1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 35 - Dolores
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 35 - Dolores

By supertoyantz ·

Chapter 35 - Dolores

Alas tres ng madaling araw, dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Ekang.

Tila nakaglue na rin ang kanyang mga pisngi dahil sa permanente nitong pagkakabanat.

"You're so sweet my Ace. " kinikilig na sabi nya sa sarili.

Hinaplos ni Ekang ang suot na necklace, inangat nya ito sa ere at pinagmasdan ang makinang na bato.

"You're so galante pa. Ayeeee, love mo talaga ako . " muli nyang sabi.

Ilang saglit lang ay tumunog ang kanyang cellphone.

Pagtingin nya ay lalo syang napangiti ng makita ang pamilyar na numero.

Saglit na kinalma ni Ekang ang sarili bago sinagot ang tawag.

"Uhm, h-hello ?. " kunwari ay paos ang kanyang tinig.

"Hello my queen. " baritonong boses ni Tabar.

Pinigilan ni Ekang na tumili.

"Uhm, h-hello, bakit gising ka pa ?. " tanong nya.

"May iniisip lang kasi ako ." sagot ng binata.

"A-ano ?. " tanong ni Ekang.

"Kung anong kulay ng brief ang susuotin ko sa date natin mamaya. " sagot ni Tabar.

Napanganga si Ekang sa kabiglaan.

Di nya akalain na seryoso pala ang binata ng ayain sya nito kanina.

Napakagat labi sya.

"D-date? . As in tayong dalawa lang ?. " tanong nya.

Natawa si Tabar.

"Ahaha, gusto mo sama natin si Rom " sabi nya.

Nagkandailing iling si Ekang.

"Big NO !, manggugulo lang yun eh. " sagot nya.

"Yan din ang iniisip ko, kaya tayong dalawa lang. " sabi ni Tabar.

Kinilig si Ekang.

Mabilis na gumapang ang kanyang imahinasyon sa maaaring maganap mamaya.

..

"Hey !, nakatulog ka na ?. " tanong ni Tabar.

Napangiti si Ekang.

"H-hindi naman. " sagot nya.

"So, anong oras kita susunduin ? . " tanong ni Tabar.

Lalong lumawak ang ngiti ni Ekang.

"S-saglit lang ha. " sabi nya.

Tinakpan nya ang cellphone ng unan at nilabas na ang tinatagong tili.

Nagpagulong gulong sya sa kama dahil sa kilig na mabilis na dumaloy sa kanyang katawan.

Matapos ang ilang sandali ay huminga ng malalim si Ekang, inayos nya ang sarili at pilit na pinakalma.

"Relax lang Dannica, inhale, exhale. " sabi nya sarili.

Nagbilang muna sya ng hanggang tatlo bago muling kinuha ang phone sa ilalim ng unan.

"Uhm, h-hello ?. still there ?. " tanong ni Ekang.

"Yes. " sagot ni Tabar.

Napangiti si Ekang.

..

Sa kabilang linya.

Di maalis ang ngiti ni Tabar.

Nais na nyang hilahin ang oras para mag umaga na at masundo na nya ang dalaga.

"So, mamaya ha? " pagkumpirma ni Tabar.

"Yes. I will wait for you. " sagot ni Ekang.

Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Tabar sa kilig.

"Okay, uhm. " sagot nya sa kawalan ng masabi.

"Uhm. " sagot din ni Ekang.

Natawa pa silang pareho kahit na walang sapat na dahilan.

"Bakit ka tumawa ?. " tanong ni Tabar.

"Kasi alam kong tatawa ka eh. " pacute ng dalaga.

Lumawak ang ngiti ni Tabar.

Halos masilayan na ang buong gums nya sa klase ng pagngiti nya.

..

Napangiti si Ekang sa kabilang linya.

"Hmm. " sabi nya.

"Grabe . " wika ni Tabar.

Nagtaka si Ekang.

"Why? . " tanong nya.

"Wala lang, it's just that, we have this nonsense conversation. But still, hindi ako nababagot. " wika ni Darius.

Natigilan si Dannica pero bigla din syang napangiti.

"Same here. Hindi ako naiinip kahit konti ." pag amin nya.

Natahimik silang pareho.

Nakangiti at naghihintay ng sasabihin ng bawat isa.

..

Napatingin si Tabar sa alarm clock.

"It's past four my queen, you better sleep. " sabi nya.

Nabigla si Ekang.

"Oh, di ko namalayan, one hour na pala tayong nag uusap ?. " tanong nya.

Natawa si Tabar.

"Ganun daw talaga kapag enjoy ka. Di mo mamamalayan ang pagdaan ng oras. " sabi nya.

Napangiti sila pareho.

"Sige na Joweebee, sleep na me. " biro nya.

"Oki, salamat sa meaningless na pag uusap. " ganting biro ni Tabar.

Natawa si Ekang.

Pero napangiti din sya ng matamis.

"Meaningless, pero I'm happy. " bulong nya.

Akala ni Ekang hindi na sasagot si Tabar.

Pero bigla itong nagsalita.

"Nag uumapaw ang puso ko sa hindi maipaliwanag na pakiramdam sa mga oras na ito, masayang masaya ako Ekang. Seryoso. Korni mang pakinggan pero ito talaga ang nararamdaman ko. Matagal ko na talagang nararamdaman ito pero natatakot lang akong sabihin sayo nuon. O mas tamang sabihin na nahihiya. " banat ni Tabar.

Natigilan si Ekang.

Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Pero bigla syang may naalala.

"Nahihiya ?, kasi pangit ako nuon ?. " mapait na tanong nya.

Natahimik si Tabar.

"H-hindi ka siguro maniniwala. Pero nuon pa man, maganda ka na sa paningin ko. " bulong nya.

Natawa ng mahina si Ekang.

"Inaantok ka na ata Joweebee, sige na, sleep na tayo. " aya nya.

Natahimik muli si Tabar.

"I know, hindi ka naniniwala, pero wala akong magagawa. Sige na my Queen, mag beauty rest ka na. " biro nya

Napangiti si Ekang.

"Goodmorning my Ace. " lambing na sabi nya.

"Goodmorning my Queen, see yah later. " paalam ni Tabar.

Akmang papatayin na ni Ekang ang phone pero humabol pa si Darius.

"I love you. " mahinang mahina lamang ang pagkakasabi ng binata pero naabot ito ng pandinig ni Ekang.

Sasagot sana sya pero namatay na ang tawag.

Saglit na nagtalo ang isip ni Ekang kung itetext o tatawag ba ulit sya para sagutin ang huling sinabi ng binata.

Pero sa huli ay nagbago ang isip nya.

"Mamaya ko na lang sabihin na mahal din kita Tabar. Mamaya." ganting bulong nya.

Nilapag ni Ekang ang cellphone sa tabi at nahiga na sa kama.

Nakangiti syang pumikit at nagpatangay na sa antok.

..

Alas dose ng tanghali.

Tarantang naghahanap si Ekang ng maisusuot.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ninang na si Dolores.

"Oh anak, may lakad ka ata ?. " tanong nya.

Napakagat labi si Ekang.

"Opo ninang. Di ko nga po alam ang isusuot ko. " tarantang sabi nya.

Napangiti si Dolores.

"Hmm, parang alam ko na yan, may date ka no ?. " tanong nito.

Napangiti si Ekang.

"D-di naman po yun date, mamamasyal lang kami. " tanggi nya.

Lumapit si Dolores sa dalagang nakabathrobe.

"Iha, napagdaanan ko na yan, naalala ko nga nuong una nya akong ayaing lumabas, sobrang saya pero sobrang nakakanerbyos, hindi ko alam kung paano ako kikilos, syempre ayaw kong madissappoint sya sa akin kaya talagang ingat na ingat ako sa bawat paggalaw ko. " kwento nito.

Napangiti si Ekang.

"Really ninang ?. Pero bakit di po kayo nag aasawa up to now ?. Wala po ba kayong naging boyfriend ? " tanong nya.

Natahimik si Dolores.

"Mayroon naman akong naging nobyo anak, kaso may nangyari eh. I-inahas sya. " mahinang sagot nya.

Nabigla si Ekang.

"P-po ?. " tanong nya.

Tila nagising sa panaginip si Dolores at muling ngumiti.

"Ay bakit ba sa akin napunta ang spotlight ?. Ikaw ?. Who's this lucky guy ?. Kilala ko ba sya ?. " tanong nya.

Nawala sa isip ni Ekang ang nais sanang itanong tungkol sa nakaraan ng ninang.

Namula ang mga pisngi nya dahil kilig na nagsisimulang gumapang sa katawan ng maalala si Tabar.

"Eeeehhh.. His name is Darius, ninang. And I doubt kung kilala nyo po sya. Kababata ko po sya at kaibigan. " kinikilig na kwento nya.

Tumango tango si Dolores.

"Hmm. Medyo chubby right ?. " tanong nito.

Nagtaka si Ekang.

"H-how did you know ? . " tanong nya.

Ngumiti si Dolores.

"Kasi nandyan na sya sa baba at hinihintay ka. " nakangiting imporma nito.

Natulala si Ekang.

Nawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi.

"N-ninang naman eh, niloloko nyo po ako. " sabi nya.

Pero nanatiling nakangiti lamang si Dolores.

Unti unting napanganga si Ekang.

"Di nga Ninang ?. N-nandyan na po sya?. " tanong nya.

Dahan dahang tumango si Dolores.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang at lumabas ng kwarto.

Tinakbo nya ang bukana ng hagdan para silipin ang sala.

Halos mapasigaw sya ng makita ang likod ni Tabar na abala sa panunuod ng TV.

"Oh GOD. Oh GOD. " usal nya at muling bumalik ng kwarto.

Naabutan nyang binibistahan ng ninang Dolores nya ang mga nakakalat na damit sa kama.

"See ?. Hmm, he's kinda gwapo ha. Bagay kayo. " nakangiting sabi nito.

Kinilig si Ekang pero mas nangibabaw ang taranta.

"OMG OMG OMG, anong isusuot ko ninang ?. Shucks , dapat talaga nag shopping ako last day eh !. " reklamo nya.

Natawa si Dolores at inabot ang isang asul na bestida.

"Here, bagay na bagay sayo, since na nakalight blue polo sya. " sabi nya.

Napangiti si Ekang at hinablot ang damit.

Diretso sya sa banyo para magpalit.

Natawa na lang si Dolores sa pagkakataranta ng dalaga.

..

"She's here iho. " boses ni Dolores.

Napalingon si Tabar sa itaas ng hagdan.

Di nya maiwasang mapasipol sa nasaksihan.

"Phew, is she an angel ?. " tanong nya.

Natawa si Dolores.

"So paano, mag iingat kayo ha ?. Wala kasi ang Mommy nya at may inaasikasong importanteng bagay. Alagaan mo ang baby ko ha ?. " malambing na bilin nito.

Tumango si Tabar.

"You don't have to worry anything Tita, di ko po sya pababayaan. " bulong nya.

Ngumiti lang si Dolores.

Sabay nilang pinagmasdan ang pagbaba ni Ekang sa hagdan..

Hanggang sa makalapit na ito sa dalawa.

"Tara ?. " nakangiting aya ni Ekang.

Kinalabit ni Dolores si Tabar.

"Huy !, natulala ka na. " biro nito.

Natawa si Ekang.

Napakamot naman si Tabar sa batok.

"S-sorry, di ko lang talaga maiwasang matulala. You're so beautiful. " anas nya.

Pinigilan ni Ekang ang kiligin.

"Sus bola, tara na. " sabi nya.

Ngumiti si Tabar at binalingan si Dolores.

"Alis na po kami Tita. " paalam nya.

Tumango si Dolores at hinatid sa gate ang dalawa.

"Mag iingat kayo, enjoy ! " bilin nya.

Nakangiting kumaway na lang sina Ekang at Tabar.

..

Tinanaw ni Dolores ang dalawa habang naglalakad ito palayo.

Maya maya ay inilabas nya ang cellphone at saglit na nagdial.

Naka apat na ring din ang lumipas bago may sumagot sa kabilang linya.

"Ano na ?. " tanong ng boses.

"Nakaalis na sila. Kumilos na kayo, wag nyo lang sasaktan yung mga bata, lalong lalo na si Dannica. " bulong nya.

"Hindi ako nangangako, basta gagawin namin ang nasa plano. Ikaw rin, galingan mo ang pag arte mo dyan. " bilin pa nito.

"Mag iingat kayo. Wag kayong papalpak. " utos ni Dolores at binaba na ang cellphone.

Muli nyang pinagmasdan ang landas na tinahak ng dalawa.

Hindi nya napansin na may nakarinig ng mga sinabi nya.

Dali dali itong umalis sa likod ng halaman ng makitang ibinaba na ni Dolores ang cellphone.

..

"So. Saan mo gustong pumunta ?. " tanong ni Tabar.

Napangiti si Ekang.

"Hmm, kahit san Joweebee. " sagot nya.

Ngumisi si Tabar.

"Eh kung dalhin kita sa motel ?. " biro nya.

Namula ang mga pisngi ni Ekang at kinurot sa braso si Darius.

"You're so naughty, mall tayo ?. " aya nya.

Ngumiti si Tabar at hinuli ang kamay ni Ekang.

Hinawakan nya ito ng mahigpit.

Natigilan si Ekang, pero di nya maiwasan ang mapangiti ng lihim.

"HKHMN." sabi ni Tabar.

Nagtaka ang dalaga.

"Ano ?. " tanong nya.

"Hawak Kamay Habang Malanding Naglalakad. Haha. " sabi ni Tabar.

Nagtawanan sila.

"So tara na ?. " tanong ni Tabar.

Ngumiti ng matamis si Ekang.

"Tara !. " pang sang ayon ng dalaga.

Pumara ng jeep si Tabar papunta sa mall.

..

Ilang oras ang lumipas.

Kasalukuyang kumakain sa paborito nilang fastfood sina Ekang at Tabar .

"Aahh. " hawak ni Ekang ang fries habang inuumang sa bibig ni Darius.

Game namang binuka ni Tabar ang bibig at masuyong sinubo ni Ekang ang pagkain.

Kung pagmamasdan sila sa malayo ay talagang kikiligin kahit ang langgam sa inaakto ng dalawa.

Nagsusubuan sila at naghaharutan na parang magjowa.

Matapos kumain.

Nagpasya ang dalawa na mamasyal sa malapit na park.

Magkahawak kamay pa rin silang lumabas ng mall at pumara ng jeep patungo naman sa nasabing pasyalan.

Ilang sandali ang lumipas, narating na nila ang park, holding hands pa rin ang dalawa habang marahang naglalakad sa madamong lugar.

..

"Dito na lang tayo. " sabi ni Ekang.

Ngumiti si Tabar at pinagpag ang bench na bato.

Kinilig si Ekang sa sweet gestures na pinapakita ni Tabar.

Marahan syang naupo sa nasabing upuan at tumabi naman sa kanya ang binata.

"Ang lamig. " bulong ni Ekang.

Napangiti sya ng maya maya ay naramdaman nya na ang isang braso ni Tabar na nasa parteng balikat nya.

Marahan itong gumagapang.

Natawa si Ekang.

Hinawakan nya ang braso ni Tabar at inakbay na sa kanyang balikat.

"Bagal bagal eh. " biro nya.

Nagtawanan sila.

Hinilig ni Ekang ang kanyang ulo sa dibdib ni Tabar.

Napangiti na lang ang binata.

Hinapit nya pa ang dalaga palapit sa kanya.

"Sana ganito na lang tayo palagi no ?. " tanong ni Tabar.

Napangiti si Ekang.

"Yeah, pero sabi nga nila, ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may wakas. " bulong nya.

Natahimik ang dalawa.

"Kung may wakas man ang lahat, masaya ako na kahit papaano, naranasan natin ang maging ganito. " ganting bulong ni Tabar.

Napangiti si Ekang.

Inangat nya ang mukha para pagmasdan ang gwapong mukha ng binata.

Hinaplos ni Tabar ang mukha ni Ekang.

"I love you. " bulong ni Tabar.

Napangiti si Ekang.

"Mahal din kita." ngunit sa isip lamang nya ito nasabi.

Dahil dahan dahan ng bumaba ang mukha ni Tabar.

Napapikit si Ekang at hinintay ang papalapit na mga labi ng binata.

Hindi nga nagtagal ay nagtama na ang kanilang mga labi.

Walang kasing sarap ang pareho nilang naramdaman.

Pakiramdam ng dalawa ay sila lamang ang tao sa lugar na iyon.

Saglit lamang na nagdikit ang kanilang mga labi.

Ngumiti si Tabar at pinagmasdan ang nakapikit na mukha ni Ekang.

..

"You're so beautiful my Queen. " bulong ni Tabar.

Dahan dahang minulat ni Ekang ang mga mata pero nagulat sya ng may makitang tao sa likod ng binata.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang.

Nagtaka si Tabar.

"Why ?. Maganda ka naman talaga. " sabi nya.

Napalunok si Ekang.

"Joweebee, look. " turo niya sa likod ng binata.

Napalingon si Tabar.

Nagtaka sya ng makitang may mga lalaking nakapalibot na sa kanila.

Agad na niyakap ni Tabar si Ekang.

"Ano ho yon ?. " tanong nya sa mga lalaki.

Nagkatinginan lamang ang mga ito.

Maya maya ay may isang lalaki ang nagsalita.

"Kunin nyo yung babae. " utos nito.

Nahindik si Ekang sa narinig ay mahigpit na yumakap kay Tabar.

..

Mabilis na kumilos ang mga goons at pilit na pinagkalas ang pagkakayakap ng dalawa.

Akmang titili si Ekang ng biglang maglabas ng baril ang tila leader ng grupo.

"Sige, tumili ka para umagos na ang dugo nyong dalawa dito. " bulong nito.

Natameme si Ekang, mahigpit nyang niyakap si Tabar.

..

Bagama't natulala ng makita ang baril, pinilit ni Darius na magpakahinahon at mabilis na nag isip.

Wala syang kaide ideya kung ano na ang nangyayari pero ayaw nyang magpanic para na rin sa ikapapanatag ng loob ng dalaga.

Pasimple nyang ginala ang paningin sa paligid.

Malayo ang distansya ng ibang namamasyal sa lugar na iyon, hindi marahil nahahalata ng mga ito ang kaguluhang nagaganap sa mga oras na iyon.

Walang makitang solusyon si Tabar.

Sinubukan nyang mag isip ng ibang paraan pero naputol ito ng biglang hatakin ng isang lalaki si Ekang palayo sa kanya.

Napaiyak ang dalaga.

Maging si Tabar ay napamura pero napangiwi sya ng biglang sikmuraan ng isang lalaki.

Napaluhod si Darius sa sakit, hindi pa nakuntento ang lalaki, nagbitaw pa ito ng isa pang tadyak patungong muli sa sikmura ng binata.

Napasigaw na si Ekang.

"Aaahhh ! Tabarr !! . " malakas na tili nya.

Dahil sa nakitang pananakit kay Darius, nawala na ang takot nya sa baril.

Nagpumiglas sya at pilit na nilapitan si Tabar.

Nagtagumpay na makatakas ang dalaga, dinamba nya ang binata at niyakap ng mahigpit.

"Joweebee ?. O-okay ka lang ?. " tanong ni Ekang.

Ngumiti si Tabar ng pilit.

"A-ayos lang, natamaan lang yung imbakan ko ng pagkain kaya medyo masakit, pero I'm fine. " pabirong sabi nya.

Marami na syang napagdaanang trouble, sanay na rin sya sa biglaang pag atake kaya hindi na sya bago sa sakit na naramdaman.

Huminga ng malalim si Tabar at pinilit maupo sa damuhan.

..

Lumapit ang isang lalaki sa tila leader ng grupo.

"Boss, mukhang nakakahalata na yung ibang tao. " bulong nito.

Napatingin ang leader ng grupo sa paligid.

Napansin nyang nakatingin na nga sa kanila ang ibang namamasyal.

Nataranta ang mga lalaki.

"Isakay nyo na yang babae. Iwan nyo yang lalaki . " utos nya.

Ng marinig ang utos, mahigpit na nagyakap sina Ekang at Tabar.

Napatingin ang mga lalaki sa leader nila ng makita ang ginawa ng dalawa.

"Boss paano yan ?, kapag pinwersa natin yang paghiwalayin, baka makahalata yung ibang namamasyal na kikidnapin natin sila. " bulong nito.

Nag isip ang leader.

Sinabunutan nya si Tabar.

"Hoy, hindi ka ba bibitaw ?. " tanong nya.

Ngumisi si Tabar.

"Hindi koya, kung isasama nyo sya, sasama ako. Mukhang masaya dun sa pupuntahan nyo eh. " biro nya.

Asar na binitawan ng leader ang buhok ni Tabar at mabilis na inutusan ang mga alipores.

"Isakay nyo yang dalawang yan. Tangna !, bilisan nyo !. " sigaw nito.

Mabilis na kumilos ang mga lalaki.

Inakay nila si Tabar pero ayaw tumayo ng binata.

"Umayos ka nga !. " utos ng isa.

Natawa si Tabar.

"Ginulpi nyo ba naman ako eh, paano ako makakalakad ?. buhatin nyo ko. " sabi nya.

Napangiwi ang mga lalaki.

"Boss pano to ?. " tanong nila sa leader.

Tumango na lang ang leader ng grupo at hinawakan sa braso si Ekang.

"Buhatin nyo na !. " impit na sigaw nya.

Napasimangot ang apat na lalaki at nag kanya kanya ng pwesto.

"Isa, dalawa , buhaaatttt !!. " sigaw ng apat.

Lalong nagpabigat si Tabar.

Halos magkanda dapa dapa ang mga bumuhat sa kanya patungo sa van.

Matapos ang ilang minutong paghihirap, naisakay din si Tabar sa sasakyan, mabilis na pumasok si Ekang at niyakap ang binata.

"Okay ka lang ?. " masuyong tanong nya.

Tumango si Tabar at binuksan ang kabilang pinto.

"Salamat sa pagbuhat mga kuya. " biro nya pero natameme rin sya ng tutukan ng baril ng leader ng grupo.

"Ang ligalig mong gago ka ah !, sa lahat ng kinikidnap, ikaw ang pinakapasaway !. " gigil na sabi nito.

Mabilis na nag sisakayan ang mga goons sa van.

Pero masikip na sa loob.

Naglabas ng pera si Tabar at inabot sa dalawang goons.

"Oh, pamasahe nyo, magtaxi na lang kayo. Masikip na eh. " biro nya.

Pero binatukan sya ng leader ng grupo.

"Magtiis ka. Hala, lumakad na nga tayo !, tang inang kidnapan to. Bwisit !. " reklamo nya.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan.

Maya maya ay naglabas ng cellphone ang leadear ng grupo at nagsimulang mag dial.

..

Mabilis na sinagot ng babae ang phone.

"Oh kuya ?. Anyare na ?. " tanong nito.

"Ayos na, hawak na namin ang dalawa. Papunta na kami sa hideout !. " sabi ng leader ng grupo.

Nagtaka ang babae.

"Dalawa ?. Bakit dalawa ? . " tanong nya.

Napamura ang lalaki.

"Tangina, ang kulit nitong boyfriend nya. Gustong sumama !. " asar na sabi nito.

Sumingit si Tabar.

"Kuya, sa tingin mo magjowa kami ?. Ay kakilig. " singit nya.

Lumingon ang leader kay Darius.

"Hoy !, kapag hindi ka tumigil, lilitsunin ka namin ! ." sigaw nito.

Napaatras si Tabar.

"Kuya yung hininga, amoy nakaraan pa. Toothbrush toothbrush din pag may time. " bulong nya.

Natatawang hinatak ni Ekang ang binata.

"Ssh, mamaya kung ano pang gawin sa atin eh. " bulong nya.

Napangiti si Tabar at nakipag harutan na lang kay Ekang.

..

"Narinig mo ?, bwisit di ba?. " asar na sabi ng leader.

Nakaramdam ng kaba si Dolores.

"Kung hindi ako nagkakamali, si Darius Guzman yang naisama nyo. Miyembro ng Kwadro Alas at anak ni Denzel Guzman na kilalang may ari ng mga naglalakihang hotels dito sa Pilipinas. Malaking gulo ata yan kuya. " kabadong sabi nya.

Nanlaki din ang mga mata ng leader ng grupo.

"Di nga ?. Di halata na mayaman ang angkan nitong isang to ah. Hmm. Nandito na eh, alangan namang iwanan namin eh nakita na kaming lahat. " asar na sagot nya.

"Bakit di kayo nag takip ng mga mukha !. " sigaw ni Dolores.

Napangiwi ang leader.

"Naiwan ko sa bahay. " bulong nya.

Napatirik ang mga mata ni Dolores sa inis.

"Hala sige, ! basta mag iingat kayo. Susunod na ako . " sabi nya.

Binaba na ng babae ang cellphone at binuhay ang makina ng sasakyan.

Nilingon nya ang babaeng natutulog sa likod ng kotse at napaismid.

"Paki alamera ka kasi , ayan ang napala mo. " bulong nya.

Tinahak ni Dolores ang daan patungo sa hideout ng nakatatandang kapatid.

Di nya maiwasang isipin ang mga kaguluhang pinasok.

"Hindi ito mangyayari kung hindi ka tumakas Damian !. " sigaw nya.

Naiyak si Dolores sa inis.

Dahil sa mga luha, itinabi nya na muna ang sasakyan sa gilid ng madilim na daan .

Sumandal sya upuan at hinilot ang sentido.

Pinikit nya ang mga mata, pilit inalala ang masasaya nilang sandali ng lalaking pinakaiibig.

..

22 taon ang nakararaan.

Sa isang kilalang unibersidad.

Masayang naghaharutan ang mag bestfriend na sina Dulce at Dolores.

Pauwi na sila ngunit hinihintay na lamang ni Dulce ang sundo.

Ilang saglit lang ay dumating na nga ang ama ng kaibigan.

Nakangiting kumaway si Dolores sa bestfriend nya.

"Bye !, bukas na lang ulit ha !, yung takdang aralin natin wag mong kalimutang dalhin " bilin nya.

Natawa si Dulce at sumakay na ng sasakyan.

Pinagmasdan na lamang ni Dolores na mawala sa paningin ang sinasakyan ng kaibigan bago inimis na rin ang mga sariling kagamitan at naghandang umuwi.

..

Habang naglalakad, di maiwasang mainggit ng dalaga sa kaibigan.

Mayaman at maganda.

Napailing na lang si Dolores.

"Balang araw, yayaman din ako !. " sabi nya sa sarili.

Habang naglalakad pauwi, biglang may humarang sa daraanan ng dalaga na payat na lalaki.

Umiwas si Dolores at lumipas sa kabilang kalye ngunit sumunod ito.

Nakaramdam ng takot ang dalaga.

Lumapit ang isang lalaki at binulungan sya sa tenga.

"Wag kang sisigaw, akinang pera mo . " sabi nito.

Gumapang ang matinding takot sa katawan ng dalaga.

Nagkandailing sya.

"W-wala ho akong pera, mahirap lang po kami . " sagot nya.

Totoo naman iyon.

Average lamang ang kanilang pamilya.

Nagtatrabaho sa gobyerno ang kanyang ama habang naglalabada ang kanyang ina.

Dalawa lamang silang magkapatid.

..

Ngunit hindi naniwala ang lalaki.

"Galing ka ng exclusive school tapos mahirap ka lang ?, sinong niloko mo ?. hala akinang pitaka mo !. " utos nito.

Halos maiyak si Dolores sa kinahinatnan.

Labag man sa loob, nilabas nya ang perang pambayad sana sa gaganaping field trip ng klase.

Napangiti ang lalaki ng makita ang wallet ng dalaga.

Kukunin na sana nya ito ng biglang may malamig na bagay sa sentido nya.

"Hoy pogi. " baritong boses mula sa likod.

Paglingon ng lalaki, nanlaki ang mga mata nya ng makita ang nguso ng baril na nakatutok sa kanyang sentido.

Napalunok sya at nagtaas ng kamay.

"B-boss, p-pasensya na ho, dala lang ng kahirapan. " sabi nito.

"Sige na, alis na !. " sigaw ng lalaki.

Kumaripas ng takbo ang payat na kawatan.

..

Kinalabit ng lalaki ang dalagang nanginginig sa takot.

"Binibini, ayos na. " sabi nito.

Lumingon si Dolores at natulala sa nakita.

"S-salamat po. " sabi nya.

Inabot ng lalaki ang palad nito.

"Damian. Damian Buenaflor. " pakilala nito.

Napangiti ng kimi si Dolores at masuyong inabot ang kamay ng lalaki.

Nagtama ang kanilang mga mata.

"S-salamat ulit, Damian. " mahinang sabi nya.

Ngumiti si Damian.

"Halika, isasabay na kita. Baka kung mapaano ka pa dyan eh. " sabi nito.

Napangiti si Dolores.

..

Lumipas ang mga araw.

Mula ng mangyari ang insidenteng iyon, naging pangarap na ni Dolores ang binata.

Umaasam sya na isang araw ay muling magtagpo ang kanilang landas.

Kaya naman mula nuon ay lagi na syang nag aayos.

Baka kasi isang araw ay biglang lumitaw ang lalaki at magpaalam.

Na kung pwede ay manligaw ito sa kanya..

Kung maaari nga lamang , sya na ang manliligaw dito, dangan nga lamang ay nakakahiya sa parte nya.

..

Dumating ang araw na nagtaka na si Dulce sa nakikitang pagbabago sa kaibigan.

Lagi na itong nakangiti at halatang nag aayos.

"Ano bang nakain mo at tila gumaganda ka ?. " tanong ni Dulce.

Namula ang mga pisngi ni Dolores.

"Ito naman, para nag aayos lang. " sabi nya.

Natawa si Dulce.

"Hmm, mukhang may nanliligaw na sayo ah. O baka nobyo mo na ?. " tanong nito.

Nagkandailing si Dolores.

"Hoy hindi ah !, di pa nga nanliligaw eh. Di ko na nga nakita. " sabi nya.

Natawa si Dulce.

"Kita mo na, eh di may dahilan yang pagpapaganda mo. Haha, sino bang malas na lalaki yan ?. " biro nya.

Nagtawanan sila.

Pero natigil ito ng may humimpil na magarang sasakyan sa kanilang harapan.

Natigilan si Dolores at bumilis ang tibok ng puso.

Di nga sya nagkamali, bumaba si Damian mula sa magarang sasakyan at nakangiting tumingin sa kanila.

Pero di maitatago ang pagkagulat sa mukha nito.

"Dulce ?. " tanong ni Damian.

Nagulat din si Dulce.

"Oh Damian, anong ginagawa mo dito ?. " tanong nya.

Nagtaka si Dolores.

"M-magkakilala kayo ?. " tanong nya.

Natawa si Damian.

"Yeah, magkakilala pala kayo. " sabi nya.

Napangiti si Dulce at inakbayan ang kaibigan.

"Bestfriends kami. Ngapala, invited ka mamayang gabi sa bahay ha ?. " aya nya .

Nagtaka lalo si Dolores.

"A-anong mayron ?. " tanong nya.

Ngumiti si Damian.

"Engagement party kasi ng kaibigan mo. Nakatakda na syang pakasal. " nakangiting sabi nya.

Napanganga si Dolores.

"Weee ?, di nga?. bakit ngayon ko lang nalaman ?. " tanong nya.

Napangiti si Dulce.

"Pasensya ka na ha ?, gusto kasi kitang sorpresahin. At dapat wag kang mawawala sa kasal ko kasi ikaw ang Maid of Honor ko. " sabi nya.

Napangiti na lang si Dolores bagama't labis na nagtataka.

Napuno na ang kanyang presensya sa muli nilang pagkikita ni Damian.

..

Dumating ang gabing sinasabi ng kaibigan.

Sinuot ni Dolores ang pinakamaganda nyang damit para sa nasabing okasyon.

Alam nya kasing pupunta si Damian sa pagtitipong iyon kaya naman nais nyang maging maganda.

Tinukso pa sya ng kuya nya na sya daw ba ang ikakasal.

Pero tinawanan lang nya ito.

Nag taxi na si Dolores patungo sa malaking bahay ng kaibigan.

Namangha sya sa dami ng bisitang dumating.

Nabihisan din ng magagarang ilaw ang tahanan ng kaibigan kaya naman muli syang nakaramdam ng inggit.

..

Kilala na si Dolores ng mga katulong sa bahay na iyon.

Kaya naman sa gate pa lamang ay maayos na syang naasikaso ng mga ito.

Pagpasok nya sa loob ay napangiti ang dalaga dahil eksakto lamang pala ang pagdating nya.

Nasa gitna ang kaibigan.

Napakaganda nito sa suot at pustura.

Masaya si Dolores para sa kaibigan.

Ng biglang magsalita ang ama nito na naging dahilan para gumuho ang kanyang mundo.

"Mga mahal na bisita, nagpapasalamat ako sa inyong pagpunta para saksihan ang pagtitipong ito, ang nalalapit na pag iisang dibdib ng aking kaisa isang anak, walang iba kundi kay Damian Buenaflor. " sabi ng ama ni Dulce.

Pakiramdam ni Dolores ay namanhid ang kanyang buong sistema.

Narinig nya pang nagsalita si Damian ng matatamis na salita para sa kaibigang si Dulce.

Bawat matatamis na salita nito ay naging punyal na tumatarak pa isa isa sa kanyang puso.

Unti unting pumatak ang ulan.

Pero nagkamali lang pala sya, dahil ang akala nyang ulan ay luha pala na nagmumula sa kanyang mga mata.

Walang sabi sabing naglakad si Dolores palabas ng malaking bahay.

Naglakad sya ng naglakad hanggang sa mamanhid ang kanyang mga paa.

Naupo ang dalaga sa gilid ng daan.

Duon nya ibinuhos ang pag iyak.

Umiyak sya ng umiyak hanggang sa wala ng luhang lumalabas pa sa kanyang mga mata.

Ilang saglit lang, nagpasyang ayusin ni Dolores ang sarili.

Nilingon ang pinanggalingan at kinuyom ang mga kamao.

"Ahas ka Dulce, ahas ka !. " bulong nya sa sarili.

..

Nasilaw si Dolores sa paparating na sasakyan.

Nanumbalik na ang kanyang diwa.

Akala nya ay umuulan, pero muli, ito pala ay luha na nagmumula sa kanyang mga mata.

Malinaw pa rin sa kanyang alaala ang pangyayaring iyon.

Hindi na sya nagpakita sa kaibigan ng gabing iyon, ngunit dumalo sya sa kasal ng mga ito.

Walang kasing sakit ang pakiramdam na makita mo ang lalaking pinakaiibig na ikasal sa pinakamatalik mong kaibigan.

Sinikil nya ang lahat ng damdamin.

Mag isa nyang tiniis ang sakit na nararamdaman.

Wala syang napagsabihan kundi ang nakatatandang kapatid lamang.

Hanggang sa lumipas ang mga taon, nagbunga ang pagmamahalan nina Dulce at Damian.

Natural na sya ang kunin nitong ninang para sa anak ng mga ito.

Muli, tiniis nya ang sakit.

Hanggang sa hindi na nya kaya pa ang lahat.

Sa tulong ng kapatid, hindi nya akalain na magagawa nya ang dukutin si Damian at itago sa pamilya nito sa loob ng mahabang panahon.

Ngunit may katapusan din pala ang pagpapanggap.

Nakatakas si Damian.

Nanganganib na masiwalat ang lahat.

Nagtagumpay na syang ilayo ang lalaki sa pamilya nito.

At sisiguraduhin nyang magtatagumpay syang muli ngayon.

"Kung nasan ka man Damian, siguradong lalabas ka oras na malaman mong hawak ko ang pinakamamahal mong anak. " sabi nya sa sarili.

Muling binuhay ni Dolores ang makina ng sasakyan at tinahak ang daan patungo sa kinaroroonan nina Darius at Dannica.

Itutuloy !!!