1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 8 - Chuvarness !!
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 8 - Chuvarness !!

By supertoyantz ·

Chapter 8 - Chuvarness !!

Toyantz the POGI !

Start

Ang pamimigat ng pantog ang gumising kay Darius..

Di na sana nya ito papansinin kaso ay baka biglang mag kusa ang putotoy nya at biglang mag wiwi mag isa..

Kaya kahit tinatamad at medyo antok pa..

Nagpasya syang pagbigyan na ang tawag ng kalikasan..

Bumalikwas sya ng bangon..

Pero napangiwi sya bigla..

Mabigat ang kanyang katawan..

Masakit ang kanyang braso at sikmura..

Pati panga nya ay tila ngalay na ngalay..

Dahil sa di inaasahang sakit..

Dahan dahang sumandal si Darius sa headrest ng kama..

Ng makasandal ay pilit nyang hinalukay ang isip kung ano ba ang nangyari at bakit ganito na lang ang kanyang nararamdaman..

"What the hell hapened to me ?.. " tanong ni Darius sa sarili..

Pilit nyang inalala ang mga ginawa ng nakaraang gabi..

Ilang saglit ang lumipas..

Naalala nya ang pangyayari sa parke..

Napatiim bagang sya dahil tila wala man lamang syang nagawa para ipagtanggol ang sarili..

Buti na lamang at mabilis na dumating ang kanyang mga kapatid..Kundi ay baka kung napano na sya ..

Muling sinubukang kumilos ni Darius..

Paunti unti syang bumaba mula sa kama at pilit na nagtungo sa kanyang sariling banyo para umihi..

"Nasan na ba yung CR.. " nagtatakang tanong ni Darius sa sarili..

Ang alam nya ay banda dito ang banyo nya..

Pero bakit wala ?..

Lumingon sya at napansin nya ang isang pinto..

"Mamaya na tanong.. Naiihi na talaga akoooo.. " reklamo nya sa sarili..

Inipon nya ang pwersa para lakarin ang distansya ng pinto..

Di naman sya nabigo dahil CR nga ito ..

Mabilis syang pumasok at inilabas na ang kanina pa pinipigilang ihi..

Matapos ang nasabing gawain..

Naghilamos si Darius at naghugas ng kamay..

Pero napansin nyang may mga benda ang ilang bahagi ng katawan nya..

Pinagmasdan nya ang sariling repleksyon sa salamin..

Mayroon din syang natitirang pasa sa ilalim ng mata at mangilan ngilang galos..

Mabuti na lamang at hindi napuruhan ang kanyang mukha..

Kundi ay talagang mag huhurementado sya..

Ngumiti sya ng pilit sa salamin at nagpapogi..

"Ang angas ng itsura mo Daruis .. Pogi ka pa rin kahit may bangas ang mukha mo.. " pinuri nya ang sarili..

Ngumiti pa sya at nagpose na parang contestant sa "The Kilabots" ng Eat Bulaga..

Ilang minutong pang uuto sa sarili..

Nagsawa din si Darius at nagpasyang alamin na kung kaninong bahay ba sya naruon..

Naisip nya na isa sa mga kapatid nyang Alas ang kinaroroonan nya..

Pero hindi..

Halos kabisado nilang lahat ang bawat bahay ng isa't isa kaya naisip nya na hindi ito bahay ng kapwa nya alas..

"Oh my.. Nakidnap ata ako.. Na Pogi- Nap ako !.. " biro ni Darius..

Kakatwang kahit na wala syang ka ide-ideya kung nasan sya naroon at ni hindi man lamang sya nakakaramdam ng takot at pangamba..

Naisip nya rin ang mga galos at pasa nya..

"Di naman siguro sila mag aabalang ayusin ang kagwapuhan ko kung hindi nila ako kilala.. " naisip nyang rason..

Hinanap nya ang daan palabas..

Ng mahagilap ang pinto ay dahan dahan nya itong binuksan at sumilip..

"Alaws tao brad.. " pilit nyang kinausap ang sarili..

Pinakiramdaman ni Darius ang katawan..

Ng mapansin na medyo kaya nya nang kumilos ay nagpasya syang lumabas ng kwarto at magmasid..

Ginala ni Darius ang pangingin sa palibot ng hallway..

Maraming kwartong nakasarado ..

Malamang na isa dito ay kwarto ng may ari ng bahay..

Ito marahil ang nagdala sa kanya at malamang na..

"Baka federasyon.. Tapos hinahanda na nyang laspagin ang mura kong katawan .." natatakot na sabi ni Darius sa sarili..

Akmang bababa na sya ng hagdan ng makarinig ng mumunting pagkilos mula sa baba.

Mga kapirasong yabag na halatang nag iingat ng huwag makagawa ng ingay.
.

Di man nya gusto..

Pero unti unting lumakas ang tibok ng puso ni Darius ..

Nakaramdam sya ng kaunting kaba kaya dali dali syang bumalik sa kwarto..

Nagtira sya ng maliit na awang..

Tiniyak nyang hindi nito makikita na may nakasilip sa pinto..

"Sino kaya itong baklang to ?.. " asar na tanong ni Darius..

Tinitigan nya ang bukana ng hagdan..

Unti unting may lumilitaw na ulo..

"Sheeetttt.. ! .. " asar na sabi nya..

Madilim ang paligid kaya hindi maaninag ni Darius ang paparating..

"Mahaba ang buhok.. Babae kaya ?.. Hmm.. pero baka retokada lang.. Makakatikim to ng Suntok ni Darius !.. " gigil nyang wika.

Kahit na kokonti na lang ang natitirang lakas sa katawan..

Lalabanan nya ang nasabing bakla..

"Hah !.. Humanda kang gago ka.. !.. " sabi ni Darius..

Hinanda nya ang sarili sa magaganap na labanan..

Pero napaatras sya ng makitang malapit na ito sa kwartong kinaroroonan nya..

Naunahan si Darius ng takot kaya imbes na komprontahin ang inaakalang bading na nagdala sa kanya sa bahay na iyon..

Pinili nyang muling bumalik sa kama at magtulug tulugan..

Tarantang nahiga sa kama si Darius..

Nagkumot pa sya at sinilip ang pinto..

"Oh my Gad !.. " takot na sabi nya..

Unti unting bumukas ang pinto.

"This is it !.. " bulong ni Darius at mariing pumikit..

Hinintay ang paglapit ng nilalang na pumasok..

Narinig nya ang mga yabag..

Nais magtalukbong ni Darius ng kumot..

Ngunit magiging kahina hinala naman masyado yun..

Kaya pinili na lamang nyang pumikit ng mariin..

Bahala na..

Ilang sandali ang lumipas ng maramdam ni Darius ang paglapit ng kung sinong nilalang sa kanyang kinahihigaan..

Lalong bumibilis ang tibok ng puso nya..

Sinikap nyang maging normal ang sarili upang hindi nito mahalata na gising na sya..

Lumipas ang ilang segundo..

Nananatiling walang pagbabago..

Tila pinagmamasdan lamang sya ng kung sinong nilalang..

Hanggang sa pumihit ito paatras at muling lumabas ng kwarto..

Mabilis na kumilos si Darius.

Iinot inot syang bumangon upang habulin ang nilalang..

Paika ika syang naglakad patungo sa pinto at dahan dahan itong binuksan..

Nilingon nya ang paligid ..

Sa pagbabaka sakaling makilala nya kung sino man ang pumasok sa kwarto..

Pero nakarinig sya ng sumarang pinto..

Napaisip si Darius..

Tinantya nya ang paligid at dahan dahang lumabas..

Nilapitan nya ang pintong sa tingin nya ay pinasukan ng nilalang at nilapit ang tenga dito..

Nakiramdam..

Tinalasan nya ang pandinig ..

Nagsusumikap na makakuha ng kahit konting ideya kung ano o sino ba ang kumupkop sa kanya..

Buong bigat nya ang nakasandal sa pinto..

Ng biglang bumukas ito dahilan para bumagsak sya sa sahig..

"Joweebee !.. " bulong ng babae..

Napangiwi si Darius sa tinamong sakit dulot ng pagkakabagsak..

Dali daling inalalayan ng babae ang binatilyo at pilit na pinaupo.

Inangat ni Darius ang mukha..

Nagtama ang mga mata nila ng babaeng laman ng ilang panaginip nya..

"E-ekang ?.. " bulong ni Darius..

Ngumiti si Dannica at marahang tumango..

"Hi.. " bati nya..

Napalunok si Darius..

Di nya maiwasang suyurin ng tingin ang babaing kaharap..

Tanging pantulog lamang ang suot nito..

Walang salamin na suot..

"A-ang ganda mo.. " tila wala sa sariling naibulong ni Darius..

Napakunot ang noo ni Ekang..

"Ano yon ?.. Di ko narinig Joweebee.. " tanong nya..

Tila namalikmata si Darius.

Marahas nyang pinilig ang ulo at iniwas ang mga mata sa kaharap..

"Ang sakit .. Bakit mo ba kasi binuksan yung pinto ?.. " reklamo nya.

Natawa si Ekang..

"Bakit ka ba kasi nakasandal dyan ?.. " tanong nya.

Natigilan ang binatilyo at naalala ang sitwasyon.

"Oo nga pala.. Nasan ako ?.. " tanong nya..

Napangiti si Ekang..

Akmang sasagutin nya na ang tanong ng binatilyo ng makarinig sila ng boses..

"Aling Midingggg !!!.. Pakigising na nga ho si Dannica at baka ma-late naman sa klase.. " boses ng ina ni Ekang..

Nanlaki ang mga mata ni Dannica..

Di na sya nagdalawang isip pa..

Mabilis syang tumayo at pilit na hinatak si Darius papasok ng kwarto nya..

"Pasok ka Joweebee.. Di alam ni Mama na may ibang tao dito sa bahay !.. " natatarantang bulong nya..

Nanlaki ang mga mata ni Darius at kahit na medyo masakit pa ang katawan..

Pinilit nyang tumayo.

Ng makaalis sa pinto ay mabilis itong sinara ni Ekang.

Kinakabahang nilingon nya ang binatilyo.

"San ako ?.. " tanong ni Darius..

Natigilan si Ekang..

Nilibot nya ang tingin sa malawak nyang silid..

Nakita nya ang kama..

"Dun !, Dun !… Under the bed.. !.. " impit na tili nya..

Napangiwi si Darius at umiling..

"Ngek.. Ang hirap na nga kumilos tapos pagagapangin mo pa ako ?.. Mamaya may ahas pa dyan eh.." reklamo nya.

Pero halos mapatalon silang dalawa ng may kumatok sa pinto..

"Dannica.. Iha gising na daw .. " boses ni Aling Miding..Ang kanilang longtime kasambahay.

Nataranta ang dalawa sa loob..

Nilock ni Ekang ang pinto ay mabilis na lumapit kay Darius..

Piningot nya ang tenga nito at pilit na hinatak patungo sa ilalim ng kama..

"Papatayin ako ng Mama ko kapag nakita nyang may kasama akong iba sa room ko.. At lalaki pa !.. " gigil na tili ni Ekang..

Hinawakan nya ang ulo ni Darius at pilit na pinapagapang sa ilalim ng kama..

Kahit masakit ang katawan..

Sinikap ni Darius na gumapang ..

"May utang ka saken Ekang !.. " gigil na sabi nya sa dalagita..

Kahit na natataranta..

Di makapaniwala si Ekang sa nagawa..

Dati rati ay naiilang syang hawakan man lang si Darius pero napingot nya pa ito..

Di nya maiwasan ang mapangiti ng lihim..

Pero muli itong nawala ng muling marinig ang mahihinang katok sa pinto mula sa kasambahay..

"Dannica.. Alas singko na.. " muling pagtawag nito..

Kinalma ni Ekang ang sarili..

Pero tila bumagsak ang mundo nya ng marinig ang boses ng ina..

"Ano ka ba Dannica ?.. Anong oras na naman oh.. Hindi ka na naman mag aalmusal nyan ?.. " tanong ng Mama nya..

Biglang bumukas ang pinto..

Nataranta si Ekang at mabilis na tumakbo pabalik sa kama..

Bumungad sa kanya ang kasambahay at ang ina..

Napakunot ang noo ng Mama ni Dannica at sinuyod ng tingin ang paligid..

"Gising ka na pala tapos di ka man lang sumasagot.. " sita ng ina..

Pinilit ni Ekang ang ngumiti..

"Sorry Mama.. Medyo groggy pa po ako.. " pagdadahilan nya..

"Bilisan mo ng kumilos.. Kahit kelan ka talagang bata ka.. " sabi nito at mabilis ng lumabas ng kwarto..

Napatayo si Ekang at hinabol ang ina..

"Ma.. Aalis na po kayo ?.. " tanong nya..

Tumango ito at walang lingon lingon na bumaba ng hagdan..

"Di na kayo mag breakfast Ma?.. " tanong nyang muli..

Napahinto sa gitna ng hagdan ang ina ni Ekang..

Tila nag isip.

"Bilisan mo.. Sumabay ka na saken.. " sabi nito..

Nagliwanag ang mga mata ni Ekang at mabilis na kumilos..

Naghilamos sya at nagsepilyo..

Matapos ay sinara nya ang pinto ng kwarto at inakay ang matandang katiwala..

Ilang sandali ang lumipas bago nawala ang mga pag uusap..

Kumunot ang noo ni Darius at nagtaka kung nasaan na ang mga kaninang nag uusap sa silid..

"Nasan na ba yung mga yon ?.. " tanong nya sa sarili..

Dahan dahan syang lumabas mula sa ilalim ng kama..

Napansin nya ang nakasaradong pinto..

"Nakalimutan na ata ako ni Ekang ah.. " naisip nya..

Naupo sya sa kama at nilibot ang tingin sa buong silid..

"Infairness.. Ang ganda ng room ng loka.. " humahangang sabi nya..

Tumayo sya at nagtungo sa isang pinto na sa tingin nya ay banyo.

Di nga sya nagkamali ng makapasok sa loob.

"Tae ang laki.. Pure pink pa.. " puna ni Darius..

Napansin nya ang maraming kolorete na nakadisplay sa ilalim ng salamin..

"Andami naman nitong chuvarness.. Lahat kaya nilalagay nya sa mukha nya ?.. Pero parang di naman sya nagbabago.. " bungisngis na sabi ni Darius..

Lumabas sya sa banyo at muling ginala ang tingin sa paligid..

Napansin nya ang isang pinto.

"Closet siguro.. Parang si Mommy lang.. " sabi nya..

Napailing na lang sya ng wala sa oras..

Nilapitan nya ang pinto at binuksan..

Pagbukas ng pinto ay kusang bumukas ang ilaw..

Tama ang hinala nya..

Closet nga..

At dagsa ang mga damit at sapatos sa loob..

Maayos na nakahilera sa tamang lugar..

Organisado..

Malinis at mabango sa loob..

Di maiwasang mapabilib ni Darius.

"Azteeeegggg.. " wala sa loob na sabi nya habang naglalakad papasok sa loob.

Binuksan ni Darius ang isang drawer..

Tumambad sa kanya ang mga bestida na ang ilan ay nakaplastic pa..

"Tsk tsk.. " sabi nya sa sarili at muli itong sinara..

Napatingin sya sa maraming hilera ng sapatos..

Pamasok at pamasyal..

Nakahilera rin ng maayos..

Naisip nyang guluhin ito .

Pero sa huli ay nagbago ang isip nya dahil baka magalit sa kanya si Ekang.

Nagpasya na si Darius na isara ang closet..

Pagpihit nya para lumabas ay natabig ng kamay nya ang isang hanger..

School uniform ni Ekang..

"Eto siguro ang gagamitin nya for this day.. " sabi nya..

Inayos nya ito at muling sinabit..

Akmang aalis na sya ng may makitang isa pang drawer..

"Ano kayang laman nito ?.. " tanong nya sa sarili..

Dahan dahan nyang binuksan ang nasabing drawer..

Para lamang mapangisi..

"Huli ka Ekang !.. " nakangising bulalas nya..

Tumambad sa kanyang mga mata ang mga underwears ni Ekang..

Mga panty at bra na maayos at nakasalansan sa kinalalagyan nito..

Napahagikgik si Darius at wala sa loob na dinampot ang isang bra..

"Ay ang liit.. Wawa.. Mas malaki pa boobs ko eh.. " pang aasar nya.

Hinawi nya ang mga nakasabit na sando ..

Napakunot noo sya ng may makitang isang kumpol na panties ..

Dinampot nya ang isang kulay pula at napangisi ng todo..

"Tele tubbies ?.. " malawak ang ngisi nya..

Naalala nya ang araw na nagsuot sila ng tropa ng costume ng teletubbies at kulay pula ang suot nya..

"Iuwi ko kaya ?.. Kaso baka maghurumentado yon kapag di nya nakita to dito.. Mukhang gamit na gamit pa naman oh. " pang aasar nya..

Sinuot nya sa ulo ang panty at lumabas ng closet..

Nahiga sya sa kama ni Ekang..

Napangiti sa kapilyuhan..

Muli nyang hinubad ang panty sa ulo at binali baliktad..

"Ang liit nito.. Di siguro kasya sakin to.. " natatawang sabi nya at tiniklop ito ng maayos..

Naisip nyang gamitin ito para ipang asar kay Ekang kaya binulsa nya ito sabay ngiti ng maluwang..

Ilang sandali ay napahawak si Darius sa sikmura..

"Nakoooo.. Pasensya na kayo mga chikiting ko sa tyan.. Di natin bahay to eh.. " pang uuto nya sa sikmura..

Napaupo sya at muling ginala ang tingin sa malawak na silid ni Ekang..

Hanggang sa dumako ang pangingin nya sa tabi ng kama kung saan naka pwesto ang telepono..

Naisip nyang tawagan ang mga magulang…

Pero nagbago ang isip nya ng maalala ang sinabi ng katulong na alas singko pa lang daw..

Siguradong natutulog pa ang kanyang ama at ina..

Kaya sa huli ay nagpasya syang maya maya na lang ..

Hihiga na sana syang muli ng mapako ang tingin nya sa naka frame na litrato ni Ekang..

Naalala nya ito..

Ito yung kuha kung saan nakuha ng dalagita ang award sa Spelling Bee..

"Ngiting ngiti ang loka.. " biro nya..

Dinampot nya ang larawan at pinakatitigan..

"Infairness.. Ang ganda mo dito Ekang.. " bulong nya..

Tila nabatubalani na sya sa mukha ng dalagita..

"You know, you have a pretty eyes.. Pero tinatakpan mo sya ng reading glass mo.. Ngayon ko lang napansin na magaganda pala sila.. " bulong nyang muli..

Bumaba ang tingin nya sa ilong ni Ekang..

"See this nose ?.. Small but pointy.. Matangos sya kahit maliit.. Perfect sa medyo round shaped face mo.. " wala sa loob na banggit ni Darius.

Hinaplos nya ang larawan..

"You have small lips pala.. Ngayon ko lang sila natitigan.. May lipstick ka ba dito ?.. Parang wala.. Pero bakit parang red.. " sabi nya sa sarili..

Pinakatitigan pa ni Darius ang larawan..

"Di ko makita masyado.." wika nya sabay lapit pa ng picture sa mukha..

Napalunok si Darius..

"P-parang hahalikan mo na ko nyan Ekang eh.. " biro nya..

Pero natigilan sya ng halos gahibla na lang ang distansya ng larawan sa mukha nya..

Hindi nya maintindihan pero parang inaantok sya..

Unti unting napapikit si Darius..

Dahan dahang nilalapit ang larawan..

Ng biglang bumukas ang pinto..

"Holy cow.. " bulalas ni Ekang..

Nanlaki ang mga mata ni Darius..

Tila napako sya sa kilalagyan at naging bato.

Mabilis na sinara ni Ekang ang pinto at nilapitan ang binatilyo..

"Anong ginagawa mo ?.. " takang tanong nya..

Napangiwi si Darius..

"N-nililinisan ko lang.. Medyo may alikabok kase eh.. " pagdadahilan nya..

Napakunot ang noo ni Ekang..

"Nililinisan ?.. Eh everyday kong pinipunasan yan ?.. Or else you are kissing my picture ?.. " kunot noong tanong nito..

Nanlaki ang mga mata ni Darius at napahawak sa dibdib..

"My goodness churvaness.. !.. How dare you to say that !.. " napa english sya ng wala sa oras..

Pinigilan ni Ekang ang kiligin..

Pinakunot nya pa ang noo at nagsimangot sa kaharap..

"Pinagnanasaan mo ang picture ko ?.. " tanong nya..

Lalong nagkandailing si Darius..

Binalik nya sa side table ang larawan at mabilis na tumayo..

"Ang galing oh. Malakas na pala ako.. " segway nya sa usapan..

Naningkit ang mga mata ni Ekang..

"Minamaltrato mo ang picture ko ?.. " pigil ang pagbungisngis na tanong nya.

Nanlaki na naman ang mga mata ni Darius..

"Wala sa religion namin yan !.. At anong oras na oh.. Nagugutom na ko !.. " reklamo nya..

Tumalikod na si Darius at nagtungo sa pinto..

"San ka pupunta ?.. " tanong ni Ekang..

"Lalabas.. Kakain na ko.. " determinadong sabi ni Darius.

Nag iinit ang mga pisngi nya.

Ramdam nya na namumula ang mga ito kaya hangga't maaari ay ayaw nyang tumingin sa dalagita..

"Hoy !.. Di ka pa pwedeng lumabas .. " sita ni Ekang..

Napasimangot si Darius at nagdabog..

"Gutom na ko Ekang.. Sa ayaw at sa gusto mo.. Kakain ako.. Nagwewelga na ang mga chikiting ko dito.. " sabi nya sabay turo sa sikmura.

Natawa si Ekang at lumapit sa binatilyo..

Mabilis na lumayo si Darius at nagkunwaring kumakamot sa paa..

"Bakit mo ko nilalayuan ?.. " tanong ni Ekang..

Napailing si Darius at natawa.

"Ang epal mo .. Sige na kung di ako pwedeng lumabas.. Get me some food.. " utos nya..

Pero muling syang napaatras ng lumapit ang dalagita..

"O kita mo.. Iniiwasan mo nga ako.. " sabi ni Ekang..

Napailing si Darius..

"Bilis na kase.. Ako ang lalabas kapag di ka lumabas !.. " banta nya.

Natawa si Ekang at sumuko..

"Fine fine.. Wait me here.. And please.. Don't harass my picture.. Di yan makakalaban sayo eh.. " natatawang biro nya..

Namula ang mga pisngi ni Darius..

Ramdam nya ang pagkapahiya kaya umirap na lang sya sa dalagita..

Natatawang lumabas si Ekang at sinarang muli ang pinto..

Nakahinga ng maluwag si Darius at napahiga sa kama..

Habang si Ekang ay napasandal sa pinto..

Di na naitago ang ngiti ..

"Wag mong pagnasaan ang picture ko Joweebee.. Nandito ako eh.. " pilyang bulong nya sabay nakangiting nagtungo sa kusina..

ITUTULOY !!!