1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 13 - Like Father, Like Son
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 13 - Like Father, Like Son

By supertoyantz ·

Chapter 13 - Like Father, Like Son

Mainit ang sikat ng araw..

Alas otso ng umaga..

Araw ng linggo nuon..

Kasama ang mga kaibigan ng mga ama..

Ginawa nila ang isa sa mga weekly bonding ng pamilya..

5 on 5 ang laban..

Sa isang team..

Ang mag amang Aldrin at Nestor, Kasama ang Mag amang Rhoi at Vincent .. Pang lima nila si Rigor na long time friend ng mga ama..

Sa kabila naman ay ang mag aamang Primo - Romeo at Denzel - Darius.. Sentro nila ang nag iisang anak ni Rigor na si Danilo Dimagiba.. Kaibigan din ng Kwadro Alas..

Sumipol si Gustavo na tumatayong epal sa laro..

"Okay.. Jumpball !.. " sigaw nya..

Nagkamay muna silang lahat bago magsimula..

Pumwesto sa gitna ang mag amang Rigor at Danilo..

Napangiti sa isa't isa..

"Talunin mo yan Kuya Dan !.. " pag cheer ni Romeo sa kaibigan..

Napangisi si Danilo..

Alam nya ang kapasidad ng ama..

Napangisi din si Rigor..

Halos singtangkad na nya ang anak..

Sa batang edad nitong katorse, alam na alam nya ang lakas nito sa pagtalon..

Sa bahay nila sa kabilang subdivision, mayroon din silang mini court..

At taon taon, sinusukat ni Danilo ang taas nito sa pagtalon..

Pataas ng pataas bawat taon.. Kaya alam nya na hindi sya mananalo dito..

Yun ay kung patas ang laban..

Bata pa ang anak nya..

Lalo syang napangisi..

"Tatay.. Pasensya na lang muna.. Kami ang mananalo.. " kampanteng sabi ni Danilo sa ama..

"KDOT .. " landi ni Rigor..

Nagtawanan sila..

Lumapit si Gustavo hawak ang bola..

"Okay, Team Di - Naliligo laban sa Team Di - Nagtotoothbrush.. Are you ready guys ?.. " biro nya..

Lalong silang nagtawanan..

"But before anything else.. I would like to thank Dr. Jose Rizal, para sa slogan na "Ang Kabataan ay ang Pag asa ng Bayan", kaya marami sa ngayong panahon ang gumagawa ng bata.. Sa ina at ama ng Demokrasya, dahil kung di dahil sa kanila.. May curfew pa rin ngayon na hanggang 10 PM lang sa kalye.. Ang hassle kaya non. And ofcourse, makakalimutan ko ba naman ang gwapong gwapo at walang kapantay sa kabaitan na si Toyantz.. Kung di dahil sa kanya.. Di mangyayari ang event na ito.. Kung di sya nantrip na isulat tayo.. Malamang.. Oh shet, naiiyak ako.. " naglabas si Gustavo ng eye-mo at pinahiran ang gilid ng magkabilang mata..

Nakatikim sya ng batok sa mga kaibigan..

"Arte pota.. " reklamo ni Rigor..

"Tangnang to.. Extra na nga lang tayo dito tapos di ko pa hahabaan ang linya ko.. " katwiran ni Gustavo..

Napaisip din ang kapre..

"Sabagay.. May point ka friendship.. " sagot nya at nag apir sila..

Tawanan again..

"Okay game na.. Wala tayong ibang rules kundi ang basic rules ng basketball.. Pero mas maganda siguro kung dadagdagan natin ng konting spice.. Pwedeng manuntok.. Pwedeng manipa at manaksak na lang.. " biro nya..

Pero nagtigil din sya ng pagkokotongan ng mga kaibigan..

"Haha.. Game na nga.. " sabi ni Gustavo..

Napaungol ang mga maglalaro..

"Ano ganito na lang tayo ?.. Kanina linggo pa.. Lunes na ata ah.. " reklamo ni Primo..

"OA mo insan.. Anyway.. I want you guys to have a clean fight.. No hitting below the belt.. When I say hiwalay.. You make hiwalay to each other.. Clear?.. " hirit pa nya..

Napasimangot na ang iba..

Tinaas ni Gustavo ang isang kamay bilang tanda ng pagsuko..

"Okay okay.. Gora na tayo mga friendships.. Jumpball.. " sabi nya sabay pito.

Nagready sina Danilo at Rigor sa pag aagawan ng bola..

Pero tinapik ni Rigor ang balikat ng anak..

"Nak, " pagtawag nya..

Napatingin ang binata..

"Tay ?.. " tanog nya..

Ngumisi si Rigor..

"Sasabihin ko sa Nanay mo na hindi mo diniligan kanina yung tanim nyang daisies.. " banta nya..

Nanlaki ang mga mata ni Danilo..

"Pero Tay !, di ba sabi mo ikaw ang magdidilig ?.. Inutusan mo kaya akong magtimpla ng kape mo !.. " reklamo nya..

Bungisngis si Rigor..

"Pero ikaw ang inutusan nya right ?.. Hala ka.. " pananakot nya.

Natulala si Danilo..

Sumipol si Gustavo at hinagis ang bola..

Buong gilas na tumalon si Rigor..

Tinapik ang bola sa kaibigang si Vincent..

"Hahaha.. Joke lang anak…" landi ni Rigor sabay takbo sa court nila..

Napasimangot si Danilo..

"Tatay !.. " reklamo nya..

.
.
Gumulong ang laro..

Pantay lang ang score..

Lumipas ang ilang oras..

Akmang titira ng 3 points si Aldrin pero mabilis syang nilapitan nina Romeo at Darius para kilitiin..

Kapos ang tira nya..

Nakuha ito ni Primo at binato ng malakas sa anak na si Romeo..

Takbo si Darius sa kabila..

Pinasa ni Romeo ang bola..

Pero naagaw ni Rhoi..

Balik ang bola kina Aldrin..

Nag dribble si Rhoi sabay cross over sa Tyuhin na si Denzel..

Nalampasan nya ito at akmang titira ng makarinig ng boses..

"Tol si Krissing !.. " sigaw ni Romeo..

Napahinto si Rhoi kaya sinamantala ito ni Danilo para agawin ang bola..

Napasimangot sya ng wala naman si Krissing..

Na steal ang bola sa kanya..

.

Hawak ni Danilo.. Mabilis nya itong pinasa sa Tito na si Primo para sa fastbreak..

Naglay-up sya..

Score !..

Lamang ang Team nina Darius ng 2 ..

Nagreklamo si Rhoi..

"Wala naman si Krissing ah !.. " sabi nya.

Bungisngis sina Darius..

"Namalikmata dre.. " inosenteng sagot ni Romeo..

Last 30 seconds ng laro..

Naitabla ni Rigor ang score ng idakdak nya ang bola sa harap ng anak..

Inbound ni Primo..

Hawak ang bola..

Tinitingnan nya kung kanino ito ipapasa..

Mahigpit na ang bantayan..

Nagsisimula na ang tensyon..

Seryoso ang mga mukha ng mga kalaban nya at kakampi kaya natatawa sya ..

"Hoy ang papangit nyo kapag seryoso.. !.. " biro ni Primo..

Dahil sa sinabi ng Hari ng Spades, nawala ang seryosong aura ng lahat at napalitan ng ngiti..

Ibinato nya ang bola sa anak na si Romeo..

Pero natigilan sila ng makarinig ng tawanan mula sa kabilang court..

Nahinto ang laro nila ng makitang may nag titipong mga kalalakihan sa kabila na tila magsisimula ng maglaro..

Kilala nila ang mga kapitbahay nila..

Kaya nakasisiguro silang hindi taga rito ang mga ito..

.
Nagkatinginan ang mga hari..

Nagkibit balikat..

Lumapit si Rigor sa kaibigan si Primo..

"Parekoy.. Sino yang mga yan ?.. " tanong nya..

"Di ko kilala yan parekoy.. " sagot nya..

Lumapit din sina Vincent, Nestor at Denzel..

"Parang namumukhaan ko yung isa mga tol.. Parang yan yung tatay nung teen celebrity eh.. Si Arielle Padilla ba yon.. Yung nakasando na pula.. " turo ni Vincent..

"Yung malaki ang katawan na yon ?.. Sus .. Ampaw yan saken !.. " gigil na sabi ni Rigor..

"Sige tol.. Sa akin na yung naka blue na shirt.. Type ko yung shirt nya eh.. Baka pwedeng arborin ko after ko syang pahalikin sa lupa.." sabi ni Denzel..

Napa "eewww" ang mga kaibigan nya sabay tawa..

"Langya ka.. Ambaho na nyan tapos aarborin mo pa ?.. " natatawang sabi ni Nestor..

Natawa din si Denzel..

"Sino ba nagsabi na isusuot ko?.. Gagawin ko sanang pamunas sa makina ng kotse ko.." biro nya.

Lumapit na din si Gustavo sa mga kaibigan..

"Maglalaro ata sila.. Hindi man lang tayo pinatapos.. Anong gusto nilang palabasin ?.. Porke mas maraming malalaki sa kanila kumpara sa atin na iisa lang ang abnormal na kapre ?.. " biro nya sabay akbay kay Rigor..

Natatawang gumanti ng akbay ang kapre..

"Tara balasahin na yan.. " suhestyon ni Vincent..

"Game ! .. Matagal na akong walang away mula ng mapasailalim ako sa pamumuno ni Kumander eh .. " biro ni Rigor..

Nagtawanan sila..

Pinayapa ni Primo ang mga kaibigan..

"Friendships.. Isipin nyo ang mga anak nyo.. Ano na lang ang iisipin nila kung makikita nila tayong makipag away ?.. Baka gayahin tayo ng mga bata.." sabi nya..

Napaisip at napatango tango ang mga tatay maliban kay Gustavo..

"Speaking of kids.. Where are they ?.. " tanong ni Denzel ..

Nagtaka ang lahat..

Wala ang limang kabataan..

Hahanapin sana nila ang mga ito ng biglang may lumipad na isang plastic ng tubig patungo sa mga lalaking naglalaro sa kabila..

Tumama ito sa ulo ng naka sando..

Rinig nila ang pagmumura nito .. Hinahanap ang may sala..

Pero muling may lumipad na isa pang plastic ng tubig..

Ngunit iba na ang kulay nito..

Medyo itim na na halatang galing sa kanal..

.
Tumama ito sa sahig at sumabog..

Nagtalsikan ang tubig nito sa mga naglalaro..

Inamoy ng isa ang tubig na tumama sa paa nya.

Napangiwi sya bigla.

"Putsa !.. Ang baho !.. " sabi nito na tila masuka suka..

Hinanap ng mga malalaking katawan ang pinanggalingan ng tubig..

Pero bigo sila..

Bumaling ang tingin ng nakasandong pula kina Primo ..

"Sila ata may pakana eh !.. " gigil na sabi nya sabay lapit..

Sumunod ang mga kasama nya..

Ni hindi man lang nakitaan ang takot sa mga mata sina Primo kasama ang iba pa.

"Sinong naghagis ng tubig kanal ?.. " galit na tanong ng nakasandong pula..

Nakatayo lang si Primo..

Poker face..

Di sya nagsalita kaya pakiramdam ng lalaki ay binastos sya..

Pumorma sya ng suntok ..

Pero ng tatama na ito ay may humawak sa kamay nya.

"Oopss.. Wag kang ganyan tol.. " nakangising sabi ni Gustavo..

Di pa rin natitinag si Primo.

Pumorma ang ibang kasama ng lalaki..

Natigilan ang isang lalaki ng makita si Primo ng malapitan..

Kinalabit nya ang kasamang kulot ang buhok..

"Bro.. P-parang nakikilala ko yang mga yan.. " bulong nito..

Napatingin ito kina Vincent at Gustavo…

Unti unting nanlaki ang mga mata ng unti unti ding bumalik ang alaala..
.

Humakbang si Rigor paharap..

"Problema ?.. Dapat nga kami ang magalit sa inyo kase naglalaro pa kame, bigla na lang kayo sumisingit.. " kalmadong sabi nya..

Dumura ang isang lalaki sa sahig..

"Pwe !.. Pake namin sa inyo ?.. Eh kanina pa kayo naglalaro.. Naiinip na kami !.. " pasigaw na sabi nito..

Tinulak pa si Rigor sa dibdib..

Igaganti sana ni Denzel ang kaibigan..

Pero nakarinig sila ng dribble ng bola.

Pagtingin nila ay napangisi ang mga ama ng makita ang mga anak na naglalaro sa kabilang court..

Napatingin din ang mga lalaki..

Pero di nila ito pinansin..

Bagkos ay muling tinulak ng isa si Rigor sa dibdib..

"Ano !.. Wag mong sabihing malaki ka. !.. Akala mo aatrasan ka namin ?.. " singhal nito..

Pero bigla syang napa "aray" ng may tumamang kung ano sa ulo nya..

Agad syang lumingon..

Kita nya ang mga kabataan na nagbubungisngisan ..

"Sorry po kuya.. Nadulas eh.. " sabi ni Danilo..

Pero kita sa mukha nito na hindi ito nagsisisi sa ginawa..

Bumwelta ang lalaki..

Para sugurin si Danilo..

Pero di pa sya nakakalapit ng biglang may tumamang plastic ng tubig kanal sa likod nya..

Napahiyaw sya sa baho ng amoy..

"Ohh fuck !.. Who the hell did that !.. " sigaw nya..

Nagtawanan ang kwadro alas..

"Wag ka na kaseng lalapit pa kuya.. " nanlilisik ang mga matang sabi ni Romeo..

Nagtawanan ang mga ama.

Nang may maalala si Vincent ..

"Tol.. Di mo ba namumukhaan yang kulot na yan ?.. " tanong nya kay Primo..

Napaisip din si Primo..

Ilang saglit pa ay napapitik pa sya sa hangin..

"Oo nga !.. Sila yung tatlong itlog dun sa laban nina Zack dati ng basketball… Yung pinagtanim natin ng kamote sa likod ng building nila .. Hahaha.. Long time no see tol !.. " masayang sabi ni Primo sabay tapik sa braso ng kulot na lalaki..

Malaki na ang pinagbago ng katawan nito.

.
Natahimik si Kulot..

Nanliit.

Halatang alaga sya sa gym..

Pero di nya maintindihan ang reaksyon ng katawan ng maalala ang nangyari nuon sa likod ng building ng eskwelahan nila nuong highschool..

Nagtawag pa sya ng mga kasama para upakan ang tatlong mayayabang na dayo..

Pero imbes na sila ang manggulpe.. Sila ang nagulpe at sa dulo nga ay pinagbungkal pa sila ng lupa para magtanim ng kamote..

Ayaw na sana nyang maalala ang nakaraan..Sobrang kahihiyan ang inabot nila nuon..

Pero mukhang minamalas sila at namukhaan pa rin sila nina Primo..

Muli.. Naramdaman na naman nya ang takot na akala nya ay nabaon na sa limot..

Kaya imbes na tulungan ang mga kasama..

Walang sabi sabing nag walkout na lang sya..

.
Nalungkot si Primo..

"Ay.. Di man lang ata nya tayo namiss mga tol.." landi nya.

Natawa sina Vincent at Gustavo..

"Oy ! paano yan.. Iniwan na kayo ng isa nyong kasama.. 5 na lang kayo oh.. " sabi ni Rigor..

Hindi sya inintindi ng mga ito..

Bagkos.

Nilapitan ng limang lalaki ang mga anak nila..

Nakaramdam ng kaba si Rigor ng kwelyuhan ng malaking katawan ang anak nya..

Lalapit sana sya para upakan ang nang kwelyo..

Pero inawat sya ni Primo..

"Dito tayo parekoy.. at manuod.. Kung paano nila hawakan ang mga ganyang sitwasyon.. " sabi ni Primo sabay naglakad patungo sa bench para maupo..

Sumunod sa kanya ang iba pa..

Alumpihit na naupo si Rigor..

.
Ni hindi man lang nakaramdam ng takot si Danilo ng kwelyuhan sya ng lalaking nakasando.

Batid nya..

May pader sa likod nya..

Gawa sa apat na alas.

Kaya napangisi na lang sya..

"Hello koya.. Ang baho nyo po.. " biro ni Danilo..

Nagalit ito..

Nagmura..

"Babalatan kita ng buhay bata !.. " sabi nya..

Ngunit nagtaka sya kung bakit tila may mainit na likidong dumadaloy sa kanyang binti..

.
"Let it flow tol.. Hmm.. Sarap di ba ?.. " bulong ni Romeo kay Darius..

Napabungisngis sina Aldrin at Rhoi .

Pagtingin ng lalaki ay nabitawan nya ang kwelyo ni Danilo.

"Putsa !.. Bakit mo ko inihian ? .. " sigaw nito..

Nagtawanan ang mga tatay ..

"S-sorry po.. Naiihi na kasi ako eh.. " sagot ni Darius..

Sa gigil nya.

Pumorma sya ng suntok ..

Napatayo si Denzel..

Mabilis na tinakbo ang anak..

At walang sabi sabing binuntal sa panga ang lalaking malaki ang katawan..

Hilo itong bumagsak sa lupa..

Nanlaki ang mga mata ng mga kasama ng lalaki..

Sinugod din nila si Denzel.

Pero di natigilan sila ng makitang nakapalibot na sa kanila sina Primo, Vincent, Gustavo, Nestor at Rigor.

"Kapag yang kamay nyo ay dumapo sa isa sa mga kaibigan lalo na sa mga anak namin.. Titiyakin ko sa inyo na hindi na kayo makakalabas sa gym na ito ng diretso ang paglalakad .. " kalmadong banta ni Primo..

Nakaramdam ng takot ang apat pang natira..

"Dalhin nyo na yan.. Baka kung ano pa ang magawa ng mga anak namin dyan.. " natatawang wika ni Vincent.

Pumoporma na ang kwadro alas maliban kay Darius ng pag ihi..

Kaya dali daling binuhat ng apat ang kasama nila palabas ng gym..

Nagtawanan ang mga tatay ..

"Loko talaga yang mga anak nyo eh.. Like father , Like son lang ang PEG.. " sabi ni Gustavo.

Ilang saglit pa ay nakarinig sila ng hagikgikan..

Paglingon nila ay nasa gilid ang mga reyna nila kasama ang asawa ni Rigor ..

"Uwi na Daddy.. Lalamig na yung breakfast nyo.. " pag aya ni Annette..

Ang kaninang mabagsik na aura ng Apat na Hari ay napalitan ng pagiging maamo..

Isa isa silang lumapit sa mga kabiyak..

Pati si Rigor ay inakbayan ang anak sabay lapit sa asawa..

Naiwan si Gustavo na umiiling..

"Haha.. Mga Under !.. " sabi nya sabay sunod sa mga kaibigan..

ITUTULOY !!!