1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 12 - Heads Up!
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 12 - Heads Up!

By supertoyantz ·

Chapter 12 - Heads Up !

Inuulit ko po sa lahat ng nais magkaroon ng lehitimo at kumpletong kopya ng mga stories ko..

Sa akin po kayo magsabi ..

Di nyo makukuha yan sa iba..

Maraming salamat po sa Patuloy na pagtangkilik sa ating Droga..

-tOyantz..

Start..

Kalagitnaan ng klase..

Abala ang lahat sa pakikinig sa guro ..

"So class.. Prepare one fourth sheet of paper and let's take a short quiz.." wika nito..

Napaungol ang buong klase..

Sa pangunguna ng kwadro alas..

Naghawak hawak sila ng kamay at nagsimulang umungol..

"Ahuummmmm…. Ahuummmmmm.." sabay sabay na ungol ng kwadro Alas..

Nagtawanan ang buong klase pati na ang guro..

"Oh tama ng OA actions apat na unggoy.. " natatawang sabi ng guro..

No choice sila kundi sumunod..

Isa isang nagsilabasan ng kanya kanyang papel ang mga estudyante..

Akmang ilalabas ni Ekang ang isang pad ng one fourth paper nya ng magulat sya dahil paglingon nya ay napapalibutan na sya ng kwadro alas..

Lahat nakangiti at kumikinang ang mga mata..

Pinaikot ni Ekang ang eyeballs at natawa..

"Kunwari nagulat daw ako at magtatanong ha?.. UHmm.. Anong ginagawa nyong apat ?.. " tanong nya sabay tawa..

Napakamot sina Darius..

"Nakalimutan ko yung papel ko.. " palusot nya..

Sumang ayon ang tatlo..

Natawa si Krissing..

"Wag ka ng magpacute Tabar.. Wala talaga kayong balak magdala .. " pang aasar nya..

Napangisi si Rhoi at tumabi sa bestfriend..

"Bes.. Gumaganda ka lately.. " pang uuto nya..

Pero di pa sya nakakatapos ay sinupalpal na sya ng isang papel ni Krissing sa mukha.

"Wag ka na mang uto bes.. Dami mong satsat eh.. " tatawa tawang sabi nya..

Napangiti si Rhoi..

Si Darius ay lumapit kay Ekang at bumulong..

"Penge.. " bulong nya..

Nanigas si Ekang ng masamyo ang mabangong hininga ng binatilyo..

Pinigilan nyang mapapikit sa kiliting dumaloy sa ugat nya dahil sa ginawa nito..

Tinago nya ito sa pamamagitan ng pagsimangot..

Pumilas si Ekang ng isa at inabot sa kaibigan..

"Oh.. Sa uulitin kase tubuan naman kayo ng hiya.. Talo nyo pang 4 ang nagkaroon ng taga dala ng gamit nyo.. Lagi na lang kami ni Kris ang inaasahan nyo sa mga ganito eh.. " reklamo nya..

Nagreklamo sina Aldrin at Romeo..

"Oy kame pa.. " sabi ni Aldrin..

Lumapit ang isa nilang classmate at inabutan si Aldrin ng isa..

"Aldrin oh.. " nahihiyang sabi nito..

Napa "uuyyy.. " ang klase..

Ngising aso naman si Aldrin at winagayway sa mukha ni Romeo ang papel..

Pero poker face lang si Romeo..

"I will wait for a few seconds.. I'm sure na uulanin ako ng papel.. " tiwalang sabi nya..

Natapos na ang palugit na binigay ng teacher sa paglalabas ng papel at pag rereview pero wala pa ring nag aabot kay Romeo..

Nagtatawanan na ang mga kapatid nya pati na sina Ekang at Krissing..

Pahiya ang binatilyo..

Pero poker face lang sya..

"Come on.. Samantalahin nyo na ang pagkakataon na mapalapit saken sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang papel.. Ang dali na kaya non.. " pang uuto nya sa mga kaklase..

Pero tinawanan lang sya ng mga ito..

Napatayo si Romeo.

Natigil ang tawanan..

"Ayaw nyo talaga?.. " inis na sabi nya..

Walang sumasagot..

Tawanan lang ang mga kapatid nya..

Sa inis..

Lumabas si Romeo..

"Romeo.. Where do you think you're going ?.. " nakataas ang isang kilay na tanong ng guro..

"To the bathroom Ma'am.." palusot nya..

"Kung kelan magsisimula na ang quiz?.. " tanong pa ng guro..

"Oks lang Ma'am.. Simulan nyo na po kahit wala ako.. Para maiwasan ko ang pag perfect.. " nakangising sabi nya..

Nagtawanan ang tatlong alas pati na sina Ekang at Krissing..

"Haha.. Palabiro ka talaga.. Bilisan mo at hihintayin ka namin.. " sabi ng mabait na guro..

"KDOT.. " sabi ni Romeo at nagpose ng pang KPOP..

After 3 minutes bumalik si Romeo..

Dala ang isang plastic ng papel..

Nanlaki ang mga mata ng tatlong alas..

"San galing yan tol ?.. " tanong ni Aldrin..

Napangisi si Romeo at bumalik sa upuan..

"Sa charity tol.. Di nyo pinapansin kagwapuhan ko dito ah.. Di nangikil ako sa ibang section.. Konting kindat at ngiti lang ang puhunan mga tol.. " pagyayabang nya..

Namangha ang mga kapatid nya..

"Oh tama na yan.. Essay tayo kids.. As you can see.. May mga sinulat ako dito sa board.. Pick one here to be your topic then define it by your own words.. You can also pick more that one if you want.. Kayo na rin ang bahalang maglagay ng title..I will give you 30 minutes to do it.. Good luck !.. And wait.. I will pick 1 essay that can compete to the other sections.. So do your best, patunayan natin sa iba na mas maraming matatalino sa sections natin.. Di yung puro magugulo.. " nandidilat ang mga mata ng guro sabay baling sa apat na apat na parang mga maamong tuta..

Hawak ang relos..

Sinulyapan ng guro ang mga estudyante sabay sabing..

"Go.. " sabi nya..

Nagfocus ang mga estudyante..

Tahimik at walang nag iingay..

Napangiti si Mrs. Pugoy na Class Adviser nila..

Sinulyapan nya ang Sikat na Kwadro Alas at lalo syang napangiti ng makitang nakayuko ang mga ito..

"Sineryoso .. " bulong nya..

Biro lang nya sa una ang competition about sa essay..

Pero di naman masamang ideya ito..

Sa katunayan.. Sa nakikita nyang pagpupursigi sa mga estudyanteng hawak nya..

Mukang magkakaroon nga ng competition..

Napailing na lang sya at lumabas na ng silid para ibalita sa ibang section ang tungkol dito..

Pero mukhang kilala na nya ang mananalo..

Oo at kilala sa pagiging magulo ang sections nila..

Katunayan, ilang beses na syang natawag sa guidance office dahil sa kagagawan ng apat na alas..

Pero nuon pa man ay may natuklasan na sya sa mga ito..

Hindi ang apat na alas ang nagsisimula ng bawat gulo..

Sadya lang na maliligalig ang mga ito kaya laging napapasangkot sa away..

Pero sa nakikita nya..

Magagalang ang mga ito..

Matatalino..

At mababait..

Pero bigla ding natawa si Mrs.Pugoy sa naisip..

"Mababait? .. Ahh.. Nevermind. " natatawang bulong nya sa sarili..

Meanwhile..

Sa loob ng klase..

Tahimik ang buong 1-Kampupot..

Focused ang lahat sa ginaganap na pagsusulit..

Ayos na sana..

Ng biglang mabasag ang katahimikan..

Tumayo si Romeo..

Laylay ang dila na binuksan ang electric fan..

Napatingin ang lahat sa kanya..

"Punyeta ka Darius !.. Ako na naman ang nabiktima mo !.. " asar na sabi nya..

Nagtawanan ang mga estudyante..

Pero natigilan din sila ng kumalat na ang nakalalasong kemikal ..

Napatayo silang lahat..

Si Darius ay nakangisi at pinayapa ang mga kaklase..

"Easy guys.. It will subside.. " pang aalo nya..

Pero nakasimangot lang ang iba..

Matapos ang takdang oras..

Bumalik si Mrs.Pugoy..

Dala nya ang mga co-teachers para kumpletuhin na ang biglaang contests..

Pinagmamalaki nya ang klase nya..

"Hay nako Edith.. Parang ang hirap pa ring maniwala na matitino yang mga estudyante mo eh.. " tila di kumbinsidong sabi ng kapwa teacher..

Napatango ang iba..

Di maiwasang masaktan ni Mrs. Pugoy..

Biglang Adviser ng 1-Kampupot, tumatayo na syang pangalawang ina ng mga ito.

Bagama't magugulo, isang sabi lamang nya ay napapatahimik na nya ang mga ito.. Taliwas sa sinasabi ng iba na di ito kayang hawakan..

Malapit na sila sa classroom ng marinig ang tawanan..

Natigilan si Mrs. Pugoy..

Napayuko sya dahil nagsimulang magngisian ang mga kasama nya..

"See ?.. Di pa man tayo nakakalapit pero kita mo naman ang ingay nila. Abot na ata sa dulo ng corridor eh.. " pang aasar ng isa..

Walang naisagot ang butihing guro..

"Stay here.. Let me handle them first.. Tatawagin ko na lang kayo.. " walang emosyong sabi nya..

Dire diretso syang pumasok sa klase..

Naabutan nyang nagtatawanan ang mga ito at si Romeo ay nakatayo malapit sa electric fan..

Natigil ang tawanan ang mga estudyante..

Tumikhim ang guro at nagtungo sa desk..

"Guys.. Ang alam ko may iniwan akong gawain sa inyo.. But it seems that you're not taking me seriously.. " halata sa boses ang pagtatampo.

Natahimik ang klase..

Dahan dahang nag ayos ang lahat..

"What's up Ma'am !.. " tanong ni Darius..

Natulala si Mrs.Pugoy..

.

Natawa naman ng mahina ang mga gurong nasa labas..

"See ?.. Look at this class.. Ni walang manners.. To think na nasa private school tayo.. " natatawang sabi ng isa..

Tahimik lamang si Mrs.Pugoy..

"I can see that you are having fun already.. Tapos na siguro ninyo ang pinapagawa ko ?.. " tanong nya..

Tumango ang ilan..

Kasama ang kwadro alas..

Napangiti si Mrs.Pugoy ng lihim..

Nagpasya syang tawagan na ang mga co-teachers..

"Uhm.. I almost forgot.. Nandito ang mga kapwa ko teachers to be your judge sa gagawin nating competition.. Guys.. " pagtawag nya sa iba..

Natahimik lalo ang klase..

Isa isang tumayo ng pumasok ang 3 pang guro ..

"Good Morning Ma'am.. " sabi ng iba..

Pero natawa ang mga guro ng iba ang sabihin ng kwadro alas..

"Good Morning Pretties.. ! .. " sabay sabay na sabi ng apat..

Napahawak sa noo si Mrs.Pugoy..

"Ang gugulo nga nila .. " bulong ng isa..

Tumayo ang adviser..

"Now.. I will pick one of you then basahin nyo ang sinulat nyo . Understood ?.. " tanong nya..

Nagkatinginan ang lahat..

"Ay kahiya.. " landi ni Darius..

Nagtawanan sila..

Napailing na lang ang mga bisitang guro..

Isa isang tinawag ang mga estudyante..

So far so good naman sa tingin ng ibang tearchers..

Pero hindi ito ang inaabangan nila..

Kundi ang tawagin ang isa sa apat na unggoy..

Balita na buong campus ang pagiging "mababait" ng mga ito..

Batid nila na wala itong ibubuga sa academics..

Kaya di nila palalampasin na ipahiya mismo ng mga ito ang sarili nila sa harap ng iba..

"Darius Guzman !.. " pagtawag ng guro..

Natahimik ang lahat..

Biglang nagsalita ang isang teacher..

"May I remind you guys, na seryoso ang competition na ito.. Kaya naman na umaasa kami na walang "basurang essay" na hahalos sa mga ipinasa nyo.. " banat nito..

Natulala ang klase..

Napatingin kay Darius..

Sumimangot ang binatilyo..

"Wag nyo nga kong titigan.. Porke gwapo ako kailangan tititigan na ?.. Naco-concious din kaya ako.. " biro nya..

Pero ang mga kapatid nya lang ang tumawa..

Maging si Ekang ay biglang natulala..

Kinabahan sya para sa binatilyo..

Nakuyom ang kamao nya at napapikit..

Sinimulang umusal ng panalangin..

Pero napadilat sya ng maramdaman ang kalabit sa braso..

Paglingon nya ay si Romeo at nakasimangot ito..

"Anong ginagawa mo ?.. Nagdarasal para sa kaluluwa ni Tabar?.. Sama mo naman kami.. " nakasimangot na sabi ito..

Nainis si Ekang at inirapan ang kaibigan..

"This is all I can do to help him .. " sabi nya..

Pero natawa ng mahina si Romeo..

"Why ?.. Kailangan nya ba ng tulong mo ?.. " tanong nya..

Pinandilatan ni Ekang ng mga mata ang kaibigan..

"Can't you see ?.. O sadyang manhid ka lang ?.. Baka mapahiya sya !.. " sabi nya..

Pero natigilan sya ng sumeryoso ang mukha ni Romeo..

"Ni hindi sumagi sa isip ko na mapapahiya si Tabar sa mga ganitong kaganapan.. Kahit katiting.. Hindi nababawasan ang tiwala ko sa kanya.. Dapat na ikaw, bilang kaibigan nya.. Ay kapareho ko ng pag - iisip.. But it seems that you do not believe Darius anymore.." seryosong sabi nya..

Natameme si Ekang..

Nanliit sa sinabi ng kaibigan..

Nakaramdam sya ng hiya dito..

Pero higit sa lahat ay sa sarili..

Nawalan sya ng tiwala..

Napayuko ang dalagita..

.
Tumikhim si Romeo..

"Prove me wrong Ekang.. " sabi lang nya..

Umangat ang mukha ni Dannica at nakipagtitigan kay Romeo.

Dahan dahan syang nagbaling ng tingin kay Darius.

"Go Joweebee.. " bulong nya.

Napangisi si Romeo at nagdekwatro..

"Tangna mo Tabar wag kang magkakalat at ikakahiya ka namin gago !.. " bulong ni Romeo..

Nanlaki ang mga mata ni Ekang..

Pero kinindatan lang sya ng binatilyo..

Napangiti si Darius sa narinig..

Aminado syang kinakabahan..

Pero ng marinig ang sinabi ni Romeo at ni Ekang..

Kahit papaano ay nabawasan ang kaba nya sa dibdib..

"So Mr.Guzman.. What are you waiting for .?.. " tanong ng isang mataray na guro..

Napangisi si Tabar..

"Ang tawag dito dramatical pause Ma'am.. Have'nt you heard of it ?.. " biro nya..

Natigilan ang guro ng magtawanan ang klase..

Pati si Mrs.Pugoy ay tinago ang pagtawa..

"Oh loko.. " sabi nya sa sarili..

Naasar ang guro..

"Whatever.. Just explain your essay.. " sabi nito sabay..

Huminga ng malalim si Darius..

Pero nagsalita si Romeo.

"Oh ayan na naman. Magpapasabog ka na naman no .?.. " biro nya..

Nagtawanan ang lahat..

"Romeo will you please shut up ?.. " asar na sabi ni Mrs.Pugoy..

Pero maging sya ay nangingiti..

,
Nagfocus ulit si Darius..

"The title of my essay is "Heads UP !" panimula nya..

Tumango ang iba..

"I chose the topic "Teens , Nowadays and what is the difference between now and the teens before.. " ulit pa nya..

Umepal si Romeo..

"Ang bagal naman.. Ako na next eh.. " bulong nya..

"Silence Romeo, or else kukurutin kita sa singit.. " banta ng guro..

"Aaaayyyy.. Type ..! " biro pa ni Romeo pero tumahimik din sya..

Kinotongan ni Darius ang kaibigan at nagsimula ulit..

"Tulad po ng sinabi ko.. Pinili ko po ang topic na yan.. Pero ang totoo po.. Wala akong pakealam sa pinagkaiba ng mga kabataan nuon at ngayon.. Maikli lamang po ang essay ko kung mapapansin nyo.. Pero I am pretty sure that wala yang pagkukulang.. First, I will explain the first paragraph.. Kung mababasa nyo po.. Nakasulat dyan kung paano kami nagkakilala ng mga kaibigan ko.. We've been through upsides and downs.. Marami kaming pinasok na gulo..Marami kaming ginawang kapilyuhan.. Mga bonding moments na talaga namang pong nakakaasar para sa iba..

. I don't think that teens before and now have so much differences.. Besides sa mga gadgets, sa tingin ko po ay wala ng iba.. Tulad namin ng mga kaibigan ko.. Normal na mga barkada lamang po kami.. Walang gaanong pinag kaiba bukod sa gwapo kaming lahat.. Pero that's beside the point I know.. Siningit ko lang..

. Me and my friends, tulad ng nauna ko ng sinabi .. Marami kaming gusot na pinasukan.. Pero ito po ang ipinagmamalaki ko sa lahat.. Ito marahil ang wala sa ibang barkada..

. We never let our friends down..Pumasok kami sa gusot na apat kami.. Lalabas kami na apat pa rin kame.. Walang nagbago.. Bagkos, lalo lamang nitong pinagtitibay ang aming pagkakaibigan.. Na maihahalintulad na sa pamilya..

. That explains the first paragraph..

. Ang huli po ay explanation kung bakit Heads Up ang title nito..

. I am not scared to try new things.. Why ?.. Because I knew, kahit di man ako lumingon.. Kahit di ko na sila tingnan para maniguro.. Alam ko, nakasisiguro ako.. Na nandyan sila sa likod ko.. Para suportahan ako..We are scared of anything as long as alam namin na nasa tama kami ..And that's the reason why I am walking Heads Up !.. Because I knew that behind me, Is one hell of a family..

. I thank you !.. " madamdaming sabi nya sabay kaway na parang Miss Universe..

Napangiti sina Romeo, Aldrin at Rhoi..

Wala ng nagsalita..

Natameme na rin ang mga bisitang guro..

Binaling ni Mrs.Pugoy ang tingin sa labas ng bintana para itago ang pangingilid ng luha sa mga mata..

"Di ko akalaing magkakaroon ako ng mga estudyanteng gaya nila sa tanang ng pagtuturo ko… " bulong nya sa sarili..

.
Mangha si Ekang..

Wala syang nagawa kundi pumalakpak ng mahina at pagmasdan si Darius na kinukuyog ng mga kapatid nito..

"I love you more because of that Joweebee.. Now I know why kung bakit kayong apat ay laging nakataas ang noo kapag naglalakad.. Akala ko sadya lang kayong mayayabang.. Yun pala, pinagyayabang nyo na nasa likod nyo ang isa't isa.." wika nya…

ITUTULOY !!!