1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 39 - Confetti
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 39 - Confetti

By supertoyantz ·

Chapter 39 - Confetti

Dahil sa pagtutulungan, matagumpay na nakaligtas sina Darius at Dannica sa kamay nina Dolores at Ramon kasama ang anak nitong si Randy.

Kasalukuyang bumabyahe ang tatlo pabalik ng Maynila para harapin ang patung patong na kaso lalo na kay Ramon.

Matagal ng hinahunting ni Gustavo Di Carprio a.k.a Detective Jack Valentine ang lalaki dahil sa talamak nitong pag smuggle ng mga mataas na kalibreng baril, at dahil ito sa tulong ng Kwadro Alas.

..

Matapos ang insidente, tumulak na ang magpapamilya sa hotel na pag mamay ari ng pamilya ni Denzel para iselebra ang kaarawan ni Dannica, pati na rin ang pasasalamat para sa pagkakaligtas ng dalawa.

Pagkapasok pa lamang sa hotel, agad na pinatawag ni Denzel ang kanyang manager para utusan.

"Matilda, I want you to close the hotel. Ngayon hanggang bukas ng gabi. " utos nya.

Nanlaki ang mga mata ng manager at mabilis na kumontra sa nais ng amo.

"B-but sir, kahit off season po tayo ngayon, maraming guests ang inaasahan nating paparating. May nakatakda ding magshooting na telenovela sa VIP room kaya inaasahan natin mamayang tanghali ang pagdating nila. " katwiran nito.

Ngumisi si Denzel.

"To hell I care, look at those people. " turo nya sa mga kaibigan kasama ang mga pamilya ng mga ito.

Napatingin naman ang manager sa tinuro ng amo.

"Kilala mo ba ang mga yan ?. " tanong nya.

Umiling ang manager.

"Those are my family. Sila ang pinakamahalagang pag aari ko sa mundo. Ngayon, sabihin mo sa akin, anong mas importante ?, ang pamilya mo o ang lintek na mga artistang paparating ?." tanong ni Denzel.

Naumid ang dila ng manager.

"O-of course your family, b-but sir, ano na lang ang sasabihin ko sa kanila? parating na yung mga yon after lunch. " tarantang tanong nya.

Ngumisi lang si Denzel at tinapik ang balikat ng tapat na empleyado.

"I trust you on this one, and by the way. Consider this day a holiday hanggang bukas. Hangga't nandito ang pamilya ko. " nakangiting sabi nya.

Lalong natulala ang manager.

"H-holiday?. " ulit nya.

Tumango si Denzel at lumapit na sa pamilya.

Ngunit nilingon nya pa ang manager na nananatiling tulala at nakatingin lang din sa kanya.

"With pay. Double pay." pahabol nya.

Lalong naging tila bato ang manager.

..

Sampung palapag ang hotel na pag mamay ari ni Denzel.

Ang huling palapag ay ang penthouse na natural na ookupahin ng pamilya nya.

Ang ikasyam na palapag naman ay VIP floor kung saan halos singganda na rin ng penthouse.

Nag kanya kanya na silang pasok sa mga kwarto.

Magkasama si Gustavo at Zack sa iisang kwarto habang tig iisa ang bawat pamilya kabilang na ang pamilya ni Damian.

Bago magpahinga, tumungo si Zack sa penthouse dala ang mga gamit sa medisina para gamutin ang mga sugat ni Tabar.

Sumunod ang iba para planuhin na ang nakatakdang debut ni Ekang.

"So pare, anong plano nyo sa debut ng bata ?" tanong ni Zack habang nilalapatan ng alcohol ang sugat ni Tabar.

Napapangiwi ang binata.

"D-dahan dahan ninong, m-masakit eh. " bulong nya.

Natawa ang batikang doktor.

"Kagabi ka pa paulit ulit na ginugulpi, tapos ngayong alkohol na lang dinadampi ko sayo nagrereklamo ka?" pang aasar nya.

Nagtawanan ang mga alas.

Lumapit sila sa kapatid nilang nakasandal sa kama at pinakialaman ang gamit ni Zack.

"Dito tol, may sugat ka dito, gagamutin ko lang ha. " biro ni Romeo sabay tapal ng bulak na may alkohol sa sugat ng kaibigan.

Napahiyaw si Tabar sa hapdi ng isa isang tapalan ng mga kaibigan ang mga sugat nya ng alkohol.

Tawanan lang ang namayani sa loob ng kwarto.

..

Maya maya ay natapos na ang paggamot kay Darius.

"Ayos na yan bata, maya maya eh babalik na sa normal yang pamamaga ng mukha mo. Sakto lang para pogi ka naman ng konti. " biro ni Zack.

Ngumiti lang si Darius at nag thumbs up sa ninong nya.

"So paano?, pahinga na rin tayo para fresh tayo mamaya. " sabi ni Primo at inakbayan ang asawa.

"Tama si Pareng Primo, pahinga pahinga din pag may time. " biro ni Nestor at nagpauna na silang lumabas ng kwarto.

Sumunod na ang iba kasama si Zack pero nagpaiwan si Gustavo at kinausap ang mag asawang Dulce at Damian.

"Ano bang balak nyo pare ?. " tanong nya.

Nagkatinginan ang mag asawa.

"Kung ako ang tatanungin, gusto kong mabulok sa bilangguan si Ramon. " sabi ni Damian.

Napatango si Gustavo.

"Walang problema don, mabigat ang kaso nya, wag ng isama ang ginawa nyang pagkidnap sa mga anak nyo, siguradong mabubulok na sya sa kulungan. Eh dun sa anak ? si Randy ?" tanong nya.

Napatingin si Damian kay Dannica at Darius.

"Ano bang balak nyo sa kanya ?. "tanong ni Damian sa dalawa.

Nagkatinginan sina Tabar at Ekang.

"Okay lang sakin Dad, wag na natin syang ipakulong. " sabi ng dalaga.

Ngumiti si Tabar.

"Bait bait naman ng baby ko. " bulong nya.

Napangiti si Ekang at kinurot sa braso ang binata.

"Eh sayo iho ?. Ayos lang ba na wag ng isabit sa kaso si Randy?. " tanong nya.

Ngumiti si Tabar pero nag aalala sya na baka gantihan sila ng lalaki.

"U-uncle Gus, baka balikan kami ni Randy, wala namang problema sakin, pero baka gawan nya ulit ng masama si Ekang?" tanong nya.

Ngumisi lang si Gustavo.

"Walang problema Darius, pwede nating papirmahin sa kasunduan si Randy. Hindi na nya malalapit o makakausap si Dannica. Kapag ginawa nya yon, makukulong na sya. " sabi nya.

Nagkatinginan sina Darius at Dannica pagkuwa'y napangiti sa isa't isa.

"S-sige po Uncle. " sabi ni Ekang.

Ngumiti lamang si Gustavo at binalingan si Dulce.

"Eh si Dolores?. Anong balak nyo ?." tanong nya.

Natigilan si Dulce.

Kumapit sya sa braso ng kabiyak.

"H-hindi ko alam. Kung ako ang tatanungin, ayaw ko syang makulong. " bulong nya.

Napangiti na lamang si Damian.

"Sige pare, hindi na kami magsasampa ng kaso laban sa tatlo. " sabi nya.

Napatango tango si Gustavo at nilabas ang cellphone.

"Oh sige, pero kahit na hindi kayo magsampa ng kaso, makukulong pa rin si Ramon dahil sa nakabinbin nyang kaso. Tatawagan ko lang yung mga nakahuli sa kanya para i-inform na hindi na kayo magsasampa ng kaso. " sabi nya at kinamayan na si Damian.

Matapos magpaalam kay Denzel ay lumabas na ng kwarto si Gustavo.

..

Naiwan ang tatlong alas kasama nina Damian at Dulce.

"Anong plano sa debut ?." tanong ni Romeo.

Nagkibit balikat si Denzel.

"Dapat si Dannica ang magdecide. Ano bang gusto mo iha ?. Wag kang mahihiya ha. " nakangiting sabi nya.

Napangiti ng kimi si Ekang.

"K-kahit ano na po Tito. " sabi nya.

Napatingin si Ekang sa ina at napangiti naman ito sa kanya.

"Sige ako na ang bahala, uhm. Mare, patulong naman oh. " tawag ni Dulce kay Annette.

Mabilis na lumapit si Annette sa babae at kumapit sa braso nito.

"Let's go mare, marami pa tayong aasikasuhin. Pahelp tayo sa iba. " sabi nya.

Tumango si Dulce at magkahawak kamay silang lumabas ng penthouse.

Naiwan ang mga lalaki sa loob kasama si Ekang.

Binalingan ni Denzel ang dalaga.

"Iha, sa tingin ko kailangan mo na ring magpahinga. Dapat maganda ka kasi debut mo ngayon. " sabi nya.

Namula ang mga pisngi ni Ekang at tiningnan si Tabar.

"S-sleep muna ako baby, ikaw rin. " bulong nya.

Ngumiti si Darius at tumango.

"I love you baby. " bulong nya.

"I love too. " sagot ni Ekang.

Nagkatinginan sila at napangiti sa isa't isa.

Biglang sumingit si Romeo.

"Pota, kadiri. Yuck. Nahihirapan akong huminga. " reklamo nya at lumabas ng kwarto para magtungo sa rooftop.

Natigilan ang binata.

Muli syang bumalik sa loob ng penthouse at kinalabit ang dalawang ama.

"Tito Denzel, Tito Damian. Look." turo nya.

Nagtatakang sumunod ang lahat sa binata.

Lumabas sila ng rooftop.

Napahanga dahil may pool pa ito.

Malawak din ang lugar na iyon.

Kahit na umaga, natatakpan ng hamog ang kabuuan ng Baguio pero maganda pa rin ang tanawin.

"Anong meron ?. " tanong ni Denzel.

Ngumisi si Romeo.

"Dito na lang ninyo icelebrate yung debut. Mas maganda dito. Maluwag din naman eh. " suhestyon nya.

Natigilan sina Damian at Denzel.

Nagkatinginan sila at napangiti sa isa't isa.

"May tama ka bata. Teka at tatawagan ko si misis. At kayo, tawagan nyo na lahat ng sasama. Ipapasundo na natin para mabilis ang byahe." sabi ni Denzel.

Ngumisi lang si Romeo.

"Tawagan nyo na silang lahat mga tol. " sabi nya kina Aldrin at Rhoi.

"Si Lelay ko. " nagmamadaling nilabas ni Aldrin ang phone nya at dinial ang numero ng nobya.

"Si Krissing. " pati si Rhoi at nagkukumahog din sa pagdial.

Nilabas ni Romeo ang phone.

"Sinong tatawagan ko?. " tanong nya at napangisi ng may maalala.
..

Lumipas ang mga oras.

Tulad ng napag usapan, sa rooftop ng hotel gaganapin ang debut.

Masusing binantayan ng mga ina ang mga nag dedesign.

Bawat detalye ay mabusisi nitong inasikaso.

Samantalang ang tatlong alas ay nagpasyang tumambay sa harap ng hotel.

Dahil sarado, wala ng pumapasok na bisita kaya malaya silang gawin ang nais nila.

"Tol, anong oras kaya makakarating yung mga yon?. "tanong ni Rhoi.

"Di naman siguro magtatagal, maya maya nandito na yon. " sagot ni Aldrin.

Nakaupo sila sa hagdan sa entrance ng hotel.

Ng biglang may magpark na tatlong van sa harap nila.

Nagkatinginan ang tatlong alas.

Nakapaskil sa gilid ng van ang pangalan ng isang sikat na pang gabing drama sa telebisyon.

Ilang saglit lang ay bumusina ang isang van.

Bumaba ang binata ng sasakyan at nakasimangot na dumungaw ang isang lalaki.

"Nasan ba ang mga bellboy nyo dito ?. Kayo ba yon?, bakit di nyo kami asikasuhin ? " asar na sabi nito.

Nagulat ang tatlong alas.

Nagkatinginan sila at unti unting napangisi.

Tumayo si Romeo at mabilis na lumapit sa nasabing lalaki.

"Sorry ho sir, sinara ho namin ang hotel para sa pagdating nyo. " sabi nya.

Natawa ng lihim sina Aldrin at Rhoi.

Dahil sa narinig, natuwa ang lalaki.

"Ah ganun ba?. Maganda yon kung ganun, buti nga pinili namin itong hotel nyo na pagshootingan eh. " sabi nito.

Napangisi si Romeo .

"Salamat ho. Pakipark na lang ho yung sasakyan nyo dito sa gilid." sabi nya.

Tumango ang driver ng van at sumunod sa binata.

Dinala ng tatlong alas sa gilid ng hotel ang tatlong van.

Nagtaka ang mga ito ng mapansin ang lugar.

"Bakit parang mabaho dito ?. Eto ba ang parking nyo? " tanong ng lalaki.

Ngumisi ang tatlong alas.

"Ah hindi ho, dito ho sa lugar na ito tinatapon ang mga basura ng hotel. Dito na lang kayo para astig. " sabi ni Rhoi.

Nagtawanan sila at mabilis na umeskapo.

..

Natulala ang lalaki.

Mabilis syang lumabas ng van at hinabol ang tatlong binata.

"Hoy !. Mga walang modo !, di nyo ba ako kilala ?. " sigaw nito.

Di sya pinansin ng tatlong alas at dire diretso itong naupo sa pwesto nila kanina.

Hingal na lumapit ang lalaki.

"Director ako ng sikat na drama sa gabi. Alam nyo ba yon? Tapos binabastos nyo lang ako ? Sino ba kayong mga mayayabang kayo !. " sigaw nito.

Nagkatinginan ang tatlo.

"Kami ang teletubbies. " sagot ni Aldrin.

"Power Rangers tanga. Wag kayong maniwala dyan, kami ang Power Rangers. " singit ni Rhoi.

Asar na nagdabog ang lalaki at akmang aakyat ng hotel ng harangin ni Aldrin.

"Hephep, closed na nga itong hotel direk, wag na kayong magpumilit pa. " sabi nya.

Kumunot ang noo ng direktor.

"Anong close ?, eh nakareserve kami dito ? Ano bang sinasabi mo ? " sigaw na tanong nya.

"Tol, tawagin mo nga si manager. Mukhang kailangang paliwanagan nitong mokong na to. " sabi ni Romeo.

Mabilis na tumayo si Rhoi at pumasok sa loob.

Ilang saglit lang ay kasama na nya ang matandang manager.

"Good afternoon ho, closed na ho ang hotel. " agad na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ng direktor.

"A-anong closed ?, bakit ngayon nyo lang sinabi ?. " tanong nito.

Napatingin ang manager sa tatlong alas na relax na relax lang na nakaupo sa hagdan.

Gumaya sya dito at nakiupo sa tatlo.

"Close na, as in sarado. Don't worry, tumbukin nyo lang yang daan na yan at makakarating na kayo sa susunod na hotel. Ako na mismo ang nagpabook sa inyo para naman di masayang ang pagpunta nyo dito. " sabi nito.

Napangisi ang tatlong alas.

..

Lalong naasar ang direktor.

"Anong susunod na hotel ? Dito ko gusto !, sa ayaw at sa gusto nyo, magshoshooting kami dito !. " sigaw nito.

Isa isa ng nagsilapitan ang ibang sakay ng van.

Pero nanatiling nakaharang ang apat sa hagdan.

"Tulad ng narinig nyo, sarado na ang hotel. Ngayon, kung magpupumilit pa rin kayo, wala namang problema eh. " sabi ni Romeo.

Napatingin sa kanya ang dalawang alas pati na ang manager.

"Dun kayo sa basement magshooting, sa parking area. " sabi nya.

Nagtawanan sina Rhoi at Aldrin pati na ang manager ng hotel.

Natulala naman ang direktor.

"Talaga bang hindi kayo aalis dyan ? Hoy Magno, turuan mo nga ng leksyon tong mga to. " sigaw nito.

Lumapit ang tinawag nitong Magno. Malaki ang katawan ng lalaki at halatang alaga sa gym.

Kinabahan ang manager at napatayo.

Magsosorry na sana sya pero tumayo na rin ang tatlong alas at lumapit sa lalaki.

"Bakit koya ?. Anong gagawin mo?" tanong ni Rhoi.

Pinalibutan sya ng tatlong alas.

Nakipagtitigan naman si Magno sa mga alas pero bigla syang napatili ng lapirutin ni Romeo ang isang nipple nya.

"Kuya naman, wag kang manakot. " sabi ni Romeo.

Asar na tinabig ng lalaki ang kamay ng binata pero bigla ulit syang napangiwi ng kurutin ni Aldrin ang isa pang nipple nya.

..

Asar na asar na ang lalaki.

Pumorma na ito para mapkipag away pero napahinto ang komosyon ng may magpark na isang kotse sa harap ng hotel.

Mabilis na lumabas ang isang matangkad na lalaki at umikot ito sa kabila para pagbuksan ang pinto.

Bumaba sa kotse ang isang magandang babae karga ang isang bata.

Napahiyaw ang tatlong alas.

"Tito Rigs !. Kuya Dan ! " sigaw ng tatlo.

Natawa si Rigor at inalalayan ang kanyang mag iina.

Lumapit sila sa tatlong alas.

Isa isang nagmano ang tatlo kay Rigor habang nakipag asaran sila kay Danilo na matagal na nilang kaibigan.

"Oh anong meron dito mga unggoy ?." tanong ni Rigor.

Sinulyapan nya ang kausap ng tatlo.

Tinuro ni Aldrin si Magno.

"Eto kasi Tito, nagpupumlit na pumasok sa loob. Eh sabi nga ni Tito Denzel sarado na daw ang hotel kasi nga dito gaganapin ang party ni Ekang di ba?." sabi ni Aldrin.

Kumunot ang noo ng mag amang Danilo at Rigor at nilapitan ang lalaking malaki ang katawan.

Halos dibdib lamang nya ang lalaki.

"Ano bang hindi nyo maintindihan sa sinasabi ng mga pamangkin ko?. " paninindak ng kapre.

Napaatras si Magno.

Tiningnan nya ang direktor na natulala din sa laki ni Rigor.

Sumingit na ang manager.

"Direk, next hotel na lang ho kayo. Hindi talaga kayo makakapasok sa loob. Kahit na ano pang sabihin nyo. " sabi nya.

Inis na inirapan ng direktor ang manager.

"Magsisisi kayo !, sisiraan ko itong hotel na ito para wala ng pumuntang mga celebrity dito !. " banta nya at nagsimula ng bumalik sa van.

Natawa si Rigor.

"Eh celebrity ako ah. " sabi nya at binalikan na ang asawa at anak.

"Regidor Dimagiba !. " sigaw ni Zack sa entrance ng hotel.

Napangiwi si Rigor.

"Tangna mo pare, sinabi ng wag mong buuin ang pangalan ko at nangingilo ako eh. " reklamo nya.

Natawa si Gustavo.

Mabilis nilang nilapitan ang kaibigan.

"Kamusta pare?. Long time no see ah, nananaba ka ah. Anong ginawa mo dito Heidi ?. " tanong ni Zack.

Napangiti si Heidi.

"Hiyang eh. Hayahay sa bahay. " biro nya.

Napakamot sa batok si Rigor.

"Hayahay daw, ako na nga halos ang gumagawa ng mga gawaing bahay. " bulong nya.

"Ano yon dear? " tanong ni Heidi.

"W-wala dear, tara na sa loob at baka lamigin yang anak mo. " mabilis na iwas ni Rigor.

"Dito muna ako Tay. " sabi ni Danilo at tinabihan ang tatlong alas.

Tumango si Rigor at sama sama silang pumasok sa loob.

..

Lumipas ang ilang oras.

Isa na ring nagsidatingan ang mga tinawagan nilang bisita.

"Kuya Dan nasan si ate Jade?" tanong ni Romeo.

"Di makakasama eh, may pictorial sya ngayon e. Alam nyo naman ang mga model." sabi nya.

Tumango ang tatlo pero napanganga si Danilo ng may magpark na kotse sa harap nya.

Kilala nya ang sasakyan ng nobya.

"A-anong ginagawa mo dito?." tanong ni Danilo.

Ngumiti ng matamis si Jade.

"I cancelled my shoot. Palalampasin ko ba naman itong event na to ? For the family right ?" nakangiting sabi nya.

Napangiti ang tatlong alas.

"Hi ate Jade, pasok ka na sa loob. " sabi ni Aldrin.

Inakbayan ni Danilo ang nobya at inakay papasok sa loob.

Naiwan ulit ang tatlong alas.

Ilang minuto silang nagharutan ng may magpark ulit na sasakyan.

Bumaba si Ismael Galvez III kasama si Joy na fiancee nito.

"Maeng !, buti di ka nahulog sa bangin ?" pang aasar ni Rhoi.

Natawa si Ismael at tinapik sa balikat ang tatlong alas.

"Tangna nyong tatlo, di nyo man lang ako tinawagan. Sana nakaresbak din ako. " nagtatampong sabi nito.

Natawa ang tatlong alas.

"Wag ka na, makupad ka eh. " pang aasar ni Aldrin.

Napangiti na lang si Ismael at pumasok na sa loob.

..

Ilang sandali pa ang lumipas.

Dumating na ang hinihintay nila.

Sakay ng van nina Rhoi, bumaba sina Lelay at Krissing. Kasama ang nakababatang kapatid ni Aldrin na si Alyssa.

"My heart !. " sigaw ni Aldrin at sinalubong ang nobya.

Mabilis namang niyakap ni Potpot ang dalaga.

"Bes !. " sigaw ni Krissing at niyakap si Rhoi.

Napangiti na lang si Romeo.

Bumukas ang isang bahagi ng van.

"Kapagod much ah. " nakangiting sabi ni Eric at inalalayang bumaba si Dhea.

Sinara nyang muli ang pinto pero may nagdabog sa loob.

Natatawang kinurot ni Dhea ang nobyo.

"Kaw talaga, pang asar ka sa bata. " sabi nya.

Natawa si Eric at muling binuksan ang pinto.

Nakasimangot na tumalon pababa si Chichi at pinagsusuntok ang kuya nya.

"Bakit mo ko kinulong ?." sigaw ng bata.

Natawa si Romeo.

"Bakit sinama nyo yan?" biro nya.

Binelatan ni Chichi ang binata.

"Hi bubwit." bati ni Romeo.

Natigilan si Chichi at natulala.

Agad syang nagtago sa likod ng ate nya.

Napangiti na lang si Romeo at tumayo na rin.

"Pasok na guys. Wala na sigurong darating. Kayo na yung last eh. " sabi nya.

Tumango ang lahat at isa isa na silang pumasok sa hotel.

..

Dumating ang takdang oras.

Nagtipon ang lahat sa rooftop ng hotel at masayang naghihintay sa pagpasok ni Ekang.

Di nagtagal ay pumailanlang ang tugtog.

Bumukas ang pinto ng penthouse at tumambad sa kanila si Ekang.

Humanga ang lahat sa ganda ng dalaga.

Suot nito ang gown na dating ginamit ni Dulce nuong sya ay nag debut rin.

Napanganga si Tabar.

"Holy mother of cow. " bulong nya.

Tinulak sya ni Romeo dahilan para mapalapit sa dalaga.

Napangiti si Ekang.

"Ang gwapo mo baby. " bulong ng dalaga.

Napailing si Tabar.

"You're so beautiful. Stunning. " wala sa loob na bulong nya.

Napangiti si Ekang.

Kinawit nya ang kamay sa braso ni Tabar at naglakad patungo sa isang upuan na nakatakda para sa kanya.

Nagsimula na ang pagtitipon.

Dumating ang 18 roses ng dalaga at una nyang sinayaw ay ang ama.

"Napakaganda mo anak. " puri ni Damian.

Ngumiti si Ekang.

"I love you Daddy. " bulong nya.

Pinigilan ni Damian ang maiyak.

"Matagal na panahon tayong di nagkasama. Bata ka pa ng iwan ko, ngayon halos pantay na tayo. Napakabilis ng panahon. Dalagang dalaga na ang anak ko. " naiiyak na sabi nya.

Pinahid ng dalaga ang mga luha ng ama.

Napangiti ang lahat.

"Matagal man tayong di nagkasama Daddy, matagal pa rin naman ang panahong pagsasamahan natin. Marami pa tayong oras Dad, makakabawi din tayo sa mga panahong nagdaan. " sabi nya.

Tumango si Damian.

"At sisiguraduhin kong susulitin ko ang mga panahong iyon anak. Happy Birthday baby ko. " bulong nya at hinalikan sa noo ang anak.

Niyakap ng mahigpit ni Ekang ang ama.

Masayang masaya ang pakiramdam nya.

Dumating na ang turn ni Tabar.

Lumapit sya at binigay ang hawak na rosas kay Ekang.

"Makikisingit na lang ho. " biro ni Tabar.

Natawa ang dalawa.

Inabot ni Damian ang kamay ng anak sa binata.

"Alagaan nyo ang isa't isa. " bilin nya.

Tumango ang dalawa.

"Makakaasa po kayo. " sabi ni Tabar.

Nakangiting umalis si Damian at tinungo ang kabiyak.

Sinulyapan nya ang dalawa na matamis na nakatingin lamang sa isa't isa.

"Happy ?. " tanong ni Tabar.

Lumuwang ang ngiti ni Ekang.

"Very much. " sagot nya.

"You deserve it all. " sabi ni Tabar.

"Thank you. Thank you so much. " naiiyak na sabi ni Ekang.

Ngumiti si Tabar.

"You don't have to thank me. Hindi libre ang mga ginawa ko. May bayad yan. " sabi nya.

Natigilan si Ekang.

"A-ano ?. " tanong nya.

Ngumisi si Tabar.

"Ikaw. Mahalin mo lang ako. Bayad ka na. " sabi nya.

Ngumiti si Ekang.

"Sisiw, matagal na kitang mahal. As if di mo naman alam. " pag amin nya.

"Alam ko, pero ang hindi mo alam, matagal na rin kitang mahal. Tulad ng sinabi ko, nuon pang nagkakilala tayo. " sabi ni Tabar.

Kinilig si Ekang.

"Baby, nakita ko yung primary photo ng facebook mo. Yun yung tsinelas na gamit mo ng iligtas mo ako kay Joker right ?." tanong nya.

Tumango si Tabar.

"Yeah, why?" tanong nya.

Ngumiti si Ekang.

"Wala lang. Nasa akin kasi yung isa. " sabi nya.

Natigilan si Tabar.

"W-we ?. Matagal na yon ah. " sabi nya.

Tumango si Ekang.

"Yup, at maayos pa rin sya. After nating makauwi, papakita ko sayo. Nasa room ko sya. " sabi nya.

Ngumiti si Tabar at mahigpit na niyakap ang dalaga.

"Hmm, thanks to Joker, lalo kang napalapit sa akin. " sabi ni Tabar.

"Yeah, Thanks to him. " sagot ni Ekang.

Nagkatitigan ang dalawa.

Unti unting naglapit ang mga labi nila para pagbigyan ang tawag ng pag ibig.

Walang nagawa ang mga tao kundi panuorin na lamang ang matamis na pagdadampi ng mga labi ng dalawa.

Pero hindi ito lulusot kay Romeo.

"Ooops. Parental Guidance. Mamaya na yan pagtapos ng party, ako muna at nangangati na ang paa ko. " singit nya.

Marahas na napatingin ang dalawa sa binata.

Napaatras si Romeo.

"But on second thought, sige maglaplapan lang kayo dyan. Go. " sabi nya at akmang aatras pero hinatak na sya ni Ekang.

Nagpalit sila ni Tabar.

Nakangisi si Romeo habang sinasayaw nya si Ekang.

"Istorbo ka talaga kahit kailan. " asar na bulong ng dalaga.

Nag troll face si Romeo.

"Ganun ang papel ko sa lovelife ng tatlo. BWAHAHA. Hindi ko sila hahayaang lumigaya. " sigaw nya.

Di maiwasang matawa ni Ekang.

Niyakap nya si Romeo bilang pasasalamat.

"Thanks nga pala. Salamat sa mga nagawa mong tulong. Ang dami ko ng utang sayo. Inexplain na sa akin ni Dad na ikaw daw ang humanap sa kanya. Pati yung pagligtas mo sa amin ni Tabar. Thankful talaga ako dahil ikaw ang kapatid nila. " sabi nya.

Ngumisi si Romeo.

"For the Family. " sabi nya.

Napangiti din si Ekang.

"For the Family. " sagot ng dalaga.

Asar na tinabihan ni Darius si Aldrin.

"Tang inang to talaga. Kahit kelan, paepal eh. " sabi ni Darius.

Inakbayan ni Aldrin ang kaibigan.

"Pare, di ka nag iisa. Naging tinik din sa lovelife ko yang unggoy na yan. Pagbigyan mo na. Walang chicks eh. " biro nya.

Natawa si Rhoi.

"Kawawa naman kayong dalawa. " pang aasar nya pero tiningnan lang sya ng dalawa.

"Baka next ka na?" sabay nitong sabi.

Natigilan si Rhoi at natahimik.

..

Naging masaya ang pagtitipon.

Natapos ang programa ng debut at nagsasayawan na lamang ang kabataan.

Nasa gitna ng dance floor sina Tabar at Ekang.

Sa gilid nya ay sweet ding nagsasayaw sina Potpot at Lelay habang sa likod nila ay sina Dhea at Eric.

Pati ang mga nanay at tatay ay di nagpahuli.

Nakipagsabayan sila sa kabataan at talaga namang masayang masaya ang aura ng gabi.

Si Chichi at Alyssa ay naging instant bestfriend at nagkasundong lantakan ang mga pagkain sa gilid.

..

Nakangiting pinagmasdan ni Romeo ang lahat.

Sya lamang ang bukod tanging nasa gilid.

Nagmamasid.

Hanggang sa itaas nya ang mga kamay at sumigaw.

"Kiss !. " sigaw ni Romeo.

Nahinto sa pagsasayaw ang lahat at napatingin sa kanya kanyang pareha.

Pinagbigyan nila ang request ng binata.

Dinampian ng halik ng mga lalaki ang mga labi ng mga babae.

Eksaktong naglapat ang kanilang mga labi, biglang bumuhos ang napakaraming confetti mula sa langit.

Naghiyawan ang mga tao at tinuloy ang matamis na pagtitinginan sa kanya kanyang pareha.

Pero si Romeo ay biglang natulala.

"S-saan nanggaling yung confetti ?." tanong nya sa sarili.

ITUTULOY !!!