ng bahay..

"Magkano manong?.." tanong ni Romeo..

"500 boy.." sagot ng driver..

Napakunot noo si Romeo at inalis ang hita ng driver na nakaharang sa metro..

"Putsa.. 150 lang oh.. Wag ganyan manong.." sabi ng binata..

Napakamot na lang ang driver pero napangiti na din sya ng abutan ng 500 ng binata..

"Wag ganyan manong.. Di sa lahat ng oras may mapagsasamantalahan ho kayong pasahero.." sabi ng binata at bumaba na din ng taxi..

Tulala lang ang driver..

Patakbong umakyat si Hannah sa hagdan.. Nasalubong nya pa si Cynthia na kalalabas lang ng kusina..

"Hi Sis.. Aga mo ata?.." tanong ng dalaga pero nagulat sya ng lampasan lang sya ng kaibigan..

Hinatid na lang nya ng tingin si Hannah..

Eksaktong pumasok din si Romeo..

"San na si Lelay?.." tanong ng binata..

Nginuso ni Cynthia ang second floor..

Napabuntong hininga si Romeo at naupo sa mahabang sofa.. Kinuha ang remote at binuksan ang TV..

Tumabi sa kanya si Cynthia..

"Oy.. Anong nangyari don?.." tanong ng dalaga..

Pinatay ni Romeo ang TV ng walang magustuhang palabas..

"Pagod lang siguro.." sabi ng binata..

Napakunot noo si Cynthia..

"Pagod?.. Eh umiiyak?.. " tanong nya..

Ngumisi si Romeo..

"Baka natisod.. Tapos nakatapak ng pako kaya napaiyak sa sakit.. Takbo kasi ng takbo eh.." biro ng binata..

Pero di natawa si Cynthia..

"Ano nga?.. " pangungulit ng dalaga..

Sumeryoso si Romeo..

"Di ko alam kung paano i eexplain pero hayaan mo na muna sya.. May gusto lang akong hilingin sayo..Teka , bakit nandito ka pala?.." tanong ng binata..

Natawa si Cynthia..Pero di ito umabot sa magagandang mata nya..

"Mahabang kwento.. Remember Jim?.. Yung ginulpi nyo sa bar?.. " tanong ng dalaga.

Tumango si Romeo..

"It so happened na pagtapos ng incident na yon.. Grounded ako for 1 month.. " malungkot na kwento ni Cynthia..

Napangisi si Romeo ..

"Buti 1 month lang?.. Kung ako tatay mo .. Kakalbuhin pa kita.." biro ng binata..

Natawa din si Cynthia..

"Pero syempre.. Tumakas ako.. May nakilala akong guy .. Sad to say.. Member sya ng Frat.. " biglang tumulo ang isang luha ni Cynthia..

Poker face lang si Romeo.

"Wag mo na ikwento kung di ka pa handa.. Anyway.. May ipakikiusap lang ako sayo.." sabi ng binata..

Napangiti si Cynthia at pinahid ang mga mata..

"May kasalanan ka pa sa akin.." sabi ng dalaga..

Natawa si Romeo at nagkamot ng batok..

"Sorry.. Di ko na maalala eh.." palusot ng binata..

Sumimangot si Cynthia..

"Remember ng sinabihan mo akong bakat ang nipples ko nung first day of class?.. Ako lang naman ang sumampal sayo.." maangas na sabi ng dalaga.

Natawa ng malakas si Romeo..

"Ah yun ba?. Anyway.. Talaga naman kasing bakat eh.. " sabi lang nya..

Napanguso si Cynthia..

"Yaan mo na yon.. Friends na din tayo.. Yung ipapakiusap ko sayo.." sabi ni Romeo..

Tumango si Cynthia..

"Ano yon?.." tanong nya..

Sumeryoso ang mukha ni Romeo at tumayo na..

Lumapit sya sa pinto at nilingon ang dalaga..

"Don't ask Hannah about what happened.. Wag mong itanong kung anong dahilan kung bakit sya umiiyak.. Basta ang mahalaga.. Damayan mo lang sya. Hayaan mong sya ang kusang magkwento.. Sige.. Bye bye.." sabi ng binata at tuluyan ng lumabas..

Narinig pa ni Cynthia na nagbukas sara ang gate na bakal..

Nakangiti nyang tinahak ang hagdan paakyat at nilapitan ang pinto ng kaibigan..

Kakatok na sana sya ng makarinig ng mga lagabog..

Agad nyang pinagkakatok ang pinto…

"S-sis.. Let me in.." sabi ng dalaga..

PEro walang sumasagot..

Muli syang nakarinig ng kalabog..

Nakaramdam ng takot ang dalaga at tumakbo pababa ng hagdan..

Tinakbo nya ang malaking refrigerator at kinapa ang mga reserbang susi..

Agad nyang tinakbo ang pabalik sa kwarto ni Hannah at sinuksok ang spare key..

Pagbukas ay nanlaki ang mga mata ni Cynthia..

"Hannah !.." sigaw nya..

ITUTULOY !!!