1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 3 - I Love Joweebee..
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 3 - I Love Joweebee..

By supertoyantz ·

Chapter 3 - I Love Joweebee..

Advance Merry Christmas :)

Start

Araw ng linggo..

Naghahanda na ang pamilya nina Darius para sa lingguhang pagsisimba..

"Wala ka ng naiwan honey ?.. " tanong ni Denzel sa kabiyak..

Umiling si Annette..

Nilingon ang anak na nakaupo sa likuran ng kotse..

"How bout you baby ?.. Di ka ba na po-poo poo ?.." tanong nya..

Natawa si Denzel..

Sumimangot si Darius.

"Mommy.. I'm big na po.. " reklamo nya..

Pero umiling lang si Annette..

"You are still my baby.. Kahit na big ka na.. " lambing nya sabay kurot sa pisngi ng bata..

Pinaikot na lang ni Darius ang eyeballs nya.

Paglabas nila ng bakuran ay nakita nya ang kaibigang si Romeo na abala sa pagdidilig ng mga halaman..

Binuksan nya ang bintana ng kotse at dumungaw..

"Romeo !.. " sigaw ni Darius..

Pero wapakels ang kaibigan nya..

Natawa si Denzel..

"Nakaheadset anak.. " puna nito..

Bungisngis si Annette…

Napangisi si Darius..

"Hi ate Max !.." kunwaring tinawag nya ang ultimate crush ni Romeo..

Ang high school na kapitbahay nila..

Ahead ito sa kanila ng apat na taon pero sa di malamang dahilan.. Patay na patay ang kaibigan nya dito.

Kung sa looks ang pagbabasehan..

Wala syang maipipintas kay Maxima..

Maganda, matalino at ubod ng sexy..

Plus factor pa ang pagiging down to earth nito at bait..

Sobrang kabaliktaran ng kaibigan nya na nuknukan ng gulang at kuripot..

Tulad ng inaasahan..

Mabilis na lumingon ang kaibigan..

Halos talunin nito ang bakod para makalabas ng gate nila..

"Where ?.. Where art thou my love ?.. " pag arte ni Romeo..

Natawa ang pamilya Guzman sa ginawa ng binata..

"Siraulo talaga.. Manang mana sa ama.. Babaero.. " pang aasar ni Denzel..

Kinurot sya ng asawa..

"At ikaw hindi ka naging babaero ?.. " nakataas ang isang kilay na tanong ni Annette..

Napangiwi si Denzel..

"T-teka.. Dati yon ah.. Nagbago na ko mula ng naging tayo di ba ?.. A-aray naman honey.. " reklamo nya..

"Good.. Mabuti na yung nagkakalinawan.. Kung makatawag kang babaero parang ikaw hindi eh.. " sabi ng asawa..

Niyakap ni Denzel ang kabiyak..

"That was before.. But when I met you.. I knew right there that you will be the one.. " taos pusong pang uuto nya..

Kinilig ng palihim si Annette..

"Uhumm.. " tanging nasabi nya..

Lumingon lingon si Romeo..

At ng hindi makita ang hinahanap.. Naglupasay ito sa sahig..

"Diyos ko.. Ano na lang ba ang halaga ng araw na ito kung hindi ko sya masisilayan ?.. Mabuti pang magmukmok na lamang ako sa aking kwarto.. Kesa salubungin ang umaga na wala ka aking sinta.. " pag arte nya.

Pero binato sya ng kaibigan si Darius ng tissue..

"Ang arte mo !.. " sigaw nya..

Napatingin si Romeo..

Sumimangot at dahan dahang tumayo.

Pinagpag nya ang nadumihang pwet at lumapit sa kotse ..

"Simba kayo Tita ?.. " tanong nya..

Tumango si Annette..

"Sama ka tol.." aya ni Darius.

Sumang ayon ang mag asawa..

"Sya nga naman Romeo..Tapos na ba kayong mag simba ?.. " tanong ni Denzel..

Nagsimulang humikbi si Romeo..

"Huhu.. Yung dalawang gurang tapos na.. Iniwan nila akong nag iisa sa malungkot naming tahanan Tito.. " nag iyak iyakan sya..

Natawa si Denzel.

"Papingot nga ng tenga mo .. " biro nya..

Natawa ang lahat..

"Really ?.. Iniwan ka ng parents mo ?.. " tanong ni Darius..

Tumango si Romeo..

"Yeah.. Nag first mass sila.. Actually wala pa sila.. " sagot nya..

Nagtaka ang mag asawa..

"It's six thirty na ah.. Kung nag first mass sila.. Malamang 6 AM nakauwi na sila..Saan naman nagsuot yung mag asawang yon ?.. " tanong ni Denzel..

Nilagay ni Romeo ang isang kamay nya sa baba nya..

Habit nya na kapag nag iisip..

"Siguro Tito nag SOGO sila.. " banat nya..

Halos masamid si Annette sa sinabi ng binatilyo.. Kinurot nya ito sa braso..

"Pilyo ka talaga !..Tama bang sabihan mo yung parents mo na nag SOGO ?.. " pangaral nya..

Pero natawa si Denzel..

"Haha.. Siraulo talaga.. Pero kung sakaling tama ka .. Wala naman akong nakikitang masama.. Siguro iho susundan ka na nila.. " sabi nya..

Napangiti sina Darius at Romeo..

Pati si Annette ay di maiwasang mainggit dahil kahit na sa ganitong panahon ay nakukuha pa ring mag date ng mga magulang ni Romeo..

Pasimple nyang hinakawan ang kamay ng kabiyak na nakahawak sa kambyo..

Napatingin si Denzel sa kamay ng asawa..

Unti unti syang ngumiti..

"Magaya rin nga.. " bulong nya ..

Namula ang mga pisngi ni Annette pero di nya naitago ang pagngiti..

Alas diyes ng umaga..

Tulala ang dalawa sa harap ng simbahan..

"Oh ano na ?.. Sabi ko sayo di na nila tayo babalikan eh.. " nakasimangot na pahayag ni Romeo..

Mangiyak ngiyak si Darius..

Kasalukuyan silang nakaupo sa harap ng simbahan.. Hinihintay ang mga magulang nya .. Pero mag dadalawang oras na silang nakatunganga sa bench kung saan sila iniwan ng mga magulang nya matapos ang simba..

"Sabi ni Mommy , magwiwithdraw lang sila sa ATM.." bulong nya..

Natawa si Romeo..

"ATM ?.. As far as I remember.. Ayun ang ATM sa gilid ng joweebee.. Pero di mo nakita ?.. Sumakay sila ng kotse.. Meaning balak nilang lumayo.. Engot mo naman tropa.. " pang aasar nya..

Sinuntok sya sa braso ng kaibigan..

"Eh bakit di mo ko sinabihan ?.." gigil na tanong ni Darius..

Humagikgik si Romeo..

"Eh nauto ka na sa pangako nilang bibilhan ka ng ice cream.. Ayan tuloy.. Ang cute mo kaya kapag naghuhugis pagkain yung mata mo.. Minsan nga nahuhulaan ko na yung gusto mong kainin base sa hugis ng mata mo.. Tulad ngayon… Hugis ice cream talaga oh.. " biro nya..

Imbes na maiyak at mainsulto.. Natawa si Darius sa sinabi ng kaibigan..

"Siraulo.. Sana pala sinama natin yung dalawa.. " sabi nya na ang tinutukoy ay sina Rhoi at Aldrin..

Sumandal si Romeo sa bench..

"Haayyyy.. Sana sinama natin si Max.. " banat nya..

Napangiti si Darius..

"Puro ka Max.. Di ka naman pinapansin.. " pang aasar nya..

Napatingin sa kanya si Romeo..

Nagulat sya ng bigla syang salubungin ng dirty finger nito..

"Sira ulo ka.. Sabi ni Mom masama daw mag dirty finger kapwa mo !.. " pangangaral nya..

Pero natawa lang ang kaibigan nya..

"Gusto din ako ni Max.. Nahihiya lang syang aminin.. At masyado pa daw kaming mga bata .. " pang aalo ni Romeo sa sarili..

Natawa si Darius..

Inakbayan nya ang kaibigan..

"Tol.. Dati ako ang sinasabihan mo kapag di ko matanggap ang isang pangyayari.. Sabi mo matuto akong tumanggap ng mga bagay na di naman talaga nakatakda.. Pero mukhang ikaw ang kumokontra sa mga sinabi mo.. " payo nya..

Umiling si Romeo..

"Ang sinabi ko sayo.. Kapag nangyari na ang isang bagay.. At ito ay labag sa kagustuhan mo.. Tanggapin mo pa rin kahit na masama sa loob mo.. Yun ang sinabi ko.. Pero ang relasyon namin ni Maxima ay nakatakda na.. Nakasulat na sa mga banal na aklat.. Pati sa banners at billboards sa edsa.. Kahit sa diary mo.. " tinitigan ni Romeo ang kaibigan..

Nawala ang ngiti ni Darius..

"W-what are you talking about ?.. " tanong nya..

Nagtitigan sila..

Pero sa huli..Si Darius ang umiwas dahil pakiramdam nya nanunuot ang mga titig ni Romeo..

"Alam kong may Diary ka.. " muling sambit ni Romeo..

Natawa si Darius..

Pero lumabas na pilit ang pagtawa nya..

"Ano bang sinasabi mo ?.. Para ka talagang baliw e.. Tatanungin ko na nga si Tita Alexa kung ano bang pinapakain sayo nung bata ka pa.. Baliw ka eh.. Kung ano ano pumapasok sa utak mo .. " biro nya..

Pero di natawa si Romeo..

Tumingin sa mga nagdaraang tao ang kaibigan nya at nanahimik..

Ilang sandali pa ay di na napigilan ni Darius ang mapabuntong hininga..

"Langya ka pare.. Di ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol sa diary ko.. " sabi nya..

Ngumiti si Romeo..

"Pwede mong lokohin si Rhoi.. Pwede mong utuin si Aldrin.. Pero wag na si Romeo.. " sabi nya..

Ngumiti si Darius..

"How did you know ?.. " tanong nya.

"Simple.. Actually wala talaga akong alam… Nanghula lang ako.. " banat nya..

Nanlaki ang mga mata ni Darius..

"Shit !.. " di makapaniwalang sabi nya.

Di na napigilan ni Romeo ang malakas na pagtawa..

"Ahaha.. Engot talaga nito.. Have'nt you ever heard of the word bluff ?.. haha.. Kumagat ka naman.. " sabi nya..

Gigil na pinagkukurot ni Darius ang kaibigan..

"I hate you.. I hate you na talaga !.. " sabi nya..

Nagtawanan silang dalawa..

Ng mapagod sa harutan ay nagseryoso si Darius..

"Well, wala na akong magagawa.. Ang utak mo pare.. Pero favor tol.. I know sa mga ganitong sikreto mapagkakatiwalaan ka.. Let's keep it secret na lang.. " pakiusap nya..

Ngumiti si Romeo at inakbayan ang kaibigan..

"Actually pare.. Wala naman akong pakealam dyan sa Diary mo.. Sounds gay lang talaga.. I mean.. Ikaw ?.. Magsusulat ng diary ?.. Anong laman non ?.. Yung araw araw mong masturbation ?.. " tanong nya..

Natawa silang dalawa..

"Siraulo.. Ofcourse yung mga importante kong ginagawa or pangyayari sa araw araw.. Kahit naman siguro sinong tanungin mo.. Masarap alalahanin ang nakaraan di ba?.. At para di ko sya makalimutan.. Isinusulat ko sya sa diary.. To remember it.. " seryosong sabi nya..

Tumango ang kaibigan nya..

"Well, tama ka.. Masarap ngang alalahanin ang mga importanteng pangyayari sa buhay mo.. Masarap silang balikbalikan.. Aminado ako dyan.. And for your info.. May diary rin ako.. " sabi ni Romeo..

Di makapaniwalang napatingin sa kanya ang kaibigan.

"Echos.. " biro ni Darius..

Tumango si Romeo at tinuro ang puso at utak..

"This is my diary and flash drive.. My heart and brain is my flash drive pare.. Makabago na ang panahon ngayon.. Kadiri ka .. May pa diary diary ka pang nalalaman.. May Flash Drive naman.. " biro nya.

Natawa si Darius..

"Baliw.. Haha.. Ofcourse alam ko yan.. " sabi nya..

Nag inat si Romeo..

"I keep my memories here in my heart.. And I remember them using my brain.. That's enough for me.. " sabi nya.

Napangiti si Darius..

"Ang sabihin mo.. Tamad ka lang magsulat ng Diary o kaya Nakokornihan ka sa ginagawa ko.. Nakakahiya mang aminin.. Pero may Diary talaga ako.. " nahihiyang sabi nya..

Inakbayan sya ng kaibigan..

"Walang nakakahiya sa ginagawa mo kapatid.. Ang totoo.. Kahanga hanga ka.. Well.. Tama na yang papuri ko kasi nakakailang na.. Nagugutom na ko.. " reklamo ni Romeo..

Natawa si Darius at tumayo na rin..

Kinapa nya ang bulsa..

"Patay.. " biglang banat nya..

Napatingin si Romeo..

"At baket ?.. " tanong nya..

"W-wala akong pera.. " sagot nya.

Natulala si Romeo..

"Paano tayo uuwi ?." tanong nya.

Nagkibit balikat si Darius.

Muli silang naupo..

Malungkot na napatingin si Dannica sa pamilyang naglalakad sa unahan nya..

Bakas sa mga ito na mahirap lamang ang pamumuhay..

Halatang salat sa materyal na bagay..

Pero..

Kainggit inggit ang mga ito..

Masayang nagtatawanan..

"Nanay bili mo ko ng cotton candy.." pagtuturo ng batang babae..

Napatingin ang babae sa asawa nito.

Kinapa ng lalake ang bulsa sa likod ng pantalon..

Umiling ang lalake.

Yumuko ang babae at inayos ang buhok ng anak..

"Anak..K-kakain na tayo ng tanghalian.. Baka di ka makakain eh.. " pagdadahilan nya..

Nalungkot ang bata..

Sinulyapan nito ang cotton candy.

Dahan dahang tumango..

Naunawaan nya ang sitwasyon..

Humanga si Dannica.

Pasimple syang lumapit sa pamilya..

"Ahm.. Excuse me po. " sabi nya.

Napatingin ang mag asawa sa dalagita..

"Ano yun ?.. " nakangiting bati ng babae..

Ngumiti din ang lalake ..

Samantalang nagtatanong ang mga mata ng bata..

Napangiti si Dannica at hinaplos ang buhok nito..

"Kain po tayo.. " pag alok nya..

Sa bench..

"Can't take it anymore.. " reklamo ni Romeo..

Natawa si Darius.

"Para ka talagang monggoloid.. " biro nya..

Muling naupo si Romeo at sinuyod ng tingin ang paligid..

Hanggang sa may mahagip ang mga mata nya na pamilyar na pigura..

Pinakatitigan nya itong mabuti..

Kinumpirma kung tama ba ang hinala nya..

Kinalabit nya ang kaibigan..

"Pare.. Si Ekang.. " pagtawag ni Romeo..

Naalarma si Darius..

Pasimple nyang inayos ang sarili..

"Weeee.. Gumaganti ka lang kaninang umaga eh.. " sabi nya pero pasimple naman nyang nililibot ang tingin..

Binatukan sya ni Romeo..

"Gago ayun oh.. Nasa joweebee.. " banat nya sabay tawa ng maalala si Alyssa..

Mabilis na tiningnan ni Darius ang tinuro ng kaibigan..

Unti unti ng bumibilis ang tibok ng puso nya.. Namamawis na rin ang kanyang mga palad..

Pamilyar na reaksyon ng katawan kapag kinakabahan..

Tama nga si Romeo..

Kahit sa malayo..

Kita nya si Dannica na papasok sa nasabing fast food.

Tumayo ang kaibigan nya..

"San ka pupunta ?.. " tanong ni Darius..

Napakunot noo si Romeo..

"Saan pa.. Kakain ako.. " banat nito..

Napatayo si Darius..

"Saan ka kakain ?.. May pera ka ?.. " tanong nya.

Pinaikot ni Romeo ang mga mata nya..

"Hellooo.. Sino bang nagsabi na kailangan ko ng pera para makakain ?.. Di ka pa ba nasasanay sakin ?.. " tanong ni Romeo..

Natawa si Darius..

"Tangna mo.. Magpapalibre ka kay Ekang ?.. " tanong nya.

Tumango si Romeo..

"Ang kapal ng mukha mo.. " banat ni Darius..

Pero inirapan lang sya ng kaibigan..

"Ayaw mo ?.. Manigas ka dyan.. Maghintay ka din ng sundo mo.. Arte nito.. Choosy ka pa." banat nya sabay lakad patungo sa nasabing kainan..

Nataranta si Darius..

"T-teka.. Di ba nakakahiya ?.. " tanong nya.

Napasimangot na si Romeo..

"Nakakainis ka na ha.. Anong nakakahiya eh kaibigan natin yan ?.. " sabi nya..

Napanguso si Darius..

"Kahit na.. Dapat ako ang manlilibre sa kanya.. " bulong nya.

Napangiti si Romeo..

"Saka mo na isipin yan kapag may wallet ka na.. Sa susunod magdala ka ng wallet.. Tapos punuin mo ng pera.. Para di ako nagugutom kapag kasama kita.. " banat nya..

"Kapal mo talaga .. " natatawang sabi ni Darius..

Nagtawanan sila sabay naglakad patungo sa joweebee..

Sa Jollibee..

"Order lang po ako.." nakangiting sabi ni Dannica.

Nahihiyang tumango ang mag asawa..

Tinitigan ni Dannica ang bata.

"Sama ka. Turo mo lahat ng gusto mo.. " nakangiting sabi nya..

Lumiwanag ang mga mata nito at mabilis na kumapit sa braso nya..

Nginitian nya ang mag asawa sabay naglakad patungo sa counter para umorder..

Niyuko nya ang bata..

"Anong gusto mo ?.. Ice cream ?.. " tanong nya..

Nahihiyang napatango ito..

Nag galit galitan si Dannica.

"Ay ayaw ko ng ganyan.. Gusto ko wag kang mahihiya kay Ate.. Sige na.. Turo na.. " kunwaring galit na sabi nya..

Nahihiyang ngumiti ang bata..

"Ice cream ate.. " sabi nito.

"Teka anong name mo ?.. " tanong ni Ekang..

"Missy po. " bibong sagot ng bata..

Napangiti si Ekang..

"Okay Missy .. Ako si Ate Dannica.. Mula ngayon.. Ako na ate mo ha ?… Hahatid ko kayo mamaya.. Sige na at nagugutom na ko.. " nakangiting sabi nya..

Tumango ang bata at nagturo..

Ilang saglit pa..

"Is that all Ma'am ?.. " nakangiting tanong ng crew ng joweebee..

Niyuko ni Ekang ang batang kasama..

"Wala na ba Missy ?.. " tanong nya..

Napanguso ang bata.

"Wala na po ate.. " sabi nya..

Tumango si Ekang..

"Wala na po.. " nakangiting sabi nya..

Pero biglang may tumabi sa kanya..

"1 Palabok , regular 7 up with regular fries.. Ano sayo pare ?.. " tanong ni Romeo..

Nahihiyang napangiti si Darius..

"H-hi.. " bati nya kay Ekang..

Natulala si Dannica..

Di nya inaasahan ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso..

"A-anong ginagawa nyo dito ?.. " mahinang tanong nya..

Pero sumingit si Romeo..

"Hoy pare.. Naghihintay ang magandang binibini.. " banat nya sabay ngiti sa cute na crew..

Kinilig ito at gumanti ng ngiti..

Natawa si Darius..

"Sige.. ganun na lang din sayo pare.. " sabi nya sabay ngiti kay Ekang..

Kinilig si Dannica..

Natawa si Romeo..

"Seryoso ka na yung lang ?.. Pang appetizer mo lang ata yun eh.. Wag ka na mahiya.. " sabi nya..

Nanlaki ang mga mata ni Darius at pasimpleng tinapakan ang paa ng kaibigan..

"Tado ka pare.. Kung makaasta ka kala mo ikaw ang magbabayad ha.. " bulong nya..

Narinig ito ni Ekang..

"Oo nga naman Romeo.. Ililibre ka na nga lang ni Darius eh.." pagsakay nya..

Napakamot si Darius sa batok nya..

Natawa si Romeo..

"Sinong may sabi na si Taba ang magbabayad ?.. Kaya nga dinugtong na namin sa order nyo eh.. Nasaan ba yung mesa nyo ?.. " walang hiyang sabi nya..

Natulala si Dannica..

"H-ha ?.. " sabi nya..

Napatingin sya kay Darius…

Nahihiyang tumango ito..

"Okay lang ba ?.. " tanong ni Darius..

Di napigilan magtaka ni Dannica..

"W-wala kang pera ?.. Ikaw mawawalan ng pera ?.." tanong nya..

Tumango si Taba..

"Ganun talaga eh.. " natatawang sabi nya..

Natawa din si Dannica.

"Sige na nga.. Dalhin nyo na lahat yan dun sa table namin.. Ay wait.. Missy .. This is Kuya Romeo and Kuya Darius.. Guys si Missy… New sister ko.. " pakilala nya.

Napangiti ang mag kaibigan..

"Hi.. " bati ni Darius..

Pero nagulat sila ng kurutin ni Romeo ang pisngi ng bata..

"Tae ang taba ng pisngi.. Parang mojacko lang.. " natatawang sabi nya..

Sumimangot ang bata..

"Aray kuya.. " reklamo nya.

Pinalo ni Dannica ang kamay ni Romeo at natatawang hinatak na ang bata..

"Baliw yan eh.. " sabi nya..

Binelatan lang ni Missy si Romeo at sumunod na sa ate Dannica nya..

Habang kumakain..

Pasimpleng nagtitinginan sina Darius at Dannica..

Kapwa napapangiti kapag nagtatama ang mga mata nila..

"Salamat ng marami dito sa pagkain Dannica.. Napakabait mo.." pasasalamat ng nanay ni Missy..

Ngumiti si Dannica..

"Ate boyfriend mo ba si Kuya Darius ?.. " tanong bigla ng bata..

Nagulat ang dalawa..

Natawa si Romeo..

"Ang galing nito.. Bilib ako sayo ineng.. Tama ka.. Magsyota sila.. Ang laswa no ?.. " biro nya..

Nakatanggap sya ng pinong kurot mula kay Ekang..

Pero tahimik lang si Darius..

Kapwa sila nakaramdam ng di maipaliwanag na kilig..

"Ayeeee….. Bagay po kayo.. " muling banat ni Missy..

"Ah tama ka.. Si Ekang kasi mahilig sa Jollibee habang si Darius naman mukhang Jollibee.." banat ulit ni Romeo..

Nagtinginan sila ni Missy sabay nag apir..

Natawa ang lahat..

Pero di na makuhang sumagot o kumontra ng dalawa dahil napatingin na rin sila sa isa't isa..

Napuno ang pagkain ng tuksuhan sa pangunguna nila Romeo at Darius..

"Salamat ulit iha.. Nawa'y pagpalain ka… " sabi ng tatay ni Missy..

Humalik sa pisngi ni Dannica ang bata.. Niyakap nya ito ng mahigpit..

"Sana ate makita ulit kita.. " sabi ng bata..

Ngumiti si Ekang..

"Magkikita pa tayo.. Don't worry.. Basta lagi kang magpapakabait.. Wag ka ng magtuturo ng kung ano ano.. Kung ano ang meron ka.. Magpasalamat ka sa nanay at tatay mo ha ?.. Kasi pinaghirapan nila yon.. " pangaral nya..

Tumango ang bata.

Napangiti sina Darius at Romeo..

Muli silang nagyakap..

"Halika na Missy..Magtitinda pa kami ng Nanay.. " sabi ng tatay ng bata..

Tumango si Missy at lumapit na sa mga magulang..

Kumaway sya sa bago nyang kuya at ate..

Hinatid nila ng tanaw ang masayang pamilya.

"So paano.. Hatid mo na kami Ekang.. " utos ni Romeo..

Pero nakatanggap sya ng batok kay Darius..

Umangal si Romeo..

"Eh totoo naman eh.. Wala tayong perang pamasahe pare.. Choosy ka pa ba ?.. Ang arte mo .. " sabi nya..

Natawa si Ekang..

"Sige na sige na.. Para na tayo ng taxi.. " sabi nya..

Nagmamadaling pumara ang dalawa ng mga nagdadaang taxi..

Habang si Ekang ay naghihintay ..

Di nya maiwasang lingunin ang fast food resto na kinainan nila..

Napadako ang tingin nya sa logo nito..

Napangiti si Ekang..

"Yes..I Love Joweebee.." sabi nya sabay tingin kay Darius na pumapara ng taxi..

ITUTULOY !!!