1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 17 - We did it Our way !..
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 17 - We did it Our way !..

By supertoyantz ·

Chapter 17 - We did it Our way !..

Sa labas ng subdivision nina Ekang..

Naghihintay ang apat na alas..

Ilang saglit pa ay may pumaradang kotse..

Kung titingnan sa malayo ang sasakyan, masasabi mong walang awa ang nagmamay ari nito..

Lumang modelo at kung ano ano pa ang kulay na tila napagdiskitahan ng lasing..

Lumabas ang apat na lalaki..

Pawang gwapo at makikisig.

Napangiti ng makita ang apat na alas na parang mga pulubing nakaupo sa bangketa.

"Ang tagal nyo Dad !.. " reklamo ni Darius sa amang si Denzel.

Natawa si Denzel at binato ang susi sa anak.

"Oh, saan ang lakad nyo ?.. May away ba ? .. " tanong ni Primo..

Nagkatinginan ang apat na alas..

"W-wala po . " nag maang maangan pa si Aldrin pero tinawanan lamang sya ng ama..

"Asus, at sa atin pa daw maglilihim ang mga ito.. Eh kanino ba kayo nanggaling ?.. Sa amin din naman di ba ?.. " natatawang sabi ni Nestor at inakbayan ang anak..

Tumikhim si Vincent..

"Mga iho, siguro naman nasa sapat na kayong pag iisip di ba ?.. Busog kayo sa pangaral ng mga nanay nyo.. Alam nyo na siguro kung ano ang tama at mali.. " pangaral nya.

Natahimik ang apat na alas..

"Ano bang problema this time ?.. " tanong ni Primo.

Akmang sasagot si Romeo pero inawat sya ni Darius..

"K-kasi po Tito.. Kilala nyo po si Ekang di ba ?.. " tanong nya..

Tumango si Primo at nagkatinginan sila ni Denzel..

"Bakit, anong nangyari sa kanya anak ?.. " tanong nya..

Lumapit si Darius sa ama..

"May prank caller po sya.. " sabi nya..

Natahimik ang mga tatay.

"Ano bang sinasabi ?.. " tanong ni Primo..

"Wala po Tito, tatawag lang po sya early in the morning.. Si Ekang naman nasa kasarapan ng tulog , syempre akala nya emergency po, tapos wala palang sasagot.. Kaya laging aburido si Ekang sa school..Napapabayaan nya na po ang pag aaral nya. At kapag napabayaan nya ang pag aaral nya, bababa ang grades nya.. At kapag bumaba ang grades nya, babagsak sya, at kapag bumagsak sya, mahihirapan syang kumuha ng trabaho.. at kapag - .. " madamdaming salaysay ni Darius pero inawat na sya ng ama..

"Tama na anak, ako'y naluluha na sa maaaring maging kahinatnan ng iyong makabagbag damdaming kwento.. Pero nais ko din sanang sabihin sa'yo na ang korni mo.. " natatawang awat nya..

Nagtawanan ang mga ama..

Napangiti ang mga alas..

"So paano, saan kayo nyan ?.. Teka, paano nyo naman nasiguro kung sino nga ang prank caller ?.. " tanong ni Primo..

Ngumisi si Romeo at nilabas ang tracker na ninakaw nya sa Tiyuhing si Gustavo..

"Eto mahal kong Ama.. " nakangising pinakita nya ang gadget..

Biglang piningot ni Primo ang anak sa tenga.

"Anak ka talaga ng tatay mo, sa Tito Gustavo mo na naman yan ah ?.. Nakoo.. Tapos ako na naman ang uutusan mong mag sauli ?. .. " tanong nya..

Napangiwi si Romeo ..

"T-teka Taytay., s-sige na ako na ang mga sasauli kay Uncle..Aray ko naman.. " reklamo nya..

Binitawan ni Primo ang anak at niyakap..

"Mag ingat ka anak, alalahanin mong ikaw ang utak ng grupo nyo.. Kaya nasa mga kamay mo ang responsibilidad kung sakaling mapahamak kayo.. " bulong nya..

Napako sa kinatatayuan si Romeo..

Di nya naisip ang konsekwensya..

Aminado syang kadalasan, sya ang pasimuno sa mga kalokohan nila..

Pero di sya nababahala, dahil alam nyang suportado sila ng mga magulang nila..

Tinitigan nya ang ama at napaisip..

Pero tinapik lamang sya nito sa balikat..

"Kaya mo yan, magtiwala ka sa mga kapatid mo.. " pahabol na bulong ni Primo..

Tumango si Romeo at ngumiti..

Lumapit si Denzel sa compartment ng kotse at binuksan ito..

Natuwa ang mga alas ng makita ang apat na baseball bat na may signature design ng apat na alas..

"Regalo namin yan sa inyo. Mag iingat kayo ha .. " sabi ni Denzel..

Napatango ng lahat sila..

..

Napangiti si Darius.

"Okay , tara na .. " sabi nya..

Tumango ang ibang alas..

Kanya kanya silang sakay ng kotse.

Si Rhoi ang nasa manubela..

"Ingat kayo anak, umuwi kayo ng maaga at alam nyo naman kung gaano kabangis ang mga nanay nyo.. " banta ni Vincent..

Napangiwi ang mga ama pati na ang mga anak..

Inabot ni Darius ang susi kay Rhoi at kumaway sila sa mga ama..

Ilang saglit pa ay kasama na sila sa maraming sasakyang nagsisiksikan sa kalye..

..

Sa isang sikat na unibersidad na pang mayaman..

Normal ang araw hapon na iyon sa mga estudyante..

Paroo't parito sila..

Abala ang bawat isa sa kani - kanilang mga aralin..

Isa na dito si Randy Gubaton..

Fourth year student, pero overage..

Sikat sya bilang dancer ng kanilang campus..

Maraming babae ang tumitili kapag sya'y humahataw na sa dance floor..

Tulad ng hapong iyon..

May praktis sila ng sayaw at pinili nyang sa stage na lang magpractice..

Para maraming makapanuod at makapag cheer sa kanya.

..

Hindi nya alam kung bakit, pero sa twing tinitilian sya at pinapalakpakan ay parang nakakalma ang katawan nya..

Para itong isang uri ng droga na hinahanap hanap ng kanyang sarili..

Halos lahat ng makilala nyang babae ay nagiging interasado agad sya, kaya konting matatamis na salita lamang ang bitawan nya ay bibigay na agad ang mga ito..

Dahilan para gawin ang lahat ng gusto nya..

Akala nya sa lahat ng babae ay malakas ang charms nya, ngunit mukhang nagkamali sya..

Nuong nakaraang dalawang linggo..

Kasama nya ang mayayamang kaibigan at kasalukuyan silang nagkukwentuhan tungkol sa mga bagong labas na damit ng bigla syang may mabanggang katawan..

Pagtingin nya ay babae pala ito..

Nalaglag ang mga pinamili nito at agad nyang tinulungan..

Pagtingin nya ay hindi naman ito kagandahan, pero di nya maintindihan sa sarili kung bakit parang namamagnet ang paningin nya sa mga mata nitong natatakpan ng reading glasses..

May pagkakulot ang buhok nito..

Sa kabuuan ay hindi ito masasabing maganda, mas tamang sabihin na "cute" ang babae..

Halata rin sa kutis nito at pananamit na galing ito sa may sinabing pamilya..

Na gustong gusto nya..
..

Hindi sya pumapatol sa mahihirap..

Sa kadahilanang hindi sila mayaman, dalawa silang magkapatid..

Average lang ang pamilya nila..

Ang kanyang ama ay supervisor sa isang hotel habang ang kanyang ina ay may sari sari store sa tabi ng bahay nila..

Kaya lamang sya nakapag aaral sa private school na pinapasukan nya ay dahil sa scholarship na nakukuha nya dahil sa pagsasayaw..

Pero walang nakakaalam ng bagay na iyon..

Ang buong akala ng mga kaibigan nya sa eskwela ay ubod sila ng yaman..

Well, di naman sya nahihirapang magpanggap, dahil sa itsura nya at kilos, talagang nagmumukha syang mayaman..

Wag nga lang pupunta ang mga ito sa bahay nila at siguradong pagtatawanan sya..

Balik sa babaeng nabangga nya sa mall.

Parang may kung ano sa katauhan nito ang humahatak sa kanya..

Matapos nya itong tulungan ay inalok nya ito ng miryenda..

Konting ngiti at kindat na armas nya sa tuwing may gustong makuha..

Pero nagulat syang tumanggi ang babae, sinabing nagmamadali daw ito dahil may gagawin pa..

Ang bilis ng pangyayari, wala na syang nagawa kundi pagmasdan ang paglalakad nito palayo..

Napatiim bagang sya, sa unang pagkakataon ay napahiya sya sa mga kaibigan nya pero higit sa sarili..

Pinagtawanan sya ng mga ito..

Nakuyom nya ang kamao at sinimulang habulin ang babae..

Pero may kung anong bagay syang nasipa..

Pagtingin nya ay isang maliit na notebook pala, mukhang galing sa babae..

Agad nya itong dinampot at binuklat.

Napangiti ng tumambad sa kanya ang litrato nito at may impormasyon sa ibaba..

"Dannica" sambit nya sa pangalan ng babae at unti unting napangisi..

"Tol, malayo pa ba ?.. " tanong ni Darius kay Romeo..

Sinulyapan ni Romeo ang coordinates sa tracker na hawak at tiningnan ang paligid..

"Di ko alam, pero sure ako na malapit lang dito ang may ari ng phone .. Teka, hinto mo nga dyan tol Rhoi, tanong natin sa manong kung may school ba na malapit dito.. " sabi ni Romeo.

Nagtaka ang tatlo.

"Bakit tayo pupunta ng school ?.. " tanong nya.

Napaisip si Romeo..

"Well, it's just a guess, kasi kung titingnan nyo itong tracker, nasa malaking area ang may-ari, which is I think na school area or something that wide.. Tingin nyo ?.. " tanong nya.

Napaisip din ang tatlo..

"Oo nga tol, pwede sa school yan, o di kaya sa isang mall.. Eh wala namang malapit na mall dito di ba?.. " sabi ni Aldrin..

"Oo nga , kaya ihinto nyo na dyan sa tabi at magtanong na tayo.. " sabi ni Romeo..

Saglit nilang itinabi ang sasakyan at isa isang nagsibaba sa isang kanto kung saan maraming kainan..

"See tol, may mga nakauniform pa oh, it means na may school na malapit dito.. Ang galing ko talaga.. " pinuri ni Romeo ang sarili nya.

"Self proclaim ampota .. " inis na sabi ni Darius pero maging sya ay aminado..

Lumapit sila sa nagtitinda ng kwek kwek..

"Manong magkano to ?.. " tanong ni Darius..

Napangisi ang tatlong alas.

"Ano?.. Magtatanong o kakain ?.. Kakain o magtatanong ?.. Kakain o kakain ?.. " biro ni Aldrin..

Nagtawanan sila.

"10 yang malaki boy, tapos 2.50 yung maliit .. " sabi ng matandang tindero..

Kanya kanya sila ng tuhog..

Ng mabusog ay nagtanong na si Rhoi..

"Ah manong, saan po ba ang malapit na school dito ?.. " tanong nya.

Napangiti ang matanda at tinuro ang isang kalye..

"Duon iho, kumanan kayo at makikita nyo ang Don Tiburcio Science High.." sabi nito..

Ngumiti ang mga alas..

Bumalik na si Romeo sa kotse , sumunod si Aldrin pati na si Rhoi..

Napakunot noo si Darius ng mapansin na sya na lang ang kumakain..

"Hoy !.. Bayad na ba kayo ?.. " tanong nya.

Umiling ang mga ito..

"Tangna nyo !.. Ako na naman ?.. Bahala kayo dyan ! .. " sabi nya pero napatili sya ng makitang umaabante na si joker..

Natawa ang matandang tindero.

"Iiwanan ka ata iho.. " sabi nito..

Napailing si Darius at binayaran na ang mga kinain nila.

"Mga baliw talaga yan manong.. Eto po , sa inyo na rin ang sukli.. Salamat po sa direksyon.. " sabi nya at sumakay na rin ng sasakyan..

Nagtatawanan sila sa loob..

Pinaandar na ni Rhoi ang kotse ng may maalala si Romeo..

Paglingon nya ay halos mapasigaw sya ng makitang bumata ang matandang tindero ng kwek kwek.

Nais nyang sabihin ito sa mga kaibigan nya..

Pero sa huli, sinarili na nya lamang .

Tama nga ang matandang tindero, pagliko ni Rhoi sa kanan ay nakita na nila ang entrance ng isang eskwelahan..

Halatang sa parking area nito na may mga sinabi ang mga nag - aaral sa loob..

Kinuha ni Rhoi ang bakanteng space ng parking at isa isa silang bumaba..

"Ano pre. ?.. Paano itong mga baseball bats natin ?.. " tanong ni Aldrin.

Napaisip sila..

"Wag na muna siguro natin dalhin, hanapin na lang muna natin yung caller tapos kilalanin, kapag magyabang, abangan natin paglabas.. Pero baka makuha pa natin sa sindak.. Hindi rin naman tayo papapasukin ng may dalang baseball bat eh, buti sana kung baseball players tayo.. " sabi ni Romeo..

Tumango ang tatlo at sabay sabay silang nagpunta sa entrance..

Hinarang sila ng guwardya..

"Saan kayo ?.. " tanong ng guard.

"Sa Nayong Pilipino po, mga turista kami.. " banat ni Rhoi..

"Ay akala ko perya itong papasukin natin ?. " singit ni Aldrin..

"Weee, kala ko audition ito ng mister pogi ?.. Langya, sinama nyo pa ako dito tapos haharangin lang tayo ng guard !.. " reklamo ni Romeo..

Natawa si Darius at sya na ang nakipag usap.

"Sorry po manong, mga monggoloids kasi itong mga kasama ko, uhm, mag iinquire po sana kami sa loob.. Saan po ba ang registrar ?.. " tanong ni Darius..

Nakasimangot na tinuro ng guard ang isang gawi ng campus..

Tinitigan nya ng matalim ang tatlong alas na bumubungisngis.

"Panget ni Manong pota, parang miyembro ng akyat bahay eh.. " panlalait ni Aldrin..

Muli silang nagtawanan ..

..

Ng makapasok, nakita nila kung gaano kalaki ang buong campus..

Pumwesto sila sa gitna at tinitigan ang paligid.

"Ano tol ?.. Saan na ?.. " tanong ni Darius.

Sinulyapan ni Romeo ang tracker at sa malas, namatay ito..

"Puta, lowbat.. Kainis !.. " gigil na sabi ni Romeo..

Napaungol ang tatlong alas..

"Langya, palpak !.. Kung kelan nandito na tayo eh.. " inis na sabi ni Rhoi..

"Teka, may isa pang paraan, tawagan natin yung caller tapos hanapin natin kung saan ang tutunog na phone.. " sabi ni Darius..

Namangha ang tatlong alas.

"Amazing.. " sabi ni Aldrin..

"Brilliant !.. " wika ni Rhoi..

"Yummy !.. " banat ni Romeo..

Napatingin ang mga alas sa kanya..

"Anong yummy ?.. Gago amp, kakainin mo ko ?.. " tanong ni Darius..

Pero hinawi sya ni Romeo..

"Gago, ikaw ba ?.. Ayun oh, oh my, Teacher ata yan dito eh.. Pota parang si Maria Ozawa.. " sabi niya..

Paglingon nila ay di nila naiwasan ang mamangha ng dumaan sa harap nila ang isang babae na hawig na nasabing artista sa japan..

"Wow, teka, papatransfer na ako dito.. " sabi ni Romeo sabay lakad patungo sa registrar..

Tatawa tawang pinigilan sya nina Aldrin at Rhoi..

Hinawakan ng mga ito ang magkabilang kamay nya sabay si Darius at pumorma sa harap nya para mangiliti.

"Sa ngalan ng kapatiran, sino ang crush mo ?.. " tanong ni Darius sabay pumorma na kikilitiin nya ang kaibigan sa kili kili..

"Ahihihihi, wag dyan sis, ahihihi, si Maxima !.. " sagot nya at nagtawanan ulit sila.

"Tangnang to, si Ate Max pa rin.. Di ka na nagsawa .. " sabi ni Rhoi.

Nagkibit balikat si Romeo..

"Eh sa crush ko sya eh, di naman ako naglilihim sa inyo di ba ?.. " sabi nya at naupo sa isang bench..

Gumaya ang tatlong alas..

"Sino kaya yung caller na yon ?.. Nakakacurious na ah.. " sabi ni Aldrin..

Nilabas ni Darius ang phone nya at tiningnan ang mga kaibigan..

"Tatawagan ko na ba ? .. " tanong ni Darius..

Pero bago pa nakasagot ang mga kaibigan nya at may narinig silang tilian..

"Ano yon ?.. " tanong ni Romeo..

"Tangnang to, malamang andito tayo magkakasama , tapos kami ang tatanungin mo ?. " biro ni Rhoi..

Nagtawanan sila..

"Tara, tingnan muna natin bago natin hanapin yung caller.. " sabi ni Romeo at nagpauna na sya..

Sinundan nila ang mga nagtatakbuhang estudyante..

Nakarating sila sa covered court ng eskwelahan at sa stage ay nakita nila na may isang grupo ng kalalakihan ang nagsasayaw..

"Sus, kala ko kung ano na, kaya mo yan di ba Tabar ?.. " sabi ni Aldrin.

Tahimik na pinanunuod ni Darius ang mga dance steps nila pero napako ang atensyon nila sa tila leader ng grupo..

"Hmm, magaling yung isang yun oh.. Ang lambot ng katawan.. " sabi ni Darius.

Napantingin silang lahat sa nagsasayaw..

Hanggang sa maasar na si Romeo..

"Di ako sanay na nanunuod lang.. Tayo din kaya ?.. " sabi nya..

Nagulat sina Aldrin at Rhoi pero napangisi sila at tumango…

"Sige, anong tugtog ?.. " tanong ni Rhoi..

"My way, meron ka taba?… " banat ni Romeo..

Napangiwi ang tatlong alas..

Pero di nila maiwasan ang matawa..

"Sige.. Teka.. " sabi ni Darius sabay hinanap sa phone nya ang kantang pusong bato.

Ng makita ay pumwesto sila sa di gaanong matao..

Sinabit ni Darius sa leeg ang phone, tinodo nya ang volume at nagsimula na silang mag interpretative dance sa saliw ng musikang, "My Way"

Natigil ang tilian ng makarinig ng pamilyar na awitin..

Halos lahat napalingon sa gawing likod ng covered court at nakita nila ang apat na binatilyo na sumasayaw ng buong puso..

Sinasabayan pa nila ito ng pag awit na talaga namang nakakaantig ng puso..

Pusong abnormal.

"And we Did it our, way !.. And now, the end is near, and so we face, the final curtain.. " pagkanta ni Darius sabay sayaw ng mabagal..

Sumunod ang tatlong alas..

Walang ngumingiti at lahat seryoso sa pagsasayaw..

Napalibutan sila ng mga estudyante,.. Hindi alam ng mga ito kung ano ang unang gagawin, ang mamangha sa kagwapuhan ng apat na alas at sa lakas ng loob ng mga ito na magsayaw, o ang mga matawa dahil seryosong sumasayaw ang mga ito..

..

Todo sayaw si Randy, ito ang gusto nyang mangyari kaya lagi nyang pinipili ang stage para pag ganapan ng practice nila..

Pero nagtaka sya kung bakit tila wala ng tumitili sa kanila.

Tumigil sya sa pagsayaw, pagtingin nya ay sa iba na nakaharap ang mga tao..

Naipon na sa likod ng stage ang mga estudyante..

"What the hell is happening there ?.. " tanong nya sa sarili..

Nagpasya syang lumapit at makisiksik sa tumpok ng mga tao..

Para lamang matulala dahil may apat na binatilyong nag iinterpretative dance..

Wala namang masama, pero sa lahat ng ayaw nya ay yung aagawan sya ng spotlight..

Sinulyapan nya ang mga nanunuod, kita sa mga mata nito ang pagkaaliw, hindi sa sayaw marahil dahil parang mga tuod kung magsayaw ang tatlo maliban sa isang binatilyo na medyo may katabaan, kundi dahil sa gwapo ang apat na ito..

Nakaramdam ng di maipaliwanag na inis si Randy ng matapos ang kanta at nag pose ang apat..

Nagpalakpakan ang mga tao, palakpakan na sa tingin nya ay di pa naibibigay sa kanya..

Lalo lamang syang nag ngitngit ng kumaway pa ang mga ito na tila artista..

"Thank you guys, salamat powhz. " sabi ni Romeo..

Nagkakaway pa ang mga ito.

Sa asar, lumapit si Randy at sinita ang mga dayo..

"Teka teka, parang di kayo taga rito ah ?.. " tanong ni Randy..

Napatingin ang apat na alas..

"Eh ano ?.. " maangas na sagot ni Aldrin..

Nakaramdam ng tensyon ang mga estudyante.. Nagsilapitan na rin ang mga kasama ni Randy..

"Aba at mayabang pa.. Hoy !, gusto nyo bang gumulong palabas ng school na to ?.. " sabi ni Randy kay Aldrin..

Pero inirapan lang sya ng binatilyo..

"Tse !, ambaho mo .. " pang aasar nya sabay lumayo ng konti..

Nagtawanan ang mga nakarinig..

Napahiya si Randy at pasimpleng inamoy ang sarili..

"D-di naman ah, talagang matapang ka ha !.. " akmang susugurin nya si Aldrin ng humarang ang tatlong alas..

"And now," sabi ni Romeo..

"The end is Near.. " sagot ni Rhoi..

"And so you faced, your final curtain." dugtong ni Darius sabay pitik sa teka ni Randy..

Napangiwi sa sakit ang binata at akmang gaganti ng biglang sumipol ang gwardya..

"Ano bang kaguluhan yan !.. " tanong nito..

Naging maamong tupa ang apat na alas at tinuro ang grupo nina Randy..

"S-sila kuya, tinatakot nila kame porke di kami taga rito.. huhuhu.. " nag iyak iyakan pa si Aldrin..

Niyakap sya ng tatlong alas at sinulyapan nila ang mga tao..

"Ganito ba ang trato nyo sa mga hindi taga rito ?.. Anong klaseng mga tao kayo !.. Kapwa nyo Pilipino pero anong ginagawa nyo !.. Ninanakawan nyo !, Nilalamangan at Pinapatay ng walang sapat na dahilan !.. Nasaan ang DEMOKRASYAAAA !!!.. " sigaw ni Romeo sabay luhod..

Agad naman syang dinaluhan ng mga kaibigan nya..

"Tama na kapatid, maraming saksi sa pang aapi nila sa atin, dapat tayong manindigan at lumaban.. Tapusin na ang paghahari ng mga kastila !.. " sigaw ni Rhoi..

"At ng mga Hapon ! .. " pahabol ni Aldrin..

"Magsama sama at magkapit bisig ang mga Pilipino, tayo'y sabay sabay na kumanta ng "Magkaisa !" " at nagsimula ngang kumanta ang apat na alas..

Napanganga ang audience maging sina Randy at ang mga kasama nya..

Ang gwardya ay di maiwasang mangilid ang luha ..

Nilapitan nya ang apat na alas at isa isang tinapik sa balikat..

"Tama na mga iho.. Ampanget nyong gumanap.. " bulong nito..

Natigil sa pagdrama ang apat na alas at naconcious sa itsura nila..

Asar na lumapit din si Randy..

"Ano na Manong ?.. Paalisin nyo na yang mga yan at nanggugulo.. " utos nya..

Pero di sya pinansin ng gwardya, kilala nya itong si Randy bilang siga sa campus, palibhasa dancer at kailangan ng shool nila kaya laging pinapanigan ng Principal..

Inalalayan nya ang apat na binatilyo palabas ng campus..

"Pasensya na kayo mga iho.. Mayabang talaga yang isang yan, malakas kasi ang kapit sa principal kaya di ko masita sita eh.. " sabi ng mabait na gwardya..

"Ah ganun ho ba ?.. Ay teka, mga tol yung pakay natin.. " sabi ni Darius.

"Oo nga, pwede po bang saglit na lang Manong ?.. May hinahanap po kasi kami eh.. " nag pacute pa si Rhoi.

"Akala ko ba mag iinquire kayo ?.. Eh anong ginagawa nyo sa covered court ?.. " tanong ng guard..

Napangiti ang apat na alas..

"Sige na manong , nag inquire naman talaga kami, pero hindi para mag paenroll , may hinahanap po kasi kaming tao.. Nanloloko po kasi sya sa phone eh, nabiktima nya po ang girlfriend nitong kapatid ko.. " sabi ni Romeo sabay turo kay Darius..

Napangisi si Darius ng sumagi sa isip nya ang ideyang girlfriend nya si Ekang..

Nanlalaki ang butas ng ilong na lumapit sya sa guard at hinawakan ito sa kanang braso..

"Oo nga po Manong, hahanapin lang talaga namin.. " sabi ni Darius..

"Tapos kapag nakita nyo ?.. Anong gagawin nyo ?.. " tanong ng guard..

Nagkatinginan ang apat na alas..

"Uhm, kukunin yung simcard tapos sisirain.. " sabi ni Darius..

Napaisip ang guwardya..

"Sige na po manong, kung gawin ito sa anak nyong babae, tawagan sa dis oras ng gabi at bastusin, ano pong mararamdaman nyo ?.. " sabi ni Aldrin at niyakap na rin ang kaliwang braso ng matanda..

Nagkatinginan sina Rhoi at Romeo..

Sinunggaban nila ang dalawang hita ng gwardya..

Natawa bigla ang matanda..

"Ahaha.. Ang kukulit nyong apat.. Sige na sige na, ginawa nyo na akong robot.. Bitawanan nyo na ako at may kiliti ako sa hita.. " natatawang sabi ng gwardya ..

Bumitaw ang apat na alas..

Kasama ang mabait na guard, bumalik sila sa tumpok ng mga tao sa covered court .

Nilabas ni Darius ang phone nya at tinawagan ang number..

Nag ring..

Pero walang sumasagot..

"Walang sumasagot mga tol.. " sabi nya..

Ilang saglit pa..

Nakarinig na sila ng ring..

Nagkatinginan sila at unti unting napangisi..

"Nandito lang sya.. Sige lang tol. Wag mong tantanan.. Sasagot din yan.. " sabi ni Romeo..

Tinalasan nila ang pandinig at paningin…

Asar na muling tumigil si Randy sa pagsasayaw..

Lumapit sya sa bag at nilabas ang phone..

Unregistered number..

"Sino kaya itong istorbong to ?.. " tanong nya..

Sinagot nya ang tawag..

"HoY ! .. Sino ka ba ?.. " sigaw na tanong ni Randy..

Nahawi ang tao ng lumapit ang kwadro alas..

Pagtingin ni Randy ay halos mawalan ng kulay ang mukha nya..

Hawak ni Darius ang phone at seryoso ang mukhang lumapit ito sa binata..

..

"Ano ?.. Huli ka no ?.. " tanong ni Rhoi..

Napalunok si Randy..

"S-sino ba kayo ?.. " tanong nya.

Lumapit si Darius..

Kinwelyuhan si Randy at sinalya sa pader..

"Ako lang naman ang Boyfriend ng number na paulit ulit mong tinatawagan at ginugulo.. Matagal na akong init sayo tol, ikaw lang pala yan.. Ano bang problema mo ?.. " tanong nya..

Napahiyaw ang ibang mga tao ng makita nila kung paanong palibutan ng apat na binatilyo ang sikat na si Randy..

"T-teka, baka nagkakamali ka pre.. " nauutal na sagot nya..

Ngumisi si Darius..

Kulang na lang ay sakalin nya ang binata… Muli nya itong sinalya sa pader..

"Tangna mo, di ako dadayo dito para magkamali lang.. Nasan na ang phone mo !.. " utos nya..

Nakaramdam ng takot si Randy , napailing sya..

"B-bakit ?.. " tanong nya.

Pero wala syang nagawa ng kapkapan na sya ni Aldrin..

"Eto tol.. " sabi ni Aldrin sabay abot ng phone kay Darius..

Binitawan ni Darius si Randy at kinuha ang phone..

"A-anong gagawin mo ?.. " tanong ni Randy pero nahiyaw na lamang sya ng ibato ni Darius sa dingding ang phone nya..

Nagkaroon ng komosyon..

Lumapit ang mga kagrupo ni Randy para tulungan ang binata pero humarang sina Romeo at Rhoi..

"San punta? .. " tanong ng Clubs..

"Tapon basura ?.. " pang aasar ng Spade..

Walang nagawa ang mga kagrupo nya kundi panuorin si Randy ..

..

"Hayup ka, ang tapang tapang mo kanina, tapos wala ka palang buntot, puro ka kahol !.. Di ka marunong mangagat !.. " sigaw ni Darius at dinampot ang simcard ni Randy..

Pinakita nya pa kung paano nya ito baliin sa harap ng binata..

Walang nagawa si Randy kundi panuorin ang cellphone at simcard nya na madurog..

"Mali ka ng taong lolokohin, nagkataon pa na girlfriend ko.. Sa susunod, kung mantitrip ka, mamimili ka ng biktima mo.. Wag yung konektado sa amin dahil baka hindi na ito ang abutin mo.. Kung nag aalala ka sa cellphone mo, maghintay ka sa principal's office nyo bukas ng umaga, magpapadala ako ng pera para makabili ka kahit lima pa nyan.. Naiintindihan mo ba ?.. " pananakot ni Darius..

Napatango na lang si Randy at sinulyapan nya ang gwardya nila..

Pero lalo syang nawalan ng pag asa ng makitang nakatalikod ito at nakasandal sa puno..

..

Ilang saglit pa, maangas na naglakad ang kwadro alas palabas ng covered court.

Nilapitan nila ang matandang gwardya na nakatambay sa puno..

Nakangiti ito pero halata sa mukha ang lungkot..

"Bakit po manong ?.. " tanong ni Aldrin habang palabas sila ng campus..

Nagkibit balikat ang matanda..

"Manong, ang laki po ng utang namin sa inyo, kaya sabihin nyo po kung bakit kayo malongkot ?.. " biro ni Rhoi..

Natawa na rin ang gwardya at hinatid sa parking area ang apat..

"Last na to manong, kapag di kayo sumagot.. Sasara ang butas ng pwet nyo.. Sige kayo . " banta ni Romeo..

Lalong natawa ang matanda at halos mapaiyak na ito..

Natawa din ang apat na alas..

Ilang saglit matapos ang tawanan, nagpasya ang matanda na magpaalam na..

"Sige na mga iho, malamang na kung babalik kayo dito, wala na ako, siguradong sisante na ako dahil sa hindi ko sinaklolohan si Randy.. " sabi nito..

Nagkatinginan ang apat na alas..

"Aaahh.. Kaya pala malongkot si Manong.. Masisisante pala, ahaha.. Yun lang ba ?.. " tanong ni Darius..

Napikon ang matanda..

"Iho, apat ang pinapakain ko !, nakita ko kasi na talagang may pinaglalaban kayo kaya di na ako nakialam, pero kung wala na kayong gagawin kundi tumawa, mabuti pang umalis na lang kayo.. May trabaho pa ako.. " sabi ng matanda sabay bira ng alis.

"Wow, ang taray ni Tatang, sana nga masisante kayo.. " banat ni Romeo..

Napikon ang matanda..

Bumwelta sya pabalik ..

"Aba't talagang loko ka ah !.. " galit na sabi nya.

Pero nakangiti lang ang kwadro alas.

"Tama si utol Romeo, sana nga masisante na kayo, para makapagtrabaho na kayo sa amin.. " sabi ni Darius..

Natulala ang matanda..

Kinalikot nya ang tenga dahil baka nagkamali sya ng dinig..

"Ano kamo ?.. " ulit nya sa tanong..

Nagtawanan ang apat na alas..

"Eto po ang number ko Tatang, kapag ayaw nyo na dito, duon na lang sa amin kayo magtrabaho, mas mataas ang sweldo at di kayo gaanong mapapagod, matanda na rin kayo kaya alam naming di na ganun kalakas ang mga tuhod nyo.. " nakangiting binigay ni Darius ang number nya ..

Halos maluha ang matanda.

"S-salamat. di na ako babalik dito dahil loko ang mga estudyante.. Bukas na bukas , tatawag ako sa'yo, sabi ng guard..

"Ako po si Darius.. " pakilala ng Ace of Diamonds.

"Aldrin po.. " sabi ni Ace of Hearts..

"Rhoi po Manong.. " inabot ng Ace of Clubs ang kamay nya..

Inabot naman ng matanda ang palad ni Rhoi..

Napatingin sya kay Romeo..

"Romeo the pogi, at kayo po si ?. ." sabi ng Ace of Spade..

Ngumiti ang matanda..

"Jojo , tatay Jojo na lang, nuong kapanahunan ko, maloko din akong tulad nyo, Bad Jojo nga ang tawag nila sa akin.." nakangiting sabi ni Mang Jojo..

Natigilan ang apat na alas..

Nagkatinginan..

Sabay biglang nagtawanan..

Nagtaka si Mang Jojo..

"Ano yon ?.. " tanong nya..

Umiling ang apat na alas, binuhay na ni Rhoi ang makina..

"Sige po, BadJojo.. " paalam nila..

Kumaway na lang si Mang Jojo at masayang pinagmasdan ang wirdong kotseng umaandar palayo..

ITUTULOY !!!