1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 2 - Joweebee
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 2 - Joweebee

By supertoyantz ·

Chapter 2 - Joweebee

Tae namang buhay to.. Sa kakulangan ko ng tulog.. Di ako nakapagsimba kanina >.<

Hayz..

Sorry Papa J.

Next year Promise Kumpleto ulit..

Hayzz..

Anyways..

8 Days to go before Christmas..

Maligayang Pasko po..

Gawin nyo pong tambayan ang Kwadro Alas Page kung nalulungkot kayo..

Sasamahan po namin kayo..

Wag nyo na buhayin ang Salitang SMP dahil di yan uso hangga't nasa PAGE kayo ng Kwadro Alas

Enjoy po .. :D

AKO SI TOYANTZ !

Start of Chapter 2

Sabado..

Maraming tao sa bakuran ng mga Villarama..

Kaarawan ng nakababatang kapatid ni Aldrin na si Alyssa..

Abalang abala ang mga nanay ng apat na alas sa pag aasikaso ng mga bisita..

Habang ang apat na mokong ay missing in action mula pa kaninang umaga..

Nasa basement sila ng bahay nina Rhoi..

Tatlo silang nakapangalumbaba sa harap ng pabilog na mesa..

Nagpupulong..

Ilang minuto na lang at pormal ng sisimulan ang party ng bata..

Pero problemado pa rin ang tatlo dahil wala pa silang susuotin na costume..

Marahas na napabuntong hininga si Aldrin..

"Ano ba yan.. Ilang oras na lang malapit na yung start ng party.. Wala pa rin tayong costume.. Ano to nganga ?.. " tanong nya..

Nagkibit balikat si Darius..

Napailing si Rhoi.

"Nasan na ba kasi si Romeo ?.. Akala ko ba sya na ang bahala ?.. " tanong nya..

Speaking of the handsome devil.

Pabalagbag na nagbukas ang pinto at niluwa ang gwapong binatilyo..

Nakangisi at may bitbit na malaking plastic..

Nabuhayan ang loob ng tatlo pagkakita sa kaibigan..

Agad pumasok si Romeo at sinara ang pinto.

Nakatingin sa kanya ang tatlo..

Ilang saglit pa ay nilapag nya ang dala..

Nilahad nya ang kamay.

"Tulad ng sinabi ko sa inyo.. Darating ako ontime.. Nagkaroon lang ng aberya sa costume ni Darius.. " nakangising sabi ni Romeo.

Kumunot ang noo ni Taba..

"Bakit saken ?.. Anong problema ?.. " tanong nya..

Nginuso ni Romeo ang dalang mga costumes..

"Tulad pa rin ng dati yung problema tol.. Walang kasukat mo.. Pasadya yan.. Gago ka kase.. Kung tinitigalan mo na ang paglamon mo ng sangkaterba.. Eh di sana di na tayo namomoroblema.. Ay pota ako lang pala.. Hayahay lang kayong tatlo eh.. " reklamo nya..

Nagtawanan sina Aldrin at Rhoi..

Napasimangot si Darius..

"Wapakels ka utol.. Tangna mo.. Akina nga costume ko.. Kanina pa tayo hinahanap ni Tita Alona.. " sabi nya sabay halungakat ng mga costumes.

Excited at nakangiti nilang kinalkal ang mga dala ng kaibigan..

Pero sa di inaasahang pagkakataon..

Ang ngiti ay napalitan ng simangot ng masilayan ang mga dalang costumes ni Romeo..

Maraming bata ang bisita ni Alyssa..

Kasalukuyan nyang sinecelebrate ang 4th birthday nya..

Dumalo rin ang ilang classmates ni Aldrin at mga emplyado ng ama nyang si Nestor..

May mga dumalo ring kilalang personalidad sa larangan ng pag nenegosyo..

Kahit ang batikang detective na si Jack Valentine ay dumalo..

Imbitado din ang pinuno ng angkan ng mga Villarama na walang iba kundi si Arnulfo Villarama kasama ang kabiyak na si Cedes..

Dumagsa ng pagkain..

Pati mga give aways para sa mga batang bisita.

Nagmistulang malaking playground ang malawak na bakuran ng mga Villarama sa ginaganap na party..

Manghang mangha ang mga bata sa ginagawang magic tricks ng inarkilang magicians ng mag asawa para sa anak..

Namimilog ang mga mata ni Alyssa sa iba't ibang kulay na nakikita..

Masaya ang lahat..

Ng biglang nawala ang tugtugan..

Unti unting binalot ng makapal na usok ang bakuran..

Nagpanic ang mga magulang..

Pero inawat sila nina Primo ..

"T-teka pare.. Parang may kakaibang nangyayari.. " sabi nya..

Hinanap ng mga mata ni Alona ang anak..

Akala nya ay iiyak ito sa takot..

Pero nag papalakpak pa ito sa tuwa.. Kaya imbes na matakot ang mga kapwa nya bata..

Gumaya ang mga ito sa tuwang pinapakita ni Alyssa..

Kinalma ni Nestor ang mga bisitang magulang..

Nakakunot noo syang nag abang sa mga susunod na mangyayari dahil kahit sya ay walang kaide ideya sa mga magaganap..

Lumipas ang ilang minuto..

Pumailanlang ang isang sikat na tugtog. Hango sa isang sikat na cartoon na pambata..

Lalong nagwala ang mga chikiting..

"Ayyyyeeeee… " palahaw sa tuwa ng mga bata sa pangunguna ni Alyssa..

Napapangiti ang mga magulang.. Pero nasa isip pa rin nila ang pagtataka kung ano ang mga susunod na mangyayari..

Di na nila kailangan pang mag hintay ng matagal..

Unti unting nawala ang usok..

Lumitaw ang apat na nilalang..

Lalong nagwala ang mga bata..

"Tele tubbies !… " sigaw ni Alyssa sabay takbo sa teletubbies…

Nagkagulo ang mga bata at lahat nagsilapitan na rin..

Ilang minuto ang lumipas..

Kainan na..

Pinalibutan ng kwadro alas si Alyssa..

Halos di makakain ang bata dahil pa lipat lipat sya ng kandong sa apat na mascot.

"Dipsy !.. " bigkas nya sabay hagikgik.

Dinutdot nya ang mata ni Rhoi..

Napangiwi ang binatilyo..

"D-dahan dahan naman Aly. Mata ko yan eh.. " reklamo nya.

Lalong natawa ang bata..

"You're talking .. Mommy, Dipsy talk.. " namamangha nyang tawag sa inang si Alona..

Nagtawanan ang tatlong alas.

Ilang saglit pa lumapit na rin ang mga kaibigan nilang sina Krissia at Dannica..

Tumabi si Krissia kay Rhoi samantalang si Dannica ay pakiming naupo sa tabi ni Darius na nakasuot ng kulay pulang TeleTubby Mascot..

Batid nya kung sino sa apat si Darius..

Dahil kitang kita sa laki ng costume nito..

Muling naglikot si Alyssa at lumipat ng kandong..

Kumandong sya sa kuyang si Aldrin..

Piningot nya ang pisngi ng mascot..

"Not affected sister.. " natatawang sabi ni Aldrin..

Natawa din ang ibang alas..

Lalong namilog ang mga mata ni Alyssa..

Tinawag nya ang ina.

"Mommmyyyyy !… Talk !.. " turo nya sa kuya nya sabay tawa ..

Ngumiti lang si Alona sa di kalayuan..

Nakaupo sila sa isang pahabang mesa..

Nasa mesang iyon ang mga malalapit nyang kaibigan..

Kabilang na ang mga magulang ng Kwadro Alas, Jack Valentine pati na ang lolo at lola ni Alyssa..

"Mabuti at nakarating kayo Papa, Mama.." bati ni Nestor sa mga magulang..

Natawa ang matandang Villarama.. Sinulyapan nya ang apo at nangislap ang mga mata..

"Iiwan ko ang lahat ng ari arian ko Nestor.. Alang alangan sa kaisa isang babaeng apo ko.. " sabi ni Arnulfo..

Napangiti si Cedes at tumango sa mga anak..

"Tama ang ama mo Nestor.. Walang kwenta ang yaman kung wala ang iyong pamilya.. " sabi nya na sinang ayunan ng lahat..

Napangiti ang lahat.

Muli nilang sinulyapan ang birthday celebrant na enjoy na enjoy sa apat na mascot..

"Napapaisip na talaga ako sa apat na yan.. Nasaan ba dyan ang apo kong si Aldrin ? .. " tanong ni Arnulfo..

Natawa ang mag asawang Nestor at Alona.

"We don't know either Papa..Hula ko yung kulay yellow.. " sagot ni Nestor..

Napatingin ang lahat sa apat na mascot..

Kulay Pula, Blue, Yellow at Black..

"Si Rhoi siguro yung naka blue since na favorite color nya yan.. " sagot ni Vincent na ama ni Rhoi..

Tumango ang iba..

"Uhm.. Sure ako na si Darius yung naka red.. Kita naman sa katawan eh.. Parang binalot na suman.." natatawang sabat ni Denzel..

Nakatanggap sya ng kurot sa asawang si Annette.. Pinandilatan pa sya nito..

"Ikaw parang di mo anak yun eh ! .. Ang cute kaya nya .. " saway ni Annette..

Napangiti na lang ang lahat..

"So obviously alam na natin kung sino dyan si Romeo.. " sagot ni Primo..

Tumango ang mga ama..

"Di ko na maintindihan ang anak mo minsan pare.. Parang nahihilig sya sa mga dark colors.. " tanong ni Nestor..

Nangiti si Gustavo..

"May pinagmanahan.. Ganyang ganyan si Insan Primo nung mga bata kame.. Mahilig sa mga plain itim.. Minsan naman plain white.. Basta plain.. Parang yang si Romeo.. Look mo pinsan.. Parang di na cute yung anak mo eh.. Itim na teletubbies?.. Meron ba non ?.. " pang aasar nya..

Napailing na lang si Primo habang nangingiti..

"Anong magagawa ko ?.. Sabi nila your favorite color, describes your personality.. Since na parehas kami ng anak ko na mahilig sa plain.. What you see is what you get din yan.. Walang palabok sa katawan.. " kibit balikat na sabi nya..

Napangiti na lang si Alexa na ina ni Romeo..

Muli silang tumingin sa apat na teletubbies..

"Alyssa.. That's not cool.. " banta ni Romeo..

Kasalukuyang hinahatak hatak ni Alyssa ang antenna ng suot na costume ni Romeo..

Tawa ng tawa ang bata..

"Talk .. " sabi nito..

May kung anong hinahanap..

"Akala siguro nya robot ako.. " biro ni Romeo..

Nagtawanan ang magkakaibigan..

Pasimpleng tumitingin si Dannica sa katabi nyang kulay pulang teletubbies..

Nais nyang subuan ang binata ng hotdog..

Pero di pa nito hinuhubad ang suot..

Isa pa nahihiya din sya..

Baka kung ano na lang ang isipin ng binatilyo..

Kaya wala syang magawa kundi mag hintay..

"Damn guys naiihi ako.. " reklamo ni Rhoi..

Natawa ang katabi nyang si Krissia..

"Butasan mo .. Labas mo putotoy mo.. " biro nito..

Nagtawanan ang lahat..

Ilang saglit pa di na nakatiis si Rhoi..

"Ah iihi na ako.. " sabi nya sabay tayo..

Sumunod si Krissia..

Naiwan ang tatlong teletubbies.

"Aldrin iho.. Dalhin mo nga si Alyssa dito.. " sigaw ni Alona..

Tumango ang kulay yellow na teletubby..

Kinarga nya ang bata at nilapit sa mga magulang..

Naiwan ang itim at kulay pulang teletubby..

Kasama ni Dannica..

Napapatingin si Romeo sa dalawa.

Kita nya ang pasimpleng pagtingin ni Dannica kay Darius.

Habang ang kaibigan nya ay walang ka rea-reaksyon..

"Nagugutom na ako.. " Sabi ni Darius.

Napangisi si Romeo..

"Kelan ba hindi ?.. " biro nya..

Nagtawanan silang dalawa..

Tumikhim si Dannica..

Nagulat si Darius..

"Andyan ka pala ?.. " gulat na tanong nya.

Natawa si Romeo..

"Gago.. Kanina mo pa katabi yan..Kanina ka pa pinagnanasaan nyan.. " banat nya.

Nanlaki ang mga mata ni Dannica..

Pinandilatan nya si Romeo..

"Anong ginagawa mo dyan ?.. " tanong ni Darius..

Napayuko si Dannica..

"W-wala.. " sabi nya..

Namula bigla ang kanyang mga pisngi ng titigan sya ng binatilyo..

"Kumain ka na ba ?.. " tanong ni Darius..

Umiling ang dalagita..

"Sus… Ano pang ginagawa mo ?.. Bakit di ka kumain don ?.." tanong nya…

Napailing si Romeo..

"Wala man lang karoma romansa sa katawan .. Lagyan mo naman kasi ng konting lambing.. Ganito oh.. Dannica.. Gusto mo kainin kita ? .. " biglang banat nya sabay tawa ng malakas..

Natawa din si Darius..

Nandilat ang mga mata ni Dannica at binato ng marshmallow si Romeo..

Ramdam nya ang biglang pag iinit ng mga pisngi..

Ilang saglit na katahimikan..

Kumawala si Alyssa sa ina at tumakbo kay Darius..

Nagpakandong sya..

Pinakatitigan nya ang kulay pulang teletubby..

Tila nagtatalo ang isip kung sino ba ito..

Pati sila Romeo at Dannica nacurious sa pananahimik ng bata..

Parang nahulog sa malalim na pag iisip si Alyssa hanggang sa biglang magliwanag ang mga mata nito at dinutdot ang noo ni Darius..

"JOWEEBEE !.. " sigaw nya sabay hagikgik..

Natulala sina Romeo at Dannica..

Habang napakunot ang noo ni Darius..

"A-anong Joweebee ? .. " tanong nya..

Pero natawa ng malakas si Romeo habang tinakpan ni Dannica ang bibig nya at pinigilan ang pagtawa..

"Joweebee !… " giit ni Alyssa..

Kunot na kunot ang noo nya sa pagtataka hanggang sa unti unting nagliwanag ang isip nya..

Binato nya si Romeo ng kung anong nadampot ..

Tatawa tawang umiwas ang kaibigan..

"Tado ka pare.. Nagkamali lang yung bata.. " nakasimangot na sabi nya..

Pero tawa pa rin ng tawa si Romeo.

"Loko mo.. Pati si Alyssa natatawa sayo eh.. " sabi ni Darius..

Hinawakan ni Romeo ang tyan at pinayapa ang sarili sa pagtawa..

"Hahahaha.. Tae naman.. Ahaha.. Biruin mo.. Di ko naisip yon.. Dapat pala talaga yun na lang pinasuot ko sayo.. Pero biruin mo pa rin pare.. Si Aly lang nakapasin.. Ahahahaha.. Nice one Aly.. " nag thumbs up pa sya sa bata..

Kumunot ang noo ng bata .. Di maintindihan ang ibig sabihin ni Romeo.. Pero pinili nyang wag na itong pansinin at mag focus na lang kay Joweebee..

Gustong maasar ni Darius..

Pero alam nyang magmumukha lang syang tanga.. Bata ang nagsabi sa kanya ng Joweebee.. Kaya pinili nyang tanggapin na lang ang tadhana na di nya kamukha ang teletubbies.. Kundi si Joweebee..

Pasimple nyang nilingon si Ekang..

Namumula ang pisngi ng dalagita..

Napangiti sya..

"Wag mo na pigilan tawa mo.. Alam ko.. natatawa ka.. " sabi ni Darius..

Nagkandailing si Ekang..

"Hoy hindi ah.. " sabi nya.. Pero di sya makatingin ng diretso sa binatilyo..

"Sus.. Ayos lang no.. Sports ako.. " nakangiwing sabi nya.

Napangiti si Ekang..

"Joweebee.. Kain ka na.. " biro nya..

Nagkatitigan silang dalawa..

Napangiwi si Romeo..

"Tangnang yan.. Kadiri.. Makalayas na nga.. " inis na sabi nya sabay kinarga si Alyssa at lumayo sa dalawa.

"PBB Teens pota.." bubulong bulong na sabi ni Romeo.

Tiningnan ni Alyssa si Darius..

Buo ang paniniwala ng bata na si Joweebee talaga ang nakita.

Nakangiti syang humimlay sa balikat ni Romeo at nagpahatak na sa antok..

"Joweebee" ungol ng bata..

ITUTULOY !!!…