1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 27 - Alone
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 27 - Alone

By supertoyantz ·

Chapter 27 - Alone

Maraming Salamat sa lahat ng nananatiling sumusuporta.

Nawa'y wag kayong magsawa na tangkilikin ang aking mga obra.

Maraming maraming salamat po ulit.

Start.

Marahang minulat ni Ekang ang mga mata.

Kanina pa sya gising, pero ayaw nyang kumilos.

Pumapasok na ang sikat ng araw mula sa labas papasok sa kanyang silid.

..

Napahinga ng malalim ang dalaga.

Tinatamad sya.

Dati ay masigla nyang sinasalubong ang bawat araw na nagdaraan, kasama ang mga tapat at maaasahang mga kaibigan pati na ang laman ng kanyang puso.

Pero ngayon, tila isang pagsubok ang sinisimbulo ng bawat umaga.

Pagsubok na kailangan nyang pagdaanan dahil kailangan nyang magpatuloy sa buhay.

..

Marahang bumangon si Ekang.

Kahit na alam nyang wala syang mapapala, pinili nyang damputin ang cellphone.

Nagbabaka sakaling mayroong text o missed calls mula sa mga naiwan nyang kaibigan sa Pinas.

Pero tila hindi na sya natuto.

Tulad ng dati, wala ni isa.

Walang text o tawag man lang mula sa taong kanyang iniibig.

Pati na sa mga kaibigan.

Napangiti ng malungkot si Ekang.

"Kulit mo kasi Dannica. Sinabi ng nakalimutan ka na nila. " sabi nya sa sarili.

Pinigilan agad ni Ekang ang pangingilid ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Niligpit nya ang hinigaan at dumiretso agad sa banyo.

Hindi na nag abala pang buksan ng todo ang kurtina.

..

Ilang oras ang lumipas, kasama na si Ekang sa maraming estudyante na nakatambay sa paligid ng campus, hinihintay ang susunod na bell.

Ilang saglit lang ay nakarinig sya ng pagtawag sa kanyang pangalan.

"Dannica !" sabi ng boses.

Inalis ni Ekang ang headset, para kumpirmahin ang pinanggalingan ng pagtawag.

Lumingon sya sa likod at napangiti ng kimi ng makita ang kaklase na kapwa Pinay.

"Hey. " matamlay na bati ni Ekang.

Lumapit ang babae at naupo sa kanyang tabi.

"You are alone again. " puna ni Ashley.

Ngumiti lang si Ekang at inalis na ng tuluyan ang headset, sinilid nya ito sa bag at hinarap ang mga kaibigan.

"I'm fine, don't worry about me. " nakangiting sabi ni Ekang.

"You're always saying that, alam mo namang sa lahat ng nandito, ako lang ang makakaintindi sayo, double meaning yon dahil ako lang talaga ang kaibigan mo, at ako lang ang pinay sa university na to. " biro ni Ashley.

Napangiti ng maluwang si Ekang.

Palabiro talaga itong bago nyang kaibigan.

Nakilala nya ito sa isang subject na magkaklase sila.

Agad silang nagkasundo dahil nga sa parehong lahing pinagmulan.

..

"Are you free tonight ?. " tanong ni Ashley.

Napakunot ang noo ni Ekang.

"Why ?. " tanong nya.

Ngumiti si Ashley.

"Josh is throwing a party, punta tayo. " aya nito.

Mabilis na umiling si Ekang.

"I can't, you know my Mom" sabi nya.

Napanguso si Ashley.

"But how about you ?, paano ka makakapag enjoy kung lagi kang nasa bahay nyo ?, Come on, takas ka na lang . " nag taas baba ang kilay nito.

Natawa si Ekang.

"Di ko alam, bahala na . " sabi nya.

Eksaktong tumunog ang bell.

Sabay na silang tumayo at pumasok sa building kung saan sila magkaklase.

..

Gabi.

Tahimik na nakatitig si Ekang sa kanyang cellphone.

Umaasang makakarecieve ng text mula sa mga kaibigan, pero talaga wala.

Kahit quotes man lang o chain message.

Nais nyang kontakin ang kaibigan si Krissing.

Siguro naman ay di sya nito agad nakalimutan dahil ilang buwan pa lang naman ang nakakalipas mula ng umalis sya ng Pilipinas.

Pero di nya talaga alam ang number nito.

Nagpasabi na sya sa mga katiwalang naiwan sa bahay nila sa Pilipinas na oras na magtungo ulit ang mga kaibigan, hingin nito ang mga contacts ng mga ito.

Pero nung huling tawag nya kahapon ay sinabi ni Aling Miding na matagal na daw hindi nagagawi ang mga kaibigan nya.

..

Dahil sa inip, nagpasya si Ekang na tawagan ang matandang katiwala.

Nakailang ring lang sya ng may sumagot.

"Hello po Yaya. " bati ni Ekang.

"Oh iha, napatawag ka ?. " tanong ni Aling Miding.

Napakagat labi si Ekang.

"Kamusta po kayo ?. " segway nya.

"Okay lang naman, kahapon lang tumawag ka di ba ?. " tanong pa ng katiwala.

Tumango si Ekang kahit na di nakikita ng kausap.

"W-wala pa rin po ba?. " tanong nya.

Natahimik si Aling Miding sa kabilang linya.

Nagtaka si Ekang.

"Yaya? . " tanong nya.

"A-ah, w-wala pa rin anak eh. H-hayaan mo, saan ba ang address nila at ng mapapuntahan ko kay Cely. " sabi nya.

Bumungtong hininga si Ekang.

"D-di na lang po Yaya, kung di na nila ako naaalala, wala na po akong magagawa. " naiiyak na sabi nya.

"Dannica iha, wag mong pag isipan ng masama ang mga kaibigan mo. Lalo na si Darius " pigil na Aling Miding.

Marahas na pinahid ni Ekang ang nangilid na luha sa mga mata.

"Yaya, wag na po natin syang pag usapan. Basta lagi po kayong mag iingat dyan, sige na po at inaantok na ako. " paalam ni Ekang.

"P-pero Dannica. " awat ni Aling Miding.

Ngunit nagpaalam na si Ekang.

Binabana na nya ang telepono at muling nahiga sa kama.

Tahimik na pinaagos ang mga luha.

Sa mga ganitong pagkakataon, ramdam na ramdam ni Ekang ang kahungkagan.

Ang pakiramdam ng nag iisa, wala syang karamay, ang kanyang ina ay abala sa negosyo nito.

Dadalawa lamang silang nakatira sa malaking bahay na iyon.

Dalawang beses isang linggo kung bisitahin sila ng katulong.

Bukod doon, wala na. Walang nakakaaliw sa kanyang buhay dito sa America.

Mag aanim na buwan na buhat ng umalis sila sa Pilipinas sa di nya malamang dahilan.

..

Kinabukasan.

Parehong routine ang ginawa ni Ekang.

Mag isa syang nag aalmusal, na tanging sya lang sa tingin nya ang gumagawa.

Sya lang ang nag aalmusal ng kanin sa buong neighborhood nila.

Tahimik lamang syang kumakain ng makatanggap ng text.

..

Sabik na binuksan ni Ekang ang mensahe, unregistered number.

Sa pag aakalang isa sa mga kaibigan ang nakaalala sa kanya, agad na binuksan ni Ekang ang text.

Pero kung biglang taas ng kanyang enerhiya, bigla rin iyong bumagsak ng basa ang nakapaloob na menshe.

"Hey Dannica, It's me Randy !, wazzup ?. Musta ka dyan? , ingats ka lagi. " sabi ng text.

Agad na sinara ni Ekang ang phone at pinagpatuloy ang pagkain.

Pasulyap sulyap sya sa aparato, nag babakasakaling makatanggap pa ng isang text, at mula ito sa isa sa mga kaibigan.

Pero natapos na sya't lahat, wala pa ring galing sa mga ito.

..

Matamlay na naman ang naging araw ni Ekang.

Isa na sya sa maituturing na nerd ng campus pero wala syang pakialam.

Tanging si Ashley lamang ang kaibigan nya.

Ngunit abala din ito sa sarili nitong buhay kaya talagang masasabi nyang wala syang naging karamay sa mga oras na kailangan nya ng kaibigan at makakausap.

..

Isang araw, tulad ng dati, nakatambay si Ekang sa damuhan ng campus.

Nagbabasa ng mga aralin ng biglang may nagtakip ng kanyang mga mata.

Napangiti na lang si Ekang.

"Ash, wag mo na akong biruin dahil ikaw lang naman ang kaibigan ko dito. " sabi nya.

Natawa nga si Ashley.

Nawala ang takip sa mga mata ni Ekang at nagulat sya ng makitang nasa harap nya ang kaibigan.

Mabilis syang lumingon para tingnan kung sino ang nagtakip sa kanyang mga mata.

Bigla rin syang natawa ng makita kung sino ang may gawa nito.

"Josh. " bati ni Ekang at niyakap ang lalake.

Tumabi ito sa kanya.

Pinsan ni Ashley si Josh, pero half american ito dahil amerikano ang ama nito at Pilipina ang ina.

..

"Nag iisa ka na naman. " puna ng lalake.

Ngumiti lang si Ekang.

Mula sa ibang unibersidad si Josh at ugali talaga nitong pinapasyalan ang pinsan.

Naging kaibigan na rin nya ito ng minsang dumalo sya sa isang party dahil sa pamimilit na rin ni Ashley.

..

"Kamusta?. " tanong ni Josh.

Napapangiti si Ekang.

Matatas talagang magtagalog ang lalake pero hindi halata sa itsura nito.

Naturuan kasi daw kasi ng ina ang binata kaya magaling itong magtagalog.

"Eh ano naman, maganda nga ito, walang pumapansin, walang hassle. " nakangiting sagot ni Ekang.

Inakbayan ni Josh ang dalaga.

"Di ka nagpunta sa party ko kagabi. " sabi nya.

Umiling si Ekang at nagkibit balikat.

"Busy, i'm working on a project. " katwiran nya.

Napatingin si Josh kay Ashley.

"You are workin' on a project but my cousin is partying with me. Haha, sino sa inyo ang nagsisinungaling ?. " tanong nya.

Nagkatawanan lang sina Ashley at Dannica.

Nagpasalamat ng lihim si Ekang.

Ito ang konswelo nya sa tila pagkalimot na ginawa ng mga kaibigan nya sa Pilipinas, nagkaroon sya ng mababait na kaibigan dito sa US.

Pero batid ni Ekang na iba pa rin ang Kwadro Alas.

Lalo na ang Ace of Diamonds.

..

Gabi.

Nagpasya si Ekang na sumama sa magpinsan na mamasyal sa downtown.

Nagpaalam naman sya sa ina at sinabihan sya nitong wag lang magpapagabi masyado.

Pero kahit pa nakatanggap ng basbas mula sa ina, parang di maatim ni Ekang na iwan ito ng matagal na panahon na nag iisa lamang sa bahay nila.

Kaya kahit na alas nuwebe pa lang, oras kung saan nagsisimula pa lamang ang buhay sa America, nagpasya na si Ekang na umuwi.

Nalungkot ang mag pinsan ng maaga syang mag paalam.

Pero nauunawaan naman ng mga ito kaya hinatid na agad sya sa bahay nila.

..

Matapos magpasalamat sa mga kaibigan sa paghatid sa kanya, pumasok na agad si Ekang sa loob.

Sinuksok nya ang spare key na dala sa doorknob at binuksan na ang main door.

Madilim ang buong bahay.

Di na ito bago kay Ekang dahil di naman talaga nag iiwan ng bukas na ilaw ang ina bago matulog.

Pagkasara ng pinto, dumiretso na si Ekang sa hagdan at umakyat.

Akmang bubuksan na nya ang silid ng makarinig ng hikbi.

Napalunok si Ekang at agad na nakaramdam ng pagkabahala.

Alam nyang galing sa kwarto ng ina ang mga hikbi.

..

Dali daling nagtungo ang dalaga para alamin ang dahilan ng mga narinig.

Pagbukas nya ng pinto ay agad nyang nakita ang ina.

Umiiyak ito.

..

Nataranta si Ekang at mabilis na sinaklolohan ang ina.

"Ma. " tawag ng dalaga.

Nag angat ng tingin si Dulce.

Tila batang nakakita ng kakampi.

Mabilis itong bumangon at sinalubong ng yakap ang anak.

Mahigpit silang nagyakap.

Humagulgol si Dulce sa balikat ng anak.

Hinagod naman ni Ekang ang buhok ng ina.

Nagtataka kung ano ang pinagmulan ng pag iyak nito.

..

Di nagsalita si Ekang sa mahabang panahon na pag iyak ng ina.

Hanggang sa magpasya itong tumahan at nanatiling nakayakap na lamang.

Hinawakan ni Ekang ang balikat ng ina at pilit na hinarap sa kanya.

"Ma. What happened ?. " tanong nya.

Umiling si Dulce.

Pahikbi hikbi lamang ito.

..

"Ma, please, tayong dalawa na lang po ang nandito tapos maglilihim pa kayo. Ma naman. " reklamo kunwari ni Ekang.

Tila nahiya naman ang ina.

Umatras ito at dumampot ng unan.

Nahiga.

Inunat ang mga kamay para palapitin ang anak.

Napangiti si Ekang.

Hinubad ang sapatos at sumampa na ng tuluyan sa kama..

Sabik na niyakap ang ina at tumabi sa paghiga.

..

Hinagod ni Dulce ang buhok ng anak.

"Salamat anak at di mo ko iniiwan. " sabi nya.

Ngumiti lamang si Ekang.

"Of course Ma, dito lang po ako sa tabi mo. " sabi nya.

Napahikbi si Dulce.

"Iniwan mo ang buhay mo sa Pilipinas para samahan ako, kahit na hindi mo alam ang eksaktong dahilan ng pag alis natin. Nagpapasalamat ako sa'yo anak ko. " naiiyak na sabi nya.

Agad na pinunasan ni Ekang ang mga luha ng ina.

"It's okay Ma, tayong dalawa ang magkasama till the end of this. Matatapos din po ang lahat. " sabi nya.

Saglit na natahimik si Dulce.

Nagtatalo ang isip kung sasabihin ba sa anak ang lahat ng saloobin nya.

..

Umangat ang mukha ni Ekang at pinagmasdan ang ina.

"Ma, what happened ?. " marahang tanong nya.

Napalunok si Dulce at napaisip.

"Anak, I think you have the right to know. " sabi nya.

Nagtaka si Ekang.

"A-ano po yun ?. " tanong nya.

Di sumagot si Dulce, bagkus ay naupo ito sa kama at tinuro ang box.

Inabot ni Ekang ang kahon, binuksan.

Nagtaka sya.

"Sulat Ma?, kanino galing ang mga ito ?. " tanong nya.

Ngumiti si Dulce.

"Sa Papa mo. " sabi nito.

Nagulantang si Ekang.

"M-ma ?, Kay P-papa?. " ulit nya.

Tumango lamang si Dulce.

..

Nanginig ang mga kamay ni Ekang.

Inabot nya ang isa at marahang binuksan.

Unti unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Lumipas ang ilang sandali.

Tahimik na umiiyak si Ekang, pati si Dulce ay di napigilan ang emosyon, napaluha na din sya.

Nagyakap silang mag ina.

Parehas na humuhugot ng lakas sa isa't isa.

..

Malalim na ang gabi.

Ngunit di pa rin makatulog si Ekang.

Kasalukuyan syang nasa kanyang silid at nakatingin sa kisame.

Naglalaro sa kanyang isipan ang mga nabasa at nalaman mula sa kanyang ama.

Di nya akalain na masama ang ugali nito.

Balak syang kunin ng ama para ibenta sa isang matandang lalaki.

..

Nagulat si Ekang sa natuksalasan.

Parand malayo ito sa pagkakatanda nya sa ama.

Malambing at mahal na mahal sya nito.

Pero bakit ganuon ang sinabi nito sa sulat nito sa kanyang ina.

Wag na wag na daw silang babalik ng Pilipinas dahil oras na malaman daw ng ama nya na bumalik sila, kukunin daw sya nito, at itutuloy ang binabalak.

Napakasakit ng nalaman ni Ekang.

Sa mga ganitong pagkakataon, nais nyang yakapin ang ina para humingi dito ng lakas ng loob.

Pero batid nyang maging ito ay kailangan din ng suporta mula sa kanya.

Kapwa sila nasaktan sa nalaman mula sa ama.

..

Pinikit ni Ekang ang mga mata.

Ito ang mga panahon na hinihiling nyang dumating ang kanyang tagapagligtas.

Isang prinsipe na sasalba sa kanyang kalungkutan.

Iisang mukha lamang ang kanyang nakikita sa mga ganitong sitwasyon.

"Joweebee.. " umiiyak na tawag ni Ekang.

..

Marahang pinikit ni Ekang ang kanyang mga mata.

Pagdilat nya ay napangiti sya ng makitang nasa isa syang malawak na hardin.

Nakaupo at napapalibutan ng nag gagandahang mga bulaklak.

"Happy ? " tanong ng boses.

Ngumiti si Ekang.

Kahit na di nya ito lingunin, alam nya kung sino ang nasa likuran.

"Very happy. " sagot ng dalaga.

"It's my pleasure. " muling sabi ng boses.

Lalong napangiti si Ekang at dahan dahang humarap.

Humanga sya ng makita si Darius na nakasuot na tulad ng sa isang Prinsipe.

May nakaukit na Diamond sa dibdib nito, tatak ng isang alas.

Ngumiti si Darius.

"I missed you. " sabi ng binata.

Kinilig si Ekang.

Pinikit nya ang mga mata at dinama ang sinabi ng binata.

Pero pagdilat nya ay nagulat sya ng makitang tumalikod ito.

"Darius ! " sigaw ni Ekang.

Pero di na lumingon pang muli si Tabar.

Tumayo si Ekang at hinabol ang binata, pero kahit anong pilit nyang lumapit dito, lalo lamang itong lumalayo.

Hanggang sa madapa si Ekang, wala syang nagawa kundi pagmasdan ang binata na nawawala sa madilim na dako paroon.

..

Napabalikwas ng bangon si Ekang.

Mabilis nyang ginala ang pangingin sa paligid.

Naruon sya sa sariling kwarto.

Walang nagbago.

"It's just a dream. " sabi nya sa sarili.

Muling nahiga si Ekang.

Unti unting nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"S-sana di na ako nagising pa " sabi nya sa saril.

Pinilit nyang pumikit muli.

Pero di na nya magawa.

Nagtiis na lamang syang hintayin ang pagdating ng panibagong umaga.

Walang kasiguraduhang pagngiti.

Walang kasama.

Nag iisa.

Solong tinitiis ang sakit at pangunulila.

Hindi lamang sa ama, kundi para sa mga kaibigan, lalo na sa minamahal.

ITUTULOY !!!