1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 34 - Diamond's Gifts
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 34 - Diamond's Gifts

By supertoyantz ·

Chapter 34 - Diamond's Gifts

Lumipas ang mga araw.

Abala na ang lahat sa paghahanda ng nalalapit na debut ni Ekang.

Maging sina Krissing at Lelay ay laging sumasaglit sa bahay nila pagtapos ng klase.

Pero wala dito ang atensyon ng dalaga.

Aminado syang masaya sa ipinakikitang atensyon ng mga kaibigan at pamilya.

Masarap sa pakiramdam na alam mong may nagmamahal sayo.

Kaya naman talagang malaki ang pasasalamat nya.

..

Gabi.

Dalawang araw bago ang takdang kaarawan ni Ekang.

Alas onse ng hatinggabi.

Mulat na mulat pa rin ang kanyang mga mata.

Nakaupo at nakasandal sa kanyang kama ang dalaga.

Nakatingin sa kawalan.

Blangko ang isip.

Biglang tumunog ang cellphone ng dalaga.

Napaigtad sya sa gulat.

Mabilis nya itong dinampot.

"H-hello ?. " tanong nya.

"Sis, advance happy birthday !" boses babae.

Nilayo ni Ekang ang telepono at binasa ang pangalan.

Napangiti sya ng makitang si Ashley ito.

"Hey !, oh thank you, naalala mo pa pala. " sabi nya.

Natawa si Ashley sa kabilang linya.

"Of course !, bakit ko naman kakalimutan ?, anyway, how's your party ?. " tanong pa nito.

Nagkibit balikat si Ekang.

"Well, we are celebrating the next day. The usual. " tila tamad na kwento nya.

"Hmm, bakit parang sad ka?. Di ba dapat masaya ka ?. " tanong ni Ashley.

Napahinga ng malalim si Ekang.

Paano nya ba sasabihin na ayaw na nyang bumalik pa ng states ?.

"I am happy, It's just that. " putol nya.

Narinig nya ang pagtawa ni Ashley sa kabila.

"It's just that you love to be there. Ayaw mo ng bumalik dito right ?. " tanong nito.

Naumid ang dila ni Ekang.

Nakaramdam sya ng kaunting hiya sa kausap.

"Haha, sa tingin mo hindi ko alam na hindi ka ganap na masaya dito ?. Kahit pa sabihing kasama mo kami eh parang laging may boundaries ang kaligayahan mo. " kwento ni Ashley.

Napakagat labi si Ekang.

Ang akala nya ay ganap na nyang naitago sa mga naging kaibigan sa states ang kanyang kalungkutan.

Pero mukhang maging si Ashley ay nakakahalata na rin.

Bumuntong hininga ang dalaga.

Napangiti sya ng malungkot.

"I'm sorry Ash. " mahinang sabi nya.

"What for ?. " tanong ni Ashley.

"For feeling this. Baka isipin mo na pakitang tao lang ang pinapakita ko kapag kasama ko kayo. I am happy to be with you guys, pero I must admit, I feel incomplete eh. Alam mo ba yung feeling na may naiwan kang part sa isang lugar tapos wala kang magawa kundi panuorin na lang yung part na yon ?. Mahirap sya friend. " malungkot na saad ni Ekang.

Natahimik si Ashley.

Hanggang sa magsalita ito.

"I know what you're saying. I've been there before. " kwento nito.

Nagulat si Ekang.

"What ?. " tanong nya.

"I mean, parang unfair naman ata kung hindi mo meenjoy ang debut party mo. Just forget all your worries and be happy friend. I full blast mo na yang feelings mo kasi kung totoong babalik kayo dito, baka magsisi ka na hindi mo nagawa ang dapat mong gawin. " pag iiba ni Ashley.

Natahimik si Ekang.

Tama ang kaibigan nya.

Kung iisipin nya ang mga mangyayari sa hinaharap, talagang makakalimutan na nya ang pagiging masaya.

Biglang napangiti si Ekang.

"You know friend, kung makapagsalita ka, parang napagdaanan mo na itong scenario ko . " biro nya.

Natawa si Ashley.

"Haha, forget all the worries my friend, be happy. I love you friend, happy birthday ulit ! . " bati nito.

Napangiti si Ekang.

"I love you too friend, ingat ka dyan ha ?, wag masyadong mag party. Bye. " paalam nya.

Natawa si Ashley at sabay na nila halos binaba ang phone.

Napangiti ng malungkot si Ekang.

Halos lahat na ng mga kaibigan nya ang bumati maliban sa kwadro alas.

Pero batid nyang babatiin sya ng tatlong alas sa eksaktong birthday nya.

Ngunit duda sya sa isang iyon.

Napahinga ng malalim si Ekang.

Nagpasya na syang matulog para kahit papaano ay mapahinga na ang kanyang utak sa pag iisip ng mga bagay na malabong mangyari.

Nilapag nya sa tabi ng unan ang phone at nahiga na.

Pero hindi pa lumalapat ang ulo nya sa unan ng muli itong tumunog.

Natawa si Ekang, hindi na nya tiningnan kung sino ang caller at mabilis nya itong sinagot sa pag aakalang may nakalimutan ang kaibigan.

"Oh sis anong nakalimutan mo ? . " tanong nya.

"Good evening my queen. " boses lalaki.

Natulala si Ekang.

Inalis nya ang cellphone sa tenga at mabilis na binasa ang pangalan ng caller.

Pero unregistered ito sa kanyang cellphone.

Mabilis syang nag isip.

Iisang tao lang ang tumatawag sa kanya ng Queen.

"T-tabar ?. " tanong ni Ekang.

Natawa si Darius sa kabilang linya.

"May iba pa ba ?. " tanong nya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ekang.

Hindi sya prepared sa pagtawag ni Tabar kaya hindi nya alam ang dapat sabihin.

Pilit nyang pinagana ang isip.

Pero wala talagang ideyang pumapasok dito.

Kagat labing pinikit ni Ekang ang mga mata.

"N-napatawag ka ?. " tanong nya.

Pilit pinakaswal ang boses.

..

"Namiss kita eh. " banat ni Tabar.

Natigilan si Ekang.

Napalunok ng laway ng sunod sunod sa narinig.

Sinikap nyang tumawa.

Pero nag tunog plastik ito.

"Hahaha, funny. " sabi nya.

"Anong nakakatawa sa pagsasabi ng nararamdaman mo ?, hayz, kung alam ko lang na pagtatawanan mo ako, hindi ko na sana sinabi yon. " malungkot na sabi ni Tabar.

Napanganga si Ekang at mabilis na binawi ang sinabi.

"Hindi no, di ako natawa sa sinabi mo, ang nakakatawa ay dahil ikaw ang nagsabi non. Di ko maisip na magpapaka corny ka. " biro nya.

Natawa din si Darius.

"Well, yan siguro ang nagagawa ng pag- " putol nya.

Natulala si Ekang.

Pilit nyang pinipigilan ang kilig na nag uumapaw na sa kanyang puso.

Niloudspeaker nya ang cellphone para malinaw na marinig ang sasabihin nito.

"Pagmamahal yan di ba Tabar ?. Dali na sabihin mo naa !! . " sigaw ng isip ni Ekang.

Pero napanganga sya ng iba ang sabihin ni Tabar.

"Pag-pupuyat. Puyat ako eh. " biglang sabi nito.

Napasimangot si Ekang.

Ngalingali nyang ibato ang hawak na cellphone sa labis na pagkainis.

"Torpeee !!!. " sigaw nya.

Nagulat si Tabar.

"Huh ?, sinong torpe ?. Ako ? " tanong nya.

Lalong nabwisit si Ekang.

"Huh ?. anong torpe ?. Wala akong sinabing torpe. Baka madumi yang tenga mo !. " singhal nya.

Natawa si Tabar.

"Oh wag kang manigaw, sorry naman. " sabi nya.

Asar na inirapan ni Ekang ang cellphone.

"Hoy !, kung wala kang magandang sasabihin, matulog ka na lang !. May lakad pa ako bukas !. " taray nya.

Rinig nya ang pagtawa ni Tabar.

"Haha, sama ako. " sabi nito.

Inis na bumangon si Ekang at naupo sa kama.

"Di pwede !, may date ako !. " sigaw nya.

Natigilan si Tabar sa kabilang linya.

Napakagat labi si Ekang.

Nais nyang bawiin ang sinabi pero di nya alam kung ano naman ang kanyang idadahilan.

..

"S-sinong kadate mo ?. " tanong ni Tabar.

Nag isip agad si Ekang.

"Eh di sino pa ?, sarili ko !. Treat ko naman sarili ko kasi birthday ko na eh . " sabi nya.

Natahimik si Tabar.

"Sama. Ako na magtreat sayo. " sabi nya.

Umingos si Ekang.

"Wag na, may pera ako. ! . " sabi nya.

Natawa si Tabar.

"Oh di ako ang ilibre mo. Keri ko yon. " biro nya.

Di mapigilang matawa ni Ekang.

"Wag ka ngang nagsasasama kay Romeo at nagiging kuripot ka na rin. " ganting biro nya.

"Eh kung di ako sasama sa kanya, wala akong sasamahan. " sabi ni Tabar.

Nagtaka si Ekang.

"Bakit ?. " tanong nya.

"Look mo, si utol Aldrin may Hannah, si utol Rhoi may Krissia. Si utol Romeo lang ang walang syota, kaya kami muna ang magsyota for now. " sabi ni Tabar.

Napabungisngis si Ekang.

"Hahaha, eh di mag girlfriend ka na rin !. " suhestyon nya.

Pero bigla din syang natigilan.

Gusto nga ba nyang magkagirlfriend si Tabar ?.

Kung ang sarili ang kanyang tatanungin, payag na payag sya, basta iisang babae lang ang magiging girlfriend nito, at yun ay walang iba kundi.

"Ayaw nya sakin eh. " sabi ni Tabar.

Natigilan si Ekang.

Diyata't may napupusuan na si Tabar.

Napakagat labi sya sa kirot na mabilis na pumalit sa kilig na kanina lamang ay nag uumapaw sa kanyang puso.

"A-ah ganun ba ?. P-parang imposible naman atang may aayaw sayo. " sabi nya.

Natawa si Tabar.

"Sabagay, sa gwapo kong to, talagang malabo na may umayaw sa akin. Pero talagang ayaw nya ata eh. " malungkot ang boses na sabi nya.

Lalong nalungkot si Ekang.

"Di naman siguro, b-basta ipakita mo lang na mahal mo sya. K-kaya mo yan . S-sige matutulog na ako. " sabi nya.

"Sa tingin mo kung magtatapat ako sa kanya. May pag asa kaya ako ?. " tanong ni Tabar.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Ekang.

Ayaw nyang magsalita dahil siguradong ipagkakanulo sya ng sariling boses.

Pero kailangan nyang sagutin ang tanong ni Tabar.

"S-siguro. B-basta gawin mo na lang ang tama. " sabi nya.

Rinig nya ang masayang tawa ni Tabar.

Lalong sumakit ang kanyang puso sa ginagawa nito.

Gusto nyang ibaba na ang cellphone at umiyak.

Pero baka kung ano naman ang isipin ng binata kapag ginawa nya iyon.

Kaya nagtiis na lamang sya na marinig ang masayang pagtawa nito.

Maya maya ay biglang nagsalita si Tabar na ikinadurog ng puso nya.

"May regalo kasi akong binili para sa kanya, sa tingin mo, magustuhan nya kaya ito ?. " tanong ni Tabar.

Tumingala si Ekang para pigilan ang pagtulo ng luha.

"S-siguro. " maiksing sagot nya.

Masayang nagsalita si Tabar.

"Grabe, I can't wait to show her how much I loved her. Sana magustuhan nya itong diamond necklace na binili ko. " sabi nya.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Ekang.

Tila gripong nabuksan ang kanyang mga mata at lumabas ang tubig mula roon.

Tahimik syang nanangis habang masayang nagkukwento si Tabar sa kabilang linya.

"Di ko na kaya, pupuntahan ko sya ! . " sigaw ni Tabar.

Natigilan si Ekang.

Panibagong punyal na naman mula kay Tabar.

"S-sobrang mahal mo naman sya, hatinggabi na pupuntahan mo pa. " sabi ni Ekang.

Tumawa si Tabar.

"That's love. Ito na siguro yung sinasabi ni utol Aldrin. Sabi nya, kapag ang Love na daw ang tumama sayo, talagang hindi ka na makakapag isip ng tama. Hahamakin mo na ang lahat maipadama mo lang na mahal mo sya. Syet ang korni ko, pero wala akong magawa , inlove ako eh. Wag mong sabihin to kay utol Romeo ha ?. Epal yon eh. " tatawa tawang sabi nya.

Nakitawa si Ekang.

Pero ang kanyang luha ay patuloy na umaagos.

Biglang nagpaalam si Tabar.

"Sige, alis lang ako. Pupuntahan ko na sya. " sabi nya.

Napangiti ng malungkot si Ekang.

"Go, basta mag iingat ka lang ha ?. " malambing na sabi nya.

"Sure, bye. " sabi ni Tabar.

Pinigil ni Ekang ang humikbi.

"B-bye. " mahinang sagot nya.

Rinig nya ang pagbaba ng cellphone ni Tabar.

Duon na nya ibinuhos ang kanyang pag iyak.

..

Ilang minuto ang nakalipas.

Muling tumunog ang cellphone ni Ekang.

Nakaidlip pala sya sa kakaiyak.

Dinampot nya ang phone.

"H-hello ? . " sagot ni Ekang.

"Mukhang tulog na sya eh . " boses ni Tabar.

Muling nakaramdam ng lungkot si Ekang.

Napangiti sya ng tipid.

"Bukas na lang yan Joweebee. Hayaan mo na. " sabi lang nya.

Pero di pumayag si Tabar.

"Hindi, baka mahiya na akong ibigay ito tomorrow. Saka di ba mamamasyal tayo ?. " tanong nya.

Napangiti ng malungkot si Ekang.

"Eh di wag na tayong mamasyal, sya na lang ang ipasyal mo. " sabi nya.

Masakit na masakit na ang kanyang nararamdaman pero tila ayaw pa ni Tabar na pagpahingahin ang kanyang puso.

Humirit pa ito ng humirit.

"Ah basta, bubusina ako, dala ko kasi si Joker, bahala na kung magising yung mga kapitbahay nila. " sabi nya.

Lalong nasaktan si Ekang.

Hahamakin ni Tabar ang galit ng mga kapitbahay at kasambahay ng babae maibigay lamang ang regalo nito.

"Nakakainggit naman sya. " bulong nya.

"Huh ?. bakit ka maiinggit ?. " tanong ni Tabar.

"W-wala, bahala ka na dyan, s-sige matutulog na ako. " sabi ni Ekang.

"Sige ikaw ang bahala. Sweetdreams. " sabi ni Tabar.

Napangiti ng kimi si Ekang.

"S-sweetdreams din. G-goodluck sa inyo. " sabi nya.

Natawa si Tabar.

"Goodluck sayo. " sabi nito.

Nagtaka si Ekang.

"B-bakit goodluck sa akin ?. " tanong nya.

"Sabi mo matutulog ka na ?. " ganting tanong ni Tabar.

Tumango si Ekang.

"Yeah, wala na naman akong gagawin eh. And besides, may lakad pa ako mamaya. " sabi nya.

Rinig nya ang pagtawa ni Tabar.

"Dalawa tayo, may lakad tayo mamaya. " sabi nya.

Nainis si Ekang.

"Ah bahala ka. Matutulog na ako. " inis na sabi nya.

Muling natawa si Tabar.

"Goodluck nga. Kung makatulog ka . " sabi nya.

Nagtaka si Ekang.

Pero naisip nyang pinagtitripan lamang sya ni Tabar.

"Bye na. " bwisit na binaba nya ang phone at nahiga sa kama.

Pilit na pinigilan ang sarili sa pagiyak.

Mariin nyang pinikit ang mga mata para sana hulihin ang antok.

Pero may narinig syang kakaibang tunog.

..

Unti unting minulat ni Ekang ang mga mata.

"W-what's that noise ?. " tanong nya sa sarili.

Muling tumunog ang cellphone nya.

Mabilis nya itong sinagot.

"Ano ba? . " inis na sagot ni Ekang.

Natawa si Tabar.

"Ayaw dumungaw eh. Bahala sya, kung ako sa kanya dudungaw na ako bago pa magising ang buong subdivision nila. " sabi nito.

Natigilan si Ekang.

Napatingin sya sa bintana.

"D-dont tell me. " sabi nya sa sarili ay mabilis na bumaba sa kama.

Hinawi ni Ekang ang kurtina at sumilip sa labas.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang isang kotseng nakaparada sa harap mismo ng kanilang bahay.

Kahit sa malayo, alam na alam nya ang pigura ni Tabar na nasa gilid ng kotse.

Pero di ito nag iisa.

Kasama nito ang tatlo pang alas.

..

Sukat duon ay napaiyak si Ekang.

"I hate you !. " sigaw nya sa cellphone.

Rinig nya ang pagtawa ng mga alas.

"Why ?. " tanong ni Tabar.

Pinahid ni Ekang ang mga luha pero tila hindi ito tumitigil sa pagdaloy.

"For making me cry !. " sigaw ni Ekang.

Lalong natawa ang mga alas.

"Sorry. Sabi ko naman kasi sayo pupunta ako eh. " sabi ni Tabar.

Biglang sumingit si Aldrin.

"Lumabas ka na Ekang !, baka magising na namin itong buong subdivision nyo !. " sigaw nito.

Natawa si Ekang at mabilis na lumabas ng kwarto.

Tinakbo nya ang maindoor para labasin ang mga kaibigan.

Pagbukas nya ng gate.

Sinalubong sya ni Tabar.

Di na sya nakapag isip pa.

Tinalon nya ang binata at mahigpit itong niyakap.

Naghiyawan ang tatlong alas sa nakita.

..

"Grabe ang libog ni Ekang oh. " sigaw ni Romeo.

Natawa ang lahat.

Gumanti ng yakap si Tabar at hinalikan nya ang buhok ng dalaga.

"I miss this shit. " sabi nito.

Umiiyak na sinubsob ni Ekang ang mukha sa dibdib ng binata.

Ilang saglit din silang nagyakap bago nahihiyang kumalas na ang dalaga.

Inunat ni Darius ang kamay.

Kinalabit naman ni Rhoi si Romeo.

"Rom yung kwintas. " bulong ni Rhoi.

Nataranta si Romeo at dumukot sa bulsa.

"Oh . " abot nya.

Nakangiting inabot ni Darius ang binigay ni Romeo at pinakita ito kay Ekang.

Pero natulala sila ng makita ang inabot ni Romeo.

"C-condom ?. " tanong ni Ekang.

Nanlaki ang mga mata ni Tabar at inis na binalingan si Romeo.

"Tangna mo !, anong gagawin namin sa condom ?. " asar na tanong nya.

Natawa si Romeo.

"For protection pare, ito naman di mabiro. Oh eto na. " sabi nya.

Natawa sina Rhoi at Aldrin.

Inabot na ni Romeo ang isang box.

Inis na binato ni Darius pabalik kay Romeo ang binigay nitong condom.

Tatawa tawang sinalo naman ito ng kaibigan.

..

Muling hinarap ni Darius si Ekang.

"Happy birthday my Queen. " bulong nya.

Napasinghap si Ekang ng tumambad sa kanyang paningin ang laman ng box.

"W-wow. " tanging nasabi nya.

Nilabas ni Darius ang diamond necklace, umikot sya sa likod ni Ekang at sinuot sa leeg nito ang nasabing alahas.

Tahimik na nanunuod lamang ang tatlong alas.

Masaya sila para sa kanilang kapatid.

..

Matapos isuot ni Darius ang kwintas kay Dannica.

Pinihit nya ito paharap sa kanya.

"Perfect. " humahangang sabi ni Tabar.

Umagos ang luha sa mga mata ni Ekang.

"T-thank you. " sabi nya.

Ngumiti si Tabar at hinaplos ang pisngi ng dalaga.

"Don't cry my queen, simula pa lang yan ng mga regalo ko sayo. " sabi nya.

Napangiti si Ekang at masuyong hinawakan ang kamay ni Tabar na humahaplos sa kanyang pisngi.

"T-thank you my ace. " sabi nya.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Di na nila inisip ang sitwasyon, dahan dahang bumaba ang mukha ni Darius.

Natigilan si Ekang.

Umawang ang kanyang mapupulang mga labi at hinintay ang papalapit na mga labi ni Tabar.

Dahan dahan, tila lalong naging makulay ang gabi.

Wala na silang pakialam sa paligid, tanging ang isa't isa na lamang ang mahalaga.

Hanggang sa gahibla na lamang ang distansya ng mga labi nila.

"I love you . " bulong ni Tabar.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang sa narinig pero bigla syang napapikit ng sakupin ng mga labi ni Tabar ang kanyang makipot na mga labi.

Pinalibot ni Tabar ang kanyang mga kamay sa bewang ng dalaga.

Ang mga kamay naman ni Ekang ay inikot nya sa leeg ni Tabar bilang suporta sa unti unting lumalambot na tuhod nya.

Masarap na pakiramdam ang sumunod nilang naranasan.

Tila bulaklak na muling nadiligan ang labi ni Ekang.

Matagal na nyang nakalimutan ang pakiramdam na ito.

Di nya akalain na mabibigyan pa ng katuparan ang kanyang mga dasal.

..

Napangiti ang tatlong alas.

Tumalikod sila para bigyang privacy ang paghahalikan ng dalawa.

Sumandal silang tatlo kay joker.

Napatingin sa kalangitan.

"I think it's worth it. " sabi ni Aldrin.

Nagtaka ang dalawa.

"Anong sinasabi mo ? . " tanong ni Rhoi.

Ngumiti si Potpot.

"Yung pagpunta natin dito. It's past twelve thirty in the morning. " sabi nya.

Ngumiti din ang dalawa.

"Well, kahit anong oras pa ninyo ako gisingin, basta para sa kapatiran. " sabi ni Romeo.

Lahat sila ay tulog na ng bulabugin ni Tabar.

Sinabi nito ang plano at agad silang nagbihis.

Wala ng tanong tanong.

"Sabagay, minsan lang naman kasi magmahal ang baboy, pagbigyan na natin. " biro ni Rhoi.

Nagtawanan sila at nilingon sina Ekang at Tabar.

"Naghahalikan pa rin sila oh. " puna ni Aldrin.

"Rated PG na yan ah. " sabi ni Rhoi.

Nilabas ni Romeo ang condom sa bulsa.

"Sigurado kayong di nyo kailangan to ?. " tanong nya.

Natawa sina Darius at Dannica.

Binigyan ng dirty finger ni Tabar ang kaibigan.

"Pakyu ka tol. " natatawang sabi nya at muling niyakap ng mahigpit si Ekang.

Gumanti naman ang dalaga.

Parehas na dinama ang pagmamahal ng isa't isa.

Napansin ni Aldrin ang maliwanag na bagay sa dulo ng kalsada.

Nanlaki ang mga mata nya at kinalabit ang mga kapatid.

"Mga tol, sibat na tayo !, nandito na yung mga nag roroam na gwardya !. " sabi nya.

Mabilis na silang sumakay kay Joker.

Muling dinampian ng halik ni Tabar ang mga labi ni Ekang.

"See yah my Queen, di kasi kami dumaan sa main gate eh. Sumalisi lang kami. Ahihi. " sabi nya.

Natawa si Ekang at pinagmasdan ang mga alas.

Pero tila nais makipagbiruan ni Joker sa kanila.

"Tang ina mo Joker !, wag ngayon ! " sigaw ni Rhoi.

Napalingon sila sa flashlight na paparating.

Ayaw mag start ni Joker.

"Ayaw talaga mga tol. TULAK !. " sigaw ni Rhoi.

Inis na bumaba ang tatlong alas.

Pumwesto sila sa likod at buong pwersang tinulak ang baliw nilang kotse.

Hanggang sa marinig nila ang silabato ng gwardya.

"Hoy !, anong gingagawa nyo dyan ? . " sigaw nito.

Napatili ang mga alas at nagmakaawa sa bulok nilang sasakyan.

"Start na Joker !, hayup ka talaga !. Kapag di ka nagstart ipapakilo ka namin !." sigaw ni Romeo at sa wakas nag start ang kotse.

Mabilis na nagtalunan ang tatlong alas pasakay kay Joker.

Nilingon ni Tabar si Ekang.

"Bukas my Queen, you will have your second gift !. " sigaw nya.

Ngumiti si Ekang at nag flying kiss sa binata.

Pinagmasdan nya na lang ang mga kaibgan na makipaghabulan sa gwardya ng subdivision.

Ng mawala ito sa kanyang paningin ay nakangiti na syang pumasok.

Hawak ang kwintas na bigay ni Tabar at ang labing kanina lamang ay masuyong hinahalikan nito.

..

Mula sa itaas ng bahay.

Kunot noong napatingin si Dolores sa ibaba.

"Sino ba itong mga to ?. " tanong nya.

Hawak nya ang sariling cellphone.

"Anong sabi mo ? ." tanong ng nasa kabilang linya.

Napahinga ng malalim si Dolores, pinagmamasdan nya ang nakangiting si Dannica na papasok sa bahay.

Binaba na nya ang kurtina at muling bumalik sa kama.

"Wala kuya, yung tanong ko kanina, nahanap nyo na ba sya ?. " tanong nya.

"Wala talaga, hindi pa rin sya bumabalik dito sa tinutuluyan nya, pero may bago akong balita. " sabi nito.

Nagsindi ng sigarilyo si Dolores.

"Ano yon ?. " tanong nya.

"Alam ko na kung sino yung sumundo sa kanya na gwapong binata. Miyembro daw yon ng Kwadro Alas. " sabi nito.

Kumunot ang noo ni Dolores.

"Kwadro Alas ?. Ano yon ?. " tanong nya.

"Nagtanong tanong ako, binubuo ng apat na binata ang Kwadro Alas, pawang galing sa mayayamang pamilya. Tipikal na mayayabang at arogante. Mga spoiled rich kids. " kwento pa nito.

Humithit buga si Dolores.

"Di ko makita ang koneksyon nyan sa pinapagawa ko sayo Kuya. " sabi nya.

Tumawa ang lalaking kausap nya.

"Kaibigan ng inaanak mong si Dannica ang mga Kwadro Alas. " sabi nito.

Nagitilan si Dolores.

"Y-you mean ?. " tanong nya.

"Tama. Magagamit natin sya para malaman natin kung saan nagtatago yang pesteng lalaking yan. " sabi nito.

Nagalit ang babae.

"Dahan dahan ka ng pananalita mo Kuya !. " pabulong na sigaw nya.

Natawa lang ang lalaki.

"Anong plano ?. " tanong nito.

Nag isip si Dolores.

Nakailang hithit buga sya sa sigarilyo bago unti unting napangisi.

"Wag na nating paabutin ang debut ni Dannica. Bukas na bukas, simulan na ninyo ang plano. " sabi nya.

Malademonyong tawa ang sinagot ng kanyang kausap.

Saglit silang nagpaalam bago binaba ni Dolores ang cellphone sa kama.

Dumungaw sya sa bintana.

Parang baliw na ngumisi.

"Lalabas ka rin mahal ko. Lalo na kung ang pinakamamahal mong anak ang ipapain ko sayo. " bulong nya.

ITUTULOY !