1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 24 - We Can Do It !
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 24 - We Can Do It !

By supertoyantz ·

Chapter 24 - We Can Do It !

"Ayaw talaga nyang magpahatid guys. " malungkot na ibinaba ni Krissing ang cellphone nya.

Kakatapos lang nilang mag usap ni Ekang.

At tulad ng nasabi na nya, tumanggi ang kaibigan na ihatid nila ito sa Airport.

"Bakit daw ?. " tanong ni Aldrin.

Nagkibit balikat si Krissing.

"Naiiyak nga eh. " sabi nya.

Bumuntong hininga lang si Rhoi.

"Hayaan na natin. So ano ?, saan tayo ngayon ?, " tanong nya.

Walang nakapagsalita.

Tila lahat ay nawalan ng gana.

..

Napatingin sila kay Darius.

Nakatingin lamang ang binata sa himpapawid.

Kasalukuyan silang nasa bahay nina Tabar at nag mimiryenda.

Nilapitan ni Aldrin ang kaibigan at inakbayan.

"Tol, okay ka lang ?. " tanong nya.

Ngumiti ng kimi si Tabar.

"Ayos lang , ganun talaga. Pare parehas lang naman tayong malungkot eh. " sabi nya.

"Pero iba ang sayo. " singit ni Rhoi.

Natawa si Darius.

"Bakit iba ang sa akin ?, eh kaibigan ko lang din naman si Ekang. " sabi nya.

Pero walang naniwala sa kanya.

"Sus, anong oras kayo natulog kagabi ?. " tukso ni Krissing.

Namula ang mga pisngi ni Tabar at binaling ang tingin sa maliwanag na kalangitan.

Sinulyapan nya ng tingin si Romeo, pero agad syang nag iwas ng tingin ng makitang nakatitig ito sa kanya.

..

Ilang saglit din silang natahimik, bago muling sinaboses ni Krissing ang katanungan sa isip nya.

"Siguro ayaw na tayong kaibigan ni Dannica, alam naman nyang baka ito na ang huli nating pagkikita tapos di pa tayo pinasama sa airport. " reklamo nya.

Tumango ang iba.

Tumutol si Tabar pero maski sya ay nagdaramdam kay Ekang.

Pilit nyang binalikan ang naging pag uusap sa pagitan nila ng dalaga kagabi.

Bagama't nalulungkot, ang alaalang iyon ang nagbibigay sa kanya ng ngiti.

..

"Darius iho, nandyan ba si Rhoi ?. " sigaw ni Chynna.

Napatingin si Tabar at tumango.

Nilingon nya ang kaibigan.

"Tol tawag ka ng nanay mo. " tawag nya.

Agad na kumilos si Rhoi.

Dali dali syang nagpaalam sa mga kaibigan at mabilis na lumabas ng kwarto ni Tabar.

..

Natahimik ang grupo.

Nagpasya na rin si Krissing na umuwi.

"Uwi na rin ako. Bukas na lang ulit. " paalam nya.

Tumayo na rin si Aldrin.

"Sabay na tayo. Inaantok ako eh. " sabi nya.

Lumabas na sila ng kwarto.

..

Natahimik si Darius.

"Anong feeling ng naiwanan ?. " biglang tanong ni Romeo.

Ngumiti si Tabar.

"Sinong naiwanan ?. " tanong nya.

Pero hindi na nagsalita si Romeo.

Napahinga ng malalim si Darius at hinarap ang kaibigan.

Nakahiga si Romeo sa kama nya at nakatitig sa kanya.

..

"Mahal mo si Ekang. " bunyag ni Romeo.

Napaubo si Tabar sabay tawa ng malakas.

"Tarantado, nasobrahan ka na sa pagkain ng Lemon Square kaya kung anu ano na ang pumapasok sa isip mo. " pag iwas nya.

Ngunit hindi ulit nagsalita si Romeo.

..

Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan nila.

"Wala ka bang pupuntahan tol ? . " tanong ni Tabar.

"Meron. " sagot ni Romeo.

Napabuntong hininga si Darius at ngumiti.

"Ganun ba?, sige sige. Alis ka na. " taboy nya.

Tumahimik si Romeo.

Natahimik din si Darius.

..

"Sige. " tumayo na si Romeo.

Nais sanang pigilan ni Darius ang kaibigan.

Gusto nya ng makakakwentuhan sa mga oras na ito, pero nahihiya syang aminin sa kahit sino ang kanyang nararamdaman.

..

Kaya kahit gustong gusto nyang makausap si Romeo, hindi nya ito pinigilan sa pag alis nito.

Nanatili syang nakatingin sa himpapawid, nag aabang ng dadaang eroplano.

..

"Hello." sabi ni Romeo.

Napalingon si Tabar at kumunot ang noo.

"Akala ko umalis ka na ?. " tanong nya.

Pero ngumisi lang si Romeo at pinagpatuloy ang tawag.

Napansin ni Darius na cellphone nya ang gamit ng kaibigan.

"Sino na naman yang tinatawagan mo ?. " wika ni Tabar.

Pero hindi sya sinagot ni Romeo, bagkus, lumapit ito at tumabi sa kanya.

..

"Hello Monica, this is Romeo. " bungad ni Romeo.

Nanlaki ang mga mata ni Tabar.

"Weeee?, si Monica yan ?. " tanong nya.

Sumenyas si Romeo na wag maingay. Pinindot nya ang loudspeaker at kinausap ang dalaga sa kabilang linya.

..

"Romeo?, Romeo Di Carprio ?, OH !, hi !. bakit iba ang number mo ?. " tanong ng babae.

Ngumisi si Romeo.

"Wag mo ng pag isipan. Tumawag lang ako para i-cancel ang date natin this evening. " sabi nya.

Lalong nanlaki ang mga mata ni Darius.

"Date pare?, magdadate kayo ng super hot babe na si Monica ng Chix Academy ?. " bulong nya.

Pero muli syang sinenyasan ni Romeo na huwag munang mag ingay.

..

Natahimik ang babae sa kabilang linya.

"I'm sorry, May importante lang akong lakad this evening eh. " dagdag pa ni Romeo.

Rinig nila ang pagmumura sa kabilang linya ng babae.

"Ganun ba?, Fine ! " sabi nito sabay binaba ang phone.

Natawa si Romeo.

Tulala pa rin si Darius.

..

Ilang minuto pa ang lumipas bago nakarecover si Tabar.

Inalog nya ang kaibigan at pilit na pinaamin.

"Tangna mo tol !, kelan mo nakuha ang number ni Monica?, Lumalakad kang Mag isa !, bakit di mo ko sinama ?. " sunod sunod na tanong ni Darius.

Napangisi lang si Romeo at inalis ang mga kamay ng kaibigan.

"Para namang minamaliit mo ang kakayahan ko bilang Ace of Spades ?. " tanong ni Romeo.

Lalong humanga si Tabar.

"Kwento mo na kase !. " giit nya.

Pero umiling si Romeo.

"Cancelled na ang date namin. " sabi nya.

Nagtaka si Tabar.

"Bakit mo nga pala kinansel?, may iba ka bang lakad or ka date na mas hot pa sa kanya?, langya ka pare !, artistahin na si Monica !. " inalog alog nya ang kaibigan.

"Hayop ka, wag mong alugin ang utak ko !. " sigaw ni Romeo at lumayo kay Tabar.

Dumiretso sya sa kama at nahiga.

Sumunod si Darius.

Tinabihan nya ang kaibigan at pilit na pinaamin.

"Bakit mo nga kasi kinansel? " tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"May mas importanteng tao na nangangailangan ng tulong ni Romeo the Devil. " sabi lang nya.

Kumunot ang noo ni Tabar.

"Oh sino naman yon? . " tanong nya.

Tinitigan lang sya ng kaibigan.

Agad na nagets ni Darius na sya ang tinutukoy ni Romeo at natawa sya ng malakas.

"Gago !, di pa ako nababaliw para komunsulta sayo no !. " tatawa tawang sabi nya pero labas ito sa ilong.

Natahimik si Romeo.

Natigil ang pagtawa ni Tabar.

Parehas silang sumandal sa headboard ng kama at tumitig sa nakabukas na TV.

..

Pero tagus tagusan ang tingin dito ni Tabar.

Naisip na naman nya si Ekang.

Pakiramdam nya ay may anay sa loob ng katawan nya na pilit syang binabakbak at sinisira.

..

"Alam kong namimiss mo na si Ekang. " sabi ni Romeo.

Natawa si Darius.

"Ulol." sabi lang nya.

"Ulol ka rin. " sagot ni Romeo.

Nagtawanan sila.

Pero mabilis ding nagseryoso.

"Tol, alam mong iiwan ko ang lahat para sa inyong mga kapatid ko. Ikukwento ko sayo kung paano kami nagkakilala ni Monica pero may kapalit. " sabi ni Romeo.

Ngumiti ng malungkot si Tabar at tumango.

Hindi naman sya interesado sa kahit na sinong babae.

Tanging kay Ekang lang.

..

Napangiti si Romeo.

Hinimas nya ang baba at nagday dream.

"Galing ako nun sa supermarket. Inutusan ako ng siga sa bahay. " bungad nya.

Natawa si Tabar.

"Si Tita Alexa? Anong inutos sayo ?. " tanong nya.

Sumimangot si Romeo.

"Bumili ako ng miryenda nung dalawang gurang. " reklamo nya.

Lalong natawa si Tabar.

"Ang bastos mo talagang anak eh no, akalain mong tawagin mong gurang yung parents mo?. " tanong nya.

Natawa din si Romeo.

"Joke lang yon, alam mong lampas pagkatao ko ang pag galang ko sa mga magulang ko. " sabi nya.

Ngumiti si Tabar.

Pare parehas lang naman sila.

"Tuloy mo na. " sabi nya.

Ngumiti si Romeo.

"So yun nga, bumili ako ng hotdog at tinapay, tapos nung maalala kong wala na nga pala akong stock ng combo number 1 ko, bumili na rin ako. " sabi nya.

"Combo number 1?, you mean Lemon Square at Mountain Dew?, naubusan ka ng Lemon Square?, imposible !. " natatawang sabi ni Tabar.

Natawa din si Romeo at napakamot sa batok.

"Si Mother Earth kase, tinamad mag grocery nung nakaraan, kaya naubos yung stock ko ng baterya. Kaya ayun, naisip ko ngang bumili, duon ko nakita si Monica." bigla syang natawa.

Nacurious si Tabar.

"Anong nakakatawa?, " tanong nya.

Napangiti si Romeo ng maisip ang ginawa.

"Umikot ako sa kabilang shelf ng mga foods, hanggang sa makarating ako sa hygene products. Dumampot ako ng 2 packs ng Napkin, tapos nilapitan ko ulit si Monica, then nilaglag ko sa dala nyang basket yung isang pack tapos nilaglag ko naman sa paa nya yung isa." natatawang kwento nya.

Di pa man natatapos si Romeo, bumunghalit na ng tawa si Tabar.

Dati na itong ginawa ng kaibigan nya sa isang magandang babae at talagang tawa sila ng tawa.

"Inulit mo yon ?. " tanong ni Tabar.

Natawa si Romeo sabay tango.

Nagpagulong gulong sila sa kakatawa.

"Ahahaha, tangna pare ansakit ng tyan ko, eh di anong reaksyon ni Monica?, paano mo sinabi ?. " tanong pa ni Tabar.

Pinunasan ni Romeo ang nangingilid na luha sa mga mata nya at muling nagkwento.

"Ayun nga, so lumapit kunwari ako tapos dinampot ko yung nalaglag na napkin. Sabi ko 'Miss, nalaglag yung pampers mo' " sabi ki Romeo.

Muli silang nagpagulong gulong ni Tabar sa kakatawa.

Ilang minuto muna ang lumipas bago sila pumayapa.

..

"Anong sabi nya ?. " tanong ni Tabar.

"Ayun, namutla, napatingin kasi yung ibang tao, akala ko nga iiyak eh, pero syempre, to the rescue kunwari ako, hinatak ko sya palayo sa ibang tao. Tapos ayun na, kinausap ko sya tapos nag thank you pa. Sabi nya kung di daw dahil sa paghatak ko, malamang na di nya alam ang gagawin kasi talagang nakakahiya. Tapos yun, kinuha nya yung number ko. " sabi ni Romeo.

Namangha si Tabar sa diskarte ng kaibigan.

"Hayop ka talaga tol. Bangis mo. " sabi nya.

Ngumisi si Romeo.

"Alam ko, pero wag mo kong utuin, magkwento ka na. " sabi nya.

Natigilan si Tabar at natahimik.

"K-kelangan pa ba?. " sabi nya.

Tumango si Romeo.

Nakinig.

..

Napahinga ng malalim si Tabar.

"S-san ako magsisimula." sabi nya.

Ngumisi si Romeo.

"Simulan mo dun sa ginagawa nyo kagabi. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Darius.

"N-nakita mo?. " tanong nya.

Tumango si Romeo at ngumisi.

"Kitang kita ko. " sabi nya.

Inis na pinagkukurot ni Darius ang kaibigan.

"Kainis ka talaga !. " landi nya.

Nagtawanan sila.

..

"Wehh tol nakita mo talaga? . " ulit na tanong ni Darius.

Tumango si Romeo.

"Nakita ko, pero gustong marinig mula sa'yo. " sabi nya.

Natahimik si Tabar.

Naisip nyang hindi na sya makakaiwas pa sa kaibigan.

Ngumiti sya at binalot ng kilig.

"Nagkiss kami pare. Sa lips, grabe ang sarap. Ang tamis ng laway nya tapos ang bango ng breath. !. Woo ! ang tagal ng kiss namin tol. " kinikilig na pag amin ni Darius.

Saglit na natulala si Romeo bago muling nag poker face.

"Tapos ?. " tanong nya.

Ngumiti si Tabar.

Para syang nananaginip.

"Yun nga, grabe, first time namin pareho yung kiss na yon. Pakiramdam ko huminto yung pag ikot ng mundo. Grabe talaga, di ko ma explain. " sabi pa ni Darius.

Nanatiling nakikinig si Romeo.

..

"Anong nararamdaman mo ngayon? . " tanong nya.

Kinapa ni Darius ang nararamdaman.

Napahinga sya ng malalim.

"M-masakit tol, sa'yo ko lang aaminin pero talagang masakit ang pag alis nya. Mas sumakit pa nung tumanggi syang ihatid natin. Huling sandali na mayayakap ko sya pero inawat nya ako. Parang nag iba sya eh. Di ata totoo yung mga pinaramdam nya sakin last night. " pag amin ni Darius.

Tahimik lang si Romeo.

Nag iisip.

..

Naiyak si Tabar.

Di nya sinasadya pero nalaglag na ang mga luha nya.

Tila nakaunawa naman si Romeo dahil hindi ito tumawa.

Bagkus ay inakbayan lamang ang kaibigan at hinayaang ibuhos ang sakit na nararamdaman.

..

Ilang minuto ang lumipas.

Tumigil si Tabar.

Pinunasan nya ang mga luha gamit ang T-Shirt.

Ngumiti sya kay Romeo at nagpasalamat.

..

"Tol, thanks, kinansel mo pa yung Date nyo ni Monica para lang saken. " pasasalamat ni Tabar.

Tumango si Romeo.

"I told you, magkakapatid tayo dito. Kanina ko pa kasi napapansin na gusto mo lang ng kausap. Kaya nagstay ako. At sa tingin ko, alam ko na ang dahilan ni Ekang kung bakit nya tayo hindi pinasama sa paghatid sa kanila sa airport ." sabi nya.

Napakunot ang noo ni Darius.

"Ano ang dahilan nya ?. " tanong nya.

"Sa tingin ko, mahal ka ni Ekang, at kung ihahatid natin sya, baka lalo lang syang mahirapan na mamili sa pagitan mo at ng Mommy nya. Kaya tama lang ang ginawa nya, sakripisyo na lang ng konti pare, kase sobra sobra na ang sinasakripisyo ni Ekang sa ngayon. " paliwanag ni Romeo.

Natulala si Darius at napaisip.

"G-ganun nga siguro, S-salamat ulit tol. " sabi nya.

Nagkibit balikat lang si Romeo at hinimas ang tyan ni Darius.

Ngumiti si Tabar.

"Salamat ulit. Nakakahiya na umiyak pa ako. Sana tol wag mong ikwento ito sa iba ha. " sabi nya.

Ngumisi si Romeo.

"Bayaran mo ang pananahimik ko. " sabi nya.

Natawa silang pareho.

..

Gabi na ng nagpasyang umalis si Romeo.

Magkalapit lang ang terrace ng kwarto nya at ang terrace ng kwarto ni Tabar.

Gumawa ang mga tatay nila ng hagdan para kung sakaling gusto nilang akyatin ang isa't isa, magagawa nila ito ng walang kahirap hirap.

..

Pinagmasdan ni Tabar na tumawid ang kaibigan.

Napangiti sya ng makitang makatawid na ito at nasa harap na ng sariling kwarto.

Kumaway si Tabar.

Gumanti si Romeo.

"Tol !, salamat ulit. " sigaw ni Darius.

Ngumiti si Romeo.

"Ganito lang tol, sigurado akong sa mga oras na ito, papaalis pa lang ang eroplano nina Ekang, kaya kapag nakakita ka ng airplane, sigawan mo sya at sabihin mong mahal na mahal mo sya. Sabihin mo rin na Kaya nyong Lampasan ang lahat ng pagsubok ." sigaw nya.

..

Natulala si Tabar.

Pero napangiti sya at nag thumbs up.

"Sure !. " sigaw nya.

Pero di pa rin pumapasok ng bahay si Romeo.

Tila may nais itong sabihin.

"Tol bakit ?. " tanong ni Darius.

Napakamot si Romeo sa batok nya at ngumiti.

"Actually, nung lumabas kayo ni Ekang sa Terrace ng condo ni Bea, Tulog na tulog na ako non, Meaning, hindi ko alam kung anong ginawa nyo. Pero since na inamin mo na sa akin, nalaman ko na. Sige tulog na ako. " pang aasar ni Romeo sabay pasok sa kwarto.

Rinig pa ang tawa nya na parang sa demonyo.

..

Natameme si Tabar.

Naisahan na naman sya ng kaibigan.

Pero imbes na magalit, natawa na lang sya sa ginawa nito.

Di nya maikakaila na gumaan na ang loob nya ng makausap si Romeo.

Tama ang kaibigan nya.

Malaki na ang sakripisyo ni Ekang.

Kaya hindi na dapat nya itong husgahan pa.

..

"Mahal din kita Ekang. " bulong ni Tabar sabay ngiti.

Napatingala sya sa langit ng makarinig ng tunog ng eroplano.

Naalala nya ang sinabi ni Romeo.

Huminga sya ng malalim at sumigaw ng malakas.

"Ekkaaaanggggg !!!!.. " sigaw ni Tabar.

Huminga ulit sya ng malalim.

"We Can do IT !!! " sigaw pa nya.

Naglabasan sina Rhoi , Aldrin at Romeo sa kanya kanyang mga kwarto.

"Ay gago sinunod nga. " natatawang sabi ni Romeo.

"HOY !, Kung ayaw mong matulog !, magpatulog ka !, " sigaw ni Rhoi.

"Tangnang baboy to, gabing gabi umamalulong !." sigaw ni Aldrin.

Pero tinawanan lang sila ni Tabar at binigyan ng tig iisang dirty finger.

ITUTULOY !!!