1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 33 - Damian
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 33 - Damian

By supertoyantz ·

Chapter 33 - Damian

Di na nag aksaya ng panahon sina Romeo at Mang Damian.

Agad na silang lumakad palabas ng squatter's area kung saan naninirahan ang lalake.

Pagdating sa highway, pumara na si Romeo ng taxi at nagpahatid patungo sa opisina ng ama.

Habang nasa daan, manaka naka silang nag kukwentuhan.

Pinipilit ni Romeo na mapanatag ang loob ng matanda sa kanya para hindi ito mahiyang ikwento ang lahat lahat.

..

Matapos ang halos isang oras na byahe, narating na nila ang destinasyon.

Kinalabit ni Romeo si Mang Damian.

"Tito, bayaran nyo na po. " nakangising sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ng lalake.

"D-di ko alam kung kakasya pa ito. S-saglit lang. " sabi nya.

Dumukot sya sa bulsa at nilabas ang mga natitirang pera.

Tinanong ni Romeo ang taxi driver.

"Manong magkano ?. " tanong nya.

"750 boy. " sagot nito.

Nagulat ang dalawa.

"750 ?, anu to ?, luxury car?, eh ang hina nga ng aircon nyo, patingin nga ng metro kuya. " reklamo ni Romeo.

Napakamot ang driver.

"E-eh di ko naibaba ang metro, pasensya na. " sabi nya.

Napasimangot si Romeo.

"Aba manong, bawal yan ah. " banta nya.

Kumunot ang noo ng driver.

"Di nyo kasi sinabi kung metro ba o kontrata eh. Sige 600 na lang. " pangongontrata nito.

Umiling si Romeo at tinuro ang matayog na building na nasa harap nila.

"Yan manong, alam nyo ba kung ano yang nasa harap nyo ?, Law Firm yan !, Tatay ko ang may ari nyan. Mababayaran kita ngayon pero kukunin ko ang plate number mo. " banta nya.

Natigilan ang driver at sinilip ang nakapangalan sa harap ng building.

Napakamot sya sa batok.

"Sige 500. " pagtawad nya.

Ngumisi si Romeo.

"250 " sagot nya.

Natulala ang driver.

Natigilan si Mang Damian.

"T-teka boy, anlayo ng binyahe natin tapos 250 ?, eh kulang pa yon sa gas ko eh. " reklamo nya.

Nag-isip si Romeo.

"253 last tawad. " pagtawad nya.

Pinigilan ni Mang Damian ang matawa.

Naiiling na inabot nya ang lahat ng pera sa pobreng driver.

"Eto pare, 460 pa yan, pasensya na at yan na ang lahat ng pera ko eh. " sabi nya.

Agad na tinanggap ng driver ang pera.

Aangal pa sana si Romeo pero mabilis na syang tinulak ni Mang Damian palabas ng taxi.

Pagkababa nila ay mabilis na bumarurot ito palayo.

..

Sumimangot si Romeo.

"Matatawaran ko pa yun Tito eh. " sabi nya.

Napailing na lang si Mang Damian.

"Napakakuripot mong bata ka. Sa panahon ngayon, kailangan mong pumarehas ng laban, hindi ka dapat nagkukuripot sa mga bagay na ang katumbas ay ang kaligtasan mo. " pangaral nya.

Natigilan si Romeo.

"Ganun ho ba?, pasensya na, instinct ko lang kasi na wag gagastos ng sobra, pero tama po kayo. Dapat nga namang pumarehas. Hayaan nyo ho, mula ngayon medyo babawasan ko na ang pagiging kuripot. " sabi nya.

Ngumiti si Mang Damian at inakbayan ang binata.

"That's the attittude. Hindi ang pera ang kwestyon dito iho, kundi ang pakikisama. Di naman siguro masama kung mag invest ka ng konting halaga kung ang kapalit naman ay konting loyalty di ba?. " dagdag nya.

Napaisip si Romeo.

"Di ba parang binibili ko ang katapatan nila ?. Ayaw ko non, ang tunay na pakikisama ay di nabibili ng pera. " katwiran nya.

Tumango si Mang Damian.

"Pero kung iisipin mo iho, bihira na lamang ang totoong tao ngayon. Kadalasan, kung sino yung inaakala mong tapat sayo. Yun pala ang tumitira sayo ng patalikod. " makahulugang sabi nya.

Ngumiti si Romeo.

"May pinagdadaanan lang Tito ?. " biro nya.

Nagtawanan silang dalawa.

Inakay na ni Romeo ang lalaki.

"Tara na ho, pasok na ho tayo at medyo mainit dito, nasisira ang skin ko. " aya nya.

Nagtatawanan silang pumasok sa loob.

..

Mahigpit ang security ng building.

Sa main entrance pa lamang ay anim na security guard na agad ang nakabantay.

Natigilan si Mang Damian.

"T-teka iho, baka di tayo papasukin. Tingnan mo nga itong itsura natin oh. " sabi nya.

Ngumisi si Romeo.

"Basta gwapo, makakapasok. " biro nya at nilapitan ang mga guards.

..

Sumunod si Mang Damian sa likod ng binata.

Nakita nya kung paano himasin ni Romeo ang tyan ng isang gwardya.

"Nandyan ba yung mga panget nyong boss ?. " biro ni Romeo.

Natawa ang gwardya.

"Nasa loob ata, pasok ka na lang. " sagot nito sabay sulyap kay Mang Damian.

Napayuko na lang ang lalaki.

"Kasama mo ?. " tanong ng gwardya.

Tumango si Romeo.

"Oo magrereklamo yan, biktima ng rape eh. " biro nya.

Nanlaki ang mga mata ni Mang Damian at binatukan si Romeo.

"Siraulo. " sabi nya.

Nagtawanan na lang sila.

Kinapkapan ng gwardya si Mang Damian.

"Pasensya na ho. Standard Procedure lang. " sabi nya.

Ngumiti lang si Mang Damian.

"Ayos lang pards. " sagot nya.

..

Matapos mag log ni Mang Damian sa logbook, pumasok na sila sa loob.

Dire diretso sila sa reception.

"Hi ate ganda. " bati ni Romeo.

Napangiti na lang ang receptionist.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito boy kitikiti ?. " ganting biro nito.

Natawa si Mang Damian.

Ngumiti si Romeo.

"Namiss kita eh. " sabi nya.

Natawa ang receptionist at piningot ang tenga ng binata.

"Isusumbong kita sa tatay mo. Nandito ka na naman. " banta nito.

Sumimangot si Romeo.

"Bakit?, ayaw nya bang bumibisita ako dito ?. Favor naman ate. " sabi nya.

Tumango ang receptionist.

"Sure go ahead. " sagot nito.

Umikot si Romeo sa reception desk at nagkalkal ng papel at ballpen.

Sinulat nya ang numero ng mga kaibigan.

Matapos nito ay inabot nya ito sa receptionist.

"Pakitawagan ate. Pakisabi urgent. " pakiusap nya.

Tinanggap naman ito ng babae at tumango.

"Sure sure. " sabi nya pero nagulat sya ng makatanggap ng halik sa binata.

Tatawa tawang lumayo si Romeo hatak si Mang Damian.

..

Gamit ang elevator, dire diretso sila sa last floor ng building.

Nagkwentuhan muna sila habang naghihintay.

Maya maya ay bumukas na ang elevator at sabay silang lumabas.

Napansin ni Mang Damian ang pagkakaayos ng floor na iyon.

"Iho, bakit parang kakaiba itong floor na to ?. " tanong nya.

Napatigil si Romeo sa paglalakad.

"Hmm, ganito talaga dito Tito, naalala nyo ba ang name ng building na to ?. " tanong nya.

Napaisip si Mang Damian.

"Di Carprio's Pride ?. " tanong nya.

Tumango si Romeo.

"Yeah, actually dalawa ang may ari ng building na ito. Si Gustavo Di Carprio at si Primero Di Carprio. Mag pinsan sila. Erpats ko si Primo. " pakilala nya.

Nanlaki ang mga mata ni Mang Damian.

"P-primo Di Carprio ?, Chief Prosecutor ?. " manghang tanong nya.

Tumango si Romeo.

"Si Uncle Gus, kilala mo ?. " tanong nya.

Umiling si Mang Damian.

"Hindi eh. " sabi nya.

Ngumiti si Romeo.

"Sabagay, di mo talaga makikilala yon sa name nya. May alias kasi si Uncle. Sya si Detective Jack Valentine." pakilala nya.

Lalong namangha si Mang Damian.

"Grabe, di ko akalain na makakaharap natin sila ngayon. " excited na sabi nya.

Nagtaka si Romeo.

"You seem excited Tito. Why ?. " tanong nya.

Napangiti si Mang Damian.

"Well, mas excited akong makilala si Gustavo, kasi frustrated Detective ako nung bata. " pacute na sabi nya.

Ngumiti lang si Romeo at dumiretso na sa isang mesa kung saan nanduon ang sekretarya ni Primo.

"Hi Tita Chloe " bati nya.

Umangat ng tingin ang may edad na babae at nagulat sa mga bisita.

"Romeo, you're here. " gulat na sabi nito sabay sulyap kay Mang Damian.

Ngumiti si Romeo.

"No Tita, I'm not here, I'm over there. " biro nya.

Natawa ang matanda.

"You bring friend. " puna nya.

Pinakilala ni Romeo si Mang Damian.

Nagkamay naman ang dalawa.

"Tita, si Dad ?. " tanong nya.

Ngumiti ang babae.

"Pasok ka na lang. Kanina pa sila naghihintay sayo. " sabi nya.

Nagtaka si Romeo.

Pero unti unti syang napangisi.

"Thanks for the info Tita. " sabi nya at nanlaki ang mga mata nito.

"Oh no !. Me and my big mouth. " sabi nito.

Nagtaka si Mang Damian.

"Bakit iho ?. " tanong nya.

"Saglit lang Tito, dito lang kayo. Haha. Kala nitong mga gurang na to maiisahan ako. " sabi nya sabay dahan dahang lumapit sa isang pinto.

Nag abang naman sina Chloe at Mang Damian sa likod ng binata.

Dahan dahang binuksan ni Romeo ang pinto at biglang umatras.

Di na sya nagulat ng biglang may unan na lumipad.

Pero dahil sa alam na nya ang mangyayari, di sya natamaan.

Tawa ng tawa si Romeo.

"BWAHAHA, mga weak !. " sabi nya sabay pasok sa loob.

Napangiti na lang si Chleo at minwestra na ang daan papasok para kay Mang Damian.

"Pasok na ho kayo, tapos na silang magbatian. " sabi nya.

Nagtaka si Mang Damian.

"Nagbabatian lang sila ?. " tanong nya.

Ngumiti ang sekretarya.

"Yeah, ganyan talaga yang mga yan. May mga sira ang tuktok. Kapag dumarating si Romeo at nandito yang magpinsan. Lagi nilang pinagtitripan. Pero mautak si Romeo kaya bihira lang syang mabiktima ng mismong tatay at tiyuhin nya. " natatawang kwento nito.

Natawa si Mang Damian.

Di nya akalain na ang tinitingalangang mag pinsan na Di Carprio ay para palang mga bata kung mag biruan.

Napailing na lamang sya at nagpasalamat sa mabait na sekretarya.

Dahan dahan syang pumasok sa loob.

Nadatnan nyang kinikiliti ng dalawang lalake si Romeo sa sofa.

"Hahaha. Mga weak kayo. " sabi nya.

Natigil ang pagbibiruan ng tatlo ng mapansin si Mang Damian.

Tumayo ang tatlo.

Ngumiti si Romeo at nilapitan si Mang Damian.

"Tito Damian, this man is my father, Primero Di Carprio. This one is my Uncle, Gustavo Di Carprio a.k.a Jack Valentine. Mga gurang, this is Damian Buenaflor. The long lost father of my friend Ekang. " kwento nya.

Nagkatinginan sina Primo at Gustavo.

Lumapit sila kay Damian ay kinamayan ito.

"Pare, Primo nga pala. " pakilala ni Primo.

Gumaya si Gustavo.

"Gustavo ." nakangiting sabi nya.

Ngumiti si Damian.

"Ikinararangal kong makilala kayo sir. " magalang na bati nya.

Umiling ang dalawa.

"No, don't call us sir. Since na magkakaibigan ang mga anak natin, from now on, call us pare na lang. Di ba insan ?. " tanong ni Primo.

Tumango si Gustavo.

"Yeah, so paano pareng Damian ?, anong gusto mong inumin o kainin ?. " tanong nya.

Napangisi si Romeo at mabilis na pumwesto sa silya ng ama.

Kinalikot nya ang intercom nito.

"Tita Chleo, sabi ni Dad miryenda daw tayo. " sabi nya.

Natawa ang magpinsan.

Pinaupo nila si Damian sa sofa.

Tinuring na parang bisita.

Pinagitnaan nina Gustavo at Primo ang lalake.

"So pare ?, anong problema ?. " tanong ni Gustavo.

Sumingin si Romeo.

"Uncle, magsasampa nga sya ng rape. " biro nya.

Pero binato lang sya ng unan ng ama.

Natatawang tumahimik si Romeo at pinaubaya na sa dalawa ang pag aayos ng kaso ng ama ni Ekang.

..

Nag atubiling mag kwento si Damian.

Napansin ito ni Gustavo kaya agad nyang pinalagay ang loob nito.

"Pare, wag kang mahiya sa amin. Ituring mo kaming mga kaibigan, since na magkakabarkada ang mga anak nyo ni insan. Dapat ay magkakabarkada din ang turingan natin sa isa't isa. Kaya yang problema mo, sabihin mo na. " sabi nya.

Tumango si Primo.

"Tama si insan, magkakaibigan na tayo mula ngayon. Gusto ko lang malaman kung tungkol saan ba ang ikukwento mo. " tanong nya.

Napaisip si Damian.

Natatakot sya sa maaaring maging kahinatnan ng mga pangyayari.

Pero naisip nya ang kanyang mag ina.

Napahinga ng malalim si Damian at nagsimulang mag kwento.

"I love my family. Sila ang natatanging yaman ko dito sa mundo. " panimula nya.

..

Sa bahay nina Ekang.

Nakangiting pinagmamasdan ng dalaga ang kanyang ninang na abala sa pag aayos ng mga gamit nito.

"Ninang, okay lang po ba kayo dito ?. " tanong nya.

Ngumiti si Dolores.

"Ayos lang ako anak, sige na magpahinga ka na muna. Matutulog lang ako saglit at medyo may jetlag pa ako sa byahe. " sabi nya.

Ngumiti si Ekang.

Dinampian ng halik ang pisngi ng ninang nya at pagkatapos ay nagpaalam na.

Sinara nya ang pinto at nagtungo na sa sariling kwarto.

..

Matapos lumabas ng dalaga.

Nawala ang ngiti ni Dolores.

Lumapit sya sa pinto at sinugurong nakalock ito.

Pagkatapos ay nilabas ang cellphone.

Saglit na nagdial.

Ilang ring din ang lumipas bago may sumagot sa kabilang linya.

"Nasan ka na ?. " tanong ng boses.

"Nandito na sa bahay nila. Kamusta ang paghahanap nyo ?. " tanong ni Dolores.

Rinig nya ang buntong hininga ng kausap.

"Nahanap na namin yung tinitirahan nya, pero wala yung gago. Mukhang nakatimbre, pero sabi ng mga tao dito, may kasama daw na gwapong binata nung umalis. " kwento pa.

Napamura si Dolores.

"Punyeta naman kuya, baka mamaya dito na sya dumiretso ! Masasayang yung ilang taon na pinaghirapan natin !. " pasigaw na sabi nya.

Nagmura din ang nasa kabila.

"Punyeta ka rin !, kung di dahil sa kalandian mo , pati negosyo ko mapapahamak !. Napakaraming lalaki dyan pero bakit yang may asawa pa ang napili mo !. " sigaw nito.

Namuo ang luha sa mga mata ni Dolores.

"Mahal ko sya kuya !, palibhasa pera lang ang mahalaga sayo !. Pati pamilya mo hindi mo mapasyalan man lang !. " sumbat nya.

Natahimik ang nasa kabilang linya.

Ilang saglit silang nagpakiramdaman bago muling nagsalita si Dolores.

"Kailangan natin syang makita bago mahuli ang lahat. Malapit na ang debut ni Dannica, pagkatapos ng debut nya, aalis na mag ina pabalik ng states. Kailangan nating silang pigilan na magkita kita !. Naiintindihan mo ? . " utos nya.

Napahinga ng malalim ang nasa kabilang linya.

"Kung hindi dahil dyan sa kalandian mo, hindi tayo magkakaganito. Nagpadala ka sa kahinaan mo kaya nakatakas sya. " bintang nito.

Napamura lalo si Dolores.

"Damn kuya !, wag mo na akong sisihin ngayon ! " sabi nya.

"Ah bahala ka ! Kung di lang nalalagay sa alangain ang negosyo ko, hinding hindi kita tutulungan !. " sigaw nito at binaba na ang telepono.

Inis na binato ni Dolores ang cellphone sa kama.

Nais nyang pumatay sa mga oras na iyon pero wala syang magawa kundi ang manahimik na lamang.

..

Samantala.

Sa ilang oras na lumipas, naikwento na ni Damian ang buong pangyayari.

Walang labis, walang kulang.

Nagulat ang magpinsan maging si Romeo sa narinig.

Di nila akalain na ganuon kalalim ang pinagdaanan ni Damian sa nakalipas na ilang taon.

Biglang napatapik sa noo si Gustavo.

Nagtaka si Primo.

"Bakit insan ?. " tanong nya.

Binalingan ni Gustavo si Damian.

"Pare, kung hindi ako nagkakamali, yung sinasabi mong sindikato na kapatid ng dumukot at pumikot sa'yo ay si Ramon Gubaton ? " tanong nya.

Natigilan si Damian.

"T-tama, paano mong nalaman ?. " tanong nya.

Tumiim ang mga bagang ni Gustavo at napatingin sa pinsang si Primo.

"Insan, tama nga ang hinala ko nitong nakaraang mga taon, may itinatagong sikreto si Ramon. Tutulong ako. " sabi nya.

Ngumisi si Primo.

"Sige, pero syempre, tulad ng dati insan, hindi tayo ang may hawak ng kaso. " sabi nya.

Ngumisi si Gustavo.

Nagtaka si Damian.

"H-ha ?, eh sino ?. " tanong nya.

Eksaktong tumunog ang intercom.

Sinagot ito ni Romeo.

"Ahm Sir Primo, nandito po ang mga kaibigan ni Romeo. Paaakyatin ko na po ba?. " tanong ng receptionist.

Ngumisi ang binata.

"Sige ate, yung kiss ko mamaya na lang pagbaba ko. " biro nya.

Natawa ang receptionist.

"Kaw pala yan Romeo, siraulo ka talaga. Sige hintayin mo na lang sila dyan. " sabi nito.

Napatango si Romeo.

"Salamat powz . " sagot nya.

..

Nagtaka si Damian sa narinig.

"Sinong may hawak ng kaso ko ?, a-akala ko kayong dalawa ?. " tanong nya.

Nagngitian lang sina Primo at Gustavo.

Tumayo si Romeo.

Inipon ang lahat ng unan at humanda sa pagsalakay.

Ilang saglit lang ang lumipas.

Bumukas ang pinto.

Pumasok ang tatlong alas.

"We're here !!. " sigaw ng mga ito.

Pero talagang napahiyaw ang tatlo ng biglang may lumipad na mga unan.

Tawa ng tawa ang magpinsang Primo at Gustavo.

Pati si Damian ay di mapigilan ang matawa.

"BWAHAHA. " sigaw ni Romeo.

Pero napatili sya ng mabilis na makarecover ang mga kapatid ay isa isa syang pinagpapalo ng unan.

..

Lumipas ang ilang sandali ng paghaharutan.

Tumigil ang apat.

Nagmano ang tatlong alas kay Primo at Gustavo.

"Anong meron tol ?. may pa urgent urgent ka pang nalalaman. " biro ni Aldrin.

Nagtawanan sila.

Lumapit si Romeo kay Darius ay inakbayan ito.

Inakay nya ang kaibigan palapit kay Damian.

"Tito Damian. " bungad ni Romeo.

Ngumiti ang lalake.

"Yes iho ?. " tanong nya.

Tinulak ni Romeo si Darius.

"Aray pota, ang landi mo ! " inis na sabi nya sabay kurot sa nipples ni Romeo.

Nagtawanan sila.

"Teka tol, kilala mo ba yang nasa harap mo ? . " tanong ni Romeo.

Nagtaka si Darius.

"H-hindi, bakit ?. don't tell me sya na ang bago nyong hairstylist ?. " biro nya.

Napatili sina Rhoi at Aldrin.

Natawa ang magpinsan.

Binatukan ni Romeo si Tabar.

"Gago, gumalang ka. Tatay ni Ekang yan. " pakilala nya.

Nanlaki ang mga mata ni Tabar at mabilis na nagmano.

"Mano po Daddy . " sabi nya.

Nagulat si Damian.

"Huh ?,. Daddy ? . " tanong nya.

Nagtawanan ang lahat.

Inakbayan ni Primo si Damian.

"Pare, itong si Darius ang boyfriend ng anak mo. " pakilala nya.

Sumingint si Rhoi.

"Oy Tito chismis yan, di pa sila. " sabi nya.

Nagtawanan ulit sila.

"Ay di pa ba?. Sorry naman. " biro ni Primo.

Nawala ang ngiti ni Damian at tiningnan mula ulo hanggang paa si Tabar.

Tila nakaramdam ng pagkailang si Darius kaya pasimple syang humakbang paatras.

"Mahal mo ba ang anak ko ?. " tanong ni Damian.

Napatingin si Tabar sa mga kapatid pati na mag pinsang Primo at Gustavo.

Pagkatapos ay buong katapangan na sinalubong ang tingin ni Damian.

"Opo. Sobra po. " sabi nya.

Saglit na nagkatitigan sina Damian at Darius bago ngumiti ang lalaki.

"Good, then you have my blessings iho. Wag mo lamang syang lolokohin at ako ang makakaaway mo. " banta ni Damian.

Ngumiti si Darius.

"Makakaasa po kayo. " sabi nya.

Imbes na magmano, nagkamay na lamang silang dalawa bilang patanggap sa isa't isa.

Tiningnan ni Primo ang anak.

"So anong plano nyo ngayon nak? " tanong nya.

Ngumisi si Romeo at tinapik ang balikat ni Tabar.

"Sa ngayon Dad, si Tabar na muna ang hahawak ng kaso. " sabi nya.

Napangiti si Darius at inakbayan si Romeo.

"Salamat tol. Malaki ang utang ko sa'yo " sagot nya.

Lumapit sina Rhoi at Aldrin.

"What's the plan ?. " tanong ni Rhoi.

"Yeah anong gagawin natin ngayon nandito na si Tito Damian ?. " tanong ni Aldrin.

Ngumiti si Darius.

"Mararanasan ni Ekang ang pinakamatinding birthday sa buong buhay nya. " nakangising sabi nya.

Napangiti si Romeo.

"We have to plan this thing. " sabi nya.

Tumango ang tatlong alas at nagsimula na silang magplano para sa debut ni Ekang.

ITUTULOY !!!