1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 36 - Pagharap sa Tadhana
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 36 - Pagharap sa Tadhana

By supertoyantz ·

Chapter 36 - Pagharap sa Tadhana

Pabalik na ospital ang apat na alas..

Kasama na nila ang kani kanilang mga nanay..

Dire diretso sila sa kwarto ni Hannah..

Si Alona na ang nagbukas ng pinto..

Isa isa silang nagsipasukan..

Pero nagtaka sila ng makita ang nag aalalang mukha ni Krissia..

Pati sina Cynthia at Bea ay parang di mapakali..

Napakunot noo si Aldrin ng di makita ang kasintahan sa kama nito..

Nilapitan nya si Cynthia at tinanong..

"Nasaan si Hannah ?.." tanong ng binata..

Parang nag pipigil lang sa pag iyak ang dalaga..

Di ito nagsalita at tinapunan ng tingin sina Bea at Krissia na pasimpleng nagtatago sa gilid..

Lalong nagtaka ang mga bagong dating?

"Iha.. Nasaan ang pasyente?.." masuyong tanong ni Alona..

Sukat duon.. Napaiyak si Cynthia at napaupo sa upuan sa tabi ng kama ni Cynthia..

Nagulat ang lahat..

Agad na pinayapa ng mga ina ang dalaga..

Inabutan naman nila ng tubig si Cynthia.. Ng makainom ay saglit lang ang pinalipas nila bago muli itong tinanong.

"Iha.. Bakit ka umiyak?.. Nasaan si Hannah?.." tanong ng ina ni Rhoi..

Siminghot muna si Cynthia..

"Si L-lolo po.. Basta na lang kinuha si Hannah.. Akala ko magpapacheck lang kay Tito Zack pero nagpunta dito si Tito Zack kanina .. Hinahanap si Hannah.. " kwento ni Cynthia at muli itong humikbi..

Nagkatinginan ang lahat..

Parang napanganga si Aldrin sa narinig..

Agad na nilabas ng binata ang cellphone at dinial ang kasintahan.. Pero napakunot noo sya ng marinig ang mismong ringtone ni Hannah sa silid..

Nilabas ni Cynthia ang phone ni Hannah.. Napamura ng lihim ang binata..

"Anong gagawin ni Lolo kay Hannah?..Di ba dapat mamaya pa sya lalabas?.." tanong ni Darius..

Pero walang sumagot..

Natahimik ang lahat .. Kanya kanya ng isip kung ano ang maaaring maging dahilan ng matanda sa pagkuha sa apo nito.

Naupo si Romeo sa sofa ..

Sinundan sya ng tatlong alas..

Kumunot ang noo ni Aldrin ng may maalala..

Sinulyapan nya ang ama na tahimik din na nakaupo katabi ng ina..

"Dad… I think there's something you're not telling me.. " seryosong tanong ng anak..

Napalingon ang lahat sa mag ama..

Napakunot ang noo ni Nestor..

"What is it anak?.." tanong nya..

"About the letters.." diretsong sabi ni Aldrin..

Nanlaki ang mga mata ni Nestor at Alona..

"Y-you saw it?.." tanong ng ina..

Marahang tumango si Aldrin..Pero nangiti sya para di na magpanic ang mga magulang..

"It's okay Mom..Dad.. I just want to know if it is true.." tanong ng binata..

Nagkatinginan ang mag asawa.. Na curious ang lahat..

Tumango ng marahan si Nestor..

"Yea.. About your Lola and The letter from Lelay.. " sabi ng ama..

Napatango si Aldrin.. Di nya mapigilan ang mag hinala..

Nacurious ang tatlong alas..

"Ano yon tol?.." tanong ni Rhoi..

Sinimulang ikwento ni Aldrin ang mga nabasa nya sa sulat..

Di maiwasang magulat ng mga nakarinig ..

"You mean to say na nakatakdang ipakasal si Lelay ng Lolo nya sa ibang lalake?.." tanong ni Darius..

Tumango si Aldrin..

"Pare.. Di ka natatakot?.." tanong ni Rhoi..

Umiling naman ang binata.

"Alam ko ang iniisip nyo.. Pero makabagong panahon na tayo guys.. Siguro naman di na ipagpapatuloy ng Lolo ang pangako nila ng bestfriend nya.." kwento ni Aldrin..

"What if ipagpatuloy nya?.." seryosong sabi ni Romeo..

Natahimik ang lahat..

Binato ni Primo ng balat ng dalandan ang anak nya.

Tatawa tawang umiwas naman si Romeo..Pero tuloy pa rin ang pagdaloy ng ideya sa isip ni Aldrin..

Paano nga kung magpatuloy ang matanda?..

"D-di naman siguro.." pangungumbinsi nya sa sarili nya..

Ngumisi si Romeo..

"Sa pagkakaalam ko.. Mabigat ang salita sa mga barako nuong unang panahon.. Karangalan ang katumbas ng bawat pangako.. Di na ako mabibigla kung isa ang Lolo ni Hannah sa mga iilan na tinuturing ng sumpa ang bawat binitawang salita.." pang aasar ni Romeo..

Napaungol ang mga nasa loob..

Nagbibiro man.. May punto ang kaibigan nila..

Di maiwasang makaramdam ng kaba ni Aldrin..

"So pare.. You mean itutuloy ng Lolo ang balak nyang pakikipagkasundo sa bestfriend nya?.." tanong ni Darius..

Napatango si Romeo..

Biglang parang may naalala si Alona..Kinalabit nya ang kabiyak at binulungan..

Biglang natawa si Nestor na ipinagtaka ng lahat..

"Why Dad?.." tanong ni Aldrin..

Napailing si Nestor..

"Wala anak.. Baka nga pinagpatuloy ng dalawang matanda ang sinumpaan nila sa isa't isa.. Kawawa naman kayo.." pang aasar pa ng ama.

Nagtaka ang mga nasa kwarto..

Nagpuyos ang loob ni Aldrin.. Parang kinukutkot ang puso nya..

Di sya mapakali.. Bawat oras na dumadaan ay tila nababawasan naman ang tyansa na maging sila ni Hannah sa bandang huli..

Kailangan nyang gumawa ng paraan..

Bahala na..

Tumayo ang binata..

Napatingin sa kanya ang lahat..

"Mom.. Pupuntahan ko si Lelay.. !.." determinadong sabi ng binata.

Napangiti ang mag asawa..

"Okay lang anak.." sabi ng ina..

Hinalikan nya sa pisngi ang ina at tinapik ang ama sa balikat..

Tahimik na lumabas ng kwarto si Aldrin..

Binato muli ng balat ng dalandan ni Primo ang anak..

"Hoy !.. Sundan mo yon.. Akala ko ba Kwadro Alas kayo?.. Eh bakit pinabayaan nyo yung kaibigan nyo?.." sita ni Primo..

Natatawang tumayo si Romeo…

Sumunod naman sina Rhoi at Darius..

Sumitsit si Denzel sa anak..

"Oh. !.." binato ng ama ang isang bungkos ng susi kay Darius..

Napangiti ang binata..Nag thumbs up sa ama..

Hinabol ng tatlong alas ang mabibilis na paghakbang ni Aldrin patungong elevator.

Napangiti ang binata ng makita ang mga kaibigan nya.

Tahimik silang lumulan sa elevator..

Pagdating sa ground floor..

Agad silang lumabas at tinakbo ang sasakyan nina Darius..

Nasa NLEX na sila ng mag ring ang cellphone ni Romeo.

Agad naman itong sinagot ng binata at napakunot ang noo nya ..

"Really Uncle?.. Okay okay.. Actually.. We were about to go there.. Thank you.. Sige na.. Oops.. Still 10 percent.. No discounts.. Bahala kayo.. Bleeee.." landi ni Romeo..

Nagtawanan ang mga alas..

"Si Uncle Gustavo yon?.." tanong ni Rhoi..

Tumango si Romeo..

"Ano na naman kinurakot mo sa uncle mo?.." biro ni Aldrin..

Natawa si Romeo pero bigla syang may naalala..

"Mga tol.. Saglit.." muling nag dial si Romeo..

Ilang saglit lang din ay sinagot naman ito ng tinawagan nya.

"Saglit lang Uncle.. Sino yong girlfriend nung kuya nya?.." tanong ni Romeo..

Ilang segundo, napangiti ang binata..Pero nagningas ang mga mata nito..

"Okay thanks.. Muah muah.." landi nya..

Nagtawanan sila sa loob.

"Pare bagalan mo .." utos ni Romeo kay Darius.

"Gago.. Nasa expressway tayo.." sumbat ni Taba..

Natawa ulit sila..

"Sige itabi mo.. May gusto lang akong iconfirm.. Saglit lang.. " sabi ni Romeo..

Nagtataka man.. Tinabi ni Darius sa gilid ang kotse..

Muling nag dial si Romeo ..

"Hey Dad !.. Nandyan pa kayo sa room ni Hannah?.." tanong ng binata..

Ilang saglit lang..

"Okay okay.. Pakibigay naman po kay Cynthia yung phone.. Thank so much my handsome father.." pang uuto ni Romeo..

Napangiti ang mga kaibigan nya..

Ilang saglit pa..

"Cynthia.. Alam ko medyo akward itong itatanong ko.. Anong Frat ang kinabibilangan ng dating boyfriend mo?.." tanong ni Romeo.

Nagsalita naman ang nasa kabila..

Napatango tango si Romeo.

"Okay okay… Now.. Talk to me straight.. Whats his name?.. Yes yung Ex mo na gumago sayo.. Sorry for the term.." muling sabi ng binata..

Napangisi na si Romeo ng makuha ang lahat ng kailangang sagot..

"Good.. Thank you.. Anung gustong mong mangyari sa kanya?.." tanong pa nya..

Muling nag ningas ang mga mata ng binata..

Binaba na nya ang phone at tinitigan ang mga kapatid..

"Mga tol.. Eto ang di nyo pa alam.. Di ba kayo nagtataka kung bakit nandun si Cynthia sa bahay nina Hannah?.." bungad ni Romeo.

Nacurious ang tatlo..

"Oo nga eh .. After nung bar incident.. Now ko na lang ulit nakita si Cynthia.. Baket ba?.. Akala ko galit galit sila?.." tanong ni Rhoi..

Napangisi si Romeo..

"Actually.. Ampon lang daw si Cynthia.. Sabi ni Uncle Gus.. Then Drug Pushers mga nakagisnan nyang parents.. That explains the fast bloom of their wealth.. Well, Dati na daw mayaman ang family na yon .. Pero biglang angat lang talaga sila sa corporate ladder.. Kaya medyo nag init ang mga mata ng non-goverment society sa kanila.. Ito ang interesante dito.. Malaki pala ang pagkakautang ng pamilya na kinagisnan ni Cynthia sa pamilya ni Hannah.. Nangutang daw sa Lolo ang Father ni Cynthia para sa pag expand ng isa sa mga business nito.. Yun yung reason nya.. Pero lately, nabuking ni Uncle Gus na pinuhunan pala lahat sa drugs..Hinire ni Lolo si Uncle Gus para imbestagahan pa ang pamilyang yon.. Pero may natisod pa siya na talanga kamangha mangha.." kwento ni Romeo..

Lalong nacurious ang tatlo..

"Ganon?.. Ibig sabihin..Kung ampon si Cynthia.. Labas sya sa kahihiyan.. Tapos kung napautang ni Lolo ang Father na kinagisnan ni Cynthia..Meaning .. May share si Lolo sa Drug business na yon?.." tanong ni Rhoi..

Napatango si Romeo..

"Lumalabas na ganon na nga.. Pero syempre may alibi si Lolo.. Siguro naman di yon mag dadrugs.. Tanda na eh.. Viagra pwede pa .. Drugs din yon." biro ng binata.

NAgtawanan sila.

"But wait.. There's more.." biro ni Romeo.

Natigil ang tawanan..Nakinig sa gwapong kaibigan..

"Ang kwento ni Cynthia kay Hannah na nakwento naman ni Hannah kay Lolo na nakwento naman ni Lolo kay Uncle Gus.." pakwela ni Romeo..

"Na nakwento naman ni Uncle Gus sayo.." dugtong ni Aldrin..

Tumawa silang apat..

"Yea yea.. Bale.. Di naman daw alam ni Cynthia ang istorya tungkol sa Drugs.. Basta ang sinabi nya kay Hannah.. Na kinwento naman ni Hannah kay Lolo.. Na kinwento naman ni Lolo kay Uncle Gus..Na nachismis naman ni Uncle saken.." biro ni Romeo.

Pinagbabatukan sya ng tatlo..

"Tangnang to.. Tuloy mo na kasi.." sita ni Darius..

Tawa ng tawa si Romeo pero muli itong nag seryoso..

"Yon nga.. Di daw alam ni Cynthia ang tungkol sa Drugs sa pamilya nila.. Ang pinagsisintir daw ng loob nya ay malamig daw ang pagtrato sa kanya sa pamilya..Meaning.. Parang di daw anak ang turing sa kanya.. Kaya nag rebelde.. Kita naman natin ang resulta.. After nung Bar Incident.. Grounded daw si Cynthia ng 1 month.. Syempre , taong lakwatsera , so parang reclusion perpetwa ang katumbas ng pagkakabilanggo nya sa bahay.. Tumakas ang loka.." landi ni Romeo..

Natahimik ang tatlo..

"After ng successful escape nya.. Syempre walang pera.. Walang damit..Pero maganda.. Madaling nakakuha ng bagong boyfriend si Cynthia..Pero malas sya.. Member ng isang kilalang Frat ang nakuha nya.. Di lang ata member.. Parang officer pa.. Pero ang masaklap nito.. Ginawa syang bitch.. Parausan.. Di lang isa.. Kada may neophite ata.. Sya ang inaalay.. Siguro tatlong lalake ang nagpapalit palit sa katawan nya.." malungkot na kwento ni Romeo.

Pati ang tatlo ay nakaramdam ng lungkot at awa para kay Cynthia..

"Yan ang napapala ng mga nagrerebelde.." singit ni Rhoi.

Tumango ang tatlo.

"Wala naman talagang mapapala ang pagrerebelde.. Sabihin na nating di maganda ang pagtrato sa kanya.. Siguro sapat na dahilan na yon para maisip nya na kailangan nyang alagaan ang sarili nya.. Wala syang ibang aasahan kundi sarili lamang nya.." pangangatwiran ni Aldrin.

Sumang ayon ang lahat.

"Wala naman talagang ibubungang maganda ang pagsuway sa magulang.. Diba may kasabihan nga na walang magulang ang magpapahamak sa anak.. Sabihin na natin na cold ang pagtrato sa kanya.. Pero yung ideya na tinago sa kanya ng mga magulang nya ang kwento tungkol sa bawal na droga.. Ibig sabihin siguro non ayaw syang madamay ng mga ito.. Nakakalungkot naman.." napabuntong hininga pa si Darius.

Natahimik silang apat..

"Pero di pa yan ang finale.." biglang singit ni Romeo..

Muli silang nagkatinginan.

"Ang siste.. Ang nakuhang boyfriend ni Cynthia na miyembro ng Frat ay walang iba kundi ang Ama ni Veronica..Anak ng Ate ni Bea .." biglang siwalat ni Romeo..

Nanlaki ang mata ng tatlo..

"Wee?.. Grabe.. Ang tindi non.. Putsa.. Dapat na yong mahuli pre !.." sigaw ni Rhoi..

Tumango si Romeo..

Akala nila tapos na..

Pero di pa pala..

"And last and the most important of all.. Si Steve na ex ni Cynthia.. Ama ng anak ng kapatid ni Bea na naging dahilan ng muntik nyong paghihiwalay ni Hannah.. Ay kapatid ni Stefen.. Or should I say Estonggoloid?.." seryosong siwalat ni Romeo..

Tulala ang lahat..

Walang nakapagsalita.

Ilang saglit na katahimikan ang naganap..

Unti unting umahon ang galit sa puso ng tatlong alas..

Napangisi si Romeo..

"Azteg no?.. Courtesy of Uncle Gus and syempre ako.." sumandal sa upuan si Romeo.

Napangiti ang tatlong alas..

"Pare.. Pasensya na talaga kung nasabihan kitang nang iiwan sa ere.. Pati yung pagkakasuntok ko sayo.." hinging paumanhin ni Aldrin..

"Tarantado.. Anong akala mo saken?.. Palalampasin ko yon?.. Nakalista yon gago.. Sisingilin kita pagdating ng araw.. For the meantime.. Let's focus sa plano.. Anong uunahin natin?.. May natanggap akong tawag mula kay Uncle Gus.. Nagbago na daw ng location si Steve.. Namataan daw ito sa Hasyenda nila.. Lalampas tayo sa Hasyenda nina Hannah.. Anong gustong gawin natin?.. Malamang nandun din si Estong.. " tanong ni Romeo..

Nagkatinginan ang tatlong alas..

Napaisip si Aldrin..

Kumuyom ang mga kamao nya..

Tiningnan nya si Romeo..

"Unahin natin si Estong..Pati yung kuya nyang bakla.." seryosong sabi ni Aldrin..

Tumango si Romeo at nilabas ang cellphone..

"Uncle Gus.. Didiretso kami sa Hasyenda nina Steve.. Opo.. Kami na ang huhuli sa kanya.. Kung makakatakas sya.. Sorry na lang.. Hahaha.. Magaling ka namang mang hunting ng tao eh.. Unahan na lang tayo.. !.." biro ni Romeo..

Natawa ang tatlong alas.

Ilang saglit pa.. Nasa expressway na naman sila..

Tahimik.. Hinahanda ang sarili.

Napadaan sila sa isang maliit na bayan..

Nalampasan na ni Darius ang isang karinderya pero bigla nitong nireverse ang kambyo..

Napaungol ang tatlong alas ng biglang umandar paatras ang kotse at huminto sa isang karinderya..

Walang sabi sabing bumaba si Darius at tinungo ang nasabing kainan.

Nagkangitian na lang ang tatlong alas.

Sinundan nila ang kaibigan..Pumasok sila sa loob..

Sabay sabay pa silang naupo sa isang mesa..

Konti lang ang tao…

Maliit man.. Masasabing maayos ang nasabing kainan..

Agad silang nilapitan ng isang cute na babae..

"Ahm.. Mga sir.. Ano pong order?.." tanong nito sa kakaibang punto.

Natawa ang apat na alas.

"Pwedeng ikaw na lang ang kainin namin?.." tanong ni Romeo.

Nagblush ang waitress .. Binatukan ni Rhoi ang kaibigan..

"Sorry miss.. Sige.. Nilagang baboy saken.. Tapos 2 kanin.." sabi ni Rhoi.

Napangiti ang babae at nilista ang sinabi ng binata..

"Ganun na din sakin miss.." sabi ni Aldrin.

"Adobo saken.. 2 rice din..Tsaka Coke Litro.." bilin ni Romeo..

Napangiti na lang ang babae..

"Lahat ng ulam .. Tapos 5 kanin.." biglang banat ni Darius.

Nanlaki ang mga mata ng babae .. Tumawa sya .. Pero di tumawa ang mga binata..

"S-sir?.. Totoo?.." tanong ng dalaga..

Napatango si Darius..

"Sige na miss.. Di ka namamalikmata.. Akala mo lang baboy yan pero tao yan.." biro ni Rhoi.

Natawa naman ang babae at muling sinulyapan si Darius..

Di pa rin makapaniwala..

Ilang saglit pa.. Nagdatingan na ang mga inorder nila.

Tahimik na kumain ang apat na alas..

Napansin nilang lumabas muli yung cute na waitress at nakiupo sa kalapit na mesa sa bandang likod ni Aldrin..

Kasalukuyang may nakaupong dalawang lalake duon..

Di nila nadidinig ang pinag uusapan ng tatlo..Tuloy lang sa pagkain ang apat na alas.

Biglang sinubsob ng isang lalake ang ulo nya sa mesa..

Hinaplos naman ng babae ang likod ng nakasubsob na lalake..

Nacurios ang apat na alas.

Mabilis nilang tinapos ang kinakain..

Habang nagpapahinga.. Umalis ang babae at kinwenta ang bill nila..

Tinitigan ni Rhoi ang lalakeng kanina lang ay nakasubsob ang ulo..

Di sya nakatiis..

"Pare.. Problema?.." tanong ni Rhoi.

Ngumiti ang lalake ng malungkot.

"Wala pre.. Salamat.." sabi nito..

Napangiti na lang si Rhoi at nagkibit balikat..

Pero umepal ang katapat nitong lalake..

"Ah.. Sige na pre.. Sabi nila.. Mas maganda daw ikwento ang problema sa mga estranghero.. Malay mo makatulong sila.. " sabi nito..

Napangiti ang apat na alas..

"By the way pare.. Lezard..Eto naman si Raffy.." pakilala nung isa.

Isa isang nagpakilala ang mga alas pati na yung dalawang lalake..

Lumabas yung babae at inabot ang bill kay Romeo..

Pero ngumuso lang ang binata at pinitik ang tenga ni Darius..

Napaungol ang binata..

"Ikaw ang dahilan kung bakit tayo biglang kumain.. Ikaw ang magbayad.." sabi ni Romeo..

Napasimangot si Darius.

Natawa naman si Romeo..

Muling naupo ang waitress sa tabi nung Raffy..

"Ay.. Mga tol.. Si Mia nga pala ito.. Mia.. Sina Romeo, Rhoi , Darius at Aldrin.. New Friends.." sabi ni Lezard..

Napangiti si Mia..

"Hi.. Nice meeting you.." sabi ng dalaga..

Tumango ang apat na alas..

"Yung problema ng unggoy na to.." turo ni Darius kay Raffy..

Natawa sina Lez at Mia..

"Ah.. Kasi may Girlfriend sya.. Bale First Love daw nya.. " kwento ni Mia..

Siniko nya si Raffy..

"Kaw na magkwento Lez.." sabi ng dalaga..

Tumango naman si Lezard..

"Yun nga.. Eh nakakuha ng trabaho sa Manila itong si Raffy… So kailangan nyang iwan si Girlfriend.." kwento ng binata..

Natawa ang apat na alas..

"Eh anong problema don?.. Sus para yon lang eh.." sabi ni Aldrin..

Tumango sina Romeo..

"Eh kasi.. Natatakot syang baka maligawan ng iba ang girlfriend nya.." sabi ni Mia..

Natawa naman lalo ang apat na alas..

"Sus ginoo.. Kumuha ka ng dictionary.. Hanapin mo ang salitang Trust tapos isulat mo sa palad mo yung meaning.." biglang banat ni Romeo..

Napangiti sina Mia at Lezard..

"Yung yung sinasabi namin sa kanya.. Pero ayaw nyang makinig eh.." sabi ni Mia..

Umungol si Raffy..

"Di naman sa wala akong tiwala sa girlfriend ko.. Kasi may nanliligaw sa kanya na anak ng kapitan ng baryo namin eh.." nakasimangot na sabi nito..

Nagtawanan ang apat na alas.

"Ahahaha.. Kapitan lang pala..Pero sabagay.. Pero hindi pa rin.. Bakit ka natatakot ?.. Ang point don.. Bakit kailangang magpaligaw pa ang girlfriend mo?.. " tanong ni Rhoi..

Nalungkot si Raffy..

"Kaya nga eh.. Ewan ko ba.." sabi nito..

Tumango sina Lez at Mia..

"Well.. Kung di kami naghahabol ng oras.. Susugurin pa sana namin yung anak ng kapitan.. Pero ito ang isiksik mo sa kukote mo.. Wag ka ng umalis kung wala ka din lang tiwala sa girlfriend mo.. Pero kung meron sige go ka.. Magtrabaho ka.. Tapos kung pagbalik mo nagtaksil sya sayo.. Meaning di kayo para sa isa't isa.." pangaral ni Romeo..

"Tama.. Move on ka na boy.. " sabi ni Rhoi..

Nagkatinginan sina Lez at Mia..

"Pero first love nya yon.. Mahirap mag move on.. Di ba sabi nila. First Love never dies?.." sabi ni Mia..

Napangisi si Romeo..

"Ah.. That's not totally right.. Yea.. Sort of.. Actually.. I believe that first love never dies, sa isip ng tao.. Eventually.. If happens na makakita ka ng bago.. First love will never fade pa rin.. It will stuck in your brain and in your heart.. Mali kasi yung interpretation kadalasan ng mga tao.. When they see their first loves, akala nila nabuhay muli yung damdamin.. Pero ang di nila alam.. Di naman talaga namamatay ang damdamin sa puso nila patungkol sa first love.. Actually.. Di lang first love.. Lahat ng minahal nila.. Di yon nawawala.. But it refuses to grow.. May special spot na ang lahat ng minamahal mo sa puso mo..Parang apartment.. Lahat yan may kwarto na.. Pero syempre.. Once you find the one for you.. Maookupa na ng the one mo yung buong puso mo.. Pero nandun pa rin yung mga taong minahal mo.. Natural yon.. Wag mong ipagkamali yon .. First Love never dies.. But it refuses to grow.. Nasa sayo ang susi kung paano mo panghahawakan ang damdamin mo iho.." pangaral ni Romeo..

Natulala ang tatlo..

Napangiti ang tatlong alas.

"Kung wala ka talagang tiwala.. Bago ka umalis.. anakan mo muna.. " pahabol ni Romeo..

Nagtawanan ang tatlong alas..

"Teka.. MAgsyota ba kayo?.." turo ni Rhoi kay Mia at Lezard..

Nagblush ang dalaga at napailing.. Napangisi naman si Lezard at nanlaki ang butas ng ilong..

Nauna na si Romeo na lumabas..

Tatawa tawang sumunod naman sa kanya ang mga kapatid nya..

Nakanganga lang si Raffy ..

"Hoy !.. " untag ni Mia..

Natawa si Lezard at hinatid ng tingin ang apat na alas..

"Ang galing nila.." sabi ni Raffy..

"Yea.. Ang popogi pa.." banat ni Lezard..

"Okay ka na?.." tanong ni Mia..

Tumango si Raffy..

Napangiti na lang sila at hinatid ng tanaw ang apat na naggagwapuhang binata..Pero biglang nanlaki ang mga mata ni Mia..

Napatingin si Lezard at Raffy sa kanya..

"Why?.." tanong ni Raffy..

Tarantang hinabol ni Mia ang kotse ng apat na alas.

"Di pa sila nagbabayad !.." sigaw ni Mia..

Pero huli na.. Malayo na ang kotse..

On the way ulit ang apat na alas..

Nilampasan nila ang hasyenda ng mga Montefalco..

Diretso sila sa susunod na bayan..

Huminto si Darius para magpagasolina..

Then after non.. Diretso ulit sila.

"Mga pare.. To the next level na itong pagpasok natin sa teritoryo ng iba.." sabi ni Romeo..

Nagtaka ang tatlo.

"What you mean?.." tanong ni Rhoi..

"Maaari na tayong mamatay dito sa gagawin natin.." biglang sabi ni Romeo..

Natahimik ang tatlo.

"Ah.. Sige pre.. Ako na lang ang pupunta.." sabi ni Aldrin..

Nagtawanan ang tatlong alas.

"Gagong to.. Ang drama ampota." biro ni Rhoi..

Napangiti si Aldrin..

"Pero seryoso ako.. Pwede na nila tayong kasuhan ng tresspassing.. Sinasabi ko lang.. In case na magkagulo.. Pwede nila tayong basta nalang barilin.." sabi ni Romeo..

Napangisi ang tatlong alas.

"Walang iwanan.." sabi ni Rhoi..

"Walang atrasan.." banat ni Darius..

"Back up natin ang isa't isa.." seryosong sabi ni Darius.

Tumango si Romeo..

Nilahad nya ang palad..Dinuraan..

Napangiti ang tatlong alas..

Dinuraan din nila ang mga palad nila at hinawakan ang palad ng isa't isa.

"Kwadro Alas !.." sigaw ni Romeo..

Ngumiti ang apat..

Biglang binawi ni Romeo ang palad nya.

Agad namang binawi din ng tatlo ang sarili nilang palad at sabay sabay na nagpunas..

"Sino ba kasi nakaisip non?.." tanong ni Rhoi..

Tinuro nila si Romeo.

"Eh yung yung nakikita ko sa TV eh.. Sige na.. Kadiri.." banat ng binata.

Nagtawanan sila..

Isang oras ang lumipas.

Pumasok na sa pribadong pag aari ang sasakyang kinalululanan ng apat na alas..

Dahan dahan silang umibas palabas ng sasakyan.

Nagmasid masid muna sila..

Tatawag na sana si Romeo sa ama nya pero eksaktong may lumabas na lalake mula sa isang malaking bahay..

NAgkatinginan ang apat na alas..

"Maybe that's Steve.. Kamukha ni Estong eh.." bulong ni Aldrin..

Napatango si Romeo at tinuloy ang pag tawag..

Di pa sya nakakatapos ay may lumabas pa na isang lalake..

Nagkatinginan ulit ang apat na alas..

"Gotcha !.." bulong ni Aldrin..

"Yan si Estong?.." tanong ni Darius..

Tumango ang binata..

Bumuo sila ng squre.. Parang sa basketball.. Pinlano nila ang gagawing paghuli sa magkapatid..

"Okay pare.. This is you.. Rhoi .. Box out pare.. Tapos Taba.. Wait mo pasa ko then pasa mo ulit kay Aldrin palabas.. Tira mo agad ng tres pare.. Wag ka matakot ..Kami rerebound.." nag guhit guhit pa si Romeo sa lupa.

Pinagkokotongan sya ng mga kaibigan nya..

"Tangna.. Be serious. !.." sigaw ni Darius.. Pero muli syang bumulong..

Sinaway siya ng iba na manahimik..

"Be serious kasi pare.. Anyway.. Pasok naman yan pag ako tumira eh.." banat ni Aldrin..

Nagtawanan silang apat..

Biglang nagsalita si Romeo.

"Ang sabi ni Uncle Gus.. May nabaril daw yang kapatid ni Estong kaya hinahunting sya ng magulang nung nabaril nya.. May reward ata yan.. So meaning , kapag nahuli natin sya.. May pera tayo.." sabi ni Romeo..

Napangisi ang tatlo.

"Game.. Ganito.. " nagbulungan ang apat na alas..

Sumali ang mga tutubi sa meeting nila..

Pati mga uod nakipulong na din..

"So yon nga.. Okay ba?.." sabi ni Romeo.

Tumango ang tatlo..

Tiningnan nila ang magkapatid..

"Let's Rock !.." sigaw ni Romeo..

Bigla syang tumakbo palapit sa magkapatid ..

Sumunod ang tatlo pa.

Nagulat ang magkapatid na Estong at Steve..

Taranta silang tatakbo sana pero nadama nina Aldrin at Rhoi si Estong..

Tinalunan ni Darius si Steve at hinawakan ni Romeo ang hita nito.

Huli ang magkapatid..

Sinikmuraan ni Darius si Steve dahil medyo may kalakihan ang katawan nito..

Halos mapaluhod ang lalake..

Pero talagang malakas ito.

Hinubad ni Romeo ang suot na belt at tinali sa paa ni Steve..

Walang nagawa ang lalake.. Nakaupo sya habang pinagsusuntok nina Romeo at Darius.

Si Estong naman ay hawak ni Rhoi..

Nakatitig lang sa kanya si Aldrin..

Nakalatag sa muka ni Estong ang takot..

Si Aldrin naman ay kanina pa nang gigil pero inaawat nya ang sarili..

Tinali nila ang dalawa sa isang puno.

Naupo sila sa harap nito at pinagbabato nila ng maliliit na bato ang dalawa..

"Tagal naman nila Tito.." reklamo ni Darius.

Eksaktong pagsabi nya..

Nakarinig sila ng wang wang ng mga pulis..

Nagsidatingan na ang mga alagad ng batas kasama ang ama nila..

Agad na lumapit ang mga ito sa mga binata na nag camp fire pa sa tapat ng puno..

"Para kayong nag camping dito ah.." biro ni Vincent..

Natawa naman ang mga binata.

"Tama Dad..Ito ang kakainin namin eh.." turo ni Rhoi sa dalawang nakatali…

Nagtaka si Gustavo kung paano nila nahuli ang magkapatid..

Pero di na sya nagtanong..

Lagi namang ganito..Magugulat pa ba sya sa apat na alas?..

Akala nila tapos na ang gulo pero dumating ang lolo ni Hannah.

Sakay ito ng kotse ..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin..

Seryosong lumapit ang Lolo sa nakataling si Estong.

"Itinuring ko kayong mga apo.. Pero anong ginawa nyo?.." madiin na sabi ng Lolo..

Di makatingin ang magkapatid.

Binulungan ni Romeo ang matanda..

NApakunot noo ito pero tumango..

Nagulat ang lahat ng kalagan ni Romeo ang tali ni Estong..

Tinapik nya si Aldrin..

"Pare.. Wag ka ng mahiya.. Banatan mo na.." sabi ni Romeo..

Napangisi si Aldrin..Kinwelyuhan nya si Estong at kinaladkad sa mas malawak na lugar..

Sumunod ang lahat.. Pinalibutan nila ang dalawang binata..

"Marami ka ng atraso saken.. ! " sigaw ni Aldrin..

Sinuntok nya si Estong ng malakas sa panga.. Hilo ang binata pero agad itong bumangon at sinikmuraan si Aldrin..

Napaluhod ang binata .. Pero agad din syang tumayo at sinipa si Estong.. Sapul sa tyan, umatras si Estong..

Pinatungan ni Aldrin ang binata at walang habas na pinagsusuntok sa mukha..

Iwas ng iwas si Estong.. Yung ibang suntok ni Aldrin sa lupa na tumatama pero tuloy pa rin sya sa pag unday ng malalakas na suntok.. Sa gigil nya..

Inuntog nya ang ulo nya sa ulo ni Estong..

Duguan na ang mukha ng binata pero di pa rin tumitigil si Aldrin..

Lumapit na si Nestor sa anak… Inawat ito..

"Tama na.. Nakaganti ka na.. Tingnan mo oh.." bulong ng ama..

Nahimasmasan ang binata at sinulyapan ang mukha ni Estong.. Parang naging abstract painting na ang mukha nito..

Puno ng dugo at maga ang labi..

Ni hindi magawang makabangon ng binata.. Inalalayan sya ng mga pulis na kasama ni Gustavo..

Sumigaw si Steve..

"That's ilegal !.. " sigaw nya..

Pero tahimik ang lahat..

"Wala kaming nakita.." sabi ng Lolo..

Natawa naman ang lahat..

Diniretso na sa mobile ng pulisya ang magkapatid..

Nagpaalam na si Gustavo sa lahat at sinamahan ang mga pulis..

Lumapit si Aldrin sa Lolo ni Hannah..

"Lo.. Nasan po si Lelay?.." tanong nya.

Ngumiti ang Lolo..

"Nasa simbahan apo.." sabi ng Lolo..

Nanlaki ang mga mata ng apat na alas.

"Pare.. Ikakasal na sya !.." sigaw ni Romeo..

"T-teka.. Hindi !.." pahabol ng lolo..

Pero parang walang narinig ang apat..

Walang salitang nag takbuhan ang apat na alas at sinakyan muli ang kotseng ginamit nila..

Takbo sila sa pinakamalapit na simbahan..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin ng makitang may nakahimpil na mga sasakyan sa harap ng simbahan..

Tinalon na nila halos ang mga hagdan..

Taranta silang pumasok sa loob..

"Itigil ang kasaaaaaaallll !!!.." sigaw ng apat na alas..

Nagulo ang mga nasa loob..

Lumabas si Hannah na nakadamit ng puti..

Naiyak si Aldrin ng makita ang pari..

Napaluhod pa sya sa sahig at nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mga mata..

Nataranta si Hannah .. Nilapitan nya ang nobyo at masuyong inakay papunta sa upuan ng simbahan..

"Heart baket?.." tanong ng dalaga..

Umiiyak na hinaplos ni Aldrin ang pisngi ni Hannah..

"Baket Heart?.. Bakit ka pa rin nagpakasal?.. Iniwan mo ako .." sumbat ni Aldrin..

Napakunot noo si Hannah.. Bigla syang sumabog ng tawa..

Naasar ang tatlong alas.

"Grabe.. Tinawanan ka lang pre?.." tanong ni Darius..

Tawa ng tawa si Hannah.. Napahawak pa sya sa tyan nya habang tumatawa ng walang humpay..

Ilang saglit pa ang lumipas bago sya nakarecover..

Tinuro ng dalaga ang mga tao..

"Mga tange !.. Binyag to !.. Di to kasal !.." sigaw ni Hannah..

Napanganga ang apat na alas..

Hiyang hiya sila sa paring masama ang tingin sa kanila..

Pati mga tao ay di maitago ang sama ng loob sa nagulong kaganapan..

Tawa ng tawa pa rin si Hannah..

Inalalayan nya ang nobyo papunta sa harap ng simbahan kung saan nagaganap ang binyagan.

"Tita.. Si Aldrin po.. Boyfriend ko.." pakilala ni Hannah..

Sumimangot ang ina ng bibinyagan..

Naupo ang tatlong alas sa upuan ng simbahan..

"Binyag pala ampota.." sabi ni Rhoi..

Nagtawanan sila..

Biglang nag ring ang cellphone ni Romeo..

Agad nya itong sinagot ..

"Oy Dad.. !." sagot ni Romeo..

Pero di si Primo ang sumagot.

"Romeo?.. Si Aldrin at Hannah nandyan ba?.." tanong ni Nestor.

"Opo Tito.. Baket po?.." tanong ni Romeo..

Napabungisngis ang mga nasa kabilang linya..

Nagtaka si Romeo..

"Hala mga baliw.." biro ng binata.

"Paki sabi sa dalawa.. Sorry sila.. Nakatakda pa ring ipakasal si Hannah.. Tutuparin pa rin ng Lolo ang kasunduan.. Kailangan ng umuwi ni Hannah dahil nandito na ang Bestfriend ng Lolo nya.." sabi ni Nestor..

Nanlaki ang mga mata ni Romeo.

Tulala nyang binaba ang cellphone at tinitigan ang dalawang katabing kaibigan..

"Pare baket daw?.." tanong ni Rhoi.

Sinabi nya ang sinabi ni Nestor.

"Whhaaat?.. Di pa rin tapos yan?.. Hala naman !.." sigaw ni Darius.

Nakuha nila ang atensyon ng mga tao.. Masama na naman ang tingin sa kanila ng pari kaya lumabas silang tatlo.

Pumwesto sila sa tabi ng simbahan..

"Paano natin sasabihin sa kanila?.." tanong ni Rhoi.

Nagkibit balikat si Romeo..

Di din sya makapaniwala sa dami ng hadlang sa pag iibigan ng kaibigan nila.

"Putangnang tadhana yan.. Akala nya matatalo nya ang Kwadro Alas?.. Hah !.." sigaw ni Romeo..

Biglang lumabas si Aldrin at Hannah..

"Ano yon pre?.." tanong ni Aldrin.

Nag katinginan ang tatlo.

"Kailangan nyong malaman ito.. Dumating na daw yung bestfriend ng Lolo mo Hannah. .Tuloy pa rin daw yung kasunduan ! .. "imporma ni Rhoi.

NAnlaki ang mga mata ng magkasintahan..

Naiiyak na si Hannah .. Hinawakan ni Aldrin ang kamay ng nobya at matatag na tumingin sa mga kaibigan nya.

"Mga tol.. Di na ako papayag.. Kailangang harapin namin ang matatanda.. Samahan nyo kame.. Kung di nila kami payagan na magkatuluyan.. Lalayas kami.." determinadong sabi ni Aldrin..

Tumango ang tatlong alas.

Sumakay na sila sa kotse.. Di na nila hinintay ang pagtapos ng binyag..

NAgyakap sina Hannah at Aldrin..

"Heart.. Handa akong ipaglaban ka.. " matigas na sabi ng binata..

Tumango si Hannah at dinampian ng halik ang nobyo..

Tumigas na din ang loob nya dahil sa katatagan na nakikita nya sa mga mata ng kasintahan..

Lalaban na sila..

Di na sila tatakas pang muli..

ITUTULOY !!!..