1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 26 - LDR
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 26 - LDR

By supertoyantz ·

Chapter 26 - LDR

"Anak, gising na. Tanghali ka na naman nyan eh. " inalog ni Annette ang anak.

Umungol lang si Darius at nagtakip ng unan.

"Anak naman, sabi ka ng sabi na gisingin kita bago kami umalis ng Daddy mo eh, tapos ganyan ka, di ka naman pala babangon. " reklamo pa ng ina.

Pero di pa rin gumagalaw si Darius.

Napahinga ng malalim si Annette.

Ayaw nyang abalahin ang tulog ng anak pero kung malalate na naman ito kung hindi nya ito gigisingin.

..

"Honey, let's go. Baka abutan na tayo ng traffic. " pagtawag ni Denzel sa kabiyak.

Lumingon si Annette at nginuso ang anak.

Kunot noong pumasok si Denzel sa kwarto.

"Ano na naman ba yan ? . " tanong nya.

"Eto kasing anak mo, mag aalas syete na naman, kapag hindi pa sya bumangon, baka ma-late na naman sya sa eskwela. " imporma ni Annette.

Nagsalubong ang mga kilay ni Denzel.

Tinapik nya ang asawa at sinenyasang lumabas ng kwarto.

Umiling si Annette.

Pero tumigas ang anyo ni Denzel.

"Lumabas ka muna Hon, kailangang mapagsabihan itong anak mo. " madiing sabi nya.

Napanguso lang ang babae at nilingon ang anak.

Padabog syang lumabas ng kwarto ni Darius.

..

Pinagmasdan ni Denzel ang paglabas ng kabiyak.

Ng makalabas na ito ng kwarto, pumwesto sya sya dulo ng kama ni Darius.

Huminga sya ng malalim.

"Darius. " malumanay nyang tawag.

Pero dahil sa tulog na tulog pa si Tabar, hindi nya naririnig ang pagtawag ng ama.

..

Napatiim ang bagang ni Denzel.

Tinapik nya ang pwet ng anak.

Umungol lang ito.

Sinulyapan ni Denzel ang relos.

"Darius ! . " sigaw nya.

Napabalikwas ng bangon ang binata.

Kinurap kurap nya ang mga mata at pinagmasdan ang paligid.

Agad nyang nakita ang galit na mukha ng ama.

"D-dad. " kabadong usal nya.

Napahalukipkip si Denzel.

"What's happening to you ?, it's already 7 : 10 and you are still here ?, lyiing on your bed ?. Wala ka bang pasok ?. " seryosong tanong nito.

Natameme si Tabar.

Alam nya ang mga ganitong sitwasyon.

Eto ang mga pagkakataong hindi nya pwedeng salungatin ang ama.

Batid nyang mabait ito at palabiro, pero may hangganan ang lahat.

..

Napayuko na lang si Darius.

"S-sorry po. " sabi nya.

Umiling si Denzel at tumalikod.

"Mag ayos ka na. Aalis na kami ng Mommy mo. Mag ingat ksa pagpasok at mag aral kang mabuti. " tanging sabi ni Denzel sabay labas ng kwarto.

Nakita nya ang kabiyak na nakasandal sa pader at nakikinig.

Pero nilampasan nya lamang ito at bumaba na ng hagdan.

Mabilis na sumunod si Annette sa kabiyak.

"Manaaanngggg, si Darius po paki-asikaso na lang ha. " sigaw ni Annette sa katulong.

Lumabas ang matandang katiwala at tumango.

"Sige po ate. " sabi nito.

..

Binilisan ni Annette ang paghakbang.

Naabutan nya ang asawa na nakasakay na sa kotse.

Agad syang pumasok sa loob.

Eksaktong pagsara nya ng pinto, pinaandar ni Denzel ang sasakyan.

Lumabas na sila ng garahe at tinahak ang daan palabas ng subdivision.

..

Walang imikan ang mag asawa.

Hanggang sa huminto ang kotse dahil sa naka red ang stoplight.

Nilingon ni Annette ang kabiyak at hinawakan sa kamay.

"Honey. " malambing na tawag ni Annette.

Kiming ngumiti si Denzel sa asawa.

Natahimik sila saglit.

..

"I think may problema ang anak mo. " basag ni Annette sa katahimikan.

Nanatili lamang nakikinig si Denzel.

Ngumiti si Annette at tinaas ang mga paa sa upuan.

Hinubad nito ang tsinelas at nagsuot ng high heels.

Nagsuot na rin ng mamahaling hikaw at kwintas.

Pasulyap sulyap lang si Denzel sa kabiyak.

Hanggang sa mag green na ang signal, pinasibad nya na ang sasakyan patungong hotel na pag aari nya mismo.

..

Sa kwarto.

Tila nabatubalani si Darius sa sinabi ng ama.

Hindi man ito masasakit na salita, bihira nya lamang makita ang Daddy nya na seryosong nakipag usap sa kanya.

Kadalasan ay pabiro ito at nakikipag kulitan sa kanila ng kanyang Mommy.

Dinampot nya ang phone.

Napabuntong hininga dahil sa wala pa ring text si Ekang.

Ilang linggo na ang lumipas na hindi ito nagtetext.

Nag aalala na sya.

Pero ayaw naman nya itong abalahin.

Nahihiya sya, o mas tamang sabihin na kinakain sya ng pride.

Malungkot na kumilos si Tabar.

May halong pagmamadali dahil ayaw nyang makasabay si Romeo.

Natatakot syang mabasa ng kaibigan, ang kanyang nararamdamang kahungkagan.

..

Lumipas ang ilang araw.

Tila nasanay na si Tabar na hindi nakakatanggap ng text mula kay Ekang.

Ayaw nyang magtanong sa mga kaibigan lalo na kay Krissing kung may kontak pa ba ang mga ito sa dalaga.

Pinilit na lamang ni Darius na mag fous sa pag aaral.

Ayaw nyang madismaya ang mga magulang.

Nais nyang ipagmalaki sya ng mga ito.

..

Ilang buwan ang lumipas.

Tila nasagot ang matagal ng tanong ni Darius.

Nangyari ito ng isang hapon.

Kasalukuyan silang nakatambay sa kwarto ni Rhoi.

Apat silang magbabarkada kasama si Krissing.

Nakatambay at nagkukwentuhan ng kung ano ano.

Tulad ng dati si Romeo ang bangka ng usapan at tumatawa lang ang lahat.

..

"So ano ngang apelyido ni SADAKO ?. " tanong ni Romeo.

"Tangnang to, corny jokes na naman ?. " biro ni Rhoi.

Natawa ang lahat.

"Sige sige ano ?. " tanong ni Darius.

Ngumisi si Romeo.

"Ano pa, eh di PAROON.. SADAKO PAROON !.. BWAHAHAHA.. Ang di tumawa walang butas ang pwet. " sabi nya.

"HAHA., HAHA at isa pang HAHA. " pagsakay ni Krissing.

Bungisngisan na naman sila.

Mabilis na lumipas ang oras at papagabi na.

Nagpasya ang lahat na mag siuwian na sa kani kanilang mga bahay.

Hinatid ni Rhoi ang mga kaibigan sa gate ng kanilang bahay.

Ngunit bago ito, di sinasadyang nakapag salita si Tabar na ikinagulat ng lahat.

"Ang saya no?, nakahanap na kaya si Ekang ng bago nyang friends sa Amerika ?. " tanong nya.

Natigilan ang lahat.

Maging si Krissing ay tila nalungkot.

"Hindi na nga ko kinokontak ni Sis Dannica eh, almost a month na. " malungkot na sabi nya.

"P-parang ambilis nya tayong nakalimutan no ?. " tanong ni Aldrin.

Nais sanang magprotesta ni Darius.

Pero kahit sya ay aminado na yun din ang kanyang nararamdaman.

..

Natahimik ang lahat.

Tumikhim si Romeo.

"Sige sige, tutal namimiss na natin sya, tomorrow after class, bisitahin natin ang bahay nila, try natin tanungin kung ano na ba ang nangyari sa mag ina dun sa states. Mahirap mag conclude lalo na at di natin alam kung ano ba talaga ang dahilan nya. " sabi nya.

Tumango ang lahat at tila nagkaroon pa ng pag asa.

..

Kinabukasan.

Matapos ang klase, nagpaalam si Krissing na mauunang umuwi dahil medyo masama ang pakiramdam.

Agad naman itong sinamahan ni Rhoi.

Sina Aldrin , Romeo at Darius na lang ang nagtungo sa bahay nina Ekang.

..

Isang oras ang lumipas.

Nasa harap na sila ng bahay ng dalaga.

Si Aldrin na ang nagdoorbell at ilang saglit lang, lumabas ang isang naka unipormeng katiwala.

Agad silang nakilala nito.

"Ay kayo yung mga kaibigan ni Señorita di ba?. " tanong nito.

Tumango si Darius.

Napangiti ang matandang katiwala.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo. Pasok na muna kaya kayo ?. " alok nito.

Agad namang pumayag si Romeo.

"Tamang tama nga po at medyo gutom na itong mga kasama ko. " sabi nya sabay turo kina Potpot at Tabar.

Napasimangot ang dalawang binata.

Natawa naman ang matandang katiwala at niluwangan ang bukas ng gate.

..

Piningot nina Darius at Aldrin ang tenga ni Romeo.

Natawa lang ang binata.

"Totoo naman di ba?, ang init kaya. " sagot ni Romeo.

..

Pagpasok nila sa loob ng bahay.

Muling nanariwa kay Darius yung araw na natulog sya dito.

Napapangiti sya ng malungkot ng maalala ang panahon na kasama nya pa si Ekang.

..

Hinatid ng katiwala ang magkakaibigan sa salas.

"Dito na muna kayo mga pogi, maghahanda lang ako ng miryenda. " nakangiting sabi nito.

Pumasok ang katiwala sa kusina.

Nasalubong nya ang kapwa kasambahay.

"Nanay Miding, sino yang mga gwapong yan ?." kinikilig na sabi nito.

Natawa ang matandang katiwala at dinagukan si Cely.

"Hala at tulungan mo nga akong mag asikaso sa kanila. Naalala mo ba si Darius ?, yung nakitulog dito. " sabi ni Aling Miding.

Tumango tango si Cely.

"Aba oo naman yes, sino bang makakalimot sa ganyang kagwapong mukha, at nagsama pa talaga ng dalawang sing gwapo nya oh.. Nahihilo na ako Nanay Middiinnggg.. " impit na tili nito.

Natawa lang si Aling Miding at napailing.

..

Ilang salgit lang.

Feel at home na ang tatlo.

Kanya kanya na silang kalikot ng mga gamit.

Pagpasok ni Aling Miding sa salas.

Natawa sya dahil nanunuod ng DVD ang tatlo.

Tumikhim sya at nilapag ang miryenda sa lamesita.

"Kain kayo mga iho. " alok ni Aling Miding.

Tumango ang tatlo.

Tumayo naman si Darius at tinulungan ang matanda.

Napangiti si Aling Miding.

Ng maayos na ang mga pagkain ay naupo sya sa tabi ni Tabar.

"Kamusta na po kayo?. " tanong niya.

Ngumiti lang ang katiwala.

"Ayos naman, medyo malungkot lang kasi dalawa lang kaming narito. " sabi nito.

Nalungkot naman ang tatlong alas.

"Eh di party party kayo dito Nanay ?. " tanong ni Aldrin.

Natawa si Cely sa malayo.

Napatingin sa kanya ang tatlong binata pero mabilis pa sa alas kwatro syang nakapag tago sa kusina.

..

"Nanay, may maligno ho ata sa kusina nyo. " bigkas ni Romeo.

Natawa si Aling Miding.

"Cely pumarine ka nga, sus itong batang to, bakit ka ba nagtatago dyan ?. " sigaw nito.

Dahan dahang lumabas si Cely sa kusina at lumapit sa matanda.

"P-po?. " kinakabahang tanong nito.

Pasulyap sulyap sa tatlong alas.

Ngumisi si Aldrin.

"Eto ba yung malignong sinasabi mo Rom?. Maganda ah. " biro nya.

Ngumisi si Romeo.

"Aba, malay ko bang may magaganda palang maligno, sige nga, ilabas mo nga ang tunay mong anyo " pagsakay niya.

Napasimangot si Cely.

"Di ako maligno !, hhmpp !. " taray nito.

Nagtawanan ang tatlong alas.

"Binibiro ka lang, mga tol, si Cely, kasambahay ni Ekang, eto naman si Nanay Miding. Nanay, Cely, eto ang mga kapatid ko, sina Aldrin at Romeo. " pakilala ni Tabar.

Ngumiti si Aling Miding.

"Ano bang nakain nyo at nadalaw kayo dito mga gwapo ?. " tanong nya.

Nagkatinginan ang mga alas.

Tinulak ni Romeo si Darius.

Natawa si Aldrin.

..

Alumpihit na nagsalita si Tabar.

"E-eh, k-kasi po. " putol putol na sabi nya.

Natawa si Aling Miding.

"Kasi ?. " tanong nya.

"K-kasi po. " alumpihit na sabi ni Tabar.

Nainis si Romeo.

"Hayup na to, tabi nga dyan !." sabi nya sabay lapit sa matanda.

..

"Ganito po kasi yon Nanay, matagal na po kasi naming di nakokontak si Ekang, gusto lang po kasing alamin nitong kapatid ko ang lagay ng alaga nyo sa states. Namimiss na daw po kasi nya eh. " kwento ni Romeo.

Nanlaki ang mga mata ni Darius pero di sya makapalag sa sinabi ng kaibigan.

Natawa lang si Aldrin.

Kinilig naman si Cely.

..

Ngumiti si Aling Miding at napatango.

"Ah ganun ba iho ?, bakit di mo agad sinabi ?, nabilin na sa amin ni Dannica yan. Sabi nya, kapag hinanap nyo daw sya, ipagbigay alam ko daw agad sa inyo ang bagong contact nya. Mangyari kasi na nawala daw nya ang cellphone nya sa bago nyang eskwela. " imporma nito.

Nagkatinginan ang tatlong alas.

Kapwa nalinawan sa mga pangyayari.

Napakamot na lang si Tabar sa ulo nya.

"Ganun po ba?, akala ko nakalimutan na kami ni Ekang. " nakangiting sabi nya.

"Magagawa ba naman yon ng alaga ko ?, kayo pa !, lalo na ikaw tabachingching. " gigil na kinurot ni Aling Miding ang pisngi ni Tabar.

Nagtawanan lang ang tatlong alas.

Masaya silang nag kwentuhan bago nagpaalam ang tatlo na uuwi na.

"Promise Nanay, dadalaw dalaw ako dito para di naman kayo nalulungkot. " pangako ni Tabar.

"Aasahan ko yan iho. Mag ingat kayo sa pag uwi. " nakangiting kumaway si Aling Miding.

Malayo na sila ng muling bumalik si Romeo.

Walang sabi sabing hinalikan nya sa labi si Cely.

Tulala ang lahat.

Tumawa lang si Romeo at nagpauna na sa pag alis.

Walang nagawa si Cely kundi damhin na lang ang mga labing dinapuan ng malambot na labi ng gwapong binata.

..

Gabi.

Excited si Tabar.

Kasama sa nakuha nyang bagong contacts ni Ekang ay ang email add nito sa Friendster.

Sabik nyang binuksan ang computer.

Nag log-in at mabilis na sinearch ang dalaga.

Maraming lumabas.

Pero kahit sa maliit na larawan, kabisado ni Tabar ang mukha ni Ekang.

Sabik nya itong kinlick ang unang larawan na lumabas.

Napangiti.

"Gotcha !, " bulong ni Tabar.

Agad nyang naramdaman ang pagkamiss sa dalaga sa pagkakakita dito sa primary photo ng friendster account nito.

Nakangiting nagbrowse si Darius.

Halatang bago pa lang ang account, konti pa lang kasi ang pictures at friends nito.

Pinindot nya ang isang album na naglalaman ng 6 pictures.

Umaasang mas makakakita pa ng mas maraming larawan ng dalaga.

Pero nawala ang ngiti ni Tabar.

Nakakita nga sya ng mas maraming pictures ni Ekang.

Pero hindi ito nag iisa.

Sa anim na larawan, may kayakap itong isang lalake.

Halatang pinoy base sa kulay at itsura.

Gwapo.

..

Pakiramdam ni Tabar ay umikot ang mundo nya.

Tila nawalan ng kulay ang mga bagay at kusa itong huminto.

Diyata't may isa pang dahilan kung bakit hininto ni Ekang na makipag communicate sa kanila.

Mukhang masaya na ito.

Sa piling ng bagong mga kaibigan.

O maaaring bagong minamahal.

..

Napangiti ng mapait si Tabar.

Nagulat pa sya ng biglang dumaloy ang isang luha mula sa kanyang mga mata pababa sa pisngi.

Isang luha na sinundan pa ng isa pa.

Hanggang sa di na nya nakontrol ang pagbalong ng mga ito.

Parang ilong na nabuksan ang pagpatak ng mga luha ni Tabar.

May mas malala pa pala sa ideyang uubusan sya ng mga paborito nyang pagkain sa ref.

Mas malala ng di hamak.

Mas masakit.

Walang kasiguraduhang paggaling.

Walang kasiguraduhang paghilom.

..

Nakarinig si Tabar ng mga kaluskos mula sa kanyang terrace.

Dali dali nyang inayos ang mukha at pinatay ang computer.

Hinamig nya ang sarili at ng masigurong kaya na nyang humarap sa iba, binuksan nya ang sliding door ng terrace para tukuyin kung saan galing ang mga kalukos.

..

Di pa man nabubuksan ni Tabar ang sliding door, napangiti na sya ng malungkot ng makita si Romeo na gumapagang paakyat.

Napasimangot pa ito ng makita syang nagmamasid lang.

"Tangna mo !, imbes na nanunuod ka dyan, eh kung tulungan mo ko ?. " sigaw ni Romeo.

Napangiti si Darius.

Kumunot ang noo ni Romeo.

"Anyare na naman ?, may problema ka na namang baboy ka ?. Sa lahat ng baboy, ikaw ang malungkutin eh. " asik nito sabay sampa sa pasimano ng terrace.

Tinanaw ni Tabar ang gabi.

"Tol, uulan siguro. " sabi nya.

Tumabi sa kanya si Romeo at tumingala.

"Bakit ?, kasi walang stars?, di ba pwedeng nag meeting lang lahat ?. o kaya nag boycot. " biro nito.

Natawa si Tabar.

Tiningnan nya si Romeo.

Napatingin din ang kaibigan nya sa kanya.

Naasiwa si Romeo at pinalo sa braso si Darius.

"Nababakla ka na ?. " tanong ni Romeo.

Ngumiti si Darius.

"Bakit ganon pare ?, bakit parang dali tayong kalimutan ni Ekang ?. " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Romeo.

"Di ba nga, nawala daw yung cellphone nya kaya di nya tayo nakontak agad. Binigay na nga ni Nanay Miding sayo yung bago nyang numbers pati email eh. Ay oo nga pala, in-add mo na ba sya sa friendster ?. " tanong nito.

Ngumiti ng malugkot si Tabar.

Umiling.

Nagtaka si Romeo.

"Who o why?, is something the happenings ?. " biro nya.

Napahinga ng malalim si Darius.

"May bago na syang mundo. " mahinang sabi nya.

Natawa si Romeo.

"Sobrang yaman na nila Ekang kaya nakabili na sila ng bagong mundo?. Wow. " biro nya.

Natawa si Tabar at sinuntol ang kabigan sa braso.

"Gago, hindi yon. " sabi nya.

"Alam ko. May bago na syang environment, friends and lifestyle. " sabi ni Romeo.

Tumango si Darius.

"N-nakita ko. May mga kaibigan na din syang bago. M-may boyfriend na nga ata. " utal na sabi nya.

Natahimik si Romeo.

Pinabayaang magnilay nilay ang kabigan.

Hanggang sa magpasya syang magsalita.

"Wala akong nalalaman sa ganyan tol. Di kita matutulungan kasi hindi pa naman ako nakakaranas na ipagpalit. " panlalait nya.

Inis na sinakal ni Tabar ang kaibigan.

Natawa lang si Romeo .

"Pinapatawa lang kita. Pero tulad ng sinabi ko, wala talaga akong alam pagdating sa tinatawag nilang pag ibig. " pag amin nya.

Natahimik ang dalawa.

Bumuntong hininga si Tabar.

"A-akala ko, kakayanin namin kahit malayo kami sa isa't isa. M-mahal ko sya pare, sinabi ko na naman sayo yan. A-at di lang isang beses na inamin ni Ekang na mahal din nya ako. P-pero bakit ganito ?. B-bakit parang nawalan ng saysay ang lahat. " di maiwasang mag hinanakit ni Darius.

Tahimik na pinagmasdan ni Romeo ang kalangitan.

Wala syang maipayong maganda sa kaibigan.

Wala syang masabing biro na maganda at papatok.

Tanging ang nagawa nya ay akbayan ito.

..

Lumipas ang ilang sandali.

Tahimik na umiyak si Darius sa balikat ni Romeo.

Hiyang hiya syang nagpunas ng luha at tumawa ng mahina.

"S-sorry pare, nabasa ko yang T-Shirt mo. " sabi ni Tabar.

Ngumiti lang si Romeo.

"Okay lang, may kapalit naman to eh. " sabi nya.

Ngumiti si Tabar.

"Gago ka talaga. " sabi nya.

"Pogi naman. " sagot ni Romeo.

"Mas pogi ako sayo. " agaw ni Darius.

Ngumisi si Romeo..

"Excuse me. Di porke't kwento mo to, mas pogi ka na. Baka nakakalimutan mo na kawangis ako ng author natin. " banta nya.

Natahimik si Tabar at sumuko.

..

"Tol, mahirap pala talaga ang Long Distance Relationship no? " sabi ni Darius.

Napaisip si Romeo.

"Di ko alam tol, pero sa tingin ko, nasa tao lamang ang susi para tumagal at tumatag ang kanilang relasyon. Malayo man o malapit. Kapag hindi talaga seryoso ang parehong panig, mabubuwag ang pundasyon ng kanilang pagsasama, malalim man ito o mababaw. Hindi kwestyon ang distansya ng dalawang tao. Ang tanong dyan ay kung handa ba silang harapin ang konsekwensya ng kanilang pagmamahalan. Tiwala pare, tiwala lang talaga ang susi. Kapag yan ang nasira, parang salamin yan na nabasag, maidikit mo man, makikita mo pa rin ang laman na ginawa ng pagtataksil ng isa. " sabi nya.

Napatingin si Tabar.

"So you mean to say, kahit na malayo ang dalawang taong nagmamahalan, may tendency na maging sila pa rin at the end of the story ?. Parang ang hirap naman yata kasing pangatawanan at paglabanan ng tukso pare. " maasim na sabi nya.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Di ko alam pare, pero sa tingin ko, wala naman talagang madali sa mundo. Lahat ng bagay ay may kaakibat na paghihirap. Walang perpektong relasyon, walang perpektong pagmamahal. Lahat, may kasiraan. Utak laban sa puso. Dalawang kapirasong laman na wala pa sa katiting na laman sa katawan natin, pero nagdudulot ng sobra sobrang paghihirap sa nagmamay ari nito. " litanya nya.

Tumango si Tabar.

"Akala ko talaga, okay na ang lahat sa amin ni Ekang, na di sya makakatiis at babalik din sya isang araw. Pero sa nakita ko, mukhang masaya na sya sa kung anong meron sya sa ibang bansa. Masya na rin naman ako, kasi masaya sya. " sabi nya.

"Pero nalulungkot ka kasi hindi ikaw ang dahilan kung bakit sya masaya. " sabat ni Romeo.

Natigilan si Tabar.

Muling nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Natumbok ng kaibigan ang kanyang nararamdaman sa mga oras na yon.

Marahan nya itong pinahid at malungkot na ngumiti.

"T-tama ka tol. M-masakit. Masakit na hindi ako ang dahilan kung bakit ngumingiti si Ekang. M-masakit na hindi ako ang dahilan kung bakit masaya syang nagpapatuloy sa bawat araw. Sabihin mo ng makasarili ako o mababaw sa paningin mo, pero isa lang talaga ang gusto ko. Ang maging dahilan kung bakit masaya si Ekang. " mahinang sabi nya.

Natahimik si Romeo.

Nais nyang magbiro, pero naisip nyang damayan na lamang ang kaibigan sa mga oras na ito.

..

Lumipas ang ilang sandali.

Ngumiti si Tabar at siniko ang kaibigan.

"Ano bang ginagawa mo dito ?. " tanong nya.

Ngumiti ng malandi si Romeo.

"Peram ng charger ng PSP. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Darius.

"Gago !, nasayo pa yung charger ko. Tangna mo !, winala mo na naman ?. Ano bang ginagawa mo sa mga charger ko ?, kinakain mo ?. " singhal nya.

Napangiwi si Romeo.

"Tangna pare, di ko nga alam eh, minamaligno ata ako sa kwarto ko. Kapag hinahanap ko ang isang bagay, di ko makita. Pero kapag di ko naman hinahanap, tangna, nakakalat lang kung saan saan. " reklamo nya.

Natawa si Tabar.

"Maglinis ka kasi ng kwarto mo. " utos nito.

Nagtroll face si Romeo.

"Gago ka ba?, kung makapag utos ka, parang ikaw ang linis mo sa kwarto mo. Para ngang kural ng baboy itong room mo eh, tamang tama sa katawan mo. Baboy !. " pang aasar nya.

Nag- asaran lang ang dalawa hanggang sa magsawa sila at mapagod.

Bumaba na si Romeo sa hagdan.

Napangisi si Tabar at ginalaw galaw ang kinakapitan ng kaibigan.

"Tangna mo !. " sigaw ni Romeo.

Natawa si Tabar at pinakyu lang ang kaibigan.

Pumasok na sya sa silid at sinara ang sliding door.

..

Tumihaya sa kama.

Nakatitig lamang sa kisame.

"Mahal kita Ekang, di ko alam kung mawawala pa ba yon. S-sana, maging masaya ka dyan. " bulong ni Tabar.

Muling nanumbalik ang sakit.

Muling nanumbalik ang kirot.

Muling nagbukas ang sugat.

Pinilit ni Tabar ang makatulog.

At nagpasalamat sya sa kanyang mga luha, nakatulong ito para makatulog sya kahit papaano.

ITUTULOY !!!